ANAK

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

ANAK Mga Tauhan: Josie Carla Michael Daday Brian Mr.Yu Mrs.

Yu Jason mga lalaki ~ scene1 (sa isang hospital sa Maynila) doctor: Ikinalulungkot kong sabihin ngunit pumanaw na ang inyong ama. Marapat ninyo itong ipagbigay alam sa inyong ina at sa iba niyo pang mga kaanak. (iiyak si Carla at Michael) Michael: Ate Carla ! Patay na si tatay ! Sulatan na natin si nanay para malaman niya toh. Para naman makauwi na siya dito ! Carla: Oo Michael. Susulat tayo kay nanay.(yayakapin ang kapatid) ~scene2 (sa hongkong na kung saan nagtatrabaho si Josie bilang DH o Domestic Helper) Josie: When will you come back maam? Mrs. Yu: 4 weeks. You take care of the house. The lights, Josie! Josie: But what about the vacation that youd promised me? Mr. Yu: No vacation! Ill take your passport! Josie: Sir? No, please sir!

(lumabas na ng pinto ang mga amo ni Josie at nilakan siya nito sa loob ng bahay) Josie: (kakalampagin ang pinto) Maam! Sir! Parang awa niyo na! (makalipas ang isang buwan) Jason: Josie were back ! (lalabas sa kwarto si Josie) Josie: Maam! Sir! Jason! Welcome back. Ill cook good food for you. Mrs. Yu: Josie! You have a letter here from the Philippines. Josie: Thank you maam! (agad na kukunin yung sulat at mapapansin yung petsa kung kelan ipinadala) Diyos ko ! (mababasa ang laman ng sulat) Patay na ang asawa ko. (iiyak) ~scene3 (makalipas ang ilang taon ay umuwi na si Josie sa Pinas) Josie: Ang laki mo na Michael! Oh ayan, pasalubong ko sayo. Michael: (mahiyaing sasagot) Salamat po Josie: Oh Daday! Halika dito. (hindi lalapit si Daday nasa likuran lamang ito ng kanyang kuya kayat si Josie na mismo ang lalapit) Josie: Daday, oh eto mga laruan, stuffed toys para sayo. (hahalikan niya ang anak ngunit itinulak lamang siya nito) (darating si Carla) Josie: Carla! Kanina pa kita hinihintay. Eto ang dami kong pasalubong para sa inyo. Binili kita ng mga bag at damit tsaka Carla: (gulat sa pagkita sa ina) Saka na tayo magusap. Pagod ako at kailangan ko nang magpahinga. (aalis) ~scene4 (isang umaga habang may pinagkakaabalahan si Michael mapapansin

ito ni Josie) Josie: Oh Michael, anong ginagawa mo? (makikita ang ginagawang loveletter) Nanliligaw ka? Gumagawa ka ng loveletter? Ano? Maganda ba siya? Mabait? Michael: (itatago ang ginagawa) Josie: (kukunin yung sinusulat ni Michael at babasahin ng malakas) Bernadette, maraming salamat sa pagaalaga mo sa akin. Maraming salamat kasi lagi kang nandyan sa tabi ko. (kay Michael) Aba! Magaling ka pala gumawa ng sulat ah. Di bale, wag kang magalala. Dudugtungan ko ito. Michael: Bakit po nay? Madame na po ba kayong nasulatan ng loveletter? Josie: Ah oo naman. Tatlo sila maliban pa sa tatay niyo. Uhm, ung isa pangalan Daday, ung isa Carla tapos ung isa ano ba yun? Michael ! (magtatawanan silang dalawa)(maririnig nila na nag-aaway sina Carla at Brian) Carla: Break na tayo! Brian: Bakit? Okey lang naman sakin yun e. Carla: Yun nga yun e. Isang simpleng bagay lang yung hinihiling kong gawin mo di mo pa magawa. Break na tayo! ~scene5 (kinagabihan sa kwarto ni Carla) Josie: Si Brian? Carla: Break na kame. Boring eh. Josie: Ang bait nun ah, boring kaagad? Ah, mahilig ka pala sa mga basagulerong lalaki. Parang ako lang. Carla: Kaya ba hindi mo na mahal si tatay at iniwan mo kami? Josie: Anong sinasabi mo?

