Lectures On BHW Training

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

Maslows Hierarchy of Needs

SelfActualization

Self-Esteem Needs

Love and Belongingness

Safety and Security

Physiologic needs

Anatomy and Physiology of Man and Integrated Management of Childhood Illnesses

RESPIRATORY SYSTEM Ang respiratory system ay binubuo ng ilong (nose), pharynx, larynx(voicebox), trachea, at lungs (baga). Ang hangin ay pumapasok ditto. Ito ay dadaan sa nostrils kung saan ito ay nililinis, warmed o pinapainit nang bahagya and moistened bago dumating sa baga. Ang mga buhok sa ilong ay nagsasala nang mga alikabok at dumi nang hangin habang ito ay dumadaan sa nasal passages hanggang mkarating ng pharynx. Kung saan makikita ditto ang epiglottis kung saan pinipigilan nito ang pagkain na pumunta sa trachea. Ito ay nagsasara kapag lumulunok ng pagkain.Ito ay nakasara at bumubukas para hayaang dumaloy ang hangin. Galling sa pharynx, ang hangin ay pupunta sa larynx o voicebox. Meron itong vocal

cords kung saan ito ay nagbarrbrate kapag dumaan ang hangin. Ang vibration date, kasama ang paggalan ng bibig at dila ay naggagawa ng sound of the voice. Galling sa larynx ito ay pupunta sa trachea kung saan meron itong cilia kung saan ang natitirang dust particles ay tinutulak nito palabas ng lalamunan at bibig para mailabas. Ito ang dahilan kung bakit tayo napapaubo, napapahatsing minsan. Pagkatapos ay pupunta na ito sa baga kung saan ito ang pinakasentro ng paghinga. Ang baga ay mayroon ding bronchus na meron ding cilia kung saan hinaharangan nito ang alikabok at pollen sa pamamagitan ng mucus bags. Ito ay makakarating sa alveoli kung saan ditto na nagkakaroon ng palitan ng gas na oxugen at carbon dioxide kung saan ang oxygen ay magiging carbon dioxide at ito ay ilalabas uli nang ating katawan. Breathing: Ito ay mayroong dalawang sistema. Ang paghinga o paglanghap ng hangin papasok sa ating baga kung saan ito ay nagkakaroon ng hangin. Nangyayari ang palitan sa baga. At exhale kung saan ang napalitan na oxygen ng carbon dioxide ay itutulak o ilalabas sa baga.

Pulmonya: Karamdaman ng baga. Ang baga ay naglalaman ng alveoli kung saan nakakatulong ito sa pag-alis nang oxygen mula sa hangin. Sa kasong ito, ang mga alveoli ay nagiging maga. Napupuno sila ng mga fluid at hindi makakuha ng sapat na oxygen. Ang mga maaaring dulot ay bacteria at virus. Ang laboratory na ginagawa ay sputum exam o plema kung saan makikita ang bacteria na streptococcus pneumonia and hemophilus influenza na nagiging sanhi nang sakit. Ngayon pwede ng malaman ang kalalaan ng sakit ng bata na may ubo o nahihirapang huminga na kailangan ng antibiotic. Kapag hindi agad nagamot ang ubo at sipon maari itong magdulot sa mas komplkadong sakit, fast breathing o mabilis ang paghinga at chest indrawing. Ang mabilis na paghinga dahil ito ang nagiging reaksyon ng katawan kapag ito ay stiff. Kapag ang pneumonia ay mas maging komplikado, ang baga ay mas nagiging matigas at nagkakaroon ng chest indrawing.

Assess: Ubo o nahihirapang huminga -gaano na katagal? -tignan, pakinggan (ang bata ay dapat kalmado). -bilangin ang paghinga sa loob ng isang buong minute. RR 2 buwan hanggang sa 1 taon 1 taon hanggang 5 taon Eksaktong isang taon -obserbahan para sa chest indrawing -tignan ang bata para malaman habang humihinga -sabihin sa nanay na itaas ang damit ng bata -kung ang ibabang bahagi ng dibdib habang ang bata ay humihinga paloob -para masabing ito ay chest indrawing, dapat ito ay malinaw at nakikita sa lahat ng oras Tandaan: kung ang bata ay may malnutrisyon, hindi agad masasabi na ito ay chest indrawing bagkus kailangn pa sumailalim sa masusing obserba. -tignan at pakingan para sa stridor. Mabilis na paghinga 50 paghinga at pataas 40 paghinga at pataas 40 paghinga at pataas

Digestive System
Ang sistemang panunaw o sistemang dihestibo ay ang organong pangsistema na tumutunaw at sumisipsip sa mga sustansiya na natatanging kailangan sa paglaki at pagpapanatili. Parte: Ang bibig o bungangaay ang daanan ng pagkain at hangin sa tao at hayop. Ginagamit din ito ng tao sa pagsasalita, samantalang sa paggawa ng mga tunog naman sa hayop. Ang esopago o esopagus, tinatawag ding lalanga at gulunggulungan ay ang daanan ng nilulong pagkain patungo sa tokong ng sikmura sa tiyan. Sa malawak na diwa, minsang natatawag din itong "lalamunan", bagaman may kamalian. ang sikmura o estomago o tiyan ay isang kahugis ng bataw at walang lamang kasangkapan ng pitak gastrointestinal na

kahalubilo sa pangalawang pase ng pagtutunaw ng pagkain, matapos ang pagnguya. Ang lapay o pankreas ay isang organong naglalabas ng mga hormona at mga ensima o ensaym upang makatulong sa dihestiyon o pagtunaw ng pagkain. Ang atay ay isang mahalagang organo na makikita sa mga vertebrate at iba pang mga hayop. Marami itong tungkulin sa mga hayop tulad ng detoksipikasyon, sintesis ng protina, at pagbuo ng mga biokimikal na gamit sa panunaw. Ang apdoay isang maliit at hindi gaanong mahalagang organo sa loob ng katawang tumutulong sa gawaing panunaw o proseso ng dihestiyon. Ang maliit na bituka Sa loob ng maliit na bituka nasisipsip ng katawan ang mga sustansiyang nagmumula sa mga pagkain. malaking bituka o isaw ay ang pangunahing gawain nito ay sumipsip ng tubig mula sa mga natitirang mga hindi matunaw na mga materya ng pagkain, at pagkatapos, ilabas ang walang pakinabang na duming ito mula sa katawan Ang tumbong ang pinakahuling tuwid na bahagi ng malaking bitukasa ilang mga mamalya, at ang pitak gastrointestinal sa iba, na nagtatapos sa butas ng puwit. Ang butas ng puwit ay ang butas sa katawan ng tao na nasa pagitan ng mga pisngi ng puwit. Matatagpuan ito sa dulo ng sistemang grastro-intestinal (kasama ang mga organong tumutunaw ng pagkain), kung saan lumalabas ang tae o ipot mula sa katawan.

Diarrhea- Ito ay ang pagtatae ng tatlong beses at marami pa na may kasamang tubig-tubig. Saan ba ito nakukuha?

