Baitang 8 - EsP - TG NG Module 4 - 1.14.2013
Baitang 8 - EsP - TG NG Module 4 - 1.14.2013
Baitang 8 - EsP - TG NG Module 4 - 1.14.2013
Batayang Konsepto
Ang pamilya ay may pananagutan sa pagbuo ng mapanagutang lipunan sa pamamagitan ng pagganap sa mga papel na panlipunan (pagpapakita ng pagtulong sa kapitbahay o pamayanan, at pagmamalasakit sa kalikasan) at papel na pampolitikal (pagbabantay sa mga karapatan at tungkulin ng pamilya at mga institusyong nagsusulong ng mga karapatan nito). Pagsasabuhay ng mga Pagkatuto Ano ang patunay ng pag-unawa? Naisasagawa ang isang gawaing angkop sa papel na panlipunan (hal: pagmamalasakit sa kalikasan) at pampolitikal ng pamilya (hal., pagtatakda ng mga pamantayan sa pagpili ng mga lider)
Kakayahan
Anong kakayahan ang dapat maipamalas tungo sa pag-unawa? Nasusuri ang isang halimbawa ng pamilyang ginagampanan ang papel na panlipunan at pampolitikal nito
Kaalaman Anong kaalaman ang kailangan upang maipamalas ang pag-unawa? Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa isang pamilya na nagpapakita ng pagtulong sa kapitbahay o pamayanan, pagmamalasakit sa kalikasan (papel na panlipunan) at pagbabantay sa mga karapatan at tungkulin ng pamilya at mga institusyong nagsusulong ng mga karapatan nito (papel na pampolitikal)
35
Mga Kakayahang Pampagkatuto: LC1: Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa isang pamilya na nagpapakita ng pagtulong sa kapitbahay o pamayanan, pagmamalasakit sa kalikasan (papel na panlipunan) at pagbabantay sa mga karapatan at tungkulin ng pamilya at mga institusyong nagsusulong ng mga karapatan nito (papel na pampolitikal) LC2: Nasusuri ang isang halimbawa ng pamilyang ginagampanan ang papel na panlipunan at pampolitikal nito LC3: Nahihinuha na may pananagutan ang pamilya sa pagbuo ng mapanagutang lipunan sa pamamagitan ng pagganap sa mga papel na panlipunan (pagpapakita ng pagtulong sa kapitbahay o pamayanan, at pagmamalasakit sa kalikasan) at papel na pampolitikal (pagbabantay sa mga karapatan at tungkulin ng pamilya at mga institusyong nagsusulong ng mga karapatan nito) LC4: Naisasagawa ang isang gawaing angkop sa papel na panlipunan (hal: pagmamalasakit sa kalikasan) at pampolitikal ng pamilya (hal., pagtatakda ng mga pamantayan sa pagpili ng mga lider)
Pagtatasa: LC1: Pagsusuri ng larawan ng mga gawaing nagpapakita ng pagganap sa mga papel na panlipunan at pampolitikal ng pamilya Pagtatala ng gawaing nagpapakita ng papel na panlipunan at isang nagpapakita ng politikal na papel ng pamilya
LC2: Pagsusuri ng mga karapatan at pamamaraan kung paano mababantayan ang mga karapatang ito ng pamilya.
LC4: Pagsusuri ng Profile ng ilang mga Nakaupong Halal na Opisyal ayon sa kanilang mga naging plataporma, proyekto at mga ipinahayag na prinsipyo tungkol sa ilang mahahalagang isyung nakaapekto sa integridad ng pamilya tulad ng pabahay, kasal, diborsyo, aborsyon, at iba pa.
I.
PLANO NG PAGTUTURO-PAGKATUTO
1. Talakayin ang panimula sa pahina 1. Mahalagang maiugnay ang kasalukuyang markahan sa nakaraang mga aralin sa unang markahan upang maipaunawa sa mga mag-aaral ang halaga ng pagkatuto mula rito.
36
2. Mahalagang mapukaw ang isipan at damdamin ng mga mag-aaral sa panimula pa lamang upang matiyak na makukuha ang kanilang interes para sa pagsasagawa ng mga gawain. 3. Ipabasa sa mga mag-aaral ang pahina 1-2. Isa-sahin ang mga layuning pampagkatuto para sa Modyul 4 na nasa loob ng kahon. Sabihin: Mayroon ba kayong gustong linawin tungkol sa mga layuning binasa?
