Pumunta sa nilalaman

Asset

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Sa pampinansyal na accounting, ang asset o ari-arian ay isang ekonomikal na yaman. Kahit anong bagay, konkreto man o hindi, na maaaring kontrolin ng isang entidad upang lumikha ng positibong ekonomikong halaga ay maituturing na asset. Samakatuwid, ang isang asset ay sumasalamin sa halaga ng pag-aari na maaaring ipalit sa salapi (kahit na ang pera mismo ay itinuturing rin bilang asset).

Itinatala sa balance sheet ng isang kumpanya ang pansalaping halaga ng mga asset nito. Ito ay ang pera at iba pang mga mahahalagang bagay na pag-aari ng isang indibidwal o kompanya. Ang dalawang pangunahing klasipikasyon ng mga asset ay ang konkreto at di-konkretong asset. Ang mga konkretong asset ay mayroon ring mga sub-uri katulad ng pangkasalukuyan at pangmatagalang asset. Kasama sa mga pangkasalukuyang asset ang pera at imbentaryo habang sa pangmatagalan naman ang mga gusali at makinarya.

Ang mga di-konkretong asset ay ang mga hindi pisikal na yaman at karapatang mayroong halaga sapagkat nagbibigay ito ng mga kalamangan sa merkado. Halimbawa nito ang mga karapatang-ari, patente, programang pangkompyuter, at tiwala (goodwill). Bahagi rin nito ang mga pinansyal na asset katulad ng mga bono at sapi.