Ang nobelang El filibusterismo ni Jose Rizal ay ang karugtong ng Noli Me Tangere. Ito ay naglalarawan ng mas madilim na larawan ng siglo 19 sa Pilipinas. Si Crisostomo Ibarra mula sa Noli ay bumalik bilang nagbabalatkayong Simoun na may layong makapaghiganti at iligtas si Maria Clara.
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
100%(1)100% found this document useful (1 vote)
1K views
José Rizal
Ang nobelang El filibusterismo ni Jose Rizal ay ang karugtong ng Noli Me Tangere. Ito ay naglalarawan ng mas madilim na larawan ng siglo 19 sa Pilipinas. Si Crisostomo Ibarra mula sa Noli ay bumalik bilang nagbabalatkayong Simoun na may layong makapaghiganti at iligtas si Maria Clara.
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 6
Jos Rizal
Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda ang
buong pangalan ni Dr. Jose Rizal. Labing-isa silang magkakapatid at ikapito siya. Ang kanyang mga magulang ay sina Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos. Nakita niya ang unang liwanag noong ika-19 ng Hunyo, 1861 sa Calamba, Laguna. Kung susuriin ang pinagmulan niyang angkan, ang kanyang ama na si Francisco Mercado ay anak ng isang negosyanteng Instik na nagngangalang Domingo Lam-co at ang kanyang ina ay isa ring mestisang Intsik na ang pangalan ay Ines dela Rosa. Intsik na Intsik ang apelyidong Lam-co kung kayat kung minsan ay nakararanas si Domingo Lam-co ng diskriminasyon kaya upang makaiwas sa ganoong pangyayari at makasunod sa ipinag-uutos ni Gobernador Claveria kaugnay ng pagpapalit ng mga pangalang Pilipino noong 1849, ang Lam-co ay pinalitan ng apelyidong Kastila at pinili nila ang Mercado na nababagay sa kanya bilang negosyante, sapagkat ang ibig sabihin ng Mercado ay palengke. Ang pamilyang Lam-co ay kilalang mangangalakal noon sa bayan ng Binan, Laguna. Bagamat ang mga ninuno ni Rizal sa ama ay kilalang negosyante, ang kanyang ama ay isang magsasaka. Isa siya sa mga kasama sa Hacienda Dominicana sa Calamba, Laguna. Ang apelyidong Rizal ay naidagdag sa kanilang pangalan sa bias ng Kautusan Tagapagpaganap na pinalabas ni Gob. Claveria noong 1849 at itoy hinango sa salitang Kastila na luntiang bukid. Masasabing mayaman ang angkang Rizal sapagkat ang pamilya ay masikap, matiyaga at talagang nagbabanat ng buto. Nang tumuntong si Rizal sa gulang na tatlong taon, 1864, siya ay tinuruan ng abakada ng kanyang ina at napansin niyang nagtataglay ng di-karaniwang talino at kaalaman ang anak, kahit kulang sa mga aklat ay nagawa ng ginang na ito ang paglalagay ng unang bato na tuntungan ni Rizal sa pagtuklas niya ng ibat ibang karunungan. Nang siyay siyam na taong gulang, si Jose ay ipinadala sa Binan at nag-aral sa ilalim ng pamamahala ni Padre Justiniano Aquino Cruz, ngunit pagkalipas ng ilang buwan ay pinayuhan na ito na lumipat sa Maynila dahil lahat ng nalalaman ng guro ay naituro na niya kay Rizal. Noong ika-20 ng Enero, 1872, si Jose ay pumasok sa Ateneo Municipal de Manila. Siya ay nagpamalas ng kahanga-hangang talas ng isip at nakuha ang lahat ng pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng asignatura. Sa paaralang ito natamo niya ang katibayang Bachiller en Artes at notang sobresaliente, kalakip ang pinakamataas na karangalan. Nang sumunod na taon sa Pamantasan ng Santo Tomas ay nag-aral siya ng Filosofia y Letras at Agham sa pagsasaka naman sa Ateneo Municipal de Manila. Kumuha rin siya ng panggagamot sa naturang pamantasan. Di pa nasiyahan, nagtungo siya sa Europa noong ika-5 ng Mayo, 1882 upang doon ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Nagpatuloy siya sa pag-aaral ng Medicina at Filosofia y Letras sa Madrid, Espana at tinapos ang kursong ito noong 1884 at 1885. Noong 