Fil
Fil
Fil
Mabuting bigyan ang pag-unlad ng istraktura at gramatikang Filipino dahil lubos itong
nakatutulong sa pagkatatag at pag-aaral ng wika sa kasalukuyan.Kung tatahakin ang kasaysayan ng
gramatika, makapagbibigay ito ng masaklaw na pagtingin at pag-unawa sa proseso ng pag-aaral nito.
Mahalagang aspekto ang pagtingin sa linggwistika kung pag-aaral sa istraktura ng wika ang
tatalakayin dahil ang linggwistika ay tumutukoy sa makaagham na pag-aaral sa wika.Napakahalaga ang
ambag ng linggwistika sa lipunang Pilipino dahil ito ang nagbunsod sa maraming mga iskolar at dalubhasa
upang bigyang tuon ang pag-aaral ukol dito.
Upang lalong maunawaan ito, muli nating sulyapan ang maikling kasaysayan ng linggwistika sa
Pilipinas sa bahaging ito upang magabayan tayo sa mga naging pagbabago at sa daang tinahak ng pag-
aaral ng wika sa bawat panahon gayundin ang naging ambag ng mga ito sa pag-unlad ng pag-aaral ng wika.
Ayon sa kasaysayan, ang mga Kastila ang unang sumakop sa Pilipinas. Dahil sa layunin nilang
maipalaganap ang Kristiyanismo sa ating bansa ,ninais nilang sa halip na ituro ang wikang kastila sa mga
katutubo ,sila na ang nagsagawa ng pag-aaral at natuto sa wika ng mga katutubo. Inakala nilang kabilang
sa wikang Europeo ang wika sa Pilipinas kaya ginawa nilang modelo ang latin at kastila.Upang
maisakatuparan ito, sumulat sila ng mga katesismo, gramatika at bokabularyo gamit ang wikang tagalong
na naging malaki ang kontribusyon sa pag-aaral ng wika sa Pilipinas.
Karamihan sa mga naunang pag-aaral sa mga wika ay ginawa ng mga misyonero o mga prayle.Ang
Doctrina Cristiana sa wikang tagalong (1593) ang naging unang publikasyon. Maraming pag-aaral ang
naisagawa sa wikang Tagalog at iba pang wika sa Pilipinas tulad ng Bisaya, Pampango, Bikol, Ilokano at
maging Pangasinense. Naging malaking tulong din sa lalong madaling paglaganap at pagkakaroon ng pag-
aaral at pagsuusulat ng mga aklat sa gramatika,bokabularyo at iba pang babasahin ang pagkakaroon at
pagkakahati ng mga prayle sa apat na orden na naitalaga sa iba’t ibang bahagi nga Pilipinas.
Nagkaroon ng kani-kanilang imprenta ang mga orden sa lugar kung saan sila naitalaga.Ang mga
Dominican na itinalaga sa Pangasinan at Cagayan ay nagkaroon ng sariling imprenta noong 1593, ang mga
Franciscan sa Camarines ay nagkaroon ng imprenta noong 1606, ang mga Heswita na nasa kalahati ng
Bisaya ay nagtatag noong 1610 at ang mga Augustinian na nasa kalahati din ng Bisaya, Ilocos at Pampanga
ay nagkaroon naman ng imprenta noong 1618.
Narito ang ilan sa mga isinagawa ng mga Kastila tungkol sa wikang Tagalog:
• Arte y Reglas de la lengua Tagala (1560-1614) ni Francisco Blancas de san Jose,nilimbag ito ni
Tomas Pinpin ,gumamit ang edisyong ito ng katutubong baybayin
• Compendio del Arte de laa Lengua Tagala (1650-1724)ni Gaspar de san Agustin ,binubuo ng 54
pahina
• Arte y Reglas de la Lengua Tagala (1668-1742) ni Tomas Ortiz ,binubuo ng 136 pahina ,ayon kay
Tavera (1903),matatagpuan ang isang kopya sa Bibliotica sa Londres
2. Panahon ng Amerikano
• Carlos Everett Conant- may sampung pag-aaral na ginawa tungkol sa mga wika sa Pilipinas mula
1908 -1916,kasama ang (a) pag-aaral sa ponolohiya ng Tirurui (1913);(b)ang ebolusyon ng ‘pepet
vowel ‘ sa 30 wika sa Pilipinas ;(c) ang mga tunog na ‘f’ at ‘v’ sa iilang wika sa Pilipinas ,(d)ang
correspondence ng mga tunog na R-G-H-Y-NULL at R-L-D sa mga wika sa Pilipinas –ang wikang
Tagalog ,Bisaya,Ibanag,Magindananao,Tausug at Bagobo ay napapabilang sa ‘g-languages’,ang
Ilokan at Tirurai sa ‘r-languages’,ang Pangasinense , Kankanai ,Iboloy ,Bontoc at Kalamian sa ‘l-
language’,at ang kapampangan ,Ivatan ,at Sambal sa ‘y-language’;(e) pag-aaral tungkol sa
gramatika ng wikang Isinai at sa mga salitang ugat sa Kapampangan na naging monosyllabic
• Frank Blake- may 15 artikulo tungkol sa mga wika ng Pilipinas mula 1911 hanggang 1950 ,7
tungkol sa wikang Tagalog tinagurian siyang may pinakamahalagang kontribusyon sa linggwistika
sa Pilipinas.
