Deped Filipino 2 Learning Material Unit 1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 152

2

Filipino
Kagamitan ng Mag-aaral

Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na


inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at
pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat
namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na
mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng
Edukasyon sa [email protected].
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas

Ang Bagong Batang Pinoy Ikalawang Baitang


Filipino - Kagamitan ng Mag-aaral
Unang Edisyon, 2013
ISBN: 978-971-9990-66-6
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang
akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng
pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa
pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na
ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at
mahingi ang pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang
ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda
ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC
Pangalawang Kalihim: Yolanda S. Quijano, Ph.D.
Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral
Punong Tagapangasiwa: Luz S. Almeda, Ph. D.; Pangalawang
Tagapangasiwa: Rizalino Jose T. Rosales; Lider: Victoria R. Mayo;
Manunulat: Nilda S. D. Garcia, Jackelyn F. Aligante, Melany B. Ola,
Aida J. Cruz, Erlinda B. Castro, Virginia C. Cruz, Matilde N. Padalla,
Galcoso C. Alburo, Estela C. Cruz; Tagapag-ambag: Aurora E. Batnag,
Ma. Fe C. Balaba, Nelly I. Datur, Avizen C. Sio, Felix Q. Casagan, Ruby
E. Baniqued, Nora C. Bernabe, Maribel R. Mendoza, Kristina L. Ballaran,
Rechelle M. Meron; Editor: Arsenia C. Lara, Amaflor C. Alde;
Kasangguni: Angelika D. Jabines; Tagapagtala: Ma. Cynthia P. Orozco;
Taga-anyo: Christopher C. Artuz, Leonor Barraquias; Tagapag-guhit:
Bernie John E. Isip at Francischarl S. Isip

Inilimbag sa Pilipinas ng Rex Book Store, Inc.


Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEdIMCS)
Office Address:
2nd Floor, Dorm G, PSC Complex
Meralco Avenue, Pasig City
Philippines 1600
Telefax:
(02) 634 -1054 o 634 -1072
E-mail Address:
[email protected]
ii

PAUNANG SALITA
Kumusta ka na? Binabati kita at ikaw ay nasa
Ikalawang Baitang na ng iyong pag-aaral!
Ang Kagamitang ito ay sadyang inihanda para
sa iyo. Ito ang magsisilbing gabay mo para sa iyong
pag-aaral ng asignaturang Filipino 2. Inaasahan na
sa paggamit

mo nito ay magiging aktibo ka sa

talakayan sa loob ng klase at maipahahayag mo


nang wasto at maayos ang iyong mga personal na
ideya at karanasan kaugnay ng pinag-aaralan sa
klase.
Ang mga babasahin at mga gawain dito ay
isinaayos at pinili upang magkaroon ka ng maunlad
na kasanayan sa pagsasalita, pakikinig, pagsulat,
pagbasa, at panonood.
Ang mga aralin ay nahahati sa apat na yunit.
Ito ay ang sumusunod:
Yunit I - Pagpapakatao at Pagiging Kasapi ng
Pamilya
Yunit

II

Pakikipagkapwa-Tao
iii

Yunit III - Pagmamahal sa Bansa


Yunit IV - Panginoon ang Sandigan sa Paggawa
ng Kabutihan
Sa bawat aralin, ang sumusunod na gawain ay
iyong masusubukan upang higit na mapagyaman
ang iyong kakayahan.
SUBUKIN NATIN Sa bahaging ito malalaman
natin ang kakayahan at kasanayang abot-alam mo
na. Ito ay gagawin sa unang araw ng bawat aralin o
linggo.

Huwag

kang

matakot

sa

pagsasagot

sapagkat ito ay hindi makaaapekto sa iyong grado.


Nais lamang nating malaman ang dati mong
kaalaman o karanasan na may kaugnayan sa pagaaralan.
BASAHIN NATIN Babasahin mo ang mga
tekstong

sadyang

isinulat

para

sa

iyo

upang

matukoy o magkaroon ka ng ideya kung ano ang


pag-aaralan mo sa buong linggo. Ang mga tekstong
ito ay maaaring alamat, pabula, kuwentong bayan,
iv

mga pantasya o likhang isip, at mga salaysay ayon


sa karanasan ng mga ibang mag-aaral. Ito ang
magiging susi upang higit mong maunawaan ang
mga aralin natin. Huwag kang mabahala. Laging
nakaagapay ang iyong guro sa lahat ng gagawin
mo.
SAGUTIN
malaman

NATIN

kung

lubos

Dito
mong

susubukin

nating

naunawaan

ang

napakinggan o nabasa mong teksto.


PAHALAGAHAN

NATIN

Sa

bahaging

ito,

mauunawaan natin ang kagandahang asal at paguugali na nais ituro sa atin ng napakinggan o
nabasang teksto.
GAWIN NATIN Dito magkakaroon ka ng ibat
ibang pagsasanay kaugnay ng aralin. Maaaring ito
ay kasama ng iba mong kamag-aral o maaari din
namang pang-isahang gawain.

SANAYIN NATIN Dito magkakaroon ka ng


pagkakataon na malinang lalo ang kasanayan sa
napag-aralan

kasama

ang

ibang

pangkat

sa

pamamagitan ng mga karagdagang gawain.


TANDAAN NATIN Sa bahaging ito, mababasa
natin ang mga kaisipang dapat nating tandaan
kaugnay ng araling tinalakay.
LINANGIN NATIN Dito higit na papaunlarin ang
kasanayan at kaalaman na natutunan sa natapos
na aralin.
Sa pamamagitan din ng Kagamitang ito, nawa
ikaw

ay

maging

maka-Diyos,

makatao,

makakalikasan, at makabayang batang Pilipino.


Isang Bagong Batang Pinoy na handa sa mga
pagbabagong

dala

ng

kapaligiran

at

makabagong teknolohiya.
Maligayang pag-aaral sa iyo!
MGA MAY AKDA

vi

ng

Talaan ng Nilalaman
Panimula
Talaan ng Nilalaman
Yunit 1: Pagpapakatao at Pagiging
Kasapi ng Pamilya
Aralin 1: Kalusugan ng Pamilya ay Dapat
Pangalagaan . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Pagkaunawa
Magtulungan Tayo . . . . . . . . . . . . . .
Kumilos at Magkaisa . . . . . . . . . . . . .
Aralin 2: Mahalin at Ipagmalaki
ang Pamilya . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Pangngalan
Maalagang Ina . . . . . . . . . . . . . . . . .
Ang Huwarang Pamilya . . . . . . . . . .
Nasaan Ka, Inay? . . . . . . . . . . . . . . .
Aralin 3: Maglibang at Magsaya
sa Piling ng Pamilya . . . . . . . . . . . . .
Kategorya ng Pangngalan
Pamilya de los Reyes . . . . . . . . . . . . .
Aralin 4: Ang Batang Uliran,
Laging Kinalulugdan . . . . . . . . . . . . .
Klasipikasiyon ng Pangngalan
Ang Paanyaya . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Ang Halamanan ni Eden . . . . . . . . .
Aralin 5: Magulang Ay Mahalaga,
Dapat Inaalala . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Pangngalang Pambalana
at Pantangi
Sorpresa kay Nanay . . . . . . . . . . . . .
Dapat Mong Malaman . . . . . . . . . .
vii

2
2
3
18
18
22
27
34
39
50
51
58
67
68
74

Aralin 6: Pamamasyal Ay Kasiya-siya,


Kapag Kasama ang Pamilya . . . . . .
Angkop na Pananda sa Pagtukoy
ng Pangalang Pambalana /
Pantangi
Higanteng Ferris Wheel . . . . . . . . . . .
Aralin 7: Sa Oras ng Kagipitan,
Pamilya Ay Nandiyan Lang . . . . . . .
Pangngalan Ayon sa Kasarian
(Pambabae at Panlalaki)
Kuya Ko Yata Iyan! . . . . . . . . . . . . . .
Nagmamadali si Sara . . . . . . . . . . . .
Aralin 8: Aalagaan Ko,
mga Magulang Ko . . . . . . . . . . . . . . .
Pangngalan Ayon sa Kasarian:
Di-Tiyak / Walang Kasarian
May Sakit si Ina . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Ang Kambal . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Aralin 9: Bilin ng Magulang, Laging
Tatandaan . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Kailanan ng Pangngalan:
Isahan, Dalawahan, Maramihan
Ang Bilin ni Ina . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Ang Pangarap ni Ernesto . . . . . . . . .

viii

83

83
99
100
111
115
115
123
131
131
141

Aralin I: Kalusugan ng Pamilya


Ay Dapat Pangalagaan

1.
2.
3.
4.
5.

Isulat ang Tama o Mali sa sagutang papel.


Makikita ang pangunahing ideya sa unahan,
gitna, o huling pangungusap ng teksto.
Maiuugnay ang sariling karanasan kung
nauunawaan ang tekstong napakinggan o
nabasa.
Ang mga salitang bata at bato ay
magkasintunog.
Ang bulaklak at halaman ay magkasintunog.
Matutukoy ang kahulugan ng di-kilalang salita
sa pamamagitan ng paggamit nito sa
pangungusap.

Magtulungan Tayo
Tayo nang maglinis ng ating bakuran
Dapat alagaan, mahalin ang kalusugan
Hirap at sakit ating maiiwasan
Kung tayo ay laging nagtutulungan.
Kaya nga, kumilos bata man matanda
Huwag hintayin, sakit ay mapala
Laging isaisip, maglinis sa tuwina
Pagtutulungan ang susi para guminhawa.
2

Kanino ipinatutungkol ang tula?


Bakit kailangang maglinis ng paligid?
Ano ang nais gawin ng sumulat ng tula?
Ano ang pangunahing ideya ng tula?
Saang bahagi ng tula makikita ang
pangunahing ideya?
Batay sa iyong karanasan, ano ang
maaaring gawin upang makatulong
sa kalinisan ng paligid?

Ang paglilinis ng kapaligiran ay tungkulin nating


lahat nang tayo ay makaiwas sa anumang sakit.

A. Basahin ang teksto. Sagutin ang sumusunod na


mga tanong.
Kumilos at Magkaisa
Maraming patapong bagay sa ating paligid
tulad ng mga basyo ng bote at plastik na
nakatambak sa mga basurahan at looban ng ilang
kabahayan. Ang mga lumang diyaryo at
maruruming damit ay nagkalat din kung minsan.
3

Para sa iba, ang mga ito ay basura lamang,


patapon, at wala nang silbi kaya naman ang ating
kapaligiran ay punong-puno ng mga kalat.
Pinamumugaran tuloy ang mga ito ng mga daga at
insekto.

Pinagmumulan din ang mga ito ng pagbabara


ng mga daluyan ng tubig at sanhi ng pagbaha.
Nakasasama rin ang ilan sa mga ito. Nagiging sanhi
ito ng pagdumi at pagbaho ng hanging ating
nalalanghap. Huwag na nating hintayin ang salot na
idudulot ng mga basura. Panahon na para tayo ay
kumilos at magkaisa.
1.

2.
3.
4.
5.

Ano-anong patapong bagay ang makikita sa


ating paligid?
Bakit ito hinahayaan ng mga tao?
Ano ang mangyayari kung maraming basura sa
ating paligid?
Sino ang hinihiling na kumilos at magkaisa?
Ano ang pangunahing ideya ng kuwento?
4

6.
7.

Basahin ang bahagi ng kuwento na tumutukoy


sa pangunahing ideya.
Batay sa iyong karanasan, ano ang maaari
nating gawin para mabawasan ang ating
basura?

Sa iyong pangkat, pag-usapan kung ano ang


maaari pang gawin sa mga lumang bagay. Isulat sa
papel ang inyong mga sagot.

Unang Pangkat lumang diyaryo


Ikalawang Pangkat lumang gulong
Ikatlong Pangkat lumang damit
Ikaapat na Pangkat basyong bote

Ang teksto ay may ipinahahayag na


ideya. Nakatutulong ang pagbibigay ng
pangunahing ideya upang maintindihan
ang nilalaman ng narinig o binasa. Ang
pangunahing ideya ay maaaring
matagpuan sa pamagat, unahan, gitna, at
huling bahagi ng teksto.
Nakatutulong sa pag-unawa ng
pinakinggan ang pag-uugnay ng narinig sa
sariling karanasan.
5

A. Isulat ang tsek () sa sagutang papel kung


naranasan mo na ang pahayag at ekis ()
naman kung hindi.
1. Nagtatapon ako ng basura sa tamang
tapunan.
2. Iniuuwi ko ang aking basura.
3. Tumutulong ako sa proyektong pangkalinisan
sa aming barangay.
4. Inihihiwalay ko ang nabubulok sa dinabubulok na basura.
5. Tinatakpan ko ang basurahan upang hindi
mangamoy at maiwasan ang pagkalat ng
mikrobyo.
B. Basahin at piliin ang pangunahing ideya o
kaisipan ng teksto. Isulat ang wastong letra sa
sagutang papel.
1. Ang dengue ay maiiwasan kung ibayong pag-iingat
ay isasaalang-alang. Palitan nang madalas ang
tubig sa plorera. Linisin ang loob at labas ng bahay.
Maging malinis sa tuwina.
a. Maglinis ng kapaligiran upang maiwasan
ang dengue.
b. Palitan lagi ang tubig sa plorera.
2. Kapag may sipon o ubo, iwasan ang pagdura
kung saan-saan. Takpan ang bibig at ilong kapag
umuubo o bumabahing nang hindi makahawa ng
iba. Uminom ng maraming tubig at magpahinga.
6

3.

4.

5.

a. Mga dapat gawin kapag inuubo at


sinisipon
b. Uminom ng maraming tubig at magpahinga.
Ugaliin ang pagkain ng mga prutas at gulay.
Maraming bitamina ang nakukuha sa mga ito.
Nakatutulong din ang mga ito upang mapanatiling
malusog ang katawan.
a. Ang mga prutas at gulay ay may maraming
bitamina
b. Kumain ng prutas at gulay upang maging
malusog ang katawan
Uminom ng walo o higit pang baso ng tubig
sa araw-araw. Nakatutulong ito para sa mabilis na
pagtunaw ng ating kinain. Nasosolusyunan nito ang
pagtigas ng dumi sa loob ng katawan.

a. Kabutihang dulot ng sapat na pag-inom


ng tubig
b. Bilang ng iinuming tubig araw-araw
Iwasang kumain ng junk food at pag-inom ng
nakalatang inumin. May mga kemikal ito na
hindi mabuti sa katawan.
a. Iwasang kumain ng junk food at pag-inom
ng nakalatang inumin.
b. May mga kemikal na makukuha sa
junk food at nakalatang inumin.

Basahin ang tula.


7

Lubhang kakaiba si Sonya


Parang diksiyonaryo ang isip niya
Nasasabi ang mga kahulugan
Tamang salita gamit ng aking kaibigan
Sa isip mabilis na hinuhugot
Kailanman di siya nakababagot.
Palaging dala-dala ay saklay
Paika-ikang lumakad dahil siyay pilay
Batang masayahin, laging nagdarasal
Kapupulutan siya ng magandang asal
Laging nakatawa, tuwinay masaya
Ang palakaibigang si Sonya.

Sino ang tinutukoy sa tula?


Bakit hindi siya nakababagot?
Ano-anong katangian ang taglay niya?
Naging sagabal ba ang kaniyang
kapansanan sa kaniyang buhay? Bakit?
Paano mo maipakikita na hindi hadlang
ang kapansanan para lumigaya?
Ano ang napansin sa mga salitang nasa dulo
ng bawat linya ng tula?
Paano nalalaman na magkasintunog ang
pares ng mga salita?

Basahin ang salitang nasa loob ng kahon.


