Pumunta sa nilalaman

Kabayong Troyano (kompyuter)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang isang kabayong Trojan o Trojan ay isang hindi nagpaparami sa sariling uri ng malware na mukhang nagsasagawa ng isang kanais-nais na tungkulin sa kompyuter ngunit sa halip ay nagpapadali sa hindi-autorisadong paglapit sa sistemang kompyuter ng tagagamit. Ang mga trojan ay hindi nagtatangka na magpasok ng kanilang mga sarili sa ibang mga file tulad ng isang bayrus ng kompyuter. Ang mga kabayong Trojan ay maaaring magnakaw ng impormasyon o maminsala ng sistemang kompyuter ng kanilang host.[1] Ang mga trojan ay maaaring gumamit ng mga drive-by download o mag-install sa pamamagitan ng mga larong online o mga aplikasyon na pinatatakbo ng internet upang maabot ang mga pinupuntiryang mga kompyuter. Ang terminong Kabayong Trojan sa pagkukwenta ay hinango mula sa kuwentong Kabayong Trojan ng Mitolohiyang Griyego dahil ang mga malware na kabayong Trojan ay gumagamit ng isang anyo ng pag-iinhinyerong panlipunan na nagtatanghal ng kanilang mga sarili na hindi mapanganib na magagamit na mga regalo upang mahikayat kanilang mga biktima na iinstall sila sa kanilang mga kompyuter.[2][3][4][5][6]

Mga layunin at paggamit

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang isang Trojan ay maaaring magbigay sa isang hacker ng malayong paglapit sa isang pinupuntiryang sistemang kompyuter. Ang mga operasyong maaaring isagawa ng isang hacker sa isang pinupuntriyang sistemang kompyuter ay maaaring kabilangan ng:

  • Paggamit ng makina bilang bahagi ng isang botnet (halimbawa upang magsagawa ng isang automadong pagiispam o mamahagi ng mga pag-atakeng Denial-of-service)
  • Pagpapatigil sa kompyuter
  • Mabagal na pagtakbo ng kompyuter
  • Blue screen of death
  • Kontrolin ang kompyuter
  • Pagnanakaw ng salapi ng elektroniko
  • Pagnanakaw ng mga datos
  • Pag-iinstall ng sopwer kabilang ang ikatlong partidong malware at ransomware
  • Pagdodownload o upload ng mga file sa kompyuter ng tagagamit
  • Pagbabago o pagbura ng mga file
  • Pagtatala ng pagpindot sa keyboard
  • Panonood sa iskreen ng tagagamit
  • Panonood sa webcam ng tagagamit
  • Malayong pagkontrol sa kompyuter
  • Pagkukubli ng pagtingin sa internet

Mga karaniwang kabayong Trojan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Socket de Trois, Inactif (by JC`zic)
  • Netbus (by Carl-Fredrik Neikter)
  • Subseven or Sub7 (by Mobman)
  • Y3K Remote Administration Tool (by Konstantinos & Evangelos Tselentis)
  • Back Orifice (Sir Dystic)
  • Beast
  • Zeus
  • DarkComet
  • The Blackhole exploit kit[7]
  • Flashback Trojan (Trojan.BackDoor.Flashback)
  • ProRat
  1. "VIRUS-L/comp.virus Frequently Asked Questions (FAQ) v2.00 (Question B3: What is a Trojan Horse?)". 9 Oktubre 1995. Nakuha noong 2012-09-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Landwehr, C. E (1993). A taxonomy of computer program security flaws, with examples. DTIC Document. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-04-08. Nakuha noong 2012-04-05. {{cite conference}}: Unknown parameter |coauthors= ignored (|author= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Trojan Horse Definition". Nakuha noong 2012-04-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Trojan horse". Webopedia. Nakuha noong 2012-04-05.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "What is Trojan horse? - Definition from Whatis.com". Nakuha noong 2012-04-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Trojan Horse: [coined By MIT-hacker-turned-NSA-spook Dan Edwards] N." Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-05-15. Nakuha noong 2012-04-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Burt, Jeffrey (2012-04-19). "HP: Fewer but More Dangerous Software Security Vulnerabilities". eWeek.com. Ziff Davis. Nakuha noong 2012-04-20. [...] Web exploit kits continued to be popular in 2011. HP pointed to the Blackhole Exploit Kit, which officials said is used by most hackers and hit an infection rate of more than 80 percent in late Nobyembre 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]