Mga Alamat, Pabula, Maikling Kwento, Epiko at Bugtong
Mga Alamat, Pabula, Maikling Kwento, Epiko at Bugtong
Mga Alamat, Pabula, Maikling Kwento, Epiko at Bugtong
Noong araw ay may isang magandang dalagang nagngangalang Rosa, na balita sa kanyang angking kagandahan, kayumian, at kabaitan. Maraming
nangangayupapa sa kanyang kagandahan. Ngunit ni isa sa mga ito ay hindi niya mapusuan. Dahil ang gusto ni Rosa ay ang maglingkod sa Panginoon at sa pagtulong sa mga nangangailangan ng kanyang tulong. Ngunit si Cristobal, isang mahigpit niyang mangingibig, ay di makapapayag na di mapasakanya ang dalaga, at itoy nagtangkang agawin si Rosa at dinala ito sa hardin. Ngunit nananalangin si Rosa sa Panginoon at noon diy siyay naging bangkay. Sa takot ni Cristobal ay ibinaon niya ang dalaga sa bakuran nito at saka siya lumayo sa pook na iyon upang di na magbalik kailanman. Mula noon ay hindi na nakita ng mga taga roon si Rosa. Sa halip, sa bakuran nito ay may isang halamang tumubo na may bulaklak ngunit paghawak sa tangkay nito ay mapapasigaw ka dahil sa talas ng tinik ng halamang hinahawakan. Dahil niloob ito ng Panginoon na gawing bulaklak si Rosa na ang tangkay ay may mga tinik na tagapangalaga rito upang di-pagnasaang pupulin lamang ng sinuman.
Alamat ng Aso
Noong panahon na bata pa ang mundo, ay may isang mag-anak ang tahimik at
si Roque ay mapagkalinga
sakanyang pamilya. Nagtatanim siya ng mga gulay at nanghuhuli ng mga hayop sa gubat upang kanilang
pagkain. Samantalang ang ina naman; si Magda siyang nagaasikaso sa kanilang bahay at dalawang anak na sna Maria at Jose. Minsan, nagulat ang pamilya sa pagdating ni Roque mula sa mga pusang gubat nang ito ay maligaw. Inaalagaan nito ang pamilya. At sa paaglipas ng panahon, nagging malakas na ang lalaki na nakilala nilang Damaso. Isinalaysay ni Damaso na pinalayas siya ng kanyang amo dahil sa hindi niya nabantayan ang taniman nito ng ubaaas, nagging dahilan upang manakaw ang bunga ng mga ito. At sa kanyang paglayas, naligaw siya sa gubat at inatake ng maraming alamid. Naawa naman ang pamilya kay Damaso, kaya doon na pinatira sa bahay nila ito. Itinurig nila iting kapamilya at nakatulong pa si Roque sa pang-araw-araw na pahahanap ng pagkain. Ngunit at lingid sa kay Roque, isat may At namumuong isang lihil na nga,
Damaso
isa.
araw
nagpasya sina Damaso at Magda na tumakas at mamuhay sa ibang lugar. Nag-iyakan ang dalawang bataang sina Maria at Jose. Ina, huwag mo po kaming iwan! ang iyak ni Maria. Oo nga po! Mang Damaso, huwag nyong kunin an gaming ina! ang iyak ni Jose. Ngunit hindi naapigilan sina Magda ng kanyang mga anak. Sumakay pa rin sila ng bangka at umalis na kasabay na agos no ilog. Lalong nag-iyakan ang dalawang bata. Nais sanang magbago ng isip si Magda, ngunit nanaig ang kanyang pagkagusto kay Damaso. Mula sa malayo, anong gulat nila Magda nang makitang nagtalunan sa ilog sina Maria at Joseupang humabol. Napatayo si Magda sa bangka, dahil alam