Pumalakpak kung dapat taglayin ang katangian at
pumadyak naman kung hindi dapat.
mabait
masigasig

madamot
masipag

mareklamo
palasigaw

Basahin ang mga salita sa Hanay A at piliin ang


kasintunog nito sa Hanay B.
Hanay A
1.
2.
3.
4.
5.

bata
abogado
kalaro
palaka
Nanay

Hanay B
(baso, beke, tuta)
(abaka, abokado, doktor)
(baro, kalapati, tupa)
(manok, talangka, dahon)
(tubero, nars, tinapay )

Pagsamahin ang mga salitang magkakasintunog.


Isulat ang sagot sa isang papel.
aliw
dibdib
kalesa
luya
mani
mataba
putak
laya
tuwa

baging
ibon
lago
mababa
marikit
patani
sabaw
tabon
taya

bahay
kabayo
lata
maginoo
masakit
noo
saging
takatak
talahib

buhay
kalabaw
lawa
malayo
mata
pugo
saliw
tasa
bata

Matutukoy ang mga salitang magkakasintunog kung magkapareho ang huling tunog.
Halimbawa:
lola bola
atis batis

suso paso
talangka palaka

10

Lagyan ng tsek () ang sagutang papel kung


ang mga salita ay magkakasintunog at ekis ()
naman kung hindi.
1. tindera kusinera
2. kapitbahay kaibigan
3. katulong talong

4. nainis malinis
5. sabay sabaw

Basahin ang mga pangungusap.


Ang plorera ay nilalagyan ng bagong bulaklak
tuwing umaga.
Mangkok naman ang nilalagyan ng pagkaing
may sabaw.
Ang batang siga ay malapit sa gulo at walang
kinatatakutan.
Masarap magbakasyon sa isang liblib na pook.
Karaniwan itoy tahimik at tago na lugar.
Si Carlo ay nagpakita ng larawan ng bandurya.
Kahawig ito ng gitara.

1.

2.
3.
4.
5.

Saan inilalagay ang bulaklak?


11

Ano ang inilalagay sa mangkok?


Bakit malapit sa gulo ang batang walang
kinatatakutan?
Ano-anong salita ang may salungguhit?
Ano ang tawag sa salitang may salungguhit?
Ano ang ginamit na paraan upang malaman
ang di-kilalang mga salita?

Ipakita ang masayang mukha kung wasto ang


gawain at malungkot na mukha kung mali.
Magtatanong sa mga magulang.
Huwag sagutan ang takdang aralin.
Magpatulong kina ate at kuya.
Tingnan sa diksiyonaryo o internet kung may
salitang hindi maunawaan.
Ipagawa sa kaklase ang takdang aralin.

Kilalanin ang mga salita sa tulong ng mga


larawan. Isulat ang letra ng sagot.
1. plorera

a.
b.

2. katre
12

3. gwantes

c.

4. pluma

d.

5. batingaw

e.

Hanapin ang kahulugan ng di-kilalang salitang


may salungguhit sa pangalawang pangungusap.
Isulat sa sagutang papel.
1.
2.
3.

Marusing ang bata sa lansangan. Marumi rin


ang kaniyang damit at siyay nakayapak.
Mahalimuyak ang buong hardin. Mabango kasi
ang mga bulaklak dito.
Masagana ang buhay ni Mang Narding.
Mayaman kasi ang kaniyang pamilya.

May ilang pamamaraan upang madaling


maunawaan ang mga di-kilalang salita.
1. sa pamamagitan ng larawan
2. gamit sa pangungusap
3. aktuwal na bagay
4. pagsusuri ng hugis at anyo ng mga
nakalarawan
13

Alamin ang mga di-kilalang salita sa


pamamagitan ng larawan. Pagtambalin ito sa
pamamagitan ng pagsulat ng letra ng pangalan ng
bawat larawan. Gawin ito sa sulatang papel.
1.

a. bapor

2.

b. brilyante

c. aparador

4.

d. mangkok

5.

e. kubyertos

14

Mga dapat tandaan sa pagsulat:


1.

Hawakan ang lapis nang isang pulgada ang


layo mula sa dulo ng daliring hinlalaki, hintuturo,
at gitnang daliri.
Iayos ang papel sa desk. Ipatong sa bandang
itaas nito ang kanan o kaliwang kamay.
Magsulat mula kaliwa-pakanan.
Magsulat nang marahan at may tamang diin.
Umupo nang maayos sa upuan.

2.
3.
4.
5.

Ano-ano ang dapat tandaan sa pagsulat?


Bakit may mga dapat tandaan sa pagsulat?
Sa iyong palagay, ano ang mangyayari kung
hindi natin ito isasagawa?

Mahalaga na sundin ang mga panuntunan sa


pagguhit upang matutunan ang tamang
pamamaraan at maging malinis at maayos ang
sulat o guhit.

15

Gumawa ng pataas-pababang guhit. Gawin sa


papel nang limang beses. Gayahin ang modelo.

16

Gumawa ng pataas-pababang guhit.


Unang Pangkat Pagbakat ng putol-putol na guhit
Ikalawang Pangkat Pagdugtong ng mga tuldok
Ikatlong Pangkat Pagsulat sa hangin
Ikaapat Pangkat Pagsulat sa papel

Sa pagsulat ng pataas-pababang guhit,


gamitin ang tatlong linyang may kulay asul,
pula, asul. Simulan ito sa kaliwa-pakanan.

Gumawa ng pataas-pababang guhit sa


sulatang kuwaderno.

17

Aralin 2:

1.
2.
3.
4.
5.

Mahalin at Ipagmalaki
ang Pamilya

Isulat ang Tama o Mali sa sagutang papel.


Ang mahahalagang detalye ay
makatutulong upang masagot ang mga
tanong sa kuwentong binasa.
Ang sulat at balat ay magkapareho ang tunog
sa hulihan.
Ang pangngalan ay tumutukoy sa tao lamang.
Ang aklat ay ngalan ng hayop.
Sa pagsipi ng salita, dapat ay may tamang
layo ang bawat letra.

Pakinggan ang kuwento habang binabasa ng


guro.
Maalagang Ina

18

Handang-handa na sina Nanay Carmen at


Tatay Ramon. Dadalo sila sa pagtitipon nina Lolo at
Lola. Anibersaryo ng kasal nila. Dapat ay naroon ang
buong pamilya. Tinawag ni Aling Carmen ang mga
anak. Fe, Rey, nasaan na ba kayo? Bihis na kami ng
Tatay ninyo.
Nanay, may sinat po si Rey. Isasama pa po ba
ninyo kami? tanong ni Fe.
Dali-daling pumunta si Aling Carmen sa silid ng
anak at hinipo ang ulo ni Rey. Nalaman niyang may
sinat ito. Lumabas siya at nang itoy bumalik,
nakabihis na ito ng damit pambahay. May dalang
palangganang may tubig, botelya ng gamot, at
yelo.

Saan pupunta ang mag-anak ni Aling Carmen?


Sino ang nagkaroon ng sakit?
Mahalaga ba ang kanilang pupuntahan?
Bakit?
Ano ang ipinasiyang gawin ni Aling Carmen
nang malamang may sakit si Rey?
Ano ang masasabi mo kay Aling Carmen?
Magagalit kaya sina Lolo at Lola sa hindi
pagdating ng mag-anak?
Ano kaya ang sumunod na nangyari sa
kuwento?

19

Piliin sa mga larawan kung paano mo ipinakikita


ang pagmamahal sa iyong mga magulang o kasapi
ng pamilya. Ipaliwanag sa klase ang napiling
larawan.

Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang


sagot batay sa detalye ng kuwentong binasa.
1.

2.

3.

Sino ang mag-asawa sa kuwento?


a. Aling Carmen at Mang Mon
b. Aling Caren at Mang Ramon
c. Aling Carmen at Mang Ramon
Saan pupunta ang mag-anak?
a. sa binyag ng Lolo at Lola
b. sa kaarawan nina Lolo at Lola
c. sa anibersaryo ng kasal ng Lolo at Lola

Ano ang nangyari kay Rey?


a.
nagsusuka c. sumasakit ang tiyan
b.
nilalagnat
20

4.
5.

Anong uri ng ina si Aling Carmen?


a. maalaga b. madasalin
c. masikap
Matutuwa kaya si Rey sa pag-aalaga sa kaniya ng
ina?
a. Oo
b. Hindi
c. Ewan ko

Ibigay ang inyong hinuha sa bawat situwasyon.


Unang Pangkat Darating mula sa isang malayong
probinsya ang Lolo at Lola nina May at Milyo.
Kailangan daw dalhin sa pagamutan si Lolo.
Walang titingin sa kaniya kundi si Lola.
Ikalawang Pangkat Malapit na ang pasukan sa
eskuwela. Papasok na ang bunsong si Bong.
Hindi pa siya marunong umuwi ng bahay nang
mag-isa.
Ikatlong Pangkat May proyekto si Neneng sa
paaralan. Hindi pa sumusuweldo si Tatay.
Kukulangin ang pera ni Nanay sa
pamamalengke.
Ikaapat na Pangkat Maraming nagkalat na
basura sa tabing-ilog. Malapit dito ang tirahan
ng mag-anak na Reyes.

21

Ang mahahalagang detalye ay nakatutulong


upang masagot ang mga tanong sa pinakinggan
o binasang teksto.
Ang hinuha ay pagbibigay ng kasalukuyang
nadarama, iniisip, katangian, o nangyayari batay
sa paglalarawan ng mga detalye sa isang
sitwasyon. Maaaring itong positibo o negatibo.

Basahin ang kuwento at sagutin ang mga


tanong pagkatapos nito.
Ang Huwarang Pamilya

22

Si Mang Piolo at si Aling Cristy ay may huwarang


pamilya. Ang kanilang mga anak na sina Arcy, Elvie,
Nancy, at Frank ay masisikap na mag-aaral.
Ang panganay na si Arcy na nasa Baitang VI ay
nangunguna sa klase. Ang kambal na sina Elvie at
Nancy ay masisigasig sa pagpasok, aktibo sa
talakayan, at napapasali sa lahat ng paligsahang
pang-akademiko. Ang nag-iisang lalaki na si Frank
ay gumagaya sa masisikap niyang mga kapatid.
Naitataguyod naman ang kanilang pag-aaral
sa pagiging masigasig ng kanilang mga magulang.
Ang mag-asawa ay responsableng
gumagabay, nagdidisiplina, at doble kayod sa
paghahanapbuhay para itaguyod ang edukasyon
ng mga anak.
Ginagawa nilang araw ang gabi para
mapaglaanan ang pangangailan ng pamilya.
Kahanga-hanga ang pamilya nina Mang Piolo
at Aling Cristy.
Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa
sagutang papel.
1. Sino-sino ang anak nina Mang Piolo at Aling
Cristy?
a. Arcy, Elvie, Nancy, at Frank
b. Arcy, Elvie, at Nancy
c. Nancy at Frank
2. Ano ang tawag sa pamilya nina Mang
Piolo at Aling Cristy?
a. huwarang pamilya
b. masayang pamilya
c. masipag na pamilya
23

3.

Bakit maituturing na huwaran ang kanilang


pamilya?
a. mayaman sila
b. marami silang kakilala
c. matatalino at masisikap ang mga anak at
responsable ang mga magulang
Dapat bang tularan ang pamilya nila?
a. oo
b. hindi
c. hindi kailanman
Ano kaya ang magiging buhay ng mga
anak nila pagdating ng panahon?
a. walang nakakaalam sa kapalaran nila
b. hindi makakapagtapos sa pag-aaral at
maghihirap
c. magkaroon ng maunlad at maayos na
pamumuhay

4.
5.

bihis bumalik damit


dapat
kasal nanay pamilya sinat

handa
yelo

Ano ang unang tunog ng salitang handa?


Ano ang gitnang tunog ng salitang kasal?
Ano ang hulihang tunog ng salitang pamilya?
Pare-pareho ba ang mga tunog ng salita sa
dulo?

24

Ang kaalaman sa tunog ng mga letra ay


mahalaga upang mas mabilis makabasa. Ito ay
mahalagang pundasyon sa pagbasa kaya dapat
itong taglayin ng bawat isa.

Basahin ang mga salita sa ibaba. Sabihin ang


una, gitna, at huling tunog ng mga ito. Isulat ang
iyong sagot sa kuwaderno.
1.
2.
3.

mutya
barya
saya

4.
5.
6.

lumpo
sampu
pista

Hanapin sa loob ng panaklong ang salitang


may kaparehong tunog ng sinalungguhitang tunog
ng letra. Isulat sa sagutang papel.
kilay
suman
takbo
dalaga
sampu

(bahay, kidlat, hibla)


(bawang, buwan, lapis)
(listo, lumpo, pakla)
(halaga, kalabasa, kasama)
(aktibo, tempo, unano)
25

Ang mga salita ay maaaring


magkapareho ang tunog sa unahan, gitna,
at hulihan.

Isulat sa kuwaderno ang mga salitang


magkapareho ang tunog na maaaring makita sa
unahan, gitna, at hulihan.
1.
2.
3.
4.
5.

mais, mata, puso


bangin, hangin, tubig
balikan, halika, malaki
baliw, halik, saliw
Obet, Olga, Omar

26

Nasaan Ka, Inay?

Nagising si Nena na wala ang ina sa kaniyang


tabi. Nakadama siya ng takot kaya niyakap niya
ang unan. Narinig niyang tumatahol ang aso.
Bumangon siya para hanapin ang ina. Pumunta siya
sa kusina pero wala ang kaniyang nanay. Biglang
namatay ang ilaw. Kumulog nang malakas. Isang
matalim na kidlat ang kasunod nito. Bumuhos ang
malakas na ulan. May kalakasan din ang hangin. Pilit
nilabanan ni Nena ang takot na nadarama. Pumikit
siya at nagdasal nang taimtim.
Hindi nagtagal, dumating ang kaniyang Ate
Nelia. May dalang nakasinding kandila. Sinabi nitong
pumunta ang ina sa palengke upang bumili ng
bigas.

27

Bakit natakot si Nena?


Bakit kaya biglang nagdilim ang paligid?
Paano ipinakita ni Nelia ang kaniyang
pagmamalasakit sa kapatid?
Ano-ano ang ginagawa mo para sa kasapi
ng pamilya niyo?
Ano-anong pangngalang tumutukoy
sa tao, bagay, hayop, at pook ang iyong
napakinggan sa kuwento?

Isulat sa sagutang papel ang tsek () kung


dapat gawin at ekis ()naman kung hindi dapat
gawin.
1.
2.
3.
4.
5.

Pupunta ako sa kuwarto ni Ate kapag


malakas ang ulan.
Hahanapin ko sa labas ng bahay si Tatay.
Magtatampo ako kay Nanay kapag iniwan
niya ako.
Mag-aantay na lang ako sa pagdating ni
Nanay.
Iiyak ako nang malakas kapag wala si Nanay
sa bahay.
28

Tukuyin ang kategorya ng pangkat ng mga


pangngalan sa bawat bilang. Isulat ang A kung tao,
B kung hayop, C kung bagay, at D kung lugar.
Isulat ang wastong letra sa sagutang papel.
___1.
___2.
___3.
___4.
___5.

bukid
baka
bag
kamera
ate

parke
ibon
lapis
sombrero
guro

silid
kalabaw
papel
telepono
lolo

Isulat sa kuwaderno ang T kung ngalan ng tao,


B kung bagay, H kung hayop, at P kung lugar.
____1. basket
_____4. lapis
____2. ospital
_____5. kalabaw
____3. Benigno Aquino

Ang pangngalan ay tumutukoy sa


ngalan ng tao, bagay, hayop, o lugar.
29

Gawin sa sagutang papel. Hanapin ang salita


sa pangungusap na tinutukoy ng pangngalang nasa
kaliwa. Isulat nang tama ang sagot.
tao

1.

bagay

2.

hayop
lugar

3.
4.

bagay

5.

