Sagisag Kultura NG Filipinas 003
Sagisag Kultura NG Filipinas 003
Sagisag Kultura NG Filipinas 003
(15 Disyembre 1875-16 Abril 1899) Tinagurian si Emilio Jacinto (Emlyo Hasnto) na Utak ng Katipunan dahil sa mga sinulat niya para sa Katipunan, kablang na ang Mga Aral ng Katipunan ng mga A.N.B. at higit na kilalang Kartilya ng Katipunan. May ganito ring akda si Andres Bonifacio, ang Katungkulang Gagawin ng mga Z.LL.B., ngunit ipinasiya ng Supremo na ang hinahangaan niyang sinulat ni Jacinto ang opisyal na ikabit sa dokumento ng panunumpa ng sinumang sasapi sa lihim na kilusan. Gayunman, higit na popular at hinahangaan ang estilo ng pagsulat at matalinghagang nilalaman ng Liwanag at Dilim, isang koleksiyon ng mga sanaysay na tumatalakay sa mga diwaing demokratikot kontra-kolonyalista at nagtatanghal sa pilosopikot moral na sandigan ng isang rebolusyonaryong kapisanan. Si Jacinto ang editor ng Kalayaan, ang diyaryo ng Katipunan, at sa pamamagitan lmang ng unang labas ay umakit ng libo-libong kasapi. Ginamit niyang alyas sa kilusan ang Pingkian. Sa Kalayaan, ginamit din niyang sagisag-panulat ang Dimasilaw. Sa mga sagisag lmang ay mahihiwatigan ang pambihirang hilig ni Jacinto sa liwanag, kung bag, sa pagdudulot ng totoong liwanag sa kapuwa, at sa pagsalungat sa huwad at magdarayang liwanag. Napakataas ng pagglang ni Bonifacio at ng ibang pundador ng Katipunan kay Jacinto, kay kahit napakabat, 20 anyos lmang siya nang sumapi, ay nahalal siyang kalihim ng kataas-taasang sanggunian. Hinirang din siyang tagapayo ni Bonifacio at itinuring na bunsong kapatid. Isinilang siya noong 15 Disyembre 1875 sa Tundo, Maynila at anak nina Mariano Jacinto at Josefa Dizon. Namatay ang kaniyang ama noong sanggol pa siya kay ipinampon siya ng ina sa nakaririwasang kapatid na si Don Jose Dizon. Nag-aral siya sa Colegio de San Juan de Letran at lumipat sa Unibersidad de Santo Tomas upang kumuha ng abogasya. Hindi niya natapos ang kurso dahil sa tawag ng pag-ibig sa bayan. Pinigilan siya diumano ng ina, ngunit matatag niyang isinagot na: Kailangan ng ating bayan ang mga kabataang tulad ko, Ina. Alam kong ipagmamalaki ako ni Ama kung nabubhay siya ngayon. Nang pataksil na patayin si Bonifacio sa Cavite, ipinagpatuloy ni Jacinto ang pakikibka laban sa mga Espanyol ngunit hindi siya sumama sa hukbo ni Heneral Emilio Aguinaldo. Nasugatan siya sa isang labanan sa Laguna at nabihag. Ginamit niya ang talino upang makaligtas. Nagkatang hawak niya ang sedula ng isang espiya ng mga Espanyol at nagpanggap na siya ang espiya. Nang makalaya, bumalik siya sa Maynila at doon nagpagalng. Ngunit hindi niya matanggihan ang anyaya ng mga Katipunero sa Laguna, kay muli siyang lumabas sa larangan. Dinapuan siya ng malarya at namatay sa Majayjay, Laguna noong 16 Abril 1899 sa gulang na 24isang huwaran ng mandirigmang intelektuwal para sa pambansang kalayaan. (VSA)
Gregoria de Jesus
(9 Mayo 1875-15 Marso 1943) Tinaguriang Lakambini ng Katipunan, si Gregoria de Jesus (Gregrya de Hess) ang ikalawang asawa ni Andres Bonifacio at naging kasalo sa mapanganib na pagpapalaganap ng Katipunan at mga hirap sa panahon ng Himagsikang 1896. Hinangaan siyng uliran sa katapatan at tatag ng paninindigan. Isinilang siy noong 9 Mayo 1875 sa Kalookan, at isa sa apat na anak nina Nicolas de Jesus, isang maestro karpintero at dating gobernadorsilyo ng Kalookan, at Baltazara Alvarez Francisco, isang tubong-Noveleta, Cavite at pamangkin ni Heneral Mariano Alvarez. Naghinto agad siy ng pag-aaral at tumulong sa pangangasiwa ng kanilang palayan. Si Oriang, palayaw niya, ay lumaking magandat maraming manliligaw. Isa sa kanila at pinakamasugid si Andres Bonifacio. Nakasal sil noong Marso 1893 sa Binondo at ninong si Restituto Javier. Labingwalong tan siy at 29 si Andres. Ikinasal muli sil alinsunod sa ritwal ng Katipunan makaraan ang isang linggo at nagpatawag sa pangalang Lakambini. Ang unang watawat ng Katipunan ay tinahi niya at ng ninang niyang si Benita Rodriguez Javier. Makaraan ang isang tan, nagkaanak siy ng lalaki ngunit namatay sa bulutong. Malaki ang papel ni Oriang sa pag-iingat ng mga lihim na papeles at dokumento ng Katipunan. Mabilis niya itong nalikom at naitakas nang minsang magsiyasat ang mga pulis Veterana sa kanilang pook. Nagaral siyng bumaril at mangabayo upang maging isang mahusay na mandirigma. Nang sumiklab ang Himagsikang 1896, kasma siy ng asawa sa Balintawak at kabundukan. Nagkahiwalay sil sa Balara at muli lmang nagkita sa Naic, Cavite. Pagkatapos paslangin ang Supremo, nasadlak siy kung saan-saan hanggang nanirahan sa Pasig. Dito niya nakatagpo si Julio Nakpil, dting kalihim ng Supremo at pinun ng mga manghihimagsik sa Montalban at San Mateo, Rizal. Ikinasal sil sa Quiapo noong 10 Disyembre 1898. nagkaroon sil ng walong anak ngunit anim lmang ang lumaki. Panahon ng pananakop ng mga Hapones nang mamatay si Oriang noong 15 Marso 1943 sa atake sa puso sa bahay ni Ariston Bautista sa Quiapo. (VSA)
Nick Joaquin
(4 Mayo 1917-29 Abril 2004) Itinanghal na Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan noong 1976 si Nick Joaquin (Nik Wakn). Kinikilala siya blang nobelista, mananaysay, makata, mandudula, at peryodista. May sagisag-panulat siyang Quijano de Manila. Si Joaquin ay isang mohon sa panitikang Filipino na nagsusulat sa wikang Ingles. Ang natatanging paraan niya sa paggamit ng wikang Ingles ay binansagan ng mga kritiko na Joaquinesque o Joaquinesquerie. Kablang sa mga kinilala niyang akda ang Summer Solstice, natatanging maikling kuwento ng Philippine Free Press (1945); The Woman Who Had Two Navels, nobelang isinulat sa ilalim ng fellowship ng Harper Publishing Company (1957) at nagkamit ng Harry Stonehill Award; mga maikling kuwentong May Day Eve at Doa Jeromina; tatlong-yugtong dula na The Beatas na nagwagi sa Don Carlos Palanca Memorial Award; at ang itinuturing na klasika sa dulaang Filipino, ang The Portrait of an Artist as a Filipino. Bukod sa pagsulat ng mga artikulong nagsasanib ang peryodismo at panitikan, naglabas siya ng mga talambuhay at pag-aaral pangkasaysayan, gaya ng sumusunod: The Aquinos of Tarlac: An Essay in History as Three Generations; Quartet of the Tiger Moon: Scenes from the People-Power Apocalypse; Culture and History; Occasional Notes on the Process of Philippine Becoming; Nineteenth Century Manila: The World of Damian Domingo (kasmang may-akda si Luciano P.R. Santiago); Jaime Ongpin, The Enigma: A Profile of the Filipino as Manager. Ginawaran siya ng Republic Cultural Heritage Award sa larangan ng literatura noong 1961, ng Gawad Patnubay ng Sining at Kalinangan ng Lungsod Maynila noong 1964, ng Ramon Magsaysay Award noong 1996 para sa peryodismo, literatura at malikhaing komunikasyon, at ng Gawad Tanglaw ng Lahi ng Ateneo de Manila University noong 1997. Isinilang siya noong 4 Mayo 1917 sa Paco, Maynila kina Salome Marquez, guro ng Ingles at Espanyol, at Leocadio Joaquin, isang abogado at beterano ng Himagsikang 1896. Sa Paaralang Mapa siya nag-aaral hanggang ikatlong taon sa hay-iskul. Pumasok siya noong 1949 sa St. Albert College, isang monasteryong Dominiko sa Hong Kong. Lumabas din siya rito nang kinailangan siyang mamili sa pagsusulat o pananatili sa kumbento. Namatay siya noong 29 Abril 2004. (RVR) (ed GSZ)
Jocelynang Baliwag
Ang awit na Jocelynang Baliwag (Diyoselnang Balwag) ay isang awit ng pag-ibig. Ang nakalimbag na bersiyon nito ay inihandog kay Pepita, isang Bulakenya. Ang pagturing dito blang Kundiman ng Himagsikan noong dekada 1890 ay nagpapatunay sa mga haka na ang awit ng pagibig katulad ng kundimang ito ay maaaring tumukoy sa pag-ibig sa Inang Bayan. Banggit nga ni Antonio Molina, ito ang himig na nagbibigay buhay at gumigising sa kanilang mga alaala noong mga kaligayahang sandali ng pag-uulayaw at pagsusuyuan: wari bagang nababanaag nila sa himig at aliw-iw nito ang larawan ng inang minamahal, kabiyak ng puso o ang mga anak na pinagbuhusan ng paglingap. Ang titik at himig ng kundiman ay pumupukaw sa damdamin at nagbibigay lakas at tapang upang ipagtanggol ang Inang Bayan. Narito ang titik ng awit:
P inopoong sinta niring calolowa, nacacawangis moy mabangong sampaga, dalisay sa linis, dakila sa ganda, matimyas na bucal ng madlang ligaya. E - deng masanghayang kinaluluclucan ng galac at towang catamistamisan, hada kang maningning na ang matunghayay masamyong bulaclac agad sumisical. P -inananaligan niring aking dibdib; na sa paglalayag sa dagat ng sakit, di mo babayaang malunod sa hapis, sa pagcabagbag coy icaw ang sasagip. I -caw nga ang lunas sa aking dalita tanging magliligtas sa linuhaluha, bunying binibining sinucuang cusa niring catawohang nangangyupapa. T -ang[g]apin ang aking wagas na pag-ibig, marubdob na ningas na taglay sa dibdib, sa buhay na itoy walang linalangit cung di icaw lamang, ilaw niring isip. A -t sa cawacasay ang capamanhican tumbasan mo yaring pagsintang dalisay, alalahanin mong cung di cahabagan iyong lalasunin ang aba cong buhay.
