Ang Alamat NG Pinya

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang Alamat Ng Pinya

Noong unang panahon ay my mag inang naninirahan sa lib-lib na lugar sa


laguna. Ang mag inang si aling Rosa at Pinang, si Pinang ang ka isa isang
anak ni aling Rosa kaya mahal na mahal niya ito at lahat ng hilingin ni
Pinang ay ibinibigay ni aling Rosa.
Wala nang mhihiling pa si Pinang sa pag aarugang ibinibigay ng kanyang
ina na si aling Rosa. Halos lahat ng kailangan niya'y nakahanda na sa
araw-araw at walang oras na hindi siya inaasikaso ni aling Rosa. At dahil
sa mahal na mahal siya ng kanyang nina ay minabuti nitong turuan si
Pinang ng mga gawaing bahay upang bata palang ay matuto na siya.
Ngunit laging kinakatwiran ni Pinang na alam na nya ang mga gawaing bahay, Kaya't pinabayaan
nalang niya si Pinang. Isang araw umuwi si Pinang galing sa palaruan at inabutan nya ang
kanyang ina na nag lilinis ng bahay.
"Pinang anak tulungan mo nga ako maglinis ng bahay at para lang sumasama ang aking katawan"
sambit ni aling Rosa. "Pero inay pagod din ako galing sa laruan" agad na sagot ni Pinang at sabay
talikod sa ina at dumeretso sa kanyang silid.
Kaya ala ng nagawa si aling Rosa kundi ipag patuloy ang paglilinis ng bahay, at si Pinang naman
ay sa sobrang pagod sa paglalaro ay nakatulog sa kanyang higaan. Nang magising si Pinang ay
magtatakip silim na kaya agad siyang lumabas ng silid upang hanapin si aling Rosa, ngunit wala
ito sa sala pati narin sa kusina kaya nagtuloy si Pinang sa silid ng kanyang ina at doon niya
natagpuan si aling Rosa na nakahiga sa kanyang papag. lumapit si Pinang upang gisingin ang
kanyang ina upang itanong kung ano ang kanilang hapunan.
Ngunit sa pag sayad ng kanyang palad sa braso ni aling Rosa ay bigla syang nagulat dahil sa
sobrang init ng kanyang ina. "Inay.. inay.. ang sbi ni Pinang" agad namang nagising si aling Rosa.
"Anak mataas ang lagnat ko at masakit ang aking katawan, maaari mo ba akong ipag- lugaw"
sambit ni aling Rosa.
At mabilis namang sumunod si pinang at nag salang siya ng lugaw, ngunit sa kanyang pag lalaro
ay nakalimutan na niya na my lugaw siyang niluluto, Kaya nanikit ito sa palayok at nasunog. Nag
Pasensya nalang si aling Rosa, napagsilbihan naman siya kahit papaano ng kanyang anak.
Umabot ng matagal ang sakit ni aling Rosa kaya napilitan si pinang na gumawa ng mga gawaing
bahay. Isang araw sa kanyang pagluluto hindi niya makita ang posporo kaya itinanong niya ky
aling Rosa kung nasaan ito. Nang sumunod na araw naman ay sandok naman ang kanyang
hinahanap sa kanyang ina. At halos araw araw ay wala siyang ginawa kundi tanungin si aling Rosa
sa mga bagay na hindi pa niya sinusubukang hanapin ng mabuti. Kaya nayamot si aling Rosa sa
kakatanong ni pinang, kaya't na wika niya na.
"Naku Pinang, sanay magkaroon ka ng maraming mata at nang makita mo ang lahat ng mga
bagay at hindi ka tanong ng tanong sa akin."Dahil alam niyang galit ang kanyang ina ay dinalang
umimik si Pinang at naisip din niya na my pag kakamali siya, kaya nag paalam na siya sa kanyang
ina upang hanapin ang sandok. Ngunit kinagabihan ay tinatawag ni aling Rosa si Pinang ngunit
walang sumasagot, kaya napilitan siyang bumangon at nag handa ng pagkain.
Pagkaraan ng ilang araw ay magaling na si aling Rosa subalit ganundin katagal nawawala si
Pinang. Kaya agad itong pumunta sa mga kalaro ni pinang at pati sa mga kapit bahay ay ipinag
tanong niya ito. subalit walang makapag sabi o makapag turo kung nasaan si Pinang. At
malungkot siyang umuwi patungo sa kanilang tahanan ng matanaw niya ang isang
napakagandang halaman na noon lamang niya nakita ang ganung klaseng halaman.
Kayat inalagaan niya ito ng mabuti tulad ng pag aaruga at pag aalala sa anak niyang si pinang. At
hindi nagtagal ay lumaki ang halaman at nag bunga ito, na ikinagulat ni aling Rosa nang makita
niya ang hugis nito, ay mistulang ulo ng tao na napapalibutan ng maraming mata. Biglang
naalala ni aling Rosa ang huli niyang sinambit sa kanyang anak na si Pinang, na sana'y magkaroon
ito ng maraming mata para makita ang kanyang mga hinahanap. At sabay ang pag agos ng
napakaraming luha sa kanyang mga mata, at laking pagsisi niya dahil sa tumalab ky Pinang ang
kanyang mga winika.