niyang hing marunong lumangoy ang dalawang bata. Siyang pagdating ni Roque, na agad ding tumalon sa ilog upang iligtas ang mga anak. Ngunit lumakas ang agos ng ilog, at napailalim sat big ang mag-aama. Mula sa malayo, natanaw nina Magda at Damaso ang pangyayari. At sising-sisi ang dalawa sa kanilang nagawa, lalo pat hindi na nila nakitang pumaimbabaw sa tubig ang mag-aama. Bigla, mula sa tubig ay isang babae ang lumutang sa hangin. Masahol pa kayo sa mga hayop! Dahil sa inyong makasariling pagnanasa ay nagawa ninyong saktan ang ibang tao. Dapat lamang kayong maging kauri ng hayop, ang wika ng babaeng diwata pala ng ilog. Bigla ang pagbabago ng anyo ni Magda at Damaso.Ang kanilang katawan ay napuno ng balahibo, humaba ang kanilang mga nguso, tumalim ang mga ngipin at nagkapangil, bagkus ay ungol at kaktwang ingay ang lumalabas sa kanilang bibig. Mananatili kayo sa ganyang anyo, hanggat ikaw Damaso, ay hindi natutong tumanaw ng utang na loob sa tong nagpapala sa iyo. At ikaw Magda, hanggat hindi mo naipapakita ang tunay mong pagmamahal sa iyong mga magiging aaanak, at nawala na ang diwata pagkawika niyon.Ang dalawang isinumpa ay namuhay sa kakahuyan. Nagkaroon sila ng maraming anak. Sila ang unang angkan ng mga aso sa daigdig. At sa pagdami ng mga tao, ang mga aso ay naging alaga nila sa kanilang mga tahanan. At hanggang ngayon nga ay pinatutunayan pa rin ng mga aso na sila ay tapat sa kanilang mga amo. Binabantayan nila ang mga bahay ng kanilang amo at ipinagtatanggol ang mga ito samga kaaway, upang patunayan na tumatanaw sila ng utang na loob, sapagkat umaasa pa rin silang mawawala ang sumpa ng diwata. Ang mga inahing asonaman ay labis na binabantayan ang kanilang mga tuta, upang sa ganun ay papatunayan ding marunong na silang magmahal sa kanilang mga anak. Kayat maging maingat tayong makasakit ng iban tao, lalo na ang nagpapala o tumutulong sa atin, sapagkat may kaparusahan sa mga taong hindi marunong tumanaw ng utang na loob na tulad ni Damaso, at ganun din sa mga taong hndi marunon magmahal na tulad ni Magda.
Mga aral ng pabula: Ang paghingi ng paumanhin sa kapwa ay sinusuklian ng pang-unawa. Ang pag-unawa sa kapwa ay humahantong sa mabuting pagkakaibigan. Huwag maliitin ang kakayahan ng iyong kapwa. Hamak man ang isang tao ay maaari siyang makatulong ng malaki o makagawa ng bagay na lubhang makabuluhan.
Isang Agila ang kasalukuyang lumilipad sa kalawakan, buong yabang niyang iniladlad at ibinuka ang kanyang malalapad na pakpak. Habang patuloy siya sa kanyang paglipad ay nakasalubong niya ang isang maliit na ibong Maya at hinamon niya ito. "Hoy Maya, baka gusto mong subukan kung sino sa ating dalawa ang mabilis lumipad?" buong kayabangan ni Agila, kaya naipasya niyang tanggapin ang hamon nito para maturuan niya ng leksyon. "Sige! Tinatanggap ko ang hamon mo. Kailan mo gustong magsimula tayo?" Natuwa ang Agila, himdi niya akalain na tatanggapin nito ang hamon niya. "Aba, nasa sa iyon 'yan. Kung kailan mo gusto," buong kayabangang sagot ni Agila. Napatingin ang Maya sa kalawakan. Nakita niyang nagdidilim ang kalangitan, natitiyak niyang ang kasunod niyon ay malakas sa pag-ulan. "Sige Agila, gusto kong umpisahan na natin ang karera ngayon na. Pero, para lalong maging masaya ang paligsahan natin ay kailangang bawat isa sa atin ay magdadala ng kahit ano ng bagay. Halimbawa ang dadalhin ko ay asukal ikaw nman ay bulak." Tumawa ang Agila sa narinig na sinabi ni Maya. Tuwang-tuwa talaga siya, bakit nga naman hindi eh, mas hamak na magaan ang bulak na dadalhin niya kumpara sa mabigat na asukal na dadalhin naman nito. "O ano, Agila, payag ka ba?" untag ni Maya. "Aba oo, payag na payag ako." "Sige doon tayo mag-uumpisa sa ilog na 'yon at doon tayo hihinto sa ituktok ng mataas na bundok na iyon," wika pa ni Maya. Gusto ng matawa ni Agila sa katuwaan dahil tiyak na ang panalo niya, subalit hindi siya nagpahalata.
