Buod NG Ibong Adarna
Buod NG Ibong Adarna
Buod NG Ibong Adarna
kanyang kabiyak na si Donya Valeriana. Sila ay may tatlong anak si Don Pedro ang
panganay, Don Diego ang pangalawa at si Don Juan ang pangatlo. Ang mga mamamayan
ng kaharian ay namumuhay nang matiwasay at masagana. Ang kaharian ay laging
punong-puno ng kasiyahan at kasiglahan.
Isang gabi, nanaginip ang hari na ang kanyang bunsong anak ay pataksil na pinatay
at inihulog sa bangin. Dahilan sa sobrang pagaalala ay nagkasakit ang hari ng malubha.
Ginamot siya ng mga dalubhasa ngunit walang nakapagpagaling sa kanya. Hanggang
isang manggagamot ang nagsabing tanging awit ng Ibong Adarna ang
makapagpapagaling sa sakit ng haring mahal.
Ang Ibong Adarna ay matatagpuan sa bundok ng Tabor at makikita lamang ito
hatinggabi. Dumadapo ito sa Puno ng Piedras Platas na ang mga sanga’t dahon maging
usbong at ugat ay kumikinang. Umaawit ito ng pitong beses pagdapo sa puno; sa bawat
awit ay nagiiba ng balahibo. Ang gawi nito ay magbawas pagkatapos umawit at ang ang
mapatakan ay dagling nagiging bato.
Sa kalubhaan ng hari, hinanap ni Don Pedro ang Adarna ngunit siya ay naging
bato. Sumunod naman si Don Diego sa kanya ngunit gaya kay Don Pedro ay naging bato
rin siya. Tatlong taon ang nakakalipas at hindi parin nagbabalik ang mga kapatid,
nagpasya si Don Juan na hanapin sila at ang Ibong Adarna. Labis man ang pangamba ng
hari, binendisyunan niya ang paglalakbay ng bunsong anak.
Habang patungo sa bundok Tabor may nakasalubong siyang matandang leproso at
sugatan. Naawa si Don Juan dito kaya ibinigay niya ang huling piraso ng tinapay.
Tinanong ng leprosong matanda kung saan patungo ang prinsepe at sinabi ni Don Juan na
papunta siya sa bundok Tabor para hulihin ang Ibong Adarna. Ito ang sinabi ng
matandang leproso kay Don Juan “Doon sa bundok Tabor meron kang makikitang isang
punong pagkaganda-ganda ngunit huwag kang mahumaling dito bagkus tumingin ka sa
ibaba at meron kang makikitang isang dampa andun ang makapagsasabi sayo kung panu
mahuhuli ang Adarnang lunas sa kanyang ama.
Sinunod niya ang payo ng matandang leproso at nakita niya sa dampa ang isang
ermitanyo, sinabi ng Ermitanyo kung papaano niya mahuhuli ang Adarna at binigyan niya
rin ito ng gamit sa paghuli. Sinunod ni Don Juan ang utos ng Ermitanyo nahuli niya ang
Ibong Adarna, at naibalik niya sa dating kaanyuan ang dalawa niyang kapatid.
Habang pauwi, pinagtaksilan siya ng dalawa niyang kapatid. Binugbog nila si Don
Juan at nang magkabali bali na ang katawan ay kinuha nila ang Adarna at umuwi sa
Berbanya. Subalit ng dumating sa Berbanya, ayaw umawit ng Ibon at nalalagas pa ang
balahibo.
Samantalang si Don Juan ay ginamot ng isang matandang napagawi sa gubat, nang
bumalik ang lakas ay nakauwi ito sa Berbanya. Umawit ang ibon at inilathala niya ang
pagtataksil ni Don Pedro at Don Diego sa bunsong kapatid. Galit na galit ang hari sa
nalamang pagtataksil ng dalawang prisipe sa prinsipeng si Don Juan. Nagpasya ang hari
na ipatapon at tanggalan ng mana ang dalawang anak, ngunit nakiusap si Don Juan na
patawarin ang kapatid. Nanumbalik ang kasaganaan at kasiyahan ng kaharian.
