Talambuhay Ni DR RIzal

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

TALAMBUHAY NI DR.

JOSE RIZAL

Si Dr. Jose Protacio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina G. Francisco Mercado at Gng. Teodora Alonzo. Ang kanyang ina ang naging unang guro niya, maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Bian, Laguna. Nakapag tapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may mataas na karangalan. Noong 1877 ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay ang medisina at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng ibat ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris at Heidelberg. Ang kanyang dalawang nobela Noli Me Tangere at El Filibusterismo. naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila. Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng samahan tinawag ito na La Liga Filipina. Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at agricultura. Noong Hulyo 6, 1892 siya ay nakulong siya sa Fort Santiago at ipinatapon sa Dapitan noong Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot siya sa mga maysakit at hinikayat niya ang mamamayan na magbukas ng paaralan, hinikayat din niya ang ito sa pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran. Noong Setyem bre 3, 1896 habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang siruhano at inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at sa pangalawang pagkakataon nakulong siya sa Fort Bonifacio. Noong Disyembre 26, 1896 si Dr. Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila. Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang Mi Ultimo Adios (Ang Huling Paalam) upang magmulat sa mga susunod pang henerasyon na maging makabayan. Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Dr. Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay Luneta).

Talambuhay ni Dr. Jose P. Rizal

Isinilang sa Calamba, Laguna noong ika-19 ng Hunyo, 1861. Tinaguriang pinakadakilang anak ng lahing kayumanggi. Siya ay si Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo Realonda Y Quintos. Ang kanyang mga magulang ay sina Francisco Engracio Rizal Mercado Alejandro at Teodora Alonzo Realonda Quintos. Ricial, dito nagmula ang pangalang Rizal na nangangahuluganag "mula sa bigas o palay" ng luntiang kabukiran. Ito ay alinsunod sa kapasyahan ng Kapitan Heneral Claveria noong ika-27 ng Nobyembre,1849. Si Rizal ay bininyagan noong ika-20 ng Hunyo, 1861 sa Calamba, Laguna. Ang nagbinyag sa kanya ay si Padre Rufino Collantes at si Padre Pedro Casaas ang kanyang naging ninong. Noong 1864, siya'y tatlong taong gulang, tinuruan siya ng kanyang ina ng abakada at nang siya'y siyam na taong gulang na ay pinadala siya sa Bian at nag-aral sa ilalim ni Justiniano Aquino Cruz. Ika-20 ng Enero, 1872 ay pumasok si Rizal sa Ateneo Municipal de Manila dito siya nagtamo ng kanyang pangunahing medalya at notang Sobrasaliente sa lahat ng aklat. Noong ika-14 ng Marso, 1877 tumanggap siya ng katibayang Bachiler en Artes at notang Sobrasaliente kalakip ang pinakamataas na karangalan. Nag-aral siya Filosopia Y Letras sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1878 at Agham sa pagsasaka sa Ateneo. Sa Ateneo din siya ng panggagamot. Ika-5 ng Mayo, 1882. Siya ay nagtungo sa Europa sa gulang na 21 upang magpatuloy ng pag-aaral. Sapagkat hindi siya nasisiyahan sa pagtuturo sa eskwelang pinapasukan. Noong 1884, nagsimula si Rizal sa pag-aaral ng Ingles. Magtatapos ang 1884 at magsisimula ang 1885 nang sinulat ni Rizal ang unang kalahati ng Noli Me Tangere sa Madrid. Ang ikaapat na bahagi sa Paris at isa pang ikaapat na bahagi ay isinulat sa Alemanya. Natapos niya ang Noli Me Tangere noong ika-21 ng Pebrero, 1887. Dalawang libong kopya ang kanyang naipagawa na nagkakahalaga ng tatlong daang piso. Si Maximo Viola ang tumulong sa kanya at nagpahiram ng tatlong daang piso. Ika-3 ng Pebrero, 1888. Siya ay umalis sa Maynila upang magtungo sa Europa dahil umiiwas siya sa pagkagalit ng mga Kastila sa pagkakalathala sa Maynila. Noong 1891 ipinalimbag sa Grante Belhika ang kasunod na aklat ng Noli Me Tangere na El Filibusterismo. Ika-3 ng Hunyo, 1892, itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina. isang kapisanan na ang lihim na pakay ay ang pagbabago ng lakad ng pamahalaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng mapayapang paraan at di paghihimagsik. Bumalik siya sa Pilipinas nang ika-26 ng Hunyo, 1892. Ika-7 ng Hunyo, 1892, alinsunod sa kautusan ni Kapitan Heneral Despujol, ipinalathala sa Gazette ang mga dahilan sa pagdadakip kay Rizal. Pagkatapos ng walong

araw, ika-15 ng buwan na iyon ay ipinatapon si Rizal sa Mindanao. Si Kapitan Heneral Blanco ang nagpatotoo sa mga kakayahan ni Rizal na kailanma'y di siya nakilahok sa mga pag-aalsang nangyari sa Pilipinas at dahil dito, humiling si Rizal na makapaglingkod sa mga pagamutan sa Cuba. Magtatapos ang 1896, hinuli si Rizal sa kinalulunang bapor habang naglalakbay patungong Espanya at pagdating sa Barcelona ay ibinalik sa Paris. Sa Real Fuersa De Santiago ay piniit si Rizal nang siyay dumating sa Maynila. Dito siya hinarap sa hukumang militar at nilitis at nahatulang barilin sa Bagong Bayan. Ika30 ng Disyembre, 1896, binaril si Rizal sa edad na 35. Bago siya lumabas sa Fort Santiago, ibinigay niya ang ilawang kinaroroonan ng kanyang huling akdang pampanitikan kay Trinidad.