• Leonard Bloomfield –gumawa ng pagsusuri sa wikang Tagalog at tinaguriang siya ang may
pinakamagaling na naisagawang pag-aaral sa anumang wika sa Pilipinas, malaki ang ambag ng
pag-aaral niya sa morpolohiya at sintaks sa Tagalog ,sinuri rin niya ang sintaks ng Ilokano.
• John U.Wolff- gumawa ng pag-aaral tungkol sa mga morpolohiya at sintaks ng Cebuano at mga
pedagodikal na libro, gumawa rin siya ng dirsyunaryo ng Cebuano Visayan.
• David Zorc- gumawa ng klasipikasyon sa wikang Bisaya at gumawa ng rekonstruksyonsa mga ito.
Ang mga ilang nabanggit na dalubhasa ay may malaking kontribusyon sa pag-aaral dahil malaki ang
naitulong nila tungo sa pagiging siyentipiko ng pag-aaral ng mga wika sa Pilipinas lalo na noong naitatag
ang Summer Institute of Languages (SIL) sa ating bansa.Ilan sa mga nagsagawa ng pag-aaral ang mga
sumusunod:
Cecilio Lopez- isa siya sa mga naipadala.Siya ang kauna-unahang nakatapos ng Doktorado sa larangan ng
Linggwistika kaya tinagurian siyang “Ama ng Linggwistika sa Pilipinas” dahil siya ang pinakaunang
linggwistang Pilipino. Sinulat niya noong 1940 ang gramatika ng wikang Tagalog. May humigit kumulang
30 na pag-aaral ang naisagawa ni Lopez tungkol sa mga ponolihiya, morpolohiya, at sintaks ng mga wika
sa Pilipinas .Tinalakay rin niya ang leksikon sa Tagalog at Malay, at ang pangkalahatang katangian ng mga
wika sa Pilipinas.
Ernesto Constantino- May 11 artikulong isinulat mula 1950-1970.Kabilang sa mga isinulat niya ang (a)
sentence patterns of the Ten Major Philippine Languages”(1964) na naghahambing sa istruktura ng mga
pangungusap sa Tagalog, Waray, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Tausug ,Ilookano, Ibanag, Pangasinense at
iba pa;(b) “the sentence patterns of twenty-six Philippine languages”kung saan tinalakay niya ang uri ng
mga pangungusap batay sa mga instrukturang bumubuo nito at ang mga kaukulang transpormasyon; (c)
“Tagalog and other major languages of the Philippines” (1970) na naglalahad ng deskripsyon sa mga
naisagawang pag-aaral sa linggwistika ng Pilipinas mula panahon ng Kastila hanggang 1970,at lumabas
din ang maraming artikulo niya at publikasyon hinggil sa mga diksyunaryo ng English-Filipino (1996-1997)
at Filipino-English at iba pa.
• Consuelo J.Paz-sumulat siya ng deskripsyon at ebalwasyon sa mga naunang mga pag-aaral ng wika
sa Pilipinas.Isang mahalagang kontribusyon niya ang historical na pag-aaral niya tungkol sa “A
Reconstruction of Proto-Philippine Phonemes and Morphemes (1981)”.
• Fe Otanes- Naging katuwang siya ni Paul Schacter sa pagsulat ng gramatika ng wikang Tagalog
(1972)
Hindi lamang hinggil sa linggwistika ang binigyang pansin ng mga dalubhasang Pilipino kundi pati na anyo
mga patakarang pangwika.Binigyang-pansin din nila ang leksikograpiya na siyang nakatulong nang malaki
sa pagpapaunlad at pagpapalimbag ng maraming diksyunaryo nakatulong sa lalong pagpapalaganap ng
wika at gramatikang Filipino.
