0% found this document useful (0 votes)
701 views

Padre Jose A

Ang dokumento ay tungkol kay Padre Jose A. Burgos, isang Pilipinong pari na itinuturing na martir. Ipinanganak siya noong 1837 sa Vigan, Ilocos Sur. Nag-aral siya sa San Juan de Letran at Unibersidad ng Santo Tomas kung saan siya naging isang pari at nagtanggol ng mga karapatan ng mga Pilipinong pari. Pinagbintangan siyang sangkot sa rebolusyon at pinatay ng mga Kastila noong 1872.

Uploaded by

Ray Santos
Copyright
© © All Rights Reserved
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

You are on page 1/ 15

1

ARALIN
PADRE JOSE A. BURGOS

Maraming mga bayaning Pilipino ang nagbuwis ng buhay alang-alang sa ating

bansa. Isa na rito ay si Padre Jose A. Burgos na matatawag natin na isang paring
martir. Sa palagay mo, paano kaya siya naging martir. Alamin ang kuwento niya sa
ibaba.

TUNGHAYAN

Noong panahon ng Kastila, isa sa tatlong paring ginarote ay si Padre Jose

Burgos. Siya ay isinilang noong ika-9 ng Pebrero, 1837 sa Vigan, Ilocos Sur.
Ang kanyang mga magulang ay sina Jose Burgos at Florencia Garcia. Isang
opisyal ng kastila ang kanyang ama noong panahong iyon.
Bata pa lamang siya nang mamatay ang kanyang ama, kaya nagtungo si Jose
Burgos sa Maynila upang ipagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral. Nag-aral siya sa
San Juan de Letran. Dahil sa kanyang angking talino madalas siyang nagiging lider
ng ibat ibang Gawain sa kanilang paaralan.
Siya ay nagtapos ng Teolohiya, pagkadoktor sa Pilosopiya at batas Kononiko
noong 1868 sa Unibersidad ng Santo Tomas. Nakuha niya ang pinakamataas na
posisyon ng naturang panahon ang Fiscal of Ecclesiastical Court. Hanggang siyay
naging isang ganap na pari.

Bilang kasapi ng Examining Board sa Teolohiya noong 1871 kanyang

ipinaglaban ang sekularisasyon ng mga parokya sa Pilipinas. Ang sumunod niyang
ginawa ay pinayuhan ang mga kabataang Pilipino na sa Europa na mag-aral sa pagasang mabibigyan pa ng magandang kinabukasan ang bayang Pilipinas.
Naging pinuno rin ng mga Pilipinong pari si Padre Jose Burgos na nagtanggol
at nagmalasakit sa kapakanan ng kapwa paring Pilipino. Simula noon marami siyang
hininging pagbabago sa pamahalaang kastila, isa na roon ang pantay na karapatan
ng paring Pilipino sa mga paring Katila.
Marami rin siyang mga kasamang ipinakipaglaban tulad nina Maximo
Paterno, isang mayamang negosyante, Joaquin Pardo de Tavera na isang abogado at
sina Padre Gomez at Padre Zamora.
Pinagbintangan siyang may kinalaman sa Rebolusyunaryo na nagsisimulang
lumutang. Kaya nagalit ang mga kastila kay Padre Jose Burgos at binalak siyang
patalsikin. Nang sumiklab ang pag-aalsa sa Cavite, dinawit si Burgos kasama ang
dalawa pang pari bilang utak ng pag-aaklas.
Dito nagwakas ang kanilang buhay nang hinatulan silang mamatay sa
pamamagitan ng garrote. Binitay sila sa Bagumbayan na ngayon ay Luneta kung
tawagin noong ika-17 ng Pebrero, 1872. Namatay silang suot ang kanilang abito.

