Ilang Taon Si Rizal NG Mamatay

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ilang taon si Rizal ng mamatay? 35 na taon, 6 na buwan at 11 araw Ano ang unang nobelang isinulat ni Rizal?

Noli Me Tangere Ano ang pamagat ng nobelang hindi natapos ni Rizal? Makamisa Saan nagtapos si Rizal ng degree sa Bachelor of Arts? Ateneo Municipal (Ateneo de Manila ngayon) noong Marso 23, 1872 Ano ang unang tulang ginawa ni Rizal? Sa Aking Mga Kababata Ano ang unang parangal na natanggap ni Rizal? A La Juventud Filipina Kailan at saan nag-aral si Rizal ng medisina? Central University of Manila, noong June 21, 1884, kung saan sya nilesensyahan at pinarangalan. Sino ang pinakabatang kapatid ni Rizal? Soledad Sino ang pinakamatandang kapatid ni Rizal? Saturnina Saan unang nag-aral si Rizal? Sa Bian unang nag-aral si Rizal, sapagkat ang Bian noon ay kilala sa mga pribadong paaralan para sa mga batang lalaki. Nag-aral si Rizal sa ilalim ng pamamahala ni Maestro Justiniano Aquino Cruz, isang tanyag na guro ng mga batang elit. Siyam na taong gulang si Rizal ng una siyang ipadala sa Bian upang mag-aral. Bakit tinalikuran ni Rizal ang magandang buhay sa Japan? Walang pag-aalinlangan sa pag-iibigan ni Rizal at ni O-sei-san. Kung si Rizal ay isang Pilipinong walang patriotismo, marahil ay nanatili na siya sa Japan. Malamang ay ikinasal na siya kay O-seisan at nanirahan ng mariwasa sa Japan kung kanyang tinanggap ang suporta at magandang trabahong inalok sa kanya ng pamahalaang Kastila. Ngunit kailanman ay hindi inisip ni Rizal na ipagpalit ang pag-ibig at masaganang buhay ang pagsasakatuparan ng kanyang misyon - ang reporma at kalayaan ng kanyang mga kababayang Pilipino.

Nag-asawa ba si Rizal? Paano sila nagtagpo? Sa Dapitan huling umibig si Rizal. Umibig siya kay josephine Bracken, isang magandang Irish na galing sa Hongkong. Sinamahan ni Josephine ang kanyang amaing magpagamot kay Rizal, at doon ang una nilang pagtatagpo. Hindi man naging matagumpay ang operasyon ni Rizal kay George Taufer, ang bulag na amain ni Josephine, napaibig naman niya ang dalaga na nooy may crush din kay Rizal. Pinatunayan ni Josephine ang kanyang katapatan kay Rizal. Sa Dapitan nanirahan siya kasama ang kanyang Darling Joe. Sa kasamaang palad, namatay ang kanilang anak tatlong oras matapos itong ipanganak. Bakit tinalikuran ni Leonor Rivera ang pag-ibig niya kay Rizal? Isang pagdadalamhati ni Rizal sa Madrid ang pagtalikod ni Leonor Rivera sa kanilang engagement. Isang malamig na gabi noong Disyembre 1890, nakatanggap si Rizal ng liham mula kay Leonor kasabay ng balitang pagpapakasal nito kay Henry Kipping, isang inhinyerong Ingles sa Maynila. Labis na kalungkutan ang binunga nito kay Rizal.

You might also like