Ito ay nakikita sa maduduming pagkain na nakakain ng isang tao. Madumi sa katawan Madumi ang kapaligiran

Pagsusuri sa taong may diarrhea: Itanong kung may pagtatae, kung meron; Itanong kung gaano na ito katagal Itanong kung may dugo sa dumi Tingnan kung may simtpmas ng panunuyo o dehydration

Simtomas ng panunuyo: Irritable, hindi mapakali; Mukang inaantok o mahirap gisingin Lubog ang mga mata Kapag pinisil ang balat ng tyan, hindi kaagad ito bumabalik

Klasipikasyon ng panunuyo -Inaantok/Mahirap gisingin -Bigyan ng tubig -Lubog ang mga mata -Dalhin agad sa ospital habang -Hindi umiinom ng nagpapahigop ng ORS sa daan. tubig/Kaunting tubig lang ang Malalang panunuyo o Severe -Kapag ang bata ay 2yer pataas, iniinom dehydration at may epidemiya ng Cholera, -hindi agad bumabalik kapag bigyan ng Antibiotic, pinisil ang balat sa tyan tetracycline 2 beses sa isang araw sa loob ng tatlong araw -Hindi mapakali, irritable -Bigyan ng tubig o pagkain -Lubog ang mga mata -Payo sa nanay kung kailan -Uhaw/gusto uminom May panunuyo agad babalik -Hindi agad bumabalik ng o Some dehydration -Ifollow up sa loob ng limang kaunti kapag pinisil ang balat ng araw kung walang pagbabago tyan -Bigyan ng Zinc Supplement -Kapag nagpapadede ang nanay, payuhang ipagpatuloy ang pagpapadede -Walang sapat na simtomas -Bigyan ng ORS upang masabing may kaunti o -Zinc supplement sa loob ng 14 malalang panunuyo Walang panunuyo na araw O No dehydration -Ipafollow up sa loob ng ikalimang araw -Kung nagpapadede ang nanay, payuhang iapagpatuloy ang pagpapadede.

May panunuyo Walang panunuyo

Severe persistent diarrhea Persistent diarrhea

-Bigyan ng Vitamin A -Dalhin agad sa ospital -Ipayo sa magulang na pakainin ang batang may pabalik balik na diarrhea -Bigyan ng Vitamin A -Ipafollow up pagkalimang araw

Malnutrisyon at Anemia Marasmus Labis na pangangayayat Butots balat Kulang sa protina at carbohydrate

Mukang matanda

Kwashiorkor May pamamaga sa 2 paa Malaki ang tyan Kulang sa protina May tubig ang tyan May normal na timbang dahil sa pamamanas

Suriin ang: Kung may pamamayat May pamamaga ng 2 paa Maputla ang mga kamay Timbangin ang bata; tingnan kung ayon ito sa edad niya -Bigyan ng Vitamin A at -Dalhin agad sa ospital

-Kitang kita ang pangangayayat -May pamamaga sa mga paa -Maputla ang mga palad -Kauting pagkaputla ng mga kamay -Napakababa ng timbang

Malalan Anemia

Malnutrisyon

-Kung may problema sa Anemia o napakababang pagkain, ipafollow up sa timbang para sa edad pagkalimang araw -Kung may kaunting pamumutla: 1. Biyan ng Iron 2.Bigyan ng mebendazole o albendazole and edad ng bata ay 6mons pataas sapagkat maari itong may bulate sa tyan. -Bigyan ng Vitamin A -Ipafollow up sa ika 30th day Hindi Masyadong mababa ang -Kung ang bata ay mas bata sa timbang para sa edad at walang Walang anemia at hindi 2yrs, suriin ang pagkain ng bata simtomas ng malnutrisyon mababa ang timbang -Kung ang pagkain ng bata ang problema, haluan ang mga pagkain kinakain nito ng masustansyang pagkain o kaya bigyan ito ng mga food supplement

Cardiovacular System Heart (Puso) Ang puso ay isang organongmuskular na may tungkuling mag-bomba ng dugo palagos sa mga daluyang ugat sa pamamagitan ng paulit-ulit at maindayog na mga pintig, o kahalintulad na mga kayarian sa mga annelid, mollusk, at arthropod. Ang salitang cardiac (Ingles) (tulad halimbawa ng cardiology, na mula rin sa wikang Ingles) ay nangangahulugang "may kaugnayan sa puso" at nagmula sa wikang Griyegong , kardia, o puso. Binubuo ang puso ng mga masel na pampuso, isang tisyu ng masel na kusang gumagalaw na mag-isa na natatagpuan lamang sa loob ng kasangkapang ito ng katawan. Pipintig nang may humigit-kumulat sa 2.5 bilyong beses sa kahabaan ng buhay na may 66 taon ang karaniwang puso ng tao. Artery (Arterya) Ang arterya ay ang malaking ugat na dinadaanan ng dugo. Nanggagaling ang ugat na ito mula sa puso patungo sa iba't ibang bahagi ng katawan upang magdala ng oksiheno at sustansiya patungo sa mga organo ng katawan. Sa medisina, ito ang isa sa mga tubong nagdadala ng dugo mula sa puso palabas na patungo sa lahat ng mga bahagi ng katawan.

Veins (Bena, Gisok o Bitak) Ang bena, gisok, o bitak ay ang ugat sa katawan na daluyan ng dugong pabalik sa puso. Ito rin ang daluyang ugat na may dalang mga duming produkto ng katawan at may taglay na dioksidong karbono. Sa medisina, binibigyang kahulugan ito bilang isang tubo o mga tubong nagdadala ng dugo mula sa lahat ng mga bahagi ng katawan papunta sa puso. Red Blood Cells/Erythrocytes (Pulang Selula) bumubuong malaking solidong bahagi ng dugo.Mayroon itong tinatawag na hemoglobin,na sanhi ng pulang kulay ng dugo. Ito angnagdadala ng oksiheno sa dugo. White Blood Cells/Leukocytes (Putting Selula) ay mas kakaunti kaysa sa mga pulang selula ng dugo. Mayroong tinatayang isang

puting selula ng dugo sa bawat 700 na pulang selula ng dugo. Ang mga puting selula ng dugo ay parang mga sundalo. Ipinagtatanggol nila ang ating katawan laban sa mga sakit. Nagpupunta sila sa mga bahagi ng katawan kung saan may mga baktirya at lason at nilalamon nila ang mga ito. Platelets maliliit na bahagi ng selula. Sila ang responsable upang mag-clot ang dugo. Ang clotting ay ang pagtigas ng dugo kapag nahahantad sa hangin. Ito ang pumupigil sa labis na pagkawala o paglabas ng dugo. Capillaries nagdurugtong sa arterya at veins. Ang mga dingding nito ay napakanipis kayat ang mga pagkain at oksiheno ay medaling nakadaraan sa mga dingding at naipapakalat sabuong katawan. ALTAPRESYON (HYPERTENSION) -Mataas ang presyon ng dugo o highblood -Ang altapresyon ay isa sa pangunahing sanhi ng kamatayan dito sa Pilipinas at kung hindi ito naagapan ng maaga ito ay nagiging sanhi rin ng pagkasira ng loob ng katawan. 1. BP o Presyon ng dugo -sa pagkuha ng Bp dapat ang tao ay hindi pagod o kung pagod na galing sa pagtakbo, paglalakad o byahe kailangang magpahinga muna ng 10-15 minuto hanggang 30 minuto. -maaring kumuha ng presyon ng dugo habang nakahiga o nakaupo ng komportable. -ang normal na Bp ay 90/60 mmHg-140/90 mmHg -ang average na Bp ay 120/80 mmHg -ang Bp na mas mataas sa 140/90 mmHg sa 2-3 konsekyutibong lingo ito ay matatawag na taong may altapresyon. 2. Mga sintomas ng Altapresyon -pananakit ng ulo -pananakit ng batok -pagkahilo -mataas na Bp

