Epp 4 Q2 W2 PPT

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 136

EPP 4 D

Kaalaman sa Pagtatanim ng A
Halamang Ornamental Y
1
Quarter 2 Week 2
BALIKAN NATIN

Anu-ano ang uri ng mga halamang ornamental?


Bigkasin ang tula. Unawain itong mabuti

at sagutan ang mga sumusunod na katanungan.


Tayo’y Magtanim
ni Emma E. Retuta

Tayo’y magtanim paligid pagandahin.


Iba’t ibang uri ng halaman ating itanim sa bakuran at
kapaligiran. Pwedeng namumulaklak na halaman meron
ding palumpon. Gumamela, Rosas, Boungainvilla,
Sampaguita at Santan
Punong maliliit na nagbibigay lilim at sariwang hangin

San Francisco, fortune, pako at niyog-niyogan ay ilan

lamang. Itanim sa paso palamuti sa tahanan at pagkakitaan.

Mabangong halimuyak maganda sa pakiramdam.


Halamang gamot upang sakit ay dagling malunasan

Kaaya-aya sa paningin, suliranin natin ay mapapagaan.

Dagdag na kita sa pamilya na pwedeng ibenta.

Kaloob ng maykapal na dapat pangalagaan.


Tanong:

1. Anu-ano ang mga halamang ornamental ang

nabanggit sa tula?

2. Ano ang mga kapakinabangan ang dulot ng

pagtatanim ng mga halamang ito?


ALAMIN NATIN

Ang pagtatanim ng mga halamang ornamental ay malaking


tulong na puwedeng pagkakitaan ng pamilya. Patuloy ang interes ng
mga tao sa mga halamang ornamental dahil nakakapagpaganda ito ng
tanawin sa iba’t ibang lugar tulad ng loob at labas ng bahay, parke,
restaurant, hotel, resort, atbp. sa pamamagitan ng paglalandscape tulad
ng mga ipinapakitang larawan sa ibaba.
Sa pagtatanim ng halamang ornamental ay marami

tayong kapakinabangang makukuha. Magagamit mo ang

iyong bakanteng oras at panahong wala kang ginagawa.


Maaari mo itong gawing libangan, gawing pagkakakitaan
ang pagtatanim ng marami upang maibenta, makatutulong ito sa
gugulin at pangangailangan ng pamilya, tumutulong upang
luminis ang hangin mawala ang polusyon, maaaring makagamot
sa sakit ang halamang gamot, nagpapaganda sa kapaligiran,
nagpapasaya sa damdamin at lungkot ay pinapawi.
Panuto: Basahin at unawain ang bawat

pangungusap. Iguhit ang masayang mukha kung

tama ang isinasaad ng pangungusap at

malungkot na mukha kung mali.


______ 1. Maaring pagkakakitaan ang mga halamang

ornametal.

______ 2. Ang paghahalaman ay hindi nababagay sa

siyudad o urban.

______ 3. Mahirap gawing palamuti ang halamang

ornamental.
______ 4. Maaaring makita ang halamang

ornamental kahit saan lugar.

______ 5. Ang halamang ornamental ay hindi

puwede sa loob ng bahay.


SUBUKAN NATIN

Panuto: Punan ng tsek / ang patlang kung wastong

kaalaman at kasanayan sa pagtatanim ng halamang

ornamental ang ipinapakita at ekis X kung hindi wasto.


1. Ang halaman ay mahalaga kaya’t dapat alagaan tuwina.

2. Ang paghahalaman ay nakakainip na libangan.

3. Ang paghahalaman ay nakakainip na libangan.


4. Ang pagtatanim ng halamang ornamental ay
pwedeng pagkakitaan.

5. Ang pagtatanim ng mga halaman ay


nakapagpapaganda sa kapaligiran, nagpapasaya sa
damdamin at lungkot ay pinapawi.
PAGLALAPAT

-Bilang isang mag-aaral, paano mo gagamitin ang iyong

kaalaman sa pagtatanim ng mga halamang ornamental

upang makatulong ka sa pangangailangan ng iyong

pamilya?
PAGLALAHAT NG ARALIN

- Bakit maraming tao ang nagkakainteres na

magtanim ng halamang ornamental?

