Quarter 3 Module 3 AP 10

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 34

1. Ano para sa iyo ang salitang EQUALITY o Pagkakapantay-pantay?

QUARTER 3 –MODULE 3
DISKRIMINASYON SA KABABAIHAN,
KALALAKIHAN AT LGBT (LESBIAN,
GAY, BI-SEXUAL, TRANSGENDER)
DISKRIMINASYON
• anumang pag-uuri,
eksklusyon, o restriksyon
batay sa kasarian na
naglalayon o nagiging
sanhi ng hindi pagkilala ,
paggalang , at pagtamasa
ng lahat ng kasarian ng
kanilang mga karapatan o
kalayaan.
DISKRIMINASYON

• Madalas na kapag napag-uusapan


ang diskriminasyon , lahi kaagad
ang unang pumapasok sa ating
isip: itim kontra puti, mayaman
kontra sa mahihirap. Minsan
nariyan ang estado sa buhay, ang
taas ng pinag-aralan, pati na ang
eskwelahang pinapasukan, ito pa
ang malala, uri ng trabaho, Maigting
ang diskriminasyon sa LGBT, may
sakit daw sa pag-iisip o hindi
normal. Nilalayuan at
pinandidirihan.
 Mga Personalidad
na Kilala sa Iba’t
ibang Larangan
ELLEN DEGENERES
(LESBIAN)

• isang artista, stand-up comedian at


host ng isa sa pinakamatagumpay
na talk-show sa Amerika, ang “The
Ellen Degeneres Show”. Binigyang
pagkilala rin niya ang ilang
Pilipinong mang-aawit gaya ni
Charice Pempengco.
TIM COOK (gay)
• ang CEO ng Apple
Inc. na gumawa ng
iPhone, iPad, at iba
pang Apple products.
Bago mapunta sa
Apple Corporation
nagtrabaho rin si Cook
sa Compaq at IBM, at
mga kompanyang may
kinalaman sa
computers.
CHARO SANTOS
(babae)
• Matagaumpay na artista
sa pelikula at telebisyon,
nakilala sa longest- running
Philippine TV drama
anthology program
Maalaala Mo Kaya, simula
pa noong 1991. Siya ay
naging president at CEO
ng ABS-CBN Corporation
noong 2008-2015.
DANTE REMOTO
(gay)
• Isang propesor sa
kilalang pamantasan,
kolumnista, manunulat,
at mamamahayag.
Nakilala siya sa
pagtatag ng Ang
Ladlad, isang
pamayanan na binubuo
ng mga miyembro ng
LGBT.
MARILYN HEWSON
(babae)
• Chair, President, at CEO ng
Lockhead Martin Corporation, na
kilala sa paggawa ng mga armas
pandigma at panseguridad, at iba
pang mga makabagong
teknolohiya. Sa mahigit 30 taon
niyang pananatili sa kumpanya,
naitalaga siya sa iba’t ibang
matataas na posisyon. Taong
2017 siya ay napabilang sa
Manufacturing Jobs Initiative sa
Amerika.
ANDERSON
COOPER
(gay)
• Isang mamamahayag at tinawag
ng New York Time na “the most
prominent open gay on American
television.” Nakilala si Cooper sa
Pilipinas sa kaniyang coverage sa
relief operations noong bagyong
Yolanda noong 2013. Kilala siya
bilang host at reporter ng Cable
News Network o CNN.
PARKER
GUNDERSEN
(lalaki)
• Siya ay Chief
Executive Officer ng
ZALORA, isang
kilalang online fashion
retailer na may sangay
sa Singapore,
Malaysia, Brunie,
Philippines, Hong
Kong, at Taiwan.
GERALDINE
ROMAN
(transgender)
• Kauna-unahang
transgender na
miyembro ng kongreso.
Siya ang kinatawan ng
lalawigan ng Bataan.
Siya ang pangunahing
taga-pagsulong ng Anti-
Discrimination bill sa
kongreso.
Pamprosesong tanong:

1.Pangkaraniwan ba ang posisyon na hinahawakan ni Marilyn


Hewson bilang CEO ng Lockhead Martin Corporation na gumagawa
ng armas pandigma at pansiguridad. Bakit?

2.Nakaapekto ba kay Anderson Cooper ang pagiging gay sa


kasikatang kanyang tinatamasa bilang news anchor ng CNN?
Ipaliwanag.

3. Sagabal ba ang oryentasyong seksuwal sa kabataang tulad mo?


 Ang mga Epekto
ng
Diskriminasyon
Uri ng Epekto
Diskriminasyon
Kasarian • Halimbawa, kung nag-aplay kayo sa isang kumpanya at
angkop ang inyong kakayahan at kasanayan, pero hindi
kayo kinuha ng kumpanya dahil babae kayo .
Nakahahadlang ang diskriminasyon sa kasarian sa
pamumuhay ng maayos ng isang tao.

