Suring Basa
Suring Basa
Suring Basa
ng
Paalam sa
Pagkabata
(Maikling-Kwento)
Yoden Salazar
(10-1)
Gng. Conti
(Guro)
Talaan ng
Nilalaman
Pamagat
I.Panimula
a.Uri ng Panitikan
b.Bansang pinagmulan
c.Pagkilala sa may-akda
d.Layunin ng akda
II.Pagsusuring Pangnilalaman
a.Tema o Paksa ng akda
b.Mga Tauhan/Karakter sa akda
c.Tagpuan/Panahon
d.Balangkas ng mga Pangyayari
3
e.Kulturang Masasalamin sa akda
Pahina
1
1
1
1
1
2
2
2
2
3
III.Pagsusuring Pangkaisipan
IV.Buod
I.PANIMULA
A.Uri ng Panitikan:
Ang akdang Paalam sa Pagkabata ay isang
maikling kuwento. Ang maikling kuwento ay uri ng
panitikan na isang maikling salaysay hinggil sa isang
mahahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o
ilang tauhan.
B.Bansang Pinagmulan:
Ang akdang ito ay nagmula sa bansang
Pilipinas na isinulat sa lalawigan ng Cebu.
D.Layunin ng Akda:
Ang layunin ng akdang ito ay maghikayat
ng mga mam-babasa na ating mahalin at pahalagahan ang
ang ating mga anak. Kadugo man natin sila o hindi, dapat
natin silang mahalin at alagaan. Ang akdang ito ay
naglalayon na matuto tayong magpatawad sa isat isa
upang maging maluwag ang ating kalooban at huwag natin hayaan
na punuin ng galit an gating mga puso.
II.PAGSUSURING PANGNILALAMAN
A.Tema o Paksa ng akda:
C.Tagpuan/Panahon
Ang tagpuan ng akdang ito ay sa bahay nila
Celso kung saan naranasan niya ang hirap at kalupitan ni
Tomas, ito rin ang lugar kung saan lagi niyang nakikita
ang pag-iyak ng kanyang ina, ito rin ang lugar kung saan
nalaman niya ang totoo nang siya ay humarap sa kanilang
salamin. Ikalawang tagpuan ay sa dalampasigan, kung
saan hinihintay ni Celso ang kanyang ama mula sa
pangingisda at kung saan niya narinig ang usapan ng
dalawang lalaki at ang tunog mula sa isang gitara at
nagpapunta sa kanya sa bahay-pawid. Ikatlo naman ay
ang bahay-pawid ang lugar kung saan niya nakita ang
lalaking tumutugtog ng gitara at nakilala niya ang
kanyang tunay na ama.
IV. BUOD
Pagaalay/Pasasalamat
Ang ginawa kong ito ay aking inaalay sa lahat
ng magulang. Dahil ang kwentong ito ay sumasalamin sa
isang pamilya. Nais ko ring imulat ang isip ng mga
magulang na malupit sa kanilang mga anak, na dapat ay
pahalagahan nila at mahalin ang kanilang mga anak. Dahil
naniniwala ako na kadugo mo man o hindi ang itinuturing
mong anak ay ito pa rin ang pinakamagandang regalo o
grasya na natanggap mo mula sa ating mahal na
Panginoon. Gusto ko din magpasalamat sa mga magulang
na minamahal ng sobra at inaalagaan ang kanilang mga
anak. Dahil malaki ang posibilidad na maging mabuting
tao ang iyong anak kung ito ay nagabayan, naalagaan at
ipinaramdam mo ang pagmamahal mo dito ng buong buo.
Gusto ko rin mabuksan ang puso ng mga magulang na lagi
nating suportahan ang ating mga anak nang sa gayon ay
maging inspirasyon nila kayo sa pagtupad ng kanilang
mga pangarap.