1.
2.
3.
4.
5.

Masarap ang suman na ginawa ni


Aling Lorna.
Kulay pula ang damit na binili ko
kahapon.
Mabilis tumakbo ang kabayo.
Namasyal ang mag-anak sa
Luneta Park kahapon.
Nawala ang lapis na mahaba.

Binig yan ako ni Ama ng bagong re lo.


Pumunta kam i sa simbahan upang magdasal.
May nahuling daga ang alaga kong pusa.
Pumunta si Nanay sa palengke.
Nagkasakit si Kuya kaya siya ay pumunta sa
doktor.

30

Ano-anong ngalan ng tao ang iyong nabasa?


Anong ngalan ng hayop ang iyong nabasa?
Tama ba ang pagitan ng bawat letra ng salita?
Paano mapagaganda o maaayos ang
sulat?

Mahalagang sundin ang mga pamamaraan sa


pagsipi upang maging malinis, maayos, at maganda
ang sulat. Nakakatulong din ang mga ito upang
madaling mabasa ang mga salita.

Sipiin nang wasto ang mga salita gamit ang


tamang linya sa papel na may tamang layo ang
bawat letra.
1.
2.
3.
4.
5.

ama
Nena
tahanan
paaralan
Mang Carding
31

Sipiin sa kuwaderno ang sumusunod na


pangngalan.
1.
2.
3.

Dan
botika
upuan

4.
5.

kambing
bulaklak

Sa pagsipi ng mga salita, dapat may wastong


pagitan ang mga letra ng bawat salita.

Isulat ang T kung tama ang ipinahahayag ng


pangungusap sa pagsipi nang wasto at maayos ng
mga salita, at M naman kung mali.
1.
2.
3.
4.
5.

Gamitin nang wasto ang mga guhit sa papel.


Isulat ang letra ng salita nang may wastong
pagitan.
Burahin ng laway ang maling naisulat.
May tamang istrok ang pagsulat.
Dapat may wastong hugis at anyo ang mga
letra kapag isinusulat.
32

A. Isulat ang pataas-paikot na linya sa kuwaderno.


Sundan ang modelo sa ibaba.

B. Isulat ang pataas-paikot na linya sa kuwaderno.


Sundan ang modelo sa ibaba.

33

Aralin 3:

Maglibang at Magsaya
sa Piling ng Pamilya

Isulat ang wastong letra sa sagutang papel.


1.

2.
3.
4.
5.

Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng


wastong damdamin sa sinasabi?
Bakit kaya hindi dumating si Tatay sa aking
kaarawan?
A.
B.
C.
D.
E.
Piliin ang tamang bilang ng pantig sa salitang
masaya.
A. 1
B. 2
C. 3
Alin ang tamang pagpapantig sa salitang
pasyalan?
A. pas-yal-an B. pas-yala-n C. pas-ya-lan
Alin sa mga salita ang karaniwang ngalan o
pambalana?
A. mag-aaral
B. Armando Reyes C. IIog Pasig
Alin sa mga salita ang may maling baybay?
A. dekorasiyon B. decoration C. dikorasyon

Basahin ang sagutang liham ng magpinsang


Mary Ann at Nilo.
34

Brgy. Dawis, Gasan


Marinduque
Mayo 10, 2012
Mahal kong Mary Ann,
Kumusta na kayo nina Ninang Cynthia at
Ninong Christopher? Nabagot kami sa kahihintay sa
inyo noong Mahal na Araw. Bakit hindi kayo
nakarating? Naghanda pa naman si Nanay ng
paborito mong leche flan at halayang ube. May
ipauuwi rin sana kaming masarap na suman sa inyo.
Ano nga ba ang nangyari at hindi kayo nakarating?
Hindi ninyo tuloy napanood ang pagdiriwang
ng Moriones. Sana nakita ninyo si Longhino. Siya ang
sundalong nanakit sa Poong Hesus nang Siyay
mapako sa krus.
Ibinili pa naman kita ng maskara. Sa pagpunta
na lang ninyo rito ko ibibigay sa iyo. Salamat
sa ipinadala mong kard noong kaarawan ko.
Sulatan mo ako agad, ha.
Nagmamahal,
Nilo

35

Talipapa, Novaliches
Lungsod ng Quezon
Hunyo 20, 2012
Mahal kong pinsang Nilo,
Nanghihinayang ako at hindi kami nakarating
sa inyo. May mahalagang nilakad sina Nanay at
Tatay. Pero alam mo ba, pinsan, nagpunta kami sa
Lukban, Quezon noong Mayo 15. Nakita ko ang
makukulay na mga bahay na nagagayakan ng
mga kiping. Yari sa bigas ang mga ito na may ibat
ibang kulay. May ibat ibang hugis din ang mga ito
na nagsisilbing palamuti ng mga tahanan, kasama
ang ibat ibang produktong dito ginagawa o
kanilang inaani.
Alam mo, pinsan, ang sasarap ng mga kakanin
doon. Sana matikman mo rin. Ikumusta mo na
lamang ako kina Tita Weng at Tito Willie.
Nagmamahal,
Mary Ann

Sagutin ang mga katanungan kaugnay ng


binasang mga liham.
Sino ang magpinsan sa kuwento?
Bakit sumulat si Nilo kay Mary Ann?
Ano ang ipinagdiriwang sa Marinduque?
36

Ano ang atraksiyon ng Lukban, Quezon?


Magbigay ng mga katangian nina Mary Ann at
Nilo.
Kung ikaw si Nilo, ano ang magiging damdamin
mo dahil hindi nakarating ang iyong inaantay?

Maraming pagdiriwang ang isinasagawa sa


ating bansa. Nakatutulong ang mga ito sa pagpapanatili ng ating kulturang Pilipino. Nakapagpapatibay
rin ang mga ito ng pagsasamahan at pag-uunawaan
ng marami.

Piliin sa loob ng kahon ang damdaming


ipinapahiwatig ng pahayag. Isulat sa sagutang
papel.
pagkagalit
pagkahiya pagkainip
pagkatuwa
paninisi
1. Bakit mo iniwan ang nakasalang na sinaing?
Nasunog tuloy.
2. Yehey! Mataas ang nakuha ko sa pagsubok.
3. Pasensiya na po. Narumihan ko ang inyong
sapatos.
4. Bakit ang tagal-tagal nila? Kanina pa ako rito.
5. Ilang ulit ko nang sinasabi sa iyo na bawal dito
ang aso.
37

Ibigay ang damdaming ipinahihiwatig ng


linyang nasa ibaba.
Maligayang kaarawan, Inay. Masaya po kami
dahil narating pa ninyo ang ika-animnaput limang
kaarawan.
Pangkat 1 - Iguhit
Pangkat 3 - Sabihin
Pangkat 2 - Isakilos

May ibat ibang damdaming nadarama


katulad ng natutuwa, nagagalit, nayayamot,
naiiyak, nalulungkot, nasisiyahan, at iba pa.
Mahalagang alamin ang ibat ibang
damdamin.

Tukuyin ang damdaming ipinahihiwatig


ng bawat linya. Piliin ang letra ng wastong sagot.
Isulat sa sagutang papel.
A.
B.
C.
D.
1.
2.

Ang dami! Ayoko na.


Ang tataas ng mga marka ko. Tiyak matutuwa
si Nanay.
38

3. Naku! Walang ilaw. Ang dilim ng paligid.


4. Hu! hu! hu! Ang sakit ng ngipin ko.
5. Bakit kaya hindi ako isinama ni Ate sa parke?

Pamilya delos Reyes

Ang pamilya delos Reyes ay naninirahan


sa Masbate. Malapit sa baybay dagat ang kanilang
tirahan, kayat sagana sila sa yamang dagat.
Marami ang mga puno ng bakawan sa baybayin.
Dito madalas pumunta ang magkapatid na
Zeny at Zoren. Nanghuhuli sila ng mga isda at
alimango. Paborito kasi ang mga ito ng kanilang
mga magulang na sina Aling Mila at Mang Albert.
Kapag walang pasok sa eskuwela, nakaugalian na
ng magkapatid na magmasid ng mga ibong
nagliliparan. Naghahabulan sila sa baybaying may
puting buhangin. Kung minsan pati kanilang
kaibigan ay nakikipagpiknik sa kanilang lugar.
Ang lolo at lola nina Zeny at Zoren ay nakatira
naman sa malawak na lupain sa Masbate.
39

Ang kalahati nito ay natatamnan ng mga puno ng


niyog na pinagkakakitaan ng kanilang lolo at lola ng
kabuhayan.
Kapag pumupunta ang magkapatid kina Lolo
Bindoy at Lola Genia, ipinaghahanda sila nito ng
sinampalukang manok.
Minsan naman, sila ay ipinagluluto ng bulalo.
Sa kanilang pag-uwi, pinababaunan pa sila ng
karamelado na gawa sa gatas ng kalabaw na
gustong-gusto ng magkapatid.

Bakit sagana sa yamang dagat ang pamilya


de los Reyes?
Ano-ano ang yamang dagat na makikita rito?
Ano-ano ang maaaring gawin sa baybaying
dagat?
Paano pinalilipas ng magkapatid ang oras
kapag walang pasok?
Ikaw, ano ang iyong ginagawa kapag walang
pasok?
Anong damdamin ang ipinahihiwatig sa
kuwentong binasa?

Mahalaga ang oras. Dapat gamitin natin


ito nang kapaki-pakinabang. Maglaan ng oras
para sa pamilya. Maglibang at magsaya kasama
ng mga mahal sa buhay.
40

Kopyahin ang tsart sa kuwaderno. Pantigin ang


sumusunod na salita mula sa kuwentong binasa.
Salita

Pagpapantig

Bilang
ng mga pantig

eskuwela
kalahati
manok
niyog
pinaghahanda

Gawin ang sumusunod na gawain.


alaga
almusal
maaga tubig

mag-anak
dinidilig

tumutulong
kasambahay

Unang Pangkat Isulat nang papantig ang mga

salitang nasa loob ng kahon.


Ikalawang Pangkat Ipalakpak ang mga
salitang pinantig ng unang pangkat.
Ikatlong Pangkat Sabihin ang bilang ng pantig
ayon sa pagpalakpak na ginawa ng
ikalawang pangkat.
Ikaapat na Pangkat Bigkasin ang mga salitang
nasa loob ng kahon.
41

Natutukoy ang bilang ng pantig ng salita


sa pagpapantig. Ang pagpapantig ay wastong
paghahati o paghihiwalay ng mga pantig ng
salita. Nakatutulong ang pagpapantig sa
tamang pagbigkas at pagbaybay ng mga
salita.

Pantigin ang sumusunod at isulat ang bilang ng


. dulo ng mga salita. Isulat sa kuwaderno.
pantig sa
1. kapaligiran 3. pasalubungan
5. tandaan
2. paaralan
4. tahanan

Tagpo: Sa palengke. Namimili sina Mang Andoy at


Aling Precy ng regalo para sa kaarawan ni Mona.
Mang Andoy:
Aling Precy

Huwag mong kalimutan ang


paboritong laruan ng bunso mo
baka magtampo na naman iyon.
Ay, naku, una sa listahan ang
manika niyang si Mona. Ewan ko
nga ba kung bakit nahilig sa
pagkolekta ng mamahaling
manika ang bunso mo. Bibilhan ko
42

Mang Andoy:

Aling Precy

Mang Andoy:

rin siya ng stuff toys na pusa at


daga.
Bayaan mo na. Tuwing kaarawan
lang naman niya nadaragdagan
ang kaniyang koleksiyong manika.
Ano naman ang bibilhin mo para
kay Andy?
Pantalong Jack Empoy at t-shirt.
Maliliit na kasi ang mga polo at
pantalon niya.
Magmadali ka sa pagpili. Marami
ng tao rito sa palengke.
Mahihirapan na tayong umuwi.
Dadaan pa tayo sa simbahan.

Anong pagdiriwang ang pinaghahandaan


ng mag-asawang Mang Andoy at Aling Precy?
Ano-ano ang balak nilang bilhin para kay
Mona? Kay Andy?
Ano ang mararamdaman mo kung bibigyan
ka ng regalo?
Kung ikaw ang magbibigay ng regalo, anong
regalo ang iyong ibibigay?
Paano ipinakita ng mag-asawa ang kanilang
pagmamahal sa mga anak?
Magbigay ng mga pangngalan ng tao,
bagay, hayop, at lugar mula sa kuwento.

43

Iguhit sa malinis na papel kung paano mo


ipinapakita ang iyong pasasalamat sa iyong mga
magulang sa pagmamahal na kanilang ibinibigay.

Punuin ang tsart ng mga salita mula sa talaan


ng mga karaniwang ngalan ng tao, bagay, hayop,
pook o lugar.
Tao

Bagay

Hayop

Pook o Lugar

baka

bundok

jacket

kaibigan

kambing

magulang

ospital

pambura

pamimili

plasa

plato

radyo

44

Pangkatin ang mga karaniwang ngalan ng tao,


bagay, hayop, at lugar. Ilagay sa tamang supot.
Pangkat 1 Pangkat 2 Pangkat 3

Tao

bahay
bato
dagat
kumot

Hayop

Bagay

guwardiya
kalabaw
kotse
gagamba

kuwarto
lungsod
paaralan
paso

Pangkat 4

Lugar

papel
pinsan
sabon
sapa

tinidor
tiyo
tsinelas
unggoy

Ang karaniwang ngalan ay naayon sa


kategoryang tao, bagay, hayop, pook o lugar.

Isulat ang tsek () kung ang bawat salita ay


karaniwang pangngalan at ekis () naman kung
hindi.
45

ama
pusa
palengke
lapis
guro

ina
kalabaw
simbahan
Peen
pulis

anak
Muning
palaruan
ruler
Bb. de Leon

Mahilig maglaro ang batang si Vina sa kanilang


bakuran. Marami siyang laruan tulad ng manika,
lutu-lutuan, puzzle, laruang computer, at ibat ibang
hugis na gawa sa kahoy. Pinapahalagahan niya ang
lahat ng kaniyang gamit. Ibinabalik niya ang mga ito
sa kabinet nang malinis at maayos pagkatapos
laruin. Isa siyang masinop na bata kaya naman
tuwang-tuwa ang kaniyang mga magulang.

Sino ang batang mahilig maglaro?


Ano-ano ang kaniyang mga laruan?
Paano niya binibigyang halaga ang kaniyang
mga laruan?
Ano ang katangian ng batang si Vina?
Kung ikaw ay may laruan, paano mo ito
iingatan?

46

Sabihin ang Oo kung tama ang ipinahahayag


at Hindi naman kung hindi. Hintayin ang hudyat ng
guro.
1.
2.
3.
4.

Ilalagay ko sa tamang lalagyan ang mga laruan


pagkatapos kong gamitin.
Paglalaruan ko ang aking laruan hanggang
sa masira.
Iiwanan ko sa bakuran ang aking mga laruan.
Lilinisin ko ang aking mga laruan bago at
pagkatapos maglaro.

Basahin ang pangungusap at ikahon ang salita


na may maling baybay. Gawin ito sa sagutang
papel.
1.
2.
3.
4.
5.

Pumunta ang mag-anak sa parkiy.


Kumain sila ng maiis, pritong manok, at leche
flan.
Nilagyan ng tatay ng palaman ang tinanapay.
Namili sila ng makukulay na zenelas bago
umuwi.
Sumakay ang mag-anak sa buss.