Mahalaga rin ang naging pagtahak sa mga isinagawang pag-aaral hinggil sa gramatikang Filipino. Dahil
dito, lubos na maiintindihan at makikita ang naging impluwensya ng mga ito sa pagdedebelop at
pagkakaroon natin ng mga aklat panggramatika sa ngayon
Ang mga Gramatikang Tagalog /Pilipino (1893-1977) ay isang mahalagang aklat na isinulat ni Lydia
Gonzales-Garcia hinggil sa usapin ng gramatika. Sa aklat na ito, nilayon niyang suriin ang mga pag-aaral
na isinagawa ng mga Pilipino tungkol sa wikang Tagalog/Pilipino mula 1893 hanggang 1977. Limang aspeto
ang nais niyang ipakita sa pagsusuring ito; (1) ang iba’t ibang gramatikang nasulat sa panahong ito; (2) ang
kaibahan at pagkakatulad ng mga pag-aaral gayundin ang naging impluwensya ng mga taga-ibang bansa;
(3) ang kahalagahan ng pag-aaral ng mga linggwistika ; (4) ang papel na ginampanan nila sa kasaysayan ng
linggwistikang Pilipino;at (5) ang naging ambag nila sa pagdedebelop at pagpapalaganap ng Tagalog bilang
isa sa mga wikang sinasalita sa maraming lugar sa bansa.
Upang lalong maunawaan ang ilan niyang paglilinaw sa ginawang pag-aaral at isinul ng mga
dalubhasa sa wika, narito ang ginawa niyang buod sa kanyang isinagawang pagsusuri sa bawat hati.
Tinukoy dito ang mga pag-aaral na isinagawa ng mga Pilipino na ang ginawang basehan sa pag-aaral
ay ang Kastila.Pinili niya ang mga naturang awtor at pamagat sa paniniwalang sila ang higit na kakikitaan
hinggil sa pagbabago sa wika.Kasama ang mga sumusunod sa naging batayan niya: si Jose Rizal sa kanyang
Estudios sobre la lengua tagala (1893),si Pedro Serrano-Laktaw sa kanyang Estudios gramaticales sobre
la lengua tagala (1928) at si Rosendo Ignacio sa kanyang Nueva gramatica tagala (1921).
Sa kabuuan ,ang mga akdang sinuri sa bahaging ito ay masasabing wika at modelong Kastila pa rin
ang ginamit ng mga mag-aaral na ito.Dito kinakitaan ng paggamit ng modelong Kastila sa pagbibigay nila
ng katumbas ng ser at estar na siyang pangunahing pandiwa sa Kastila.
Mainam ang paglalarawan ni Rizal sa mga bigkas ng mga titik sa Tagalog dahil inihambing niya ang
mga ito sa titik katutubo at iba pang banyagang titik. Nagpapatunay lamang ito na magkakatulad ang mga
bigkas ng mga titik na makikita sa tsart ng mga titik na isinagawa ng mga linggwista.Mapapansin dahil sa
ng mga katutubong Tagalog ay wala itong katulad sa ibang wikang kanluranin,nagkaroon ng pagkakaiba
sa simbolo. Si Rizal ay g, si Laktaw ay ng at Ignacio’y ng.Higit na mainam ang simbolo ngayon na ng,
sapagkat ito ngayo’y walang tanda.
Ipinakilala ni Laktaw ang bagong ortograpiya na tinutulan noon ngunit ngayo’y siyang makabagong
ortograpiya ng Filipino dahil isinama na rito ang mga dayuhang titik.Si Ignacio naman ang nagpakilala ng
iba’t ibang uri ng pangungusap at komplemento.Naging malawak ang kanyang pagsusuri sa sintaktika. Sa
kanya maiuugat ang pag-uuri ng mga pangungusap bilang pagpapanaguri at di-pagpapanaguri.