At sisimulan nga nila ang paligsahan. Habang nasa kalagitnaan na sila ng kalawakan ay siya namang pagbuhos ng malakas na ulan. Nabasa ang bulak na dala-dala ni Agila kaya bumigat ito ng husto. Nahirapan si Agila , kaya bumagal ang lipad niya. Samantalang ang mabigat sa asukal na dala-dala naman ni Maya ay nabasa din ulan kaya natunaw ito. Napabilis ang lipad ni Maya. Dahilan sa pangyayari, unang nakarating si Maya sa ituktok ng mataas na bundok at tinalo niya ang mayabang na Agila. MENSAHE: Maging mapagpakumbaba sa lahat ng ating mga ginagawa. Huwag maging mayabang at huwag ding maliitin ang kakayahan ng ating kapwa.
Bagong Kaibigan
May napulot akong papel. Nakasulat doon na may matatagpuan daw akong isang kaibigan. Kinakailangan ko raw sumakay para matagpuan ito. Umuwi ako agad sa amin dahil baka naroon na ang kaibigang tinutukoy sa papel. Sumakay ako sa likod ng kabayo pero wala doon ang bagong kaibigan. Binuksan ko ang binatana at nakita ko ang aming hardin. Maraming halaman at insekto doon. Masaya silang naglalaro pero hindi ko sila maintindihan. Lumabas ako sa likod-bahay at nagpunta sa dagat. Sumakay ako ng bangka upang hanapin ang aking kaibigan pero walang ibang tao sa dagat. Ah alam ko na. Sumisid ako sa ilalim ng dagat, sumakay ako sa likod ng dolphin at doon nakita ko ang ibat-ibang hayop at halaman, pero hindi ako mabubuhay doon. Kaya bumalik na lamang ako sa amin. Gabi na ng makauwi ako. Mula sa aking silid ay may natanaw ako na maliwanag sa langit. Mayroong isang bituin na ubod ng laki. Ahah! Pupuntahan ko ang bituin. Kumapit ako sa lobo at pinuntahan ko ito. Pero walang tao roon. Mula sa itaas ay tanaw na tanaw ko ang daigdig na bilog at nagliliwanag. Ang ganda ng kulay. Para itong bolang umiilaw. May kulay bughaw, luntian at kulay lupa. Naisip kong bumalik na, mula sa itaas ay nagpalundag-lundag ako sa mga ulap, ang sarap! Parang mga bulak! Nagpadulas ako sa bahaghari! Subalit wala pa rin akong kalaro kaya gumamit ako ng isang malaking payong at ginawa kong parachute. Napunta ako sa kagubatan. Doon ay nagpupulong ang mga hayop. Hindi ko sila maintindihan kaya bumalik na ako sa amin sakay-sakay ng isang elepante. Maya-maya ay kinalabit na ako ni inay. Gising na anak, may pasok ka ngayon Nay, nanaginip ako na may makikilala akong bagong kaibigan! Oo, meron nga, doon sa inyong paaralan kaya gumising ka na at darating na angschool bus.
