Ang Katawan NG Tao

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

ANG KATAWAN NG TAO

Ang ating katawan ay binubuo ng 10 systems, pangkat ng mga tissue, at mga organs na may kanyakanyang mahalagang gawain o papel. Resulta ng pagkaorganisa ng mga systems na ito ang isang maayos
na daloy ng mga gawain ng katawan para mapanatili ang buhay gaya ng paglaban sa sakit, pagtunaw ng
pagkain at pagkuha ng sustansiya, paglaki at pagdami ng tao.
SKELETAL SYSTEM

Mayroon tayong 206 buto


Gawain: suportahan ang katawan (frame), protektahan ang mga organs sa loob (lamang-loob)
ng katawan gaya ng utak, baga, puso, atay, atbp; imbakan ng calcium, isang mineral na kailangan
ng mga nerves at muscles; ang malambot na loob ng buto o bone marrow ay gawaan ng mga
sangkap ng dugo
Ang mga buto ay magkarugtong sa pamamagitan ng mga kasukasuan (joints) upang magkaroon
ng maraming posibilidad ng paggalaw (flexion, extension, rotation)
Mayroong ibat ibang hugis at laki ang mga buto batay sa gagampanan niyang gawain;
Halimbawa ang breastbone ay flat na parang plato para maging sangga ng puso at baga; ang
mga buto ng kamay ay maiikli/maliit at pino para madali at marami ang galaw; at mahahaba at
matitibay na buto ng binti para sa mabigat na trabaho at mabilis na paggalaw

MUSCULAR SYSTEM

May 3 uri ng muscles: skeletal, smooth, cardiac


Ang skeletal muscle ay nakadikit sa mga buto para sa kusang paggalaw ng mga ito
Ang smooth muscle ay matatagpuan sa mga daluyan ng dugo (blood vessels), tiyan, bituka, apdo
at iba pang mga lamang-loob at siyang nagpapagalaw ng mga ito nang hindi natin nalalaman
tulad ng pagtunaw ng pagkain at pagkontrol ng blood pressure
Ang cardiac muscle ay matatagpuan sa puso at parang isang pump na nagpapadaloy ng dugo sa
buong katawan

NERVOUS SYSTEM

Ito ang supervisor ng lahat ng gawain sa katawan


Mayroon itong 2 bahagi: central nervous system na binubuo ng utak at spinal cord at ang
peripheral nervous system, ang kabit-kabit na mga nerves na siyang nagdudugtong ng utak at
spinal cord sa mga ibang bahagi ng katawan
Ang sentro ng nervous system ay ang utak; ang ibat ibang bahagi nito ang nagkokontrol ng bilis
ng paghinga, pagtibok ng puso at gawain ng bituka; may bahagi rin na may kinalaman sa
pandinig at pagtingin, balanse ng katawan
Ang utak din ang may kinalaman sa mga tinatawag na higher functions gaya ng pag-unawa, pagalaala, pagsasalita, pangangatwiran at pagkakaroon ng damdamin.

8/25/2009 Katawan ng Tao

Page 1

Ang peripheral nerves naman ang dinadaluyan ng mga signals mula sa ibang bahagi ng katawan
patungo sa spinal cord patungo sa utak; nagpapadala ito ng impormasyon ukol sa kirot, init,
galaw, posisyon at balance ng ibat ibang parte ng katawan.

RESPIRATORY SYSTEM

Ito ay binubuo ng baga at mga daluyan ng hangin. Araw-araw ang katawan ay gumagamit ng
4,000 galon ng hangin upang magdala ng oxygen sa ibat ibang bahagi at maglabas ng carbon
dioxide
Ang daloy ng hangin: pumapasok sa ilong kung saan ito ay ginagawang mamasamasa, mainit-init
at sinasala tumutuloy sa voicebox/larynx at tapos ay sa trachea (pinakapunong daluyan ng
hangin) dumadaloy sa kanan at kaliwang bronchus (ang kanan ay nahahati sa 3 upang magdala
ng hangin sa tatlong bahagi/lobes ng kanang baga at ang kaliwa ay nahahati sa dalawa at
nagdadala ng hangin sa 2 bahagi ng kaliwang baga) ang bawat bronchus ay nahahati pa sa
marami at mas maliliit na bronchi na nahahati pa rin sa higit na maliliit na bronchioles
dumadaloy patungo sa napakaliit na mga sako na tinatawag na alveoli na nababalutan ng maliliit
na daluyan ng dugo (capillaries) at dito nangyayari ang pagpapalit ng oxygen at carbon dioxide
Ang diaphragm ang pangunahing muscle ng paghinga na tumutulong sa pagpapapasok at
pagpapalabas ng hangin sa katawan. Ang iba pang mga muscle na tumutulong sa paghinga ay
tinatawag na mga accessory muscles; kabilang dito ang mga muscles ng ilong, leeg, balikat at
tiyan.

