Alamat NG Waling

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

ALAMAT NG WALING - WALING

Noong unang panahon sa isang kahariang matatagpuan sa may dagat ng Mindanao,


may isang makisig at matapang na sultang nagngangalang Rajah Solaiman. Dahil sa
kaniyang galing at tapang sa digmaan siyay nakilala bilang isang kilabot sa ibat ibang
kaharian. Pinaniniwalaang nasa kaniyang pag-aari ang isang mahiwagang sundang, ang
Sundang Lenantatyon. Ibinigay ito kay Solaiman ni Bal-Lido, ang diyosa ng digmaan.
Ipinagkaloob ito sa kaniya dahil sa mahusay niyang taktika sa pakikipagdigma. Malaki ang
pasasalamat sa kaniya ng mga taga-Mindanao dahil sa patuloy na pagtatanggol ng Rajah.
Isa sa mga digmaang kinasangkutan ng Rajah ang digmaan sa Seta Tem-mon.
Nagwagi siya sa labanang ito, subalit iyon lamang ay naging posible sa tulong ni BalLido. Sa labanang ito siya niregaluhn ng sundang.
Subalit bago pa man ito napasakaniya,
dumaan muna siya sa isang pagsubok.
Kunin mo ang itak, sabi ni Bal-Lido. Sa pagtingala ni Solaiman nakita niya ang
isang lumulutang na itak. Gamitin mo iyan at putulin mo ang iyong kaliwang braso, Di
nagdalawang-isip si Solaiman, sa utos ng diyosa ay kinuha niya ang espada at iniakmang
puputulin ang kaniyang sariling braso. Sa pagtama ng itak sa kaniyang braso nagulat
na lamang siya nang mapansing walang dugong dumanak ni balat na napilas mula sa
kaniyang katawan.
Mula sa puntong ito Solaiman, hindi ka na magagalaw ng kahit anong sandata
pa man. Sabi ni Bal-Lido. Ikaw ay papanaw lamang sa aking utos, sa oras na iyon
siguraduin mong isusuko mo ang ibinigay kong sundang sa lugar na ito. Kung hindi ka
makararating, siguraduhin mong may isang taong mapagkakatiwalaang magbabalik ng
sundang sa akin.
Kung gaano kabagsik si Solaiman sa digmaan, ganoon rin siya kabagsik sa pag-ibig.
Dahil sa ganitong katangian, kinamumuhian at kinatatakutan siya hindi lamang ng
kaniyang mga kaaway kung hindi pati na rin ng kaniyang mga tagasunod. Sa mga kalye
pa lamang, rinig na ang mga bulungan ng mga tao. Umaalingawngaw ang mga babala sa
lahat ng sulok ng kaharian, Itago ang asawat mga anak na babae dahil si Solaiman ay
paparating.
Nag-uumapaw na ang mga babae sa harem niya subalit, hindi pa rin siya tumitigil sa
pangongolekta nito. Para sa isang maharlikang tulad niya, walang dalang bigat ang naguumapaw na babae sa kaniyang buhay. Kung may
isang aalis, may tatlong darating, kung
gaano siya kahusay sa paggamit ng kaniyang sundang, tila mas matalim ang kaniyang

