Modyul 2 Ap Handout

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

MODYUL 2: DISKRIMINASYON SA KABABAIHAN, KALALAKIHAN, AT LGBT

Diskriminasyon – hindi patas o hindi makatuwirang pagtingin o pagtrato sa isang tao o sa isang grupo
ng mga tao dahil sa kanilang anyo, lahi o rasa, paniniwala o relihiyon, kasarian, gender o seksuwalidad,
at iba pa.

PAKSA 1: Kahulugan at mga Anyo ng Diskriminasyon sa Kababaihan at LGBT

Diskriminasyon sa kasarian o gender discrimination

- Kilala rin bilang diskriminasyong seksuwal (sexual discrimination)


- Anumang aksiyon na nagkakait ng mga oportunidad, pribilehiyo, o gantimpala sa isang tao o
isang grupo dahil sa kasarian.
- Ang diskriminasyon batay sa gender o sex ay isang paglabag sa mga karapatang sibil.
- Ang kababaihan at ang mga miyembro ng LGBTQ+ community ang pangkaraniwang biktima nito.
- Ito ay makikita sa maraming anyo:
 Seksuwal na panliligalig (sexual harassment)
 Diskriminasyon sa pagbubuntis (pregnancy discrimination)
 Hindi pantay na bayad o sahod para sa kababaihan o miyembro ng LGBTQ+ na
gumagawa ng parehong trabaho tulad ng sa mga lalaki

Halimbawa ng Diskriminasyon sa kababaihan at LGBT:

1. Ang pagiging babae o LGBTQ+ ng isang tao ay ginawang salik o kadahilanan para hindi siya
kunin sa trabaho o hindi siya makatanggap ng isang promosyon.
2. Kapag ang kasarian ay ginawang kadahilanan sa iba pang mga desisyon tungkol sa mga
oportunidad, gaya sa mga benepisyo at pribilehiyo.
3. Paggamit ng banyo ng isang transgender

May isang batas sa North Carolina, na ipinasa noong 2016, na nagtatakda na ang
paggamit ng banyo ay batay sa sex na nakalista sa sertipiko ng kapanganakan ng mga tao, hindi
sa kanilang gender. Gayunpaman, ang batas ay kinuwestiyon sa korte, at noong 2019, pinagtibay
ng hukuman ang karapatan ng mga transgender na gumamit ng banyo ayon sa kanilang gender.

Sa Pilipinas, nag-viral sa social media noong Agosto 2019 ang Facebook live video ng
isang transgender woman na si Gretchen Custodio Diez. Sa video ay sapilitan siyang hinihila ng
janitress ng isang mall sa Cubao, Quezon City, matapos siyang sitahin dahil nakapila ito sa
women’s cr ng mall. Nang dinala siya sa security office ng mall ay nakaranas siya ng
pangungutya. Dinala siya sa Cubao Police Station at kalauna’y sinampahan ng kasong unjust
vexation sa Camp Karingal, kung saan dinetene siya, bagama’t agad ding pinalaya at kalaunan
ay humingi ng tawad ang janitress. Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, may naging
paglabag ang mall sa gender fair ordinance – ang ordinansa na nagbabawal sa mga
establisimyento na mag-discriminate sa mga tao batay sa kanilang gender identity and
expression at sexual orientation.
PAKSA 2: Diskriminasyon sa Kalalakihan

Ayon sa isang survey na isinagawa sa limang bansa (Bulgaria, Cyprus, Denmark, France, at UK),
malaking bilang ng kalalakihan ang nakararanas ng mas nakararami ang mga babae kumpara kumapara
sa mga lalaking manggagawa, tulad ng sa mga serbisyong nauugnay sa kalusugan (health-related
services)

Ang mga kasong ito ay isang anyo ng tinatawag na "saliwang diskriminasyon" (reverse
discrimination), diskriminasyon laban sa mga kabilang sa nangingibabaw o mayoryang grupo, na pabor
sa mga kasapi ng isang minoryang grupo o disadvantaged group.

Mga halimbawa ng "saliwang diskriminasyon" na may kinalaman sa diskriminasyon laban sa mga


lalaki:

1. Ang paggawa ng mga desisyon ukol sa hiring ng isang kumpanya na pabor sa kababaihan o
miyembro ng LGBTQ+ sa kabila ng nakahihigit na karanasan o kakayahan sa trabaho ng isang
lalaking aplikante.
2. Ang pagkakaloob ng promosyon sa kababaihan o mga miyembro ng komunidad ng LGBTQ+,
dahil sa kanilang kasarian, kahit na may mas kuwalipikado o mas matagal na sa trabaho na
kalalakihan.
3. Pagtanggi sa isang aplikanteng makapasok sa paaralan, samantalang tinatanggap naman ang
mga babae o miyembro ng LGBTQ+ community batay sa kanilang gender o kasarian.
4. Pagkakaloob ng ayuda para lamang sa mga babae o miyembro ng LGBTQ+ community batay sa
kanilang gender o kasarian, kahit na may kalalakihan na higit na nangangailangan.