47

Hanapin sa loob ng panaklong ang tamang


baybay ng isang salita.
1. Ang aking (goru, guro) ay si Gng. Melany B. Ola.
2. Masarap na (tsokoulati, tsokolate) ang
pasalubong ni Tatay.
3. Nagtakbuhan ang mga bata sa
(palaruan, palaroan).
4. Isang (sorpresa, surpresa) ang pagdating ng mga
bisita.
5. Matamis ang hinog na (mangga, manggo) na
ibinigay ni Lola Marta.

Mga pamamaraan sa pagtukoy ng


maling baybay sa pangungusap.
1.
2.
3.
4.

Basahing mabuti ang pangungusap.


Tingnang mabuti ang mga salita rito.
Suriin ang mga letrang bumubuo sa
bawat salita upang makita ang
pagkakamali.
Iwasto ang salitang mali ang baybay at
basahing muli ang pangungusap.

48

Piliin at iwasto ang salitang may maling baybay


sa pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
1. Marami akong natanggap na rigalo sa aking
kaarawan.
2. Mga damit, laroan, at pagkain ang aking
nagustuhan.
3. Si lola at lolo nagdala rin ng sourbetes sa
handaan.
4. Maging mga kaibigan ko nagpunta sa
bahaiy.
5. Pagkatapos, pumunta kami sa sembahan at
nagdasal.

A.

Isulat ang mga letrang may pailalim na kurba.


Sundan ang modelo sa ibaba.

49

Aralin 4:

Ang Batang Uliran,


Laging Kinalulugdan

Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa


iyong kuwaderno.
1.

2.
3.
4.

5.

Si Aling Rosa ay mamimili sa palengke. Ang


salitang may salungguhit ay pangngalang
nagbibigay ngalan sa ______.
a. bagay
b. hayop
c. tao
Alin sa sumusunod ang tanging ngalan ng
bagay?
a. bag
b. lapis
c. 4D Axis
Alin sa mga salita ang nagpapakita ng kayarian
ng pangngalan na may katinig-patinig?
a. araw
b. itlog
c. keso
Anong kayarian ang unang pantig ng salitang
akda?
a. P
b. KP
c. PK
May mahabang pagsusulit si Emma sa Filipino.
Hindi siya nakapag-aral nang nakaraang gabi
dahil nanood lamang siya ng telebisyon.
Marahil siya ay ____________________.
a. makakapasa sa pagsusulit
b. hindi papasok sa paaralan
c. hindi makakapasa sa pagsusulit

50

Ang Paanyaya

Linggo ng hapon habang nanonood ng


telebisyon si Nora, tumunog ang telepono.
Lani
:
Hello! Magandang hapon. Sino po
sila?
Jackie :
Hello! Si Jackie ito. Nandiyan po ba si
Lani?
Lani
:
Si Lani ito. Bakit ka napatawag?
Jackie :
Nais kitang anyayahan bukas sa aking
kaarawan. Isama mo na rin ang bunso
mong kapatid.
Lani
:
Sige, umasa ka na pupunta kami.
Jackie :
Maraming salamat. Aasahan kita.

Sino ang tumawag sa telepono?


Ano ang mahalagang mensahe niya para kay
Lani?
Paano ipinakita ni Lani ang pagiging magiliw
niya sa pakikipag-usap sa telepono?
51

Kung ikaw si Lani, dadalo ka rin ba? Bakit? Bakit


hindi?
Kung ikaw naman si Jackie, iimbitahan mo rin
ba ang iyong mga kaibigan sa iyong
kaarawan? Bakit? Bakit hindi?
Paano nag-usap ang magkaibigan sa
telepono?
Anong magagalang na pananalita ang
ginagamit natin sa pakikipag-usap sa
telepono?

Isulat ang Tama kung wasto ang ipinapakita sa


paggamit ng telepono at Mali kung hindi wasto.
1.
2.
3.
4.
5.

Sinisigawan ko ang aking kausap kapag hindi ko


gustong makipag-usap.
Masaya kong sinasagot ang tawag sa telepono.
Binabagsakan ko ng telepono ang tumatawag
sa akin.
Hindi ko ibinibigay ang tawag para sa aking ate
at kuya.
Inililista ko ang iniiwang impormasyon ng
tumatawag na hindi para sa akin.

Basahin ang usapan sa telepono. Piliin sa loob


ng kahon ang wastong sagot sa patlang.
anuman

Maraming salamat
Hello!
Maaari
Pakisabi
52

Marie : _______! Sino po sila?


Mark : Hello! Si Mark ito. _______ ko bang makausap
si Angelo?
Marie : Si Marie po ito. Wala po si Kuya Angelo. May
ipagbibilin po ba kayo?
Mark : ________ dalhin niya ang kaniyang bola
bukas? Maglalaro kami ng basketbol
pagkatapos ng aming klase.
Marie : Iyon lamang po ba ang bilin ninyo?
Mark : Oo, iyon lamang. ___________, Marie.
Marie : Wala pong _________.

Humanap ng kapareha. Bumuo ng usapan sa


telepono gamit ang isa sa mga sitwasyon.
1. Nais mong magtanong sa iyong kaklase tungkol
sa inyong takdang aralin dahil ikaw ay lumiban
ng araw na iyon.
2. Tumawag ang kaklase ng ate mo ngunit wala
siya. Nais ipagbilin ng tumawag na manghi-hiram
siya ng aklat sa Filipino.
3. Tumawag ka sa iyong guro upang sabihing
liliban ka dahil may sakit ka.
4. Tumawag ang iyong kaibigan upang imbitahan
kang maglaro sa kanilang bahay.

53

Narito ang ilang dapat tandaan sa paggamit


ng telepono.
1. Gumamit ng magagalang na pananalita sa
pagtawag at pagsagot ng telepono.
2. Maging mahinahon sa pagsasalita at panatilihin
ang katamtamang lakas ng boses.

3. Huwag ibagsak ang telepono bago at


pagkatapos gamitin.
4. Isulat sa papel ang mahahalagang
mensaheng nais ibilin ng tumawag.

Buuin ang usapan sa telepono gamit ang


ibinigay na sitwasyon.
Tumawag si Angel sa kaniyang nanay.
Magpapasundo siya nang maaga dahil masakit ang
kaniyang tiyan. Kumain kasi siya ng sorbetes sa labas
ng paaralan.
Nanay : Hello! Sino po sila?
Angel
: Ako po ito, si Angel. ____________________.
Nanay : Ganoon ba? Ano ba ang kinain mo at
sumakit ang tiyan mo?
Angel
: ___________________________________.
Nanay : Sige, hintayin mo ako diyan.
Angel
: ___________________________________.
Nanay : Bye!
Angel
: ___________________________________.
54

Aa
/ey/

Bb
/bi/

Cc
/si/

Dd
/di/

Ee
/e/

Ff
/ef/

Gg
/ji/

Hh
/eych/

Ii
/ay/

Jj
/jey/

Kk
/key/

Ll
/el/

Mm
/em/

Nn
/en/

/enye/

NGng
/enji/

Qq
/kyu/

Rr
/ar/

Ww
/dobolyu/

Ss
/es/
Xx
/eks/

Tt
/ti/
Yy
/way/

Oo
/o/

Pp
/pi/

Uu
/yu/

Vv
/vi/

Zz
/zi/

Ilang letra ang bumubuo sa Alpabetong


Filipino?
Paano binibigkas ang bawat letra ng
alpabeto?
Ilan sa mga letra ang patinig? Ano-ano ito?
Ilan sa mga letra ang katinig? Ano-ano ito?

55

Ang kaalaman natin sa pantig ay mahalaga


sapagkat ito ay pundasyon sa ating pagkatuto sa
pagbasa.

Tukuyin ang kayarian ng pantig. Isulat sa


sagutang papel ang P kung Patinig, KP kung KatinigPatinig, PK kung Patinig-Katinig.
1.
2.
3.
4. o
5. in

ta

lu
si
u
6. at
7.
9. ik
10. u
ur 8. a
u
a
o
u
m
a
o
u
m
o
o
u
m
o
o
m
Gamit ang malakinga kahon, punan
o ang tsart
m kayarian. Gawin ito sa kuwaderno.
ayon sa kanilang
a
o
u
u
as
ro o
i
a
u
as
pi
om o
ga
a
u to
ok
o
ma
a
o
e
bo
at
u ni
o
u
o
u
56
u
u
ta

ta

ta

ta

Patinig
1.
2.
3.
4.
5.

Katinig-Patinig

Patinig-Katinig

1.
2.
3.
4.
5.

1.
2.
3.
4.
5.

Ang salita ay binubuo ng katinig at


patinig. Tinatawag itong pantig. May ibat
ibang kayarian ang pantig tulad ng P
para sa patinig, KP para sa katinig-patinig,
at PK para sa patinig-katinig.

Kilalanin ang kayarian ng pantig na may


salungguhit sa mga salita. Isulat ang P, KP, o PK sa
sagutang papel.
1.
2.
3.
4.
5.
kasama

6.

isda

7.
para

araw

8.
aklat

gabi

9.
ulap

57

kusa

10.

usbong

aso

Ang Halamanan ni Helen


Si Helen ay masipag na bata. Ang kanilang
halamanan ay nasa kanilang bakuran sa Kalye
Maharlika. Alagang-alaga niya ang kaniyang tanim
na mga gulay at mga bulaklak. Napakaganda ng
kaniyang mga rosas at mga sampagita. Tamangtama na gawing kuwintas at ipagbili kay Gng. Flores,
ang may-ari ng tindahan ng mga bulaklak.

Isang umaga, nagising si Helen na sirang-sira ang


kaniyang halamanan. Nakatumba ang mga puno
ng mga bulaklak. Wala ng dahon ang mga gulay.
Nalungkot si Helen. Isang misteryo sa kaniya ang
nangyari. Nag-imbestiga si Mang Rodel, ang tatay ni
Helen. Inikot niya ang paligid ng bakuran.Pinuntahan
din niya ang likod bahay at kulungan ng mga
hayop. Nakita niya ang mga bakas ng mga paa ng
kambing sa buong paligid. Sa hindi kalayuan ay
nakita niya si Goryo, ang paboritong alagang
kambing ni Helen.
58

A. Sagutin ng Tama o Mali batay sa binasang


kuwento.
Mahilig magtanim ng halaman si Helen.
Nagising si Helen na maraming bunga ang
kaniyang mga gulay.
Tinulungan si Helen ng kaniyang ama sa
paghahanap ng dahilan ng pagkasira ng
halamanan.
Hindi nila natuklasan ang totoong dahilan ng
pagkasira ng halamanan.
Dahil masipag si Helen, muli niyang aayusin
ang mga halaman.
B. Sagutin ang mga tanong.
Anong mga salita ang may salungguhit sa
kuwento?
Paano isinulat ang unang letra ng salitang
may salungguhit?

Iguhit sa sagutang papel ang masayang mukha


kung tama ang gawain at malungkot na mukha
kung mali.
1. Nagtatanim ako ng mga halaman at bulaklak
sa aming bakuran.
2. Pinapakain ko ang aking mga alagang hayop.
3. Pinipitas ko ang mga bulaklak upang
paglaruan.
59

4.

Binubunot ko ang mga halamang hindi


namumulaklak.
Dinidilig ko araw-araw ang aming mga tanim.

5.

Piliin at isulat sa sagutang papel ang tanging


ngalan ng tao, bagay, hayop, at pook o lugar sa
kahon.
ate
bata
damit
doktor
G. Cruz

ibon
Mong-ga
Muning
Nelia
ospital

pamilihan
parke
Pilipinas
relo
sapatos

Punan ang tsart ng angkop na tanging ngalan


ng tao, bagay, hayop, at pook o lugar.
Tao
1.
2.
3.
4.
5.

Bagay
1.
2.
3.
4.
5.

Hayop
1.
2.
3.
4.
5.

60

Lugar
1.
2.
3.
4.
5.

Ang tanging ngalan ng tao, bagay, hayop,


at lugar o pook ay tinatawag ding pangngalang
pantangi. Ito ay ngalang pantawag sa
tiyak na ngalan. Ito ay nagsisimula sa malaking
letra.
Hal. tao Edward
hayop Tagpi

Hanapin sa pangungusap ang tanging ngalan


ng tao, bagay, hayop, o pook.
1.
2.
3.
4.
5.

A.

Ang mag-anak ay nagbakasyon sa Tagaytay.


Si Doktor Santiago ay manggagamot ng mga
hayop.
Madaldal ang aking alagang si Myna.
Tahimik ang Barangay Maligaya.
Leevans ang tatak ng bago kong sapatos.

Ang pagsulat ng mgamalalaking letra ng


alpabeto ay naaayon sa ibat ibang guhit tulad
ng paibabaw na kurba.

61

B.

Magsanay sumulat ng mga malalaking letra na


may paibabaw na kurba.

Basahing muli ang kuwentong Ang Halamanan


ni Helen.

Ano kaya ang nangyari nang malaman ni


Helen na nakawala si Goryo?
Sa palagay mo, sino ang sumira ng
halamanan ni Helen?
Dahil paborito niya ang alagang kambing,
sasaktan ba niya ito?
Ano kaya ang gagawin ni Helen sa kaniyang
halamanan?
Ano kaya ang gagawin ni Helen sa kulungan
ng kambing?
Ano naman ang gagawin niya upang hindi
na masira ang mga halaman kung sakaling
may muling nakawalang hayop?
62

Iguhit ang
kung dapat gawin at
kung
hindi dapat gawin. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.
1.
2.
3.
4.
5.

Maging masaya at tanggapin ang hindi


magandang nangyari.
Umiwas sa mga tao.
Maging masipag at masayahin.
Magmukmok sa isang tabi at umiyak.
Muling simulan ang gawain.

Hulaan ang susunod na mangyayari sa


sumusunod na sitwasyon.
1. May butas na ang bubong ng bahay nina Aling
Nena. Hindi niya ito naipagawa sa kaniyang
asawa. Isang araw, bumuhos ang malakas na
ulan.
2. Sabay-sabay na tumigil ang mga sasakyan
nang maging pula ang ilaw trapiko. Naglakad
na ang mga tao. May isang matanda na
mahina na at mabagal lumakad.
3. Masayang nakikipaglaro si Carlo ng basketbol
sa kaniyang mga kaibigan. Hindi niya napansin
ang balat ng saging sa lugar na kaniyang
pinaglalaruan.
63

4.

5.

May isang pasahero na nakaiwan ng bag sa


taxi. Nalaman ng tsuper na may laman itong
pera. Nakakita siya ng pangalan at tirahan ng
may-ari ng bag.
Sobra ang pagkain ni Marco ng kendi at
matatamis. Ayaw niyang kumain ng kanin at
mga lutong ulam sa bahay.

Iguhit sa sagutang papel ang susunod na


mangyayari sa kuwento.
Isang Sabado, naglalaro si Lito sa tabing-ilog.
Tinawag siya ng mga kalaro at niyayang maligo
sa ilog.
Umuwi ng bahay si Lito upang magpaalam sa
kaniyang tatay. Hindi siya pinayagan dahil malakas
ang ulan at lumalakas ang agos ng tubig. Hindi
pinakinggan ni Lito ang sinabi ng ama at naligo pa
rin siya kasama ang kaniyang mga kaibigan.

Ang panghuhula sa maaaring kalabasan


o susunod na mangyayari ay maaaring gawin
ng sinumang nakikinig, nanonood, o
bumabasa. Magagawa ito kung nauunawan
ang nakapaloob sa kilos o gawain sa isang
sitwasyon.
64

Iguhit sa sagutang papel ang hula mo sa


susunod na mangyayari.
1.
2.
3.
4.

5.

A.

