A Darn A

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Noong unang panahon sa malayong reyno ng Berbanya, mapayapa at masayang namumuhay ang mga mamamayan nito na di nakakakilala ng ligalig.

Ito ay utang ng lahat sa mabuting pamamalakad ng mabait na Haring Fernando at ng kanyang butihing maybahay na si Reyna Veleriana Tatlong makikisig na binata ang kanilang mga anak na kapwa lugod ang mga kanilang puso. Isa sa kanila ang nakatadhanang magmana ng setro at korona ng kaharian ng Berbanya. Si Don Pedro ang panganay sa tatlo, at siya ay naniniguro na siya ang magiging tagapagmana ng korona. Malakas siya, matikas at kinagugulatan ng lahat sa paghawak ng espada. Sumunod sa panganay ay si Don Diego, ang binatang taring kung turingan, malilikot ang mga mata at tunay na mabilis sa mga dalaga. Siyay mahusay din sa espada. At ang bunso ay si Don Juan na bagamay mahiyain at may katangiang mababang-loob ay tunay na kaakit-akit at itinitibok ng puso ng mga kadalagahan sa buong sakop ng kaharian. Sino sa tatlo ang karapat-dapat na magmana ng trono? Iyan ang kaisipang bumabagabag sa kalooban ng matandang Haring Fernando. Sa labis na pag-iisip na iyon at dahil na din sa katandaan marahil ay naratay ang hari sa isang di maipaliwanag na pagkakasakit. Ipinatawag ang mga magagaling na manggagamot. Subalit hindi matuklasan ng mga dalubhasa ng reyno kung ano ang sanhi ng kanyang karamdaman. Nagdulot ito ng labis na pag-aalala sa reyna. Ang pagkakasakit ng hari ay ikinabahala ng labis ng buong kaharian. Itoy labis ding dinamdam ng bunsong anak na si Don Juan subalit hindi nina Don Pedro at Don Diego na waring ang pagkakasakit ng ama ay isang bagay na dapat agahan kundi man malaon nang kainipan. Nang gabing iyon, habang tinatangay ng nakahihibang na lagnat ang balisang hari sa kanyang himlayan ay isang waring panaginip ang kaniyang gunita. Isang pagkaganda-gandang diwata na mistulang sugo ng langit ang nanaog upang ihatid sa kanya ang balita sa magsisilbing lunas sa kaniyang karamdaman. Dahil hanggang ngayoy hindi pa napagpasiyahan ng hari kung sino ang magiging tagapagmana ng kaharian. Ang kaniyang karamdaman ay ibinigay sa hari upang matulungan siyang magpasiya. Dito nakasalalay ang kinabukasan ng kaharian ng Berbanya. Kung sinuman sa mga anak ng hari ang makakapagpagaling ay siyang karapat-dapat na maging tagapagmana ng setro at korona. Sa Bundok ng Enkantadong Tabor ay namumugad ang Ibong Adarna, kung sino sa anak ng hari ang makakahuli at magdadala nito sa hari ay siya ang kaniyang pipiliin. Sa sandaling madala na ang ibon at marinig itong umawit, ang hari ay gagaling. Isinalaysay ng hari kay Reyna Valeriana ang panaginip na dumalaw sa kanya. Ito ay nagbigay ng ibayong pag-asa sa kanyang nanlulumong kalooban dahil sa karamdaman. At hindi nga nagtagal ay gumayak na si Don Pedro upang patunayan sa lahat na siya ang tunay na tagapagmana ng setro at korona. Ipinagbunyi ng buong lugod ng mga mamamayan ang paglisan ni Don Pedro upang hanapin ang Ibong Adarna. Ang lahat ay umaasang magtatagumpay ang prinsipe sa pagkuha ng lunas na magpapagaling sa minamahal nilang hari.