-Ano ang mga pakinabang nito sa ating pamilya at

pamayanan?
PAGTATAYA

Panuto: Piliin ang titik ng dapat gawin na

angkop sa bawat sitwasyon.


1. May dala-dala si Ana na sanga ng mga halamang
namumulaklak. Ano kaya ang kanyang gagawin sa mga
halaman?
a. gugulayin
b. ilalaga
c. itatanim
d. itatago sa loob ng bahay
2. Binabasa ni Jason ang listahan ng pakinabang sa
paghahalaman. Ang lahat ay tama. maliban sa isa alin ito?
a. nakalilibang na gawain
b. nagpapaganda sa kapaligiran
c. mapagkakakitaan
d. nasasayang ang oras at panahon
3. Naiinip si Sandra sa bahay dahil walang pasok. Anong
kapakipakinabang na gawain ang maari niyang gawin para
sa pamilya at pamayanan?
a. panonood ng T.V. maghapon
b. patatanim ng halaman
c. paglalaro sa labas ng bahay.
d. matulog na lang ng matulog
4. Pinagmamasdan ni Joy ang kanilang kapaligiran, harap at
likod ng kanilang bahay. Maya-maya pa ay napangiti siya sa
kanyang nakita. Ano ang nagpangiti kay Joy?
a. mga basura sa tabing daan
b. mga namumulaklak na halaman
c. mga nabubulok na prutas
d. mga asong dumudumi sa daan.
5. Maaring mapagkitaan ang pagtatanim at pagbebenta ng
mga halaman. Ang pangungusap na ito ay _______.
a. Kasinungalingan
b. Mali
c. Tama
d. Hindi ko alam
KARAGDAGANG GAWAIN

Panuto: Isulat ng mga nawawalang mga salita sa

bawat patlang upang mabuo ang maikling kwento.

Piliin ang wastong sagot sa ilalim ng kwento na nasa

loob ng kahon.
Si Mang Jose ay isang ama ng tahanan na nais
maimulat ang kanyang anak na si Gloria sa mga
kaalaman at kasanayan sa pagtatanim ng halamang
ornamental upang magkaroon siya ng gawain at
paglibangan sa mga libre niyang oras.
Batid ni Mang Jose na mahihirapan si Gloria sa una, ngunit
nakahanda siyang gabayan ang anak at ituro ang mga
1._________ na dapat sundin. Ipinaliwanag din niya ang
kahalagahan ng paghahalaman.

a. damo b. diniligan c. mapagkakitaan


d. kasanayan at kaalaman e. pag-iingat
Matiyagang sinubaybayan ni Mang Jose ang anak, at di
nagtagal natutuhan at nagustuhan ni Gloria ang pagtatanim ng
halamang ornamental. Sinabi sa ama na magtanim pa sila ng
marami namumulak upang maibenta at 2. _________.

a. damo b. diniligan c. mapagkakitaan


d. kasanayan at kaalaman e. pag-iingat
Upang maiwasan niyang masaktan ay masusing
at ibayong 3. ___________ ang kanyang ginawa.
Tumulong si Gloria sa pag-aalis ng mga bato at 4.
_______.

a. damo b. diniligan c. mapagkakitaan


d. kasanayan at kaalaman e. pag-iingat
Matapos nilang magtanim ay 5. _________ ni

Gloria ang bago nilang tanim upang di-malanta.

Masayang-masaya si Gloria.

a. damo b. diniligan c. mapagkakitaan


d. kasanayan at kaalaman e. pag-iingat
EPP 4 D
Kaalaman sa Pagtatanim ng A
Halamang Ornamental Y
2
Quarter 2 Week 2
BALIK ARAL

- Bakit maraming tao ang nagkakainteres na

magtanim ng halamang ornamental?

