Download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4
GABAY NG GURO SA BAITANG 7
PLANO SA PAGKATUTO (LEARNING PLAN)
UNANG MARKAHAN
LINGGO 21
UNANG ARAW
Petsa: ______________________________
I. Mga Tunguhin: Nakapagtataya sa mga iskemang taglay ng mga mag-aaral patungkol sa komiks Naipakikilala at nababasa ang akdang tatalakayin at ang talambuhay ng manunulat nito
II. Mga Kagamitan a) Kopya ng mga sumusunod na bahagi ng komiks na isinulat ni Pol Medina Jr na pinamagatang Pugad Baboy 6 Pimple (pahina 1) Braces (pahina 3) The Gwapings (pahina 30) III. Paksang Aralin Trese Isyu 5 ni Budjette Tan
IV. Pamamaraan
A. Panimulang Pagtataya (10 minuto) (1/4 na papel)
TALAAN NG ISPISIPIKASYON (Dayagnostikong Pagsusulit)
MGA KASANAYAN
# NG AYTEM KINALALAGYAN NG AYTEM % 1. Nakikilala ang mga kakaibang nilalang mula sa mitolohiyang katatakutan ng Panitikang Pilipino
3
1,2,4
30 2. Natutukoy ang mga katawagang nabuo mula sa mga paniniwala ng mga sinaunang Pilipino
2
3 at 5
20 3. Natutukoy ang pagkakaiba ng pagsulat ng balitang makatotohanan at di-makatotohanan
5
6-10
50
_______1) Sila ang mga kakaibang nilalang na pinaniniwalaan ng mga Pilipino na nakatira sa isang punso. _______2) Sila naman ay kumakain ng mga sanggol at tumitigil sa mga bubong ng mga bahay ng buntis. _______3) Ito ang tawag sa paraan ng panggagamot ng mga albularyo gamit ang kandila, plangganang maliit na may tubig. _______4) Pinaniniwalaang sila ang mga kaluluwang ligaw na hindi nabasbasan nang mamatay. _______5) Ito ang katawagan sa mga paniniwala ng mga matatandang Pilipino.
(6-10) Isulat ang M kung ang sumusunod na balita ay makatotohanan at DM naman kung hindi. ____6) P-noy, tatakbo sa susunod na eleksyon. ____7) Isang buntis, nawalan ng anak. Kinain ng isang manananggal. ____8) KC nagkasakit, dinalaw ng manliligaw na tikbalang. ____9) Dalagang artista, nanganak ng duwende. ___10) Bus papuntang Mindanao, nahulog sa bangin ng Bundok Panganib.
B. Pagganyak (10 minuto) Magbigay ng mga sikat na artistang nababalita sa ngayon na sangkot sa ibat ibang isyu. Ipakinig sa kanila ang isang showbiz balita Mga gabay na tanong patungkol sa sa pinakinggang balita: - paano naiba ang showbiz balita sa balitang napakinggan natin noong nakaraang linggo/ - ano ang pinagkaiba sa paglalahad at sa impormasyong ibinigay? makatotohanan ba o hindi? - bakit kaya nabigyang halaga sa ating lipunan na maging paksa ang mga personal na buhay ng mga artista? - ano kaya ang epekto nito sa mga taong nakakaalam ng mga ganitong balita? sa taong paksa ng balita? Pahapyaw na pagtalakay sa mga batayan kung paano malalaman ang makatotohanan sa mga di- makatotohanang balita
C. Presentasyon (25 minuto) Pagpapakilala ng Panitikang Pilipino mula sa mga pamahiin at kwentong bayan na bumuo sa akdang Trese Pagtalakay sa nakamit na karangalan ng nasabing akda sa industriya ng panitikan, ang pagkukuwento ng synopsis at pagkakakilanlan ng mga tauhan sa kwento kaugnay ang kaligirang pangkasaysayn ng awtor at ng akda Pagbibigay ng mga gabay na tanong na sasagutan pagkatapos ng pagbabasa ng teksto (Pagpapayaman #1) Pagpapabasa ng teksto sa paraang Imaginative reading
D. Pagpapayaman (10 minuto) Pagtalakay ng mga mahahalagang pangyayari sa kwento gamit ang mga sumusunod na gabay na mga tanong: 1) Sino-sino ang mga tauhan ng akda? Ilarawan sila. 2) Ano ang pangunahing tension na nabuo sa pagitan ng mga tauhan? Paano ito nalutas o naresolba? 3) Ano-ano ang mga kakaibang nilalang na binanggit sa akda? Paano naiba ang mga nilalang na ito sa atin? 4) Sa reyalidad, may Trese ba na gumaganap ng tungkulin sa pagsugpo sa mga kakaibang nilalang na ito? Ano ang tawag natin sa mga ito?