Carla: E di ba kaya ka nga nangibang bansa para matakasan mo kami. Kasi alam mong hindi tayo kayang buhayin ni tatay. Umalis ka lang naman para sa sarili mo e. Josie: (pasigaw na bibigkasin) Tumigil ka Carla! Umalis ako para sa inyo! Para may makain kayo at mabili niyo yung mga pangangailangan niyo. Teka nga napapansin ko nang mula nung dumating ako galing Hongkong tinitira mo ako patalikod e. diretsyahin mo nga ako! Carla: (masama ang tingin sa ina at saka aalis) Josie: (susundan si Carla) Carla, Im sorry naisgawan kita. Sinusumbat mo kasi sakin na hindi ko mahal ang tatay niyo e. Carla: E di ba totoo naman! Kaya nga hindi kayo umuwi nung namatay si tatay e. Josie: Carla, kung alam mo lang ang mga pinagdaanan ko (tuluyan nang umalis si Carla) Carla ! ~scene6 (sa isang apartment pinuntahan ni Josie si Carla at makikita ito kasama ng ilang mga lalaki) Carla: Anong ginagawa mo dito? Josie: Susunduin na kita. Nasan ang mga gamit mo dito? (kukunin ang mga damit na nkita niya at isa-isang ilalagay sa isang bag) Carla: Ano ba? Tigilan mo nga ako. Iwan mo na ako dito. Josie: (mapapansing muli ang mga lalaki) Sino ba yang mga yan? Mga adik? Carla: Wala kang pakialam! Josie: Tara na isasama kita sakin sa ayaw at sa gusto mo. Carla: Nung nasa ibang bansa ka ibang mga bata ang mga inaalagaan mo. Wag kang magpanggap na anak mo kami! Josie: Hindi ako nagpapanggap! Kahit bali-baliktarin mo pa man ang mundo, ako pa rin ang nanay mo at sakin ka nanggaling. Kaya halika

na. Iuuwi na kita! (hihilahin si Carla) Carla: (nagpupumiglas) (habang nagaaway ang mag-ina patuloy naman ang mga lalaki sa pagsigaw ng pangalan ni Carla) (Itutulak ni Carla ang ina na naging dahilan kung bakit ito bumagsak sa sahig) Mga Lalaki: At ang nanalo ay si Carla ! (aalis na si Josie) ~scene7 (sa bahay nina Josie sa kusina) Daday: Nay! Kain na po tayo! Sige na po. Tara na! Josie: Osya. Sige at nagugutom na din ako e. (makikita ang mga nakahanda sa lamesa) Josie: Aba! Ikaw ba talaga ang nagluto nito? Daday: Opo nanay. (iaangat ni Josie ang nakapatong na mangkok sa pinggan) Josie: Ano ba yan Daday? Daday: (tatawa lang ng tatawa) Josie: (galit na galit) Saan mo nakuha yan Daday? Saan mo nakuha yang palaka? Papatayin mo ako sa nerbyos! Daday: (patuloy pa din sa pagtawa) Josie: Oh? Bat tumatawa ka pa din dyan? Daday: E kasi po, sabi ni teacher pag nagagalit daw po ang nanay sa kanyang mga anak mahal daw po niya ang mga ito. Tumatawa po ako kasi masaya ako kasi mahal niyo ako. (ngingiti) Josie: (lalapitan ang anak saka yayakapin) ~scene8 (kinagabihan sa kalsada)

Josie: Nasan daw ba si Carla? Michael: Sabi po ng kaibigan niya naglalasing daw po siya sa isang bar dito e. Brian: Isa lang naman yung bar dito e. Tara puntahan na natin siya. Josie: Sige Brian. Tara na! Michael: (mapapansin si Carla sa isang tabi) Nay! Si ate Carla po! (ituturo si Carla) (lalapitan nila si Carla ngunit magpupumiglas ito) Josie: Carla! Halika na umuwi na tayo! Carla: Ayoko! Lumayo kayo sakin! (tatakbo) (hahabulin si Carla nila Josie at sabay itong madadapa.. yayakapin ni Josie ang anak) Josie: Carla! Umuwi na tayo. Carla: Ayoko! Ayoko! (sabay mahihimatay) (makikita ni Josie ang dugo sa kanyang palad na mula kay Carla) ~scene9 (kinabukasan sa bahay nila Josie) Josie: Nanggaling nga pala dito kanina si Brian kinukumusta ka. Siya nga pala. Sabin g doctor, nakunan ka daw. Hindi ko alam na buntis ka. Carla: E ano bang alam mo? Mabuti pang dun ka na lang sa Hongkong. Hindi din naman ako sanay na inaalagaan mo ako e. Tsaka hindi naman toh yung unang beses na nabuntis ako e. Ang pinagkaiba nga lang, ngayon nalaglag yung bata, noon pinalaglag ko. Josie: (magtataka) E bakit hindi mo sa akin sinabi. Bakit di mo man lang sinulat sa akin? Carla: Sira ka ba? E di ba nga sabi mo sakin wag ako susulat kung hindi din lang naman masaya yung mga nakalagay dun. Bumalik ka na nga sa Hongkong!