B. PAUNANG PAGTATAYA 1. Ipabasa ang panuto para sa bilang 1 6 2. Itanong kung may nais linawin ang mga mag-aaral tungkol sa panuto 3. Pasagutan ang bilang 1 6 4. Ipabasa ang panuto para sa bilang 7 - 10 5. Itanong kung may nais linawin ang mga mag-aaral tungkol sa panuto 6. Pasagutan ang bilang 7 10 7. Ipaskil ang tamang mga sagot sa Paunang Pagtataya 8. Hayaang markahan ng mga mag-aaral angn kanilang sarili 9. Bilangin kung ilan ang nakakuha ng higit sa sampung tamang sagot. 10. Kung karamihan ay nakakuha ng mahigit sa sampu (80 % hanggang 100%), maaaring hindi kailangan pa ang mga gawain sa pagtuklas ng dating kaalaman at paglinang. Maaari nang tumungo sa bahaging Pagpapalalim.
Gawain 1 1. Ipasuri ang mga larawan na nagpapakita ng ibat ibang gawaing nilalahukan ng pamilya sa pamayanan sa pahina 6 - 7 2. Pasagutan ang mga tanong sa pagsusuri sa kwaderno 3. Pangunahan ang talakayan tungkol sa mga sagot sa mga tanong Gawain 2 1. Ipabasa ang talata sa pahina 7 2. Talakayin ang nilalaman ng talata gamit ang mga gabay na tanong sa pahina 8 3. Papunan ang chart sa pahina 8 4. Ipaliwanag kung paaano ito pupunan
37
Gawain 1 1. Sabihin sa mga mag-aaral na silay magsasagawa ng isang survey sa kanilang baranggay. 2. Pangkatin ang mga mag-aaral sa anim 3. Ipaskil ang mga tanong na gagamitin ng mga mag-aaral. Bigyan din sila ng sipi nito. 4. Basahin ang mga tanong 5. Sabihing sila ay gagawa ng ulat tungkol sa survey 6. Ipaskil ang kraytiryang gagamitin sa paggawa ng ulat 7. Ipaliwanag ang mga ito 8. Ipaskil ang Rubric na gagamitin sa pagtataya ng ginawang ulat 9. Bigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral upang isagawa ang gawain. 10. Ipaulat sa klase ang mga naging resulta ng survey. Tiyaking lahat ng pangkat ay makapag-uulat 11. Pangunahan ang talakayan kaugnay ng naging resulta ng survey gamit ang mga tanong sa pahina 9 bilang gabay. Gawain 2 1. Balikan ang naging resulta ng survey. Itanong: Batay sa inyong naging survey, ano-ano ang mga pangangailangan ng mga pamilya? 2. Isulat sa pisara ang kanilang mga naging sagot 3. Sabihin: Sa isang malinis na papel, itala ang lahat ng mga pangangailangan ng pamilya batay sa inyong isinagawang survey. Mula sa mga naitalang
pangangailangan na ito ay maari mo ring mahinuha ang ilan sa mga karapatan ng pamilya. 4. Magbigay ng halimbawa sa pisara 5. Sabihin: Ngayon kayo naman. Mas marami ang inyong maisusulat nakarapatan ay mas mabuti 6. Ipagawa ang gawain 7. Ipaulat ang kanilang mga nahinuhang karapatan
38
Pagtataya 1. Suriin ang mga nahinuhang karapatan ng mga mag-aaral 2. Isulat sa pisara ang tanong: Paano mababantayan at maisusulong ng pamilya ang mga karapatang ito? 3. Hayaang isulat ng mga mag-aaral ang kanilang sagot sa kwaderno 4. Tumawag ng ilan upang maglahad ng mga naitala nilang paraan E. PAGPAPALALIM
Paalala: Makatutulong kung ang sanaysay ay ipababasa na sa mga mag-aaral bilang Takdang Aralin. 1. Ipabasa ang sanaysay sa Pahina 10 - 17 2. Sabihin: Basahin natin ang sanaysay na may pamagat na Ang Papel na Panlipunan at Pampolitikal ng Pamilya. 3. Bigyan ng 15 minuto ang mga mag-aaral upang basahin ang sanaysay. 4. Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat. Hayaan silang magtalaga ng kanilang pinuno at tagapagtala. 5. Ibigay sa mga ito ang mga inihandang concept organizers sa Manila Paper at ang mga activity cards para sa mga panuto at karagdagang kaalaman tungkol sa gawain. 6. Ipapaskil ang mga output ng bawat pangkat sa pisara at ipaulat ito. 7. Matapos ng mga pag-uulat, tiyaking magbigay ng paglilinaw sa ilang mga mahahalagang konspetong hindi naipaliwanag nang wasto at sapat. 8. Pasagutan ang Tayahin ang Iyong Pag-unawa sa pahina 17. Bigyan sila ng 5 minuto upang gawin ito. 9. Magpaskil o gumuhit sa pisara ng replica ng graphic organizer sa pahina 18. Tumawag ng ilang mga mag-aaral upang punan ang graphic organizer. Ipasulat sa mag-aaral ang nabuong konsepto sa ilalim ng nakapaskil na mga output ng bawat pangkat na graphic organizer. 10. Piliin ang konseptong pinakamalapit sa Batayang Konsepto na nasa sumusunod na kahon:
Batayang Konsepto: Ang pamilya ay may pananagutan sa pagbuo ng mapanagutang lipunan sa pamamagitan ng pagganap sa mga papel na panlipunan (pagpapakita ng pagtulong sa kapitbahay o pamayanan, at pagmamalasakit sa kalikasan) at papel na pampolitikal (pagbabantay sa mga karapatan at tungkulin ng pamilya at mga institusyong nagsusulong ng mga karapatan nito).
