Filipino q1w1

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 442

Paggamit ng Kaalaman at

Karanasan sa Pag unawa ng


Teksto
ENGLISH 2
QUARTER 1-WEEK 1
MELCS
Nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan sa
pag-unawa ng napakinggang teksto.
F2PN-Ia-2
F2PN-IIb-2
F2PN-IIIa-2
DAY 1
Panuto: Alin sa mga sumusunod
ang dapat tandaan sa pakikinig sa
isang kuwento? Lagyan ito ng tsek
(✓).
1. Makipagkuwentuhan sa katabi.
2. Tumingin sa nagkukuwento.
3. Tandaang mabuti ang mga
tauhan ng kuwento.
4. Tandaan ang mga
mahahalagang pangyayari
sa kuwento.
5. Maglaro habang may
nagkukuwento.
Sa araling ito, ikaw ay
inaasahang
makagagamit ng unang
kaalaman
o karanasan sa pag-unawa ng
napakinggan/
nabasang teksto.
Panuto: Tukuyin ang
inilalarawan sa bawat
bilang.
Piliin at isulat sa papel ang
letra ng tamang sagot mula sa
kahon.
1. Kadalasan ito ay mataas,
nagbibigay ng lilim kapag
araw ay masikat.
Kadalasan ito’y nagbibigay din
ng
pagkaing masarap.
2. Isinusuot ko ito sa pagpasok
sa paaralan at
pagpunta sa simbahan,
gamit sa paa upang di
masugatan.
3. Mapagmahal at maalaga sa
aming magkakapatid,
nais niyang kami ay
kapiling sa bawat sandali.
4. Malamig na, masarap pa,
bagay na bagay sa taginit.
5. Kadalasa’y mahaba kung ito
ay bago pa subalit umiigsi sa
katatasa.
Sa ating pang-araw-araw na
buhay ay nakaririnig tayo ng
iba’t ibang kuwento.
Maaaring ito ay kuwento ni
nanay, tatay, ate, kuya, lolo, lola,
o ng iyong guro at mga kaibigan.
Sa pakikinig at pagbasa ng
teksto, mahalaga na atin itong
nauunawaan.
Bukod sa pagkilala sa mga
tauhan sa kuwento, maaari
ring maiugnay
ang mga
pangyayaring ito sa ating
sariling karanasan.
Panuto: Basahin ang kuwento at
unawain itong mabuti.
Kakaibang Baboy ni Kiel
Akda ni Cristina T. Fangon
Walong taong gulang pa lamang si
Kiel ay natutuhan na niyang mag-
alaga ng isang baboy.
Kakaiba ang baboy na alaga niya,
hindi ito lumalaki, hindi rin
tumataba subalit ito ay bumibigat.
Ito ay isang
alkansiya, dito niya itinatabi ang
sobra niyang pera.
Tuwing hapon pagkagaling sa
paaralan ay binibisita niya
ang kanyang alkansiyang
baboy at hinuhulugan ito.
Natutuwa siyang marinig
ang tunog mula dito.
Ang perang kanyang naiipon ay
inilalaan niya para sa kaarawan
ng kaniyang ina.
Lumipas ang mga araw.
Sumapit na ang kaarawan ng
kaniyang ina.
Kinuha niya ang kanyang baboy,
inalog- alog niya hanggang sa
makuha ang lahat ng laman nito.
Tinapik-tapik niya ito at
sinabi, pangako
pabibigatin kitang muli.
Nakalabas na ngumiti si Kiel at
bumili ng isang pulang blusa
kasama ang kaniyang kuya
Clarence.
Panuto: Sagutan ang sumusunod
na mga tanong tungkol sa
binasang kuwento.
Isulat ang letra ng
iyong sagot.
1. Sino ang pangunahing tauhan sa
kuwento?
A. Clarence B. Kiel C. nanay
2. Totoo bang baboy ang
alaga ni Kiel?
A.ewan ko po B. hindi po C.
opo
3. Sa palagay mo, saan kinukuha ni Kiel
ang ipinanghuhulog niya sa kanyang
alkansiyang
baboy?
A. hinihingi sa nanay
B. pinupulot sa daan
C. sobra sa kaniyang baon
4. Ano ang alaga ni Kiel?
A. alkansiyang aso
B. alkansiyang baboy
C. alkansiyang manok
5. Anong katangian ni
Kiel ang ipinakita sa
kuwento?
A. magastos
B. mapag-ipon
C. masayahin
6. Paano mo nasagot ang mga
tanong sa bilang 1
hanggang 4?
A. Binasa at inunawa ko po ang
kuwento.