Mayroong ikalawang bersiyon ang Jocelynang Baliwag na binanggit si Molina. Nasa sulat-kamay ito nang matuklasan ni Jose Zulueta. (RCN) (ed GSZ)
Jollibee
Ang Jollibee (Jlib) ang nangungunang paboritong makabagot komersiyal na kainan sa Filipinas. Isa ito sa mga kahanga-hangang tagumpay sa kasaysayan ng pagnenegosyo sa bansa dahil nagawa nitng makapamayani laban sa naglalakihan at sikat na mga dayuhang kainan sa loob at labas ng Filipinas. Pinangunahan din nit ang makabagong pagsusulong ng pagbibigay ng prangkisa sa industriya ng serbisyong pampagkain at nakapagbigay ng sigla at malaking kita sa ekonomiya ng bansa sa larangan ng serbisyo. Itinay ito ni Tony Tan Caktiong at ng kaniyang mga kapatid. Nagsimula ang kanilang negosyo noong 1975 bilang isang ice cream parlor sa Cubao at Quiapo. Ang Cubao Ice Cream House, na isang prangkisa mula sa Magnolia Ice Cream Parlor, ay nagsimulang magbenta ng hamburger at sinundan ito ng pagbebenta ng ispagheti. Ito ang naging unang restoran ng Jollibee. Ang orihinal na pangalan nito ay Jolly Bee at may logo ng bubuyog na may kulay berde, pul, at itim na naglalarawan ng isang abalang weyter. Hanggang sa pinalitan ang Jolly Bee ng pangalang Jollibee Noong 1978, iningkorpora ng pamilyang Tan ang kanilang maliit na negosyo na ngayon ay kilala bilang Jollibee Foods Corporation (JFC). Tumatak ang kanilang islogan na Langhap Sarap, na nagtatampok sa kanilang mga produktong pagkain na tugma sa panlasang Pinoy. At noong 1980, ipinakilala ang sikat ngayong Jollibee maskot na isang malaking pulng bubuyog at ang pinakamabili nilang produkto na chickenjoy. Sinundan na ito ng pagbebenta ng iba pang pagkaing hling-hli ang panlasang Pinoy, katulad ng palabok, at pagdadagdag ng iba pang maskot noong 1981, tulad nina Mr.Yum, Popo, at Mico. Sinundan pa ito ng mga mascot na Hetty, Chickee, Champ, at Twirlie na ginagiliwan ng mga batng parokyano ng Jollibee. Ngayon ay may halos 400 restoran ang Jollibee sa loob at labas ng Filipinas at umaabot sa 40,000 ang bilang ng mga manggagawa nit. Napasma ang Jollibee Foods Corporation noong 1987 sa 100 Nangungunang Korporasyon sa Filipinas sa pagbubukas nit ng unang sangay ng restoran sa bansang Brunei. Sa kasalukuyan, ang Jollibee Foods Corporation ang siya na ring nagmamay-ari sa mga sikat na restorang tulad ng Greenwich, Delifrance, Chowking, JB International, at Tonys Teriyaki. (AMP) (ed VSA)
F. Sionil Jose
(3 Disyembre 1924) Francisco Sionil Jose ang buong pangalan, si F. Sionil Jose (Ef Siyonl Hos) ay isang peryodista, manunulat ng nobela, maikling kuwento, sanaysay, at iba pa. Kablang siy sa mga pangunahing manunulat na Filipino sa wikang Ingles. Iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan noong 2001. May-akda siy ng mga nobelang tinawag niyang Land of the Morning:The Rosales Saga, binubuo ng limang nobela na sumasaklaw sa may tatlong siglo ng kasaysayan ng Filipinas na mula panahon ng kolonyalismong Espanyol noong dekada 1880 hanggang sa dekada 1970 sa unang mga taon ng diktadurang Marcos. Ang Rosales Saga ay binubuo ng mga nobelang: Po-on (1984); Tree (1978); My Brother, My Executioner (1979); The Pretenders (1962); at, Mass (1982). Ilan sa kaniyang aklat ng maikling kuwento ay ang The God Stealer And Other Stories (1968); Waywaya, Eleven Filipino Short Stories (1986); Platinum, Ten Filipino Stories (1983); Olvidon and Other Short Stories (1988); at ang The Molave and The Orchid and Other Childrens Stories (2004). Isinilang siy noong 3 Disyembre 1924 sa Cabuwagan, Rosales, Pangasinan at panganay sa tatlong magkakapatid. Itinaguyod siy ng kaniyang masipag na inang si Sofia Sionil. Nagsimulang sumulat si Jose sa The Varsitarian, pahayagan ng mga estudyante sa Unibersidad ng Santo Tomas na pinagtapusan niya ng Batsilyer sa Sining sa Literatura noong 1949. Noong 1948 naging katulong na patnugot siy ng United States Information Agency ng Embahada ng Estados Unidos. Naging editor din siy sa Manila Times Sunday Magazine, Manila Times Annual Progress, at Asia Magazine sa Hong Kong. Mula 1962 hanggang 1964 ay opisyal siy sa impormasyon ng Colombo Plan Headquarters sa Ceylon. Itinatag ni Jose noong 1958 ang chapter sa Filipinas ng PEN, internasyonal na organisasyon ng mga manunulat, at naging matagal na pambansang kalihim siy nit. Kablang sa mga fellowship na nakamit ni Jose ay mula sa Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos, ang Smith-Mundt Leader Grant (1955); mga Asia Foundation Grant (1955 at 1960); Rockefeller Foundation (1979 at 1993); Japan Foundation Fellowship noong 1993, at iba pa. Ginawaran siya noong 1980 ng Gawad Ramon Magsaysay para sa peryodismo, literatura, at malikhaing komunikasyon. (RVR) (ed GSZ)
Jose T. Joya
(3 Hunyo 1931-11 Mayo 1995) Kinilalang Pambansang Alagad ng Sining sa Sining Biswal (postumo) si Jose T. Joya (Hos Ti Hya) noong 2003. Isa siyang modernistang pintor na nanguna sa abstrak na genre ng pagpipinta sa bansa. Inihudyat ang pagsabak ni Joya sa abstraksiyon ng mga lahok niyang Something at Composition in Red sa pagtatanghal ng Labing-isang Modernista noong Disyembre 1953 sa Philippine Art Gallery ni Lydia Arguilla na tinawag na First Exhibition of Non-Objective Art in Tagala. Hanggahan ito ng isang yugto sa transpormasyon ng sining ni Joya mula sa nakamulatang konserbatismong pang-akademya tungong modernismo. Si Joya at ang eskultor na si Napoleon Abueva ang kumatawan sa Filipinas sa prestihiyosong XXXII Venice Biennale. May tinipong siyam na likha si Joya para sa okasyon kabilang na ang Granadean Arabesque, Fishpond Reflection, Quiapo Nazarene Festival, Venetian Daybreak, Hills of Nikko, Episode in Stockholm at Primitive Rituals. Mula 1962 hanggang 1965, si Joya ay naging Pangulo ng Art Association of the Philippines (AAP). Itinalaga siyang dekano ng Kolehiyo ng Fine Arts ng UP noong 19701978. Tumanggap siya ng mga gantimpala sa mga kompetisyon ng AAP (1951, 1952, 1958, 1959, 1960, at 1962); Ten Outstanding Young Men (TOYM) award (1962); Republic Cultural Heritage Award (1962); Gawad Patnubay ng Sining at Kalinangan mula sa Lungsod Maynila (1971); unang gantimpala para sa Gossips sa Shell National Students Art Competition (1952); ASEAN Cultural Award (1970); at Gawad CCP para sa Sining (1991). Isinilang siya noong 3 Hunyo 1931 sa Maynila kina Jose Joya, Sr. at Asuncion Tanig. Nagtapos siya ng Batsilyer sa Fine Arts noong 1953 sa Unibersidad ng Pilipinas bilang kauna-unahang magna cum laude nito. Noong 1954-1955, nakatanggap siya ng grant para mag-aral ng pagpipinta sa Madrid mula sa Instituto de Cultura Hispanica ng gobyerno ng Espanya. Sinundan pa ito ng ibang grant sa Estados Unidos. Nagkaroon ng impluwensiya sa kaniya ang mga biyaheng ito para sa kaniyang sining. Dito niya nasagap ang inspirasyon ng ekspresyonismong abstrak o action painting ni Jackson Pollock at ng New York School. Namatay siya noong 11 Mayo 1995. (RVR) (ed GSZ)