mga salita pagdating sa pag-ibig.\Sa dulo ng kaniyang kaharian, may naninirahang isang mangingisda. Kasama nito ang
kaniyang anak na babae sa bahay na siyang nag-aalaga sa kaniya.
Isang tapat na tagapaglingkod ang mangingisdang ito kay Rajah Solaiman. Subalit,
dahil sa pag-aalala sa posibleng kahinatnan ng kaniyang anak, itinago niya ito sa gitna ng
gubat. Umaasang walang mga matang makatatanaw sa kaniyang anak, lalo pa ang mga
mata ni Rajah Solaiman. Alam niyang hinding hindi siya makatatanggi sa kung ano mang
sabihin ng kaniyang Rajah.
Tumira si Waling-Waling sa itaas ng isang punong lauan. Napaliligiran ito ng mga
ilang-ilang at ilang halamang gubat. Walang nakaaalam ng paraan upang makaakyat
dito kung hindi ang mapag-arugang mangingisda lamang. Pati ang mga pagbisita
niya ay planadong-planado. Sa umaga, siyay nagdadala ng pagkain at sa gabi namay
sinisiguradong ligtas at maayos ang kaniyang anak.
Isang di pangkaraniwang kagandahan nga talaga itong si Waling-Waling. Singkinis
ng sutla ang kaniyang balat, singdilim ng uling ang buhok, ang kaniyang mga pisngi ay
parang dinampian ng rosas, mga matang sing tingkad ng mga alitaptap sa gitna ng dilim,
at ang kaniyang mga pilik matay tila mga alon sa pagkakurbada. Madali sana para sa
dalaga ang ipakasal sa kahit na sino kung isa lamang siyang dugong-maharlika. Subalit,
nagiging mahirap ang lahat dahil isa lamang siyang pangkaraniwang mamamayan.
Isang araw habang nangangaso si Solaiman sa gubat, napansin niyang may isang
tirahan sa itaas ng mga puno. Sa gitna ng mga puno, nasulyapan niya ang bahay ni
Waling-Waling. Sa kaniyang paglingon nakita nito ang isang kakaibang kagandahang
noon pa lamang niya nakita.
Napasigaw si Rajah Solaiman, Sino ang ama mo? Sigurado akong itinatago ka
lamang niya sa akin! Hindi sumagot sa Waling-Waling sa takot na baka kung anong
gawin ng Rajah sa kaniyang ama.
Sa kaniyang pagtulog, nanaginip ang mangingisda ng mga karimarimarim na ideya.
Nang magising ito mula sa masasamang panaginip, kumaripas siya ng takbo upang
tunguhin ang tirahan ni Waling-Waling sa gubat. Laking gulat niya nang maabutan niya
ang isang nagngingitngit na Rajah.
Paano mo nagawang itago sa akin ang isang nilalang na singganda ng iyong anak?
Sabihin mo sa kaniyang bumaba upang makita ko siya ng mas maayos. Utos ng Rajah sa
mangingisda. Gawin mo ito kung ayaw mong mahati ng aking sundang.
Sa utos ng kaniyang ama, bumaba naman si Waling-Waling. Nang umabot siya sa
kalahati ng puno, nadampian siya ng ilaw mula sa buwan na lalong nagbigay liwanag sa
kaniyang ganda. Hindi kita papatayin, sabi ni Solaiman sa mangingisda, subalit, nais
ko sanang pakasalan ang iyong anak. Ipinapangako kong pakakawalan lahat ng babae sa
aking harem at siya ang gagawin kong asa
Bago pa man tuluyang matapos ni Solaiman ang kaniyang sasabihin at bago pa
man makababa si Waling-Waling, nanigas ang katawan ng Rajah at ng mangingisda.
Isang liwanag ang bumalot sa buong gubat. Nakita nila ang isang imahen na papaliit
nang papaliit. Ang dating katawan ni Waling-Waling ay tila sumabit sa mga sanga ng
puno. Habang paunti-unting nawala ang liwanag tila naging mas malinaw sa dalawa
ang imahen ng isang bulaklak. Isang bulaklak na may lilat pulang batik sa kaniyang mga
talulot.
Hindi sila makapaniwala sa kanilang nasaksihan subalit, walang nagawa si Solaiman
at ang mangingisda. Pagbalik sa palasyo, inatasan niya ang mga kawal niya na kumuha ng
bulaklak ng Waling-Waling sa gubat at ipalamuti ito sa mga puno sa harapan ng palasyo.
Isang pag-alaala sa mga pag-ibig na sanay maabot na niya.