May dalang mainit na sabaw sa mangkok si


Aling Cora. Habang naglalakad, natapilok siya.
May sakit si Abigail. Ayaw niyang uminom ng
gamot na reseta ng doktor.
Gabing-gabi na ay nanonood pa rin ng
telebisyon si Jared. Pinatutulog na siya ng ina
ngunit ayaw niyang sumunod.
Naglalakad araw-araw si Daniel sa pagpasok
sa paaralan. Itinatago niya ang perang dapat
ay pamasahe niya. Nais kasi niyang makaipon
upang makabili ng bagong sapatos.
Maaga pa lamang ay gising na si Aling Lolita.
Dala-dala na niya ang basket patungong
palengke. Gusto niyang makapili ng mga
sariwang isda at gulay na iluluto niya para sa
tanghalian.

Ang pagsulat ng mga malalaking letra ng


alpabeto ay naaayon sa ibat ibang guhit tulad
ng mga letrang may dalawang kurba.
Pag-aralan ang sumusunod at subuking gawin
sa iyong kuwaderno.
65

B.

Magsanay sumulat ng mga malalaking letra na


may dalawang kurba gamit ang modelo sa
itaas. Gawin ito sa malinis na papel.

66

Aralin 5:

Magulang Ay Mahalaga,
Dapat Inaalala

Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang


iyong sagot sa kuwaderno.
1. Ang nakatitiyak ay kapareho rin ng salitang
_____.
a. nakakaalam
b. naka-iiyak
c. nakasisiguro
2. Punan ng angkop na salita upang mabuo ang
diwa ng pangungusap.
Mayayabong ang mga _____ sa kabundukan.
a. halaman
b. puno
c. tanim
3. Piliin ang angkop na timeline sa pagbabago ng
nagaganap sa buhay ng isang tao.
a.

b.
c.

67

4. Ayusin ang mga salita upang mabuo ang


pangungusap.
sa

5.

tuwa napaiyak

Nanay

si

a. Si Nanay napaiyak sa tuwa.


b. Napaiyak si Nanay sa tuwa.
c. Sa tuwa napaiyak si Nanay.
Ano ang kahulugan ng salitang nagagalak?
a. naiiyak
b. nanunulak
c. natutuwa

Sorpresa kay Nanay

Sabado ng umaga, naisipan ni Tatay na


ipasundo si Nanay kay Tiya Maring. Ginawa niya iyon
upang makapaglinis kami ng bahay at
makapagluto. Walang kamalay-malay si Nanay na
mangyayari ang isang sorpresa sa kaniyang
kaarawan.
68

Habang wala si Nanay, gumawa si Kuya ng


imbitasyon. Ako naman ang inutusan niyang
mamigay nito. Samantala, sina Ate at Tatay
ang nagluto. Tanghali na ay wala pa rin sila
sapagkat nais naming makauwi siya ng hapon
upang pagdating niya ay handa na ang lahat.
Sumapit ang hapon at isa-isa nang nagdatingan
ang mga panauhin. Dumating na rin si Nanay at Tiya
Maring. Laking gulat ni Nanay nang makita niya ang
mga pagkain at mga panauhin. Napaiyak si Nanay
sa tuwa at sa sorpresa naming inihanda sabay
sabing, Maraming salamat sa inyong lahat.

Sino ang may kaarawan?


Bakit naisipan ng tatay na ipasundo ang
nanay?
Paano nila inihanda ang sorpresang kaarawan
ng ina?
Ano ang naramdaman ng nanay nang
malaman ang sorpresa?
Kung ikaw ang anak sa kuwento, tutulong ka
rin ba sa paghahanda? Bakit? Bakit hindi?
Ano-anong paghahanda ang ginawa ng
mag-aama para sa kaarawan ng ina?

69

Ang pag-alala sa mahalagang araw ng mga


magulang ay tanda ng pagpapahalaga at
pagmamahal natin sa kanila. Huwag natin silang
lilimutin at alagaan natin sila sa kanilang pagtanda.

Gawin ito sa sagutang papel. Isulat ang mga


paghahanda na ginawa ni Lina sa pagpasok sa
paaralan. Muling ikuwento gamit ang timeline.
Mga Paghahanda sa Pagpasok sa Paaralan
_______

________

________

_______

_______

Gawin sa sagutang papel. Iguhit ang mga


pagbabagong nagaganap sa isang maliit na buto
hanggang sa maging isang puno. Isalaysay sa klase
ang nabuong timeline.

70

Dapat itala ang mahahalagang detalye para


madaling maulit ang mga ito. Maaaring gumamit
ng mga organizer tulad ng timeline para hindi
malimutan ang mahahalagang datos.

Gumawa ng isang timeline tungkol sa mga


gawain ni Jason sa buong araw.
Mga Gawain ni Jason
_____________________
_____________________
_____________________
_____________________

Muling basahin ang kuwentong Sorpresa kay


Nanay.
71

Sabihin kung tama o mali ang mga pahayag


batay sa kuwentong binasa.
Naisipan ni Tatay na patulugin si Nanay.
Walang alam si Nanay sa sorpresang aming
inihanda.
Gumawa si Kuya ng imbitasyon.
Nagluto si Nanay ng pagkain.
Natuwa si Nanay sa sorpresa namin.

Isulat ang tsek () sa sagutang papel kung


tama ang gawain at ekis () kung mali.
1. Mahina akong magsalita dahil nahihiya ako.
2. Nagsasalita ako nang maayos at malinaw.
3. Nagsasalita ako habang puno ang aking bibig.
4. Pasigaw kong sinasabi ang aking sagot.
5. Mahinahon kong sinasabi ang nais kong
ipabatid.

Punan ng angkop na salitang may P, KP, at PK


upang mabuo ang pangungusap. Hanapin ang sagot
sa loob ng kahon.
1. Malakas ang __________ at hangin dahil sa bagyo.
2. Mabilis __________ ang mga kabayo.
72

3. Sumisikat ang __________ sa silangan.

4. Mataas ang lipad ng __________ sa kalawakan.


5. Ang mga bata ay masayang __________ sa ilog.
araw
naliligo

ibon
tumakbo

ulan
kambing

Pumili ng tatlong salita at gamitin ito sa


pangungusap.
napaiyak
gumawa
isa-isa
umaga
bisita
ipasundo
bahay
kaarawan
kasama

Ang anyo ng pantig na P, KP, at PK na


nakabubuo ng salita ay nagagamit sa
pangungusap.

Ayusin ang mga salita upang mabuo ang


pangungusap.
1.
2.

si Liza bata mabait na ay


sikat ng araw mainit ang
73

3.
4.
5.

palengke sasama ako sa


gusali matataas ang mga sa Makati
ay bata ang mataba

Dapat Mong Malaman

Nanay Rowena

Lino
Nanay Rowena

:
:

Mang Romy

Mapalad kayo, mga anak,


marami kayong karapatan.
Totoo po ba, Nanay?
Aba! Pagkasilang pa lamang
ninyo ay may karapatan na
kayo. Una, dapat kayo
ay mabigyan ng pangalan.
Dapat kayong magkaroon
ng tirahan, kasuotan,
at pagkain.
Kaya nga akoy hindi
makatigil sa pagtatrabaho,
kasi nais namin kayong
mapag-aral at mapagtapos.
74

Tintin

Wilma

Nanay Rowena

Mang Romy

Lito

Maraming salamat, Nanay at


Tatay. Kaya naman po kami
ay nagsisikap ding tumulong
sa inyo.
Pangako po, kapag nakatapos na kami ng pag-aaral
ay kami naman ang bahala
sa inyo ni Tatay.
Mga anak, ang makita
kayong maligaya ay sapat
na sa amin ng inyong ama.
Walang pinakamagandang
handog sa magulang kundi
ang lumaki ang mga anak na
may pagmamahal sa
magulang, sa kapwa, at sa
Diyos.
Asahan po ninyo, hindi
namin kayo bibiguin.

Sino-sino ang nag-uusap?


Tungkol saan ang kanilang pinag-uusapan?
Bakit daw hindi pa tumitigil si Mang Romy
sa kaniyang trabaho?
Paano tinutupad ng mga anak ang kanilang
tungkulin?
Ikaw, paano mo tutuparin ang iyong tungkulin
bilang anak?
75

Paano ginamit sa pangungusap ang


karaniwang ngalan?
Paano ginamit sa pangungusap ang
tanging ngalan?

Maraming karapatan ang tinatamasa ng


bawat kasapi ng pamilya. Dapat pahalagahan ang
mga ito ng bawat isa. Nararapat magsikap ang mga
magulang upang matugunan ang pangangailangan
ng mga anak.
Dapat namang isagawa ng mga anak ang
kani-kanilang tungkulin sa mga magulang at sa
bawat miyembro ng mag-anak.

Gamitin nang wasto ang mga pangngalan sa


pangungusap.
1.
2.
3.
4.
5.

bahay
Maynila
paaralan
inahin at tandang
nanay at tatay

76

Gumawa ng pangungusap tungkol sa


ipinapakita ng larawan.

Upang matiyak na wasto ang gamit ng


pangngalan sa pangungusap, kailangan
ang kaalaman sa mga pangngalang
pambalana at pantangi, nagagamit ang
angkop na pananda, at nauuri ayon sa
kasarian.

Ayusin ang mga salita upang mabuo ang


wastong diwa ng pangungusap.
77

1.
2.
3.
4.
5.

doktor magaling si na Ginoong Reyes ay


magbantay maaasahang si Tagpi
aking bag Essos ang tatak ng
Lungsod Quezon maunlad lugar na ang
Pasko Pilipinas Masaya ang sa

A. May ibat ibang istrok ng pagsulat ng malalaking


letra ng alpabeto. Ilan sa mga ito ay cane letters
gaya ng N, , NG, M, H, K.
B. Magsanay sumulat ng malalaking cane letters.

78

Muling basahin ang Dapat Mong Malaman.

Nararanasan mo ba ang mga karapatang


binanggit sa diyalogo?
Ginagawa mo ba ang nabanggit na tungkulin
ng mga kabataan sa diyalogo?
Ano-anong salita sa diyalogo ang di-pamilyar o
bagong salita para sa iyo?
Ano ang iyong ginagawa para malaman ang
kahulugan ng di-pamilyar o bagong salita?

Mahalagang maiugnay ang mga salitang dipamilyar o bagong salita sa ating karanasan upang
higit na maunawaan at maging makabuluhan ang
pagbibigay ng kahulugan sa salita.

79

Alamin ang kahulugan ng di-pamilyar na salita


sa pamamagitan ng pagkukuwento ng iyong
karanasan na may kaugnayan dito.
pagkasilang
karapatan

tungkulin
maligaya

handog

Humanap ng kapareha. Pag-usapan ang


salitang di-pamilyar at iugnay ito sa sariling
karanasan. Iulat sa klase ang napagkasunduang
kahulugan.
Gawing gabay ang tanong sa pagtalakay.
1. maalalahanin
Kailan mo binati ang iyong mga magulang
sa kanilang kaarawan?
2. mapagparaya
Paano ka nagiging mapagparaya?
3. pag-ibig
Paano mo ipinapakita ang iyong pag- ibig sa
iyong mga magulang?
4. maligaya
Naging maligaya ka ba noong huli mong
kaarawan?
80

Ang mga salitang di-pamilyar o bagong


salita ay maaaring matukoy ang kahulugan
kung naiuugnay ito sa sariling karanasan.

Ibigay ang kahulugan ng salitang di-pamilyar


gamit ang pamatnubay na tanong upang
maiugnay ninyo ito sa sariling karanasan.
1. nababahala - _______________________________
Nababahala ba ang iyong ina kapag ikaw ay
may sakit?
2. malinamnam - _______________________________
Malinamnam ba ang luto ng nanay mo?
3. matayog
- _______________________________
Matayog ba ang iyong pangarap paglaki mo?
4. mapanganib - _______________________________
Mapanganib ba para sa iyo ang maglaro sa
gitna ng kalsada?
5. huwaran
- ______________________________
Paano ka naging huwaran sa iyong mga
nakababatang kapatid?

81

Ang pagsulat ng mga malalaking letra ng


alpabeto ay naaayon sa ibat ibang guhit tulad ng
pahilig na letra. Ilan sa mga ito ay P, B, R. Sulatin ang
mga ito gamit ang modelo.

82

Aralin 6:

1.
2.
3.
4.
5.

Pamamasyal Ay Kasiya-siya,
Kapag Pamilya ang Kasama

Sagutin ng Tama o Mali ang bawat tanong.


Ang kaliwa, kanan, itaas, at ibaba ba ay
pangunahing direksiyon?
Salita ba ang mabubuo sa pagsasama-sama ng
mga pantig?
Ang panandang si at sina ba ay para
sa pangngalang pambalana?
Ang panandang ni at nina ba ay para
sa pangngalang pantangi?
Ang talahulugan ba ay bahagi ng aklat?

Higanteng Ferris Wheel

83

Wow! Ang una kong nasabi nang pumasok


kami sa tarangkahan ng parke. Ito ang unang beses
na pumasyal kami rito. Kasama ko sina Nanay, Tatay,
at ang bunso kong kapatid na si Lani.
Kaagad kong niyaya si Tatay na sumakay sa
higanteng ferris wheel. Gustong-gusto namin ni Lani
na sumakay roon.
Lumapit si Tatay sa tagapagbantay para
itanong kung nasaan ang ferris wheel.
Lumakad nang diretso. Pagdating sa roller
coaster, lumiko sa kanan. Lakad uli nang diretso
hanggang sa carousel. Lumiko sa kaliwa at naroon
ang higanteng ferris wheel, sabi ng tagapagbantay.
Nagpasalamat si Tatay. Kapit ang mga kamay
namin ni Lani, pinuntahan na namin nina Nanay at
Tatay ang ferris wheel.
Wow! Ang ganda at ang laki ng ferris wheel,
sabay naming sinabi ni Lani.
Bumili si Tatay ng mga tiket para sa aming apat.
Nang umikot na ang ferris wheel, kitang-kita ko
ang buong parke mula sa itaas. Mas malakas na
Wow! ang aming nasambit.

Saan pumasyal ang mag-anak?


Ano ang gustong-gusto nilang sakyan?
Paano nila narating ang ferris wheel?
Ano-anong salita ang binilugan sa kuwento?
84

Ano kaya ang naramdaman ng mag-anak


nang sumakay sa ferris wheel?
Kung ikaw ang papasyal sa parke, ano ang
sasakyan mo? Bakit?
Ikaw, paano kayo nagsasama-sama ng inyong
pamilya?

Sabihin kung Palagi mong nagagawa ang


pahayag, Minsan kung bihira, at Hindi kung hindi pa.
Hintayin ang hudyat ng guro.
Palagi Minsan Hindi
1. Nasasabi ko nang
malinaw ang
ibinigay kong
panuto.
2. Masaya ako kapag
nasusunod nila ang
ibinigay kong
panuto.
3. Inuulit ko ang
panuto kapag hindi
nila ito nasundan.
4. Nasasabi ko nang
may katamtamang
lakas ng boses ang
mga panuto.
5. Nasasabi ko nang
may tiwala sa sarili
ang mga panuto.
85

Tulungan si Tetet na makarating sa paaralan.


Gamitin ang mga salitang kanan, kaliwa, at diretso
base sa larawan.

Gamit ang mapa, magbigay ng maikling


panuto sa pagbibigay ng direksiyon. Iulat sa klase
pagkatapos.

86

Unang Pangkat mula bahay patungong simbahan


Ikalawang Pangkat mula palengke patungong
munisipyo
Ikatlong Pangkat mula bahay patungong
palengke
Ikaapat na Pangkat mula paaralan papuntang
parke

Sa pagbibigay ng maikling panuto,


kailangang maging maayos at malinaw ang
paglalahad.