Pisikal na abilidad • Ang diskriminasyon sa pisikal na abilidad ng isang tao ay


malaking hadlang sa paghahanap ng trabaho, pagkilos, at
pag-unlad ng pamumuhay.
• Maaaring dumanas ng depresiyon na puwedeng
magtulak sa pagkitil ng kanilang buhay.
Edad Ang diskriminasyon sa edad ay malaking usapin
lalo na sa paghahanap ng trabaho. Nalilimitahan
ang kilos o ang maaaring gawin o puwedeng
maitulong nito. Nababawasan ang tiwala nila sa
sarili na nagdudulot ng matinding depresiyon.

Edukasyon
Malaking hadlang ang pagkakaroon ng
diskriminasyon pagdating sa usapin ng edukasyon,
lalo na sa paghahanap ng trabaho. Mas napapaboran
at madaling makahanap ng trabaho ang may tinapos
sa kolehiyo kumpara sa nakapagtapos lamang ng
High School.
Katayuan sa buhay Malaking epekto ang usapin pagdating sa
katayuan sa buhay. Kapag mahirap mas
kakaunti ang prebelihiyong natatanggap,
mahirap makuha ang respeto ng iba. At
nararanasang ito ay maaaring magdulot
ng kawalang- tiwala sa sarili na
makaahon sa buhay.

Lahi Isa sa malaking epekto ng diskriminasyon


sa lahi ay ang mabastos ka dahil sa iyong
lahi, kulay, pagkamamamayan, lugar na
pinanggalingan, ninuno, etnikong
pinanggalingan.
Relihiyon Maraming di-magandang epekto ang
pagkakaroon ng diskriminasyon sa
relihiyon; ilan lamang dito ay ang
kawalan ng respeto sa isa’t isa , mas
may napapaboran, nagkakaroon ng
pisikal na awayan na nagdudulot ng
matinding pinsala sa isang tao at sa
kinabibilangan nitong relihiyon.
 Mga Batas na nangangalaga sa Karapatan ng Kababaihan,
Kalalakihan, at LGBT laban sa Diskriminasyon

Republic Act 6725 • Batas na nagbabantay sa karapatan ng kababaihan


pagdating sa pag-aapply sa trabaho.
• Layon ng RA 6725 na labanan ang diskriminasyon sa mga
kababaihan pagdating sa mga kondisyon sa trabaho.
(https://mikeoctubre.wordpress.com/2012/01/04/diskriminasyon)

Republic Act 7192 • Ang pagsasabatas ng Republic Act No. 7192 na tinatawag na
"Women in Development and Nation-Building Act" bilang isang
pangunahing pagsasabatas sa pagsusulong sa kababaihan sa
gawaing pambayan.
• Ang saligang patakaran ng Estado na inilalahad sa WID Act ay
ang pagtatakda ng mga karapatan at pagkakataon sa
kababaihan na kapantay sa kalalakihan.
(https://news.abs-cbn.com/news/03/08/18/alamin-batayangkarapatan- ng-kababaihan)
Seksyon 1557 • Ang Seksyon 1557 ay ang probisyon laban sa
diskriminasyon ng Batas para sa abot-kayang
Pangangalaga (Affordable Care Act).
Ipinagbabawal ng batas ang diskriminasyon
batay sa lahi, kulay, pinagmulang bansa,
kasarian, edad o kapansanan sa mga programa o
aktibidad na pangkalusugan na tumatanggap ng
pinansyal na tulong mula sa Pederal na
pamahalaan, o pinapangasiwaan ng isang
Ehekutibong ahensya o anumang entity na
itinatag alinsunod sa Titulo I ng ACA. Nagkaroon
ng bisa ang Seksyon 1557 mula nang isabatas
ang ACA.
(https://www.hhs.gov/civil-rights/for-individuals/section-1557/tagalog
summary/index.html)
Republic Act • Upang mabigyan ng pantay na pagtrato at oportunidad ang lahat sa trabaho
10911 ay naglabas na si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary
Anti-Age Silvestre H. Bello III ng “implementing rules” o mga patakaran kaugnay sa
Discrimination in anti-age discrimination law.
Employment Act • Ang mga probisyon sa kautusang ito ay sumasaklaw sa lahat ng empleyado,
publisher, kontraktor at sub-kontraktor, at mga labor organization,
rehistrado man o hindi,” ayon kay Bello matapos na lagdaan ang
Department Order No. 170, o ang Implementing Rules and Regulations ng
Republic Act 10911.
(https://psa.gov.ph/sites/default/files/Women%20and%20Men%20in
%20Western%20Visayas%202002.pdf)

Batas Republika • Ipinahahayag dito ang polisiya ng Estado upang pangalagaan at itaguyod ang
Blg. 9155 karapatan ng lahat ng mamamayan para sa pagkakaroon ng batayang edukasyon
na may kalidad at upang gawing bukas para sa lahat ang naturang edukasyon sa
pamamagitan ng pagkakaloob ng bawat Filipino ng isang edukasyong libre at
kinakailangan sa antas ng sekundarya. Kasama sa naturang edukasyon ang mga
sistema ng pagkatutong alternatibo para sa mga kabataang wala sa paaralan at
matatandang mag-aaral.
(https://www.yumpu.com/xx/document/read/42295724/kalagayan-at-karapatan-ng-
kababaihan-cedaw-primer)
Gawain 1 : Tsek o Ekis?