3. Paano nagkaroon ng Altapresyon -naninigarilyo at madalas -matabang tao o overweight -madalas kumain ng maalat at masesebong pagkain -palaging nagagalit at naiistress -walang ehersisyo -may edad na 35 anyos pataas -may lahi ng altapresyon o sakit sa puso -mataas ang kolesterol na umaabot ng 200mg/dl -may sakit na diabetis, sakit sa puso at bato -naistroke na 4. Mga komplikasyon ng Altapresyon Puso o heart-atake sa puso o tuluyang pagkasira ng puso Utak o brain-stroke o internal bleeding. Bato o kidney-pagkasira ng bato Mata o eyes-pagkabulag Laman sa mga ugat-pagbabara at pagkasira ng laman 5. Paraan upang maiwasan ang Altapresyon -palagiang magpakuha ng Bp -kung mataas ang presyon ng dugo o maramdaman ang mga sintomas ng altapresyon kumonsulta sa pinakamalapit na doctor o health center. -iwasan ang maniharilyo -panatilihin ang wastong timbang -iwasan ng pagkain ng maalat at masesebong pagkain -iwasan ang palaging pag-inom ng alak at sobrang pag-inom ng kape -iwasan ang palaging pagkagalit o stress -mag-ehersisyo araw-araw -inumin ang gamot na prescription ng doctor sa tamang oras sa tamang dami 6. Mga gamot na madalas ibigay sa taong may Altapresyon

-diuretics-pampalabas ng sobrang tubig o alat sa katawan Halimbawa: furosemide at chlorothiazide -beta blocker-pampalakas ng tibok ng puso Halimbawa: metoprolol -ACE inhibitor at Calcium antagonist Halimbawa: accupril-gamut para sa myocardial infarction o sakit sa puso

CENTRAL NERVOUS SYSTEM


BRAIN Ang utak ay isang organong natatagpuan sa ulo. Ito ay tila isang jelly, kulay rosas at abo, at kulubot na may taba at protina. Ang utak ay isa ay pinakamalaking organo na mayroong 100 bilyong nerve cells. Ito ay may bigat na 3 pounds o 1.4 kilograms. Tungkulin ng utak Responsable sa pagkatuto sa arte, lengguahe, moralidad, at makatuwiran at matinong pag-iisip. Ang mga kakayahang ito ay mga katangiang nagpapakita ng pagkakaiba ng mga tao at hayop. Responsible sa personalidad, sa kakayahang makatanda at/o maka-alala, sa pagkilos at kung paano naiintindihan ang mga bagay-bagay at pangyayari. Ang mga nerve cells ang nagtutulungan upang pagbagayin ang iniisip at ang kinikilos. Nagko-kontrol sa walang kusang kamalayan na mga proseso ng katawan katulad ng paghinga at pagtunaw ng kinain . Neurons ang tawag sanerve cells ng utak. Ang mga ito ay tinatawag ding gray matter. Ang neurons ay nagbibigay ng senyales at kumukuha ng electrochemical signalsna dumadaan sa milyong nerve fibers na tinawatag na dendrites at axons. Ang mga dendrties at axons naman ang tinaguriang white matter. Ibat-ibang parte ng utak Cerebrum Ang cerebrum ang pinakamalaking parte ng utak. Ito ay may dalawang parte: ang kanang bahagi at kaliwang bahagi. Ayon sa mga siyentipiko, ang kanang bahagi ang nangangasiwa sa abstract learning katulad ng galing sa arte at spatial manipulation. Ang kaliwang bahagi naman ay analytical at namamahala ng pagkatuto sa matematika, lohika at lengguwahe. Ang kanang bahagi ng utak ang namamahala sa kaliwang bahagi ng katawan samantalang ang kaliwang bahagi naman ng utak ang namamahala sa kanan. Ang cerebrum ay 85% ng bigat ng utak. Ito ang bahaging ginagamit sa pag-iisip at pagkontrol sa mga voluntary muscles. Ang cerebrum din ang ginagamit na parte ng utak kapag naghahanap ng kasagutan sa mga problemang may kinalaman sa matematika, kung paano maglaro ng isang video game, o kaya naman ay kung paano buuin ang jigsaw puzzle.

Ang memorya ay nasa cerebrum. Ito ang responsable sa pangmatagalang memorya (kagaya nang kung ano ang nangyari noong Pasko limang taon na ang nakalipas) at pangkasalukuyang memorya (kagaya nang kung ano ang binili sa tindahan noong isang araw). Ang cerebrum din ang responsable sa pag-iisip ng naaayon sa sitwasyon kagaya ng pag-ipon ng mga kakailanganin sa pagluto ng ulam upang mapadali ang proseso ng pagluluto.

Cerebellum Ang cerebellum ay natatagpuan sa likod ng utak at sa ilalim ng cerebrum. Ito ay mas maliit kumpara sa cerebrum. Ang cerebellum ang nangangasiwa sa balanse, galaw, at koordinasyon ng katawan. Ito ang nakatutulong upang ang tao ay makakilos gaya ng pagtayo, pagbalanse ng katawan, at paggalaw. TANGKAY NG UTAK Ang brain stem ay natatagpuan sa ilalim ng cerebrum at sa harap ng cerebellum. Inuugnay ng brain stem ang utak saspinal cord na natatagpuan mula sa leeg hanggang sa likod. Ang brain stem ang may kaalaman at kakayahan sa mga tungkulin ng katawan upang manatiling buhay tulad ng paghinga, pagtunaw ng pagkain, at pagdaloy ng dugo. Ang pamamahala sainvoluntary muscles ay parte ng tungkulin ng brain stem. Ang mga involuntary muscles ay may kinalaman sa ilang galaw ng organo ng katawan katulad ng pagtibok ng puso at pagdaloy ng dugo kapag kumikilos ang tao. Ang brain stem din ang naghihiwa-hiwalay ng mga milyung-milyong palitan ng mensahe sa pagitan ng utak at ng katawan. Pituitary gland Ang pituitary gland ay gumagawa at naglalabas ng mga hormones sa katawan. Ito ay may malaking papel sa paglaki at pagkakaroon ng mga pagbabago sa pangangatawan ng mga bata sa panahon ng kanilang pagbibinata o pagdadalaga. Ang pituitary gland din ang nangangasiwa sa dami ng asukal at tubig sa katawan upang mapanatili ang metabolismo. HYPOTHALAMUS Ang hypothalamus ay parang isang thermostatna nagbibigay ng mensahe kung ang temperatura ng katawan ay mainit o malamig. Dahil dito, ang katawan ay nagpapawis kapag mainit at nanginginig naman kapag malamig. Ang mga ugat Ang utak ang siyang pinaka-abala pagpapatakbo sa mga ibat-ibang parte ng katawan. Ang mga ugat ay bungkos ng mga hiblang nag-uugnay sa mga parte ng katawan at ng gitnang sistemang nerbyos o utak. Ang mga ugat ay natatagpuan sa loob ng spinal column na mga buto sa likurang bahagi ng katawan na siyang nagpo-protekta dito. Hindi sila nakikita kapag hindi ginamitan ng mikroskopyo. Ang sistemang nerbyos ay binubuo ng milyong-milyong neurons o nerve cells at ang mga ito ay napakaliit. Kapag ang isang tao ay ipinanganak, kaunti pa lang ang mga neurons na konektado sa isat-isa. Kapag marami nang natututunan ang tao, ang mga ito ay unti-unti nang nagiging konektado sa kapwa neurons (pathways o connections) upang madaling matuto. Mga karamdaman Stroke - Isang pinsala sa utak na dulot ng pagbabara ng daluyan ng dugo. Migraine - Sakit ng ulo na nararamdaman sa kaliwang bahagi ng ulo. Pag-aalaga sa utak 1. Kumain ng masustansiyang pagkain lalo na iyong may potassium at calcium na kailangan ng sistemang nerbyos. 2. Mag-ehersisyo ng regular.

