KABANATA 9 - RC
KABANATA 9 - RC
KABANATA 9 - RC
INTRO:
Pagkatapos mailathala ni Rizal ang Noli ay nagbalak siyang bumisita sa ilang mahahalagang lugar sa
Europa at napapayag naman niya sa Viola na sumama sa kanya. Natanggap ni rizal ang 1000 na ipinadala sa kanya
ni Paciano sa tulong ni Juan Luna. Ang 300 ay ibinayad niya kay Viola at ang natira ay kanyang gagastusin sa
pagpunta sa Europa.
II. Dresden
Pagdating nila rito ay nataon sa Rehiyonal na eksposisyon ng mga bulaklak. Si rizal ay may interes sa
botanika. Dinalaw din nila sa Adolph Meyer. Pumunta din sila sa Museo ng Sining kung saan humanga si Rizal sa
Prometheus Bound. Nakita din nila Rizal si Dr. Jagor. Nalaman ni Dr. Jagor na may planong pumunta sila Rizal kila
Blumentritt kya pinayuhan nito na telegramahan muna ito ng sa gayun ay hindi magulat sa kanilang unang
pagkikita. (sinunod naman ito ni Rizal)
V. Prague
Dito sila pumunta pagkatapos sa Leitmeritz. Pinuntahan nila sa Dr. Willkomm, isang propesor ng likas na
yaman sa Prague, at ipinasyal niya sila Rizal sa makasaysayang lugar sa siyudad katulad ng libingan ni Copernicus,
museo ng likas na kasaysayan, laboratoryong bakteriolohikal, kweba na pinagkulungan kay San Juan at iba pa.
Pumunta rin sila sa Brunn.
VI. Vienna
Mayo 20 ay narating nila ito. Sila Rizal ay nakipagkita kay Norfenfals, isa sa pinakamahusay na nobelista sa
Europa. Isa rin sya sa mga naging tagahanga ni Rizal.
Sa Vienna natanggap ni Rizal ang kanyang nawawalang diyamanteng alpiler.
Tumuloy sila sa Otel Metropole. Naglibot din sila Viola sa lugar at doon din ay nakilala niya ang 2 kaibigan
ni Blum na sina Maner at Nordmann.
X. Geneva
Sumakay sila Rizal sa Bangka pra tawirin ang maulap na lawa ng Leman sa Geneva. Ang lungsod na ito ang
isa sa pinakamagandang lungsod sa Europa na binibisita ng mga turista taon-taon. Namangka rin sila at pinakita ni
rizal ang kanyang husay sa paggaod sa Bangka.
Noong Hunyo 19, 1887 ay ang ika 26th birthday ni Rizal at niyaya niya si Viola ng magandang tanghalian.
Noong Hunyo 23 ay naghiwalay na ng landas sila Rizal. Si viola ay nagbalik sa Barcelona habang si rizal ay
tumungo sa italya
XI. Ikinagalit ni Rizal ang Eksibisyon ng mga Igorot sa Eksposisyon sa Madrid noong 1887.
Nang nasa Geneva sila Rizal ay nakarating sa kanya ang balita tungkol sa kalunos-lunos na kalagayan ng
mga Igorot sa eksibisyon. May mga namatay at ang kasuotang bahag at krudong armas ay pinagtatawanan at
nilalait ng mga Espanyol. Nagalit si Rizal at doon ay sumulay siya ng sulat kay Blum na nagsasabing nilalait ng mga
pahayagang espanyol ang mga igorot maliban sa El liberal na nagsasabing hindi makatao ang naturang eksibisyon.
Sinabi din niya na “sang-ayon siya sa eksibisyon ngunit hindi sa isang eksibisyon ng kakaibang indibidwal, na
nagpapakita sa aking mga kababayan bilang isang kuyosidad na mag-aliw sa mga tamad na taga-madrid”