Reviewer For The First Grading Period 2nd Year

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

REVIEWER FOR THE FIRST GRADING PERIOD (2nd Year)

Aralin 1: Ang Pamilya Bilang Natural Na Institusyon ng Pagmamahalan, Pagtutulungan at Pananampalataya Ang pamilya, bilang pundasyon ng bansa, ay ang saligang institusyong sosyal na kinabibilangan ng: Mag-asawang babae at lalaki Mga magulang at kanilang mga anak (tunay o ampon) Magkakapatid (full-blood, half-blood) Mga Uri ng Pamilya 1. Nuclear Binubuo lamang ng mga magulang at kanilang mga anak 2. Extended Binubuo ng mga mga magulang, kanilang mga anak pati na kanilang kamag-anak 3. Broken Binubuo lamang ng isang magulang at kanyang anak/mga anak dahil ang isang magulang ay nag-abandona sa kanila Maituturing na natural na institusyon ang pamilya sapagkat ito ay nabuo nang hindi pinipili o inihahalal ang mga miyembro nito. Likas na dumadami ang mga kasapi nito. Maituturing na una at mahalagang bahagi ng lipunan ang pamilya dahil ito ang orihinal na pinagmulan ng bawat tao. Sa pamilya, sumisibol ang bawat indibidwal na bumubuo ng lipunan. Ang bawat kasapi ng ibat ibang sektor ng lipunan ay miyembro ng pamilya. Maituturing na ang pamilya ay isang institusyong hindi magmamaliw sa paghubog ng mga pangunahing pagpapahalaga magbago man ang panahon. Sa pamilya pa rin umuusbong ang pagkatao ng bawat miyembro ng pamilya at ng lipunan. Ang pamilya ang una at hindi mapapalitang paaralan para sa panlipunang buhay (the first and irreplaceable school of social life). Ang pakikitungo ng lalaki sa kanyang maybahay, ang pag-aasikaso ng babae sa kanyang asawa at ang pagtrato ng ama o ng ina sa kanyang mga anak bay pinag-uugatan ng ibat ibang pagpapahalagang panlipunan. Ang uri ng samahan at pakikitungo ng bawat isa sa pamilya ay pagsasanay ng kanilang pakikitungo sa ibang tao. Sa araw-araw na samahan sa pamilya, ang kanilang mga pag-uugali at pagpapahalaga ay nagiging repleksyon ng bawat isa na nakikita ng ibang tao. Sa pamilya unang natutuhan ang mga pagpapahalagang panlipunan. Pagmamahalan sa Pamilya Dahil ang pamilya ang orihinal na paaralan ng pagibig, dito matatagpuan ang pagmamahal na walang kapalit. Bilang natatanging miyembro ng pamilya, hindi siya basta pinapalitan kung hindi niya magampanan nang maayos ang kanyang pananagutan. dapat makintal sa isip ng bawat miyembro ng pamilya na bigyang halaga ang kapamilya kahit ito ay hindi makasunod