PAUNLARIN
Piliin sa loob ng panaklong ang katumbas na kahulugan ng salitang may
salungguhit.
1. Pinaghinalaan siyang may kinalaman sa rebolusyon na nagsisimulang
lumutang.
(paghihimagsik, lumulutang , nagmamalasakit)
2. Ang pantay na karapatan ng paring Pilipino sa mga paring Kastila ang
hininging pagbabago ni Burgos sa pamahalaang Kastilo.
( pagtingin, pribilehiyo, kinabukasan)
3. Nagalit ang mga Kastila kay Padre Burgos at binalak siyang patalsikin.
(patakbuhin, palabasin, paalisin)
4. Nang sumiklab ang pag-aalsa sa Cavite, dinawit si Padre Burgos kasama
ang dalawang pari bilang utak ng pag-aaklas.
2

( welga, pulong, digmaan)

5.

Hinatulan sina Padre Burgos na mamatay sa pamamagitan ng garote.

PAG-USAPAN(silya elektrika, bitayan, lethal injection )

UNAWAIN ANG BINASA

Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
1. Saang lugar ipinanganak si Padre A. Burgos?
2. Kailan siya isinilang?
3. Ano ang ginawa niyang nang mamatay ang kanyang ama?
4. Ano ang nakamit niyang karangalan habang siyay nag-aaral?
5. Bakit sila binitay ng mga Kastila?Ano ang dahilan nito? Ipaliwanag.

PALALIMIN ANG KAALAMAN

1. Paano mo mailalarawan si Padre Jose A. Burgos bilang mag-aaral?
2. Sa Palagay mo makatwiran ba ang payo niya sa mga kabataang nais
mag-aral ng mga panahong iyon?bakit?
3. Makatwiran ba sa isang tao na hatulan niya ang kanyang kapwa kahit
ito ay walang matibay na ebidensya o katibayan? Ipaliwanag.

MAGTANONG KA
Bukod sa mga tanong na sinagot mo, mayroon ka pa bang nais na
mabatid o malaman
tungkol sa binasa? Isulat ang mga ito sa ibaba.

PAHALAGAHAN
w

Ang pagmamalasakit ay tanda ng pagmamahal.

A. Sinu-sino ang nagpapakita ng pagmamahal at pagmamalasakit sa bayan?
Lagyan ng tsek ( ) ang patlang.
_________1. Naglalakad sina Maricel at ang kanyang kaibigang taga-ibang
bansa nang biglang
inawit ang Lupang Hinirang. Huminto si
Maricel at pinagsabihan ang kanyang kaibigang pansamantala
munang tumigil sa paglalakbay.
_________ 2. Sinaway ni James ang kanilang kamag-anak na taga-Korea dahil
nag-iingay ito habang nagtuturo ang kanilang guro.
_________ 3. Madalas ipinagmamalaki ni Cherry ang kanyang pinsang dayuhan
kahit alam niyang mali ang ginagawa nito.
_________ 4. Mahilig sa awiting banyaga si Romy ayaw na ayaw niyang
makarinig ng mga tugtuging Pilipino.
_________ 5. Hindi pinansin ni Linda ang imbitasyon ng kanyang kaibigang
banyaga na magtungo sa Amerika dahil mas nais niyang
manirahan sa sariling bansa.

B. Lagyan ng bituin ( ) ang bilang na nagpapahayag ng kabayanihan.

_________1. Lola tutulungan ko na po kayo sa mga dala-dalahan ninyo.
_________ 2. Nararapat nating tularan ang kabayanihan ni Padre Jose A.
Burgos.
_________3. Bakit kailangan pa nating awitin ang Lupang Hinirang.

_________ 4. Ipagdasal at bigyan natin ng suporta ang mga nakakalat na

basura sa ating
paligid.
_________ 5. Pulutin o walisin ang mga nakakalat na basura sa ating paligid.
_________ 6. Tangkilikin natin ang mga dawang Pilipino.
_________ 7. Ipagmalaki natin ang ating bansa.
_________ 8. Huwag mo nang alamin ang mga sagisag ng bansa.
KABAYANIHAN
_________ 9. Tulungan mo ang batang nadapa.
Ang kabayanihan
ngmga
isang
tao ay maaring
_________10.
Magalit ka sa
dayuhan.
mapatunayan sa ibat ibang paraan. Hindi na
natin kailangang magbuwis ng buhay para sa
bayan. Ang pagtulong sa nangangailangan,
pagsunod sa mga alituntunin ng paaralan,
paggawa ng isang bagay na may kusa, pagawit nang buong puso ng Lupang Hinirang ay
isang kabayanihan.

