Pamantasang Teknikal ng Istanbul
Ang Pamantasang Teknikal ng Istanbul (Turkish Istanbul Teknik Üniversitesi, Ingles: Istanbul Technical University) ay isang pampublikong pandaigdigang teknikal na unibersidad na matatagpuan sa Istanbul, Turkey. Ito ang ikatlong pinakamatandang [1] teknikal na mga unibersidad sa bansa na nakatuon sa inhenyeriya pati na rin sa agham panlipunan, at isa sa pinakakilalang institusyong pang-edukasyon sa Turkey. Marami sa mga nagtapos dito ay naging miyembro ng mga akademya ng agham sa Estados Unidos, Britanya at Rusya. Ang unibersidad ay may 39 programang di-gradwado, 144 programang gradwado, 13 kolehiyo, 346 laboratoryo, at 12 sentro ng pananaliksik.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ World Oldest Universities Naka-arkibo January 15, 2008, sa Wayback Machine.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.