3. Magsuot ng matibay ng helmet at kasuotang pananggalang para sa spinal cord kapag naglalaro ng isports, nagbibisekleta, o nagmo-motorsiklo. 4. Iwasan ang pag-inom ng alak, bawal na gamot, pagninigarilyo. 5. Gamitin ang utak sa mga aktibidad na kinakailangan mag-isip katulad ng paglutas ng puzzle, pagbabasa, pakikinig sa musika, at mga bagay na may kinalaman sa arte. LAGNAT Ang lagnat ay isang sintomas ng sakit na karaniwang nararanasan ng mga bata. Madalas na kakambal ng ubot sipon ay ang pagkakaroon nito. Ang lagnat ay nangyayari dahil sa proseso ng paglaban sa mga virus o bacteria na pumapasok sa katawan. Masasabing ang isang batay may lagnat kung ang kanyang temperaturay higit sa normal base sa pagkuha nito gamit ang termometro. Bukod pa rito, ang mga sumusunod ay maaaring makita sa isang batang may lagnat: Pamumula Panginginig o pangangatog Pagtaas ng heart rate *Ang pag-init ng katawan ng higit sa normal ay sapat na basehan upang maghinala na ang bata ay nilalagnat. *Hindi kinakailangan na ang isang bata ay magpakita ng lahat ng sintomas bago masabi na siya ay may lagnat. * Para sa mga magulang na walang magamit na termometro, maaaring tukuyin kung may lagnat ang bata sa pamamagitan ng pagsalat PAGSALAT UPANG MATUKOY KUNG ANG BATA AY NILALAGNAT Kung walang termometro, maaaring malaman ang temperatura sa pamamagitan ng pagpatong ng likod ng palad ng isang kamay sa noo o leeg ng pasyente at ang isa naman ay sa iyong sarili, osa isang taong walang sakit. Pagkumparahin ang temperatura. Mararamdaman ang kaibahan dahil mas mainit ang pakiramdam kung ang bata ay may lagnat. Ang parte ng kamay na ginagamit sa pagsalat upang malaman kung ang bata ay nilalagnat ay ang likod ng palad dahil ang bahaging ito ng kamay ang pinakasensitibo sa pagdama ng temperatura. Upang mas makatiyak kung ang bata ay may lagnat, makabubuti kung kukuhanin ang temperatura niya gamit ang termometro. Ang normal na temperatura ng mga sanggol ay iyong nasa pagitan ng 36.8 37.2 at para naman sa mga 1 taon pataas ay 36.5-37.5. Ang temperatura na higit sa nabanggit ay indikasyon ng pagkakaroon ng lagnat. Mga Hakbang sa Pagkuha ng Temperatura: 1. Ihanda ang mga gagamitin sa pagkuha ng temperatura: digital thermometer, bulak, at alcohol. 2. Linising maigi ang termometro gamit ang bulak na may alcohol. Punasan nang paikot mula sa bulb hanggang sa leeg ng digital thermometer. 3. Pindutin ang on button. Tingnan kung gumagana ang termometro sa pamamagitan ng pagtingin kung iilaw ang screen. 4. Ilagay sa kili-kili ng bata sa posisyon kung saan ang bulb ay nakalapat sa kilikili. 5. Panatilihing nakaipit sa kili-kili ang termometro hanggang sa tumunog ito (30 segundo hanggang isang minuto). Siguruhing hindi mahuhulog mula sa kili-kili ng bata ang termometro sa pamamagitan ng pag-alalay sa braso ng bata kung siya ay maligalig o malikot. *Sa mga sanggol, mabuting kargahin sila habang sila ay kinukunan ng temperatura gamit ang termometro upang masiguro ang pag-ipit ng termometro sa kanilang kili-kili. 6. Basahin ang temperaturang lalabas sascreen. 7. Pindutin ang off button matapos isulat ang temperaturang nakuha. 8. Linising muli ang termometro gamit ang bulak na may alcohol Punasan muli nang paikot ngunit sa pagkakataong ito, mula sa leeg hanggang sa bulb.

9. Ibalik ang termometro sa lalagyan. MGA DAPAT GAWIN PAG MAY LAGNAT ANG BATA Ang simpleng lagnat ay maaaring lunasan sa loob lamang ng bahay. Ilan sa mga nirerekomendang maagang lunas sa lagnat ay ang mga sumusunod: Tepid Sponge Bath Pagpapainom ng paracetamol Wastong nutrisyon kapag may lagnat

Tepid Sponge Bath Ang tepid sponge bath o pagpupunas ay isa sa pinakakaraniwang lunas na ibinibigay sa mga batang may lagnat. Ngunit upang itoy maging epektibo, ang pagpupunas ay dapat gawin sa tamang pamamaraan. Mga bagay na dapat ihanda: 1. bimpo/labakara 2. maliit na planggana 3. tubig na direktang nanggaling sa gripo o poso 4. tuwalya * Iwasan ang paggamit ng alcohol sa pagpupunas. Ito ay maaaring maging dahilan ng panunuyo ng balat. Hubaran ang bata ngunit panatilihing nakatakip ang mga parteng hindi pa pupunasan upang hindi ginawin ang bata. Ihiga ang bata sa twalya upang hindi mabasa ang kanyang hinihigaan. Basain ang bimpo at punasan ang bata gamit ito mula ulo hanggang paa. *Ang pahagod na pagpunas patungo sa direksyon ng pusoay nakapagpapabuti ng sirkulasyon ng dugo na nakakatulong sa pagpapababa ng lagnat. (hal. kamay pataas hanggang balikat; tiyan papuntang dibdib; at paa papuntang singit) Sa pagpunas, unahin ang mukha at leeg; isunod ang mga braso; ikatlo ang dibdib at likod; at ihuli ang mga binti at paa. Hayaang matuyo ng kusa ang pinunasang parte. Huwag punasan ng tuyong bimpo upang patuyuin. Kapag natuyo na ang pinunasang bahagi, takpan ito ng tuwalya upang hindi ginawin ang bata. *Mas mainam kung nakabukas ang mga bintana habang pinupunasan ang bata upang makatulong ang hangin mula sa labas sa pagpapatuyo ng mga bahaging pinunasan. Maaari ring magbubukas ng bentilador ngunit tandaan na hindi dapat itutok ang bentilador sa bata. Makabubuti kung ilalagay sa mahina ang bentilador at paikutin habang pinupunasan ang bata. Upang pabilisin ang pagbaba ng lagnat, mag-iwan ng basang bimpo sa mga sumusunod na bahagi:noo, leeg, kili-kili at singit. Kung hindi na malamig ang bimpo na iniwan, basain ito muli at ilagay ulit sa nasabing mga bahagi. Maaari ding saha ng saging ang iwanang nakapatong sa mga braso, binti at hita ng bata upang mapabilis ang pagbaba ng lagnat. Gawin ang pagpupunas tuwing 30 minuto at ipagpatuloy hanggang sa bumaba ang temperatura ng bata.

