PAGSUSURI #2 - Tekstong Deskriptiv

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

PAGSUSURI #2

PAGSUSURI NG TEKSTONG DESKRIPTIV


Tekstong Deskriptiv:
RODRIGO DUTERTE: BAGONG PANGULO NG REPUBLIKA: BAGONG
MUKHA NG PULITIKA

Si Rodrigo Roa Duterte ay ipinanganak noong Marso 28, 1945 sa


Maasin, Leyte kina Vicente Duterte, dating Gobernador ng Davao at Soledad
Roa, guro at isang pinunong pansibiko.
Siya ay isang Pilipinong abogado at politiko na kasalukuyang
nanunungkulan bilang ika-16 na Pangulo ng Pilipinas. Siya ay nanumpa sa
bagong katungkulan noong Hunyo 30, 2016.
Nagsilbi siyang alkalde ng Lungsod ng Davao sa loob ng pitong termino
o higit 22 taon. Siya ay unang inihalal noong taong 1987 at dalawang beses
muling nahalal. Siya ay umalis sa opisina dahil sa limitasyon sa termino at
naging isang kinatawan para sa unang distrito ng Lungsod ng Davao sa
Maynila mula 1998 hanggang 2001. Nang taong iyon, siya ay tumakbong muli
sa pagka-alkalde sa Davao at matagumpay na nakuhang muli ang puwesto.
Noong 2004, siya ay muling nanalo bilang alkalde sa panibagong termino.
Ayon sa listahan ng "most trusted individuals" ng Readers Digest
noong 2010, ikalima si Duterte sa mga politikong Pilipino na kabilang dito.
Sa ilalim ng pamamahala ni Duterte, ang antas ng krimen sa Davao ay
sukdulang bumaba, sa punto na ang pulong ng lokal na turismo ay ipinahayag
na ang naturang lungsod ang "pinakamapayapang lungsod sa Timog-
Silangang Asya." Binansagan siyang "The Punisher" ng Time Magazine,
paulit-ulit na, kinundena ang alkalde ng ilang lokal na mamamayan at ng
Amnesty International dahil sa pagkakaroon at maging pagpapahintulot sa
mga maliliit na kriminal (madalas ay kabataan na nadadawit sa krimen tulad
ng paggamit ng bawal na gamot at pagnanakaw) na patayin ng death squads.

Kabataan at Edukasyon
Nagtapos siya ng elementarya sa Sta. Ana Elementary School sa
Davao noong 1956 at sekundarya sa Holy Cross Academy sa
Digos, Davao del Sur. Nakamit niya ang Bachelor of Arts degree sa
Lyceum of the Philippines University sa Maynila noong 1968 at law
degree sa San Beda College of Law noong 1972. Miyembro siya ng
Lex Talionis Fraternitas, isang kapatirang nakabase sa San Beda
College of Law at Ateneo de Davao University. Nakapasa siya noong
1972 at namasukan bilang Special Counsel sa City Prosecution Office
sa Davao City.

Panunungkulan sa Bayan
Matapos ang Rebolusyong EDSA ng 1986, itinalaga si
Duterte bilang officer-in-charge vice mayor. Makalipas ang
dalawang taon, tumakbo siya bilang mayor at nanungkulan
hanggang 1998. Itinalaga niyang deputy mayors ang mga
kinatawang nagtatanggol sa karapatan ng mga Lumad at Moro sa
gobyerno.
Taong 1998 nang siya'y manungkulan bilang kinatawan ng
Unang Distrito ng Davao. Mula taong 2001 hanggang 2010 nama’y
nagsilbi siyang muli bilang mayor. Sa ilalim ng kaniyang
pamumuno, nakamit ng Davao ang National Literacy Hall of Fame
Award matapos manalo ng tatlong beses sa kategoryang Highly
Urbanized City bilang Outstanding Local Government Unit.
Bumaba ang bilang ng mga krimen sa ilalim ng kaniyang
panunungkulan. Magmula sa pagiging isang "crime-infested area",
ito'y naging isang siyudad na may maunlad na komersiyo na may
24/7 emergency hotline (Central 911). Noong Hunyo 2015, ang
Davao ang ika-4 na "safest city in the world."
Ginamit ni Mayor Duterte ang pondo ng pamahalaan
upang magtayo ng drug rehabilitation and treatment center na
nagbibigay ng 24-oras na serbisyo. Noong 2003, nag-alok siya ng
monthly allowance na P2,000 sa mga drug addicts na lumapit sa
kanya at humingi ng tulong upang tuluyan na itong maiwasan.
Binibisita rin niya ang mga liblib na kampo ng New People's Army
(NPA) upang pag-igtingin ang peace transaction efforts at
diplomacy.
Dalawang beses kada linggo kung magmaneho paikot ng
Davao City si Duterte upang masiguro na maayos ang lahat ng
bagay. Sa night patrols, binibisita niya ang mga presinto at
sinisigurong hindi natutulog ang mga pulis at inaalam kung
talaga bang alam ng mga nakakulong ang kanilang nagawang
kasalanan. Mayroon ding panahon noon na namahagi siya ng
groceries sa mga pulis upang hindi na nila maisipan pang
mangotong. Sa kabilang banda, siya na mismo ang
nagpapangaral sa mga pulis na mahuhuli niyang lasing habang
oras ng trabaho.
Sinuportahan ni Mayor Duterte ang LGBT rights at
nagsali ng gay candidates sa kanyang partido sapagkat
naniniwala siyang ang lahat ay nararapat lamang na may
representasyon. Isa siya sa mga nagreklamo nang alisin ng
Comelec ang 'Ang Ladlad' isang gay rights group, mula sa
party-list slate. Isa rin siya sa mga tumulong na maipasa ang
Anti-Discrimination Ordinance sa Davao City. Nagsilbi siyang
Vice Mayor ng Davao mula 2010 hanggang 2013.
Ang ilan sa mga kilalang ordinansang ipinatupad sa ilalim ng
kaniyang pamamahala ay ang:
1. Firecracker ban
2. Liquor ban (pagtitinda at pagkonsumo ng alak mula Ika-10 ng
gabi hanggang ika-8 ng umaga sa mga pampublikong lugar)
3. Anti-smoking ordinance
4. Family planning
Inalok siyang manungkulan bilang Kalihim ng Department of
Interior and Local Government (DILG) ng mga dating Pangulong
sina Fidel V. Ramos, Joseph Estrada, Gloria Macapagal-Arroyo, at
Benigno Aquino Ill, ngunit tinanggihan niya ang lahat ng ito. Si
Duterte ang anti-crime consultant ni Arroyo noong 2002. Siya ang
namuno sa anti-terror task force upang makamit ang katahimikan
at kapayapaan sa