B. Hinulaan ko po ang sagot.
C. Nagpaturo po ako ng sagot sa
nakatatanda.
7. Alin sa mga sumusunod ang maaari
mong gawin upang higit mong
maunawaan ang tekstong nabasa o
napakinggan?
A. Basta basahin lamang ang
kuwento.
B. Iugnay ito sa iyong sariling
karanasan.
C. Palaging umasa na
ipaliliwanag ito sa iyo ng iba.
Panuto: Makinig sa babasahing
kuwento at sagutan ang sumusunod
na mga tanong. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.
Araw Para sa Kanya
Akda ni Cristina T. Fangon
Araw ng Linggo, maagang
nagising ang mag-anak ni
Aling Minda.
Sabay-sabay silang kumain ng
agahan at mabilis na naghanda para
magsimba.
Sa loob ng simbahan ay
tahimik na nagdarasal ang
lahat,
sumasabay sa awit ng papuri at
nakikiisa sa iba
pang gawain.
Matapos ang misa ay
masayang umuwi ang
maganak.
1. Anong araw nagsimba ang
mag-anak ni
Aling Minda?
__________________________
2. Saan nagpunta ang mag-anak?
___________________________
________________________
3. Ano-ano ang mga ginawa nila
sa simbahan?
__________________________
_________________________
4. Mahalaga ba ang magsimba?
_________________________
_________________________
5. Ano ang ipinagdarasal mo kung
ikaw ay
nagsisimba?
____________________________
Panuto: Makinig sa babasahing
kuwento at sagutan ang
sumusunod na tanong.
Isulat ang letra ng iyong
sagot.
Mahusay na Kamay
Akda ni Cristina T. Fangon
Hilig ni Jowen ang gumuhit.
Gumuguhit siya ng puno,
tao, hayop at kung ano-ano
pang nakikita niya sa kaniyang
paligid.
Batid niyang magaling siya. Sa
mga paligsahan siya ay lagging
nangunguna.
Gayunman, lagi niyang
sinasanay ang kaniyang
kakayahan
dahil lagi niyang naaalala ang
sinasabi ng kaniyang ina,
“Kung hindi mo pauunlarin ang
iyong talento ay mawawala
iyan sa iyo.”
Sa tuwing naiisip niya iyon ay lalo
niyang pinaghuhusay ang
kaniyang ginagawa.
1. Ano ang iba pang
tawag sa pagguhit?
A. pag-drawing
B. pagkulay
C. pagpinta
2. Magiging magaling kaya si
Jowen sa pagguhit
kung hindi siya nagsasanay?
A. ewan B. hindi po C. opo
3. Anong katangian ang
mayroon si Jowen?
A. mabait B. masipag C.
matiyaga
4. Sino ang laging naaalala ni
Jowen kaya
pinagbubuti niya ang kaniyang
ginagawa?
A.lola
B.nanay
C.tatay
5. Ano ang ibig sabihin ng
pamagat sa ating
kuwentong “Mahusay na
Kamay”?
A. magaling gumuhit
B. magaling maglaba
C. magaling makipaglaban
Panuto: Piliin sa loob ng
kahon ang tamang sagot
upang mabuo ang kaisipan.
Ang paggamit sa iyong mga
______________________
o nauna mong kaalaman sa
pagbasa
o pakikinig sa
isang teksto ay
magandang gawi.
Mahalaga ang
______________________ ng
iyong karanasan sa teksto
upang higit itong
______________________.
Ito man ay tula, kuwento,
simpleng pangungusap o
talata dapat
ito ay nababasa mo nang
may
pangunawa.
Ang wastong pagsagot sa
mga________________
tungkol sa
_____________________
ay pagpapatunay ng pag-unawa
dito.
Panuto: Isulat ang tamang letra
na angkop sa mga saknong ng
tula.
Piliin ang sagot sa
kahon.
__1. Madalas mo akong
makikita, sa kalsada man o sa
opisina.
Trabaho kong panatilihin,
kaayusan ay bigyang-pansin.
_____2. Nagliliyab na bahay o
gusali man
ay hindi ko katatakutan.
Mailigtas lamang ang
buhay ninyo’t ari-
arian.
_____3. Sa klinika at ospital
ako’y iyong makikita.
Prayoridad ko ang
kalusugan ng mga
mamamayan.
_____4. Pangalawang
magulang ang turing sa akin.
Magturo sa mga mag-aaral
ang aking gawain.
_____5. Masarap na
tinapay, gawa ng aking
mga kamay.
Kasiyahan kong makitang
busog inyong tiyan.