sa bawat inaasahan sa kanya. Maituturing din na parang sarili (another self) ang mga kapamilya dahil sa ugnayang dugo na Aralin 1 (Karugtong) Pananampalataya sa Pamilya Ang pananampalataya ng isang tao ay karaniwang nakagisnan niya sa kanyang pamilya. ula sa pagkabata, iminulat na siya na mayroong Diyos na gumagabay sa kanya. Sinasabihan siyang magdasal kung nais niyang humiling o makuha ang nais niya. Itinuro ng mga magulang na dapat matakot gumawa ng masama sapagkat ang Diyos ay nagpaparusa rin sa mga taong masasama. Ang konsensya ay nahuhubog dahil dito. Ang samasamang pagsimba o pagsamba ay makikita sa pamilya. Dahil sa mataas na pananampalataya ng pamilya, nahuhubog ang mga pagpapahalaga tulad ng paggalang, pagpapakumbaba, pag-asa, katatagan at pagtitimpi. Sa loob ng bahay dalanginan, simbahan, moske o sambahan, ang mga anak ay tinuturuang magbigay galang sa Diyos o kay Allah. Ang mga anak ay tinuturuang magpakumbaba at humingi ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan. Tinuturuan din ang mga anak na humiling sa Diyos o kay Allah na magkaroon ng pag-asa na ibibigay ang kanilang kahilingan. Kung dumaranas naman ng paghihirap ang pamilya, sinasabihan ang mga anak na maging matatag dahil ang Diyos o si Allah ay gumagabay sa kanila. Ganoon din, sa panahon ng mga tukso, pinapayuhan ang mga anak na maging mapagtimpi at magtiis upang malagpasan ang mga ito. Ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya na nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa pakikipagkapwa. Aralin 2: Ang Halaga ng Komunikasyon sa Pagpapatatag ng Pamilya at Pakikitungo sa Kapwa Ang harapang pag-uusap ng magulang at anak, magkapatid at ng iba pang miyembro ng pamilya ay mahalaga sa paghubog ng relasyon sa pagitan nila. Mga Uri ng Komunikasyon 1. Written o Pasulat 2. Verbal o Pasalita 3. Non-Verbal a. Facial Expressions b. Hand Gestures c. Body Language 4. Visual 5. Electronic Mga Bentahe ng Harapang Pag-uusap 1. Naipapakita ang angkop na emosyon 2. Walang gastos ang harapang pag-uusap 3. Malawak ang paksang maaaring pag-usapan 4. Maaaring itakda sa anumang bahagi ng tahanan 5. Higit na nagkalalapit ng samahan ang bawat miyembro ng pamilya 6. Nagiging isang mahalagang okasyon o bonding moment Mga Hadlang sa Komunikasyon 1. Umid o Walang Kibo 2. Mali o Magkaibang Pananaw 3. Inis o Ilag sa Kausap 4. Daramdamin o Diribdibin 5. Pisikal na Sagabal 6. Pisyolohikal 7. Sikolohikal