Pinili ni Gonzales sina Mamerto Paglinawan sa kanyang Balarilang Tagalog at Ignacio Evangelista sa
kanyang Balarilang Pilipino. Sinabi pa rin ni Gonzales na ang dalawang nagsisuring ito sa wikang Tagalog
ang tagapagdala ng unang pananaw na Pilipino sa larangan ng gramatika. Ilan sa naging kontribusyon nila
sa gramatika ay ang ilang katawagan ni Paglinawan (halimbawa ang pang-ukol )na inamit sa kasalukuyang
balarila. Sila ang gumamit ng wikang Tagalog upang maikintal sa isipan ng kabataan ang pagmamahal sa
wika at makapagmalaki sa pagkakaroon ng sariling wika.
Sinikap na Paglinawan na gumamit ng Tagalog kahit na may impluwensiya ang Kastilana ipaliwanag sa
katutubong katangian ang wika.Makikita ito sa kanyang pagpapaliwanag tungkol sa mga verbo. Higit na
malinaw ang pagiging pasiva buhat sa active na pinangungunahan ng mga panlaping banghay sa i-,in, at –
an. Si Evangelista naman,dahil sa nais niyang patunayang naiiba nga ang balarilang tagalong , ay
pinagsikapang suriin ito batay sa inaakala niyang mahalagang sangkap tulad ng ngalan,pamagat at wika
(nombre,adjectivo at verbo).
Kapwa naniniwala ang dalawa na mahalaga ang tungkulin ng panlapi sa mga salitang ito kung saan
ang isang katangian ng Tagalog na ikinaiiba nito sa iba pang wika ay matatagpuan.
Mahalaga ang kanilang naisagawa sapagkat sila’y katutubong nagsasalita ng wikang ito at hindi
nanangan lamang sa mga isinulat ng mga prayle. Sila mismo ang nakaaalam ng mga natatanging katangian
ng wika.
Sa paglikha nila ng mga terminolohiya, kinuha nila ang gamit ng mga salitang ilalarawan. Si
Evangelista’y gumamit ng paulit-ulit na mga salita na siya namang daan ng paglilinaw ng kanyang mga
pagpapaliwanag.
Ginamit man ni Paglinawan ang salitang balarila sa kanyang akda ay hindi naman niya ito ginamit
bilang pamagat ng akda niya. Samantalang si Evangelista ay gumamit ng salitang balarila sa akda niya.
Samakatuwid sa panahong ito naipasok na ang terminolohiyang balarila at hindi ito unang ginamit ni
Santos sa kanyang akda.
c. Gramatikang Pang-Edukasyon
Sinikap ni Gonzales na suriin ang mga gramatikang ginamit sa pagtuturo sa mga paaralan.Dahil
naging pormal na ang pagtuturo ng wika sa mga paaralan, may mga aklat panggramatika ang isinulat ng
mga Pilipino at tinangkang suriin.
Ilan sa mga ito ang isinula na Balarila ng Wikang Pambansa ni Lope K.Santos,Manual ng
Pambansang Wika ( Manual of the Philippine National Language) ni Cecilio Lopez ,at Salitikan ng wikang
Pambansa ni Jose N.Sevilla.
Bilang buod sinabi niyang ang panahong ito ay matatawag na pagpapalaganap sa mga paaralan
ng wikang pambansa batay sa Tagalog.Layunin ng tatlong aklat na maisaalang-alang ang kanilang akda
para magamit sa paaralan.At dahil sila’y may layuning pedagohikal, nararapat lamang na asahang
madaling maunawaan ang kanilang mga akda.
Pinagpilian ang tatlong akda at ang napinili ng Surian ng Wikang Pambansa ay ang aklat ni Santos.
Ang kay Lopez ay masasabing pagtatangkang ipaliwanag ang wika sa puntong panglinggwistika at ang
tunay na kalikasan ng wikang Tagalog bagamat hindi pa handa ang mga tao noon sa pag-aaral ng wika
bilang isang agham.Napakabago ang mga terminolohiyang ginamit niya na hindi pa nakakaharap ng mga
mag-aaral sa kanilang pag-aaral kaya hindi nila agad naunawaan ang kanyang mga paliwanag.
Bagamat may kahirapan ding unawain ang akda ni Santos, dahil sa dami ng mga katuringan at mga
halimbawa nito, higit nitong nasagot na pangangailangan noong panahon iyon. Sistematiko at detalyado
ang kanyang mga pagpapaliwanag bagamat kulang ang bahaging sintaktika na siyang kailangan sanang
malinaw sa mga mag-aaral na gagamit ng balarilang iyon. Ito ang ginawang batayan ng mga pinagaang
balarilang ginamit sa mga paaralan na isinulat nina Rosario Gana at iba pa.