DAY 2
Basahin ang tula.
COVID 19 ay alamin
Mga tagubilin ay sundin
Upang sakit ay maiwasan
Nang biktima ay mabawasan
Basahin at sagutin ang
mga tanong.
1. Ano ang sakit na
binanggit sa tula?
2. Ano ang gagawin para
maiwasan ang sakit na
ito?
Sa araling ito, ikaw ay
inaasahang makagagamit
ng
unang kaalaman o karanasan sa
pag-unawa ng napakinggan/
nabasang teksto.
Magandang araw!
Simulan mo ang iyong aralin sa
pagsagot sa unang pagsubok .
Basahing mabuti ang
bawat pangungusap.
Lagyan ng tsek( ) kung sang-
ayon at ekis ( ) kung hindi.
1. Ang Covid 19 ay sakit na
wala pang bakuna.
2. Sundin ang utos ng
DOH tungkol sa Covid
19.
3. Ang pag iwas sa sakit ay
pagpapahalaga din sa
pamilya.
4. Ibuhos ang alcohol sa buong
katawan.
5. Magsuot ng mask paglabas ng
bahay.
bahaging ito, ang magulang o
sinumang kasama
sa bahay ang magbabasa ng
kuwento. Hayaang makinig ang
bata.)
Handa ka na ba?
Pakinggan mo ang kuwento
tungkol kay Ana.
“ Sa Pandemyang
Covid 19”
Malungkot si Ana. Umalis ang
nanay niya papunta sa
palengke.
Naka-mask ito at may
dalang alcohol.
“ Sayang, sana maaari akong
lumabas ng bahay pero dahil sa
Covid 19,
bawal lumabas ang mga bata,”
ang sabi niya sa kanyang lolo .
“ Apo, ‘wag ka nang
malungkot.
Ako rin naman ay hindi
maaaring lumabas dahil
matanda na”, sagot ng lolo ni
Ana.
Matagal-tagal na ring nasa
loob lang ng bahay si Ana
at minsan ay
nakadarama siya ng
lungkot.
Nililibang niya ang sarili
sa pagbabasa ng mga
aklat,magasin at dyaryo.
Marami na siyang
natututuhan
at nalalamang balita
tungkol sa nangyayari
sa paligid.
Malaking tulong na rin ang mga
napapanuod niya sa telebisyon
para mabawasan ang kanyang
pagkainip sa matagal na hindi
paglabas ng bahay.
Sagutin ang mga tanong tungkol
sa narinig mong karanasan ng
isang bata.
1. Ano ang nararamdaman ni
Ana sa simula ng kwento?
2. Saan pupunta ang
nanay ni Ana?
3. Ano ang dalawang bagay
na kailangang dalahin
paglabas ng bahay bilang
proteksyon sa Covid 19?
4. Bakit kaya
ipinagbabawal lumabas
ang mga bata at
matatanda sa panahon ng
Covid 19?
5. Ano-ano ang maaaring gawin
upang mabawasan ang
pagkainip sa loob ng bahay?
Ngayon,ilagay sa patlang ang
tamang salita
upang makumpleto ang
pangungusap.
Piliin sa kahon ang mga
salitang angkop sa
pangungusap.
1. Ang ________ ay sakit na
laganap ngayon sa buong
mundo .
2. Sabunin at hugasang mabuti
ang mga ________.
3. Magsuot ng _____ para
matakpan ang ilong at bibig.
4. Madaling magkasakit ang mga
______ kaya bawal sila lumabas
ngayon.
5. Ang mga maysakit ay
gagamutin ng ______
A. Pakinggan ang tekstong
babasahin sayo ng kasama mo sa
bahay.
Matapos pakinggan, sagutin
ang pagsasanay sa ibaba.
Araw- araw tumutulong ako
sa mga gawaing bahay.
Paggising ko, inililigpit ko ang
higaan namin. Si Tatay naman ang
nagtatapon ng basura dahil bawal
akong lumabas.
Kapag maliwanag na, isinasarado
ko na ang ilaw para makatipid sa
kuryente.
Panuto:Lagyan ng masayang
mukha(😊 ) kung
nagpapakita ng tamang gawain ang
pangungusap
at malungkot na
mukha(☹ ) kung hindi
____1. Tumulong sa
mga gawain sa tahanan.
____2. Tumulong lamang
paminsan -minsan.
____3. Magtapon ng basura
kahit saan.
____4. Iligpit ang hinigaan
paggising sa umaga.
____5. Buksan ang ilaw kahit
hindi kailangan.