Juan de la Cruz
Simbolikong tawag sa karaniwang Filipino ang Juan de la Cruz (Huwn de la Krz). Ang pangalan ay ibininyag ni Robert McCulloch Dick, isang peryodistang Scottish na noon ay reporter sa Manila Times. Napili niya ang pangalang ito dahil ito ang pinakakaraniwang nakikita sa mga police blotter. Sinasabi rin na maraming mangmang noong panahon ng Espanyol ang gumuguhit lmang ng simbolong + (krus) bilang lagda sa mga dokumento kay isang karaniwang apelyido ang Cruz o de la Cruz sa buong bansa. Ang Juan ay karaniwang unang pangalan ng mga Kristiyanong Filipino. Bilang personipikasyon ng Filipino, ang karikatura ni Juan de la Cruz ay karaniwang maliit kaysa dayuhan, lalot Puti, nakasuot ng salakot, damit pang-itaas na kamisa tsino (kung minsay barong tagalog), pantalong maikli, at bakya o tsinelas. Ngayon, kinatawan ng taguring Juan de la Cruz pati ang kaisipan o takbo ng isip ng karaniwang tao. (AEB) (ed VSA)
Bienvenido O. Juliano
(15 Agosto 1936) Kilal si Bienvenido O. Juliano (Bynvendo O Hulyno) sa buong daigdig bilang nangungunang dalubhasa sa pag-aaral ng kalidad ng butil ng bigas. Ang kaniyang pag-aaral sa taglay na protina, gawgaw, at komposisyong kemikal ng bigas ay naging basehan sa pagpapaunlad ng produksiyon ng butil. Naglathala siy ng mahigit 370 siyentipikong artikulo, monograp, at libro hinggil sa kemistri ng butil kabilang na ang Rice in Human Nutrition, Grain Quality Evaluation of World Rices, at Rice Chemistry and Quality. Iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Agham noong 2000. Sa pamamagitan ng mga siyentipikong imbestigasyon at pagsubok na kaniyang ginawa sa laboratoryo ng Philippine Rice Research Institute, natuklasan niya ang taglay na protina, gawgaw, at kemikal ng ibat ibang uri ng butil ng bigas. Ginamit niya ang mga pag-aaral na ito upang paunlarin ang mga katangian pampalusog ng butil at pagbutihin ang hilatsa, lasa, at ang kabuuang kalidad ng lutong kanin. Naging batayan ang kaniyang pananaliksik sa pagtuklas ng mga bagong teknolohiya at estratehiya sa pagapapalahi ng palay at pagpapayaman ng nutrisyon ng butil. Ang Rice Chemistry and Technology ang isa sa pinakamahalagang akda na kaniyang isinulat. Inilathala ito ng American Association of Cereal Chemist at nagsisilbing batayan sa iba pang pag-aaral sa butil ng bigas. Isinulat niya ang Rice in Human Nutrition noong 1993 para sa Food and Agriculture Organization ng United Nations at ang Grain Quality Evaluation of World Rices na naging mahalagang panuntunan ng IRRI sa pag-aaral ng bigas. Isinilang si Juliano noong 15 Agosto 1936. Nagtapos siy ng Batsilyer sa Agrikultura noong 1955 sa Unibersidad ng Pilipinas sa Los Baos. Nagpatuloy siy ng pag-aaral sa Ohio State University at nakapagtapos ng masterado at doktorado sa Organikong Kemistri. Nagsilbi si Juliano ng mahigit tatlong dekada bilang pangunahing mananaliksik ng IRRI at sa kalaunay pinun ng Plant Breeding, Genetics, and Biochemistry Division hanggang magretiro noong 1993. Ipinagpapatuloy pa rin niya ang gawaing pananaliksik bilang tagapayo ng IRRI. (SMP) (ed VSA)
kabalyro
Kabalyro (Delonix regia) ang tawag sa isang malaking punongkahoy na may dahong bahagyang mabalahibo, maliliit at pares-pares sa isang tangkay, malalaki ang bulaklak na kaakit-akit at kulay pula o pula at dilaw. Ang punng ito ay katutubo sa Madagascar at ipinasok sa Filipinas noong panahon ng Espanyol. Kilala rin ang punng ito sa mga pangalang arbol del fuego, fire tree, flame tree, flamboyant tree, o royal ponciana. Ang kabalyro (Cesalpinia pulcherrima) ay isa ring masangang palumpong na may dahong maliliit at pares-pares sa mga tangkay na nakakabit sa payat na sanga, at may bulaklak na pula o dilaw. Katutubo ito sa Tropikong Amerika at ipinasok sa Filipinas noong panahon ng Espanyol. Ang kabalyero ay karaniwang may taas na taas na 1.5-5 metro. Ang mga sanga nito ay may kaunting kalat-kalat na mga tinik. Dilaw, pula, at dalandan ang karaniwang kulay nito. Ang dahon ay maayos na nakahanay sa magkabilang gilid, 20-40 sentimetro ang haba. Ang prutas ay isang pod o bayna na may habng 6-12 sentimetro. Kompara sa iba pa nitong uri, ang kabalyero ang siyang pinakakaraniwan sapagkat madali itong lumago kaya ginagamit din ito bilang pambakod sa ibang maliliit na halaman. Ngunit sa kabila ng kagandahan ng halamang ito, kilala rin ang kabalyero bilang isang uri ng halamang nakapaglalaglag ng sanggol sa sinapupunan. Sa katunayan, gamit ang apat na gramo ng ugat nito, naisasagawa na ang aborsiyon sa mga unang tatlong buwan ng pagdadalantao. (ACAL) (ed GSZ)
Kabayan Mummy
Sa mga kuweba ng Kabayan sa lalawigang Benguet ay matatagpuan ang mga mummy ng mga ninuno ng katutubong Ibaloy. Ito ang kinikilala ngayong Kabayan Mummy (kabyan Mmi). Ayon sa sapantaha ng mga antropologo, malamang na nagsimula noon pang siglo 13 ang kakaibang kaugalian ng mga Ibaloy sa pag-eembalsamo ng kanilang mga yumao. Ibig sabihin nito, ilang siglo na ang edad ng marami sa mga mummy na hanggang ngayon ay hindi pa rin tuluyang naaagnas. Bagamat may mga mummy na nadiskubre sa iba pang lugar sa Benguet, sa Kabayan matatagpuan ang karamihan sa mga ito. Ang Kabayan ang kinikilalang lunduyan ng tradisyonal na kultura ng mga Ibaloy. May ilang palatandaan na mga pinun lamang ng tribu ang iniembalsamo ang katawan. Ayon sa kasaysayang pasalita ng mga Ibaloy, bago pa man tuluyang mamatay ang isang tong naghihingalo ay pinaiinom na ito ng tubig na may asin upang simulan ang proseso ng pag-eembalsamo. Pagkatapos, kapag patay na, hinuhugasan ang katawan at iniluluklok ito sa isang mataas na upuan sa labas ng bahay at doon ay unti-unting pinaiinitan ang katawan sa mahinang apoy upang patuyuin ito. Binubugahan din ng usok ang loob ng katawan upang hindi ito uurin. Paulit-ulit na pinapahiran ang katawan ng katas ng mga dahon ng sari-saring halaman tulad ng diwdiw at besodak. Ilang buwan ding pauusukan ang katawan bago ito ilagay sa ataul na kahoy at ilagak sa kuwebang libingan. Nang sakupin ng mga Amerikano ang Cordillera ay ipinagbawal nila ang tradisyonal na pag-eembalsamo hanggang sa unti-unting mamatay ang kaugaliang ito. Noong siglo 20, nang madiskubre ang mga mummy sa mga kuweba ng Benguet, nagsimula ang pagnanakaw ng mga ito upang ipagbili sa mga pribadong kolektor at sa mga museo sa Europa. Ngayon, sa pangunguna ng Pambansang Museo ng Filipinas at ng pamahalaang panlalawigan ng Benguet, sinisikap na maibalik ang mga ninanakaw na mummy sa kanilang orihinal na himlayan. (DLT) (ed GSZ)