Si Sevilla nama’y simple ang pagpapaliwanag, may mga pagsasanay at mga larawan ng mga bayani
bilang paghahati bukod pa sa mga salawikain,ay may pagkapurista. Humabi siya ng mga salita batay sa
lapi tulad ng siphanay na nangangahulugan ng isip + hanay (pangungusap).
Bawat isa’y may malaking naiambag sa kaunlaran ng gramatika. Si Santos ang nagpatuloy, halimbawa
sa tatlong panahunan ng pandiwa, nagpahayag ng wastong gamit ng gitling at ang naglinaw ng paggamit
ng panlapi ilang active at pasivo batay sa kung ano ang simuno ng pangungusap. Si Lopez naman ang
nagpakilala ng mga tunog ng wika kaalinsabay ng pagsusuring panlinggwistika,pag-uulit ng mga pantig at
pagpapahaba ng mga pangungusap sa iba’t ibang kaparaanan. Sina Sevilla naman ang nagpalawak sa
tinatawag na mgaa unlapi, gitlapi’t hulapi, gayundin sa pagpapadalisay ng wika.
d. Kontemporaryong Gramatika
Ito ang mga makabagong gramatika na tinatangkang gawin ng mga kontemporaryong awtor at mga
mananaliksik sa wika dahil naging laganap na ang linggwistika sa PiliPinas.Isinama ni Gonzales ang mga
sumusunod:Teresita Ramos-Tagalog Structure(1971), Teodoro Llamson-Modern Tagalog( 1977.). Sila ang
mga tinagurian niyang kasama sa kontemporaryong panahon ng pag-aaral sa gramatikang Pilipino.
Sa bahagi ito, tatlong linggwistika ang tinalakay ni Gonzales ,ang dalawa aniya ay modelong Amerikano
ang sinunod at ang isa’y modelong Pranses.Higit na madaling unawain ang sumunod sa modelong
Amerikano na higit na nakaimpluwensiya sa mga pag-aaral sa Pilipinas kaysa sa Pranses. Masalimuot ang
naging pagsusuri ni Llamzon, pang-akademya’t hindi para sa mga mag-aaral lamang,kailangang makabasa
ka ng akda ni Martinet at ng iba pang linggwista na binanggit upang maunawaan ang akda.
Ibang-iba ang terminolohiya niya sa dalawang kasabay at lubhang marami siyang pormularyo na
nararapat isaulo upang makasunod sa patern o makabubuo ng salita,parirala o pangungusap. Marahil
,dahil na rin sa dami ng mga akdang buhat sa Estados Unidos at sa mga propesor na Amerikanong
nagsipagturo sa Pilipinas ,ang akda nina Ramos at Santiago ang higit na naunawaan sa Pilipinas kaysa ang
kay Llamzon.
Masasabing binabanggit nila ang mga istruktura ng wikang Tagalog sa pare-parehong pag-uuri
lamang naiiba ang paraan ng kanilang pagtatalakay.May mga ilang bagay na matatagpuan sa isang akda
na wala sa iba kaya iyon ang nasa sintesis. Ngunit ang lahat ng mahahalagang ng bagay tungkol sa
katangian wika’y naroroon. Mahalaga ang pagsusuri nila sapagkat nasa punto na ng linggwistika,ito na ang
nagbukas ng pinto sa bagong landas ng pag-aaral ng gramatika.
Kung ating susuriin ang ginawang pag-aaral ni Gonzales (1992) sa gramatikang Tagalog,
masasabing maayos at malaki ang ambag nito sa pagkakaroon ng batayang kaalaman sa gramatikang
Filipino. Ipinakita niya sa kanyang pagsusuri ang naging ambag at ang mga pagbabagong naganap sa
gramatikang Filipino mula sa panahon ng mga Kastila na siya ring naging basehan. Mapapansin ditto ang
pagkakalikha ng mga terminolohiya na siyang ginagamit natin sa kasalukuyang pag-aaral sa gramatika at
istraktura tulad ng pagbabago ng salita mula sa verbo hanggang sa naging pandiwa, nombre na sa ngayon
ay pangngalan at marami pang iba pa.
Gayundin ang mga pagbabago sa pagsusuri ng mga pangungusap, kung malalaman ng isang mag-
aaral ang naging basehan ng istruktura ng mga panungusap na kanyang pinag-aralan ,mas madali para sa
kanya ang pang-unawa nito.