Panuto: Lagyan ng puso
kung nagpapakita
ng tamang gawain ang
pangungusap at bilog kung
hindi
____1.Naglalaro sa labas ng
bahay kahit bawal .
____2.Naliligo araw araw
upang makaiwas sa sakit.
____3.Nakikinig sa mga bilin o
utos ng magulang.
____4.Natutulog nang tama sa
oras.
____5.Nagbabasa at nag
aaral na mabuti.
Panuto: Isulat ang Tama kung
nagpapakita ng tamang gawain ang
pangungusap at Mali kung hindi
1.gumagawa ng gawaing bahay
2.naglalaro sa labas maghapon
3.nag aaral na mabuti
4.kumakain ng
masustansiyang pagkain
5.naghuhugas ng kamay
araw araw
Isulat ang tamang salita sa
pangungusap.
1. Ang pamilyang sama-sama
ay laging __________.
2. Ang mga _______ ang
naghahanpbuhay para sa
pamilya.
3. Ang mga _________ ay
nag- aaral na mabuti
4. Sina Lolo at _____ ay
kasama rin namin sa
bahay.
5. Kami ay kumakain ng
masustansya para
maging________.
DAY 3
Pakinggan at sagutin ang
mga tanong.
1. Ano ang pangalan mo?
2. Ilang taon ka na?
3. Sino ang iyong mga
magulang?
4. Saan ka nakatira?
5. Nasa anong baitang ka na?
Sa araling ito, ikaw ay
inaasahang makagagamit ng
unang kaalaman o
karanasan sa pag-unawa ng
apakinggan/ nabasang teksto.
Lagyan ng tsek (√ ) kung
pinaniniwalaan
at ekis ( x ) kung hindi ang mga
pahayag.
1. Nakatutulong ang paaralan sa
mga batang mag-aaral.
2. Sanayin ang mga
kakayahan upang maging
matalino.
3. Magtungo sa iba’t ibang lugar
upang malutas ang
suliranin.
4. Maging matiyaga sa
pag-aaral.
5. Bubuti ang iyong ugali
kung mag-aaral ka nang
mabuti.
Panuto: Sagutin ang mga
tanong tungkol sa
Kuwento.
Ang Aming Simpleng
Pamilya
Sa isang simpleng bahay kami
nakatira ng aking tatay at
nanay.
Ang aking Tatay Pio ay isang
simpleng kawani ng
gobyerno
at si Nanay Conching naman ay
isang guro sa paaralang aking
pinapasukan.
Tatlo lamang kami sa
aming bahay.
Pero ang lahat ng
gawain ay nagiging madali
dahil sa aming pagtutulungan.
Ang aming hapag kainan ay
napupuno ng tawanan sa
pagkukuwentuhan
namin ng mga pangyayari sa
buong
maghapon.
Kapag may libreng oras at
may sobrang pera,
namamasyal din kami kung
saan saang lugar.
Sa panahon
naman na may problema,
ito rin ang nagiging magaan
dahil na rin sa pagmamahalan
namin sa isa't isa
at sa pagtitiwala sa
Poong Maykapal.
1. Tungkol saan ang kuwentong
napakinggan?
2. Sino-sino ang bumubuo sa
pamilya ni Mang Pio?
3. Ano-ano ang
masasayang sandali sa
kanilang pamilya?
4. Ano-ano ang ginagawa
ninyo kasama ang buong
pamilya?
5. Ano ang kayamanan ng
pamilya nila?
Panuto: Punan ang bawat
patlang. Piliin ang letra nang
wastong sagot.
1. Pagkagising sa umaga, upang
maipakita ang
pasasalamat sa Diyos, ako
ay_______________.
A. kumakanta
B. nagdadasal
C. nagsasayaw
D. tumutula
2. Binabawalan ako ni Nanay na
maglaro sa ulan
upang ako ay hindi
_______________.
A.Mabasa
B. madulas
C. magkasakit
D. mahulog
3. Kumakain ako ng gulay at
prutas dahil gusto kong
maging _______________.
A. Maganda
B. Malakas
C. malusog
D. mapayat
4. Pag-uwi ko sa bahay ay
natanaw ko agad si Lolo
kaya ako ay lumapit sa kanya at
_______________.
A. Nagkuwento
B. naglambing
C. nagmano
D. nagsayaw
5. Maraming dala si Nanay nang
umuwi siya galing sa
palengke, sasalubungin ko siya
at _______________.
A. hihingan ng pasalubong
B. masayang kakawayan
C. tutulungan siyang magbitbit
D. yayakapin nang mahigpit
s
a
g
o
t

s
a
Panuto: Ano ang dapat mong
s
a

gawin sa sumusunod na mga


g
u
t
a
n

sitwasyon?
g

p
a
p
e
l
.