LINANGIN

Pagbasa:
Pagtukoy sa mga salitang nagpapakita ng time sequences tulad ng simula noon, sumunod at sa wakas
Pagsunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento
Pagsasadula sa isang bahagi ng talambuhay
5

Ang time sequencing ay mga salitang nagpapakita ng mga impormasyon

tungkol sa mga pangyayari kilos at galaw sa mga tiyak na panahon.

GAWAIN 1

Tukuyin ang mga salitang nagpapakita ng time sequences. Bilugan ang

sagot.
1. Noong panahon ng kastila, isa sa tatlong paring ginarote ay si Padre Jose
Burgos.
2. Ang sumunod niyang ginawa ay pinayuhan ang mga kabataang Pilipino na
mag-aral sa Europa.
3. Simula noon marami siyang hininging pagbabago sa pamahalaang Kastila.
4. Dito nagwakas ang kanilang buhay nang hinatulan sialng mamatay sa
pamamagitan ng garote
5. Binitay sila sa Bagumbayan, noong ika-17 ng Pebrero, 1872.

GAWAIN 2
Isulat sa patlang ang bilang 1-5 upang ipakita ang pagkakasunud-sunod ng
mga pangyayri.
_____ Nang sumiklab ang pag-aalsa sa Cavite, dinawit si Burgos kasama ang
dalawa pang pari bilang utak ng pag-aaklas.
_____ Si Padre Burgos ay isinilang sa Vigan, Ilocos Sur noong ika-9 ng Pebrero
1837.
_____ Hinatulan silang mamatay sa pamamagitan ng garote.
_____ Siya ay nagtapos ng Teolohiya, pagkadoktor sa Pilosopiya at batas
Kanoniko, noong 1868 sa Unibersidad ng Santo Tomas.
_____ Bilang kasapi ng Examining Board sa Teolohiya noong 1871 kanyang
ipinaglaban ang sekularisasyon ng mga parokya sa Pilipinas.
GAWAIN 3

Pangkatin sa lima ang klase. Pagusapan kung anong bahagi ng

talambuhay na binasa ang nakaantig sa inyong damdamin at kung
bakit ito nakaantig sa inyong damdamin. Isadula ito sa harap ng klase.

Panonood:
Pagpapaliwanag kung paano nakakaapekto ang mga biswal o larawan sa damdamin ng mambabasa
Kapag tayo ay nanonood ng isang palabas o nakatingin sa isang
larawan o biswal minsan tayo ay nakararamdam ng ibat ibang damdamin
tungkol sa ating nakikita o napapanood.
GAWAIN 4
Tignan o pansinin mong muli ang larawan ni Padre Burgos. Pakipagpalitan
ng kuro-kuro sa iyong kamag-aral tungkol sa larawan kung paano ito
nakakaapekto sa damdamin ng isang mambabasa.
_______________________________________________________________________________

Pakikinig:
Pagbibigay ng ideya at kaisipan tungkol sa kuwento/ balitang narinig
Sa pakikinig ng kuwento o balita ay hindi maiiwasan ang pagbibigay ng
sariling
ideya o palagay tungkol sa maaaring kalabasan ng isang pangyayari.
Sa pagbibigay ng sariling palagay dapat tandaan na mahalagang
maintindihan ang kuwento, mapagsusunod-sunod ang mahalagang
pangyayari sa kuwento, at maisip ang kalalabasan ng kuwento o pangyayari
maiuugnay sa paksa.

