7 Uri NG Pagpapahayag
7 Uri NG Pagpapahayag
7 Uri NG Pagpapahayag
NG
PAGPAPAHAYAG
Paglalarawan/
Deskriptib
PAGLALARAWAN/DESKRIPTIB
1. Pagtingin sa ilalarawan
2. Pagpili ng mga salitang gagamitin
3. Pagsulat o Paglalarawan ng bagay o lugar
o pangyayari
Uri ng Paglalarawan
1. Karaniwang Paglalarawan
Ito ang uri ng paglalarawan na kung
ano ang nakikita, nadarama , naririnig o
di kaya’y nalalasahan, iyon ang
ilalaman sa ginagawang paglalarawan.
Uri ng Paglalarawan
2.Masining na Paglalarawan
Ito ay paglalarawang abstrak na di
mo nakikita nang kongkreto ang larawan
o imahing isinasaad ng manunulat.
MGA DAPAT ISAISIP SA PAGSULAT NG TALATANG
NAGLALARAWAN
1. Balita
2. Editoryal
3. Suring-basa
4. Rebyu
5. Sanaysay
6. Panuto
7. Talumpati
Mga Uri ng Paglalahad
1. Balita
Ito ay isang uri ng pahayag ng mga pangyayaring
naganap na o nagaganap pa sa pali-palibot. Ito'y mga
naganap na sangkot ang tao o ang mga tao, ang
pinangyarihan, kailan nangyari, paano at bakit nangyari.
Anyong imbudo o baliktad na piramide ang
pagsulat ng balita dahil ang unang talata ay naglalahad ng
mga pangyayaring sinasagot ang tanong na ano, sino,
saan, bakit, paano at kailan.
Mga Uri ng Paglalahad
2. Editoryal
Ang bahaging ito ay tungkuling isulat ng editor-in-chief.
Kapag nasa pahayagan na, palagiang lugar nito ang kaliwang bahagi
ng pahayagan, sa alinmang pahina ito nais isulat.
a. Editoryal na Nagpapabatid.
Ito ang uri ng editoryal na ipinaaalam sa madla ang
katotohanan ng mga pangyayari na inilagay/isinulat sa balita.
Ginagawa ito sa tulong ng impormasyon o kaalaman.
Mga Uri ng Editoryal
b. Editoryal na Nagpapakahulugan.
Ang kahulugan ng isang ipinalabas na balita ay binibigyang
linaw sa uring ito ng editoryal
c. Editoryal na Nangangatwiran.
Ito ang uri na binibigyang katwiran ng editor ang isang isyu
sa tulong ng lohikal na paninindigan.
d. Editoryal na Nanghihikayat.
Editoryal na hinihikayat ang madlang mambabasa na
bigyang suporta ang isang inilunsad na gawain o programa.
Mga Uri ng Editoryal
e. Editoryal na Pumupuna.
Editoryal na binibigyang pansin ang mga isyu, ang
kamaliang dito'y naganap at iminumungkahi ang mga nararapat.
f. Editoryal na Nagpapahalaga.
Pinupuri nito o pinahahalagahan ang isang tao, o pangyayari
na naging tampok sa balita.
g. Editoryal na Nanlilibang.
Nakatutuwang ideya ang laman ng editoryal na ito na
nagpapasaya ng madla.
Mga Uri ng Editoryal
h. Editoryal na Sumasalungat.
Ipinahahayag dito ang mga pagsalungat na ginawa mula sa
ibinalita sa ibang pahayagan.
i. Editoryal na Nagtatanggol.
Ito ang editoryal na inihahayag ang mga kamalian na di
naaayon sa pinaniniwalaan ng marami.
j. Editoryal na Nang-uuyam.
Ito ang editoryal na ginagatungan ang damdaming galit ng
mga tao upang papag-alabin ang kalooban ng mga naaapektuhan.
Mga Uri ng Paglalahad
3. Suring-basa
Sa paglalahad na ito, ipinakikita ng
manunuri ang kahalagahan, maging kapintasan ng
akdang binasa. Pinagtutuunan ng pansin ang
kaisipan/diwang nilalaman ng akda, ang
pananalitang ginamit maging istilo ng awtor.