Talambuhay ni Andres Bonifacio

Si Andres Bonifacio ay ipinanganak noong ika-30 ng Nobyembre, 1863. Ang kanyang mga magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro. Nakatapos siya sa mababang paaralan ni Guillermo Osmenia ng Cebu at sa gulang na 14, ang kanyang mga magulang ay namatay at napilitan siyang huminto sa pag-aaral upang alagaan ang mga nakababata niyang kapatid na babae and lalaki. Bilang hanap-buhay, inatasan niya ang kanyang mga kapatid na tulungan siya sa paggawa ng kahoy na baston at papel na pamaypay na kanyang itininda sa lansangan. Dahil siya ay marunong magbasa at sumulat, siya ay naging isang kawani ng Kumpaniyang "Fleeming and Company", isang kumpaniya na nagtitinda ng rattan at iba pang mga paninda. Dahil siya ay masipag, siya ay ginawang ahente. Subalit ang kanyang kinikita ay hindi pa rin sapat na pang-suporta sa kanyang mga naulilang kapatid. Lumipat siya sa kumpaniyang "Fressell and Company" bilang ahente. Ipinakita niya ang bukod tanging determinasiyon at sipag kaya naging matatag siya sa kanyang trabaho Dinagdagan niya ang kanyang kakulangan sa pag-aaral sa pamagitan ng pagbabasa at sariling pag-aaral. Kasama sa sa mga kakaunting aklat na kanyang binasa ay ang mga nobela ni Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo, Ang mga buhay ng Pangulo, Ang "Les Miserables" ni Victor Hugo (na isinalin niya sa Tagalog), Ang pagkasira ng Palmyra at Himagsikang Pranses. Nakapagsulat din siya ng mga artikulo at mga tula, isa na dito ang pinakasikat na 'Pag-ibig sa Tinubuang Lupa'. Ang mga nabasa niyang aklat ang nagsiklab sa kanyang kaluluwa ng paggawa ng Himagsikan at pagtatag ng Katipunan o KKK (Kataastaasang Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan). Itinatag niya ang Katipunan noong ika-7 ng Hulyo, 1892 kasama sina Ladislao Diwa, Teodoro Plata at Deodato Arellano. Ang kanyang pangalan ay Maypagasa. Ang kanyang asawa na si Gregoria de Jesus ang siayng lakambini ng Katipunan. Ang samahang ito ay mabilis na kumalat sa maraming bahagi ng Pilipinas. Naramdaman ni Bonifacio na kaya na niyang umpisahan ang himagsikan noong Mayo ng 1896. Subalit, bago pa man siya mag-umpisa; ang Katipunan ay natuklasan ng mga Kastila. Mahigit sa 1,000 Katipunero ang sumama sa kanya sa Pugad Lawin, Caloocan noong ika-23 ng Agosto, 1896. Buhat noon ,ang

Katipunan ay natuklasan ng mga Kastila, kaya hindi sila makatakas sa pang-aaresto ng mga Kastila, at ang mga tauhan niya na kulang sa armas, pagod at gutom at kakaunti ang tumulong ay nakaranas ng malabong tagumpay at malubhang pagkatalo. Ito ang nagkumbinsi sa bahaging Magdiwang na anyayahan si Bonifacio sa Cavite para ayusin ang kanilang hidwaan at patuloy na magkaisa. Isang Pulong ang ginanap sa Tejeros, Cavite. Si Bonifacio ang namuno ng pagpupulong upang itatag ang Republika ng Pilipinas. Sa halalan si Aguinaldo ang nahalal na Pangulo, si Mariano Trias naman ang Pangalawang Pangulo at si Bonifacio ang Taga-Liham. Si Bonifacio ay nasaktan at ginamit niya ang kanyang karapatan bilang Pinakamataas na Pinuno ng Katipunan, upang mapawalang bisa ang halalan. Si Bonifacio ay lumipat sa Naic, Cavite at nag-umpisa siyang gumawa ng sarili niyang pamahalaan at puwersa. Samantala, ang mga umaabanteng tropa ng Kastilang Heneral na si Camilo de Polavia ay nagbabantang sakupin ang Cavite. Inutusan ni Aguinaldo sila Pio del Pilar at Noriel na pawang binigyan ng matataas na katungkulan na iwanan si Bonifacio at bumalik sa kanilang gawain. Si Bonifacio kasama ang kanyang pamilya ay umalis sa Naic papuntang Indang at sa kanyang pagbabalik sa Montalban, si Aguinaldo ay nagpadala ng tauhan para siya ay arestuhin, subalit si Bonifacio ay lumaban at nasugatan. Humarap siya sa isang paglilitis dahil sa kanyang gawain na laban sa bagong pamahalan at binigyan ng sentensiyang bitay ng isang Militar na Hukuman. Ang mga tauhan ni Aguinaldo ang bumitay sa kanya sa kabundukan ng Maragondon, Cavite noong ika-10 ng Mayo, 1897. Hanggang ngayon si Bonifacio ay kilala ng mga Pinoy sa kanyang katapangan na inilarawan sa mga katagang ito:

" Andres Bonifacio Matapang na Tao....

You might also like