g9 AP q2 Week 1-2

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 44

Konsepto at Salik ng Demand

Panimula
 Tinalakay sa unang quarter na ang matalinong
pagpapasya at wastong paggamit ng
pinagkukunang-yaman ang diwa sa pag-aaral ng
ekonomiks.
 Ang pagsusuri sa ekonomiks ay nagsisimula sa pag-
aaral ng pag-uugali ng tao sa loob ng pamilihan; ang
mamimili at ang nagtitinda. Ang mamimili ay
bumubuo at nagsasagawa ng mga desisyon
patungkol sa pagbili at pagkonsumo ng mga
produkto.
Ano ang DEMAND?
 Ito ay ang kagustuhan
ng mga tao na bumili ng
isang kalakal o
paglilingkod.
 Ito rin ay tumutukoy sa
dami ng produkto na
nais bilhin ng mga
konsyumer sa isang
takdang presyo.
Salik na Nagpapabago ng Demand

Salik na Presyo
Salik na Di-presyo
Salik na Presyo
BATAS NG DEMAND
 Ayon sa batas na ito, mayroong inverse o
magkasalungat na ugnayan ang presyo (P)
sa quantity demanded (Qd) o hinihinging
dami ng isang produkto.

 Kapag tumaas ang presyo, bumababa ang


dami ng gusto at káyang bilhin; at kapag
bumaba ang presyo, tataas ang dami ng
gusto at káyang bilhin (ceteris paribus).
Salik na Presyo
BATAS NG DEMAND
 Kapag tumaas ang presyo (P), bumababa
ang dami ng demand (Qd); at kapag
bumaba ang presyo (P), tataas ang dami ng
demand (Qd). (ceteris paribus).
Salik na Presyo
Ano ang Ceteris Paribus?
 Ang pagtataya na lahat ng ibang
salik maliban sa presyo ay hindi
nagbago.

 May mga kalakal na kahit mataas


ang presyo ay hindi pa rin
nagbabago ang demand nito.
Salik na Presyo
Dahilan ng magkasalungat na ugnayan sa
pagitan ng presyo (P) at quantity demand
(Qd)
Salik na
Presyo
Substitution Effect
 Ipinahahayag nito na kapag tumaas ang
presyo ng isang produkto, ang mga mamimili
ay hahanap ng pamalit na mas mura.

 Sa gayon, mababawasan ang dami ng


mamimiling gustong bumili ng produktong
may mataas na presyo dahil maghahanap
sila ng mas mura.
Salik na
Presyo
Income Effect
 Ito ay nagpapahayag na mas malaki ang
halaga ng kita kapag mas mababa ang
presyo.

 Kapag mababa ang presyo ng bilihin, mas


mataas ang kakayahan ng kita ng tao na
makabili ng mas maraming produkto.
Kung tumaas ang presyo ng
isang produkto, paano ito
makakaapekto sa demand ng
mga mamimili para sa
produktong iyon, ceteris
paribus? Ipaliwanag ang iyong
sagot batay sa konsepto ng
batas ng demand.
1. Bakit
mahalaga ang papel na
ginagampanan ng presyo sa
konsepto ng demand?
2. Anoang kaibahan ng substitution
effect sa income effect?
1. Bilangmag-aaral, Paano mo
magagamit ang iyog kaalaman
sa konsepto ng demand?
2. Magbigay
ng tatlong sitwasyon
na nagagamit mo ang iyong
kaalaman sa konsepto ng
demand sa pang-araw araw na
pamumuhay.
Paglalarawan sa Batas ng
Demand

1.Demand Schedule
2.Demand Curve
3.Demand Function
Paglalarawan sa Batas ng Demand