namamagitan sa bawat kasapi ng pamilya. Pagtutulungan sa Pamilya Ang pagtutulungan sa Pamilya ay natural sapagkat kaligayahan ng bawat kasapi na makitang mabuti ang kalagayan ng buong pamilya. Sinasabing ang pagtulong sa kapamilya ay pagkakataon upang maibahagi ang sarili. Sa pamilya higit na nagiging totoo ang pagbibigay na walang hinihintay na kapalit.

Mga Paraan Para sa Mabuting Komunikasyon 1. Mapanlikha (Creativity) 2. Alaala at Malasakit (Care and Concern) 3. Hayag o Bukas (Cooperativeness and Openness) 4. Atin-Atin (Personal) 5. Lugod o Ligaya (Joy) Ang bukas na komunikasyon sa pagitan ng mga magulang at mga anak ay nagbibigay-daan sa mabuting ugnayan ng pamilya at sa pakikitungo sa kapwa

Aralin 4: (Karugtong) Nakatutulong ang pamilya sa pagtataguyod ng mabubuting proyekto ng pamayanan at ang pagiging bukas ng pamilya sa pagtulong sa kapwa Aralin 3: Napatatatag ng Pakikipagkapwa ang Pamilya 1. Ang mga Pilipino ay makapamilya. Ang mga Pilipino ay nagtataglay ng tunay at malalim na pagmamahal sa pamilya. Para sa Pilipino, ang pamilya ang pinanggagalingan ng personal na pagkakilanlan, suportang emosyonal at materyal at ng pangunahing komitment at pananagutan. 2. Ang malasakit sa pamilya ay makikita sa pagbibigay-dangal at paggalang sa mga magulang at nakatatanda, pag-aaruga sa mga anak, pagiging mapagbigay sa mga kamag-anak sa oras ng kanilang pangangailangan, at sa malaking sakripisyo para sa kapakanan ng kanilang. 3. Ang pakiramdam na suportado at mahal ka ng iyong pamilya ang nagiging daan upang magkaroon ka ng tiwalang kabilang ka, may pinagmulan ka at ikaw ay ligtas o may seguridad. 4. Ang mga Pilipino ay bukas sa iba at may pakiramdam na kabilang sa ibang tao. Ang pangunahing manipestasyon ng mabuting pakikipagkapwa-tao ng mga Pilipino ay ang pagtingin sa halaga ng katarungan, pagiging patas at pagmamalasakit sa kapwa. 5. Naipakikita ang mga pagpapahalagang ito sa pakikisimpatya sa paghihirap ng iba, pagiging matulungin at mapagbigay sa oras ng pangangailangan (pakikiramay), pagsasagawa ng bayanihan o pagtulong at ang mabuting pagtanggap sa bisita o ibang tao. 6. Ang pakikipagkapwa-tao ay nagreresulta sa pagiging malapit ng bawat Pilipino. Ito ang nagiging pundasyon ng pagkakaisa at pagpapahalaga sa katarungang panlipunan. 7. Ang mabuting pakikipagkapwa ay higit pang mapayayabong sa pamilya kung sa pamilya mismo ay matutuhan ang pagpapahalaga at birtud ng pagmamahal, pagmamalasakit, pagtulong, pakikiramay, pakiki-angkop, pakikitungo at mabuting pakikisama. 8. Mula sa pamilya, mapauunlad mo ang iyong pakikipagkapwa. Kung nakita mong mabuti ang pagpapalaki sa iyo ng iyong mga magulang, matuwa ka dahil magiging maayos din ang iyong pakikipagkapwa. Subalit kung mayroon kang nakitang hindi mabuti sa inyong pamilya, huwag kang malungkot sapagkat maaari mo pa rin maitama at mapabuti ang iyong pagkatao at ang pakikitungo sa iyong kapwa. 9. Kung sakaling kulang ang mga ito, maaari ka pa ring maging mabuting tao. Kailangan mo lamang isipin kung ano ang mabuti at isabuhay ito. Suriin ang mga pangyayari sa iyong paligid at huwag

hayaang maimpluwensyahan ng masama. Alalahaning, ang iyong buhay ay nasa iyong pagpapasya at ang resulta ng iyong pasya ay nararapat mong harapin. Ang pakikisalamuha sa kapwa ay pagkakataon upang mapatibay ang mga pagpapahalagang natutuhan sa pamilya. Aralin 4: Ang Pamilya sa Pamayanan 1. Ang lakas ng bawat pamayanan ay makikita sa pagkakasundo ng bawat pamilya. Walang pamayanan ang magiging maunlad kung walang pagkakaisa ang bawat pamilya. 2. Maaaring tumulong sa pamayanan sa pamamagitan ng: a. Paglilinis b. Pagbubulontaryo ng sariling serbisyo o pakikibahagi sa gawain ng pamayanan c. Pag-oorganisa ng isang makabuluhang event d. Fundraising e. Campaign f. Pagbibigay ng donasyon, pera man o materyal na bagay sa mga apektado ng kalamidad 3. Mga Dahilan Kung Bakit Dapat Tumulong sa Pamayanan a. Mabuti ang pakiramdam ng tumutulong. Ang pakiramdam na nakatulong ka sa iba ay may dulot na kaligayahan. b. Napatatatag ang pamayanan. Kung ang mga samahan at ahensya ay may mga boluntaryong naglilingkod sa pamayanan, nagkakaroon ng pagkakataong umunlad ang pamayanan. c. Napatatatag ang pamilya. Nagiging higit na malapit ang pamilya sa tuwing sila ay tumutulong sa pamayanan. Ang libreng oras ng pamilya ay nagugugol sa pagsama sa mga boluntaryong gawain para sa pamayanan. 4. Maaaring gugulin ang libreng oras kasama ng pamilya sa pagtulong o paglilingkod sa pamayanan.

You might also like