Mga Uri ng Paglalahad
4. Rebyu
Nakatuon ito sa pelikulang pinanood. Sinusuri rin
dito ang kagandahan , kaangkupan ng paksa sa mga
manonood gayundin ang kapintasan ng pelikula kung
mayroon man. Bahagi ng sinusuri sa rebyu ang mga
tauhang nagsiganap, ang tagpuan ng pelikula, ang
sinematograpiya na kinabibilangan ng props, ilaw, musika
at iba pa.
Mga Uri ng Paglalahad
5. Sanaysay
Isa itong uri ng panitikan na tinatalakay ang
isang pangyayari upang maibigay o mailahad ang
kaukulang paliwanag sa ikalilinaw ng paksang
pinag-uusapan. Ang akdang ito ay maaaring maikli
o mahaba. Iniayos na lang sa inihayag ang kuru-
kuro, damdamin, pag-unawa at sa pananaw ng
manunulat.
Dalawang uri ng Sanaysay
1. Pormal na Sanaysay
Ang uring ito ng sanaysay ay nabubuo sa
tulong ng isinagawang pananaliksik ng manunulat.
Ginagawa ang pananaliksik upang lalong
mabigyan ng bigat o lalim ang kanyang talakay
para sa lubusang ikagaganda ng sanaysay.
Dalawang uri ng Sanaysay
2. Di Pormal na Sanaysay
Ito ay paglalahad na di nangangailangan ng gawaing
pananaliksik bago ang kaisipan . Kaswal ika nga ang
paglalahad na animo'y nakikipag-usap lamang, simple ang
pananalitang gamit na maari pang singitan ng mga balbal
na pananalita.
Mga Uri ng Paglalahad
6. Panuto
Sa pagbibigay ng panuto, pagsubok man ito
sa loob ng klasrum o pansariling ipagagawa,
lubhang kailangan ang malinaw na
pagpapaliwanag. Ang simpleng pananalita at
pagbibigay direksyon ay nararapat kung ang
hangarin ay pagkakaunawaan at tamang kilos at
gawa sa nais maganap.
Mga Uri ng Paglalahad
7.Talumpati
Ito'y paglalahad na nagbibigay paliwanag upang siya'y
paniwalaan ng isa o maraming tagapakinig. Maaaring ganapiti sa
isang maliit na umpukan o sa maraming manunuod.
Nauuri ang talumpati sa tatlo:
1. Walang paghahandang talumpati (Extemporaneous)- ito ang
talumpating di binigyan ng mahabang oras na paghahanda sa
sasabihin ng mananalumpati. Kadalasan sa loob lamang ng 3
minutong pag-iisip ng sasabihin ang ibibigay. Ginagawa ito sa mga
patimpalak sa paaralan.
Mga Uri ng Paglalahad
1. Sariling karanasan;
2. Sa narinig o napakinggan ng iba;
3. Napanood sa telebisyon o sa pelikula;
4. Bungang-isip; at
5. Panaginip / Bungang-tulog
Hanguan ng Isasalaysay
1. Sariling Karanasan
Ang pag-alala sa mga naging karanasan ay isang mainam na
paksa dahil ito'y sarili natin. Nagagawa nating palawakin ang mga
pangyayari na di nasisira kung ito'y batay sa orihinal dahil buo ang
ating kaalaman sa tinatalakay.
1. Pangangatwiran Induktibo o
pabuod
Sa uring ito, ang pangangatwiran ay
nagsisimula sa malikot na detalye ng
katwiran tungo sa pangkalahatang
katwiran.
Uri ng Pangangatwiran
Halimbawa:
Nagkaroon ng malawakang rally sa mga daanang matao noong
isang araw.
Halimbawa:
Dapat na pairalin nang mahigpitan ang tamang bigat ng billboard sa
matataong lugar.
2.Di- pormal
Ang tagapangulo ay magpapahayag
ngpaksang pagtatalunan, pagkatapos naipahayag
ang pagtatalo. ang ganitong uring debate ay
maayos na pagpapalitan-kuro at palagay.
Uri ng Pagtatalo
Halimbawa
Paglalahad ng katibayan-40%
Pagtatanong , pangangatwiran at panunuligsa-30%
Pagbigkas-20%
Kilos sa entablado-10%
Maraming
Salamat !