Josie: Kung alam mo lang kung anong paghihirap ang dinanas ko doon para.. Carla: Para maging mahusay at maganda ang buhay namin. E ngayong bumalik ka? Naging maganda ba ang buhay namin? Naging matitino ba kami? Lahat ng pagsasakripisyo niyo puro mga walang kwenta! Ano bang alam niyo samin? Si Michael. Hirap yan makipagusap sa mga kasing-edad niya. Noong namatay si tatay halos dalawang buwan yang hindi makapagsalita! Si Daday. Wala pang isang taon nilayasan niyo na. Ni hindi niyo man lang narinig yung unang salitang binigkas niya. (duduruin ang ina) Kaya wag kayong magkunwaring alam niyo ang dapat para samin dahil wala kayong alam! ~scene10 (sa bahay pa rin nila Josie kinagabihang muli habang nageempake ng gamit si Josie) Josie: (mapapansin na umiiyak si Daday) Oh bakit? Babalik din naman si nanay e. Sige na tulungan mo ang kuya mo dun. (dadating si Carla) Carla: Oh? Bat nakasambakol ang mga mukha niyo? Di pa ba kayo nasanay sa mga pangakong napapako? Wag kayong mag-alala. Pagumalis na siya madami na ulit tayong pagkain at mga bagong damit. Michael: (sabay tayo) Ate tama na! Josie: Michael, mga anak pumunta muna kayo sa kwarto. Carla: Wala kang karapatang tawagin kaming anak! (habang di pa nakakapasok ng tuluyan sina Michael sa kwarto umalis si Carla patungo naman sa kwarto niya) Josie: Bastos ka nang bata ka! (kukunin ni Carla ang mga damit na waring maglalayas muli)

Josie: Maglalayas ka nanaman? (kukunin ang mga damit ni Carla at ibabato) Oh ayan! Maglayas ka! Magpakalulong ka sa mga bisyo mo! Magpabuntis ka ulit! Michael: Nay tama na po Josie: Alam mo? Ipagpapasalamat ko pa na hindi nagkaroon ng isang iresponsableng ina ang dalawang bata. Kung sakaling nabuhay sila? Anong gagawin mo? Ibebenta mo yung katawan mo para lang may maisalaksak ka sa mga anak mo? Kaya ako umaalis para may maipakain sa inyo! Kung ikaw Carla: Kung ako ang nasa kalagayan niyo hindi ko iiwan ang mga anak ko! Magsasama kami sa hirap at ginhawa hindi tulad mo! (sa galit ni Josie ay mabubugbog niya si Carla) Carla: Hindi ko ginusto lahat ng mga binibigay mo! Josie: Sana sa tuwing umiinom ka ng alak at nilulustay mo lahat ng mga perang pinapadala ko. Sana naman naisip mo din kung ilang pagkain ang tiniis kong hindi kainin makapagpadala lamang ako sa inyo ng malaking pera. Sana habang nakahiga ka diyan sa kutson mo, naiisip mo man lang kung ilang taon akong natulog mag-isa habang nangungulila sa yakap ng mga mahal ko! Sana maisip mo man lang kung gano kasakit sa akin ang mag-alaga ng mga batang hindi ko kaano-ano samantalang kayong mga anak ko hindi ko maalagaan. Alam niyo ba kung gano kasakit para sakin bilang ina yon? Ngayon, kung hindi mo ako kayang ituring bilang ina! Respetuhin mo man lang ako bilang tao! Yun lang Carla. Yun man lang. ~scene11 (kinagabihan ding iyon habang natutulog sina Michael at Daday..nasa kusina si Josie nang bigla siyang laiptan ni Carla) Carla: Hindi ko lang siguro talaga kilala ang sarili ko. Nasanay kasi ako na walang umaakay sakin e. Yung may magsasabi sa akin na

magaling ako, maganda ako, espesyal ako. (magsisimulang maiyak) Nay, patawarin niyo po sana ako. Josie: (yayakapin ang anak) Naiintindihan kita anak. Naiintindihan kita. ~scene12 (sa airport) Josie: (habang yakap si Carla) Mag-iingat kayo dito ah. Osya, aalis na ako. (patuloy sa pag-iyak si Daday) Daday: Nay! Nay! Wag ka na pong umalis! Josie: (hahalikan si Daday) Babalik ako mga anak. (paalis na si Josie nang ) Carla: Nay! (lilingon si Josie at kakaway naman si Carla)

You might also like