Isulat ang iyong sagot
sa sagutang
papel.
1. Naiwanang bukas ang gripo sa
inyong lababo.
2. Nasira mo ang laruan ng iyong
kaibigan.
3. May pagsusulit kayo
kinabukasan.
4. Nakita mong walang baon
ang iyong katabi sa
upuan.
5. Napulot mo ang panyo at
pitaka ng iyong kaklase.
Panuto: Basahin ang mga
pangungusap. Piliin sa loob ng
kahon ang tamang sagot.
1. Ito ay madalas na ginagamit
na pamunas ng mukha at kamay.
2. Masarap itong inumin lalo
na kung ito ay malamig.
3. Ginagamit ko ito sa pagligo
para ako’y maging mabango at
malinis.
4. Ito ay paboritong laruan ng
kapatid kong babae.
5. Isinusuot ko ito bago
ako magsapatos.
Bilang isang mag-aaral dapat
nating alamin ang mga dapat at
hindi dapat na gawin
habang nakikinig sa
nagbabasa ng kwento.
Ito ay makabubuti upang
mahubog ang ating kakayahan.
Naiuugnay mo ba ang
iyong sariling karanasan sa
pinakinggang teksto?
Panuto: Pakinggan ang kuwento
at sagutin ang
sumusunod na mga tanong.
Magtiwala sa
Panginoon
Von: Itay! May aksidente po sa
kanto. Marami pong
nadamay at kasama si Betsy.
Nakakatakot!
Tatay: Naku! Huminahon ka
anak, ganyan talaga ang
buhay,
kaya dapat lagi tayong
magdasal at magtiwala sa
Panginoon.
Von: Alam n’yo po, ‘Tay, galit
na galit si Mang Ambo sa
pagkakadamay ni Betsy.
Tatay: Nakapanlulumo,
matalinong bata pa naman si
Betsy.
Halika, ipagdasal natin siya
at ang iba pang nadamay.
1. Sino ang nag-uusap sa teksto?
a. Von at tatay
b. Tatay at Mang Ambo
2. Ano ang pinag-uusapan ng
mag-ama?
a. grado ni Betsy
b. aksidente sa kanto
3. Ano ang ginawa nila?
a. nagdasal
b. natulog ng maaga
4. Tama ba ang ginawa nila?
a. oo
b. hindi
c. hindi sigurado
5. Ano ang mararamdaman mo
kung kaibigan mo si Betsy?
a. masaya
b. nagagalit
c. malungkot
DAY 4
Balikan ang kuwentong “Ang
Aming Sariling Pamilya”.
Ano-ano ang mga bagay o
pangyayari sa kuwento na may
kahalintulad sa iyong
karanasan?
Sa araling ito, ikaw ay
inaasahang makagagamit ng
unang kaalaman
o karanasan sa pag-unawa ng
napakinggan/
nabasang teksto.
Magbigay ng limang (5) salitang
naglalarawan tungkol sa
Chocolate Hills.
Isulat ang sagot sa
patlang sa ibaba.
Basahin ang tula nang
tatlong beses upang
maunawaan mo
ang nais iparating ng
bawat saknong.
Pilipinas: Sama-sama Ka
Naming Iangat
I. Ating bayan, mayaman at
maganda.
Kaya mga dayuhan ay
nahahalina.
Ang karagatan ay
lalong nakakaanyaya.
Tumingin ka sa kabundukan,
ikaw ay mamamangha.
II. Iba’t iba man ang wika ng
mga tao rito.
May Bisaya, Tagalog, Waray
at Ilokano.
Pinag-isa ng relihiyong Muslim
o Kristiyano.
Na may tatak na kulturang
Filipino.
III. Mayroon ba kayong
napapansin sa kapaligiran?
Mga yamang tubig at lupa’y tila
nadudumihan.
Bilang isang munting
mamamayan,
Tungkulin nating isulong ang
kalinisan.
IV. Bilang isang taong may
dugong Filipino,
Magkapit-bisig, kalinisa’y
isulong ko.
Ika’y tatanawin ng buong
mundo.
Pilipinas, iaangat ka ng
sambayanan mo.
Panuto: Piliin ang saknong na
hinihingi sa bawat paliwanag sa
tulang binasa.
Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
1. Aling saknong ipinahihiwatig
ang pagkakaroon ng iba’t ibang
pangkat ng tao sa Pilipinas?
