Hulyo 20, 2012
Aking Hiraya,
Kay tagal kitang inasam-asam aking Hiraya. Taon din ang aking ginugol upang ibigay ka sa akin ng Diyos. Ilang dasal at ilang panata ang siyang ibinigay ko sa ating poong maykapal na ‘sana’ ay ibigay kana niya sa akin. Nararamdaman ko na ang nalalapit mong paparito sa aking bisig, Aking minamahal na Hiraya.
Isa ka sa mga bagay/tao na patuloy kong papahalagahan, mamahalin, at iingatan. Hindi ka hahayaang masaktan, patuloy na nakaalalay sa iyo sa tuwing ika'y nadadapa, ako ang iyong kaagapay sa t'wing ika'y nasusugatan. At sa t'wing ika'y mag-isa at nasa dilim, lagi mong tatandaan na ako ang iyong magiging ilaw.
Mamahalin kita ng buo higit pa sa pagmamahal ko sa aking buhay. Paglipas ng taon ay mababasa mo na ang liham na ito at nais kong ipaalam sayo na ika'y mahal na mahal ko. Masakit man ay kakayanin ko dahil ikaw ang kasama ko. Mahirap man ay kakayanin ko dahil ikaw ang Hiraya ko.
Ikaw ang Hiraya ko sa t'wing wala na akong malapitan. Ang isa’t-isa ang ating magiging kandungan.
Malapit na kitang mahagkan, Hiraya ko. Siyam na buwan na lamang ay narito kana sa aming bisig. Lumuha ka man ay sisiguraduhin kong ika'y tatahan mula sa sakit at gutom na iyong nararanasan. Ibibigay ko sayo ang buwan at bituin, maging ang mundo. Maging maligaya ka lamang.
Malapit na kitang mahagkan, Hiraya ko. Nalalapit na ang pangarap ko, nalalapit na ang pag-asa ko.
Buwan ng Pebrero ay pinanghihinaan na ako dahil pakiramdam ko ay hindi ako gusto ng Panginoon upang bigyan niya ng iisang munting hiling. Sa buwan na dumaan ay puro ‘sana’ ang siyang nabibigkas ko.
‘Sana ay ibigay na sa akin ng Diyos, ang anak na aking inaasam.’
Pagsapit ng Hulyo ay naramdaman kita sa aking katawan, Hiraya. Isang luha ang siyang pumatak sa aking mga mata ng araw na iyon. Nang aking malaman na ibinigay na ang matagal ko nang inaasam-asam.
Ang ‘ngalan mo ay Hiraya sapagkat ikaw ang aking naging pag-asa sa mga buwan, taon, dekada na darating.
Minamahal kita, Aking Hiraya.
Nagmanahal,
Ang iyong Ina.

BINABASA MO ANG
Aking Hiraya,
RomanceHiraya fruit of one's hopes, dreams, and aspirations or a deeper meaning of the word "sana".