Gumawa ng maikling panuto kung papaano


ka makakarating sa iyong silid-aralan. Isulat ito sa
sagutang papel.

Basahin ang mga salitang hango sa kuwentong


Higanteng Ferris Wheel.
par - ke
ka - pa - tid
li - kod
gi - lid
lu - mi - ko
ka - li - wa
ka - may
ni - ya - ya
u - mi - kot
87

Ipalakpak ang salitang parke. Ilang palakpak


ang nagawa mo?
Ano-anong tunog ang bumubuo sa bawat
hati?
Ano ang tawag natin sa mga pinagsamang
tunog?

Pumili sa loob ng kahon ng tamang kilos na dapat


isagawa ng bawat kasapi ng pamilya.
nag-aaway
nagtatalo
may pagkakaisa
nakikilahok

nagtutulungan
nagbibigayan
gumagawa
nagsisigawan

Ano ang mabubuong salita?


1.
2.
3.
4.
5.

ka li wa
ka nan
i ta as
i ba ba
git na

= ______________________
= ______________________
= ______________________
= ______________________
= ______________________
88

Ano ang mabubuo mong mga salita gamit ang


mga pantig sa loob ng malaking kahon? Isulat ito sa
sagutang papel.
ka
nan
i
as

li
wa
ba
ko

so
ret
di
ta

ha
git
kod
Na

rap
gi
lid
lu

Mabubuo ang isang salita sa pagsasamasama ng mga pantig.

Pag-ugnayin ang mga pantig sa Hanay A sa


Hanay B upang makabuo ng mga bagong salita.
Hanay A

Hanay B

1. wa
2. ka
3. ta
4. iba
5. gi

a. nan
b. kas
c. ba
d. as
e. lid
89

1. Kasama ko sina Nanay, Tatay, at ang bunso


kong kapatid na si Lani.
2. Pinuntahan nina Nanay at Tatay ang ferris wheel.
3. Bumili si Tatay ng mga tiket para sa aming apat.
4. Wow! ang una kong nasabi nang pumasok kami
sa gate ng parke.

Ano-anong salita ang may salungguhit sa


pangungusap?
Ano ang tawag sa mga salitang ito?
Ano-anong salita ang binilugan sa pangungusap?

Ano ang tawag sa mga salitang ito?

Mahalaga ang mga pananda sa pangngalan


upang malinaw na maihatid ang mensaheng nais
ipabatid o sabihin sa kausap.

90

Piliin at isulat ang angkop na pananda sa loob


ng panaklong .
1.
2.
3.
4.
5.

Humiram ako ng lapis (si, ni, kay) Carmela.


Filipino ang pambansang wika (ng, ng mga,
nina) Pilipino.
Mahaba ang buhok (si, ang, ni) Rosa.
(Kay, Kina, Nina) Lolo at Lola ang lumang bahay
na iyan.
(Sina, Nina, Kina) Mario at Marco ay kambal.

Hanapin at isulat ang angkop na pananda sa


loob ng kahon upang mabuo ang diwa ng
pangungusap.
1.
2
3.
4.
5.

Nagdala ako ng pasalubong para _____ Diana.


Nanalo sa patimpalak ng sayaw ____ Conrado
at Manuel.
Maagang pumasok ____ Edna sa paaralan.
Maraming bulaklak ang hardin ____ Irma.
Ang mga regalo ay para ____ Donna at Elena.
si

sina

kay

kina
91

nina

Ang ng/ng mga, ang/ang mga ay


ginagamit sa mga pangngalang pambalana
samantalang ang si/sina, kay/kina, ni/nina ay
pangngalang pantangi.

Isulat ang Tama kung angkop na pananda ang


ginamit sa pagtukoy ng pangngalan at Mali kung
hindi angkop.
1.
2.
3.
4.
5.

A.

Mahusay sumayaw ang mga mag-aaral.


Si Melba at Tina ay matalik na magkaibigan.
Ang mag-anak ay masayang namamasyal sa
parke.
Ang pulang bag na ito ay kina Nilo.
Ang mga pinggan ay sabay-sabay na nabasag.

May ibat ibang istrok ng pagsulat ng


malalaking letra ng alpabeto. Ilan sa mga ito ay
may buntot kagaya ng J, Y, at Z.

92

B. Magsanay sumulat ng mga malalaking letra na


may buntot.

93

Basahin ang diyalogo.

Nanay:

Kiko:
Nanay :
Kiko:
Nanay:
Kiko:
Nanay:

Bakit kanina ka pa hindi mapakali sa


pagkakakupo?
Kasi po inay, hindi ko makita ang
takdang-aralin na pinapahanap ng
guro ko.
Ano ba ang iyong takdang-aralin?
Mga bahagi po ng aklat.
Madali lamang iyan. Anong pahina
ba ang sinabi ng iyong guro? Doon ka
lamang tumingin anak.
Pahina 20 po.
Sige at buksan natin. Heto anak,
nakikita ko na. Pabalat pinakatakip
ng aklat. Nilalaman makikita ang paksa
at pahina ng bawat aralin.
Katawan ng Aklat makikita ang
buong aralin at mga pagsasanay.
Talahulugan o Glossary naglalaman
94

ng mga kahulugan. Indeks paalpabetong


talaan ng mga paksa o nilalaman ng aklat.
Kiko:

Salamat, Nanay. Kay bait mo talaga!

Bakit hindi mapakali si Kiko?


Ano ang kaniyang takdang-aralin?
Paano siya tinulungan ng kaniyang nanay?
Kung ikaw si Kiko, hihingi ka rin ba ng tulong sa
iyong nanay sa paggawa ng takdang aralin?
Ano-anong bahagi ng aklat ang nabanggit sa
diyalogo?
Bakit mahalaga ang bawat bahagi nito?

Iguhit ang bituin ( ) kung tama ang


pamamaraan ng pag-aalaga ng aklat at
tatsulok ( ) kung mali.
1.
2.
3.
4.
5.

Isinasauli ko ang hiniram kong aklat.


Ginugupit ko ang larawan ng hiniram kong
aklat.
Inuupuan ko ang aklat.
Ginagamit ko ang aklat sa pagsagot sa mga
takdang-aralin.
Binabalutan ko ang aklat upang hindi masira.

95

Sabihin ang bahagi ng aklat kung saan makikita


ang halimbawang ipinapakita ng guro. Hanapin sa
ibaba ang sagot.
Indeks
Talaan ng Nilalaman
Pabalat
Talahuluganan o Glossary
Katawan ng Aklat
1.
2.
3.
4.
5.

lumuwa lumabas
lungsod siyudad
Aklat sa Pagbasa
Ang Pagong at ang Kuneho
Isang araw...
P
Pandiwa, 92
Panuto , 151
Yunit I: Ang Aking Sarili . . . . . . . . 1
Tunog sa Paligi . . . . . . . . . 3

Humanap ng kapareha. Kumuha ng isang aklat.


Sumulat ng isang halimbawa ng bahagi ng aklat na
hinihingi ng bawat bilang.
1. Pabalat ng Aklat
2. Aralin at Pahina
3. kuwento
4. Salita at Kahulugan
5. Indeks
96

Ang aklat ay may ibat ibang bahagi.


Mahalagang makilala ang ibat ibang bahagi
ng aklat upang ito ay magamit nang wasto.
1. Pabalat Ito ang matigas na bahagi
at pinakatakip o damit ng aklat. Mababasa
rito ang pangalan ng aklat, may-akda, at
tagapaglimbag.
2. Talaan ng Nilalaman Dito makikita ang
pahina ng bawat aralin.
3. Katawan ng Aklat Dito mababasa ang mga
aralin at mga pagsasanay.
4. Talahuluganan o Glossary Ito ay talaan ng
mga salitang binigyan ng kahulugan.
5. Indeks Ito ang paalpabetong talaan ng
mga paksa o nilalaman ng aklat.

Piliin sa loob ng panaklong ang tinutukoy sa


bawat bilang. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.
1.
Pinakatakip o damit ng aklat
(Pabalat, Talahuluganan)
2.
Mababasa rito ang mga kuwento, aralin, at
pagsasanay.
(Talaan ng Nilalaman, Katawan ng Aklat)
97

3.

4.
5.

Dito mababasa ang kahulugan ng mga salitang


di maunawaan.
(Talahuluganan, Talaan ng Nilalaman)
Dito makikita ang paksang aralin at pahina nito.
(Indeks, Talaan ng Nilalaman)
Paalpabetong talaan ng mga paksa
(Pabalat, Indeks)

A. May ibat ibang istrok ng pagsulat ng maliliit na

letra ng alpabeto. Ilan sa mga letrang ito ay


pailalim na kurba gaya ng e, v, x, c, a, o, a, n,
m, , at ng.
B. Magsanay sumulat ng mga maliliit na letra na
may kurba. Sundan ang modelo sa ibaba.

98

Aralin 7: Sa Oras ng Kagipitan,


Pamilya Ay Nandiyan Lang

Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang


sagot.
1.

Ang _____ ng tauhan ay makikilala sa


pamamagitan ng kaniyang kilos, mukha, at
mga salitang sinasabi.
a. anyo

2.

b. katangian c. pangarap

Si Mang Ben ay isang mekaniko. Ang mekaniko


ay nasa kasariang _____.
a. panlalaki
b. pambabae

3.

Malakas ang tunog ng trompa. Ang anyo ng


pantig na may guhit ay ____.
a. KP

4.

b. KPK

c. KKPK

Tumatagas ang aming gripo kaya malaki ang


binayaran ni Inay sa tubig. Ang anyo ng pantig
na may guhit ay ____.
a. KPK

5.

c. walang kasarian

b. KKP

c.

KKPK

Ang suliranin ay laging may solusyon.


a. Tama

b. Mali

c. Maaari
99

Pakinggan ang kuwentong ito na babasahin ng


iyong guro.
Kuya Ko Yata Iyan!

Si Bimbi ay bunsong anak nina Tatay Greg at


Nanay Lita. Kahit na malakas siyang kumain ay
talaga yatang patpatin ang kaniyang katawan at
mga braso.
Isang Sabado, lumabas si Bimbi upang
makipaglaro sa kaniyang mga kaklase. Sa harap ng
tindahan ng kaniyang ninong, naabutan niyang
naglalaro ng patintero sina Boyet, Letlet, Tintin, at
Maki. Sumali si Bimbi sa kanilang laro. Noong una,
masaya silang naglalaro at nagtatawanan. Dahil
nga sa patpatin si Bimbi, madalas nananalo ang
grupo niya dahil maliksi ang kaniyang kilos. Hindi ito
nagustuhan nina Boyet kaya, Patpat! Patpat!
100

Hanging malakas, si Bimbi iyong ilipad pataas!


sigaw at panunukso nito. Nagtawanan nang
malakas sina Letlet at Maki. Hindi nagsalita si Bimbi.
Sa halip, siya ay yumuko na lamang at tumahimik.
Patuloy pa rin ang malakas na panunukso nina
Boyet. Bimbing patpat, katawan moy ililipad,
kayat ikaw ay humawak nang hindi isama ng
hangin pataas! Ha!Ha!Ha!
Maya-maya ay biglang natahimik ang lahat.
Nagulat si Boyet sa matipunong kamay na
pumatong sa kaniyang balikat. Kuya? Ku.Kuya!
Yehey! sigaw ni Bimbi. Walang kahit anong salita
ang lumabas sa bibig ni Kuya. Isang matalim na
tingin lamang ang itinapon nito kay Boyet.
Hiyang-hiya si Boyet sa kaniyang ginawa kaya,
Patawarin, mo ako Bimbi hindi na kita tutuksuhin,
sabi ni Boyet. Sabay umuwi ang magkapatid.
Habang nasa daan, napasigaw si Bimbi sa harap ng
tinderang nakasalubong ng ganito, Kuya ko yata
iyan!

Sino ang batang tinutukso sa kuwento?


Bakit siya tinutukso ni Boyet?
Ano-anong panunukso ang narinig niya?
Paano tinanggap ni Bimbi ang panunukso ng
mga kalaro?
Kung ikaw si Bimbi, ipagmamalaki mo rin ba
ang iyong kuya? Bakit? Bakit hindi?
101

Ano-anong katangian ng bawat tauhan


sa kuwento?
Paano mo nakilala o nasabi ang katangian
ng mga tauhan sa kuwento?

Sa oras ng kagipitan at pangangailangan, may


pamilyang tutulong at magtatanggol sa atin.

Piliin ang katangian ng sumusunod na tauhan


ayon sa kanilang sinasabi.
Inay, ako na po
ang magwawalis
sa buong sala.
Kayang-kaya ko
iyon!

1.

a. mahusay b. masipag

c. matapat
Inay, kawawa
naman po ang
matanda. Maaari
po ba natin
siyang bigyan ng
pagkain?

2.

a. maawain b. maramot c. masungit


102

Maam, may nakita


po akong pitaka sa
ilalim ng mesa. Ito po.
Baka hinahanap na
po ito ng may-ari.

3.

a. maawain

b. malinis

c. matapat

Batay sa kuwentong Kuya Ko Yata Iyan! itala


at ilarawan ang tatlong tauhan.

Makilala ang katangian ng mga tauhan


sa kuwento sa pamamagitan ng kilos, mukha,
at mga salitang sinabi.

Piliin ang letra ng wastong katangian ng tauhan


sa bawat sitwasyon.
1. Araw-araw, maagang gumigising si Nanay
Belen. Nagluluto siya ng agahan. Pagkatapos
ay ihahatid sa eskuwelahan ang mga anak.
a. masinop
c. matatag
b. masipag
d. mapagbigay
103

2.

3.

4.

5.

Palagi na lang nakasigaw si Lito sa kaniyang


mga kapatid. Walang araw na hindi mainit
ang kaniyang ulo kahit wala namang kadahidahilan.
a. magagalitin
c. masipag
b. mahinahon
d. matipid
Araw-araw ay may perang natitira si Lulu mula
sa baong ibinibigay ng kaniyang tatay. Hindi
niya ito basta ginagastos sa bagay na walang
halaga.
a. maaasahan
c. malakas
b. mahusay
d. matipid
Palagi na lang may problema ang pamilya ni
Susan. Kailan lang ay nawalan ng trabaho ang
kaniyang ama. Sumunod naman ay nagkasakit
ang bunso sa magkakapatid. Ngunit kahit
nagkaganito, buo pa rin, nagmamahalan, at
nagtutulungan ang buong pamilya.
a. matipid
c.
masinop
b. matatag
d.
masayahin
Umalis ka nga sa tabi ko!
Madungis at mabahong bata!
a. matapat
c. matapobre
b. mahinahon
d. mapagbigay

Basahin ang mga salitang mula sa kuwentong


Kuya Ko Yata Iyan!

104

Nanay malakas
kaklase patintero
grupo
hangin

braso
preso
tingin

patpat
halip
sabay

Ilang pantig mayroon ang mga salita sa


itaas? Pantigin ang bawat salita.
Ano-anong pantig ang may salungguhit?
Ibigay ang letra ng bawat pantig na may
salungguhit.
Anong kombinasyon ng katinig at patinig
ang inyong nabuo sa pantig na may guhit
sa salitang patpat? preso?

Sa bawat pangungusap iguhit sa papel ang


masayang mukha ( ) kung wasto ang gawain at
malungkot na mukha ( ) naman kung hindi.
1. Sumali sa paglalaro sa mga kaklase upang
matutong makisama.
2. Tuksuhin ang isang tao dahil sa kaniyang
panlabas na anyo.
3. Huwag na lang kumibo kapag inaaway
o tinutukso dahil maaaring may ibang gumawa
ng pagtatanggol para sa iyo.
105

Isulat ang KPK, KKP, o KKPK ayon sa pantig o


salita na may salungguhit sa pangalan ng bawat
larawan.

krayola

hipon

trumpeta

madre

ngipin

Sabihin ang anyo ng pantig na may


salungguhit.
1.
2.
3.
4.
5.