Si Pingkaw
Naalimpongatan ako sa pagtulog nang hapong iyon sa sigawan at nanunuyang tawanan ng mga bata sa kalsada. Dali-dali akong bumangon, nagpahid ng pawis at dumungaw sa bintana. Si Pingkaw pala na sinusundan ng mga bata. Gula-gulanit ang kanyang damit na ilang ulit nang tinagpian at may medyas ang isang paa na ewan kung asul o berde. Malayo siya kaya't di ko Makita nang mabuti. Sa kabilang binti, may nakataling pulang papel de Hapon na may kabit na lata sa dulo. Sa kanyang ulo, may nakapatong na palara na kumikinang tuwing tinatamaan ng sinag ng araw. "Hoy, Pingkaw," sigaw ng isang bata na nakasundong abot sa tuhod at may itinatawing-tawing sa daga. "Sige nga, kumanta ka ng blak is blak." "Ay, hiya ako," nag-aatubiling sagot ng babae, sabay subo sa daliri. "Kung ayaw mo, aagawin namin ang anak mo," nakangising sabat ng pinakamalaki sa lahat, mahaba ang buhok at nakakorto lamang. At umambang aagawin ang karga ni Pingkaw. Umatras ang babae at hinigpitan pa ang yapos sa kanyang karga. "Sige agawin natin ang kanyang anak," sabi nilang pahalakhak habang pasayaw-sayaw na pinalilibutan si Pingkaw. Maya-maya'y nakita kong lumuhod si Pingkaw sa lupa at nag-iiyak na parang bata. "Huwag niyo naming kunin ang anak ko. Isusumbong ko kayo sa meyor." Patuloy pa rin ang panindyo ng mga bata kahit na lumakas ang hagulhol ni Pingkaw. Nakadama ako ng pagkaawa kay Pingkaw at pagkainis sa mga bata. Kaya't sumigaw ako para takutin sila. "Hoy mga bata, salbahe n'yo! Tigilan n'yo ang pagtukso sa kanya." Ewan kung sa lakas ng pagsigaw ko'y natakot ang mga batang isa-isang nag-aalisan. Pagkaalis nila, tumingala si Pingkaw sa akin at nagsabi:
"Meyor, kukunins nila ang aking anak." Hindi ko mapigilan ang aking pagngiti. May koronel, may sergeant, may senador siyang tawag sa akin. Ngayon meyor na naman. "O sige, hindi na nila kukunin yan. Huwag ka nang umiyak." Ngumiti siya sa akin. Inihele ang kayang karga. Nahulog ang basahang ibinalot sa lata ng biskwit. Dali-dali niya itong pinulot at muling ibinalot sa lata. "Hele, hele tulog muna, wala ditto ang iyong ina" ang kayang kanta habang ang lata'y ipinaghele at siya'y patiyad na nagsasayaw. Natigilan ako. At naalala ko ang Pingkaw na dati naming kapitbahay sa tambakan, nang hindi pa siya ganito. Ang paghahalukay ng basura ang kanyang hanapbuhay (sa amin ang tambakan ng syudad) at ditto nagmumula ang kanyang makakain, magagamit o maipagbili. Madalas siyang umawit dati-rati. Hindi naman kagandahan ang kanyang tinig -basag at boseslalaki. Subalit kung may ano itong gayuma na bumabalani sa pandinig. Ewan kung dahil sa tila malungkot na tinig ng kanyang paghehele o kung dahil sa pagtataka sa kanyang kasiyahan gayong isa lamang siyang naghahalukay ng basura. Kadalasan, pabalik na siya niyang galling sa tambakan. Ang kariton niya'y puno ng kartong papel, bote, mga sirang sapatos, at sa loob ng bag na burin a nakasabit sa gilid ng kanyang kariton, makikita mo ang kanyang pananghalian. Ito'y mga tira-tirang sadinas, karne norte o kaya'y pork and beans, pandesal na kadalasa'y nakagatan na at kung minsan, kung sinuswerte, may buto ng fried chicken na may lamang nakadikit. Sa kanyang yayat na katawan masasabing tunay na mabigat ang kanyang tinutulak, ngunit magugulat ka, tila nagagaanan siya at nakakakanta pa ng kundimang Bisaya. Pagdating niya sa harap ng kanilang barung-barong, agad niyang tatawagan ang kanyang anak: "Poray, Basing, Takoy, nandito na ako." At ang mga ito, dali-daling nagtakbuhan pasalubong sa kanya habang hindi makaringgan sa pagtatanong kung may uwi ba raw siyang dyens na estretsibol; ano ang kanilang pananghalian, nakabili ba raw siya ng bitsukoy? Dalawang taon kaming magkapitbahay ngunit hindi ko man lamang nalaman ang kanyang tunay na pangalan. Pingkaw ang tawag ng lahat sa kanya, b'yuda na s'ya. Namatay ang kanyang asawa sa sakit ng epilepsy habang dinadala niya sa kanyang sinapupunan ang bunsong anak. Samantala, si Pisyang Tahur ay sumusumpa sa