-Ano ang mga pakinabang nito sa ating pamilya at

pamayanan?
Awitin ang “Halina’t Magtanim” sa himig ng

awiting “Magtanim ay Di Biro”

Halina’t Magtanim

ni Emma E. Retuta
Halina’t tayo’magtanim, bakura’y pagandahin
Piliin punlang matataba
Mga kagamita’y ihanda
Lupa’y ating bungkalin, mga damo ay alisin
Sundin ang dapat gawin
Gabay ng magulang ating hingin.
Halina, halina tayo’y magtanim

Dagdag kita ito sa atin Nakalilibang na gawain

Dapat nating pamalagiin.


Magtanim ng gulay at gamot na halaman
Mga tanim na namumunga, na
mapagkakakitaan
Mayroon ding namumulaklak nagpapaganda
ng kapaligiran
Panuto: Mula sa iyong inawit, piliin ang mga

kasanayan at kaalaman sa pagtatanim ng

halamang ornamental. Isulat ito sa iyong

kwaderno.
ALAMIN NATIN
Sa paghahalaman ay may mga pamamaraan na kailangan nating

isaalang-alang gaya ng pagiging matiyaga sa:

• pagdidilig araw-araw

• paglalagay ng abono

• paglagay sa lugar na nasisikatan ng araw


• pagbubungkal para madaling masipsip ang tubig at makahinga

ang mga ugat,

• paglilinis o pagtanggal ng mga damo upang di maagawan ng

sustansya ng lupa

• paglayo o pag-iwas sa mga mapaminsalang hayop


Mahalagang alam mo ang mga kasanayan o paraan ng pagtatanim
upang makasigurong mabubuhay at lalago ang halamang itatanim.
Narito ang ilan mga tamang hakbang na dapat sundin. Humanap ng
bakanteng lote na pwedeng pagtaniman kung wala maaaring
magtanim sa, paso lata o boteng plastic na patapon ngunit maaari
pang taniman, pumili din ng halaman na madaling buhayin at lumago.
Bungkalin ang lupa, durugin, alisan ng damo at bato. Hukayin
ang lupang pagtataniman ng halaman, ibaon ang halaman sa
hukay, siguraduhing nakabaong mabuti maaaring diinan ang
lupa sa bandang puno upang maging matatag, matibay ang
pagkakatanim at pagkabaon pagkatapos ay diligan ng marahan
at siguraduhing basang-basa ang lupa.
Sa umaga at hapon lang maaaring magtanim
upang dimalanta ang tanim. Diligan ito araw-araw, sa
umaga at hapon. Ibalik ang mga kagamitan sa tamang
lagayan o ligtas na taguan. Hingin palagi ang gabay
ng magulang o nakatatanda.
Panuto: Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay

nagpapahayag ng tamang kaisipan tungkol sa mga

kasanayan at kaalaman sa pagtatanim ng halamang

ornamental at Mali naman kung hindi.


_____1) Ang pagtatanim ng halaman ay laging may

kasamang pag-iingat.

_____2) Piliin ang mga gawain sa pagtatanim na angkop sa

iyong edad at kakayahan.

_____3) Ibinabalik ang kagamitan sa tamang lagayan

pagkatapos gamitin.
_____4) Hingin ang tulong ng nakakatanda kapag

magtatanim.

_____5) Dapat nating alamin at pag-aralan ang mga

pamamaraan sa paghahalaman.
SUBUKAN NATIN

Panuto: Punan ng tsek / ang patlang kung wastong


kaalaman at kasanayan sa pagtatanim ng halamang
ornamental ang ipinapakita at ekis X kung hindi
wasto.
_____1) Huwag hayaang matuyo ang mga halaman.
_____2) Siguraduhing malinis ang lupang pagtataniman.
_____3) Alamin ang mga katangian ng halamang dapat itanim.
_____4) Dapat magsuot ng pananggalang sa sikat ng araw.
_____5) Palagi sumasangguni sa mga nakatatanda.
PAGLALAPAT
Panuto: Ibigay ang mga pamamaraan sa pag-aalaga sa
halamang ornamental tulad ng rosas. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
1. ________________________
2. ________________________
3. ________________________
4. ________________________
5. _______________________
PAGLALAHAT NG ARALIN

-Anu-ano ang mga tamang pamamaraan

at hakbang sa pagtatanim ng mga

halamang ornamental?
PAGTATAYA

Panuto: Piliin ang titik ng dapat gawin na

angkop sa bawat sitwasyon.