Nang makita nilang wala ng lakas at halos hindi na humihinga si Don Juan, kinuha nila ang Ibong Adarna. Iniwan ng dalawa ang inaasahan nilang mamamatay na si Don Juan at matulin silang nagbalik sa kaharian ng Berbanya. Isang mabunying pagsalubong ang inukol ng mamamayan ng reyno ng Berbanya sa dalawang animoy mga bayaning nagbalik. Ngunit pagdating nila doon ay lulugo-lugo na ang ibon at ayaw nitong umawit. Sinabi ng Ibong Adarna na aawit lamang siya sa harap ng tunay na nakahuli sa kanya, at ito ay si Don Juan na binugbog ng dalawang kapatid na prinsipe. Si Don Juan naman ay halos di makatayo sa kanyang kalagayan dahil sa natamo niyang matinding pambubugbog. Kayat siyay matimtim na nanalangin sa Birheng Maria upang siya ay tulungan. Parang tinugon naman ang kanyang panalangin, dahil may dumating na isang matanda at siya ay ginamot. Agad na umuwi sa kaharian si Don Juan sa pangambang hindi niya maabutang buhay ang kanyang amang hari. Pagdating ni Don Juan, noon din ay pumailanglang at napuno ang buong silid ng matamis at malambing na awitin ng Ibong Adarna. At sa pag-awit na iyon ng Ibong Adarna, agad na gumaling ang karamdaman ni Haring Fernando. Nagpatawag ng isang pagpupulong ang hari sa konseho. Napagkaisahan na parusahan ang dalawang prinsipe sa pamamagitan ng pagtapon sa dalawa upang hindi na makasama ni Don Juan. Ngunit sa kabaitang taglay ni Don Juan ay hindi niya hinayaang maparusahan ang kanyang mga kapatid. Dahil sa Adarna, gumaling si Haring Fernando, kaya naman pinabantayan niya ang Ibong Adarna sa tatlo niyang anak. Kung sinuman ang magpapakawala nito ay mapaparusahan ng kamatayan. Sina Don Pedro at Don Diego ay likas na may kasamaang ugali. Isang gabi, nang si Don Juan ang nagbabantay ay tila nakatulog. Marahang lumapit si Don Pedro sa ibon at ito ay kanyang pinakawalan. Lumipad papalayo ang Ibong Adarna sa kaharian ng Berbanya. Nang magising si Don Juan ay laking pagtataka niya nang makitang wala na ang Ibong Adarna. Natakot si Don Juan dahil alam niyang mapaparusahan siya ng kamatayan. Napagpasiyahan ni Don Juan na umalis upang hanaping muli ang Ibong Adarna. Nang magising si Haring Fernando, nakita niyang wala na sa hawla ang Ibong Adarna. Tinanong niya sina Don Pedro at Don Diego kung sino ang nagpakawala sa Adarna. Ang isinagot ng dalawa ay si Don Juan. Akala ng dalawa ay naisahan na nila ang kanilang bunsong kapatid ngunit dahil sa nawawala si Don Juan, ay agad inutos ng amang hari sa kanila na hanapin si Don Juan. Nang natagpuan nila si Don Juan sa Bundok ng Armenia, napag-isip-isip nina Don Pedro at Don Diego na kung isasama nila ang kapatid kay Haring Fernando ay tiyak na malalaman nito ang totoong nangyari. Kaya naman kinumbinse nilang dalawa na manirahan na lamang silang magkakapatid sa Bundok ng Armenia. Doon ay wariy wala silang lungkot na dinaranans. Kung wala sila sa batis, sila ay nasa bukid. Isang araw ng paglalakbay, nakakita sila ng balon. Gusto ni Don Juan na maabot ang ilalim ng balon. Dahil si Don Pedro ang panganay ay siya ang nangunang bumaba. Dahan-dahan siyang nagpatihog sa ilalim ng balon. May 30 dipa pa lamang ang lalim at habang inaabot ang kalaliman nito, binatak na niya ang lubid. Ito ang hudyat na siya ay hilahin na paitaas nina Don Diego at Don Juan. Sumunod naman si Don Diego, ngunit nakakatatlong dipa pa lamang ay umahon na siya.