kabesra
Kabesra (cabesera) ang tawag sa sentrong bayan o lungsod ng isang lalawigan. Ito ang tinatawag na capital sa Ingles. Dito matatagpuan ang kapitlyo o ang pangunahing gusali ng pamahalaang panlalawigan at ang mga mahalagang sangay ng pambansang gobyerno. Nagsisilbi itong sentro ng pamamahala, kalakalan edukasyon, kultura, at relihiyon. Dahil sa kabesra umiinog ang pampolitika at pang-ekonomiyang bhay ng lalawigan, kadalasang mataas rin ang antas ng pag-unlad at pamumuhay dito. Dahil ang Kongreso lmang ng Filipinas ang may kapangyarihang lumikha ng bagong lalawigan, ito rin ang nagtatakda ng magiging kabesra. Bago dumating ang mga Espanyol, ang mga katutubong Filipino ay naninirahan sa maliliit, hiwa-hiwalay, at nagsasariling pamayanang barangay. Nang sakupin ng Espanya ang Filipinas, nagpatupad ang mga kolonyalista ng patakarang reduccion upang mapadal ang pananakop at pamamahala sa mga katutubo. Layunin ng patakarang ito na magtatag ng mga pueblo na ang bawat isa ay tumitipon sa kalat-kalat na mga pamayanan. Kalaunan, itinatag ng mga misyonero ang mga kabesra upang maging lunsaran ng misyon tungo sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa mga pook sa paligid. Kabesra rin ang tawag sa puwesto sa hapag-kainan na karaniwang inilalaan sa pinakamatanda sa pamilya o sa mahalagang tong panauhin kapag kumakain. Sa parihabng mesa, ito ang puwestong nsa magkabilng dulo. Magandang balikan ang pag-aagawan ng mga fraile sa kabesra ng hapag-kainan ni Kapitan Tiago sa Noli me tangere. (SMP) (ed VSA)
Sharif Kabungsuwan
Kinikillang tagapagtag ng sultanatong Magindanaw si Sharif Kabungsuwan (Syrif Kabungsan). Ayon sa isang tarsila, ama niya ang Arabeng si Sharif Ali Zein ul-Abidin at ina ang isang prinsesa sa Johore, Malaysia. Sharif Muhammad Kabungsuwan ang buong pangalan niya. May salaysay na nang sakupin ng mga Portuges ang Malacca ay iniwan niya ang Johore, kasma ang maraming tauhan. Sakay ng mga paraw, nagdaan sil sa Brunei, at napadpad sa baybayin ng ngayoy Malabang, Lanao del Sur noong bandng 1515. Ayon sa isang tarsila, dumaong si Kabungsuwan sa Natubakan, bunganga ng Ilog Pulangi at sinalubong nina Tabunaway at Mamalu. Niyay ni Tabunaway si Kabungsuwan na pumasok sa Magindanaw. Pumayag lmang si Kabungsuwan pagkatapos maging Muslim sina Tabunaway at Mamalu. Nag-iwan siy ng ilang tauhan sa Malabang at ginalugad ang Matampay, Slangan, Simway, Katitwan, at ibang mga pook sa paligid ng Ilog Pulangi. Pinakasalan niya ang anak ng pinun ng mga Iranum at iyon ang simula ng angkan na humawak sa sultanatong Magindanaw. Isa siyng masugid na tagapagpalaganap ng Islam. Bahagi ng kaniyang pamamahala ang pangangaral upang maging Muslim ang pangkating Magindanaw. Matigas naman ang trato niya sa mga ayaw sa Islam. Itinaboy niya sa kabundukan ang mga ayaw sumampalataya, at gayon ang naging kapalaran ng mga pangkating Tiruray at Manobo sa silangang kabundukan ngayon ng Cotabato. Gayunman, maaaring gayon kagaan ang pagpapalaganap ni Sharif Kabungsuwan sa Islam at sa sultanato dahil may nauna sa kaniya. Ayon kay Cesar Adib Majul (1973), may tarsila na nag-uulat sa pagdating ng isang Sharif Awliya sa Magindanaw, nag-asawa, nagkaroon ng anak na babae, at umalis. Tinawag na Paramisuli ang anak kay nagpapahiwatig na iginaglang siy o anak ng maharlika. Pagkaraan, dalawang magkapatid mulang Johore, sina Sharif Hasan at Sharif Maraja, ang dumating. Isa ang tumira sa Sulu at isa ang tumahan sa Slangan, isang bahagi ng Pulangi, at napangasawa ang anak ni Sharif Awliya. Sak dumating si Sharif Kabungsuwan. (VSA)
kabyw, kabywan
Kabyw ang tawag sa proseso at kasangkapang ginagamit sa paggiling ng tub para gawing asukal. Tinatawag ding kabywan ang kasangkapan at ang lugar na gilingan ng mga tub. Nang dumating ang mga Espanyol sa Filipinas, pinalaganap nila ang pagtatanim ng tub na ginagawang asukal. Dumami ang aning tub sa ibat ibang panig ng Filipinas lalo na sa Negros, kay nagsimula nang mag-angkat sa ibat ibang panig ng mundo. Nang dumating ang mga Amerikano, muscovado ang iniaangkat ng Filipinas sa pandaigdig na pamilihan. Ngunit dahil mas mabili ang repinadong asukal, nagtatag ang mga Amerikano ng mga kabyawan. Hindi bababa sa 38 ang bilang ng kabyawan sa buong Filipinas ngayon. Ilan dito ay panahon pa ng mga Amerikano. Ang Central Azucarera de Don Pedro sa Nasugbu, Batangas ang pinakaunang itinayo sa Filipinas at ang Manaoag Sugar Central ng Hind Sugar Company sa Manaoag, Pangasinan ang pinakaunang makabagong kabyawan na itinatag ng mga Amerikano. Sa panahon din ng mga Amerikano naitatag ang Philippine Sugar Association (Philippine Sugar Millers Association ngayon) noong 1922, isang organisasyon ng mga prodyuser ng asukal. Pangunahing gawain nila ang magsaliksik sa pagpapaunlad ng industriya ng asukal sa bansa at sila rin ang nakikipag-uganay sa Estados Unidos hinggil sa pagluluwas ng asukal mula sa Filipinas. (EGN) (ed VSA)
kadangyn
Ang kadangyn ay tumutukoy sa uring mariwasa sa tradisyonal na lipunan ng mga Ifugaw. Ang kayamanan ng kadangyan ay nakabatay sa pag-aari ng malalawak na taniman ng palay, ginto, mga hayop na tulad ng kalabaw, mga antigong gusi, at iba pang palatandaan ng tradisyonal na yaman. Kinikilala at iginagalang nang husto ang mga kadangyan, bagamat walang pormal na kodigo na nagtatakda ng kanilang awtoridad. Gayunman, alinsunod sa dikta ng tradisyon, kinakailangang magdaos ang mga kadangyan ng malalaking pista upang mapanatili nito ang kanilang prestihiyo. Sa ilang lugar, may pag-uuri sa loob ng uring kadangyan. Ang pinakamataas ang ranggo at prestihiyo ay ang himmagabi, ang mga pamilyang nakapagdaos ng ritwal ng hagabi, ang pinakamarangya at pinakamagastos sa lahat ng pagpipista. Madaling matukoy kung sino sa ili ang himmagabi. Makikita sa kanilang bakuran ang isang napakalaking bangko o himlayang kahoy na tinatawag ding hagabi. Sumusunod sa ranggo ang unmuy-ya-uy. Gayon ang tawag sapagkat nakapagdaos na ng uyauy, ang marangyang pista sa kasal. Maaaring may iba pang mayayamang angkan sa ili, ngunit hindi sila ituturing na kadangyan hanggat hindi sila nakapagdadaos ng malalaking pistang makapagbibigay sa kanila ng prestihiyo at awtoridad. (DLT) (ed GSZ)
kagwng