BUOD NG KUWENTONG PORK EMPANADA


ni Tony Perez
Sa may bandang katipunan, matatagpuan ang Frankies Steaks and Burgers na kilala sa kanilang tenderloin steak, Tbone at spareribs, Hawaiian at Salisbury steak, turrones de casuy yema, espasol, at iba pang masasarap na mga pagkain at
pasalubong. Ngunit ang pinakakilala at pinupuntahang pagkain ay ang kanilang pork empanada na ipinagbibili ng P10.50.
Sa lugar na ito, madalas makikita si Bototoy, anim na taong gulang, masayahing bata at lagi mong nakikitang nakasuot
ng t-shirt, short at tsinelas na napaglumaan niya mula sa mga kapatid. Para makaipon ng pera, nagbabantay naman ng sasakyan
si Bototoy sa harap ng Frankies Steaks and Burgers.
Labindalawang magkakapatid sina Bototoy. Siya at ang bunsong kapatid na si Nining ay hindi nag-aaral dahil na rin sa
kahirapan ng buhay. Ang trabaho ng kanyang ama ay may kinalaman sa maintenance ng Ateneo Grade School at ang kanyang
ina ay isang albularyo. Paboritong kapatid ni Bototoy si Nining, kahit gaano kaliit ang kanyang kita, laging niya itong inuuwian
ng pasalubong kahit kapirasong kendi.
Minsan may narinig si Bototoy na nag-uusap tungkol sa pork empanadang binili sa Frankies Steaks and Burgers- kung
gaano ito kasarap. Kaya naman nangarap si Bototoy na balang araw, makakabili rin siya ng pork empanada. Halos P3.40
lamang ang kinita ni Bototoy mula sa pagbabantay ng mga sasakyan ngunit hindi pa rin niya nalimutang bumili ng pasalubong
para kay Nining at ang natira ay hinulog niya sa kanyang alkansya sa lata ng Ligo Sardines. Sinabi ni Bototoy sa kanyang
kapatid na plano niyang bumili ng pork empanada sa kaarawan nito. Ilang araw ang nakalipas binuksan na ni Bototoy ang
kanyang alkansya at binilang ang laman nito na umabot na sa P21.00 sapat para makabili ng pork empanada para sa kanilang
magkapatid. Kinabukasan nagbihis si Nining ng kanyang kaisa-isang bestida at sumama kay Bototoy.
Isang lingo na rin ang nakararaan, laging nakagagalitan ang tindera ng kanyang amo dahil sa nawawalang dalawang
pork empanada, gayong wala naman siyang kinalaman dito.Nang araw na iyon napansin ng tindera na naubusan na siya ng
resibo kaya agad-agad siyang kumuha ng bagong resibo sa drawer sa ilalim ng lalagyan ng pork empanada. Kinuha niya ang
resibo at dito niya napansin ang dalawang pork empanada na hinahanap nila, Kinuha niya ang mga ito at napansin niyang
malapit na itong mapanis.
Muling nagbalik sa kanyang alaala ang masasakit na salitang binitawan ng kanyang amo at ang pagbibintang na
ninakaw niya ang dalawang pork empanada. Nakaisip siya ng paraan upang makaganti. Maya-maya, dumating sina Bototoy at
Nining upang bumili ng pork empanada- isa para sa kanya at isa para sa kapatid na nagdiriwang ng kaarawan. Agad-agad na
ibinigay ng tindera ang napanis nang dalawang pork empanada at dali-daling isinilid ang bayad sa kanyang bulsa.
Masayang-masaya na kinuha ni Bototoy ang biniling dalawang pork empanada.Umupo silang magkatabi. Ipinagmalaki
ni Bototoy sa kanyang kapatid na ang lugar na iyon ang kanyang pinagtatrabahuhan. Namangha si Nining sa kapaligiran. Sabay
nilang binuksan ang raper ng pork empanada, Unti-unting ninamnam ang karneng nakapaloob, dahan-dahang nginuya upang
malasahan at matagal na makain.