kanyang paboritong santo na hindi raw kailanman nakasal si Pingkaw. Iba-iba raw ang ama ng kanyang tatlong anak. Ang kanyang panganay, si Poray, ay labis na mataas para sa kanyang gulang na labintatlong taon at masyadong payat. Tuwing makikita mo iting nakasuot ng estretsibol na dala ng ina mula sa tambakan, maaalala mo agad ang panakot-uwak sa maisan. Si Basing, ang sumunod, sungi ngunit mahilig pang pumangos tubo gayong umaagos lamang ang katas sa biyak ng kayang labi. Ang bunsong ewan kung tatlong taon pa lamang ay maputi at guwapung-gwapo. Ibang-iba sa kanyang mga kapatid kaya kung minsa'y naisip mong totoo nga ang sinasabi ni Pisyang Tahur. Pagkatapos mananghalian, aalisin na ni Pingkaw ang mga laman ng kariton, ihihiwalay ang mga lata mga bote, mga kariton at iba pang nakalagay rito sa napulot sa tambakan katulong ang kayang mga anak. Kinasanayan na ni Pingkaw na umawit habang gumagawa. Kung minsan, sumasabay ang kayang mga anak at ang sungi ang siyang may pinakamataas na tinig,. Pagkatapos, itutulak na niya ang kariton patungo sa Tsino na tagabili. Talagang mahal ni Pingkaw ang kanayang mga anak. Sa tambakan, karaniwang makikita mo na sinasaktan ng mga ina ang kanilang mga anak, ngunit hindi mo man lamang makikita si Pingkaw na inaambaan ang kanyang mga anak. "Ang mga bata," nasabi niyang minsang bumili siya ng tuyo sa talipapa at nakitang pinapalo ng isang ina ang maliit na anak na nahuli nitong tumitingin sa malalaswang larawan, "hindi kailangang paluin, sapat nang turuan sila nang malumanay. Iba ang batang nakikinig sa magulang dahil sa paggalang at pagmamahal. Ang mga bata, kung saktan, susunod sa iyo subalit magrerebelde at magkimkim ng sama ng loob." Sa tunggalian ng pamumuhay sa tambakan na roo, ang isang tao'y handing tumapak sa ilong ng kapwa tao mabuhay lamang. Nakapagtataka si Pingkaw. Lubha siyang matulungin lalo na sa katulad niyang naghahalukay lamang ng basura. Madalas siyang tumutulong sa pagtutulak ng kariton ng iba lalo na ng mga bata at matatanda. Sinasabi rin na sa pagsisimba niya tuwing Linggo hindi kukulangin sa piseta anf kayang ipinamamahagi sa mga nagpapalimos. Alam ng lahat sa tambakan ang pangyayaring ito. Minsan, nagkasakit ng el to rang sunging anak ni Pingkaw. Nagtungo ang babae sa suking Tsino. Nakiusap na pautangin siya. Magpapahiram naman daw ang Tsino ngunit sa isang kondisyon. Bukambibig na ang pagkagahaman sa babae ng Tsino na ito: pinagdugtung-dugtong ng
mga tagatambakan kung ano ang kondisyong iyon sapagkat wala naman talagang nakasaksi sa pag-uusap ng dalawa. Nalaman na ng lahat ang mga naganap; ang pagkabasag ng kawali na inihambalos ni Pingkaw sa ulo ng Tsino. Hindi rin nadala ni Pingkaw ang kanyang anak sa doctor. Pag-uwi niya, naglaga siya ng dahon ng bayabas at ipinainom sa anak. Iyon nalamang ang nakapagpabuti sa bata. "Nagpapakita rin na may awa ang Diyos. Kung ninais Niyang mamatay ang aking anak, sana'y namatay na. ngunit dahil naisip pa Niyang mabuhay ito, nabuhay rin kahit hindi naipadoktor," ang sabi ni Pingkaw nang magpunta siya sa talipapa bago pa man gumaling ang kanyang anak. Minsang nag-uusap ang mga nagsisipagtipon sa talipapa tungkol sa bigas relip, at iba pang bagay na ipinamimigay ng ahensya na nangangalaga sa mga mahihirap. Sumabat si Pingkaw na nagkataong naroroon, "Bakit iaasa ko pa sa ahensya ang aking pamumuhay? Malusog at masigla pa naman ako sa pagtutulak ng aking kariton upang tulungan. Marami pa riyang iba na higit na nararapat tulungan. Ang hirap lang sa ating pamahalaan, kung sino ang dapta tulungan ay hindi tinutulungan. Ngunit ang ibang mabuti naman ang pamumuhay, sila pa ang nakatatanggap ng tulong. Kabaliwan" Iyan si Pingkaw. Kontento na siya sa kanyang naabot sa buhay. Naganap ang sumunod na pangyayai kay Pingkaw nang ako'y nasa bahay ng aking kapatid na may sakit. Isinalaysay ito ng aking mga kapitbahay pagbalik ko, at matinding galit ang aking nadama. Isang araw, matapos silang mag-agahan ng kayang mga anak, bigla na lamang namilipit ang mga bata sa sakit sa tiyan. Ewan kung dahil sa sardines o sa kung ano mang panis na kanilang nakain. Natuliro si Pingkaw. Nagsisigaw. Tumakbo siya sa mga kapitbahay upang humingi ng tulong. Ngunit wala silang maitulong maliban sa pagsabihan siyang kailangan dalhin ang mga anak sa ospital. Walang nagdaraang mga saasakyan sa kalyehon kaya sa kariton isinakay ni Pingkaw ang kanyang mga anak. Nagtungo siya sa bahay ng isang doktor na malapit lamang, ngunit wala ang doktor at naglalaro ng golp, ayon sa katulong. Itinulak niyang muli ang kariton at nagpunta sa bahay ng isa pang doktor. Matagal siyang tumimbre nakita niyang may sumisilip-silip sa bintana. Kaya nagugulkuhang itinulak na naman ni Pingkaw ang kanyang kariton papuntang bayan. May doktor doon ngunit wala naming gamut para sa nalason.