Pagpapainom ng Paracetamol Ang Paracetamol ay ang subok at rekomendadong gamot ng mga doktor upang pababain ang lagnat ng bata. Ang mga magulang ay binibigyan ng pahintulot bumili at magpainom ng Paracetamol sa kanilang mga anak kahit walang reseta mula sa doctor. Gayunpaman, kinakailangang sundin ang mga sumusunod na batayan.

Kung ang temperatura ay 38.5 C o mas mataas, magbigay ng paracetamol batay sa nakasaad sa ibaba. Hinihikayat na gumamit ng medicine dropper para sa nga sanggol at medicine cup para sa mga bata, na matatagpuan kasama ang biniling paracetamol syrup. o o o Kung walang syrupsa bahay, maaaring gamitin ang tableta sa pagpapainom sa bata. Hatiin ang tableta batay sa dosage na angkop sa edad ng bata. Ibalot sa isang malinis na papel at dikdikin. Tunawin sa isang kutsarang tubig ang pinulbos na tableta. Maaari itong dagdagan ng asukal upang mawala ang pait o kaya naman ay maghanda ng juice na maaaring inumin ng bata pagkatapos inumin ang gamot.

* Tandaan: Sa pagpapainom ng gamot sa mga sanggol, siguruhing sa gilid ng bibig ipapatak ang gamot upang maiwasan ang pagkakasamid ng bata. * Kung ang lagnat ay mas mababa sa 38.5C,hindi pa kinakailangang bigyan ng paracetamol ang bata. Tepid sponge bath at pagpapakain ng mga tamang pagkain ang pinakamabuting gawin. *Ibigay ang paracetamol tuwing ika-4 na oras hanggang sa bumalik sa normal ang temperatura ng bata. Tamang Nutrisyon Sa pamamagitan ng tamang pagkain, nabibigyan ang bata ng mga sustansya na kinakailangan ng kanyang katawan upang malabanan ang kanyang sakit. Pag-inom ng maraming tubig. o Isa sa mga gawain ng tubig sa katawan ay ang pagbabalanse ng temperatura. Ang pag-inom ng maraming tubig ay makatutulong sa pagpapababa ng lagnat ng bata. o Siguraduhin lamang na ang ipapainom na tubig ay malinis. Maaaring mineral water ang ipainom o di kayay tubig mula sa gripo basta siguraduhin na ito ay pinakuluan. Tandaan: Sa pagpapakulo ng tubig, dapat hayaan na ang tubig ay patuloy pang kumulo limang minuto matapos ang unang pagkulo. o Ang tubig ay maaaring manggaling hindi lamang sa iniinom ngunit maging sa mga sabaw at prutas na kinakain. o Para sa mga batang 0-6 buwang gulang na gatas ng ina lamang ang pinaiinom, maaaring gawing mas madalas ang pagpapasuso upang mapadami ang tubig ng bata sa katawan. o Ang mga batay maaaring painumin ng isa hanggang dalawang litro ng tubig araw-araw upang makatulong sa pagbalanse ng temperatura. Patuloy na pagpapasuso o Pinakamainam pa rin na pagkain ng sanggol ang gatas ng ina. Isa sa mga pinakamalaking benepisyo na nakukuha sa gatas ng ina na hindi nakukuha sa ibang uri ng gatas ay ang pagkakaroon nito ng mga sangkap na nagpapalakas ng resistensya ng bata upang siya ay madaling gumaling sa pagkakasakit at upang siya ay makaiwas sa mga sakit. Marapat payuhan ang mga inang kumain ng masustansyang pagkain tulad ng berdet madadahong gulay. Payuhan rin ang mga nagpapasusong ina na magpakonsulta sa doktor bago uminom ng kahit na anong gamot. Pagkain ng mga pagkaing mayaman sa Vitamin C o Ang Vitamin C ay nagpapalakas ng resistensya na bata. Kapag ang isang bata ay may malakas na resistensya, hindi siya madaling kapitan ng sakit at kung siya man ay magkasakit, mabilis siyang gagaling. Ilang halimbawa ng mga pagkaing sagana sa Vitamin C ay kahel, kalamansi, dalandan, mangga, at papaya.

IBA PANG DAPAT TANDAAN KAPAG ANG BATA AY MAY LAGNAT Maraming mga nakaugaliang paraan ng pagpapababa ng lagnat ang patuloy na ginagawa sa kabila ng kawalan ng rekomendasyon mula sa mga eksperto at sa kabila ng panganib na maari nilang idulot. Bilang tagapangalaga ng kalusugan ng ating mga anak, nararapat lamang na malaman kung anuano nga ba ang nararapat gawin sa mga batang may lagnat. Iwasang balutin ang bata ng kumot, jacket, medyas, atbp kahit siya ay nangangatog o nanginginig. Tandaan: Ang panginginig ay paraan ng katawan upang maglabas ng init. Kayat ito ay normal lamang sa mga taong nilalagnat. Kapag pinigilan ang natural na panginginig, napipigilan din ang pagpapalabas ng init ng katawan ng bata. Hayaang nakalabas ang katawan ng bata dahil ito ay nakakatulong sa paglalabas ng init ng katawan. Kung siya ay nakabalot sa mga damit at kumot, lalong nakukulob ang init ng kanyang katawan. Mas mainam kung huhubaran ang bata, ngunit kung hindi kaya, maaaring damitan na lamang ng presko. Huwag ilublob sa yelo o sa tubig na may yelo ang mga bata kahit pa gaano kataas ang kanilang lagnat. Tandaan: Ang paglublob sa yelo ay maaaring magdulot ng hypothermia o biglaang pagbagsak ng temperatura. Ito ay maaaring maging dahilan ng pagbagsak ng pulso at blood pressure na nagdudulot ng iba pang problema.

STROKE Ang stroke (atake sa utak) ay nangyayari kapag ang arterya (ugat na daluyan ng dugo) na nagdadala ng dugo sa utak ay nabarahan o pumutok. Ang kakulangan ng pagdaloy ng dugo ay nagiging sanhi ng pagkamatay ng mga cells ng utak. Matapos ang stroke, ang ilang mga paggana ng katawan ay maaaring mawala, tulad ng pananalita o paggalaw ng mga bahagi ng katawan. Ito ay batay sa dalawang bagay: aling bahagi ng utak ang napinsala gaano kalubha ang naging pag-atake MGA SINTOMAS ng stroke: 1. Lumalaylay na balat sa mukha: mas nakikita kapag nakangiti ang pasyente. 2. Braso: sabihin sa pasyente na itaas at inatin ang kanyang mga braso nang nakaharap ang mga palad sa taas at ipikit ang kanyang mga mata. Ang isang braso ay kusang bababa/babagsak kung siya ay na-stroke. Ang panghihina/pagkawala ng sensasyon ay maaaring makita sa braso o binti. 3. Pananalita: hindi tuwid, mali ang mga salita, o hindi nagsasalita. Ang F.A.S.T. ay maaaring makatulong sa iyo na tukuyin ang mga sintomas ng stroke: 1. Facial droop is best seen when the person smiles. (Lumalaylay na balat sa mukha na mas nakikita kapag nakangiti ang isang taong na-stroke.) 2. Arm (Braso): Sabihin sa pasyente na itaas at inatin ang kanyang mga braso nang nakaharap ang mga palad sa itaas at ipikit ang kanyang mga mata. Ang isang braso ay kusang bababa/babagsak kung siya ay na-stroke. Ang panghihina/pagkawala ng sensasyon ay maaaring makita sa braso o binti.