1. Nakahanda ng magtanim ang mag-anak ni Aling Sion,
nalinis na nila ang lupang pagtataniman. Ano ang susunod
nilang hakbang na gagawin?

a. ibabaon ang halaman


b. didiligan ang mga tanim
c. bubungkalin ang lupa
d. lahat ay tama
2. Pumipili si Ana ng halamang ornamental na madaling
buhayin at mapalago. Alin ang kanyang pipiliin?
a. orchids
b. santan
c. calalily
d. tulips
3. Si Joshua ay sampung taong gulang na at gusto niyang
matutuhan ang pagtatanim ng halamang ornamental. Kanino
siya magpapaturo?
a. kay bunso
b. sa kapitbahay
c. kay nanay
d. sa kanyang kaibigan
4. Natapos ng magtanim si Kardo. saan dapat ilagay ang mga
kagamitang ginamit niya sa pagtatanim?
a. sa kusina
b. isasandal sa likod bahay
c. isasabit sa kisame
d. ilalagay sa bodega o lalagyanan ng mga kagamitan sa
pagtatanim
5. Si Sally ay magtatanim ng halaman, anong kasuotan ang
dapat niyang isuot para ma proteksyunan siya sa init ng araw?
a. pantulog
b. damit na may manggas
c. pang--alis
d. kapote
KARAGDAGANG GAWAIN
Panuto: Isasagawa mo na ang pagtatanim sa mga bakanteng

lote sa inyong bakuran. Kung walang bakanteng

mapagtataniman, maaari kang magtanim sa lata, paso o kahit

anong plastic na patapon na pwedeng mo pang pagtaniman.


KARAGDAGANG GAWAIN
Siguraduhin mong masusunod ang mga kasanayan at
mga kaalamang iyong natutuhan. Pumili ka ng uri ng
ornamental na madaling mabuhay at lumago. Isagawa ang
pagtatanim gabay ang Rubrics sa ibaba. Palagyan ng marka sa
kasamang nakatatanda sa bahay kung nasunod mo ang mga
pamantayan.
Pamantayan 100 95 90 85 80

1. Nakasunod sa mga wastong hakbang sa


pagtatanim ng mga halamang ornamental.

2. May kapakinabangang makukuha sa


itinanim na halaman

3. Nagamit ng tama ang mga kagamitan at


naisauli sa tamang lagayan.

4. Maaring pakinabangan ng pamilya at


pamayanan ang itinanim na halaman

5. Humingi ng paggabay ng nakatatanda sa


pagtatanim.
EPP 4 D
Pakinabang sa Pagtatanim ng A
Halamang Ornamental Y
3
Quarter 2 Week 2
BALIK ARAL

-Anu-ano ang mga tamang pamamaraan at

hakbang sa pagtatanim ng mga halamang

ornamental?
Basahin ang kuwento at sagutin ang sumusunod na tanong.
Siya si Lana, isang batang mahilig magtanim ng mga halamang
ornamental. Makikita mo ang munti niyang hardin na may ibat ibang
uri ng halamang namumulaklak at di- namumulaklak.
Kaya naman naging maganda ang kanilang bakuran

dahil sa makukulay at mayayabong na mga bulaklak at

dahon nito. Katulong ni Lana ang kanyang kapatid sa

pag-aalaga ng kanyang munting hardin


Araw-araw ay dinidiligan niya ang mga ito at kung

minsan ay kinakausap na tila isang tao. Labis na

kasiyahan ang naidudulot ng mga halamang ito kay

Lana at sa kanyang pamilya.