E. Pagpapalawig (10 minuto) (Ball rolling) Bahala ang guro kung kaninong mag-aaral niya unang ipapasa ang bola. Ipapasa naman ito ng nauna sa susunod sa kanya at ganun ang gagawin ng mga susunod pa. Tuloy-tuloy lang ang pasahan habang umaawit ng pamilyar na awit para sa kanila. Kung kanino titigil ang bola, siya ang unang magbabahagi sa kanyang mga karanasan ukol sa mga kwentong kababalaghan. Saka uulitin ang ginawa kanina.
F. Sintesis Dugtungan ang mga sumusunod na pahayag. (Recitation) Inaasahan ko noong una na _________________. Ngunit nalaman ko pong __________________________________. Kaya ngayon, akoy ____________________________.
IV. Kasunduan Magdala ng mga sumusunod na kagamitan: Komiks 5 short bond paper lapis pentel pen/marker krayola sign pen ruler
IKALAWANG ARAW
Petsa: ______________________________
I. Mga Tunguhin: Naisasakomiks ang akdang tinalakay Napahahalagahan ang pagbabasa ng komiks at ang malaking kontribusyon nito sa pag-unlad ng ating panitikan Nakapagbibigay ng tamang paghatol sa mga gawa ng kaklase gamit ang ibinigay na pamantayan
II. Mga Kagamitan: a. Kopya ng Trese Isyu 5 b. Mga pangguhit c. 5 bond paper III. Pamamaraan
A. Panimulang Pagtataya (15 minuto)
MGA KASANAYAN
# NG AYTEM KINALALAGYAN NG AYTEM % 1. Natutukoy ang pamagat at ang may- akda ng akdang tinalakay
2
1,2
20 2. Naiisa-isa ang mga ginawa ng mga tauhan ng kwento
3
3,4,5
30 3. Nakapagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento/Nailalahad ang banghay ng kwento
3
6,7,8
30 4. Naibibigay ang aral na matututunan sa akda 2 9-10 20
_______1)Ano ang pamagat ng akdang tinalakay kahapon? _______2)Sino ang sumulat ng akdang ito? _______3)Sino ang madalas pakontakin Guerrero kay Tapia sa oras na may di maipaliwanag na kaso? _______4)Anong kakaibang nilalang ang nakausap nila Trese na nakatulong sa kaso? _______5)Sinong ang itinuturo ng kanilang pag- iimbestiga na may kinalaman at suspek sa kaso? _______6)Ano ang nangyari sa simula ng kwento? _______7)Sa kalagitnaan ng kwento? _______8)Sa katapusan ng kwento? _______9) - 10) Anong mga aral ang iyong napulot matapos basahin ang akda?
B. Pagganyak (10 minuto) Minsan ka na bang nakapagbasa ng komiks? Ano-ano na ang mga komiks na iyo nang nabasa? Pahulaan ang mga ibibigay na halimbawa ng mga sumikat na palabas o pelikula na nagsimula sa komiks.
C. Presentasyon Pagtalakay patungkol sa Komiks at ang kontribusyon nito sa pag-unlad ng panitikang Pilipino
D. Pagtalakay sa Lunsaran Pagbalik-tanaw sa kwentong tinalakay Pagsasakomiks ng tinalakay na akda Pagtalakay ng mga hakbang sa pagbuo ng isang komiks
E. Pangkatang-gawain
Pangkatin ang klase sa apat na grupo Bigyan ng komite ang bawat grupo para sa Komiks Convention Pag-uusapan ang gagawing Komiks convention sa klase kung saan ididisplay ang mga nagawang komiks ng lahat ng grupo upang mabuo ang kwento ng Trese Gamitin ang mga sumusunod na gabay sa brainstorming:
1) Ano-ano ang mga parangal na igagawad sa convention? Ano ang sistema sa pagpaparangal? 2) Paano ang magiging sistema ng pagbabasa at pagtatanghal ng mga komiks?
F. Sintesis Ang komiks ay _____________________ ________________. Nalaman kong _____________________________. Kailangan nating tangkilikin ang pagbabasa ng mga komiks dahil __________________________________.