3. Speech (Pananalita): hindi tuwid, mali ang mga salita, o hindi nagsasalita. 4. Time (Oras) na para tawagan kaagad ang iyong doktor SANHI NG STROKE: mataas na presyon ng dugo sakit sa puso dyabetis paninigarilyo labis na pag-inom ng alak mataas na kolesterol paggamit ng bawal na gamut mga sakit dulot ng henetika o mga kondisyon sa pagkabata, lalung-lalo na an mga abnormal na kundisyon sa dugo.

Pag-iwas sa Muling Pagkaka-Stroke Panatilihin ang isang malusog na pamumuhay sa pamamagitan ng: Suriin nang regular ang presyon ng iyong dugo. Kung mas mataas sa135/85, ipaalam sa iyong doktor. Ang lahat ng mga pasyenteng na-stroke ay dapat na may normal na presyon ng dugo (120/80 o mas mababa). Iwasan ang matataba at maaalat na mga pagkain. Itigil ang paninigarilyo. Regular na mag-ehersisyo, hindi bababa sa 3 beses sa isang linggo (1540 minuto sa bawat ehersisyo). Kumonsulta muna sa iyong doktor bago magsimula ng isang programa sa pag-eehersisyo. Uminom ng gamot na inireseta ng iyong doktor upang kontrolin ang presyon ng iyong dugo. Ang diabetes (mataas na antas ng blood sugar) ay nagpapataas ng tsansa na muli kang ma-stroke nang 2 hanggang 3 beses. : Sundin ang diyetang binigay sa iyo ng doktor o nutritionist. Kung mabigat sa normal ang iyong timbang, itanong sa iyong doktor o nutrintionist kung paano ito mapapababa. Inumin ang mga gamot na inireseta ng doktor Regular na magpa-check-up sa iyong dokor. Inumin ang mga gamot na inireseta para sa iyong problema sa puso. Alamin ang antas ng iyong kolesterol. Kumain ng pagkain na mababa ang kolesterol at taba, lalung-lalo na ang mga saturated na taba. Ang mataas na kolesterol at taba ay matatagpuan sa pula ng itlog, karne, at mga produktong mula sa gatas. itigilang paninigarilyo Bawasan ang dami ng alkohol na iyong iniinom hanggang sa mas kaunti sa 3 oz. ng likor, 8 oz. ng wine, 24 oz. ng beer, o 2 inumin bawat araw. Ang paggamit ng mga bawal na gamot tulad ng cocaine, amphetamine, at heroin ay maaaring magpataas sa presyon ng iyong dugo at magdulot ng hindi regular na tibok ng puso na maaaring humantong sa stroke. Ang pagkakaroon ng mataas na timbang, mataas na kolesterol, matabang diyeta at kakulangan sa ehersisyo ay maaaring maging sanhi ng mataas na presyon ng dugo, problema sa puso, aterosklerosis, at diabetes. Kontrolin ang iyong timbang. Kumonsulta sa iyong doktor tungkol sa timbang na tama para sa iyo. Kumain ng masusustansyang pagkain: mababa sa kolesterol, hindi mataba, maraming mga halamang butil, prutas, at gulay (46 na handa para sa isang araw).

VITAL SIGNS -signs of life na binubuo ng temperature ng katawan, paghinga, bilang ng tibok ng puso at blood pressure na nagsasabi ng buhay ng isang tao. Ito ay maaring masukat, maobserbahan at mamonitor. Kahalagahan: Upang magkaroon ng baseline sa sa pagkonsulta sa klinika, ospital o health center. Upang malaman ang abnormalidad sa kondisyon ng pasyente at basehan sa pagkuha ng gamot.

Dapat isaalang-alang: Dapat alamin ang normal na vital sign ng isang tao Dapat alam ang medical history ng pasyente Alamin kung pagod o hindi ang pasyente bago kunan ng vital signs Dapat 3o minute bago kunin ang vital signs at dapat ang pasyente ay hindi naninigarilyo, uminom ng alak at kape. Ang pagkuha ng blood pressures o BP ay ayon sa sukat ng BP cuff na naaayon sa pasyente.

Mga gamit sa pagkuha ng vital signs: 1. 2. 3. 4. Relos na may second hand Digital thermometer Sphygmomanometer Stethoscope

I.

Temperature ng katawan. -ito ay nirerekord upang malaman kung may sakit o lagnat ang pasyente o malaman kung mababa sa normal ang temperature.

Tatlong uri o paraan ng pagkuha ng temperature ng katawan: 1. Axillary (kili-kili)-ginagamit sa pamamagitan ng pag-ipit ng thermometer sa kili-kili. 2. Oral (sa bibig)-ito ay hindi ginagamit sa mga sanggol at bata. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pag-ipit sa ilalim ng dila. 3. Rectal (sa puwit)-ito ay dahan-dahang pinapasok sa puwit ng pasyente. Ang paraan na ito ay karaniwang ginagamit sa pagkuhan= ng temperature ng mga sanggol.

Paraan ng pagkuha ng temperature ng katawan: 1. Linisin ng bulak na may alcohol ang thermometer. 2. Ilagay ang thermometer ayon sa turo at paraan ng pag-gamit nito. (oral, axilla, o rectal) 3. Para sa rectal thermometer, lagyan muna ng pampadulas o oil ang dulo ng digital thermometer bago dahan-dahang ipasok sa puwit ng sanggol na di hihigit sa 1 inch o 2 centimetro 4. Panatilihin ang thermometer sa loob ng 3-4 minuto sa axilla at oral, at 2-3 minuto sa rectal o intaying tumunog ang thermometer. 5. Pagkatapos sa takdang oras, tanggalin tsaka basahin 6. Punasan ng disinpectant o alcohol pagkatapos gamitin at itabi muli sa lalagyan. II. PULSO -sinusuri upang malaman kung may abnormalidad sa puso sa pamamagitan ng pagsukat sa bilang nito at kung regular ang tibok ng puso gayundin ang lakas ng tibok nito sa loob ng ugat. Paraan ng pagkuha nito: 1. Ang braso ng psyente ay dapat iayos ng nakatihaya. 2. Ilapat ang hintuturo at gitnang daliri sa ibabaw ng ugat sa pulsuhan, makikita sa hanay o linya ng hintuturo sa braso. 3. Marahang ilipat sa ugat. 4. Kuhanin ang bilang ng pulso sa loob ng isang minute gamit ang relos na may second hand. III. Paghinga -ang tamang paghinga ay mabagal, walang tunog, at mababaw pag tulog ang isang tao o pag nagpapahinga ta mabilis, malalim at maingay pagkatapos gumawa ng isang Gawain. Paraan ng pagkuha nito: 1. Hayaang nakalapat sa pulsuhan pagkatapos kuhanin ang bilang ng pulso sa susunod pang minuto. 2. Dapat hindi malaman ng pasyente na kinukuhanan siya ng bilang ng kanyang paghinga. IV. BLOOD PRESSURE -kinukuha sa pamamagitan ng BP cuff na tama ng sukat sa pasyente upang makuha ang saktong BP. Paraan ng pagkuha nito: 1. Iaayos ang braso ng pasyente na pantay sa puso. 2. Ibalot ang BP cuff sa braso ng payente, 1 inch mula sa harap ng siko. 3. Ilagay ang stethoscope sa tapat ng ugat sa braso harap ng siko gamit ang isang kamay. 4. Bombahan ang BP cuff hanggang ang ugat ay maipit at walang tunog na maririnig sa earpiece ng stethoscope