CIRCULATORY SYSTEM

Ang circulatory system ang naghahatid ng oxygen at nutrients (sustansiya) sa mga tissues at
nagtatanggal ng basura nito. Kasama dito ang puso na isang maskuladong pump na may 4 na
kuwarto, ang mga sangkap ng dugo na kinakapitan ng oxygen o di kayay basura, at maraming
maraming tubo (blood vessels) na dinadaluyan ng dugo.
Sa loob ng isang taon, ang puso ay tumitibok nang 3 milyong beses at nagpapaikot ng mahigit na
2.9 milyong litro ng dugo sa buong katawan.
Ang puso ay may 4 na silid 2 nasa itaas na tinatawag na right and left atrium at 2 nasa baba na
mas makapal na tinaguriang right and left ventricle. May 4 na valves ang puso na tumitiyak na
iisang direksiyon ang daloy ng dugo. Ang puso ay tumitibok sa pamamagitan ng mga electrical
signals at ang bilis nito ay nagbabago ayon sa antas ng gawain at hirap na dinaranas ng katawan.
May 3 uri ng daluyan ng dugo ang arteries ang nagdadala ng oxygen at inilalarawan na kulay
pula; sa veins naman dumadaloy ang dugo na walang oxygen at inilalarawan na kulay asul; ang
capillaries naman ang napakaliliit at maninipis na tubo kung saan nangyayari ang pagpapalit ng
oxygen, nutrients at iba pang mga bagay sa tissues.
May 2 sistema ng circulation: systemic and pulmonic. Nakakaikot ang dugo sa 2 sistemang ito sa
loob ng 30 segundo lamang.

8/25/2009 Katawan ng Tao

Page 2

DIGESTIVE SYSTEM

Ang sistemang ito ang tumutunaw sa pagkain sa mas mga simpleng sangkap upang itoy maging
bahagi ng katawan. Tinatanggal din niya ang mga bagay na hindi natunaw at iba pang basura ng
katawan sa pamamagitan ng pagdumi.
Ang proseso ng pagtunaw ay nagsisimula sa bibig kung saan dinudurog ng ngipin ang pagkain.
Ang laway ang nagbabasa ng pagkain at tumutunaw ng mga pagkain na mayaman sa
starch/carbohydrates.
Ang mga masel ng lalamunan ang nagtutulak ng pagkain sa tubo ng esophagus patungo sa
tiyan (stomach).
Ang tiyan naman ay parang isang nababanat na sako kung saan mayroong gastric juices na
tumutunaw ng protina, hydrochloric acid na pumapatay ng anumang mikrobyong nasama sa
pagkain at mucin na isang malauhog na bagay na nagpoprotekta sa saplot sa loob ng tiyan upang
itoy hindi masira ng asido. Maliban sa asukal at alak ang lahat ng sangkap na mula sa tiyan ay
hindi pa nagiging bahagi ng katawan at dumadaloy patungo sa maliit na bituka kung saan
nangyayari ang malawakang pagtunaw at pagsipsip ng sustansiya sa dugo. Lahat ng dugo na
dumadaloy sa maliit na bituka ay daraan sa atay. Kinukuha ng atay ang sustansiya na dala ng
dugo at iniimbak ang mga ito o di kayay ginagawa sa mga bagay na kakailanganin ng katawan.
Halimbawa maaring maglabas ng asukal ang atay sa katawan upang gamiting gasoline; maari
niyang gawing protina ang asukal para sa pagsasaayos ng mga sirang bahagi ng katawan; o di
kayay gawing taba ang asukal para sa mas mahabang pag-iimbak. Ang atay rin ang nagtatanggal
ng anumang mapanganib na bagay na nakapasok sa katawan.
Ang anumang pagkain na hindi natunaw ay tumutuloy sa malaking bituka kung saan hinihigop
pabalik sa dugo ang tubig upang maging buo ang duming ilalabas sa puwit.