IBONG ADARNA
Ang kwento ng Ibong Adarna ay umiikot sa mga paglalakbay at pakikipagsapalaran ni Don Juan upang
mahanap ang ibon at madala sa kanyang ama upang magamot ito. Tinalakay rin sa kwento ang buhay pag-ibig ng
prinsipe at ng kanyang mga kapatid. Ipinakita rin dito ang katapangan at kabutihan ng prinsipe.
Nagsimula ang kwento nang magkasakit ang hari dahil sa isang masamang panaginip. Dahil dito, ipinahanap
ang Ibong Adarna na sinasabing ang awit lamang nito ang magiging solusyon sa sakit ng hari. Unang umalis si Don
Pedro, ang panganay sa tatlong magkakapatid. Nakarating siya sa Piedras Platas kung saan makikita ang ibon ngunit
hindi niya ito nahuli sapagkat nakatulog siya at naging bato. Sumunod na umalis si Don Diego upang hanapin ang
nasabing ibon ngunit sa kasamaang palad ay natulad siya sa kanyang kapatid. Nang aalis na si Don Juan, ang bunso,
pinigilan siya ng kanyang ama dahil sa takot nab aka matulad siya sa kanyang mga kapatid. Ngunit dahil na rin sa
kanyang pangungumbinsi ay pinayagan siya ng kanyang ama. Sa kanyang paglalakbay, nakita niya ang isang
ermitanyo at kanya itong tinulungan. Dahil dito, binigyan siya nito ng impormasyon upang mahuli ang ibon. Siya ay
nagtagumpay at nailigtas din niya ang kanyang mga kapatid sa pagiging bato.
Isang kataksilan ang ginawa ng mga kapatid ni Don Juan sa kanilang daan pauwi. Pinagtulungan ng dalawa
ang bunsong prinsipe upang sila ang maghari sa trono. Umuwi ang dalawa ngunit ayaw umawit ng ibon dahil sa
kalungkutan. Sa kabilang dako, si Don Juan ay tinulungan ng isang ermitanyo sa paggamot ng kanyang mga sugat.
Nakauwi ang prinsipe at sinabi ng hari na ipatapon ang dalawa ngunit dahil na rin sa pakiusap ng bunso ay
napatawad ang kanyang mga kapatid. Nakatakas ang ibon at kinailangang hanapin muli ng magkakapatid.
Sa kanilang paglalakbay ay nakakita sila ng isang balon. Nakarating sila sa kaharian ng Armenya at doon nila
nakilala ang dalawang prinsesa na sina Juana at Leonora. Muling pinagtaksilan ng magkapatid ang bunso. Umuwi
ang dalawang panganay kasama ang dalawang prinsesa at naiwan sa gubat si Don Juan. Ipinakasal si Don Diego at si
Juana, samantalang si Leonora ay ayaw pumayag na maikasal kay Don Pedro.
Muling naglakbay si Don Juan upang hanapin ang Ibong Adarna. Kanya itong natagpuan at sinabing
kalimutan na si Leonora. Nagpunta siya sa Reyno de los Cristal at doon niya nakilala si Maria Blanka. Umibig ang
prinsipe sa prinsesa ngunit ang kanilang pag-iibigan ay pilit na hinadlangan ng kanyang ama. Dahil sa takot ng
prinsesa para sa buhay ng prinsipe, nagtanan sila. Sa galit ng hari ay binura niya sa isipan ng prinsipe ang alala ng
kanyang anak. Paggising ni Don Juan ay wala na sa kanyang alala si Donya Maria kaya umuwi siya sa Berbanya na
ang hangarin ay pakasalan si Leonora. Nagpunta naman si Maria sa Berbanya upang ipaalala ang kanilang
pinagsamahan at bumalik naman ang alala ng prinsipe. Ikinasal si Don Juan at si Maria at ikinasal rin si Leonora kay
Don Pedro.

Maria Makiling
Noong unang panahon, maraming hayop at makahoy pa ang mga bundok. Isang araw, isang magsasaka ang pumunta sa
bundok. Mangangahoy siya at manghuhuli ng usa upang may makain ang kaniyang pamilya.
Tuwang-tuwa ang magsasaka. Nakita rin niya ang hinahanap niyang usa.
Ngunit mabilis na nakatakbo ang usa.
Sinundan ito ng magsasaka.Naligaw siya at hindi na niya malaman ang daang pabalik sa kanila.
Nagpatuloy sa paghahanap ng daan ang magsasaka.Isang kubo ang natanaw niya sa gitna ng gubat. At siya ay humanga sa
kanyang nakita.
Bumukas ang pinto at isang napakagandang babae ang nakita ng magsasaka.
Nagpakilala ang babae sa magsasaka, dahil pagod na pagod ang magsasaka pinaupo niya ito at binigyan ng ma-iinom at
pagkain.At binigyan niya ito ng isang basket na punong-puno ng gulay at prutas para sa pamilya ng magsasaka.
Pagdating sa bahay nila iniabot niya ito sa kanyang asawa.At laking gulat niya, na ang isang basket ng prutas at gulay ay
naging ginto.
Ganito din raw nangyari sa kanilang kanayon nabinigyan din ni Maria Makiling ng tulong.
Lumipas ang ilang taon. Isang araw, nabalitaan nila na may dalawang masamang taong nagnakaw sa kubo sa gitna ng gubat.
Nagalit si Maria. Mula noon, hindi na siya nagpakita sa tao. Gayunman, hindi nila malimot ang kabutihang ginawa ni Maria sa
kanila. Tinawag nilang bundok ng Maria Makiling ang bundok na tirahan ni Maria bilang alaala sa minamahal nilang
magandang babae.

You might also like