5. Ang cuff ay dapat ring bombahan ng 10 mmHg pa mula sa huling tunog na maririnig. 6. Dahan-dahang buksan ang valve sa pump hanggang maririnig ang tunog sa ugat. 7. Ang unang malakas na tunog ay tinatawag na systolic BP at unti-unti pang buksan ang valve hanggang marinig ang huling tunog o diastolic BP. 8. Pagkatapos ay irekord na ang unang sinusulat ay ang systolic BP bago ang Diastolic BP Hal: 120/90 V. NORMAL VITAL SIGNS

INTEGUMENTARY SYSTEM -proteksiyon sa mga organo sa loob ng katawan. Balat-bumabalot sa buong katawan o pangunahing proteksiyon ng katawan mula sa sakit. Layers ng Balat Epidermis-pinakalabas na parte ng balat. Dermis-ikalawang layer na sunod sa epidermis. Nagtataglay ng sariling supply ng dugo. Ang gland na nakakatulong sa pagpapawis ay matatagpuan dito na siyang kumokolekta ng mga maduming bagay sa daluyan ng dugo. Subcutaneous tissue-huling layer ng balat. Ang taba ay nakaimbak ditto na responsible sa pagkontrol ng temperature. Fx o gamit ng balat 1. 2. 3. 4. 5. Pagkontrol ng temperature Pangramdam Proteksyon Produksyon ng Vit. D Balanse sa tubig sa katawan

Buhok-ang oil gland na meron sa mga hair follicle ay nakakatulong upang hindi matuyo ang balat. Kuko-proteksiyon sa mga daliri. Nakakatulong sa pagdampot at paghawak ng mga bagay. Nagdadagdag ng pwersa sa mga dulo ng daliri.

SUGAT Uri ng panlabas na sugat: 1. 2. 3. 4. 5. Puncture-malalim at maliit na sugat. Maaring gawa ng tusok. Abrasion-gasgas na sugat. Kalimitan gawa sa pagkakadapa. Laceration-pagkakapunit ng balat. Hindi pantay pantay ang dulo o gilid nito. Avulsion-galing sa mga hiwa. Incision-sinadyang sugat sa operasyon.

Pangangalaga ng Sugat Itigil ang pagdurugo sa pamamagitan ng paglalagay ng pressure o diin sa sugat. Hugasan ng malinis na tubig o sabon ang sugat. Lagyan ng antiseptiko o antibiotic na ointment ang sugat. Gumamit ng gasa para sa pantakip sa sugat. Iwasang gumamit ng bulak na pantakip sa sugat. Palagiang impeksyunin ang sugat.

CLOSED WOUNDS Simtomas Pananakit Pamamaga Pag-iiba ng kulay Pagkakaroon ng pasa Paglabas ng dugo sa bibig sa ilong o sa tenga.

Pangunang lunas 1. Paglalagay ng yelo o cold compress 2. Bahagyang itaas ang apektadong parte

URINARY SYSTEM Mga Bahagi ng Urinary System at Paano Gumagana ang mga ito: Tulad ng isang mahusay na makina ang katawan ng tao. Binubuo ito ng mga bahaging sama-samang gumagawa sa isang maayos na paraan upang magampanan ang mga tiyak na tungkuling. Tinatawag na organ system ang bawat bahaging ito. Matutuhan mo sa araling ito ang tungkol sa isa sa mga sistemang ito ay-ang urinary system. Tungkol sa Urinary System at mga bahagi nito ang araling ito. 1. Mga bato o kidneys-ang organ na sumasala sa dugo at nag-aalis ng mga metabolikong dumi na inilalabas ng mga ito sa katawan. 2. Mga ureter-ang tubong nagmula sa bato (kidney) patungo sa urinary bladder na may pangunahing tungkuling dalhin ang ihi sa pantog (urinary bladder). 3. Pantog (urinary bladder)-imbakan ng ihi at nagtutulak nito sa urethra para ilabas ito sa katawan. 4. Sphincter ang tubong nagtutulak sa ihing nagmula sa urinary bladder patungo sa labas ng katawan. 5. Urethra-mga bilugang kalamnan (circular muscle) na pumipigil sa pagtagas ng ihi. UTI o impeksyon sa ihi: Sanhi, sintomas, gamot, at kaalaman Ang impeksyon sa ihi o UTI (Ingles/Medikal: Urinary Tract Infection) ay isa sa pinakakaraniwang sakit lalo na sa mga kababaihan. Dahil mas maikli ang daluyan ng ihi ng babae, mas mabilis makapasok ang mga mikrobyo para magdulot ng impeksyon sa pantog o bladder at sa daluyan ng ihi o urethra. Pero ang UTI ay maaaring mangyari sa babae o lalaki. Ano ang sanhi ng UTI o impeksyon sa ihi? Ang sanhi ng UTI ay ang mga bacteria na nakapasok sa daluyan ng ihi. Ito'y maaaring mangyari kung hindi malinis ang bahagi ng katawan, o dahil sa pakikipagtalik o sex. Subalit kailangang idiin natin na kung ang isang babae ay nagkaroon ng UTI, hindi nangangahulugang nakipagtalik sya sa lalaki. Isa lamang ito sa maaaring dahilan. Ano ang mga sintomas ng UTI o impeksyon sa ihi?

Makirot na pag-ihi (Dysuria) Balisawsaw Mabaho at hindi malinaw na ihi Pananakit sa pantog Panakakit sa tagiliran Lagnat

Paano malalaman kung may UTI? Ang UTI ay maaaring gamutin base lamang sa pagkwento ng pasyente, ngunit kadalasan, gingagawa ang eksaminasyon na urinalysis upang matiyak kung mayroong UTI. Sa urinalysis, sinusuri ang ihi kung may mga mikrbyo, nana, o dugo, at iba pang bagay na maaaring magpakita na may impeksyong nagagaganap. Anong gamot sa UTI? Antibiotiko ang pangunahing gamot sa UTI, ngunit ang pagpili ng antibiotiko sa UTI ay hindi simpleng bagay. Ibang klase ang mga mikrobyong na nagdudulot ng impeksyon sa ihi, kaya hindi pwedeng basta basta magbigay ng gamot gaya ng Amoxicillin. Mas mabuti kung magpatingin sa doktor at itanong kung anong antibiotiko ang angkop kung ikaw ay may UTI. Bukod sa gamot, mahagala ring uminom ng maraming tubig upang mas mabilis masupil ang impeksyon. Iwasan ang kape, alak, at maaanghang na pagkain, sapagkat ang mga ito ay maaaring maka-irita sa pantog. Kung ikaw ay may ibang sakit, gaya ng sakit sa bato, o umiinom ng ibang gamot, mahalagang banggitin ito sa doktor para makapili siya ng mas angkop na gamot. Depende sa iyong kalusugan, maaari ring magbago ang haba ng gamutan, mula tatlo hanggang 14 na araw.