IV. Kasunduan Magdala ng mga materyales para sa gagawing komiks convention. Gumawa ng sariling kwento na isasakomiks at ididsplay sa komiks convention.
IKATLONG ARAW
Petsa: ______________________________
I. Mga Tunguhin Nalalaman ang mga batayan sa tamang paghatol sa ginawang komiks ng mga kaklase Naisasakatuparan ang mga napagplanuhan at napaghandaan para sa komiks convention Napahahalagahan ang pagbabasa ng mga komiks para sa lubos na pagkaunawa ng mga akdang pampanitikan
II. Mga Kagamitan a. Maliliit na mga parangal para sa mga natatanging komiks b. Pandikit, gunting, pandisenyo, cartolina, manila paper
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain Pagpapahula sa nakarambol na salitang:
SKIOKM NNECTIVONO
B. Lunsaran Pagpapaliwanag kung ano ang KOMIKS CONVENTION Pagpapadisplay ng lahat ng nagawang komiks ng akdang Trese Isyu 5
C. Pagpapayaman Ipapabasa sa mga mag-aaral ang mga komiks na nabuo ng klase. Pabobotohin sa pamamagitan ng paglalagay ng chips na may pangalan ng mag- aaral at ididikit sa komiks na kanyang binoboto. Ang may pinakamaraming boto ang mga gagawaran ng mga parangal.
D. Sintesis Ang Komiks Convention ay nakatutulong upang _________________________________ _______________________________________.
E. Pangwakas na Pagtataya Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari sa akdang Trese. _______1) Ipinakilala ng duwende ang kanyang sarili kay Nova nung gabing itoy manalo. _______2) Sa Korte, habang dinidinig ang kanyang kaso, muli niyang napaluha ang mga manonood. _______3) Na-stroke si Nova. _______4) Ipinatawag ni Cap. Guerrero kay Tapia si Alexandra Trese. _______5) Nagustuhan ng duwende si Heather at tinulungan itong sumikat _______6) Nagalit si Nova at piata si Heather. _______7) Muling naging Star of the Season si Nova. _______8) Lumuha si Nova at pumatak ito sa tsokolateng binibigay niya sa duwende. _______9) Pumunta si Trese sa pinangyarihan ng krimen. _______10) Pinapapunta ni Cap si Trese sa ABS-ZNN Studio 4.
IV. Takdang-aralin Maghanda sa mahabang pagsusulit patungkol sa mga tinalakay na lingguhang aralin.
IKAAPAT NA ARAW
Petsa: ______________________________
I. Mga Tunguhin Naibubuod ang mga aralin sa pagbabalik- aral ng mga tinalakay Nakapagbibigay-mungkahi kung paanong mapapaunlad ang industriya ng komiks sa pag-aaral ng panitikan Nakasasagot sa mahabang pagsusulit sa Linggo 16 na aralin at nalalaman ang mga tamang sagot matapos ang pagsusulit.
II. Mga Kagamitan: Mga papel sa pagsusulit cartolina strips
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain (Flashback activity) Kumpletuhin ang tsart sa ibaba. Punan ang mga naging gawain sa Linggo 16. Ano-ano ang iyong mga natutunan?
LINGGO 16 Mga Paksa Mga Natutunan Unang Araw Akdang Trese Ikalawang Araw Komiks Ikatlong Araw Komiks Convention
B. Balik-aral Pagtalakay sa mga sagot ng nabuo sa tsart.
C. Pangkatang-Gawain Bumuo ng pangkat sa klase. Pag-usapan kung anong mga paraan ang maaaring imungkahi upang mapaunlad ang paggawa at pagtangkilik ng mga komiks bilang mabisang paraan sa pag- aaral ng literatura.
D. Pagtataya sa Pagtatasa Pagsagot sa mahabang pagsusulit sa mga naging paksa sa buong linggo.
E. Sintesis Pagsulat ng isang journal tungkol sa mga sariling karanasan sa mga kababalaghan. Ano ang solusyon upang mawala ang takot na nagpapalala ng mga siwasyon ng Pilipino?
IV. Takdang-Aralin: A. Magsaliksik tungkol sa akdang Alamat ng Waling-waling ni Gaudencio Aquino. B. Gumupit o gumuhit ng larawan ng Waling- waling sa isang short bond paper. Kulayan ito at magbigay ng mga pang-uring naglalarawan sa nasabing bulaklak.