1884, si Rizal ay nagsimulang mag-aral ng Ingles; alam na niya ang Pranses pagkat sa Pilipinas pa lamang ay pinag- aralan na niya ang wikang ito. Bukod sa mga wikang ito, nag-aral din siya ng Aleman at Italyano dahil naghahanda siya sa paglalakbay sa ibat ibang bansa sa Europa. Alam niyang mahalaga ang mga wikang ito sa pag-aaral ng mga kaugalian ng mga tao roon at ng pagkakaiba nila sa mga Pilipino sa bagay na ito. At upang mapag-aralan ang kasaysayan ng mga baying nabanggit na mapaghahanguan ng mga aral na alam niyang makatutulong sa kanyang mga kababayan. Bunga nito, si Rizal ay maituturing na dalubwika. Ayon kay Retana, ipinahayag ni Rizal na sinulat niya ang unang kalahati ng Noli Me Tangere sa Madrid noong magtatapos ang 1884, sa Paris naman ang ikaapat na bahagi at isa pang bahagi ay sa Alemanya. Ipinalimbag ito sa Berlin, at noon lamang Marso, 1887 ay lumabas ang 2000 sipi. Si Dr. Maximo Viola na taga-San Miguel, Bulacan ang nagbayad ng pagpapalimbag sa halagang 300 piso. Ang El Filibusterismo ang kasunod na aklat ng Noli Me Tangere na ipinalimbag sa Gante, Belhika noong 1891. Itinatatag naman ni Dr. Jose Rizal ang La Liga Filipina noong ika-3 ng Hulyo, 1892. Ang kapisanang ito ay lihim na itinatag at layuning magkaroon ng pagbabago sa palakad ng pamahalaan sa Pilipinas sa pamamagitan ng mapayapang pamamaraan at di sa paghihimagsik. Noong ika-5 ng Agosto, 1887, siya ay nagbalik sa Pilipinas. Ngunit noong Pebrero 3, 1888, siya ay muling umalis sapagkat umiilag siya sa galit ng mga Kastila dahil sa pagkakalathala ng Noli Me Tangere. Bumalik siya sa Maynila noong ika-26 ng Hunyo, 1892. Noong Hulyo 7, 1892, alinsunod sa kautusan ni Kapitan-Heneral Despujol, si Rizal ay ipinatapon sa Dapitan, isang maliit na bayan sa hilagang kanluran ng Mindanao, dahil sa bintang na may kinalaman siya sa paghihimagsikan nang mga araw na iyon. Sa Dapitan, nagtayo si Rizal ng isang maliit na paaralan na may labing-apat na batang taga-roon na kanyang tinuturuan. Habang nagaganap ang labanan sa pagitan ng Espana at Cuba, sa pangambang madamay sa kilusang ukol sa paghihimagsik kaya hiniling niya na makapaglingkod siya sa mga pagamutan sa Cuba. Binigyan niya ng isang liham si Kapitan-Heneral Blanco na nagpapatunay na kailanman ay di siya nakikilahok sa mga himagsikan sa Pilipinas. Ngunit noong bago magtapos ang taong 1896, siyay hinuli ng mga kinauukulan at ibinalik sa Pilipinas. Ikinulong si Rizal sa Maynila sa Real Fuerza de Santiago. Nang iharap sa hukumang militar at litisin, siya ay nahatulang barilin sa Bagumbayan. Noong ika-29 ng Disyembre, 1896, Sinulat ni Rizal ang kanyang Mi Ultimo Adios (Huling Paalam) isang tulang kakikitaan ng magigiting na kaisipan at damdamin. At noong ika-30 ng Disyembre, si Rizal ay binaril sa Bagumbayan na ngayon ay tinatawag na Luneta.
Ang Pamilya Mercado-Rizal
Francisco, ang ama, seryoso at business minded. Ipinanganak sa Bian, Laguna noong April 18, 1818.
Teodora, maarugang ina, edukasyon ang pangunahing ipinamulat sa mga anak.
Saturnina (1850-1913), panganay sa magkakapatid, naging maybahay ni Manuel T. Hidalgo ng Tanauan, Batangas.
Paciano, pangalawa sa magkakapatid at kaisaisang kapatid na lalaki ni Rizal.
Narcisa (1852-1939), pangatlo sa magkakapatid, maybahay ni Antonio Lopez ng Morong, Rizal.
Olympia (1855-1887), pang-apat sa magkakapatid, maybahay ni Silvestre Ubaldo. Binawian ng buhay sanhi ng panganganak.
Lucia (1857-1919), panlima sa magkakapatid, maybahay ni Mariano Herbosa.
Maria (1859-1945), pang-anim sa magkakapatid, naging maybahay ni Daniel Faustino Cruz ng Bian, Laguna.
Jose Rizal (1861-1896), ang naging pambansang bayani ng Pilipinas
Trinidad (1868-1951), pansampu sa magkakapatid.