Kaya lalo niyang inalagaang mabuti ang halamang ito at tinawag niyang Pinang. At sa haba ng
panahon at sa pagsalin-salin ng mga kawikaan itoy tinawag na "PINYA"

ANG ALAMAT NG BUNDOK KANLAON


Sa malayong

lugar ng Visaya sa Negros Occidental ay my Isang Hari na ang pangalan ay


Haring Laon, na my mabuting kalooban at pantay pantay na pagtingin sa
kanyang mga nasasakupan. Sa katunayan ang kanyang mga mag
sasaka'y binibigyan niya ng kalahati ng kanyang mga aning pananim
kapalit ng tapat na pag lilingkod sakanya ng mga ito.

Isang araw habang namamasyal si Haring Laon sa kanyang maluwang


na bukirin ay my napansin siyang kakaiba sa tuktok ng bundok, na tila
isang malaking ulupong na my pitong ulo. Kaya agad siyang nag balik sa kanyang kaharian upang
utusan ang mga kawal na sugpuin ang natanaw niyang malaking salot sa tuktok ng bundok. At
dahil sa dapit hapon na ng makarating at masabi ng Hari sa kanyang mga kawal ang kanyang
nakita ay minabuti na niyang ipag pabukas na ang pag akyat sa bundok dahil lubhang napaka
panganib kung aabutin ng gabi sa bundok ang kanyang mga kawal.
Malalim na ang gabi ngunit gising parin Hari dahil sa pag iisip niya na baka sumalakay ang
napakalaking ulupong na iyon sa knilang lugar, Nasa ganoong pag iisip ang hari ng biglang
makarinig siya ng mga sigaw at iyak ng mga tao sa labas ng palasyo. At ng biglang my tumawag
sa Hari na kawal "mahal na hari sinalakay tayo ng salot na iyong namataan sa tuktok ng bundok."
at agad inutusan ng hari ang kawal. "Tawagin ang lahat ng kawal at sugpuin ang mapaminsalang
salot na iyon" at agad sumunod ang kawal sa utos ng Hari. Maya maya pa ay nagbalik ang kawal
na tila ba napakalungkot at siya ay nag wika sa hari, "Haring Laon hindi po namin nasugpo ang
salot ngunit amin siyang na itaboy pabalik sa tuktok ng bundok" agad sabi ng kawal " kung ganon
ay mainam kahit papaano ay natigil ang kanyang pananalanta sa ating lugar." ang sabi ni Haring
Laon. At ilang besses pang naulit ang pananalanta ng napakalaking ulupong na my pitong ulo,
subalit hindi talaga kaya ng mga kawal ng hari ang ulupong dahil sa napakalaki nito at bumubuga
pa ito ng apoy. Hangang sa kumunsulta si Haring Laon sa mga pantas, my mga pantas na nag
sasabi na mag alay ng magandang dalaga sa malaking ulupong na my pitong ulo upang tumigil
ito sa pamiminsala. Ngunit labag sa kalooban niya ang pasyang iyon sa kadahilanang my anak din
si Haring Laon na napaka gandang dalaga. Labag man sa kalooban niya ay pinaabot parin niya sa
mga nasasakupan niya ang balitang iyon. At sa takot ng mga kadalagahan na baka sila ang
gawing alay sa ulupong ay pinintahan nila ang kanilang mga mukha upang matakpan ang
kanilang mga kagandahan. At nang naglibot na ang mga pantas upang pumili ng dapat ialay sa
ulupong ay wala silang mapili dahil sa ang lahat ng dalaga ay nagmistulang nasunog ang mukha
ng dahil sa apoy na ibinubuga ng ulupong na my pitong ulo.
At bigong bumalik ang mga pantas sa kaharian, "Mahal na Haring Laon wala po kaming napili
dahil lahat silay nasunog ang mukha ng abutin sila ng apoy na ibinubuga ng higanteng ulupong."
sabi ng unang pantas. "Subalit si Princessa Talisay nalamang po ang natitirang maganda sa ating
lugar." ang sabi ng ikalawang pantas. At nalungkot ang Haring Laon sa kanyang narinig, "Aking
amang Hari kung ako nalamang ang tanging pag -asa upang matigil ang pamiminsala ng ulupong
ako po ay pumapayag na maging alay." ang matapang na wika ng princessa. Samantala, isang
banyaga ang nakabalita sa pananalanta ng ulupong. Inalok ng binata ang Hari ng Kanyang tulong,
At nag sabi na siya ang pupuksa sa malaking ulupong na my pitong ulo. "Matapang ka binata,
kung mapapatay mo ang salot na ulupong ay ibibigay ko sa iyo ang kalahati ng aking yaman. At
ipapakasal ko rin sa iyo ang kaisa isa kong anak na si pricessa Talisay. ang wika ng hari sa
matapang na binata.
Lingid sa kaalaman ng marami ay my kapangyarihan ang binata na makipag usap sa mga hayop
at insecto. Kaya sa kanyang paglalakbay ay kinausap niya ang haring langgam na tulungan siyang
sugpuin ang higanteng ulupong sa pamamagitan ng pagapang nila sa katawan nito at kagatin ang
ulupong. Malapit na siya sa tuktok ng bundok ng makasa lubong niya si haring putakti at sinbi
niya ang pakay niya sa bundok at humingi siya ng tulong dito na pupugin nila ang mata ng
ulupong upang hindi ito makakita, at smang ayon naman ang haring putakti sa kanyang plano. At
sumapit siya sa tuktok ng bundok at nag simula ng gumapang ang mga langam sa katawan ng