A. Saknong I
B. Saknong II
C. Saknong III
2. Anong saknong ang
nagsasabi tungkol sa
kagandahan ng ating bayan?
A. Saknong I
B. Saknong II
C. Saknong IV
3. Sa anong saknong malalaman
ang ating tungkulin bilang
mumunting
mamamayan?
A. Saknong II B.
Saknong III C.
Saknong IV
4. Aling saknong ang
nagpapahayag ng nagkakaisang
hangad nating mga Filipino?
A. Saknong II B.
Saknong III C.
Saknong IV
5. Anong aral ang
ipinaabot ng tula?
A. Kahit magkaiba ang bayan,
tayo ay magkakatulad.
B. Kahit iba’t iba ang ating wika,
dapat tayo ay sama-sama.
C. Magkakaiba ang
pangkat, magkaisang iangat
ang bayan.
Ang tulang binasa ay nagsasabi
tungkol sa tungkulin ng bawat
Pilipino
upang maisulong natin
ang ating bansa.
Ang bawat saknong ng tulang
ito na may lebel I, II, III, IV
ay may kaniya-kaniyang
tinutukoy.
Gamitin mo ang iyong
nakaraang karanasan o
kaalaman
upang iangkop sa pagsagot
sa mga tanong.
Gawain A
Panuto: Basahin muli ang
tula at sagutin ang mga
sumusunod.
Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
1. Ano-anong mga pangkat-
etniko ang makikita sa
bansang Pilipinas?
A. Tsino, Bisaya, Ilonggo, Arabo
B. Bisaya, Arabo, Hapon,
Ilokano
C. Bisaya, Waray,
Boholano, Ilokano
2. Bakit dapat magkaisa ang
lahat sa paglilinis?
A. Dahil mapapagalitan tayo ng
kapitan.
B. Nakakahiyang marumi ang
ating paligid.
C. Magandang tingnan ang
malinis na kapaligiran
3. Bakit kaya maraming
dayuhan ang pumupunta sa
ating bansa?
A. Mababait ang mga Filipino.
B. Nagagandahan sila sa ating
bansa.
C. Ang mga pagkain sa
bansa ay murang-mura.
4. Ano kaya ang mangyayari
kapag malinis
ang kapaligiran natin?
A. Dadami ang mga hayop.
B. Magkakaroon tayo ng pera.
C. Malayong
magkakasakit ang tao.
5. Bilang isang bata, ano ang
balak mong gawin upang
magiging malinis
ang iyong lugar?
A. Magtatapon ako sa tamang
lalagyan.
B. Itatapon ko ang basura sa
bakanting lupa.
C. Itatago ko ang plastik
sa ilalim ng mga
halaman.
Panuto: Pakinggan ang teksto.
Suriin kung ano ang dapat
gawin ni Jose.
Isulat ang iyong sagot
sa sagutang papel.
Pagkagaling mula paaralan
ay nagbihis ng
pambahay si Jose, maglalaro
sana siya
subalit nakita niyang abala ang
kanyang ina sa mga gawaing
bahay.
Habang inaantay nitong kumulo
ang inilulutong ulam ay
naglilinis ito. Ano kaya ang
dapat gawin ni Jose?
Panuto: Basahin ang sumusunod na
mga paglalarawan.
Piliin ang letra ng wastong sagot sa
loob ng kahon.
1. Hayop na lumilipad,
mayroon itong pakpak
2. Malambot ito, masarap
yakapin at ilagay sa
Ulunan
3. Bilog at tumatalbog,
umiimpis kapag nabutas
4. Pansapin sa likod kung
pawisan, pangkuskos sa
katawan sa paliguan
5. Paboritong gamitin ng mga
bata matapos ang
pagguhit ng larawang kanilang
ibig
Bilang isang mamamayang
Filipino, tungkulin nating
isulong ang kalinisan sa ating
pamayanan.
Gamitin ang iyong
nakaraang kaalaman o
karanasan
upang ikaw ay makibahagi sa
pag-aayos ng iyong kapaligiran.
Panuto: Pagtambalin ang salita
sa kanyang kahulugan sa
hanay. Isulat ang titik sa
patlang.
DAY 5
Basahin ang bawat aytem at
bilugan ang titik ng tamang sagot
sa mga sumusunod na sitwasyon.
1. Alin sa mga babala ang
sumusuporta sa programang
tungkol sa kalinisan?
A. Mag-ingat sa Aso
B. Bawal Pumasok Dito
C. Itapon ang Basura sa
Wastong Lalagyan
2. Nakakita ka ng
magagandang bulaklak sa
parke, anong gagawin mo?
A. Titingnan ko lang.
B. Kukuha ako ng bulaklak.
C. Maglalaro ako sa tabi
ng tanim.
3. Nagkalat ang laruan ng
nakababata mong kapatid, paano
mo sasabihin sa kanya na ayusin
ito?
A. Iwan mo diyan ang mga
laruan.
B. Pakibalik sa lalagyan ang
laruan.
C. Ibigay mo kay kuya
ang mga laruan.
4. Naglalaro kayo ng kaibigan
mo. Bigla siyang nadapa
at nagkaroon ng
putik sa mga paa niya.
Anong gagawin mo?
A. Iiwanan ko siya.
B. Isusumbong ko kay nanay.
C. Patatayuin at tutulungan
siyang maghugas.
5. Gusto mong bumili ng bagong
laruan ngunit ang pera ng nanay
mo
ay kasya lamang sa
pambili ng pagkain.
A. Magpapabili ako kay tatay.
B. Mag-iipon muna ako ng pera.
C. Iiyak ako nang
malakas para bibili
siya.
Sa araling ito, ikaw ay
inaasahang makagagamit ng
unang kaalaman
o karanasan sa pag-unawa ng
napakinggan/
nabasang teksto.
Panuto : Pakinggan ang
kuwento at sagutin ang
sumusunod na mga tanong.
Kumilos at Magkaisa
Maraming patapong bagay sa
ating paligid tulad ng mga basyo
ng bote,
plastik na nakatambak sa mga
basurahan at looban ng ilang
kabahayan.
Ang mga lumang diyaryo at
maruruming damit ay nagkalat
din kung minsan.
Para sa iba, ang mga ito ay
basura lamang. Patapon at
wala nang silbi
kaya naman ang ating
kapaligiran ay punong-puno
ng mga kalat.
Pinamumugaran tuloy ang mga
ito ng mga daga at insekto.
Pinagmumulan din ang mga ito
ng pagbabara ng
mga daluyan ng tubig at sanhi
ng pagbaha.
Nakasasama din ang
ilan sa mga ito.
Nagiging sanhi ito ng pagdumi at
pagbaho ng hanging ating
nalalanghap.
Huwag na nating
hintayin ang salot na idudulot
ng mga basura.
Panahon na
para tayo ay kumilos at
magkaisa.
1. Ano-anong patapong bagay ang
makikita sa
ating paligid?
___________________________
2. Bakit ito hinahayaan ng mga
tao?
_________________________
3. Ano ang mangyayari kung
maraming basura sa ating
paligid?
4. Sino ang hinihiling na kumilos
at magkaisa?
__________________________
5. Ano-ano pa ang mga maaaring
gawin sa mga
patapong bagay?
_______________________
Panuto: Sagutin ang mga
sumusunod na sitwasyon batay sa
inyong nalalaman.
Bilugan ang titik ng tamang
sagot.
1. May nakita kang itinapon na
plastik ng basura sa inyong
bakuran.
Anong
gagawin mo?
A. Titingnan ko ang nasa loob
nito.
B. Isusumbong namin ito kay
kapitan.
C. Kunin ang plastik ng
basura at itapon nang wasto.
2. Ikaw ay kumakain ng
biskwit sa loob ng sasakyan.
Saan mo ilalagay ang
balot nito?
A. Ilagay sa bulsa ko.
B. Itago sa ilalim ng upuan.
C. Ihulog sa bintana ng
sasakyan.
3. Nakita mong may batang
nagtatapon ng basura sa ilog.
Ano ang
sasabihin mo?
A. Bawal magtapon sa ilog.
B. Sige, magtapon ka diyan.
C. Isumbong kita sa
nanay mo.
4. Nagdiwang ng kaarawan ang
kaklase mo kaya may sobrang
kanin sa
baon mo.
Anong gagawin mo?
A. Itatapon sa basurahan.
B. Ibabalik sa bahay para sa
mga hayop.
C. Itatago ko sa bag para
hindi makita ni Inay.
5. Pumunta kayo sa dagat
kasama ang pamilya mo. May
nakapaskil na
“Basura ko dalhin ko”.
Anong ibig sabihin
nito?
A. Dadalhin namin ang basura.
B. Ipapaanod ang basura sa
dagat.
C. Iiwan sa tabing-
dagat ang basura.
Panuto: Basahin ang kuwento
at sagutan ang mga tanong.
Isulat ang letra nang
wastong sagot.
Si Putot at Bibot
Akda ni Cristina T.
Fangon
Si Putot ay asong masayahin,
mapaglaro at magiliw
sa kaniyang among si Bibot.