Halos hindi makakilos sa pagod si Pingkaw, bukod pa sa kanyang lubhang pagkalumbay sa pagiging maramot ng kapalaran. Ipinagpatuloy niya ang pagtulak ng kariton. Nang makarating siya sa punong kalsada, maraming sasakyan ang kanyang pinahinto upang isakay ang kanyang mga may sakit na anak ngunit wala ni isa sa mga ito ang tumigil. Maya-maya napansin niyang hindi na kumikilos ang kanyang panganay. Para siyang sinakluban ng langit nang mabatid niyang hindi na ito humihinga. Umiiyak siyang nagpatuloy sa pagtulak ng kariton para iligtas ang buhay ng natitira pa niyang dalawang anak. Maraming tao ang may pagkamanghang nagmasid sa kanya, subalit wala kahit isa mang lumapiot upang tumulong. Tumalbug-talbog ang katawan ng kanyang mga anak sa kariton habang nagdaraan ito sa mga lubak-lubak ng kalsada. Pakiramdam niya'y isang daang taon na siya nang makarating sa pambansang ospital. Matapos ang pagtuturuan ng mga doktor at narses na ang tinitingnan lamang ay mga pasyenteng mayayaman na wala naming sakit, binigyan din ng gamut ang dalawang anak ni Pingkaw. Nang gumabi'y namatay si Poray, ang pinakamatanda. Dalawang araw pa ang lumipas, sumunod namang namatay ang bunso. Nakarinig na naman ako ng kaguluhan. Muli akong dumungaw. Si Pingkaw na nagbalik, sinusundan na naman ng mga pilyong bata. "Hele-hele, tulog muna, wala ditto ang iyong nanay" ang kanta niya, habang ipinaghehele ang binihisang lata..
Nakatanggap si Tuwaang ng mensahe buhat sa hangin na nagsasabi na kailangan niyang dumalo ng kasal ng Dalaga ng Monawon. Huwag kang pumunta, Tuwaang, babala ng kanyang tiyahin. Nararamdaman ko na mayroong masamang mangyayari sa iyo doon. Huwag kang mag-alala, tiyang. Kaya kong alagaan ang sarili ko sinabi niya ng matatag at determinadong pumunta. Hindi mo naiintindihan, Tuwaang. Hindi ako natatakot sa kahit ano, tiyang. Ngayon ang tanging nalalaman ko ay gusto ko makita ang kagandahan ng Dalaga ng Monawon. Hindi pinakinggan ni Tuwaang ang kanyang tiyahin. Naghanda siya sa pagdalo sa kasal. Isinuot niya ang damit na ginawa ng mga diyos para sa kanya. Mayroon siyang hugis pusong basket na maaaring makagawa ng kidlat. Dala rin niya ang kanyang espada at panangga at isang mahabang kutsilyo. Sumakay siya sa kidlat at nakarating sa kapatagan ng Kawkawangan. Doon ay natagpuan niya ang Gungutan, isang nakapagsasalitang ibon. Gusto ng ibon na sumama sa kanya sa kasalan kaya dinala na niya ito. Nang makarating sa Monawon, siya ay magalang na pinapasok sa loob ng bulwagan kung saan ginaganap ang kasalan. Nagsimulang magdatingan ang mga bisita. Unang dumating ay ang Binata ng Panayangan, pagkatapos ay ang Binatang Liwanon at ang Binata ng Sumisikat na Araw. Huling dumating ang lalaking ikakasal, ang Binata ng Sakadna na kasama ang isang daang lalaki. Nang dumating ay iniutos ng lalaki na paalisin ang mga bisitang hindi nararapat na naroon. Nainsulto si Tuwaang sa sinabi ng lalaking ikakasal na silang lahat ay pulang dahon, na ang ibig sabihin ay mga bayani. Nagsimula ang seremonya sa pagaalay ng mga bisita ng mga mamahaling regalo. Dalawa ang natira para sa lalaking ikakasal ngunit inamin ng Binata ng Sakadna na wala silang gintong plauta at gintong gitara na maitutumbas sa mga natira. Tumulong si Tuwaang. Sa kanyang misteryosong hininga siya ay nakagawa ng gintong plauta, gitara at gong.