Giliw na giliw ang hari sa Ibong Adarna kaya pinabantayan niya ang Ibong Adarna
sa tatlo niyang anak.Nakipagpalit si Don Pedro at Diego kay Don Juan at kanilang
pinakawalan ang Adarna. Pagkagising ni Don Juan ay batid niyang wala ang Ibon at batid
rin niyang ito ay pakana ng kanyang mga kapatid. Nangamba si Don Juan na baka
parusahan ang mga kapatid kaya bago pa lumatag ang araw ay nilisan niya ang palasyo.
Ipinagkaila ng dalawa ang totoong nangyari. Ipinahanap ng hari si Don Juan sa dalawang
kapatid, nahanap nila si Don Juan sa Bundok Armenya. Sa ganda ng kalikasan ay
nabighani ang tatlo, ipinasya nilang doon na lang manirahan habang buhay. Isang araw sa
pamamasyal ay nakita nila ang isang mahiwagang balon. Sinubok ng dalawa na alamin
ang lihim ng balon ngunit si Don Juan ang nakarating sa ilalim at nakatagpo ng kaharian .
Dito naninirahan sina Donya Juana at Prinsesa Leonora, sila ay binabantayanng higante at
serpyente. Napaslang ni Don Juan ang mga bantay at isinama pauwi ng Berbanya ang
prinsesa.
Naantala ang pagbalik sa Berbanya dahil nalimot ni Leonora sa palasyo ang
singsing na pamana ng ina. Ito ay binalikan ni Don Juan, ngunit dahil sa inggit, pinutol ni
1
Don Pedro ang tali na kinakapitan ni Don Juan. Naisip ni Donya Leonora na papuntahin
ang alagang lobo upang gamutin si Don Juan na noo’y lasog-lasog ang katawan.
Sa Berbanya pawang kasinungalinganang isinalaysay ng magkapatid na prinsipe.
Nang itanong ng hari kung nakita nila si Don Juan ay ipinagkaila nila ito. Ikinasal si
Donya Juana kay
Don Diego, samantalang tumutol na makasal Si Donya Leonora kay Don Pedro.
Iginalang ng hari ang nais ni Leonora.
Samantala, si Don Juan ay himalang nailigtas ng lobo at agad nagbalik ang dating
lakas nito. Habang pauwi sa Berbanya si Don Juan siya ay nagpahinga at natulog sa lilim
ng isang puno. Dito’y napanaginipan niya ang Ibong Adarna at sinabi nitong kalimutan
na si Donya Leonora dahil merong prinsesang mas bagay sa kanya. Siya’y si Donya
Maria na prinsesa ng Reino delos Cristales. Sa tulong ng ilang ermitanyo ay narating ni
Don Juan ang kaharian. Dito ay dumaan siya ng maraming pagsubok ni Haring Salermo
bago maikasal kay Donya Maria, subalit lahat ng ito ay nalampasan ni Don Juan sa
tulong ng mahika ni Donya Maria. Isinumpa ni Haring Salermo ang anak nang sila’y
magtanan ni Don Juan. Ayon sa hari, sa sandaling tumingin sa ibang babae ay
malilimutan niya si Donya Maria.
Nang marating ang Berbanya, iniwan muna ni Don Juan si Donya Maria sa isang
nayon. Nagbunyi ang reyno ng dumating si Don Juan. Nang makita siya ni Leonora
ipinagtapat niya sa hari ang tunay niyang nadarama. Agad nalimutan ni Don Juan si
Donya Maria. Itinakda ang kasal ni Don Juan at Donya Leonora. Nabalitaan ito ni Donya
Maria kaya siya ay nagtungo sa kasal, siya ay nagdamit Emperatris.
Ipinaalala niya kay Don Juan ang kanilang pagmamahalan sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng palabas ng Negrito at Negrita sa saliw ng masayang musika. Sa kabila
nito ay wala paring naaalala si Don Juan. Sinabi pa ni Donya Maria na ang palabas ang
siyang nagpapatunay ng kanilang nakaraan. Tumutol si Leonora at sinabing siya ang
nauna at dapat makasal sa binata. Sinang-ayunan ng hari at arsobispo si Leonora ngunit
sa huli ay ikinasal si Don Juan kay Donya Maria at si Don Pedro kay Donya Lenora.
Kay Don Pedro ipinamana ang pamumuno sa Berbanya, sina Donya Maria at Don
Juan ay umuwi sa Reino delos Cristales upang doon mamuno at manirahan.
12
DONYA LEONORA DONYA JUANA ERMITANYO ERMITANYONG
UUGOD-UGOD
13