Alamat NG Lansones
Alamat NG Lansones
Alamat NG Lansones
Noong unang panahon sa isang bayan sa Laguna ay matatagpuan ang isang uri ng
puno na may bilugan hugis ang bunga. Sa panahon ng tagbunga, kahit na hitik sa
bilugang bunga ang nasabing puno ay walang sinuman ang nangangahas na lapitan
o kainin ito. Sa likod ng tila ba masarap na anyo ng bunga nito ay nakakubli ang
matindi at maaring nakamamatay na lason.
Isang araw ay may isang babaeng nakaputi ang dumating sa bayan. Kakatuwa ang
babaeng ito dahil ito ay pakanta pang tinungo ang lugar kung saan matatagpuan
ang punong namumunga ng bungang may lason. Sinubukang pigilan ng ilang
nakatatanda ang babae ngunit tila ba hindi sila narinig nito at patuloy lamang sa
maligayang pag-awit nito at nagsimulang pitasin ang bunga ng puno.
Nagimbal ang mga taong nasaksihan ang pagkain ng babae sa nakalalasong bunga
ng puno sa kabila ng kanilang pagbabala dito. Inasahan na ng mga taong-bayan na
anumang oras ay babagsak ito ngunit nakailang bunga na itong nakakain ay wala
pa ring nangyayari. Sa halip ay sarap na sarap pa ito sa pagkain. Marahil sa
pagataka at gutom ay nagsimulang lumapit ang mga kabataan sa babae.
Tinanong ng babae ang mga lumapit na bata kung bakit tila ba hindi nagagalaw ang
mga masasarap na prutas ng nasabing puno. Inilahad sa kanya ng mga bata ang
kuwento ng nakalalasong puno at umiling lamang ang babae. Pumitas siya ng bunga
at pinisil ito upang ilantad ang kaaya-ayang laman ng bunga ng nasabing puno. Sa
gutom ay nagbakasakali ang isang bata upang tikman ito.
“Masarap at malinamnam!” ang nasabi ng bata at muli itong pumitas. Nang makita
ito ng mga taong-bayan ay nagsimula itong lumapit sa nasabing puno upang kumuha
ng bunga upang kainin. Lahat ay nabigla sa kakaibang tamis ng dating itinuring
nilang bungang may lason. Sa di maipaliwanag na pangyayari ay bigla na lamang
nawala ang babaeng unang kumain ng bunga ng puno ng lason. Matapos mabatid na
wala na ang lason sa puno ay naitawid ng bayan ang matinding tag-init.
Pinaniwalaan ng mga taong-bayan na ang babaeng nakaputi ay isang diwatang
sumagot sa kanilang panalangin.
Sa paglipas ng panahon ang dating puno at bunga na may lason ay tinawag na nilang
“lansones”.
Aral: