Kabanata 3
Kabanata 3
Kabanata 3
Ang unang guro ni Rizal ay ang kanyang ina, na katangi-tangi dahil sa kanyang magandang ugali at
mabining pagkilos.
Edad 3, natutunan niya ang alpabeto at mga dasal. " Ang aking ina”, sabi ni Rizal,"ang nagturo sa
aking ng pagbasa at magdasal.
Bilang guro, si Donya Teodora ay pasensiyosa, tapat, at maunawain.
Siya ang unang nakakita ng talino ng anak sa pagkakatha ng tula. Kaya lagi niyang hinikayat itong
magsulat ng tula. Para naman di mabagot sa pagmememorya ng alpabeto, ng ina ang imahinasyon ng
anak sa pamamagitan ng pagkukuwento.
Habang lumalaki si Jose, umupa ang kanyang magulang ng guro ng magtuturo sa kanya sa kanilang
bahay.
Ang una ay si MAESTRO CELESTINO, at ang pangalawa’y si MAESTRO LUCAS PADUA.
Kinalaunan, isang matandang lalaki, si LEON MONROY na dating kaklase ng kanyang ama, ang
naging guro ni Rizal. Ang matandang guro ay nanirahan sa tahanan ni Rizal at tinuruan si Jose ng
Espanyol at Latin. Sa kasamaang-palad, hindi nagtagal ang kanyang buhay. Namatay siya pagkaraan ng
limang buwan.
Pagkamatay ni Monroy, nagpasiya ang mga magulang niya na ipadala siya sa isang pribadong paaralan
sa Binan.
Isang Linggo ng Hunyo, 1869, pagkaraang makapagmano sa mga magulang at makapagpaalam sa mga
kapatid na babae, nagtungo si Rizal sa Binan.
Sinamahan siya ni Paciano, na siyang pangalawa niyang ama.
Ang magkapatid ay sumakay ng Karomata, at narating ang patutunguhan pagkaraan ng isa’t
kalahating oras.
Nagtungo siya sa bahay ng kanilang tiya kung saan mangungupahan si Rizal. Magdidilim na nang
makarating sila roon at malapit nang sumikat ang buwan.
Nang gabing iyon, namasyal si Rizal sa bayan, kasama ang pinsang si Leandro .
Sa halip na matuwa sa pamamasyal naramdaman ni Jose na hinahanap-hanap na niya ang mga magulang
at kapatid. " Kapag maliwanag ang buwan," naalala niya, "pumasok sa aking isipan ang aking
bayan, ang hinahangaan kong ina, at mga mapagbigay na kapatid. A, totoong napamahal sa akin
ang Calamba, ang aking bayan , kahit na hindi ito kasingyaman ng Biñan.
Kinaumagahan (Lunes), dinala ni Paciano ang nakababatang kapatid sa paaralan ni Maestro Justiniano
Aquino Cruz.
Ang paaralan ay nasa bahay ng guro, na isang bahay kubo, at di kalayuan, mga 30 kilometro, mula sa
bahay ng Tiya ni Rizal. Kilala ni Paciano ang guro dahil siya ay naging estudyante niya noon.
Ipinakilala niya si Jose sa Guro. At pagkaraa’y bumalik na siya sa Calamba.
Kaagad na binigyan ng sariling puwesto si Rizal sa kanilang klase.
Tinanong siya ng guro: "Marunong ka bang mag-Espanyol?"
"Kaunti lamang po, Ginoo," sagot ng batang taga-Calamba.
"Marunong ka bang mag-Latin?"
"Kaunti po, Ginoo."
Nagtawanan ang mga kaklase niya, lalo na si Pedro na anak ng guro.
Ito ang paglalarawan ni Jose sa kanyang guro sa Binan.
"Matangkad siya, payat, mahaba ang leeg, matangos ang ilong, at ang katawan ay medyo pakuba.
Suot niya ay kamisang yari sa sinamay, na hinabi ng mahuhusay na kamay ng kababaihan ng Batangas.
Kabisado niya ang gramatika nina NEBRIJA AT GAINZA. Mabagsik siya bagaman maaaring labis
lamang ang aking paghusga sa kanya, at ito ay paglalarawan ko sa kanya kahit na may kalabuan".
Kinahapunan ng una niyang araw sa paaralan, habang ang guro ay nagsisiyesta, nagkaharap sina Jose at
Pedro. Nagalit siya kay Pedro dahil pinagkatuwaan siya nito habang nakikipag-usap sa guro ng
umagang iyon. Hinamon ni Jose si Pedro sa isang away. Hindi naman nagdalawang isip si Pedro at
tinanggap ang hamon. Marahil ay naisip nito na madali niyang matatalo ang taga–Calamba na mas bata
at mas maliit sa kanya.
Nagsuntukan ang dalawang bata sa silid-aralan, na ikinatuwa ng kanilang mga kaklase. Si Jose, na
tinuruan ng kanyang Tiyo Manuel ng sining ng pakikipaglaban, ang siyang tumalo sa mas malaking
batang ito. Dahil dito, naging popular na siya sa kanyang mga kaklase.
Pagkatapos ng klase sa hapon, isa pang kamag-aral, si ANDRES SALANDANAN, ang humamon sa
kanya ng bunong-braso. Dahil mahina ang braso ni Rizal, natalo si Rizal at muntik nang mabasag ang
kanyang ulo sa bangketa.
Sa mga sumunod na araw, laging napapaaway si Rizal sa mga batang lalaki ng Binan. Hindi naman siya
palaaway ngunit hindi niya tinakbuhan ang anumang away.
Malapit sa paaraalan ay bahay ng isang pintor, na nagngangalang Juancho, na biyenan ng kanilang guro
Dahil sa mahilig sa pagpinta, naglalagi si Jose sa estudyo ng pintor
Nagbigay naman ng libreng aralin sa pagguhit at pagpinta ang matandang Juancho. Napahanaga kasi
siya sa artistikong talino ng batang taga-Calamaba
ARAW-ARAW NA BUHAY SA BINAN
Payak at may maayos na iskedyul ang buhay ni Jose sa Binan. At nakatulong ito ng malaki sa kanyang
kinabukasan. Pinatibay nito ang kanyang katawan at kaluluwa
Ito ang itinala niya tungkol sa kanyang buhay sa Binan:
Ito ang aking buhay dito. Nakikinig ako ng misa tuwing alas kwatro ng umaga, kung mayroon, o
nag-aaral ako ng aking aralin sa oras na iyon at saka ako makikinig ng misa. Uuwi ako sa bahay at
pupunta sa hardin para maghanap ng mabolong makakain. Pagkatapos ay mag-aagahan ako ng
kadalasa’y kanin at dalawang tuyo. Saka ako papasok sa paaralan hanggang alas diyes. Umuuwi ako
kaagad. Kapag may espesyal na putahe, nagdadala kami ni Leandro sa bahay ng kanyang mga anak (na
hindi ko gianagawa kung nasa bahay ako ni hindi ko gagawin kailanman), at babalik ako ng walang
anumang sinasabi. Babalik ako sa paaralan ng aalas dos at lalabas ng aalsa singko. Magdadasal ako
sandali, kasama ang ilang pinsan, bago ako uuwi. Mag-aaral ako ng aking aralin. Guguhit ng kaunti, at
pagkatapos ay maghahapunan ng isa o dalawang silbihang kanin at ayungin, magdarasak kami, at kung
may buwan, inaanyayahan ako ng aking mga pamangkin na makipaglaro sa iabng bata sa kalsada.
Salamat sa Diyos at hindi ako nagkasakit habang malayo sa king mga magulang.
Sa mga araling pang-akademiko, tinalo ni Jose ang lahat ng mga kaklaseng taga Binan.
Naunahan niya ang lahat sa Espanyol, Latin, at iba pang asignatura. May ilang kaklase ang naiinggit
sa kanyang talino . Lagi nilang isinusumbong si Rizal sa guro tuwing nakikipaaway siya.
Kung anu-ano ring kasinungalingan tungkol kay Rizal ang sinasabi nila sa guro. Kaya napipilitan ang
guro na parusahan si Jose.
Kaya nasabi ni Rizal na "kahit mabait na bata ang reputasyon ko, bibihira ang araw na hindi ako
nabibigyan ng lima o anim na palo”
Bago mag-pasko noong 1870, nakatanggap si Jose ng liham mula sa kapatid niyang si Saturnina, at
ipinaalam sa kanya ang pagdating ng barkong TALIM sa Binan na siyang mag-uuwi sa kanya sa
Calamba. Nang mabasa niya ang sulat , nagkaroon siya ng premonisyong di na siya babalik sa Binan
kaya naging malungkot siya. Nagdasal siya sa simbahan, nangolekta ng mga bato sa ilog bilang alaala,
at nagpaalam sa kanyang guro at mga kaklase
Umalis siya ng Binan ng Sabado ng Hapon ng Disyembre 17, 1870, pagkaraan ng isa’t kalahating taon
ng pag-aaral sa bayang iyon. Tuwang-tuwang lumulan sa barkong TALIM dahil ito ang kauna-unahang
pagkakataon niyang makasakay sa isang barko.
Lulan din ng barko ang Pranses na si Arturo Camps, kaibigan ng kanyang ama, na siyang nag-alaga
sa kanya.
Noong gabi ng Enero 20, 1872, mga 200 sundalong Pilipino at manggagawa ng arsenal ng Cavite, sa
pamumuno ng sarhentong Pilipinong si Francisco Lamadrid, ang nag-alsa dahil sa abolisyon ng
kanilang mga pribilehiyo, kasama dito ang di-pagbabayad ng tributo at di pagsasama sa polo (sapilitang
paggawa) ng reaksiyonaryong Gobernador Rafael de Izquierdo.
Sa kasamaang-palad, ang Pag-aalsa sa Cavite ay nasupil pakaraan lamang ng dalawang araw nang
dumating ang tulong na pwersang Espanyol mula Maynila.
Pinalaki ng mga awtoridad na Espanyol ang pangyayari at sinabing ang pag-aalsa ng rebolusyon para sa
kasarinlan ng Pilipinas.
Sa gayon, maisasangkot dito bago maipabitay ay sina Padre Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto
Zamora, mga lider ng kilusang sekularisasyon ng mga paroko, at kanilang mga tagataguyod (Jose M.
Basa, Joaquin Pardo de Tavera, at Antonio Ma. Regidor, atbp.).
Kaya kahit na mismo ang arsobispo ang humihingi ng kapatawaran dahil alam niyang inosente ang
tatlong pari, ipinabitay ang Gom-Bur-Za (Gomez, Burgos, at Zamora) noong bukang-liwayway ng
Pebrero 17, 1872, sunod sa utos ni Gobernador Heneral Izquierdo.
Ang kanilang pagkamartir ang ipinag luksa ng mag-anak na Rizal at maraming makabayang pamilya sa
Pilipinas.
Galit na galit si Paciano sa pagbitay kay Burgos na kanyang kaibigan, guro at kasama sa bahay. Sa tindi
ng kanyang galit, tumigil siya sa pag-aaral sa Kolehiyo ng San Jose at nagbalik sa Calamba. Noon niya
ikinuwento ang buhay ni Burgos sa nakababatang kapatid na si Rizal, na noo’y malapit ng mag labing-
isang taong gulang.
Ang pagkamartir ng Gom-Bur-Za noong 1872 ay naging inspirasyon ni Rizal para labanan ang
kasamaan ng tiraniya ng Espanya at matubos ang mga inaaping kababayan.
Pagkaraan ng labimpitong taon, sa kanyang liham kay Mariano Ponce sa Paris noong Abril 18, 1889,
Sinabi niya:
Kung wala ang 1872, wala ngayong Plaridel o Jaena o Sanciangco ni matatapang na kolonya
ng mga Pilipino sa Europe: kung wala ang 1872, si Rizal ay isa ng Heswita ngayon, at sa halip na isinusulat ang
Noli Me Tangere, ay yaong kabaliktaran ang isinusulat. Sa harap ng mga kawalang-katarungan at kalupitan
noong ako'y bata pa, ang aking diwa ay nagising at isinumpa sa sariling mipaghihiganti ko balang araw ang
maraming biktima, at dahil ito ang nasasa isip, nag-aral ako ng mabuti at mababasa ito sa lahat ng aking mga
ginawa at at isinulat. Balang araw, bibigyan ako ng Diyos ng pagkakataong maisakatuparan ang aking
pangako.”
At kinalaunan, noong 1891, inihandog niya ang kanyang pangalawang nobela, ang El Filibusterismo,
sa Gom-Bur-Za.