Mga Tanong:

a. Sino ang batang mahilig magtanim ng halaman?

b. Anu-anong uri ng halaman ang makikita sa kanyang hardin?

c. Anu-ano ang mga pakinabang ni Lana sa pagtatanim ng mga

halamang ornamental?
d. May maganda bang naidulot sa pamilya ni Lana ang

pagtatanim ng mga halamang ornamental?

e. Sa iyong palagay, masaya ba si Lana sa pagtatanim ng mga

halamang ornamental? Bakit?


ALAMIN NATIN

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga

kapakinabangan ng pagtatanim ng halamang

ornamental :
1. Nakapipigil sa pagguho ng lupa at pagbaha- Kumakapit
ang mga ugat ng mga punong ornamental sa lupang taniman
kaya nakakaiwas sa landslide o pagguho o pagkaanod ng lupa.
Ang mga punong ornamental ay nakatutulong din upang
maiwasan ang pagbaha dahil sa mga ugat nito na sumisipsip
ng tubig.
2. Nagagamit ang mga halaman/ punong ornamental upang
mabawasan ang polusyon sa pamayanan na dulot ng maruming
hangin na nagmumula sa mga usok ng sasakyan, sinigaang
basura, usok mula sa mga pabrika at pagsusunog ng basura.
Sinasala pa ng mga punong ito ang maruruming hangin at
pinapalitan ito ng malinis na oksiheno (oxygen) na siya nating
nilalanghap.
3. May mga matataas at mayayabong na halamang
ornamental na nagbibigay ng lilim ( shade ) gaya ng
kalachuchi, ilangilang, pine tree, fire tree, at marami pang
iba na maaaring itanim sa gilid ng kalsada, kanto ng isang
lugar na puwedeng masilungan ng mga tao.
4. Maaaring maibenta ang mga halamang ornamental na
hindi naitanim o naipunla o naitanim sa paso , sa mga itim
na plastik bag o lata na puwedeng ibenta. Na kung saan
ang napagbilhan nito ay maaaring gamiting panustos sa
pang araw-araw na gastusin.
5. Sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga halamang
ornamental sa paligid ng tahanan, parke, hotel, mall, at iba
pang lugar, ito ay nakatatawag ng pansin sa mga dumadaan
na tao lalo na kung ang mga ito ay namumulaklak at
mahalimuyak bukod sa nakapagpapaganda ng kapaligiran.
Panuto: Gumuhit ng bulaklak kung ang pangungusap ay

nagsasaad ng pakinabang sa pagtatanim ng halamang

ornamental at dahon kung hindi.


_____1) Ang pagtatanim ng mga halamang ornamental ay
isang gawaing nagiging pinagkakakitaan ng pamilya.
_____2) Ang mga halamang ornamental ay nagdudulot ng
polusyon sa kapaligiran.
_____3) Nakapagpapaganda ng kapaligiran ang pagtatanim
ng mga halamang ornamental.
_____4) Ang pagtatanim ng mga halamang ornamental ay
nakatutulong sa pagpigil ng pagguho ng lupa.
_____5) Ang mga halamang punong ornamental ay
nagbibigay ng sariwang hangin.
_____6) Nagbibigay ng lilim at sariwang hangin ang mga
halamang ornamental.
_____7) Sinasala ng mga puno ang maruming hangin sanhi

ng usok ng mga sasakyan at pagsusunog ng mga basura.

_____8) Kapansin-pansin ang mga halamang ornamental

dahil sa makukulay na mga bulaklak at dahon nito.


_____9) Maaring ibenta ang mga tanim na halamang

ornamental.

_____10) Malaking kapakinabangan ang naidudulot ng

pagtatanim ng mga halamang ornamental


SUBUKAN NATIN

Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap.

Lagyan ng tsek (/) kung sumasang-ayon at ekis (x) kung

hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.


