Ang Alibughang Anak

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang Alibughang Anak

(Lucas 15 :11-32)

Isang tao ang may dalawang anak na lalaki. Ang wika ng bunso. "Ama,
ibigay n'yo na po sa akin ang mamanahin ko." At ibinahagi sa kanila ng ama ang kanyang
ari-arian. Pagkalipas ng ilang araw, ipinagbili ng bunso ang kanyang ari-arian at
nagtungo sa malayong lupain, taglay ang buo niyang kayamanan, at doo'y nilustay ang
lahat sa di wastong pamumuhay. Nang malustay na niya ang kanyang kayamanan,
nagkaroon ng matinding taggutom sa lupaing iyon, at nagdalita siya. Kaya't namasukan
siya sa isang mamamayan ng lupaing iyon. Siya'y pinapunta nito sa bukid upang mag-
alaga ng baboy. Ibig sana niyang punan ang kanyang pagkain kahit na ng bungang kahoy
na ipinapakain sa mga baboy ngunit walang magbigay sa kanya. Nang mapag-isip-
isip niya ang kanyang ginawa, nasabi niya sa kanyang sarili, " Ang mga alila ng aking
ama ay may sapat na pagkain at lumalabis pa samantalang ako'y namamatay na sa gutom
dito! Babalik ako sa kanya, at sasabihin ko, "Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo.
Hindi na po ako karapatdapat na tawagin ninyong anak; ibilang n'yo na lamang akong isa
sa inyong mga alila." At tumindig siya at pumaroon sa kanyang ama.
Malayo pa'y natanaw na siya ng kanyang ama at ito'y labis na nahabag sa kanya,
kayat patakbo siyang sinalubong, niyakap, at hinalikan. Sinabi ng anak, "Ama, nagkasala
po ako sa Diyos at sa inyo, hindi na po ako karapat-dapat na tawagin ninyong akong
anak." Ngunit tinawag ng kanyang ama ang kanyang mga alila. "Madali! Dalhin n'yo rito
ang pinakamahusay na damit at isuot sa kanya. Suutan siya ng singsing at panyapak.
Kunin ang pinakamatabang guya at patayin; kumain tayo at magsaya! Sapagkat namatay
na ang anak kong ito, ngunit muling nabuhay; nawala ngunit nasumpungan." At silay
nagsaya.
Nasa bukid noon ang anak na panganay. Umuwi siya, at ng malapit na sa bahay ay
narinig niya tugtugan at sayawan. Tinawag niya ang isa sa alila at tinanong: "Bakit? May
ano sa atin?" "Dumating po ang inyong kapatid!" Tugon ng alila. "Ipinapatay ng inyong
ama ang pinatabang guya, sapagkat nagbalik siyang buhay at walang sakit." Nagalit ang
panganay at ayaw nitong pumasok sa bahay. Kayat lumabas ang kanyang ama at inamu-
amo siya. Ngunit sinabi nito, "Pinaglingkuran ko po kayo sa loob ng maraming taon, at
kailanma'y hindi ko kayo sinuway. Ngunit ni minsa'y hindi ninyo ako binigyan ng kahit
isang bisirong kambing para magkatuwaan kami ng aking mga kaibigan. Subalit noong
dumating ang anak ninyong lumustay ng iyong kabuhayan sa masasamang babae,
ipinagpatay pa ninyo ng pinatabang guya!" Sumagot ang ama, "Anak lagi kitang kapiling.
Ang lahat ng ari-arian ko'y sa iyo. Ngunit dapat tayo'y magsaya at magalak, sapagkat
namatay na ang kapatid mo, ngunit muling nabuhay; nawala ngunit nasumpungan."
Mga Tanong:
1. Ilan ang anak ng lalaki?
2. Ano ang ipinagbili ng kanyang anak n bunso?
3. Ilarawan ang dalawang anak ng lalaki?
4. Ano ang ginawa ng kanilang ama sa pagbabalik ng kanyang anak na bunso?
5. Ano ang aral ng kwento?
Ang Pulubi