GAWAIN 5

Pakinggan ang mga tanong na babasahin ng guro at ibigay ang sariling

palagay tungkol dito.
1. Ano sa palagay mo ang dahilan at pinayuhan ni Padre Burgos ang mga
kabataang Pilipino na mag-aral sabansang Europa?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Paano niya ginampanan ang kanyang mga tungkulin bilang pinuno ng mga
paring Pilipino?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Sa iyong sarili opinyon, totoo kayang may kinalaman c Padre Burgos sa
Rebolusyunaryo na nagsisimulang lumutang noong panahon ng mga kastila?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
4. Hahatulan kaya siya ng kamatayang bitay kung hindi niya pinagtanggol at
pinagmalasakitan ang kapwa niya Pilipino?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
5.

Sa iyong sariling palagay, kung hindi ba maagang namatay si Padre Burgos,

mababago kaya ang mga sistema o patakaran nais niyang ipatupad?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

GAWAIN 6
Ibigay ang sariling kaisipan tungkol sa balitang napakinggan na babasahin ng
guro.
1. Narinig mong nasusunog ang bahay ng inyong kapit-bahay. Humihingi sila ng
tulong. Ano sa palagay mo ang dapat mong gawin?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Sinabi ng kapit-bahay ninyong tataas ang presyo ng mga bilihin kinabukasan.
Alam mong gagabihin ang iyong mommy sa pag-uwi. Nagkataon namang

wala kayong nakaimbak na pagkain sa inyong refrigerator, ano ang iyong

gagawin?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Tumawag ang iyong ama sa inyong cellphone, at sinabing hindi siya kaagad
makararating dahil may meeting pa sila sa opisina. Gustong-gusto mo nang
umuwi dahil marami ka pang leksyong pag-aaralan. Ano sa palagay mo ang
dapat mong gawin?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
4. Nabalitaan mong pupunta ang inyong klase sa mga nasalanta ng bagyo
upang magbigay ng relief goods. Alam mong hindi ka papayagan ng iyong
magulang dahil malayo ang pupuntahan ninyo. Ano ang gagawin mo?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
5. Napakinggan mo sa radyo na laganap ang sakit na A(H1N1) sa inyong lugar.
Marami na ang dinala sa ospital dahil dito. Paanong pag-iingat ang gagawin
mo upang hindi ka dapuan ng sakit na ito?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Pagsasalita:
Pagtukoy sa karaniwan at di karaniwang ayos ng pangungusap
Pagpapahayag at paggamit ng pangungusap na nasa karaniwan at di karaniwang ayos
Pagsasalin ng karaniwang ayos ng pangungusap sa di karaniwang ayos nito.
Bigyan ng pansin ang mga pangungusap na nakasulat sa ibaba.
Matutukoy mo ba ang simuno at panaguri sa bawat bilang?
A.
1. Nag-aral sa San Juan de Letran si Padre Jose Burgos.
2. Matalinong mag-aaral siya.
3. Palagi siyang nagiging lider ng kanilang paaralan.
9

B.
1. Si Padre Burgos ay nag-aaral sa San Juan De Letran.
2. Siya ay matalinong mag-aaral.
3. Siya ay palaging nagiging lider ng kanilang paaralan.

Ano ang napansin mo sa mga pangungusap sa pangkat A at pangkat B? Saan

matatagpuan ang
mga simuno ng pangungusap sa pangkat A at pangkat B? Ano ang tawag sa ayos
ng mga pangungusap sa
pangkat A at pangkat B?

GAWAIN 7
Basahin ang mga pangungusap at sabihin kung itoy karaniwan o di
karaniwang ayos. Isulat sa patlang ang iyong sagot.
_______ 1. Siya ay nagbibigay ng tulong sa mga kapus-palad.
_______ 2. Ang mga kabataan ay naglilinis ng kalsada.
_______ 3. Masikap sila sa kanilang pag-aaral.
_______ 4. Masigla na ang may sakit.
_______ 5. Nakasasabik ang kanyang pagdating.
_______ 6. Sila ay palaging ginagantimpalaan ng panginoon.
_______ 7. Masayahin ang aking mga magulang.
_______ 8. Kami ay nagwagi sa paligsahan.
_______9. Hindi kaibig-ibig ang kanyang ugali.
_______10. Si Jasmin ay matulungin sa lahat.
GAWAIN 8

10

Gumawa ng isang usapan na ang paksa ay ang pangungumusta sa isang

kaibigan na matagal ng hindi nakikita.
Bumuo ng angkop na pangungusap upang maging buhay ang
pagpapahayag. Gumamit ng mga pangungusap na nasa karaniwan at di
karaniwang ayos.

