William Harvey
William Harvey | |
---|---|
Kapanganakan | 1 Abril 1578 |
Kamatayan | 3 Hunyo 1657 (edad 79) |
Nasyonalidad | Ingles |
Kilala sa | Sirkulasyong sistemiko |
Karera sa agham | |
Larangan | Medisina Anatomiya |
Doctoral advisor | Hieronymus Fabricius |
Pirma | |
Si William Harvey (1 Abril 1578 – 3 Hunyo 1657) ay isang Ingles na manggagamot. Siya ang unang nakapaglarawan at nakapagpaliwanag nang buo at nakadetalye ng sirkulasyong sistemiko at mga katangiang pag-aari ng dugo na binobomba at dinadala sa katawan sa pamamagitan ng puso, bagaman mayroong mas naunang mga manunulat na nakapagbigay ng mga pauna hinggil sa teoriyang ito.[1][2] Pagkaraan ng kaniyang kamatayan, ang Ospital na William Harvey ay itinayo sa bayan ng Ashford, mayroong ilang mga milya mula sa Folkestone, Kent, na pook ng kaniyang kapanganakan.
Naging tanyag si Harvey dahil sa kaniyang ideya hinggil sa pagbomba ng dugo sa paligid ng katawan sa pamamagitan ng puso. Natuklasan ni Christianismi Restitutio kung paano gumagana ang sistemang sirkulatoryo, subalit nawala ang kaniyang mga gawain noong kaniyang kapanahunan. Natuklasan ni Harvey ang nagawa ni Restitutio pagkalipas ng isang daantaon pagdaka. Naglakbay si Harvey sa maraming lugar sa Europa upang manaliksik. Ang karamihan sa kaniyang mga pananaliksik ay ginawa niya sa Italya kung saan nagpunta siya sa Kolehiyong Ingles ng Roma.
Nagpunta si Harvey sa Ang Paaralan ng Hari ng Canterbury, at pagkaraan ay nagtungo sa Dalubhasaan ng Ganville at Caius, Cambridge. Pagkatapos ay nagpunta siya sa Pamantasan ng Padua kung saan nagtapos siya ng pag-aaral noong 1602. Nang magbalik siya sa Inglatera, pinakasalan niya si Elizabeth Browne, na anak na babae ng manggagamot ni Elizabeth I. Naging manggagamot siya para sa Ospital ni San Bartolome ng Londres mula 1609 hanggang 1643.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]this is epic. hi there how are you Good you?
- ↑ "There's a reasonable basis to assume that it was Dr. Amatus who first discovered the "Blood circulation" phenomena". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-04-03. Nakuha noong Disyembre 8, 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Wilson and Aubrey (1962). "Malter Warner". Aubrey's Brief Lives. Michigan U. Press. p. 315. Nakuha noong Disyembre 1, 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)