ulupong, at sinugod ng mga putakti ang mga mata ng ulupong. At hindi na alam ng ulupong ang
kanyang gagawin dahil sa sakit ng kanyang nararamdaman, At sa gitna ng labanan ay napadaan
ang mga uwak at pinaki usapan ito ng binata na tulungan siya sa pag sugpo sa malaking ulupong.
At hindi naman siya nabigo dahil tinulungan siya ng mga uwak, pinag tutuka nila ang pitong ulo
ng ulupong kaya nag karoon ng pag kakataon ang binata na mapugot ang bawat ulo ng malaking
ulupong. At siyay nagbalik sa kaharian na dala ang pitong ulo ng higanteng ulupong, At agad
nakarating balita ky Haring Laon at sinalubong niya ang magiting na binata.
"Binabati kita sa iyong tagumpay matapang na binata, ngunit hangang ngayon ay hindi ko pa
alam ang iyong pangalan." wika ni Haring Laon "Kan po ang aking pangalan mahal na hari."
matuling tugon ng magiting na binata. At tinupad ng hari ang kanyang pangako na ang kalahati
ng kanyang yaman ay ibibigay niya ky Kan pati ang pangakong pagpapakasal ky princessa Talisay.
At masaya naman silang nagsama bilang mag asawa. At ang bundok ay pinangalanan na KanLaon
upang sa pag alaala sa katapangan ni Kan at kabaitan ni Haring Laon.
BUGTONG

SAGOT

Dalawang bolang itim, malayo ang nararating.

Mata

Hindi tao hindi hayop, ngunit lumuluha.

Kandila

Ayan na si kaka, bubuka bukaka

Palaka

Binili ko ng patay, tinapon ko ng buhay.

Sigarilyo

Baboy ko sa gulod, balahibo'y pako

Langka

Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.

Ampalaya

Isang butil ng palay, sakot ang buong bahay.

Ilaw

Akoy my kaibigan,kasamasama kahit saan

Anino

Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.

Banig

Dumaan ang hari, nag kagatan ang mga pari.

Ziper

Munting hayop na pangahjas, aaligid aligid sa ningas.

Gamugamo

Tinaga ko sa puno, sa dulo nag durugo.

Gumamela

Naabot na ng kamay, pinagawa pa sa tulay

Kubyertos

Mga Salawikain At Kahulugan


1. Ang hindi lumingon sa pinangalingan, ay hindi makakarating sa paroroonan.
Sa iyong pag angat sa buhay at kinalimutan mo ang iyong mga magulang ay hindi ka rin mag tatagumpay ng
lubuswan.

2. Mas masarap mamatay sa kamay ng kaaway, kesa mamatay sa kamay ng


kaibigan.
Huwag mo ipagkanuno ang iyong mahal sa buhay o pamilya at kaibigan maging ang kapwa mo pilipino sa mga
dayuhan dahil itoy walang kasing sakit sa damdamin ng isang taong nag malasakit sa iyo at nagmahal.

3. Ang hindi mag mahal sa sariling wika, ay daig pa ang malansang isda.
Ang Pilipinong magtakwil sa kanyang sariling bansa ay daig pa ang malansang isda na walang pakinabang sa
kanyang lupang sinilangan.

4. Ang maglakad ng matulin, kung matinik ay malalim.


Ang taong laging nagmamadali sa lahat ng kanyang ginagawa o nag hahangad ng mas malaki para malagpasan
ang iba ay mas malaki pa ang mawawala sa kanya.

You might also like