Larawan ng ibang batang

lalaki, idad siyam. Masayangmasayang kinakausap ang
kanyang kaibigan.

Larawan ng isang batang

babae, idad siyam, nakangiti
sa kausap.

GAWAIN 9

Isalin ang mga sumusunod na mga pangungusap sa di karaniwang ayos.

1. Mahal tayo Diyos
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
2. Dapat nating igalang ang bandila.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
3. Mahilig akong magbasa ng dyaryo at magasin.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
4. Mabuti sa katawan ang gatas.

11

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
5. Huwaran pamilya sila sa kanilang lugar.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Pagsulat:
Paggamit ng malaking titik sa simula ng pangungusap
Pagsulat ng isang balita tungkol sa isang kilalang bayani ng bansa sa kasalukuyan
A. Mekaniks
Basahin ang mga pangungusap na hango sa kuwento.

Ang kanyang mga magulang ay sina Jose Burgos at Florencia Garcia

Pinagbintangan siyang may kinalaman sa rebolusyunaryo na
nagsisimulang lumutang.
Paano nasusulat ang simulang titik ng bawat pangungusap?

GAWAIN 10

Sumulat ng limang pangungusap na may kaugnayan sa talambuhay ni Padre

Burgos. Gamitin ang malaking titik sa simula ng pangungusap.

B.

Malayang Pagsulat
Sumipi ng isang balita tungkol sa isang kilalang bayani ng bansa sa
kasalukuyan. Gumamit ng mga pangungusap na karaniwan at di karaniwang
ayos.

Basahin sa harap ng klase

_________________________________________________________________________________

______
12

Sa araling ito natutunan ko na

PATUNAYAN

A. Sundin ang panutong kaugnay ng talambuhay na binasa.

1. Kumuha ng isang buong papel.Isulat sa gitnang bahagi sa itaas
ang talambuhay.
2. Sa Ikatlong guhit ng iyong papel ay isulat ang pamagat ng
akdang binasa.
3. Sa ibaba ng pamagat ay isulat ang petsa ng kapanganakan ni
Padre Jose Burgos.
4. Mula sa petsa ng kapanganakan ay bumilang ng tatlong linya.
Ilagay dito ang pangalan ng mga magulang ni Padre Jose
Burgos. Tiyakin nasa gawing kaliwa ito.
5. Sa tapat ng pangalan ng mga magulang ay itala ang lalawigan
pinagmulan ng pamilyang Burgos.
6. Sa gitnang bahagi ng papel iguhit ang dalawang paaralan sa
Maynila na kung saan siya ay nag-aaral.
7. Ilagay sa ibaba ng guhit ang mga kurso na natapos ni Padre
Burgos noong 1868.
8. Dalawang guhit mula sa mga kursong natapos niya ay isulat ang
pinakamataas na posisyon na nakuha niya noong panahon ng
kastila.
9. Sa tapat ng kursong natapos ilagay ang taon ng hatulan si Padre
13

B. Magsaliksik tungkol sa iba pang talambuhay ng mga magigiting na

Pinoy. Alamin kung
anong kabayanihan ang nagawa nila para sa
bayan at ibahagi sa harap ng klase.

C. Magkaroon ng debate o talakayan tungkol sa mga nahirang na

magigiting na Pinoy.
Magbigay ng katwiran o katibayan kung
karapat-dapat ba silang tawaging bayani.

Ugnayang Pang-

Media
Magsaliksik sa internet ng mga talambuhay o kuwento tungkol sa mga
bayani sa ibang rehiyon o bansa. Magbigay ng puna o reaksyon tungkol
dito.

14

15

You might also like