Ang kagwng ((Cynocephalus volans) ay isa sa dalawang species ng flying lemur. Kilal ito sa tawag na Philippine Flying Lemur sa wikang Ingles. Nsa ilalim ito ng orden Dermoptera at ang nagiisang miyembro ng genus na Cynocephalus. Sa Filipinas lmang ito matatagpuan, lalo na sa Bohol at rehiyon ng Mindanao. Kahit na tinatawag na flying lemur, hindi ito nakakalipad at hindi ito isang lemur. Ang lemur ay isang uri ng unggoy na endemic o matatagpuan lmang sa Madagascar at Comoro. Tumitimbang ang kagwng ng 1.0-1.7 kilo at may 14-17 pulgada ang hab. Malapad ang ulo nit, maliliit ang tainga, at malalaki ang mga mat. Mahahab ang kuko nit at malalapad ang talampakan kay mabilis nakaaakyat sa mga punongkahoy. Halos isang piye ang hab ng buntot na nakakabit sa unahang mga paa sa pamamagitan ng isang lamad (membrane) na tinatawag na patagium. Gamit ng kagwng ang lamad na ito upang makausad nang malay, mga 100 metro o higit pa, sa paghahanap ng pagkain at sa pag-iwas sa mga maninil. Matatalas ang ngipin ng kagwng subalit ang pagkain nit ay prutas, bulaklak, at maliliit na dahon. Nokturnal ito. Tumitigil ito sa mga guwang ng punongkahoy o nakakapit sa mayayabong na sanga kung araw. Ang babaeng kagwang ay isa lamang kung manganak at dalawang buwan ang tagal ng pagbubuntis. Alagain at laging nakadikit ang sanggol na kagwang sa dakong tiyan ng ina nit na may bahaging parang bulsa. Itinuturing na salot ito dahil kumakain ng prutas at mga bulaklak kay hinahanting ng tao. Kinakain ang karne ng kagwng at itinuturing na isang espesyal na pagkain. Nagdeklara ang International Union for Conservation of Nature (IUCN) na nanganganib itong species dahil sa pagkasira ng tirahan sa kagubatan. (SSC) (ed VSA)
kaingn
Kaingn ang tawag sa pagsasaka nang walang patubig sa mataas na lupain. Malimit ito ngayong mangyari sa kabundukan at nagiging sanhi ng malawakang pagputol at pagsunog ng mga punngkahoy sa kagubatan. Kaingin din ang tawag sa gilid ng bundok o bahagi ng bukid na hinawan at sinunog bago tamnan. Sa pagkakaingin, karaniwang pinatutuyo ang pinutol na mga punongkahoy bago sunugin ang mga ito. Nagsisilbing pataba sa lupa ang ab ng sinunog. Pagsapit ng tag-ulan, karaniwang tinatamnan ang hinawang gubat. Bukod sa pagpapataba ng lupa, mainam din ang kaingin sa pagpaparami ng uri ng halamang maaaring itanim sa isang bukid. May mga halaman at punng mas naihahasik ang mga buto sa sinunog na lupain. Ngunit hindi laging madalng tamnan ang mga kinainging gubat. Kung minsan, matagal ang paghihintay bago ito matamnan. Sa ganitong pangyayari, napipilitang lumipat ang mga magsasaka sa iba pang bahagi ng bundok o kagubatan upang ulitin ang proseso. Ito ang isa sa mga sanhi ng pagkakalbo ng maraming kagubatan sa Filipinas. Bunga nit, naging masam ang pakahulugan ng mga Filipino sa kaingin. Noong dekada 80, sinimulan sa pamumun ni Pangulong Ferdinand Marcos ang ilang programa laban sa pagkawasak ng kagubatan. Isa sa mga programang ito ang kondisyon na pagtanimin ang mga kaingero at magtotroso sa bawat pagputol nila ng mga punongkahoy. Ngunit hindi matagumpay ang pagsasakatuparan ng mga unang programang ito. Sa ilalim naman ng administrasyong Aquino, naibunsod ang programang pagtatanim ng 100,000 ektarya ng mga bagong pun taon-taon. Subalit hindi rin naipatupad ang mga programang ito. Noong 1991, tinatayang mahigit limang milyong ektarya ng kagubatan ang nakalbo bunga ng kaingin at pagtotroso. (DRN) (ed VSA)
kakann
Pangkalahatang tawag ang kakann sa mga pagkaing gawa sa bigas, gat ng niyog, at iba pang sangkap upang maging meryenda. Ilang halimbawa nit ang pto, bibingk, sman, at kalmay. Bawat bayan yata sa Filipinas ay may tanging tindahan ng kakann o may pansiteryang nagdidispley ng sari-saring pto at panghimagas na minatamis. O may maglalak na sumisigaw ng Pto! Kutsint! at sunong ang bilao o pasan ang pinggang may mga sisidlan ng kakann. Kung wala, pumunta sa palengke at naroon ang puwestong naghahandog ng ipinagmamalaking kakann ng bayan. Pto ang itinuturing na pinakamatanda at pinakakaraniwang kakann. Gawa ito sa giniling at pinasingawang bigas, kung minsan may lahok na bagong kudkod na niyog, mantekilya, at ibang pampalasa. Ang karaniwang pto, sa larawan ni Fray Juan j. Delgado noong 1751 ay tortas grandes y amasadas, muy esponjadas y blancas at masarap isawsaw sa tsokolate. Ptong put ang inilarawan ng butihing Heswita. Ngunit ang pto ay maaaring sapn-sapn, bibingk, sumn, kalmay, ptsiptsi, espasl, putosko, at bko. May saping dahon ng saging ang ptong manpla para sa batsoy ng Negros. May luyat pandan ang pto dyon ng Leyte. Binilog na parihaba ang pto bumbng at kulay granate dahil sa pirurtong. Hinubog sa suwt (munting tasa sa alak ng mga Tsino) ang kutsint. May budbod na butil ng mais at kulay dilaw ang mha blngka sa San Miguel, Bulacan. Binablot sa linga at pinong kinudkod na niyog ang palitw. May pto na gawa sa kamoteng-kahoy, ube, at ibang halamang-ugat. Tila mga munting bola ang pto bian. Malinamnam na meryenda mulang Iloilo ang piyya. Ipinalalamn sa tinapay ang matams-sa-bo. Ang saging ay ginagawang turn o tinutuhog na banana-Q. (LJS)(ed VSA)
kakw
Ang kakw (Theobroma cacao) ay isang uri ng punongkahoy na ang but ng bunga ay nagiging sangkap sa paggawa ng kokwa at tsokolate. Nagmula ito sa kagubatang tropiko ng Amerika. Karaniwang tumataas ito ng 15 metro subalit ang pinamumungang pun ay sadyang pinuputulan upang madali ang pamimitas ng bunga. Ang dahon nito ay makinis na kulay berde at hugis biluhaba, samantalang ang bagong dahon ay nagkukulay pula. Kilala ang punng kakaw sa pagkakaroon ng butng ipinoproseso upang gawing tsokolate. Ang bunga nito ay hugis biluhaba na karaniwang may sukat na ay 15-30 sentimetro ang hab at nagkukulay dilaw na kahel kapag ito ay nahinog. Ang isang bunga ay maaaring magkaroon ng 20-60 but na binabalutan ng puting sapal na siyang pinagmumulan ng pulbos na tsokolate. Nagagamit din ang sapal nito sa paggawa ng inumin. Ayon sa kasaysayan, ang unang Europeo na nakatagpo sa pun ng kakaw ay si Cristobal Colon noong tang 1502. Kasama ang ibang manlalayag, namangha sila sa pun na noong una ay inakalang pun ng almond. Ang kaalaman tungkol sa paggawa ng tsokolate mula sa pun ng kakaw ay nagmula sa mga Espanyol. Sa wikang Griyego, ang salitng theobroma ay nangangahulugang pagkain ng mga diyos. (ACAL) (ed GSZ)
kakawte
Ang kakawte ay isang pun na kalimitang nabubuhay sa gubat. Lumalaki ito ng lima hanggang sampung metro ang taas. Madaling paramihin ang kakawate dahil nabubuhay ito sa kahit anong uri ng lupa. Malimit itong itinatanim ng mga magsasaka upang gamiting lilim ng iba nilang tanim na gaya ng kakaw, kape, at tsaa. Naglalagas ang dahon nito tuwing buwan ng Disyembre at namumulaklak ito tuwing buwan ng Pebrero at Marso. Sa ibang lugar, napakaraming mamulaklak ng kakawate at maihahambing sa sakura sa Japan. Ang bulaklak nito ay kalimitang kulay rosas, puti o lavender. Dahil sa matibay ang ugat ng mga pun ng kakawate, ginagamit ito upang mabawasan ang pagguho ng mga nakahilig na lupa. Ang pagtatanim ng kakawate ay mahalaga rin upang manumbalik ang pagiging mabunga ng lupang tinatamnan. Ang kahoy ng kakawate ay maaari ding gamiting panggatong. Napakikinabangan din itong pain sa mga dag at pambugaw ng mga insekto. Ang mga dahon naman nito ay nagagamit na pataba sa mga pananim. Napatunayan ding ang kakawate ay magaling na pakain sa mga baka. Tinatawag itong kakaoati sa Bontok; kakauati, kakawate, madrecacao, madrecaco, madre kakau, marikadau, at marikakaw sa Tagalog; at mandiri-kakau sa Sulu. (ACAL) (ed GSZ)