Minsan may dalawang pulubi na nasa lansangan na namamalimos ng barya sa mga
nagdaraan.
Isang gabi, sila'y ginising mula sa pagkakahimbing ng isang nakasisilaw na
liwanag. At mula sa liwanag na iyon ay may namataan silang isang pambihirang nilalang.
Maganda ang damit at gawa sa mamahaling bato ang kasuotan nito. Natuwa and
dalawang pulubi.
"Ito na marahil ang hari ang mga hari," ang sabi ng isa. "Tama! Pagkakalooban
niya tayo ng kayamanan, at hindi na uli tayo kailangan pang mamalimos!"Lumapit nga sa
kanila ang hari at sila'y kinausap. "Ano ang maaari ninyong ihandog sa akin?" ang tanong
nito. Nagtaka and isang pulubi. Bakit sila pa ang magbibigay? Ang naisaloob
niya.Samantalang ang ikalawang pulubi ay nagmamadaling nagbukas ng kanyang sako at
kumuha ng pinakamalaking piraso ng tinapay na mayroon siya. "Anong gagawin mo?"
ang tanong ng naunang pulubi dito.
"Iaalay ko sa kanya ang pinakamalaki kong tinapay." "Nababaliw ka na ba? At
papaano ka?" "Karapat-dapat lamang ipagkaloob sa hari ang nararapat para sa kanya at
ito ang aking gagawin!"
Inalay nga ng pulubing yaon ang malaking piraso ng tinapay. "Ito lang po ang
aking maipagkakaloob," ang sabi pa nito sa hari." Ngunit ito na po ang pinakamalaking
bagay sa buhay ko. Nawa'y tanggapin ninyo." Tinanggap ng hari ang tinapay na alay ng
pulubi.
Nang balingan nito ang isa pang pulubi ay nakita nitong nagkukumahog ng
naghahagilap ang pulubing iyon sa paghahanap ng maipagkakaloob. Sa wakas, nakakita
rin ito ng pinakamaliit na butil ng mais. Inalay nito sa hari ang naturang butyl ng mais.
"Heto lang ang maaari kong ipagkaloob sa inyo," ang sabi pa nito. Iyon lang at tinanggap
iyo ng hari. At bigla ngang naglaho ang liwanag at nawala na rin ang hari. Maya-maya'y
may napansin ang isang pulubi sa buhat-buhat niyang sako. Animo bumigat iyon. Nang
buksan niya iyon, laking gulat niya sa nakita! Sa loob ng sako ay may nakalagay na
ginto! Isang malaking piraso ng ginto na 'sing laki ng tinapay na ipinagkaloob niya sa
hari! Napalunok ang isa pang pulubi nang makita iyon. Nang bisitahin din niya ang
kanyang sako, hindi siya nagulat nang makita niyang nakalagay na ginto doon. Gintong
'sing liit ng isang butyl ng mais na ipinagkaloob niya.

Mga Tanong:
1. Ano ang gumising sa mahimbing na pagtulog ng pulubi?
2. Ano ang namataan nila sa liwanag?
3. Ano ang inialay ng pulubi sa hari?
4. Bakit nagulat ang pulubi ng nakita niya ang laman ng kanyang sako?
5. Ano ang mensahe ng kwento?



Ang Mabuting Samaritano

May isang taong nanlalakbay buhat sa Jerusalem patungong
Jericho. Hinarang siya ng mga tulisan, kinuha pati damit sa katawan,
binugbog at halos patay na nang iwan. Nagkataong dumaan doon ang
isang saserdote at pagkakita sa taong nakahandusay, siya'y lumihis at
nagpatuloy sa kanyang lakad. Dumaan din ang isang Levita, ngunit
tiningnan lamang niya ito at nagpatuloy ng kanyamg lakad. Ngunit may
isang Samaritanong naglalakbay na napadaan doon. Nakita niya ang
hinarang at siya nahabag. Lumapit siya, binuhusan ng langis at alak ang
mga sugat nito at tinalian. Saka isinakay ang tao sa kanyang sinasakyang
hayop, dinala sa bahay-panuluyan, at inalagaan doon. Kinabukasan,
dumukot siya ng dalawang denaryo, ibinigay sa may-ari ng bahay-
panuluyan at sinabi, "Alagaan mo siya, at kung magkano man ang
kakulangan niyan, babayaran ko sa aking pagbabalik."

MENSAHE:
Sino nga ba abg tunay na nagmamahal sa kanyang kapwa? Ito ang katanungan
sinagot ng Panginoong Hesus sa pamamagitan ng parabulang ito . At maliwanag
ang kasagutan. Ang tunay na nagmamahal sa kanyang kapwa ay yaong gumagawa
ng kabutihan ditto. Gumagawa ng kabutihan ngunit hindi umaasa ng anumang
kapalit. Ipinakita rin sa parabulang ito na hindi basehan ng pagiging maka-Diyos
ang relihiyon at anyo. Nasa gawa ang tunay na pananampalataya, at ang
pinakamabisang paraan upang maipahiwatig ito ay sa pamamagitan ng
pagmamahal mo sa iyomg kapwa.

Mga tanong:
1. Ano ang ginawa sa manlalakbay?
2. Ano ang ginawa ng saserdote ng mapadaan siya sa kinaroroonan
ng manlalakbay?
3. Ano ang ginawa ng Samaritanong manlalakbay sa lalaking
nakahandusay?
4. Isa bang mgandang halimbawa ang ginawa ng Samaritano?
Bakit?
5. Ano ang aral na napulot sa kwento?

You might also like