______1. Ang pagtatanim ng mga halamang

ornamental ay nagbibigay kasiyahan sa nagtatanim

bukod pa sa ito ay nagsisilbing daan upang may

bagong pagkakitaan.
______2.Naiiwasan ang polusyon dahil nililinis ng mga

punong ornamental ang maruming hangin na dulot ng usok

ng sasakyan, usok mula sa pabrika, usok mula sa sigarilyo,

at usok mula sa sinigaang basura.


______3. Ang mga halamang ornamental ay walang

naidudulot na mabuti sa pamilya at iba pang tao sa

pamayanan.
______4. Ang pagkakaroon ng sariwang hangin ay

biyaya ng kalikasan na hindi dapat pangalagaan.

______5. Maaring ipagbili ang mga itinanim na

halamang ornamental.
PAGLALAPAT
Panuto: Gumuhit ka ng isang larawan na tumutugon sa
pakinabang na dulot ng pagtatanim ng mga halamang
ornamental sa pamilya o pamayanan. Maaari kang pumili
sa mga sumusunod na pakinabang ng pagtatanim ng
halaman sa pamilya o pamayanan.
1. Nakapipigil sa pagguho ng lupa at pagbaha.

2. Naiiwasan ang polusyon.

3. Nagbibigay lilim at sariwang hangin.

4. Napagkakakitaan.

5. Nakapagpapaganda ng kapaligiran.
PAGLALAHAT NG
ARALIN
- Ano-ano ang mga kapakinabangang makukuha sa

pagtatanim ng halamang ornamental?


PAGTATAYA

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

Isulat sa iyong sagutang papel.


1. Paano nakapagpapaganda ng kapaligiran ang pagtatanim
ng halamang ornamental sa pamilya at pamayanan?

a. Nagsisilbi itong palamuti sa tahanan at pamayanan


b. Nagbibigay kasiyahan sa pamilya
c. Nagpapaunlad ng pamayanan.
d. Lahat ng mga nabanggit
2. Ang sumusunod ay mga kapakinabangan sa pagtatanim ng mga
halamang ornamental maliban sa isa?
a. Nagbabawas ito ng maruming hangin sa kapaligiran
b. Nagbibigay ito ng kabuhayan sa pamilya.
c. Nagiging makabuluhang libangan ito.
d. Nagpapababa ito ng presyo ng mga bilihin sa palengke.
3. Ang mga halamang ornamental ay nakatutulong hindi lamang sa
atin kundi sa ating kapaligiran. Alin sa mga ito ang mabuting
naidudulot ng halamang ornamental?
a. napipigilan nito ang pagguho ng lupa.
b.nakadadagdag ng polusyon ang halamang ornamental
c. Nakasisira ito ng lupa
d. Nakatutulong ito sa paglala ng pagbaha.
4. Paano makatutulong sa kabuhayan ng pamilya ang pagtatanim
ng halamang ornamental?

a. nagbibigay ng oksiheno ( oxygen) ang halamang ornamental.


b. nililinis nito ang maruming hangin.
c. naibebenta ang mga tanim na halamang ornamental.
d. nagbibigay ng lilim
5. Paano makatutulong sa pagsugpo ng polusyon ang
pagtatanim ng mga puno/halamang ornamental?
I. Nililinis ng mga puno/halamang ornamental ang
maruming hangin.
II. Naglalabas naman ng oksiheno ( oxygen) ang mga
puno/halamang ornamental.
III. Nagbibigay ito ng kabuhayan sa pamilya.
IV. Napipigilan nito ang pagguho ng lupa.
V. Lahat ng nabanggit ay tama.

a. I b. I at II c. I, II, III d. V
KARAGDAGANG GAWAIN

Panuto: Gumawa ng isang SLOGAN tungkol sa

magandang naidudulot ng pagtatanim ng mga

halaman. Gawin ito sa isang bond paper.


EPP 4 D
Pakinabang sa Pagtatanim ng A
Halamang Ornamental Y
4
Quarter 2 Week 2
BALIK ARAL

Ano-ano ang mga kapakinabangang makukuha sa

pagtatanim ng halamang ornamental?