PANUTO. Suriin ang mga pahayag tungkol sa diskriminasyon.


Iguhit ang Tsek (/) kung ang pahayag ay may katotohanan, at
Ekis (X) kung wala. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ang diskriminasyon ay ginagagamit upang ilarawan ang
hindi pantay na pagtrato sa isang indibidwal. _____
2. Hindi nakatatanggap o nakararanas ng diskriminasyon sa
lipunan, akademya, politikal, at iba pa ang mga kalalakihan.
_____
3. Ang mga LGBT ay may tinatagong kuwento,
inilihim at marami sa kanila ang nanahimik dahil
sa takot. _____
4. Ang gawaing panlalaki tulad ng
konstruksiyon at pagwewelding ay hindi kayang
gawin ng mga kababaihan. ____
5. Ang nakararanas ng diskriminasyon ay
nagdudulot ng depresiyon sa kanilang sarili.
_____
SAGOT SA GAWAIN 1. TSEK O EKIS?

1. /
2. X
3. /
4. X
5. /
Gawain 2: IHANAY MO!

Panuto. Piliin sa hanay B ang batas na


tinutukoy ng paglalarawan sa hanay A.
• Isulat ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel.
HANAY A HANAY B

1. Batas para sa Abot-kayang Pangangalaga (ACA). a. Batas Republika Blg.


9155
2. Batas na nagbabantay sa karapatan ng kababaihan pagdating sa pag-aapply b. Seksyon 1557
sa trabaho.

3.Tinatawag na “Women in Development and c. Republic Act Building


Nation-Building Act” Act.” 10911

4. Upang mabigyan ng pantay na pagtrato at oportunidad d. Republic Act d. Republic Act 7192
ang lahat sa trabaho ay naglabas na ang Department of Labor and Employment
(DOLE) Secretary Silvestre e. Republic Act H. Bello III ng implementing rules o
mga patakarang
may kaugnayan sa anti-age discrimination law.
5.Ipinahahayag dito ang polisiya ng Estado upang e. Republic Act 6725
pangalagaan at itaguyod ang karapatan ng lahat ng
mamamayan para sa pagkakaroon ng batayang
edukasyon na may kalidad at upang gawing bukas
sa lahat ang naturang edukasyon sa pamamagitan
ng pagkakaloob ng bawat Filipino ng libreng edukasyon.
SAGOT SA GAWAIN 2. IHANAY MO!

1. b
2. e
3. c
4. d
5. a
Tandaan !!!

• Ang pag-intindi at pagpapalawak sa kaalaman sa


diskriminasyon sa mga kalalakihan, kababaihan at higit
sa lahat sa LGBT dahil sa kanilang oryentasyong
sekswal at identidad sa kasarian ang magbibigay ng
positibong aksiyon o tugon tungo sa pagkakapantay-
pantay sa mga oportunidad sa buhay hindi hadlang
ang kasariano oryentasyong sekwal sa paghahanap ng
maganda at marangal na trabaho.
Pagtataya

PANUTO: Sagutin ang sumusunod na tanong. Limang puntos


ang bawat isa.
1. Ibigay ang probisyon o layunin ng Batas Republika Bilang
9155.
2. Ipaliwanag ang kahalagahan ng batas na ito sa
pagkakaroon ng pagkakapantay-pantay na karapatan ng
bawat tao sa iba’t ibang kasarian.
Pamantayan sa pagmamarka

Pamantayan Indikator Puntos Natamongpuntos

Nilalaman Naipaliwanag nang maayos 5


ang probisyono la yunin ng
batas.

Kaangkupan ng Maliwanagat angkop ang 5


konsepto mensahe sa
pagpapaliwanagsa
kahalagahanng batas.

Kabuuan;
Kasunduan
Magsaliksik ng balitang may
kinalaman sa KARAHASAN SA
KABABAIHAN, KALALAKIHAN
AT LGBT (LESBIAN, GAY, BI-
SEXUAL, TRANSGENDER) .
Maaring kumuha ng
impormasyon sa newspaper o
maaaring magsaliksik mismo sa
website ng network na
nagbalita.
THANK YOU AND HAVE
A GOOD DAY !!!

You might also like