Mayroong sariling local show sa Davao City si Duterte na may


pamagat na Gikan Sa Masa, Para Sa Masa ("From the Masses, For the
Masses") na matutunghayan sa ABS-CBN Davao.
Ilang beses niyang tinanggihang tumanggap ng mga parangal.
Noong 2014, siya'y nominado para sa "World Mayor" award ng The
City Mayors Foundation ngunit magalang niya itong tinanggihan.
Aniya, hindi niya ito ginagawa para sa kanyang sarili ngunit ginagawa
niya ito para sa kaniyang mga kababayan. Ang nasabing parangal ay
iginagawad kada dalawang taon sa mga natatanging lider na maayos
na napaglingkuran ang kanilang komunidad. Tinanggihan din niya ang
mga parangal para sa Davao City mula sa American Cancer Society at
ang 2010 Anti-Smoking Award sa Singapore.

Kampanya sa Pagkapangulo

Maraming beses hinimok si Duterte na tumakbo sa


pagkapangulo ngunit tinanggihan ito sapagkat aniya, ang
government system ng Pilipinas ay may mga lamat, siya'y matanda
na, at hindi sang-ayon sa kaniyang pagtakbo ang kaniyang pamilya.
Noong Nobyembre 27, 2015, siya'y pormal na naghain ng certificate
of candidacy (coc).

Kontrobersiya
Bukod sa mga paratang ng extra-judicial killings at iba pang
akusasyon mula sa kaniyang mga katunggali, naipit si Duterte sa
ilang kontrobersiya.
Noong Nobyembre 2016, nang siya'y tanungin tungkol sa
naging karanasan niya sa Maynila sa pagbisita ng Santo Papa,
sinabi niyang nainis siya sa buhol-buhol na trapikong idinulot nito.
Kaya pabiro niyang nasambit ang isang biro sa anyong
pagmumura." Ilang oras matapos niyang bitawan ito, sinabi niyang
hindi niya intensyon na atakihin ang Santo Papa. Dagdag pa niya,
nais niyang magtungo ng Vatican upang humingi ng tawad sa Santo
Papa ngunit pinili na lamang na magpadala ng sulat dito.
Ilang buwan lamang ang nakalipas ay nasangkot na naman
siya sa panibagong kontrobersiya matapos siyang magkomento sa
kaso ng rape na naganap sa kulungan sa Davao noong 1989. Aniya,
galit siya sa mga hostage takers na nanggahasa sa 36-anyos na
misyonerong Awstralyano na si Jacquelline Hammill. Dagdag pa niya,
na dapat nauna rito ang mayor. Marami ang hindi natuwa sa mga
binitawan niyang salita, biro man ito o hindi. Humingi naman siya ng
paumanhin kalaunan at sinabing hindi niya intensyon na
lapastanganin ang mga kababaihan lalo pa ang mga naging biktima
ng panggagahasa.
Inakusahan din siya ng tumakbo namang bise presidente na
si Antonio Trillanes ng pagkakaroon ng umano'y "ill-gotten wealth"
na nagkakahalagang 211 milyong piso. Kinuwestiyon naman sina
Trillanes at ang BPI kaugnay ng bank secrecy law.
Noong ika-5 ng Mayo 2016, isang political campaign ad na
inaatake si Duterte na binayaran ni Senator Trillanes ang ipinalabas
sa mga telebisyon. Ipinakita rito ang mga bata na pinupuna ang
mga kilos at salita ni Duterte. Makalipas ang dalawang araw,
naglabas ng 72-oras na TRO ang Taguig RTC na pinagbabawalan
ang mga istasyon ng telebisyon sa pagpapalabas nito.
Ilang araw bago magtapos ang kampanya, hinikayat ng
papaalis na pangulong si Noynoy Aquino na magkaisa ang lahat
laban kay Duterte. Ayon kay Mar Roxas, kailangan nilang
magkaisa laban kay Duterte na may pagbabanta ng diktadurya,
walang pakialam sa katapatan, integridad, transparency,
responsibilidad, maging desensiya.