Panuto: Basahin ang maikling tula. Punan ng tamang

salita ang patlang upang mabuo ang tula. Piliin ang

sagot sa loob ng bulaklak na makikita sa ibaba.


HALAMANG ORNAMENTAL ___________________ ay ating
itanim. Nagpapaganda ito sa ________________ natin.
__________nito ang ________________ hangin.
Kung kaya’t _____________ ay naiiwasan natin. Pagguho ng lupa
ay pinipigilan din. Pagbaha ng tubig ay naiiwasan din. Kaya’t ito ay
_________________________ na gawain.
Hindi lamang sa ____________ maging sa _______________ din.
Halamang ornamental ay naipagbibili rin. Ito’y nagsisilbing
______________________ natin.
Pangangailanagan ng pamilya ay natutustusan man din Kung
kaya’t malaking ______________ ang naibibigay sa atin.
Ang paghahalaman ay isang sining ng pag-aalaaga at

pagtatanim ng mga halamang ornamental, gulay at mga

punungkahoy. Ito’y isang kasiyasiyang gawain na nakalilibang

sa atin at nagdudulot ng maraming kapakinabangan sa mag-

anak, pamayanan, at sa bansa.


Sa panahon ng pandemya nabigyang pansin nga mga

Pilipino ang gandang naidudulot ng mga halamang

ornamental sa kanilang tahanan kung kaya’t marami

ang nagkainteres na magtanim ng mga ito.


Naging malaking oportunidad ito ng mga taong may mga

hardin ng halamang ornamental upang ang kanilang libangan

ay kanila ring mapagkakitaan. Maraming tindahan ng

halamang ornamental ang tinatangkilik ng mga tao.


ALAMIN NATIN

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na

sitwasyon ang isulat ang titik ng tamang sagot.


_____1. Si Aling Inday ay gustong maging malilim ang
kanilang bakuran upang sa hapon ay mayroon silang
mapagpahingahan. Anong halamang ornamental ang
maaari niyang itanim?
a. ilang-ilang b. santan
c. cosmos d. lotus
_____2. Namili ng maliliit na isda ang aking ate at
ilalagay niya ito sa aming fishbond sa likod. Ano ang
maaaring ilagay sa fishpond upang pamahayan ng mga
isda?

a. sampaguita b. rosas
c. waterlilies d. pine tree
_____3. Maraming halamang ornamental na cosmos si Sandra.
Maraming kapitbahay ang nais magtanim nito. Ano ang kanyang
maaaring gawin sa mga cosmos?
a. maaaring pagkakitaan ito ni Sandra
b. pwede niya ito bawasan at sunugin
c. ipagdamot sa mga kapitbahay para hindi sila magkaroon ng cosmos
d. hayaan na lamang ang mga cosmos na mamatay at kumonti
_____4. Nais ni Mang Pedring na magtanim ng halamang
ornamental na pwedeng maging bakod. Ano ang maaari
niyang itanim?

a. gumamela b. daisy
c. lotus d. cactus
_____5. Ang magpinsang Lito at Jose ay inutusan ng
kanilang lola na pagandahin ang kanilang bakuran. Anong
halamang ornamental ang maaari nilang itanim?
a. zinnia c. santan
b. espada d. lahat ng nabanggit
_____6. Ang mga mag-aaral ng ika-apat na baitang ay
naatasang magtanim ng halamang ornamental na
namumulaklak. Ano ang maaari nilang itanim?
a. fortune plant c. rosas
b. Water lettuce d. aloe vera
_____7. Alin sa mga sumusunod na halamang ornamental

ang pwedeng paramihin sa tubig?