Lumabas na ang babaing ikakasal sa kanyang silid at nagsimulang magbigay ng nganga sa bawa't isang bisita. Pagkatapos ay tumabi ito kay Tuwaang na naglagay sa lalaking ikakasal sa kahiya-hiyang sitwasyon. Pakiramdam ng lalaki ay nainsulto siya. Lumabas ito sa bulwagan at hinamon si Tuwaang sa isang laban. Ipakita mo sa akin na nararapat ka sa karangalang ibinigay sa iyo ng aking minamahal sa pagtabi niya sa iyo! sabi ng galit na Binata ng Sakadna. Labanan mo ako hanggang kamatayan! Tumayo si Tuwaang at tinanggap ang hamon ngunit hinawakan siya ng babaing ikakasal. Bayaan mong suklayin ko muna ang iyong buhok bago mo siya labanan, sabi
ng babaing ikakasal kay Tuwaang. At buong pagmamahal niyang sinuklay ang kanyang buhok. Tinitigan ni Tuwaang ang babae. Nakita niya ang pagmamahal at paghanga nito sa kanyang mga mata. Mag-ingat ka sa pakikipaglaban sa kanya, babala ng babae. Hindi siya marunong lumaban ng patas. Hinawakan ni Tuwaang ang kamay ng babae at hinalikan ito. Para sa iyo binibini, mag-iingat ako! sabi niya at lumabas na ito sa bulwagan upang labanan ang lalaki. Tumango ang babaing ikakasal at kumaway sa kanya at umaasa sa kanyang kagalingan. Hinarap ni Tuwaang at ng Gungutan ang Binata ng Sakadna at ang isang daang lalaki. Lumaban sila ng buong makakaya at pagkatapos ng isang maikling pagtutunggali ay natalo niya at ng Gungutan ang siyamnaput-apat na lalaki. Madali nilang natalo ang anim pang natirang nakatayo hanggang siya at ang Binata ng Sikadna na lamang ang natirang nakatayo. Binato si Tuwaang ng lalaking ikakasal ng malaking bato ngunit naging alikabok lamang ito bago pa man nito tamaan si Tuwaang. Dahil sa masidhing laban ay lumindol ang lupa at lahat ng mga puno ay nagbagsakan. Binuhat ng lalaking ikakasal si Tuwaang at ibinato ng malakas sa lupa. Lumubog ito ang nakakarating sa Hades. Sa Hades, nakita ni Tuwaang si Tuhawa, ang diyos ng Hades. Sinabi ni Tuhawa na ang buhay ng lalaking ikakasal ay nasa gintong plauta. Lumitaw mula sa lupa si Tuwaang at pinatay ang lalaki sa pamamagitan ng pagbili sa gintong plauta. Tumakbo ng masaya ang babae sa kanya. Niyakap niya ito at hinalikan sa kanyang pisngi at labi. Maari ka bang sumama sa akin? tanong ni Tuwaang sa babae. Ng buong puso, sagot nito. Umuwi si Tuwaang sa Kuaman kasama ang babae at ang Gungutan at namuhay sila ng magkakasama, magpakailanman.
5. Kung gusto mong tumagal pa ang aking buhay, kailangang ako ay mamatay. KANDILA