Nadumihan ang damit ko ng dagta ng saging.


Malamig ang klima sa Tagaytay.
Nahulog ang plantsa kaya nasira ito.
Si ate ay natusok ng tinik ng bulaklak na rosas.
Makrema ang salad na ginawa ng nanay.
106

May ibat ibang anyo ang pantig tulad ng:


KPK - binubuo ng katinig, patinig, at katinig
KKP - binubuo ng katinig, katinig, at patinig
KKPK - binubuo ng katinig, katinig, patinig, at
katinig

Isulat sa sagutang papel ang KPK, KKP, o KKPK


ayon sa pantig o salita na may salungguhit.
trumpeta

igrupo

matrapik

bag

prinsesa

suklay

Basahin ang mga pangungusap mula sa


kuwentong Kuya Ko Yata Iyan.

107

1. Si Bimbi ay bunsong anak nina Tatay Greg at


Nanay Lita.
2. Sa harap ng tindahan ng kaniyang ninong,
naabutan niyang naglalaro ng patintero sina
Boyet, Letlet, Tintin, at Maki.
3. Kuya? Ku.Kuya! Yehey! sigaw ni Bimbi.
4. Hiyang-hiya si Boyet sa kaniyang ginawa kaya
Patawarin mo ako Bimbi, hindi na kita
tutuksuhin, sabi niya.
5. Habang nasa daan, napasigaw si Bimbi sa harap
ng tinderang nakasalubong ng ganito, Kuya ko
yata iyan!

Sino ang bunsong anak sa kuwento?


Saan naglalaro ang mga bata?
Sino-sino ang naging kalaro ni Bimbi?
Sino ang nakasalubong nina Bimbi?
Alin sa mga sagot ang pangngalan na
panlalaki? Pambabae?

Sabihin ang inyong damdamin sa pahayag na:


Kuya ko yata iyan!

108

Sabihin ang kasarian ng nasa larawan.


2.

Tukuyin ang kasarian ng mga salita na nasa


talaan.
Pangngalan
barbero

Kasarian
panlalaki

Benigno S. Aquino III


Liza Martin
bumbero
tiya
lolo

109

May kasarian ang mga pangngalan.


Kasariang pambabae ang isang
pangngalan kung ito ay tumutukoy sa mga
katawagang pambabae gaya ng nanay,
ate, manang, lola, reyna, at iba pa.
Kasariang panlalaki naman ang
pangngalan kung ito ay tumutukoy sa mga
katawagang panlalaki gaya ng totoy, kuya,
tiyo, ninong, hari, at iba pa.

Isulat sa sagutang papel ang PB kung ang salita


ay nasa kasariang pambabae at PL kung panlalaki.
1.
2.
3.
4.
5.

ate
binata
dalaga
kumpare
tiyo

110

Nagmamadali si Sara

Tanghali na nang magising si Sara.


Nagmamadali siya sa paggayak sa pagpasok sa
paaralan. Kaunti na lamang ang kaniyang kinain sa
almusal. Nang sumakay siya sa traysikel, nakalimutan
na niyang hingin ang sukli. Pagdating sa paaralan,
nahihiyang pumasok si Sara sa silid-aralan.
Pinagsabihan siya ng guro na pumasok nang
maaga.
Tapos na ang klase ni Sara. Pauwi na siya nang
mapansing nawawala ang kaniyang perang
pamasahe sa traysikel. Hinanap niya ito sa loob ng
bag. Kinapa rin niya ang mga bulsa ng bag maging
ang bulsa ng kaniyang palda. Hindi niya ito
mahanap. Kinabahan na si Sara. Hindi niya alam
kung paano siya uuwi.
Naisip niyang lumapit sa kaniyang guro. Sinabi
niya ang kaniyang problema. Binigyan siya ng
kaniyang guro ng pamasahe sa pangakong ibabalik
ito kinabukasan. Laking pasasalamat ni Sara sa
kaniyang guro.
111

Bakit nagmamadali si Sara sa pagpasok?


Ano-ano ang naging resulta ng kaniyang
pagmamadali?
Kailan niya nalamang nawawala ang
kaniyang pamasahe?
Paano siya nakauwi?
Tutularan mo rin ba si Sara?

Ilagay sa sagutang papel ang tsek () kung


tama ang gawain at ekis () naman kung hindi.
1.
2.
3.
4.
5.

Mag-isip ng magiging solusyon sa suliranin.


Umiyak at magmukmok sa kuwarto.
Sabihin sa mga magulang upang matulungan.
Isipin na laging may solusyon ang lahat ng
suliranin.
Hayaan na lamang na hindi masolusyunan ang
problema.

112

Basahin ang sitwasyon at ibigay ang


mungkahing solusyon.
Pagtatanim sa bakuran ang pinagkaabalahan
ng pamilya ni Mang Roy. Namumunga na ang
kanilang mga tanim na gulay. Isang umaga,
nagising sila na putol-putol ang puno ng mga gulay.
Nakawala pala ang kambing ng kapitbahay.
Kaylaki ng kanilang panghihinayang sa mga tanim
na nasayang.

Ano ang maimumungkahi mong solusyon sa


sitwasyong nabasa?

Ang nakikinig o nagbabasa ng kuwento ay


maaaring magmungkahi ng kaniyang solusyon
sa suliraning narinig o nabasa batay sa
pagkaunawa.

113

Isulat ang iyong mungkahing solusyon sa


sitwasyong nasa ibaba.
May takdang aralin si Rosa tungkol sa pagguhit.
Hindi niya alam kung paano ito gagawin.
Kinabukasan na ito ipapasa.

Isulat ang maliliit na letra na i, u, w, s, at r sa


kuwaderno. Sundan ang mga bilang kung paano
isinusulat ang bawat letra.

114

Aralin 8:

Aalagaan Ko,
mga Magulang Ko

Sagutin ng Oo o Hindi ang bawat tanong.


1.
2.
3.
4.
5.

Ang mga gamit ba ay di-tiyak ang kasarian?


Ang masaya ba ay kasalungat ng malungkot?
Ang guro ba ay pangngalang pambabae?
Ang salitang platito ay tama ba ang
pagkakabaybay?
Ang pagsunod ba sa panuto ay isang paraan
upang makaiwas sa anumang pagkakamali?

May Sakit si Ina

115

Mabait at masipag na bata si Trina. Lagi siyang


tumutulong sa mga gawaing bahay.
Isang araw, nagising si Trina na may sakit ang
kaniyang ina. Maaga pa nang pumunta sa trabaho
ang kaniyang ama. Inutusan siya ng ina na bumili ng
gamot. Dali-dali naman siyang sumunod. Alalangalala si Trina. Naisip niyang ipagluto ang kaniyang
ina ngunit hindi siya marunong.
Inay, ipagluluto ko po kayo ng lugaw. Ituro
po ninyo sa akin kung paano, pakiusap ni Trina.
Naku, maraming salamat, anak, sabi ng
kaniyang ina.
Makinig kang mabuti. Una, maglagay ka ng
kalahating takal ng bigas sa kaldero. Sunod naman
ay hugasan mo ang bigas. Pagkatapos ay lagyan
mo ito ng tatlong basong tubig para sa sabaw.
Isalang mo sa kalan at hintaying kumulo. Hayaan
mong kumulo nang sampung minuto. Panghuli,
timplahan mo ng asin kapag luto na, sabi ng ina.
Madali lang pala. Hayaan po ninyo, susundin
ko nang maayos ang inyong sinabi, masayang sabi
ni Trina. Masayang pinanood ng nanay si Trina
habang abala sa pagluluto.
Maaasahan talaga si Trina, bulong ng ina.

Anong uri ng bata si Trina?


Ano ang nangyari sa kaniyang ina?
Paano niya ipinakita ang pagmamahal sa
kaniyang ina?
116

Sa palagay mo, masusundan ba ni Trina ang


panuto na ibinigay ng kaniyang ina?
Ano kaya ang nararamdaman ng ina ni Trina sa
ipinakita nitong pagmamalasakit sa kaniya?
Ikaw, paano mo ipapakita ang pagmamahal
mo sa iyong ina?

Isulat sa sagutang papel ang Tama kung wasto


ang ipinapakita na pagmamahal sa mga magulang
at Mali kung hindi wasto.
1.
2.
3.
4.
5.

Ipinagluluto ko si Ina kapag may sakit.


Tumutulong ako sa mga gawaing bahay upang
mabawasan ang gawain ni Ina.
Umuuwi ako nang maaga para hindi mag-alala
sina Nanay at Tatay.
Hindi ako nag-iingay kapag may sakit si ina.
Ako muna ang nag-aalaga sa aking kapatid
kapag may sakit si Ina.

Ayusin ang mga panuto sa pagluluto ng lugaw.


Isulat sa sagutang papel ang mga pangungusap
ayon sa wastong pagkakasunod-sunod.

117

a. Hugasan ang bigas.


b. Maglagay ng kalahating takal ng bigas sa
kaldero.
c. Timplahan ng asin kapag luto na.
d. Isalang sa kalan at hintaying kumulo.
e. Lagyan ng tatlong basong tubig para sa sabaw.

Hintayin ang hudyat ng guro sa paggawa.


Unang Pangkat Gumuhit ng isang malaking araw.
Sa bawat dulo ng sinag ng araw, isulat ang
pangalan ng bawat miyembro ng pangkat.
Ikalawang Pangkat Gumuhit ng pitong malalaking
linyang pakurba. Kulayan ito ng pula, kahel,
dilaw, berde, asul, indigo, at lila upang
makabuo ng bahaghari. Lagyan ng ulap
ang magkabilang dulo ng bahaghari.
Ikatlong Pangkat Gumawa ng isang tuwid na pila
mula sa pinakamaliit na miyembro
hanggang sa pinakamalaki. Ipatong ang
kamay sa balikat ng kaklaseng nauuna sa
iyo.
Ikaapat na Pangkat Maghawak-kamay at bumuo
ng pabilog na posisyon. Awitin ang Bahay
Kubo sa saliw ng palakpak.

118

Isang mahalagang kasanayan at


katangian na dapat mong matutuhan ay
ang pagsunod sa panuto. Ito ay mahalaga
upang maiwasan ang anumang
pagkakamali at maging madali ang
paggawa ng mga bagay-bagay.
Narito ang ilang paraan sa pagsunod
sa panuto.
Makinig at intindihin ang ibinibigay na
panuto.
Magtanong kung may hindi
nauunawaan.
Gawin nang maingat ang bawat
hakbang na mga gawain at ayon sa
pagkakasunod-sunod sa panuto.

Basahin at sundin ang isinasaad sa panuto.


1.

Gumuhit ng isang puno. Isulat sa mga dahon ng


puno ang pangalan ng bawat miyembro ng
iyong pamilya.

119

2.

Isulat ang buong pangalan sa loob ng kahon.


Bilangin ang mga letra at isulat ang bilang sa
ibaba ng kahon.
Gumuhit ng dalawang bundok. Sa pagitan ng
dalawang bundok ay gumuhit ng araw.
Iguhit ang paborito mong prutas. Kulayan ito.
Isulat ang pangalan ng iyong guro. Gumuhit ng
bituin sa kanan at sa kaliwa ng kaniyang
pangalan.

3.
4.
5.

Basahin ang mga salitang hango sa


kuwentong May Sakit si Ina.
sakit
araw

Trina
Inay

gamot
bigas

trabaho
kaldero

Alin sa mga salita sa itaas ang may KPK na


anyo ng pantig?
Alin naman sa mga salita sa itaas ang may KKP
na anyo?

Sagutin ang sumusunod sa pamamagitan ng


paglalagay ng tsek () sa hanay ng iyong sagot.
120

Palagi Minsan

Hindi

1. Nakikinig akong
mabuti kapag may
nagsasalita.
2. Inuunawa ko ang
sinasabi ng
nagsasalita.
3. Nagtatanong ako
kapag hindi ko
nauunawaan ang
sinasabi ng
nagsasalita.
4. Natutuwa ako kapag
nauunawaan ko
kaagad ang sinasabi
ng nagsasalita.
5. Pinagsasabihan ko
ang nag-iingay
habang may
nagsasalita.

Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na


salita.
1. kuryente
2. karnabal

3. prito
4. drama

121

5.

klase

Hanapin sa loob ng kahon ang angkop na salita


na may KPK at KKP na anyo upang mabuo ang mga
pangungusap.
1. Isang __________ ang layo ng bahay namin
sa paaralan.
2. May pagtitipong ginaganap ngayon sa ______
ng barangay.
3. Mabigat ang daloy ng _________ sa lansangan.
4. Nagbigay ako ng _________ sa pulubi.
5. Malalaki ang tanim na _______ ni Mang Nardo.
bloke
barya

araw
trapiko

plasa
pakwan

Ang pangungusap ay nabubuo sa


pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga
salita at parirala. Ito ay may kumpletong
diwa.

Ayusin ang mga salita upang mabuo ang


pangungusap.
122

1.
2.
3.
4.
5.

lumang bisikleta ang ni Kuya ay sira na


matalinong ay si Lando bata
ang sabon natunaw na
ang bayabas masarap na prutas
malusog ay laging masigla ang batang

Ang Kambal
Ang Kambal

Sina Dindo at Dante ay kambal ngunit


magkaiba ang kanilang ugali. Mabait at masayahin
si Dindo samantalang si Dante naman ay
matampuhin.
Malapit na ang kanilang kaarawan. Humiling
si Dante ng regalo sa ama.
Itay, gusto ko po ng robot na laruan sa aking
kaarawan, sabi ni Dante.
Naku, anak, wala akong sapat na pera para
ibili ka ng ganoon. Mamasyal na lang tayo at kumain
sa labas, sagot ng ama.
Opo, Itay, maganda iyon, sang-ayon ni
Dindo.
123

Sumama ang loob ni Dante dahil sa sinabi ng


ama. Naging malungkutin si Dante hanggang sa
dumating ang araw ng kanilang kaarawan.
Huwag ka nang malungkot, Dante, pang-aalo
ni Dindo. Narito na ang regalong gusto mo. Ibinili kita
galing sa naipon kong pera.

Ano ang pagkakaiba ng kambal?


Bakit sumama ang loob ni Dante sa ama? Tama
ba ito?
Ano kaya ang naramdaman ni Dante nang
bigyan siya ng regalo ng kakambal?
Kung ikaw si Dindo, bibigyan mo ba ng regalo
ang iyong kapatid?
Sino sa kambal ang gusto mo? Bakit?
Kung ikaw ang may kaarawan, hihiling ka rin ba
ng regalo sa iyong mga magulang? Bakit? Ano
ang hihilingin mo?

Iguhit ang bituin ( ) sa iyong sagutang papel


kung dapat gawin ang isinasaad sa pangungusap
at buwan ( ) kung hindi.

124

1.
2.
3.
4.
5.

Isinasali ko sa aking paglalaro ang aking


kapatid.
Inaaway ko ang mas nakababata kong
kapatid.
Sinusunod ko ang utos nina Ate at Kuya.
Tumutulong ako sa mga gawain sa bahay.
Hinahati ko nang tama ang pasalubong ni
Tatay para sa aming magkakapatid.