URINARY SYSTEM

Ito ang isa pang sistema ng katawan na nagtatanggal ng basura at nangangalaga sa balanse ng
tubig at kemikal sa katawan.
Itoy binubuo ng 2 bato (kidney) na may kanyang mahabang tubo (ureter) patungo sa pantog
(bladder) isa pang tubo ang nakakabit sa pantog patungo sa labas ng katawan at ito ay ang
urethra.
Ang bato ang pangunahing tagapaglinis ng katawan. Sa pagdaloy ng dugo dito ay tinatanggal ang
mga lason na produkto ng pagtunaw at iba pang proseso sa katawan. Ang bato ay gumagawa ng
ihi upang tangayin palabas ang mga lason na ito. Pansamantalang iniipon ang ihi sa pantog at
kapag itoy napuno na ay mararamdaman ang pangangailangang umihi.
Habang tinatanggal ng bato ang mga lason sa katawan ay ibinabalik naman niya sa dugo ang
mga protina, asin, asukal, calcium at iba pang nutrients para mapanatili ang isang malusog na
komposisyon sa katawan.
Ang bato rin ay may kinalaman sa pagkontrol ng blood pressure at paggawa ng pulang sangkap
ng dugo.

8/25/2009 Katawan ng Tao

Page 3

ENDOCRINE SYSTEM

Ang sistemang ito ay binubuo ng maraming glands na gumagawa ng mga tinatawag na


hormones may kinalaman sa paggawa ng enerhiya sa katawan para sa ikabubuhay (metabolism),
paglaki, pag-unlad ng kaisipan at damdamin.
Ang master gland ay ang pituitary na matatagpuan sa utak at siyang nagkokontrol sa iba pang
glands.
Ang thyroid naman ay matatagpuan sa leeg at gumagawa ng thyroxine na nagpapabilis ng
pagtunaw ng pagkain at pagpapalit nito sa enerhiya at init para sa katawan.
Sa likod ng thyroid gland ay ang 4 na parathyroid glands na kasing laki lamang ng gisantes. Ang
mga ito ang gumagawa hormones upang makontrol ang paggamit ng katawan ng calcium at
phosphorus para sa matibay na mga buto. May epekto din sila sa komunikasyon ng nervous
system at muscular system.
Ang adrenal glands matatagpuang nakaupo sa ibabaw ng bawat bato. Gumagawa ang mga ito ng
epinephrine na naghahanda sa katawan sa pagkakataon ng mga emergencies o biglang-sakuna;
pinabibilis nito ang tibok ng puso, itinataas ang blood pressure, pinamumuo ang dugo nanag mas
mabilis at pinadadaloy ang dugo mula sa bituka papunta sa mga masel upang ang katawan ay
maging mas mabilis, listo at organisado. Ang adrenal glands din ay gumagawa ng hormones na
nagkokontrol sa dami ng tubig at asin sa katawan at sa paggamit ng asukal; gumagawa rin ang
mga ito ng androgens o male sex hormones sa lalaki at babae.
Sa loob ng pancreas ay ang mga glands na tinaguriang islets of Langerhans gumagawa ng
insulin na siyang nagkokontrol sa paggamit ng asukal sa katawan.
Ang mga sex glands ay bahagi ng reproductive system at gumagawa ng sex hormones na
nagkokontrol sa paglaki at paglago ng mga sex organs at iba pang katangian na nagbubunga sa
kaibahan ng lalaki sa babae ( ang hugis ng katawan, pagtubo ng buhok, paglaki ng suso).

REPRODUCTIVE SYSTEM

Papel ng sistema ito na bigyang-kakayahan ang tao na siyas magkaanak.


MALE
Sa lalaki, kasama dito ang paggawa ng semilya (sperm) at ang paghatid nito sa katawan ng
babae. Di tulad ng sa babae, reproductive system ng lalaki ay nasa labas ng katawan upang hindi
masyadong mainitan ang semilya at mamatay.
Sa pagbibinata ng lalaki, ang testes, isang uri ng glands na nakapaloob sa dalawang sako
(scrotum) ay gumagawa ng semilya. Ang mga itoy nagiging magulang at iniimbak nang mga 3
linggo at inilalabas kapag ang lalaki ay nagigising (sexual arousal)
Sa isang ejaculation, may 200 300 milyong semilya ang lumalabas at kailangan lamang ng isa
upang mabuntis ang babae.