Soledad (1870-1929), bunsong anak at naging maybahay ni Pantaleon Quintero.
KASAYSAYAN El filibusterismo (1891) ni Jose Rizal ang karugtong ng Noli me tangere, at walang pasubaling may lunggating maka-utopia. Inilalantad ng El filibusterismo ang higit na madilim na larawan ng mga dekada ng siglo disinuwebe. Si Crisostomo Ibarra, ang repormistang bayani sa naunang nobela, ay nagbalik sa Filipinas bilang nagbabalatkayong Simoun na mayamang alahero. Taglay ang poot at layong makapaghiganti, at iligtas si Maria Clara na tumakas sa kumbento, si Simoun ay naglunsad ng krusada na bulukin saka pahinain ang mga institusyon na pawang magiging sanhi ng himagsikan. Lihim at masinop siyang nagbalak at nakipagkutsaba sa iba-ibang tauhan, kabilang na si Basilio, upang pabagsakin ang pamahalaan. Nabigo ang unat ikalawang sabwatan. Namundok si Simoun dala ang kaniyang mga alahas, at nakipagkita kay Padre Florentino. Nangumpisal si Simoun at pinatawad naman ng pari. Nagwakas ang nobela nang ihagis ng pari ang kayamanan ni Simoun pabulusok sa dagat, at umasang matatagpuan iyon at magagamit para sa kabutihan ng taumbayan. PAGLALARAWAN Ang nobelang El filibusterismo (literal na Ang Pilibusterismo) o Ang Paghahari ng Kasakiman ay ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Jose Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag na Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora. Ito ang karugtong o sequel sa Noli Me Tangere at tulad sa Noli, nagdanas si Rizal ng hirap habang sinusulat ito at,[3] tulad din nito, nakasulat ito sa Kastila. Sinimulan niya ang akda noong Oktubre ng 1887 habang nagpapraktis ng medisina sa Calamba. Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at pinagbuti niya ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang naninirahan sa Paris, Madrid, at Brussel, at nakompleto niya ito noong Marso 29, 1891, sa Biarritz. Inilathala ito sa taon ring iyon sa Gent. Isang nagngangalang Valentin Ventura na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat noong Setyembre 22, 1891. Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ng bayan.
E El Filibusterismo: Mga Tauhan Ang nobelang "El Filibusterismo" ay isinulat ng ating magiting na bayaning si Dr. Jose Rizal na buong pusong inalay sa tatlong paring martir, na lalong kilala sa bansag na GOMBURZA - Gomez, Burgos, Zamora.
Tulad ng "Noli Me Tangere", ang may-akda ay dumanas ng hirap habang isinusulat ito. Sinimulan niyang isulat ito sa London, Inglatera noong 1890 at ang malaking bahagi nito ay naisulat niya sa Bruselas, Belgica. Natapos ang kanyang akda noong Marso 29, 1891. Isang Nagngangalang Valentin Viola na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag ang aklat noong Setyembre 22, 1891. Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ang bayan.
Mga Tauhan Simoun - ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay, na umano'y tagapayo ng Kapitan Heneral ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra na nagbalik upang maghiganti sa kanyang mga kaaway. Isagani - ang makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni Padre Florentino. Basilio - ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli. Kabesang Tales - ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle. Tandang Selo - ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo. Senyor Pasta - Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal. Ben Zayb - ang mamamahayag sa pahayagan. Placido Penitente - ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan. Padre Camorra - ang mukhang artilyerong pari. Padre Fernandez - ang paring Dominikong may malayang paninindigan. Padre Salvi - ang paring Franciscanong dating kura ng bayan ng San Diego. Padre Florentino - ang amain ni Isagani Don Custodio - ang kilala sa tawag na Buena Tinta Padre Irene - ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila Juanito Pelaez - ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang ang kang may dugong Kastila Macaraig - ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan. Sandoval - ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral Donya Victorina - ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita. Paulita Gomez - kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez. Quiroga - isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas. Juli - anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio. Hermana Bali - naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra. Hermana Penchang - ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli. Ginoong Leeds - ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya. Imuthis - ang mahiwagang ulo sa palabas ni Ginoong Leeds Pepay - ang mananayaw na sinasabing matalik na kaibigan daw ni Don Custodio. Camaroncocido - isang espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga kalahi dahil sa kanyang panlabas na anyo. Tiyo Kiko - matalik na kaibigan ni Camaroncocido. Gertrude - mang-aawit sa palabas. Paciano Gomez - kapatid ni Paulita. Don Tiburcio - asawa ni Donya Victorina.