Alamat NG Sampaloc

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Alamat ng Sampalok ~ St.

Rose
Narrator: Noong unang panahon, sa isang malayong lugar, may isang matandang mayaman na ubod ng sungit at ubod ng ganid (Tunog ng Wang-Wang) Kapitbahay 1&2: Sunog! Sunog! Sunog! Tulong Tulong!! Tulungan niyo kami!!!... KB 3: Paano na tayo ngayon?!! KB4: Saan na tayo tutuloy?! KB5: Mga kasama, subukan nating lumapit kay Donya Siya lang ang pwede nating tuluyan ngayon sa laki ng kanyang bahay. Tayo na kayo! ( Tok Tok Tok. Kumakatok na Tunog) Donya: Inday, ano bang ingay yan?! Patigilan mo nga ang mga iyan. Inday: Senora, yung mga nasunugan po, makikituloy daw po sila.. Donya: Huh?!?! Ano akala nila sa bahay ko.. AMPUNAN?! Teka nga.. .. Hoy! Anong kaguluhan yan, ang iingay niyo?! Naiistorbo niyo ang pamamahinga ko KB1: Donya, tulungan niyo po kami KB2: Wala po kaming matutuluyan ngayong gabi. Sige napo KB3: Maawa na po kayo sa amin.. Gutom nap o ang mga anak namin. KB4: Parang awa niyo na po Donya. Donya: Hahahahaha! Ano kayo sinuswerte?! Hah! Maawa?? Hahahaha. Magaanak kayo ng marami tapos gugutumin niyo lang. Hindi ko pinatayo ang mansion ko para lang dumihan ng mga hampas-lupang tulad niyo! MGA AMBISYOSO! LAYAS!.. LUMAYAS KAYO SA PAMAMAHAY KO!

(Boom. Pagsara ng pinto) Donya: Hay naku nakapag-iinit kayo ng ulo.. Mga bwisit.. Inday! Indaaay! Indaaaay! Inday: Po, Po, Senorita, Andyan na po Donya: Magmadali ka at paypayan mo ako Baka atakihin ako sa puso ng dahil sa mga hampas-lupang iyon.. Hay. (HINGAL) (Tunog ng PAYPAY) Donya: Ano ba?! Yan na ba ang pinakamalakas mong pagpaypay?! Istupida! Lumayas ka na nga sa harapan ko, lalo lang nag-iinit ang ulo ko sayo! LAYAS!! Inday: Hindi na po, lalakasan ko na po, hayan na po Donya: Hindi na.. Ayoko na makita pa ang pagmumukha mo sa pamamahay ko! BOBA KA!! Inday: Wag po Senora, maawa po kayo.. Donya: Layas na!! Donya: Haaaay Naku.. napakamalas ko naman sa araw na ito.. Makatulog nga muna nang mawala kabwisitan ko sa psteng muchacha. Narrator: Sa di kalayuan sa tapat ng bintana ng silid ng mayamang matanda, naglalaro ang mga bata at di sinasadyang nagising nila ang namamahingang donya Kidlet1: Akin na yan! Huhu huh u KL2: Hindi akin to, akin to, ako kaya nakakakita nito! KL1: Eh akin nga yan! Bigay yan sakin ni Tatay..!! KL 3+4 : Nye Nye Nye Nye. Wala kang buto na ibabato! KL4+6: Beh Beh Beh Beh wala kang buto na ibabato.! KL1: (IYAK) Ang buto ko, bigay niyo sakin ang buto ko! Narrator: Hanggang..

Donya: Haaaayyy.. Ano na naman bang ingay yun! Tsk. Bwisit na buhay to.Hindi na ba ako patatahimikin ng mga hampas-lupang kapitbahay ko?! Teka nga Humanda kayo sakin.. Donya: Hoy! Ano bang ingay yan?! Mga batang patay-gutom, diyan pa kayo nag-ingay sa tapat ng aking mansion.! KL1 : Eh kasi po inagaw nila yung buto ko. (IYAK) KL2: Hindi naman sayo to eh.. KL3: Kami po nakapulot nito KL4: Oo nag po. Samin po to.. KL1: AKIN YAN! AKIN YAN! (IYAK) Donya: Hmph! Magsitigil kayo. Ang ingay-ingay niyo! Puro kayo walang modo! Magsilayas nga kayo jan! Alissss. Wag kayo diyan mag-ingay! Oh LAYAS NA!Kapag di pa kayo umalis, papalapo ko kayo sa aking aso.. PEDRO! Pakawalan mo si Bruno dali! ( Tunog ng Aso) Mga Kidlets: Inay ko po! TAKBO! Ayan na ang aso! Ayan na! BILIS!! Oi, hintayin niyo ako!! Narrator: Makalipas ang ilang lingo.. Donya: (PAKANTA) Hmmm Hmmm Lalalalala~ Kamusta na kayo mga halaman ko (PABANTA) Oh, ano to? PEDROOO! PEDROOO! PEDROOOO! Hali ka nga dito! Ano ito?! Ano ito?! Bakit natuyoy ang mga bulaklak ko?! INUTIL KA! Gusto mo bang palayasin din kita tulad ng dati kong muchacha?! TONTO Pedro: Hindi po, aayusin ko na po. Donya: Ang tamad-tamad mo. Tsk. Aba! Sayang lang ang pinalalamon ko sayo! Magmadali ka, ayusin mo yan! Donya: Hmmm. Aba! Ano ito? Parang ngayon ko lang yata ito nakita sa bakuran ko? Pedro, saan galling ang punong ito? Pedro: Ay! Hindi ko po alam Senora?!! Nagulat na nga lang din po ako nung Makita ko yan at tingnan niyo, senora, ang dami-daming bunga no? KL5&6: OO NGA. KL5&6: Oo nga