Si Don Juan naman ang sumubok magpatihulog sa balon. Narating niya ang pinakamababang bahagi ng balon at kinalag niya ang tali upang siya ay maglakad. Namangha siya sa pook na kanyang nakita at nabighani nang makita niya si Donya Juana. Iniligtas niya ito mula sa kamay ng higanteng nagbabantay dito. Hinikayat niyang umalis na si Donya Juana, ngunit nag-atubili itong umalis sa dahilan na hindi niya maiiwan ang kanyang bunsong kapatid na si Donya Leonora na hawak naman ng isang serpiyenteng mabagsik na may pitong ulo. Sa palasyo nagpunta sina Don Juan at Donya Juana. Namangha din si Don Juan sa kagandahan ni Donya Leonora. Natalo ni Don Juan ang serpiyente. Dahil sa pagmamadali ay naiwan ni Donya Leonora ang kanyang singsing na diyamante at ang nadala lang niya ay ang kanyang alagang hayop na lobo. Agad tinalian ni Don Juan sina Prinsesa Juana at Prinsesa Leonora para mai-akyat palabas ng balon. Hinila naman nina Don Pedro at Don Diego ang lubid pataas. Nagkagusto kaagad si Don Pedro kay Donya Leonora sa una pa lamang pagkakita dito. Paalis na sila nang maalala ni Donya Leonora ang naiwan niyang singsing na diyamante. Nagkusang-loob si Don Juan na kunin ang singsing. Muli siyang bumababa sa balon, ngunit sampung dipa pa lamang siyang nakakababa ay agad nang pinutol ni Don Pedro ang lubid. Nalungkot ng labis si Donya Leonora sa nangyari kay Don Juan. Nang sila ay aalis na, pinagbilinan niya ang kanyang alagang hayop na lobo na tulungan nito si Don Juan. Nakarating ng maayos sina Don Pedro, Don Diego, Donya Juana at Donya Leonora sa kaharian ng Berbanya. Ikinasal si Don Diego kay Donya Juana samantalang si Don Pedro naman ay nabigo ang pag-ibig kay Donya Leonora. Nakarating ang lobo sa kinaroroonan ni Don Juan at ginamot nito si Don Juan. Kinuha ni Don Juan ang singsing ni Donya Leonora at umuwi na ito pabalik ng Berbanya. Sa paglalakad ni Don Juan, siya ay napagod. Nagpahinga siya sa isang punongkahoy at nakatulog. Siya namang pagdating ng Ibong Adarna, dumapo sa puno at nagsimulang kumanta. Ayon sa kanyang kanta, si Juan ay naaalala ni Donya Leonora. Ngunit, mayroon pang mas maganda kay Donya Leonora. Ito ay si Donya Maria Blanca na anak ni Haring Salermo ng kaharian ng Delos Cristal. Si Donya Maria ay maipagkakapuri ni Don Juan sa kanyang amang Haring Fernando, sabi pa ng awit ng Ibong Adarna. Sa kaharian naman ng Berbanya ay nagdadalamhati si Donya Leonora sa tila patay na si Don Juan dahil sa tagal ng pagkakawala nito. Samantala, si Don Juan ay limang buwan nang naglalakbay. Sa kanyang paglalakbay ay nakita niya ang isang ermitanyo na hanggang baywang ang balbas. Binigyan ni Don Juan ang matanda ng kapirasong damit. Nagulat ang ermitanyo pagkakita sa damit, sabay sinabi nitong, Hesus na Panginoon ko, isang galak ko na itong pagkakita sa baro Mo. Ipinaliwanag ni Don Juan sa ermitanyo kung anong dahilan at siya naparoon sa lugar na iyon. Ayon sa kanya, hinahanap niya ang kaharian ng Delos Cristal, ngunit wala naman nakakaalam kung saan ito. Sinabi ng ermitanyo na magpunta siya sa ikapitong bundok na kinaroroonan ng isang matandang ermitanyo at doo'y magtanong.