1. Demand Schedule
 Ang demand schedule ay isang
talaan na nagpapakita ng dami ng
kalakal na kaya at gustong bilhin ng
mga mamimili sa iba’t ibang presyo.
 Malinaw naipinapakita ang
magkasalungat na ugnayan ng
presyo (P) at quantity demanded (Qd)
ng isang kalakal.
Paglalarawan sa Batas ng
Demand
1. Demand Schedule
DEMAND SCHEDULE
Dito sa talaan, makikita ang halimbawa na kapag
ang tinapay ay may presyong dalawang piso
((hp.2.00), ang mámimíli ay makakabili ng
apatnapung (40) piraso, at kung sakali namang
ang presyo ng tinapay ay nagkakahalaga ng
limang (5)bawat
Presyo piso, piraso
ang mámimíli ay makakabili
Quantity Demandedng
sampung (10)
Php. 5piraso. 10
4 20
3 30
2 40
1 50
0 60
Paglalarawan sa Batas ng
Demand
2. Demand Curve
 Ang graph na batay sa demand schedule.
 Kung ilalapat sa graph ang iba’t ibang
kombinasyon ng mga presyo (P) at quantity
demanded (Qd) ay mabubuo ang demand
curve.
Paglalarawan sa Batas ng Demand
2. Demand Curve
Paglipat ng Demand
Curve
 Nagkakaroon ng paglipat ng demand curve kung
nagkakaroon ng pagbabago sa quantity demanded
(Qd) ng isang kalakal.
Paglipat ng Demand
Curve
 Nagkakaroon ng paglipat ng demand curve kung
nagkakaroon ng pagbabago sa quantity demanded
(Qd) ng isang kalakal.
Paglalarawan sa Batas ng
Demand
3. Demand Function
 Ito ang matematikong pagpapakita sa ugnayan
ng presyo (P) at quantity demanded (Qd).
 Ipinapakita ito sa equation na:
Qd = a-b P
kung saan:
Qd = quantity demanded P = presyo
a = intercept (bilang ng Qd kung ang presyo ay 0
b = slope Δ𝑄𝑑/Δ𝑃
Paglalarawan sa Batas ng
Demand
3. Demand Function
 Ang quantity demanded (Qd) ang
tumatayong dependent variable at ang
presyo (P) ang independent variable.
 Ibig sabihin, nakabatay ang Qd sa
pagbabago ng presyo. Ang presyo ang
nakakapagpabago sa demand ng isang
kalakal o serbisyo.
Salik na Di-
presyo
Kita
 Ang pagbabago sa kita ng tao ay maaaring
makapagpabago ng demand para sa isang
partikular na produkto.
 Sa pagtaas ng kita ng isang tao, tumataas ang
kaniyang kakayahan na bumili ng mas maraming
produkto. Gayundin naman, sa pagbaba ng kita,
ang kaniyang kakayahang bumili ng produkto ay
nababawasan.
• Normal goods - tawag sa mga produktong
dumadami ang demand dahil sa pagtaas ng kita.
• Inferior goods - tawag sa mga produktong
tumataas ang demand kasabay sa pagbaba ng kita.
Salik na Di-
presyo
Kita Halimbawa:
 Ipagpalagay na ang karneng baka ay normal
goods para kay Rolando. Sa pagtaas ng kita ni
Rolando ay tataas din ang kaniyang demand sa
karneng baka. Kapag bumaba naman ang kita ni
Rolando, bababa rin ang demand niya para dito.
 Ipagpalagay naman na ang tuyo (dried fish) ay
inferior good para kanya. Sa pagtaas ng
kaniyang kita ay bababa ang kaniyang demand
para sa tuyo. Sa pagbaba naman ng kaniyang
kita, tataas ang kaniyang demand para dito.
Salik na Di-
presyo
Panlasa
 May mga produkto at serbisyo na naaayon sa
panlasa ng mamimili.
Halimbawa:
 Mas higit na gusto ng mga kabataan sa
kasalukuyan ang musika ng K-Pop kumpara
sa musikang Pilipino kaya mas marami ang
tumatangkilik nito.
Salik na Di-
presyo
Dami ng Mamimili
 Maaari ding magpataas ng demand ng
indibidwal ang tinatawag na bandwagon effect.
Dahil sa dami ng bumibili ng isang produkto,
nahihikayat kang bumili. Kapag ang isang
bagay ay nauuso, napapagaya ang marami na
nagdudulot ng pagtaas ng demand.
Halimbawa:
 Dahil nauuso ngayon ang smart tv, marami sa
mga mamimili ang gustong makisabay sa uso
kaya marami ang demand nito.
Salik na Di-
presyo
Presyo ng magkaugnay na produkto sa
pagkonsumo
 Masasabing magkaugnay ang mga produkto sa
pagkonsumo kung ito ay komplementaryo o pamalit sa
isa’t isa.
• Komplementaryo (Complementary) - mga produktong
sabay na ginagamit, ibig sabihin hindi magagamit ang
isang produkto kung wala ang complement nito.
Magkaugnay ang dalawa sapagkat anumang pagbabago
sa presyo ng kaugnay na produkto ay tiyak na may
pagbabago sa demand ng komplementaryong produkto.
Halimbawa: kape at asukal
• Kapag bumaba ang presyo ng kape ay tataas ang
demand sa asukal.
• Kung tumaas naman ang presyo ng kape ay bababa ang
demand sa asukal.
Salik na Di-
presyo
Presyo ng magkaugnay na produkto sa
pagkonsumo
• Pamalit (substitute) - mga produktong maaaring
magkaroon ng alternatibo. Kung ang pagtaas ng
presyo ng isang produkto ay magdudulot ng
pagtaas ng demand ng isang produkto, masasabing
ang mga produktong ito ay pamalit sa isa’t isa
Halimbawa: tubig o juice
• Maaari ding pamalit sa tubig ang softdrinks
sapagkat pareho itong pamatid-uhaw. Ipagpalagay
natin na tumaas ang presyo ng softdrinks. Dahil
dito, bababa ang quantity demanded ng softdrinks.
Kasabay nito, tataas naman ang demand para sa
juice.
Salik na Di-
presyo
Inaasahan ng mga mamimili sa presyo sa hinaharap
 Kung inaasahan ng mga mamimili na tataas ang
presyo ng isang partikular na produkto sa susunod na
araw o linggo, asahan na tataas ang demand ng
nasabing produkto sa kasalukuyan habang mababa
pa ang presyo nito.
Halimbawa:
 Ibinalita na may paparating na bagyo at tuwirang tatama sa
Gitnang Luzon, na isa sa pangunahing pinagmumulan ng
bigas sa bansa, inaasahan na magkukulang ang dami ng
bigas sa pamilihan at tataas ang presyo nito. Kaya ang
mga mamimili ay bibili na ng marami habang wala pa ang
bagyo at mababa pa ang presyo. Sa kabilang banda, kung
inaasahan ng mga mamimili na bababa ang presyo ng
isang produkto, hindi na muna bibili ng marami ang mga
tao sa kasalukuyan. Maghihintay na lamang sila na
bumaba ang presyo bago bumili ulit ng marami.
Isaisip:

 Ang matalinong pagpapasya ang tutugon


sa pabago-bagong demand sa pamilihan.
 Bago bumili ng kalakal, humanap at tignan
ang presyo ng mga kapalit at kaugnay na
kalakal.
TAKDA:
Isulat ang sagot sa ½ crosswise na papel. COPY
AND ANSWER. Isulat ang pangalan, lagda at Valid
ID number ng magulang o guardian.

PAGPAPAHALAGA

 Sa anong mga paraan mo


ipinapakita ang iyong pagiging
matalinong mamimili batay sa mga
konseptong natutunan mo tungkol
sa demand?

You might also like