PAKSA 3: Ang Diskriminasyon sa Kasarian sa Lugar ng Trabaho

Ang diskriminasyon sa kasarian sa lugar ng trabaho (workplace gender discrimination) ay


may maraming magkakaibang anyo, ngunit ito ay karaniwang nangangahulugan na ang isang empleyado
o isang aplikante sa trabaho ay tinrato nang hindi patas o hindi makatuwiran dahil sa kaniyang gender o
kasarian, o dahil siya ay kaanib ng isang samahan o grupo na nauugnay sa isang partikular na gender o
kasarian.

Narito ang ilang mga halimbawa o anyo ng diskriminasyon sa kasarian sa lugar ng trabaho:

1. Hindi ka tinanggap sa trabaho, o binibigyan ka ng isang posisyon na mababa ang sahod dahil sa
iyong kasarian (halimbawa, kapag ang isang tagapag-empleyo ay tumatanggi na kumuha ng
kababaihan o LGBT, o kaya ay kababaihan lamang ang kinukuha para sa ilang mga trabaho).
2. Binabayaran ka ng mas mababa kaysa sa isang katrabaho na may ibang gender na kalebel mo
lang (o mas mababa pa ang kuwalipikasyon sayo) o kapareho mo lang ng ginagawa (o mas
kaunti o madali pa ang ginagawa kaysa sa iyo).
3. Pinagkaitan ka ng promosyon, pagtaas ng suweldo, o oportunidad sa pagsasanay na ibinigay sa
mga tao na may ibang kasarian na kapantay mo o kapareho mo ng kuwalipikasyon.
4. Iniuulat o dinidisiplina ka para sa isang bagay na lagi namang ginagawa ng iba pang mga
empleyado na may ibang kasarian, kung saan ay hindi naman sila pinarusahan kailanman.
5. Iniinsulto ka, tinatawag ng mga mapanirang pangalan o mga paninira dahil sa iyong kasarian, o
nakaririnig ka ng mga hindi magandang pahayag tungkol sa mga tao dahil sa kanilang sex,
gender, o gender identity.

6. Sinasadya o paulit-ulit na tinatawag ka sa isang gender-based na tawag o iniuuri ka at tinatawag


sa kasariang hindi mo naman kinabibilangan (tulad ng kapag ang isang transgender na lalaki ay
tinawag sa kaniyang dating pambabaeng pangalan o tinatawag na "Miss").
7. Ginagawan ka ng seksuwal na pambabastos, o hinihingan ka ng mga seksuwal na pabor, o
ginagawan ka ng verbal o pisikal na panliligalig (harassment) na may seksuwal ang anyo dahil sa
iyong gender.
8. Tinanggihan ka sa trabaho, pinilit na umalis, o binigyan ng mas kaunting mga gawain dahil sa
pagiging buntis.
9. Ipinailalim ka sa mas mataas na pamantayan, o ginawang mas mahigpit ang kuwalipikasyon para
sa iyo, dahil sa iyong kasarian, o dahil hindi ka kumikilos o hindi mo ipinipresenta ang iyong sarili
sa paraang umaayon sa tradisyunal na mga ideya ng pagkababae o pagkalalaki.

PAKSA 4: Mga Salik na Nagiging Dahilan ng Pagkakaroon ng Diskriminasyon sa Kasarian

1. Relihiyon at Kultura
2. Pisikal na Kaanyuan
3. Trabaho
4. Edukasyon

1. Relihiyon at Kultura

Maraming kultura ang naglalagay sa mga babae sa ilalim ng mga lalaki. Maging ang mga Banal
na Kasulatan ng maraming relihiyon ay nagpapahiwatig nang higit na katayuan ng kalalakihan. Ito rin
marahil ang dahilan kung bakit sa maraming bansa, lalo na sa nakaraang panahon, walang karapatan
ang mga babae na bumoto at kumandidato sa halalan.

Ang tradisyonal na paniniwala sa maraming kultura na sinasang-ayunan ng mga Banal na


Kasulatan ay dalawa lamang ang tanggap na kasarian (gender) – ang lalaki at babae. Ang ganitong
paniniwala ay natural na nagbubunga ng diskriminasyon sa mga taong lilihis sa kategoryang lalaki at
babae.

2. Pisikal na Kaanyuan

Ang pisikal na kaanyuan ay madalas ding maging salik sa diskriminasyon ukol sa gender. Ang
mga babae ay pangkaraniwan nang nakikita bilang mas maliit at mas mahihina. Kung nag pagiging
brusko ay tanggap na katangian ng mga lalaki, ang mga babae naman ay inaasahan na maging
mahinhin.

3. Trabaho

Ang trabaho ay nagsisilbi ring salik ng diskriminasyon sapagkat may mga uri ng hanapbuhay o
propesyon na parang nilikha lamang sa “mas malakas” na kasarian – ang lalaki.

May mga hanapbuhay halimbawang nangangailangan ng pisikal na lakas ng kalalakihan kaya’t


madalas na ang mga ganitong uri ng trabaho ay hindi ibinibigay sa mga babae o sa mga kabilang sa iba
pang gender.
4. Edukasyon

May mga kursong pinaniniwalaang dapat kunin ng lalaki lamang o kaya ay ng babae lamanag. Ang
ganitong patakaran ay lalong nagpapaigting sa paniniwalang ang mga gender ay hindi magkakapantay.

You might also like