kalabsa
Ang kalabsa (genus Cucurbita), halamang baging na may malapad na dahon at bungang kinakain bilang gulay na mayaman sa bitamina at mineral. Ang halamang ito ay gumagapang pataas at may habang apat na metro. Ang dahon nito ay pabilog, 15-30 sentimetro, at hugis puso. Ang bulaklak nito ay hugis kampanilya at kulay dilaw. Ang bunga ng kalabasa ay malaki, malamn, at kulay dilaw. Ang buto naman nito ay hugis itlog na sapad. Ang kalabasa ay mayaman sa bitamina A at B. Ang mga usbong at bulaklak nito ay nagtataglay ng iron, calcium, at phosphorus. Ayon sa pag-aaral, ang bulaklak ng kalabasa ay may lutein na pumipigil sa pagkakaroon ng katarata. Ayon sa isa pang pag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas, ang bulaklak ng kalabasa ay may sangkap ng spinasterol. Pinipigil nito nang 55% ang pagkakaroon ng tumor sa balt. Ayon naman sa Philippine National Kidney and Transplant Institute, ang pagkain ng mga pagkaing mayaman sa phosphorus, gaya ng kalabasa, ay maaaring maging sanhi ng pangangati ng balat at paghina ng paggana ng bato ng isang tao. Ang buto ng kalabasa naman ay mataas sa fatty acids. Nagtataglay rin ito ng saponin na nagpapababa ng kolesterol at nagpapabagal sa pagtubo ng cancer cells. Ang langis na nakukuha sa buto nito ay nagsisilbing pampalakas ng ugat. Maaaring dikdikin ang buto nito para makuha ang langis nito. Sa Filipinas, itinatanim ang kalabasa sa buong taon. Upang makakuha ng magandang bunga nito, kinakailangang ang butong itatanim ay de-kalidad. Nabubuhay ang kalabasa sa pantropikong klima. Hindi ito maselan sa pagaalaga at maliit lamang ang kailangang kapital para sa pagpaparami nito. Ang kalabasa ay tinatawag ding kabasi sa Sulu, karabasa sa Iloko, kumbasa sa Bontok at kalabasang-bilog at kalabasang-pula sa Tagalog. (ACAL) (ed GSZ)
kalabw
Ang kalabw (Bubalus bubalis carabanesis o minsan Bubalus carabanesis) ay ang Pambansang Hayop ng Filipinas. Ito ay isang domestikado o pinaamong uri ng kalabaw na pantubig. Iniuugnay ang kalabaw sa mga magbubukid dahil ito ang hayop para sa pag-aararo at para sa paghila ng kariton na ginagamit ng mga magbubukid. Liks ang mga kalabaw sa Filipinas at anuwng ang katutubong pangalan. Buhy pa ang pangalang ito sa Aklanon, bagaman naputol at naging nuwng na lamang sa Iluko. Karaniwang nabubuhay ang mga kalabaw nang 18 hanggang 20 taon at maaaring umabot ang timbang sa 800 kilo. Parehong may sungay ang babaet lalaking kalabaw. Itim naman ang karaniwang kulay ng balt nito sa buong katawan hbang mabuhok ang kanilang ulo at ang dulo ng kanilang buntot. Tinatawag na albino ang may kulay na pink. Kadalasang makikitang nagpapalamig ang mga kalabaw sa mga putikan, dahil wala itong tinatawag na sweat glands na ginagamit ng maraming hayop upang maglabas ng init mula sa katawan. Damo, pulut, at iba pang halamang ligaw ang pagkain ng kalabaw. Mahalaga din ang mga kalabaw dahil sa gatas at karne. Kinakain ang karne ng kalabaw. Tinatawag itong carabeef sa Ingles. Sa mga pista, nagkakaroon noon ng karera ng mga kalabaw. Sa parada, may paligsahan hinggil sa pinakamakisig at pinakamalusog na kalabaw. Sa Pulilan, ipinagmamalaki kung pista ang mga kalabaw na tinuruang iluhod ang unahang mga paa. (SSC) (ed VSA)
kalg-luks
Ang kalg-luks ay bahagi ng kaugalian hinggil sa pagluluks o pagalaala sa isang namatay na miyembro ng pamilya o mahal sa bhay. Nagaganap ang pagluluks sa loob ng isang tan. Sa panahong ito, may kaugalian noon na nagsusuot ng damit na itim ang malapit na kamag-anak ng namatay. Ngayon, may nagsusuot na lmang ng itim na las sa dibdib o sa manggas ng damit, at kung babae, nagbabalabal ng itim. May mag-anak namang nagsusuot lmang ng itim na damit sa isang maikling panahon. Pagkatapos, dumadaan sa panahong blanco y negro, o pagsusuot ng put at itim na damit. Sa gayon, ang kalg-luks ay ang araw pagkatapos ng santang pagluluks, na idinaos sa pamamagitan ng pagtitipon ng magkakamag-anak, pagpapamisa o pagpapadasal, at handaan. Ang handaan ay palatandaan na nangilin sa gayong gawain ng pamilya sa panahon ng pagluluks. Tinatawag din itong babng-luks o ibis-luks dahil maaari nang magsuot ng may kulay na damit ang kamag-anak ng namatay. Kahit kasi sa mga hindi estrikto sa pagsusuot ng itim na damit sa panahon ng pagluluksa ay ipinagbabawal ang pagsusuot nng damit na matingkad ang kulay. Ngunit pagkatapos ng kalg-luks ay may pahintulot nang magsuot ng kulay pul, dilaw, o anumang kulay. Sa pagtitipon kung kalg-luks ay inaasahan ang pagkukuwentuhan o pag-uusap hinggil sa namatay. (GCA)(ed VSA)
Klakalng Galen
Ang monopolyong kalakalang ipinatupad ng pamahalaang Espanyol sa Maynila at sa Acapulco ay tinawag na Klakalng Galen. Noong 1565, si Andres de Urdaneta ay naglayag mula Cebu papuntang Acapulco at dito niya natuklasan ang ruta mula sa Karagatang Pasipiko papuntang Mexico. Ipinangalan ang kalakalang ito sa malalaking barkong galen na karamihan ay ipinagagawa ng pamahalaang Espanyol sa lalawigan ng Cavite at sa iba pang bahagi ng Filipinas sa pamamagitan ng sapilitang pagtatrabaho ng libo-libong katutubong Filipino. Bago pa dumating ang mga mananakop na Espanyol, ang mga Filipino ay mayroon nang pakikipagkalakalan sa mga bansang Tsina, Hapon, Siam, India, Cambodia, Borneo, at Moluccas. Ipinagpatuloy ng pamahalaang Espanyol ang relasyong pangkalakalan sa mga bansang ito, kung kayt ang Maynila ay naging sentro ng komersiyo sa Silangan. Isinara ng mga Espanyol ang mga pantalan ng Maynila papunta sa ibang bansa maliban sa bansang Mexico. Dito nagsimula ang kalakalan ng Maynila at ng Acapulco, na tinawag na Kalakalang Galeon. Ang kalakalang ito ang naging pangunahing pinagmulan ng malaking kta ng kolonyalistang Espanyol sa bansa. Umabot sa 110 galeon ang naglayag sa loob ng 250 taon (1565-1815). Hanggang 1593, mahigit tatlong barko ang naglalayag mula at patungo sa mga pantalan ng Maynila at ng Acapulco. Ang kalakalang ito ay naging kapaki-pakinabang at naging dahilan upang magpetisyon kay Haring Felipe II ang mga mangangalakal sa Sevilla sa Espanya na protektahan ang monopolyo ng Casa de Contratacion na nakabase sa Sevilla. Dahil dito nagpalabas ng kautusan noong 1593 na nagtatalaga nang dalawang galeon lmang ang maaaring maglayag kada taon mula sa dalawang pantalan. Ang isa ay naglalayag mula Acapulco papuntang Maynila na may 500,000 pisong halaga ng mga kalakal, at ang ikalawa naman ay naglalayag mula Maynila papuntang Acapulco na may kargadang produktong nagkakahalaga ng 250,000 piso. Sa ganitong limitasyon, kinailangan ang paggawa ng pinakamalalaking galeon na gawa sa pinakamatitibay na kahoy sa Filipinas at makapagsasakay ng mabigat na kargamento at mga pasahero. Naging sanhi din ito ng talamak na korupsiyon sa gobyerno. Napabayaan din lalo ang mga probinsiya dahil ninais ng mga opisyal na lumahok sa