8/25/2009 Katawan ng Tao

Page 4

FEMALE
Mas komplikado ang reproductive system ng babae dahil hindi lamang ito gumagawa ng itlog
(ova or eggs) kundi may kakayanan din itong magdalang-tao nang 9 buwan. Maliban pa rito ang
suso ng babae ang siyang nagbibigay ng sustansiya sa sanggol kahit hanggang 2 taong gulang.
Ang pangunahing reproductive organ sa babae ay ang obaryo (ovary). Sa pagdadalaga, ang mga
glands na ito ay lumilikha ng 400,000 itlog. Kada buwan ay may isang itlog na nagiging magulang
at inilalabas patungo mga tubo (fallopian tubes) patungo sa matres (uterus). Kapag may
nasalubong itong semilya sa pagtatalik, itoy mabubuong sanggol at kung hindi naman ay
rereglahin ang babae.
Habang nagbubuntis ang mga suso ay dahan-dahang lumalaki bilang paghahanda sa
pagpapasuso. Ang gatas ng ina ay sapat at kumpletong pagkain para sa sanggol hanggang 6 na
buwang gulang ngunit mainam na ipagpatuloy ito kahit hanggang 2 taon.
Kapag sumususo ang sanggol ay gumagawa ang katawang ng oxytocin, isang hormone na
nagpapadaloy ng gatas.

IMMUNE SYSTEM

Ang immune system ang nagtatanggol ng katawan laban sa mga mikrobyo na nagdadala ng sakit.
Mayroong 2 uri ng depensa: innate at adaptive defense system.
Ang innate defense ay tumutugon kagyat sa anumang panganib sa katawan sa pamamgitan ng
mga panangga tulad ng ating balat, mga mucus membranes na bumabalot sa loob ng mga sako
at tubo ng katawan at mga kemikal (enzymes) sa laway at luha na pumapatay ng mikrobyo.
Ang adaptive defense naman ay binubuo ng espesyal na puting sangkap sa dugo na tinatawag na
lymphocytes. Ito ang gumagawa ng protina na mga antibodies panlaban sa mga natatanging
mikrobyong may dalang sakit. Ang mga lymphocytes ay nakaaalala ng mga mikrobyong umatake
na sa katawan nang sa gayon mas mabilis ipagtanggol ang katawan kapag umatake muli ang
gayong mikrobyo.
Ang mga lymphocytes ay naglalakabay sa buong katawan lulan ng likidong tintatwa na lymph na
dumadaloy sa mga tubo na lymphatic vessels. Ang lymphocytes ay nakaistasyon sa mga lymph
glands (kulani) kung saan sila sinusugo sa parte ng katawan na inaatake ng impeksiyon.

INTEGUMENTARY SYSTEM (SKIN)

Ang balat ang bumabalot sa buong katawan na dumudugtong sa panloob na saplot (mucus
membranes) nang walang patlang sa mga butas ng katawan.
Ang balat ay nagsisilbing panangga sa mga pisikal, kemikal at bacterial na panganib sa katawan
upang ang mga itoy di makaabot sa mga lamang-loob.
Mayroon din itong mga espesyal na organ na pandamdam (hipo, init at lamig at kirot)

8/25/2009 Katawan ng Tao

Page 5

Sa pamamagitan ng mga laman nitong sweat glands at tubong daluyan ng dugo ay kinokontrol
niya ang temperatura ng katawan. Ang isang pulgada ng balat ay merong 4.5 metrong daluyan
ng dugo na lumalaki o kumikipot upang mabago ang temperatura ng katawan.
Ang bawat pulgada rin ng balat ay may daan-daang sweat glands na gumagawa ng pawis para
palamigin ang katawan.
May dalawang sapin ang balat. Ang pang-ibabaw na epidermis o cuticle binubuo ng mga patay
na sangkap ng balat na napapalitan ng bagong balat mula sa stratum germinativum.
Ang mas malalim na sapin ay ang dermis na binubuo ng maraming collagen at elastic fibers, mga
daluyan ng dugo, taba at ugat ng mga buhok at sweat glands.
Ang balat ay meron ding sebaceous glands na gumagawa at naglalabas ng sebo na pampalambot
at pampadulas ng balat.

SENSORY ORGANS

Mata para sa paningin (see human eye and focus)


Ilong pang-amoy (see nose)
Tainga pandinig (see ear and hearing)
Dila panlasa (see taste regions of the tongue)
Balat - pandama

8/25/2009 Katawan ng Tao

Page 6

You might also like