KILUSAN

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Pagtatatag ng Kilusang

Gerilya
BALITAAN

Magbalitaan tungkol sa
kaunlaran ng bayan o sa
mga nagawa ng mga
pinuno ng ating bayan lalo
na ang Mayor.
BALIK-ARAL
Anong kilusan ang naisip o
itinitag ng mga Pilipino para
sa pakikibaka nila upang
makamit ang inaasam na
kalayaan mula sa
pananakop ng mga Hapon?
Pagganyak:
Ano ang iyong kaisipan
tunkol sa Kilusang Gerilya?
Task Card
Pangkat 1,2,3,4. Gagawin ng buong pangkat

Basahin at unawain ang paksang aralin.


Suriin kung paano nakibaka ang mga Pilipino
para sa kalayaan sa pananakop ng mga
Hapon. Isulat sa 5 hanggang 10
pangungusap ito.
PAGTATAG NG KILUSANG GERILYA
Maraming mga Pilipino ang sumama sa kilusang
gerilya. Unang itinatag ito ng mga takas na kawal
na Pilipino at Amerikano mula sa Corregidor at
Bataan. Iba-iba ang mga propesyon ng mga
taong sumapi rito. May mga guro, mag-aaral, pari,
at mga opisyal at sundalong Pilipino. Ang iba sa
kanila ay mga pinunong bayan at pinunong
panlalawigan.
.
Hindi sila naniwala sa ipinakitang layunin ng
mga Hapones sa bansa. nais nilang
magwakas ang pananakop ng mga
Hapones sa bansa. Pakunwaring nakikiisa
sila sa mga Hapones ngunit ipinaaalam nila
sa mga Amerikano ang anumang
impormasyon na nakukuha sa
pakikisalamuha sa mga kalaban.
.
Ang kalupitan ng mga Hapones sa mga
Pilipino ang nagbunsod sa kanila upang itatag
ang kilusang gerilya. Kinakatakutan nila ang
mga Kempei-tai, ang pulisyang military ng
mga Hapones. Labis na pinarusahan ng mga
Kempei-tai ang mga nadadakip na gerilyang
Pilipino. Ikinulong sila sa Fort Santiago at
doon pinarusahan at pinatay.
.
Naglagi ang mga gerilya sa mga
kabundukan, kagubatan, at malalayong
pook. Ginawa nila ito upang hindi sila
matunton ng mga Hapones. Ang iba sa
kanila ay nasa mga lungsod at mga bayan.
Sila ang tagahatid-balita sa mga gerilya na
nagtatago sa kagubatan, kabundukan, at
. mga ilang pook.
Mahirap hulihin ang mga gerilya.
Marunong silang magtago. Bigla lamang
silang lumilitaw kapag sinasalakay nila
ang mga garrison ng mga Hapones.
Sinamsam nila ang mga armas ng mga
kalaban at ginamit ang mga ito sa
pakikipaglaban sa mga Hapones.
.
Pagsusuri
1.Anong kilusan ang naisip o itinitag ng mga
Pilipino para sa pakikibaka nila upang
makamit ang inaasam na kalayaan mula sa
pananakop ng mga Hapon?

2. Paano o bakit nabuo ang kilusang ito?


Ilarawan ang kilusang ito. Sinu-sino ang mga
bumubuo nito?
.
3.Paano nakibaka o lumaban ang
kilusang laban sa mga Hapon?

4.Ano ang mga nagawa ng kilusang ito


o ng mga Pilipino para sa kalayaan sa
pananakop ng mga Hapon?

.
Pagtataya
Panuto: Isulat sa isang talata
ang kung paano naitatag ang
Kilusang Gerilya at ang mga
nagawa nito para sa kalayaan
sa pananakop ng mga Hapon
.
Takdang-Aralin

Ano ang iba pang


kilusang Gerilya?
.

You might also like