Paano makaiwas sa UTI? Panatilihing malinis ang katawan upang makaiwas sa UTI. Maligo araw-araw at huwag kaligtaang linisan ng sabon ang puerta o ari. Kapag maghuhugas ng puwitan, ang direksyon ay dapat papalayo sa puerta o daluyan ng ihi. Regular na magpalit ng underwear. Uminom parati ng tubig. Ang pakikipagtalik sa iba't ibang partner ay maaari ring mag-sanhi ng UTI, pati naring mga STD o sexually transmitted diseases. Iwasan ang ganitong mga gawain, o di kaya'y gumamit ng condom para makabawas sa probabilidad na magkakaroon ng impeksyon. Umuhi pagkatapos makipagtalik - may mga pag-aaral na nagsasabing ito'y nakakatulong as pag-iwas sa UTI.

MUSCULOSKELETAL SYSTEM

Ang skeletal system ay binubuo ng mga buto na nakaayos sa paraang makapagbibigay ng pinakamainam na suporta sa mga bahagi ng katawan at makatutulongsa iyo sa pagsasagawa ng maraming bagay. Sa iyong palagay, gaano karami ang iyong mga buto? Hulaan mo. Dalawampu ba?Sandaan? Maaaring ikagulat mo ang katotohanang may 206 na buto sa katawan ng isangtaong may sapat na gulang (adult). Nakaayos ang lahat ng ito sa paraang makatutulongsa mahusay na pagganap sa mga tungkulin ng iyong katawan. Upang higit na maipakita ang mga tungkulin ng skeletal system sa katawan ng tao,isipin mong ang iyong katawan ay isang bahay. Kung aalisin ang mga suportangbalangkas ng bahay, hindi na ito makatatayo. Tulad ng balangkas ng bahay, binubuo rin ang skeletal system ng mga balangkasna mahalaga sa pagpapanatili ng hugis ng katawan. Kung wala ang skeletal system,hindi ka makatatayong mag-isa o makatitindig nang tuwid. Sinusuportahan ang iyongtimbang ng mga buto sa iyong likod at sa buong katawan upang makagawa ka ngmaraming bagay. Maliban sa pagbibigay ng suporta at balangkas sa iyong katawan, marami pangnagagawa ang skeletal system para sa iyo.Halimbawa, naglalakad ka sa isang mataong lugar nang bigla kang suntukin sadibdib ng isang di-kilalang tao. Mararamdaman mo ang sakit ng suntok. Gayunman, di masasaktan ang iyong pusoat baga maliban na lamang kung malakas na malakas ang pagkakasuntok.Ipinagsanggalang ng mga matitigas na balangkas ng skeletal system ang iyong mgaorgan mula sa suntok. Nagsisilbi ring kapitan ng mga kalamnan (muscle) ang mga buto. Nakagagalaw angtao dahil sa pag-urong o pag-ikli ng mga kalamnan. Kapag ang kalamnan ay lumiliit oumiikli, nahihila ng pag-ikli ang mga buto na kinakapitan ng mga kalamnan. Ito angsanhi ng pagkakaroon ng paggalaw. Bagamat ang mga kalamnan ay nakakikilos nang mag-isa, di magagawa ng mga itoang mga malalaking paggalaw kung walang suporta mula sa skeletal system. Ang mgabuto ay kailangang gumalaw upang makagalaw ang buong katawan.

REPRODUCTIVE SYSTEM Anatomy and physiology Cervix Fallopian tube ito ang daluyan ng egg cell ng babae mula sa ovaries papunta sa uterus. Uterus ditto na dedevelop o nabubuoang fetus o bata. - Dito rin nangagaling ang regal ng babae. Ovaries Almond-shape. - Dito ngagaling at nabubuo ang itlog ng babae. Vagina dumadaan ang bata palabas pag manganganak na. - Daanan din ng dugo sa tuwing nireregla ang babae.

Leopolds Maneuver

First maneuver (Presentasyonng Bata) Habang magkaharap ang ngeeksamin at ang buntis, kapain ang ibabaw ng tiyan ng buntis. Makakapa mo ang laki, hugis at galaw ng bata at ito rin ay inyong madadama. Ang fetal head ay matigas, tatag, bilog at paggalaw ng mag isa ng leeg/ulo ng bata. Samantalang kung ang puwerta naman ng bata ang makakapa ay malambot at pantay hindi kagaya ng ulo na gumagalaw kasabay ng leeg.

Second maneuver Pagkatapos kapain ang ibabaw ng tiyan ng buntis, susunod ay kapain ang tiyan para Makita ang lokasyon ng likod ng fetus. Kaharap pa rin ng buntis, kapain ang tiyan ng buntis, malalim ngunit may pagalalay sa pagkapagamitang dalawang kamay. Ilagay ang kanang kamay sa isang bahagi ng tiyan, habang ang isang kamay ay umiikot sa

kabilang bahagi ng tiyan ng buntis. Ulitin uli sa kabilang bahagi naman ng tiyan ng buntis. Ang likod ng bata ay matigas at makinis samantalang kung ang makakapa ay braso o hita ng bata ay maliit na magkakaiba at nakausli . Third maneuver Para makita kung aling parte ng bataang nakaposisyon sa ilalim ng tiyan ng buntis. Hawakan ang ilalim na bahagi ng tiyan. Ang maneuver na ito ay ng papatunay sa unang maneuver. Kung ang buntis ay nasa stage nang labor, ditto mo malalaman kung aling parte ng bata ang mauuna lumanbas. Kung ang bahaging lalabas ay ang ulo, ay hindi agad agad itolalabas, ito ay magpapabalik balik sa lalabasan ng bata.

Fourth maneuver Patalikorin ang buntis upang makapa ang noo ng bata. Ang dalawang kamay ay umiikot mula sa gilid simula sa uterus papuntang pubis. May madadama kang resistensya sa ibabang bahagi ng iyong mga daliri papunta sa noong bahagi ng bata.

EDB (Estimated Date of Birth) - Naegels Rule - LMP (+ 7 days 3 months + 1 yr) AOG (Age of Gestation) - Kung ilang araw, lingo, o Buwan na ang bata sa loob ng tiyan ng nanay. - Bilangin mula sa araw ng iyong huling regal hanggang sa araw ng iyong pagpapacheck up. GP/GTPAL - Gravida bilang kung ilang beses ng nag buntis ang nanay. - Para Bilang kung ilang bata na ang naisalang ng buhay. - Term bilang ng bata na nailabas naumabot sa 37 weeks pataas at buhay. - Pre term bilang ng bata nanailabas na di umabotsa 37 weeeks ngunit buhay. - Abortion bilang ng bata na hindi nailabas sa tamang panahon ng kapanganakan napatay o hindi na ilabas ng buhay. - Living bilang ng bata nanailabas ng buhay. FHT (Fetal Heart Tone) - Pakingan ang tibok ng puso ng fetus sa loob ng tiyan ng nanay gamit ang stethoscope o dopler. - Maririning ito tuwing ikalimang buwan pataas sa panahon ng pagbubuntis. - Maririnig ito malimit sa ibabang bahagi sa mag kabilang gilid ng tiyan ng nanay. - Normal natibok. (120 160 bpm) - Pag hindi marinig ang tibok ng pusong fetus ay agad mag pakonsulta sa Doctor.

You might also like