kalakalan. Ang Kalakalang Galeon ay nagtapos noong 1815, ilang taon bago lumaya ang bansang Mexico mula sa pananakop ng Espanya noong 1821. (AMP) (ed VSA)
kaln
Katutubong tawag sa pinaglulutuan ang kaln. Karaniwang yari ito sa pinatigas na luad, may hukay sa gitna na nilalagyan ng panggatong, at naliligid ng tatlong tungko na salalayan ng sisidlan ng iniluluto. Marahil, pinakasinaunang kaln ang tatlong pinagtungkong piraso ng bato. Kahoy o balt at bao ng niyog ang karaniwang panggatong noon. Palayok at kawali ang karaniwang sisidlan ng iniluluto. Isang popular na bugtong hinggil sa sinaunang kalan ang: Tatlong magkakaibigan Sa apoy nagbubulungan. May kaln na ip ang panggatong. Dahil sa pagtitipid sa panggatong, may mga inimbentong kaln na nilamukos na papel o damo ang maigagatong. Modernong kaln ang kusinlya (mula sa Espanyol na cosinilla), munting kalng de-gaas at binobomba, at ang mga kalng de-koryente. Hurno o oven ang kaln para sa pagluluto ng tinapay, cake, at katulad. Inirereklamo ng iba ang de-gaas dahil lumalasa daw ang kerosina sa sabaw. Mas gusto ng ibang magluto ng sinigang sa kalng luad dahil mas malinamnam. At ikinalulungkot ng mga tradisyonal na kusinera ang nawawalang dapugang maabo. Bakit? Dahil abo ang napakabisng pantanggal ng uling sa kaldero, abo ang panlinis ng hit, at abo ang napakahusay na pang-alis ng lansa ng bituka para sa dinugun. (YA)(ed VSA)
kalapti
Marami sa mga kalapti ngayon nanggling sa domestikadong poltri na dinal sa Amerika ng mga unang Europeo na nanirahan doon. Matagal nang kasalamuha ng tao ang kalapati. May mga pigura ng kalapati na nakaadorno sa templo ni Astarte, isang diyosa ng pertilidad, noon pa mang 5000-2000 B.C. Mahilig mag-alaga ng ibong ito ang mga Ehipsiyo, Griyego, at Romano. Pinaniniwalaang ang kasalukuyang mga lahi ng kalapati ay nagmula sa tiatawag na rock dove (Columba livia) ng Hilagang Africa at Europa, ngunit madal itong nakikipaglahian sa mga species dito sa Asia (C. leuconota at C. intermedia). Ang maiilap na kalapati ay may mga patong na asul ang kulay at maitim ang mga bagwis. Walang gaanong ipinag-iba ang babae sa lalaki sa kulay ng balahibo, medyo maputla lmang ang disenyo ng balahibo ng babaeng kalapati. Kapag naglalakad, nakataas ang buntot ng babae at may ugaling umampang-ampang (waddle). Mayabang at agresibo ang lalaki kung lumakad. Ibat iba ang mga lahi ng kalapati. Marami dito ay inaalagaan na sa Filipinas. May mga lahi na ginagamit para sa produksiyon ng pitson (squab) o mga batng kalapati para sa karne, tulad ng White Kings, Red Carneau, French Mondaine at Giant Homers. May mga lahi para sa eksibisyon o pagandahan tulad ng Fantails, Modenas, Frills Trumpeters, Jacobins, Tumblers at Pouters. Ang pinakapopular ngayon ay ang pag-aalaga ng mga lahing ginagamit sa karera, tulad ng Racing Homer at Roller Pigeon. Ang mga lahing ito ay may kakayahang makabalik sa pinanggalingan kahit na lubhang malay ang lalakbayin. Sa pangkalahatan, ang kalapati ay monogamous. Kapag ang dalawang kalapati ay nagkapareha na, mananatili silng magkapareha habangbuhay. Kapag namatay ang isa, ang natitirang buhy ay kadalasang nagpapakamatay sa pamamagitan ng boluntaryong hindi pagkain o hindi pag-inom ng tubig. Hindi nakakapagtaka na kinikilala ang kalapati hindi lamang isang simbolo ng kapayapaan, kundi isang simbolo ng matrimonyo o pag-iisang dibdib. (SSC) (ed VSA)
kalapyw
Isang katutubong balabal laban sa ulan ang kalapyw. Sa panahong walang kapote, pinagtatagni-tagni ng sinaunang Filipino ang pinatuyong mga dahon ng anahaw at ibinabalabal sa mga balikat at likod ng magsasaka kapag kailangang lumabas ng bahay at magtrabaho sa bukid kahit malakas ang ulan. May sintas ang pang-itaas na leeg ng kalapyw at ibinubuhol ito sa harap ng leeg ng maysuot upang hindi malaglag ang balabal kapag kumilos siy o kahit malakas ang hangin. Karaniwang katerno nit ang salakt o sombrerong bul bilang proteksiyon sa ulot mukha ng may kalapyw. Isang kasabihan din noon ang nagtitiwala sa idinudulot na proteksiyon ng kalapyw: Kahit punit ang kalapyw Hindi tatablan ng ulan. Nahahawig sa kalapyw ang vakl ng mga Ivatan. Ang kaibhan, isang balabal ang vakl mula ulo hanggang baywang at gawa sa masinsing pinagtagning mga himaymay ng halamang voyavoy. Ginagamit din ang vakl na pananggalang laban sa init at sa ulan. (DRN)(ed VSA)
klaw
Ang klaw o Rufous Hornbill (Buceros hydrocorax) ay isang malaking uri ng hornbill. Kilal rin ito sa pangalang Philippine Hornbill. Sa Filipinas lmang ito matatagpuan, lalo na sa Luzon at Marinduque (lahing hydrocorax), Samar, Leyte, Bohol, Panaon, Biliran, Calicoan at Buad (lahing semigaleatus), Dinagat, Siargao, at Mindanao (lahing mindanensis). Madal itong makita sa bundok ng Sierra Madre sa Luzon, subalit patuloy na nanganganib dahil sa patuloy na paghahanting at malawakang pagkawala o pagkasira ng tirahan o habitat. Ang tuka ng karaniwang kalaw ay purong pul, samantalang ang mga subspecies tulad ng semigaleatus at mindanensis ay may maputlang dilaw ang kalahati ng tuka. Mga hornbill lmang ang ibon na magkadikit ang unang dalawang vertebrae sa leeg (ang axis at atlas), nagbibigay ito ng mas matatag na posisyon para madal nang balanse ang malalaking mga tuka. Kadalasan, nasa itaas ng punongkahoy ang kalaw, ngunit sa umaga ay bumabab upang tumuka ng mga larva ng insekto, alupihan. at tipaklong. Kumakain rin ito ng mga prutas. Kung minsan, tinatawag na orasan ng kabundukan ang ibong ito dahil sa paghuni nit tuwing katanghalian. Ang kalaw ay isang species na monogamous. Gumagawa ito ng pugad sa mga guwang ng punongkahoy. Mga babaeng kalaw lmang ang lumilimlim sa mga itlog. Kapag nakapangitlog na, ang butas ng pugad ay sinasarahan ng putik maliban sa makitid at bertikal na puwang para sa pagdadal ng pagkain ng lalaking kalaw. Tungkulin ng lalaking kalaw ang pagpapakain sa lahat ng nsa loob ng pugad. (SSC) (ed VSA)
Kalayaan