a. water hyacinth c. birds of paradise

b. san francisco d. morning glory


____8. Gustong magtanim ng halamang ornamental si
Kokoy ano ang maaari niyang dapat tandaan?
a. Lalago nang maayos ang halamang ornamental kung
ito ay nasisikatan ng araw
b. Maging mabusisi sa pagpili ng itatanim na halaman
c. Kailangan na maging masipag sa pag-aalaga ng

mga ito

d. Lahat ng nabanggit
_____9. Malawak ang bakanteng lote ni Aling Juaning at nais
niyang magtanim ng halamang ornamental na maaaring
pagkakakitaan. Anong halamang ornamental ang maaari
niyang itanim sa bakanteng lote?
a. lotus b. sampaguita
c. watter lettuce d. water lilies
_____10. Ang mga sumusunod na halaman ay uri ng halamang

ornamental maliban sa isa na hindi dapat itanim ni Joy sa

kanyang landscape garden.

a. bougainvillea c. gumamela

b. santan d. papaya
SUBUKAN NATIN
Panuto: Pagtambalin ang mga kapakinabangan ng

halamang Ornamental na nasa hanay A at mga larawan na

nagpapakita ng kapakinabangan sa hanay B. Isulat ang

titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.


Hanay A
______1. Naiiwasan ang Polusyon
______2. Napagkakakitaan ng mga tao.
______3. Nagpapaganda ng paligid.
______4. Pumipigil sa paguho ng lupa at pagbaha.
______5. Nagbibigay lilim at sariwang hangin
A B C

Hanay B
D E
PAGLALAPAT

-Paano mo hihikayatin ang mga batang kagaya

mo na magtanim at mag-alaga ng mga

halaman?
PAGLALAHAT

Sa panahon ng pandemya, paano

nakatulong sa mga tao ang pagtatanim ng

halamang ornamental?
PAGTATAYA

Panuto: Isulat ang iyong sagot sa sagutang

papel. Maari mo itong ipawasto sa iyong

kamagaral.
1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI naidudulot na
pakinabang sa pagtatanim ng mga halamang ornamental?
a. Napagkakakitaan.
b. Nagpapaganda ng kapaligiran.
c. Nagbibigay liwanang.
d. Naglilinis ng maruming hangin.
2. Paano nakapagpapaganda ng kapaligiran ang pagtatanim ng
halamang ornamental sa pamilya at pamayanan?
a. Nagsisilbi itong palamuti sa tahanan at pamayanan.
b. Nagbibigay kasiyahan sa pamilya.
c. Nagpapaunlad ng pamayanan.
d. Lahat ng mga sagot sa itaas.
3. Paano nakatutulong sa pagsugpo ng polusyon ang
pagtatanim ng halamang ornamental?
a. Nililinis nito ang maruming hangin sa kapaligiran.
b. Naiiwaas nito na malanghap ng pamilya at pamayanan ang
maruming hangin sa kapaligiran. c. A at b
d. Walang tamang sagot.
4. Alin sa mga sumusunod na gawain ang HINDI
kapakipakinabang na gawain sa pagtatanim ng mga halamang
ornamental?

a. Pararamihin ko ito at ipagbibili upang pagkakitaan ng


aming pamilya.
b. Iinggitin ko ang aming kapitbahay sa aking mga tanim na
halamang ornamental.
c. Mamamahagi ako ng mga tanim kong halamang
ornamental.
d. Gagawin ko itong isang libangan.
5. Sa iyong palagay, ang pagtatanim ba ng mga halamang
ornamental ay magbibigay ng pakinabang sa pamilya at
pamayanan? Bakit?
a. Oo, dahil ito ay isang gawaing kapaki-pakinabang.
b. Hindi, sapagkat maaari itong magdulot ng sakit sa pamilya.
c. Hindi, sapagkat nasasayang lamang ang oras sa pagtatanim
ng mga halamang ornamental.
d. Hindi, sapagakat nakapagpaparumi lamang ito ng
kapaligiran.
KARAGDAGANG GAWAIN
Panuto: Magsaliksik tungkol sa usapin ng “climate

change”. Sumulat ng isang sanaysay kung anong epekto

ng pagtatanim ng mga halaman sa climate change. Isulat

ito sa iyong sagutang papel.


SALAMAT SA
PAKIKINIG
EPP 4 D
A

PAGSUSULIT Y
5
Quarter 2 Week 2

You might also like