Donya: Hmmm alam ko na , malamang yan yung butong pinag-aagawan ng mga batang pulubi dati. Naihagis nila siguro dito. Hahahahaha Tingnan mo nga naman ang swerte ko talaga! Hahahaha Teka, matikman nga.. Donya: Hmmmmm swerte nga! Ang sarap nito ah.. Napakatamis at Napakalinis ng bunga . Hahahaha! Kapag buebuenasin nga naman. Hahahaha! At dahil nasa bakuran ko ito, akin to! Pedro, wag kang mamimigay ng bunga nito ha! Malaki kikitain ko dito. Pedro: Opo.. ako po ba pwede tumikim? Donya: Hindi! ASA KAPA HAHAHA! Narrator: Hanggang sa napansin ng lahat ang hitik na hitik na bungang punong kahoy (Katok at ingay sa gate) Taong Bayan 1 : Donya, baka naman pwede pong matikman ang bunga ng punong iyan. TB2: Oo nga po, ang balita ko matamis yang mga yan. TB3&4: Oo nga po. Sige na po. Tb5: Sa dami ng bungang yan , hindi naman kayo mauubusan . Matuto naman kayong mamigay. Donya: Aba, tinuruan pa ako ng impaktong to!. Eh ano ba pakialam niyo sa puno ko?! Di niyo ba nakikita? Nasa loob ito ng bakuran ko, kaya walang ibang pwedeng gumalaw dito ! Tigilan niyo nga ako!! At baka sa inyo ko pa ibuhos tong tubig na pandilig ko!! TB (sabay sabay): Sige na po. Pahingi po Donya: Pahingi pala ha. Heto oh, Heto ang ibibigay ko sa inyo! (Tunog ng splash ng tubig) Narrator: Hanggang sa may naligaw na pulubi. Pulubi: Ineng, pwede bang humingi ng masarap na bunga ng punong iyan?

Donya: At paano mo naman nalaman tanda na masarap ang bunga nito?! Siguro ninanakawan mo ako kapag walang tao ditto no?!!?! HAH! Pahingi?!? Gusto mo kagat ng aso ibigay ko sayo?! Lumayas ka nga riyan , ang baho-baho mo! Amoy na amoy ko hanggang dito! Pulubi: Sige na po, maawa na po kayo saakin. Gutom na gutom na ako at uhaw na uhaw pa. Ang bunga ng punong iyan ay sapat na. Donya: At ang kulit naman! Sinabi na nga na sakin lang ang punong ito. Wala akong pakialam kung nagugutom ka man!! Pulubi: Parang awa niyo na po gutom na gutom na ako Donya: Di ka ba talaga titigil?! Ginagalit mo talaga ako ha! Teka nga (Tunog ng sanga na hi may dahon na nahampas sa muka) Oh hayan, dahon hahaha. LUMAMON KA NG DAHON! Yan lang ang bagay sayo matandang walang silbi!! Narrator: Laking gulat ng Donya ng biglang magbago ang anyo ng pulubi Donya: Ha?! Anong klaseng nilalang ka? Nasan na ang pulubi? Sino ka? SINO KA? Engkanto: Kaawa-awa ka!! Ang lahat na ng bagay ay meron ka! Bakit ilang pirasong bunga ay ipinagkakait pa?! Sa dami ng iyong yaman, dapat ikaw ay namimigay at namamahagi sa ibang sawi at kulang sa pagkandili! Kasakiman moy sagad hanggang buto, kaya di ka dapat pamarisan ng ibang tao! SA UGALING MONG YAN MAY PARAUSANG NAKALAAN, SA IYONG GINAWAY DI AKO MAGPAPARAYA, SA ASAL MONG PANGIT, BUNGA NG PUNOY PAPANGIT DIN. Lasa niyang matamis, papakla at aasim, Sapagkat ang ugali mo ang magiging Kaparis!! Donya: Wag ginoo, wag niyong gawin yan!Sige! Bibigyan na kita ng bunga. Kung gusto mo ngay hati pa tayo sa lahat ng bunga sa puno na yan!! Engkanto: Sumpain ka sa iyong tinuruan? Ang iyong ginaway walang kapatawaran! Kanina lang akoy iyong sinampal tapos, Ngayon bigla ng bibigyan?

Engkanto: Ganid na matanda, dapat ka nang mawala! Sa mundoy maglalaho ka parang bula!! Donya: HUWAG! HUWAG! HUWAAAAAAAG! (KULOG AT KIDLAT) Narrator: At bigla ngang nawala ang mayamang matanda, Si Pedrong katiwala, may napansin sa bakuran,. Ang bunga ng punoy pumangit at gumaspang.. Nang tikman ang bunga ang lasay di nya na nagustuhan.

Dahil sa sinampal muna ng matanda ang pulubi bago inalok, tinawag ang bungang SAMPAL-ALOK na sa katagal ay nagging Sampalok. At diyan nagsimula ang ALAMAT NG SAMPALOK

You might also like