Nang makarating na siya sa matandang ermitanyo, tinanong niya kung saan makikita ang kaharian ng Delos Cristal. Ngunit hindi din alam nito kung saan matatagpuan iyon. Kayat tinanong ng ermitanyo ang kanyang mga alagang ibon at isang agila. Sinabi ng agila kung saan matatagpuan ang kaharian. Laking tuwa ni Don Juan dahil makikita na niya ang kaharian ng Delos Cristal at higit sa lahat si Donya Maria Blanca na may higit na kagandahan. Sumakay si Juan sa likod ng agila at sila ay lumipad na. Narating nila ang kaharian ng Delos Cristal. Sinabi ng agila kay Juan na huwag kakalimutan ang kanyang bilin: Mamayang ika-apat, ang tatlong prinsesa ay maliligo at nakadamit na kalapati. Ikaw ay magtago at huwag magpapakita. Pagkasabi ng kanyang habilin, lumipad na ang agila. Iniwan na sa kaharian ng Delos Cristal si Juan. Dumating nga ang tatlong prinsesa sa oras na binanggit ng agila. Ang kagandahan ni Donya Maria ay talagang kaakit-akit. Sabay-sabay na naligo ang tatlong prinsesa. Habang naliligo, lumabas ang kapilyuhan ni Don Juan at tinago ang damit ni Donya Maria. Pagkaraan ng ilang sandali, natapos na sa paliligo ang tatlong prinsesa. At nagsimula nang magbihis ngunit hindi makita ni Donya Maria ang kanyang damit, kaya siya nagalit. Pagkaraan ng ilang sandali, lumabas na si Don Juan, sabay lumuhod sa harap ni Donya Maria. Kaagad sinabi ni Juan ang kanyang pag-ibig kay Maria. Pinatayo siya ni Donya Maria Juan at marahang sinabihan ito na tingnan niyang mabuti ang mga batong nakabakod sa palasyo. Ang mga iyon ay mga taong naengkanto ng kanyang ama : mga prinsipe, kabalyero at konde. Naging bato sila dahil hindi sila nakatupad sa iniatas ng kanyang amang hari. Sinabi ni Maria kay Juan, Mamayang ika-lima, ang aking ama ay magigising at ikaw ay makikita. Kapag tinanong ka kung ano ang sadya mo dito. Sabihin mong hihingin mo ang kamay ng isa sa mga prinsesa. Kapag niyaya kang pumanik sa palasyo ay tumanggi ka sapagkat mamamatay ka. Kung ikaw ay magpapatuloy, kahit na ano ang ipagawa sa iyo ng aking ama ay tanggapin mo. Ako ang bahala! Kinaumagahan ay ipinatawag ni Haring Salermo si Don Juan. Masasakit ang katawan ng hari pero panahon na upang ipagkaloob niya ang isang anak sa prinsipe. Ang sabi ng hari kay Don Juan ay: Yamang naisakatuparan mo ang lahat nang inutos ko, mamili ka ngayon sa aking tatlong anak. Sinamahan ng hari si Don Juan sa tatlong kuwartong magkakatabi at sadyang may tablang inilapat na may butas na tanging hintuturo lamang ng bawat bawat prinsesa ang makikita ni Don Juan at hindi ang kagandahan ng mga ito. Agad namang pinili ni Don Juan ang kamay ni Donya Maria, na may palatandaan ng kanyang naging malaking pagkakamali. Nagalit ang hari sa dahilang si Donya Maria ay ang kanyang paboritong anak. Kaya naman, binalak niyang ipatapon si Don Juan sa Inglatera para sa kapatid nito siya ipakasal. Pero mabilis na nagtanan si Donya Maria at Don Juan. Dahil sa galit ng hari , isinumpa niya si Donya Maria, Ikaw nawa ay malimutan ni Don Juan. Ikaw ay kanyang pababayaan at pakakasal siya sa iba. Sumpang naulinigan ni Donya Maria kaya't labis ang kanyang pag-aalala nang magpasya si Don Juan na iwanan muna siya para magtungo sa palasyo. Kaya naman mahigpit siyang nagbilin na huwag titingin at lalapit si Don Juan sa sinumang babae sa palasyo upang hindi siya magawang limutin nito.

Hindi na nakita ni Haring Salermo ang katuparan ng kanyang sumpa. Siya ay nagkasakit dahil sa matinding dalamhati na naging dahilan ng kanyang pagkamatay. At nagbalik nga ng kaharian ng Berbanya si Don Juan upang hingin ang bendisyon ng amang hari. Ang sabik at matagal nang naghihintay na si Donya Leonora ay lumapit kay Juan. Dahil dito, iglap at nakalimot si Don Juan sa kanyang binitiwang pangako kay Donya Maria, isang katuparan ng sumpa ni Haring Salermo. Hindi nagtagal ay itinakda ang kasal nina Don Juan at Donya Leonora. Samantala, natuklasan na ni Donya Maria ang kataksilan ni Don Juan dahil sa gagawing pagpapakasal sa ibang prinsesa. Nagalimpuyo sa galit ang kanyang dibdib. Lulan ng karosang ginto, nagpanggap na emperatriz si Donya Maria upang dumalo sa kasal nina Don Juan at Donya Leonora. Nang dumating si Donya Maria na naka-bihis emperatriz, namangha ang lahat. Maganda ang gayak ni Maria at litaw ang kanyang kagandahan. Ang pakay niya ay pigilin ang pag-iisang dibdib ng dalawa. Malugod na tinanggap ni Haring Fernando ang pagdalo ng emperatriz. Subalit hindi nakilala ni Don Juan na ang emperatriz ay walang iba kundi si Donya Maria. Nakiusap si Donya Maria sa hari na bago ikasal sina Don Juan at Donya Leonora ay magdaos muna ng munting palabas sa harap ng lahat. Sa pamamagitan ng dula-dulaan ay nagawang isalaysay ng mga negrito at negrita ang lahat ng pinagdaanang hirap ni Don Juan sa mga pagsubok na ibinigay ni Haring Salermo. Pinalo ng negrita ang negrito at tinanong kung naaalala nito ang mga ginawang pagtulong ni Donya Maria sa kanya sa kaharian ni Haring Salermo na kanyang ama. Sa tuwing papalo ang negrita ay hindi nasasaktan ang negrito kundi ay si Don Juan. Kaya naman, untiunting nagbalik ang mga alaalang nangyari sa kanila ni Donya Maria. Noon din ay pinatotohanan ni Don Juan na ang lahat ng nasaksihang dula-dulaan ng mga negrito at negrita sa palasyo ay pawang mga katotohanan.

You might also like