Pag-uwi galing sa paaralan
ay sinasalubong ni Putot si Bibot.
Palaging pinapakain ni Bibot si
Putot.
Madalas ay may pasalubong na
tinapay
ang amo na galing sa baon
nito.
Tuwing Sabado ay sabay na
naliligo sina Putot at Bibot.
Namamasyal sila at
naghahabulan. Mahal na mahal
ni Bibot ang kanyang asong si
Putot.
1. Sino ang may alagang aso?
A. Bibot B. Putot
2. Ano ang madalas na
pasalubong ni Bibot sa alaga?
A. kanin B. tinapay
3. Kailan pinapaliguan ni
Bibot si Putot?
A. tuwing Linggo B. tuwing
Sabado
4. Kung ikaw ay may alagang
aso, anong pagkain ang
ibibigay mo sa kanya?
A.kanin na may ulam
B. tsokolate
5. Ano kaya ang
mararamdaman ni Bibot
kapag nawala si Putot?
A.malulungkot
B. matutuwa
Panuto: Basahin ang teksto.
Suriin kung ano ang dapat
gawin ni Jose.
Iguhit ang masayang mukha (☺)
sa
patlang na katapat ng iyong
napiling sagot.
Umuulan noon, masayang
nakatanaw si Jose sa
mga batang naglalaro sa labas.
Kagagaling lang niya sa
sakit subalit maayos na ang
kaniyang pakiramdam.
Maghuhubad na sana siya ng
damit nang dumating
ang kanyang ina at pinigilan siya.
Hindi siya pinayagang
maligo sa ulan.
A. Itutuloy ang paliligo dahil
masarap maligo sa ulan.
B. Babalik sa kaniyang upuan at
tatanaw sa bintana.
C. Susunod sa ina dahil
alam niyang iyon ang
tama.
Panuto: Piliin ang tamang
letra ng salitang nakakahon
na
tumutukoy sa mga
pangungusap sa ibaba.
1. Umuulan man o
umaaraw ay lagi ko itong
bitbit.
Ginagamit ko ito upang di ako
magkasakit.
Sa munti kong braso aking
sinasabit.
_____ 2. Sa paaralan o tahanan
ako’y iyong kaibigan.
Kuwentong kay ganda,
mayroon ako niyan,
marami ding aralin, saki’y
matututunan.
_____ 3. Paboritong lugar ng
aking pamilya,
narito si Inay, gayundin si
Itay,
sina Ate at Kuya lagi ko
ditong karamay.
_____ 4. Kaibigan ng ngipin
kung ako’y ituring,
kahit maliliit na singit aking
lilinisin,
upang magandang ngiti
mo’y laging mapansin.
_____ 5. Gamit ako para
buhok mo’y gumanda,
umunat, umayos
at kumikintab pa
para naman araw mo ay laging
masaya.
Tandaan:
Sa pakikinig at pagbasa ng
teksto, mahalaga na atin itong
nauunawaan.
Bukod sa pagkilala sa mga
tauhan sa kuwento,
maaari ring maiugnay ang
mga pangyayaring ito sa ating
sariling karanasan.
Panuto: Basahin ang bawat aytem
at bilugan ang titik ng tamang
sagot sa mga sumusunod na
sitwasyon.
1. Gusto mong bumili ng
bagong laruan ngunit sapat
lang sa pagkain ninyo ang pera
ng nanay. Paano ka makabibili?
A. Iiyak ako para makabili.
B. Magpapabili ako kay tatay.
C. Mag-iipon muna ako ng pera.
2. Naglalaro kayo ng kaibigan
mo. Bigla siyang nadapa at
nagkaroon ng
putik sa mga paa niya.
Anong gagawin mo?
A. Iiwanan ko siya.
B. Isusumbong ko kay nanay.
C. Tutulungan ko siyang
maghugas.
3. Alin sa mga babala ang
sumusuporta sa programang
tungkol sa kalinisan?
A. Bawal Pumasok Dito
B. Mag-ingat Kayo sa Aso
C. Itapon ang Basura sa Wastong
Lalagyan
4. Nagkalat ang laruan ng
nakababata mong kapatid, paano
mo sasabihin sa kanya na ayusin
ito?
A. Iwan mo diyan ang mga
laruan.
B. Pakibalik sa lalagyan ang mga
laruan.
C. Pakibigay mo kay
kuya ang mga laruan.
5. Nakakita ka ng
magagandang bulaklak sa
parke, anong gagawin mo?
A. Titingnan ko lang.
B. Kukuha ako ng bulaklak.
C. Maglaro ako sa tabi ng tanim.

You might also like