Tagumpay
Ilang oras matapos magsara ang botohan, ang partial at
unofficial vote counts na ipinakita ng Comelec at Parish Pastoral
Council for Responsible Voting (PPCRV) na nangunguna si
Duterte sa pagtatamo ng 15,970,018 boto 38.6% ng buong boto
para sa pagkapangulo.
Matapos magtamo ng 16,601,997 boto, iniluklok si Duterte
bilang ika-16 na Presidente ng Republika ng Pilipinas noong ika-
30 ng Hunyo 2016.

Iba pang karanasan sa trabaho


1. Special Counsel — City Prosecution Office, Lungsod ng
Davao, 1977-1979
2. Fourth Assistant City Prosecutor - City Prosecution Office,
Lungsod ng Davao, 1979-1981

3. Third Assistant City Prosecutor - City Prosecution Office,


Lungsod ng Davao, 1981-1983

4. Second Assistant City Prosecutor - City Prosecution Office,


Lungsod ng Davao, 1983-1986
5. Lektyurer on Criminal Law, Criminal Evidence & Criminal
Procedure - Police Academy Regional fraining Center M,
1973
6. Bise-Alkalde - Lungsod ng Davao, 1986-1988
7. Alkalde - Lungsod ng Davao, 1988-1992 (muling nahalal:
1992-1995, 1995-1998)
8. Kinatawan/Kongresista - Unang Distrito ng Lungsod ng
Davao, 1998-2001
9. Alkalde - Lungsod ng Davao, 2001-2004 (muling nahalal:
2004-2007, 2007- 2016)
Si Duterte ay kasapi rin ng mga sumusunod na organisasyon:
1. Integrated Bar of the Philippines
2. Davao Lions International - Chinatown chapter
3. Davao Practical Shooting Association
4. On Any Sunday Riders

Pamilya
Dating kasal si Duterte kay Elizabeth Zimmerman, isang flight
attendant mula Davao. Sila'y may tatlong anak na sina Paolo, Sara, at
Sebastian. Pinasok nina Paolo at Sara ang pulitika samantalang si
Baste naman ay itinuon ang oras at atensyon sa negosyo at surfing.
Noong 2000, na-annul ang kanilang dalawampu't pitong taong kasal.
Taong 2015 nang madiskubreng may stage 3 breast cancer si
Zimmerman.
Kasalukuyang kasama ni Duterte ang kanyang common-law
wife na si Cielito "Honeylet" Avanceňa at ang kanilang anak na si
Veronica. Sa kasalukuyan, mayroong walong apo si Duterte.
(Mula sa: Wikipedia/wikifilipino)

MGA GABAY NA TANONG SA PAGSUSURI NG TEKSTONG DESKRIPTIV:

1. Paano inilarawan ang tauhan sa teksto?

2. Paano binigyang kulay ang naging tagumpay ng tauhan sa teksto? Ano-


ano ang mga patunay hinggil dito?

3. Paano naman binigyang diin ang mga naging kabiguan o mga hadlang
na kinaharap ng tauhan sa teksto? Ano-ano ang mga patunay hinggil
dito?

4. Paano inilarawan ang buhay pamilya ng tauhan? Ano-ano ang mga


patunay hinggil dito?

5. Paano inilarawan ang buhay pulitika ng tauhan? Anu-ano ang mga


patunay hinggil dito? Paano niya hinarap ang mga hamon sa kanyang
pamamahala? Paano mo siya mailalarawan bilang tagapamahala ng
taumbayan?

6. Ano ang repleksyon ng naging simula, mga pag-unlad at patunguhan ng


buhay ng tauhan, maging ang kanyang katauhan sa kabuuan?

7. Anong aral/mensahe ang hatid ng teksto sa mga mambabasa batay sa


pagkakalahad ng paglalarawan sa tauhang tinutukoy dito?

8. Sa kabuuan, ano ang naging kapalaran ng tauhan at naging direksyon


ng kanyang buhay? Paano ito mailalarawan nang may suportang
patunay? Maaaring gumamit ng mga pagtutumbas o paghahambing.
9. Ano ang layunin ng may-akda na sumasalamin sa kabuuan ng kanyang
teksto?

10. Anong repleksyon ang naidulot sa iyo ng teksto bilang mambabasa?


Ilahad at ilarawan ang iyong sarili hinggil dito.

You might also like