39
Activity Card 1 Ang Fishbone Cause and Effect Diagram ginagamit upang ipakita ang epekto ng mga proseso o hakbang na isinasagawa. Panuto: Pumili ng konsepto o mga konsepto sa binasang sanaysay na mabisang gamitan ng Fishbone Diagram. Punan ang Fishbone Diagram sa Manila Paper. Iulat ito sa klase.
sumusunod na halimbawa.
Activity Card 2 Ang Hierarchical Organizer ay ginagamit upang ipakita ang maliliit na konsepto sa ilalim ng higit na malalaking konsepto. Panuto: Pumili ng konsepto o mga konsepto sa binasang sanaysay na mabisang gamitan ng Hierarchical Organizer. Punan ang Hirarchical Organizer sa Manila Paper. Iulat ito sa klase.
40
Activity Card 3 Panuto: Gamit ang idea web graphic organizer, tukuyin at isa-isahiin ang mga konseptong nabasa sa sanaysay. Sa ibaba ng graphic organizer, isulat ang maikling paglalagom ng mga konseptong nabasa. Oras na ilalaan sa gawain: 15 minuto. Iulat ang inyong output sa klase.
Activity Card 4 Panuto: Gamit ang idea web graphic organizer, tukuyin at isa-isahiin ang mga konseptong nabasa sa sanaysay. Sa ibaba ng graphic organizer, isulat ang maikling paglalagom ng mga konseptong nabasa. Oras na ilalaan sa gawain: 15 minuto.
F. PAGSASABUHAY
Pagganap 1. Ipabasa ang gawain sa Pagganap sa pahina 19. 2. Ipaliwanag ang Panuto
41
3. Makatutulong kung magpapaskil sa pisara ng tsart na may nakasulat ng halimbawa 4. Bigyan ng panahon ang mga mag-aaral para komunsulta sa kanilang pamilya, lalo na sa kanilang mga magulang 5. Ipaulat sa klase ang resulta ng kanilang pagsusuri sa profile at performance ng mga nakaupong opisyal ng local na pamahalaan ayon sa pagsusulong at pagtatangol sa mga karapatan ng pamilya 6. Markahan ang naging pag-uulat batay sa kalakip na rubric
Pagninilay 1. Maaring magpapanood sa mga mag-aaral ng isang maikling video o sa kooperasyon ng ilang mag-aaral, tableau drama na nagpapakita ng kalagayan ng pamilya sa bansa. 2. Pasagutan ang gawian sa Pagninilay sa pahina 20 Pagsasabuhay 1. Hayaang magpangkat ang mga mag-aaral na magkakabaranggay o nabibilang sa isang pamayanan. Kung sila ay labis sa 10, maaring hatiin sa dalawa o higit pang pangkat ang magkakabaranggay 2. Bawat pangkat ay magsasagawa ng sarili nilang pagsusuri sa mga suliranin na maaring mayroon dito. 3. Iparanggo ang mga suliraning ito ayon sa pangangailangan ng madaliang kilos (urgency) halaga sa pamayanan kakayahang malutas o matugunan ito ng inyong mga pamilya 4. Tulungan ang mga mag-aaral na pumili ng suliranin na kanilang lulutasin 5. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbabalangkas ng plano ng gawain na makatutulong upang malutas ang napiling suliranin na tutugunan ayon sa: L - ayunin A - ktuwal na Gampanin P - aglilingkuran P - amantayan at Kraytirya I - naasahang Pagganap S - itwasyon 6. Ipasagawa ang planong gawain sa takdang panahon 7. Pagawin sila ng ulat ng pagsasagawa nito 8. Makatutulong din kuung ang guro ay nakibahagi sa gawaing ito
42
Annex Edukasyon sa Pagpapakatao sa Module 4 : Ang Papel na Panlipunan at Pampolitikal ng Pamilya Gabay sa Pagwawasto A 1. c 2. b 3. b 4. b 5. c 6. c B. 1. D (Halimbawa) 2. C 3. E 4. A 5. B
Batayang Konsepto: Ang pamilya ay may pananagutan sa pagbuo ng mapanagutang lipunan sa pamamagitan ng pagganap sa mga papel na panlipunan (pagpapakita ng pagtulong sa kapitbahay o pamayanan, at pagmamalasakit sa kalikasan) at papel na pampolitikal (pagbabantay sa mga karapatan at tungkulin ng pamilya at mga institusyong nagsusulong ng mga karapatan nito).
43