Isulat sa sagutang papel kung di-tiyak o walang


kasarian ang mga pangngalan.
1.
2.
3.

aparador
bintana
mamimili

4. manggagamot
5. manunulat

Sabihin ang kasarian ng sumusunod na


pangngalan. Isulat sa iyong sagutang papel ang WK
kung walang kasarian at DT kung di-tiyak.
1.
2.

bisita
guro

3.
4.

kaklase
lapis

125

5.

puno

Ang pangngalan ay nakikilala rin ayon


sa ibat ibang kasarian. Di-tiyak ang
kasarian kung di matukoy kung pambabae
o panlalaki ang ngalan.
Ang walang kasarian naman ay mga
pangngalang tumutukoy sa bagay, pook, o
pangyayari.

Tukuyin ang naiiba sa pangkat. Isulat sa


sagutang papel.
1. aklat
mag-aaral
silid
papel
2. dalaga
sanggol
tiya
nanay
3. gusali
karpintero
kahoy
haligi
4. pari
senador
mesa
tiyo
5. piloto
barko
pasahero kaibigan

Basahin muli ang kuwentong Ang Kambal.

Ano ang mga salitang may salungguhit sa


kuwentong binasa?
126

Paano binaybay ang mga salita?


Tama ba ang pagkakabaybay nito?

Sabihin kung paano iwawasto ang mga maling


gawi sa loob ng silid-aralan.
1.
2.
3.
4.

Itinatapon ko ang aking kalat sa sahig.


Tinatapakan ko ang mga upuan at mesa.
Ginagamit kong pambura ang aking laway.
Sinusulatan ko ang mga mesa at dingding ng
silid-aralan.
5. Idinidikit ko ang bubble gum sa ilalim ng mesa at
upuan.

Basahin at hanapin ang salitang nagpamali sa


pangungusap. Isulat ang tamang pangungusap sa
sagutang papel.
1.
2.
3.
4.

Antigo ang plurera sa mesa.


Tumaas na naman ang prisyo ng bilihin.
Maraming toroso ang tinangay ng baha.
Ang poroblema sa basura ay mababawasan
kung magtutulungan.
5. Mabigat ang daloy ng trapiko sa kalasda.

127

Hanapin sa kahon ang wastong baybay ng


mga salitang mali ang pagkakabaybay sa
pangungusap.
bloke
plorera
1.
2.
3.
4.
5.

blusa
preso

dragon
produkto

Nakalaya na ang presu sa kulungan.


Nasa ibabaw ng mesa ang makulay
na plurira.
Dalawang bluke ang layo ng sunog
sa aming bahay.
Totoo bang may dragun sa Pilipinas?
Pinya ang prudukto ng Bukidnon?

Ang mga salitang mali ang pagkakabaybay


ay matutukoy sa pamamagitan ng mga tunog na
bumubuo sa isang salita.

1.
2.

Isulat ang mga salitang mali ang baybay.


Mahal ang kuwentas na ginto.
Gamitin mong pangkulay ang krayula.
128

3.
4.
5.

A.

B.

Ang kuwartu ko ay malaki.


Kumakain ka ba ng protas?
May goroto sila sa hardin.

Pag-aralang sulatin ang mga letra na l, t, h, k,


b, at d sa pamamagitan ng pagsunod sa mga
bilang ng pagkakasulat ng bawat letra.
Magsanay sumulat ng mga maliliit na letra.

129

Aralin 9:

Bilin ng Magulang,
Laging Tatandaan

Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng


wastong sagot.
1.

Ano ang tawag sa damdaming nadarama ng


isang taong nagbabasa?
a. reaksyon b. solusyon c. wakas

2.

Ilan ang kailanan ng pangngalan?


a. 2
b. 3
c. 4

3.

Ang magkakapitbahay ay nasa anong kailanan


ng pangngalan?
a. isahan
b. dalawahan
c. maramihan

4.

Alin sa mga pangungusap ang may gamit ng


salitang binubuo ng KKPK?
a. Ang kalabaw ay masipag na hayop.
b. Masarap ang bayabas na kinain namin.
c. Ang mga produktong saging ay isinakay sa
trak upang dalhin sa bayan.

5.

Ang mambabasa ay maaaring magbigay ng


sariling wakas sa kuwentong binasa.
a. tama b. mali c. wala sa pagpipilian

130

Ang Bilin ni Ina

Tuwing Sabado tinutulungan ko ang aking


nanay sa pagtitinda ng ulam. Masarap siyang
magluto kaya dinarayo kami ng mga tao sa aming
maliit na dampa. Si Tatay naman ay drayber ng trak.
Isang araw, inutusan ako ng nanay na bumili sa
pamilihan. Kris, bumili ka ng tatlong kilong
kamatis, sabi niya. Opo, Inay. Uubusin ko lang po
itong iniinom kong gatas.
Ilagay mo ang pera sa bulsa mo at maraming
tao sa pamilihan, bilin ng nanay. Hawakan ko na
lang itong pera, bulong ko sa sarili.

131

Bitbit ang maliit na timba, sumakay ako sa dyip.


Pagdating sa tindahan, nagulat ako at wala na sa
kamay ko ang pera. Kumabog ang aking dibdib
kaya binalikan ko ang kalsadang aking dinaanan
kanina. Ngunit hindi ko nakita ang pera.
Maya-mayay dumating sina Brando at Brenda.
Ikinuwento ko sa kanila ang pangyayari. Bigla silang
nagtawanan. Ikaw talaga Kris, ayan nasa timba mo
lang ang pera, sabi ni Brenda. Oo nga. Sa susunod
susundin ko na ang bilin ni Nanay na ilagay ang pera
sa bulsa, nakangiting wika ko.

Sino ang mga tauhan sa kuwento?


Ano ang ipinabili ng nanay kay Kris?
Ano ang nangyari sa pera na dala ni Kris?
Tutularan mo ba si Kris? Bakit? Bakit hindi?
Ano ang mararamdaman mo kung hindi mo
makita ang pera na ibinigay sa iyo ng iyong
nanay?

Ang pagsunod sa bilin ng magulang ay dapat


ugaliin. Pagiging masunurin ay laging isipin.

132

Piliin ang angkop na reaksyon sa bawat


sitwasyon. Piliin ang hugis na katapat ng iyong sagot.
1. Inutusan si Kris ng kaniyang nanay na bumili ng
sampalok pero uubusin daw muna niya ang
iniinom na gatas.
Dapat bumili muna siya ng sampalok bago
ubusin ang gatas.
Tama lang na ubusin muna niya ang iniinom na
gatas bago bumili ng sampalok.
2. Pinaalalahan ng nanay si Kris na ilagay ang pera
sa bulsa niya dahil maraming tao sa pamilihan.
Para sa akin, hindi na dapat paalalahanan si Kris
dahil malaki na siya.
Sa tingin ko, kailangan pa ring paalalahanan si
Kris dahil gusto ng kaniyang ina na mag-iingat
siya sa pamilihan.
3. Pinagtawanan ng magkaibigang Brando at
Brenda si Kris dahil sa kaniyang pagkalito.
Hindi dapat pagtawanan ang taong nalilito.
Tama lang ang nangyari kay Kris dahil hindi siya
sumunod sa kaniyang nanay.
4. Napag-isip isip ni Kris na dapat sundin ang bilin ng
ina sa susunod nitong ipag-uutos.
Dapat lang dahil mali naman talaga ang
ginawa niyang hindi pagsunod sa kaniyang ina.
Lahat ng utos ay hindi dapat sundin.
133

Basahin ang talata. Ibigay ang reaksiyon


tungkol dito.
Umaga na, tulog pa rin si Ramon. Napuyat siya
sa paggawa ng proyekto para sa asignaturang
Filipino. Nakahanda na ang lahat ng mga gamit niya
sa pagpasok. Pinuntahan siya ng kaniyang nanay sa
silid upang gisingin. Dali-daling bumangon si Ramon
at nag-umpisang mag-asikaso ng sarili.

Ang pagbibigay ng reaksyon sa isang teksto


o sitwasyon ay nakasalalay sa damdaming
nadarama ng nagbabasa.

Ano ang angkop na reaksyon sa sumusunod na


sitwasyon? Isulat ang letra ng wastong sagot sa
sagutang papel.
1. Ikaw ang napiling sumali sa patimpalak sa
pagguhit. Alam mong may mas magaling pa sa
iyo sa pagguhit.
134

2.

3.

4.

5.

a. Sasali pa rin ako dahil ako ang napili.


b. Sasabihin ko sa guro na may isa kaming
kaklase na mas magaling sa akin sa
pagguhit.
Nanonood ka ng paborito mong palabas
sa telebisyon nang dumating ang iyong tatay at
hiniling na ilipat ang estasyon sa basketbol.
a. Pagbibigyan ko ang tatay na ilipat ang
estasyon sa palabas na basketbol.
b. Sasabihin ko sa tatay na maghintay
na matapos ako sa panonood bago ko
ilipat ang estasyon.
Nais mong sumama sa pamimili ng iyong nanay
ngunit pinagbabantay ka sa nakababata mong
kapatid.
a. Aalagaan ko na lang si bunso.
b. Isasama ko na lang si bunso sa palengke.
Nakatanggap ka ng regalo na laruang kotse
pero mas gusto mo ay laruang eroplano.
a. Paglalaruan ko na lang ang laruang kotse.
b. Ibibigay ko ito sa kuya ko dahil paborito
niya ang laruang kotse.
Mabait at matalinong bata si Lito. Paminsanminsan binibigyan niya ng baon niyang tinapay
ang kaniyang kaklase na si Ramon.
a. Hihintayin kong manghingi sa akin ang
kaklase kong walang baon.
b. Bibigyan ko rin ng pagkain ang kaklase
kong walang baon.

135

Muling basahin ang kuwentong Ang Bilin ni


Ina.

Ano-anong salita sa kuwento ang may


salungguhit?
Sabihin ang unang pantig ng mga salitang
may salungguhit.
Ano-anong letra ang bumubuo sa salitang
drayber? Trak? Kris? Dyip?

Sumunod sa mga bilin ng magulang.

Ayusin ang mga salita upang makabuo ng isang


makabuluhang pangungusap. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.

136

1.
2.
3.
4.
5.

ang drayber tatay ko ay


trak naghakot ng basura ang
Kris si isang magandang ay babae
napuno ang dram ng tubig
ibinigay na premyo malaki ang

Gamitin sa pangungusap.
1.
2.
3.
4.
5.

plantsa
dyip
krus
trumpeta
prinsipe

6.
7.
8.
9.
10.

premyo
Glenda
brilyante
grado
presyo

Ang pangungusap ay nabubuo ng


pinagsama-samang salita at parirala.
Nagsisimula ito sa malaking letra at kadalasan
ay nagtatapos sa tuldok.

137

Piliin sa loob ng kahon ang wastong salita


upang mabuo ang pangungusap. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
1. Nanalo ako sa patimpalak sa pagguhit kaya
binigyan ako ng ________________.
2. Tumaas ang ___________ ng mga gulay dulot ng
bagyong Pablo.
3. Ang paborito kong instrumento ay ____.
4. Sumakay kami ng ___ papuntang paaralan.
5. Ang tawag sa anak ng reyna ay ____________.
dyip

plawta

premyo presyo prinsesa

Basahin ang mga salita.


A
Isahan
kaklase
ang guro
kaibigan

B
Dalawahan
magkaklase
dalawang guro
magkaibigan

138

C
Maramihan
magkakaklase
mga guro
magkakaibigan

Ilan ang tinutukoy sa pangkat A? Pangkat B?


Pangkat C?
Anong mga pagbabago ng salita ang
napansin mula sa hanay ng isahan hanggang
sa hanay ng maramihan?

Nakatutulong ang pakikinig nang mabuti upang


higit na matuto.

Piliin ang pangngalang tumutugon sa kailanan


na nasa loob ng panaklong.
(dalawahan) 1. Ang magkaibigan ay magkatulong
sa pagtapon ng basura.
(maramihan) 2. Magalang na tinanggap ng mga
tao ang bisita.
(isahan)
3. Ang bata ay matiyagang nag-ayos
ng mga nakakalat na aklat.
(maramihan) 4. Ang manika ni Vina ay pinaglaruan
ng magkakapatid.
(dalawahan) 5. Pinuri ni Gng. Aligante ang magkapareha sa mahusay nilang paguulat.
139

Isulat sa sagutang papel ang I kung ang


pangngalang may salungguhit ay isahan, D kung
dalawahan, at M kung maramihan.
1. Ang magkaklase ay parehong nanalo sa
patimpalak.
2. Sama-samang nag-aaral ang
magkakaibigan.
3. Nagdala si Kuya ng tatlong manggang hinog.
4. Si Beny ba ang inyong pinuno?
5. Ang mag-ate ay masayang naligo sa ilog.

May tatlong kailanan ang pangngalan.


Isahan iisa ang tinutukoy
Dalawahan dalawa ang tinutukoy
Maramihan tatlo o higit pa ang tinutukoy

Isulat ang bilang 1 kung isahan ang kailanan ng


pangngalan, 2 kung dalawahan, at 3 kung
maramihan ang may salungguhit.
1. Pupunta ang magkapatid sa paaralan.
140

2. Dala ng magkakalaro ang kanilang bola.


3. Kakausapin ng magkaklase si Gng. Barez
tungkol sa kanilang proyekto.
4. Ang mga tao ay naghihintay ng pagtigil ng ulan.
5. Ang kambal ay magkapareho ng suot o damit.

Ang Pangarap ni Ernesto

Sa makitid na kalsada ng Bagong Silang


kadalasang makikita si Ernesto.
Si Ernesto ay galing sa mahirap na pamilya.
Siya ay panganay na anak nina Ginoo at Ginang
Enrico Rosal. Dahil sa kahirapan, madalas siyang
lumiliban sa klase dahil wala siyang baon at kulang
ang kaniyang gamit pampaaralan.
Hindi na lingid kay Ernesto ang kahirapan
kaya naman natuto na siyang tumulong sa paghahanapbuhay. Pagtitinda ng pandesal sa umaga
at pangongolekta ng basura ang kaniyang ginawa.
Ang kaniyang kinikita ay inihuhulog niya sa alkansiya.
141

Inilalaan niya ito para sa susunod na pasukan ay


makabili siya ng gamit pampaaralan. Pangarap ni
Ernesto na makatapos ng pag-aaral at maging isang
pulis.

Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?


Anong klaseng bata si Ernesto?
Ano ang ginagawa niya upang maabot ang
pangarap?
Kung ikaw si Ernesto, ganoon din ba ang
gagawin mo? Bakit?
Ano ang ginagawa mo para matupad ang
sariling pangarap?

Sipag at tiyaga ang susi sa pagtupad ng mga


pangarap sa buhay.

Kung ikaw ang magbibigay ng wakas sa


kuwento, paano mo ito wawakasan?

142

Bigyan ng sariling wakas ang sumusunod. Gawin


sa sagutang papel.
1.
2.
3.
4.
5.

Dahil sa kahirapan, madalas lumiliban sa klase


si Ernesto.
Natuto si Ernesto na tumulong sa
paghahanapbuhay.
Maraming naipong pera si Ernesto sa alkansiya.
Nakapag-aral na muli si Ernesto.
Masipag mag-aral si Ernesto.

Ang wakas ng kuwento ay nakabatay sa


mga pangyayari sa kuwentong nabasa o
napakinggan.

Basahin ang kuwento at bigyan ng wakas.


Tuwang-tuwang si Morela sa kaniyang mga
laruan. Iniingatan niya ito palagi. Upang hindi mawala o masira, ibinabalik niya ito sa tamang lalagyan
pagkatapos maglaro. Isang araw, nagmamadali
143

siya. Pupunta ang mag-anak nila sa kaniyang lolo at


lola na nasa Pampanga. Nakalimutan niyang iligpit
ang laruan.

Isulat sa kabit-kabit na paraan ang mga


maliliit na letra na nasa modelo.

144

You might also like