Ang Kalayaan ang pahayagan ng Katipunan na pinamatnugutan ni Emilio Jacinto. Taglay ng pamagat ang pangunahing diwa ng Himagsikang 1896. Nailabas ito dahil sa donasyong salapi nina Candido Iban at Francisco del Castillo, dalawang patriyotang Aklanon. Nagwagi sina Iban sa loterya ng isang libong piso. Ipinambili nil ng mkinng pang-imprenta ang P400 at itinago ang mkin sa bahay ni Bonifacio. Dalawang mahusay sa limbagan, sina Ulpiano Fernandez at Faustino Duque, ang nangalaga sa makina. Nagnakaw din sil ng tipo at titik sa ibang imprenta upang mahusto ang gamit. Hindi matiyak kung kailan lumabas ang unang isyu ng Kalayaan. Bunga ito ng isinagawang panlilinlang upang hindi matunton ang limbagan nit. Pinalabas nina Jacinto na inilimbag ang Kalayaan sa Yokohama, may petsang 1 Enero 1896, at si Marcelo H. del Pilar ang editor. Ayon kay Pio Valenzuela, lumabas ito noong Marso 1896, walong pahina, at may 2,000 kopya. Inilipat-lipat din ito ng lokasyon upang makaiwas sa mga espiya. Ang unang isyu ay naglalaman ng editoryal na sinulat kunwa ni M.H. del Pilar, ng kuwentong Pahayag ni Jacinto sa alyas na Dimasilaw, ng tulang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Bonifacio sa alyas na Agapito Bagumbayan, ang artikulong Catuiran? ni Valenzuela sa alyas na Madlang Away, at ilang munting balita. Inihahanda na ang ikalawang isyu ngunit natuklasan ang Katipunan. Sa gayon, sinira nina Fernandez at Duque ang nakakaha nang isyu at ang mkin bago tumalilis. Isang labas lmang ang Kalayaan ngunit isa itong maituturing na napakaepektibong sandata ng Himagsikang 1896. Sa ulat din ni Valenzuela, umaabot lmang sa 300 ang aktibong kasapi ng Katipunan noong Enero 1896. Ngunit pagkalabas ng Kalayaan ay dumagsa ang mga nais sumapi mula sa mga karatig probinsiya. Nang matuklasan ang Katipunan ay mahigit 30,000 na ang miyembrong lumahok sa himagsikan laban sa kolonyalismong Espanyol. (VSA)
kalsa
Ang kalsa (mula sa Espanyol na calesa ) ay isang sasakyang may gulong at hinihila ng kabayo. Isa itong uri ng pampublikong transportasyong ipinakilala ng mga Espanyol sa Filipinas noong ika-18 siglo, at naging popular lalo sa mga mariwasa, tong may katungkulan, at mangangalakal. Sa kasalukuyan, naungusan na ang kalesa ng mga dyipni, taxi, traysikel, at iba pang makabagong uri ng sasakyang panlupa, at bihira na itong magamit, maliban sa ilang lalawigan at mga pook panturismong tulad ng Intramuros at Vigan Heritage Village. Ang ordinaryong kalesa ay isang ktse (mula coche) na maaaring magsakay ng dalawang pasahero. Isang sasakyan itong nakabuks ang harapan, may maluwang na bintana ang tatlong gilid, may malaking dalawang gulng (kay mainam sa bah), at may dalawang baras para pagsingkawan ng kabayo. May tinatawag na karitla na may dalawang hanay ng upuan at nakapagsasakay ng apat o mahigit na pasahero. Nakaup sa harapan ng kotse ang kutsro (cochero), ang nagmamaneho ng kabayo. Maituturing na isang imbensiyong Filipino ang kalesa mula sa orihinal na disenyo ng mga karwahe (carruaje) na dinal dito ng mga mananakop. Sapagkat para sa malamig na klima, ang karwaheng Europeo ay higit na sarado, makapal ang dingding, malaki, at sa gayon ay higit na mabigat. Kabilang sa mga kahawig ng kalesa ang mga sasakyang calash (o caleche), barouche, chaise, at victoria sa Europa. Ang nakagugulat, marami pa ring kalesa sa Binondo, Maynila. (PKJ) (ed VSA)
kamag-nak
Sa mahigpit na pakahulugan, ang kamag-nak ay tao na kabilang sa ugnayan ng isang mag-nak, na binubuo ng ubod na ama, ina, at mga anak o magkapatid. Lumalaki ang mag-nak kapag nag-asawa at nagkaanak ang anak o mga anak sa ubod na mag-nak. Ang ibig sabihin, nadadagdag na kamag-nak ang asawa ng anak sa ubod na mag-anak; tinatawag na mangang ng magulang sa ubod, tinatawag ng kapatid na hpag kung babae at bayw kung lalaki. Ang anak ng nag-asawa ang tinatawag namang ap ng magulang. Ngunit sa maluwag na pakahulugan, ang kamag-nak ay lumalawak pa kapag nag-asawa ang isang anak sa ubod na mag-anak. Ang magulang ng napangasawa ay tinatawag na biyenn ng nag-asawa at bale ng magulang sa ubod. Ang mga kapatid ng napangasawa ay ituturing ding hpag o bayw ng nag-asawa. Sa gayon, bawat pag-aasawa mula sa ubod na mag-anak ay nangangahulugan ng isang dagdag na pamilya ng kamag-anak. Idinadagdag ding kamag-nak ang pnsan o mga pnsan ng magulang sa ubod na mag-anak. Tinutukoy nit ang kaugnay ng magulang sa kanikanilang pinagmulang mag-nak, ang kanila mismong mga magulang at mga kapatid, gayundin ang pamangkn o anak ng kanilang kapatid. Lumalawak pa ito kapag itinuring ang tinatawag na pnsang makalaw at pnsang makaitl, na siyng nagaganap kapag magkakalapitbahay ang lahat sa isang nayon. Isa ring katotohanan na nagdadagdag sa magkamag-nak ang sistemang nnong at nnang (mula sa Espanyol na padrno o madrino). Kapag totoong matalik ang ugnayan ng mga magkumpare o magkumare at mag-inaanak ay nagiging bahagi ng kani-kanilang pamilya ang lahat. Sa gayon, bawat pag-aanak sa binyag, kumpil, o kasal ay maaaring magpalaki sa ugnayang kamag-nak. Sinasabi nga na malimit ay iisang angkn o magkakamagnak ang lahat ng tao sa isang nayon sa Filipinas. At ang bagay na ito ay nagagamit sa mabuti at sa masamng paraan. (EGN) (ed VSA)
Pamilya Quiazon
kamagng
Ang kamagng (genus Diospyros) ay isang namumungang punongkahoy na sa Filipinas lang matatagpuan. Ang pun nito ay makapal, matigas at natatangi sa maitim nitong kulay. Tinatawag din itong iron-wood dahil sa tibay nito. Ang pun nito ay tinatawag na kamagong at ang prutas naman nito at tinatawag na mabulo. Ang dahon nito ay parang balat, hugis itlog, at may habng 20 sentimetro. Ang pun ng kamagong ay lumalaki ng hanggang 33 metro ang taas. Nabubuhay ito sa ibat ibang klase ng lupa ngunit nangangailangan ito ng sapat na ulan sa buong taon. Ang butong itinanim mula dito ay mamumunga sa loob ng anim hanggang pitong taon. Ang balat ng prutas ng kamagong ay kulay pula hanggang kulay lupa, pino, at makinis. Mayroon itong mga buhok na dapat alisin bago kainin upang maiwasan ang pangangati ng bibig at lalamunan. Dahil sa mga buhok nito, tinawag itong mabulo na ang ibig sabihin ay mabuhok. Ang laman nito na nakakain ay malambot, makrema, at kulay rosas. Ang amoy ng prutas nito ay masangsang na maihahalintulad sa amoy ng nabubulok na keso o dumi ng pusa. Nagmumula ito sa balat nito. Mayaman ito sa calcium, iron, at bitamina B. Ang pinaglagaan ng dahon at balat ng pun ng kamagong ay mabisng lunas sa mga sakit sa balat. Maaari itong inumin o isama sa tubig na pampaligo. Ang pinaglagaan din ng balat ng kahoy ay ginagamit na lunas ng mga tong may ubo. Ang kamagong ay itinuturing na nanganganib nang mawala kay pinoprotektahan na ito ng batas ng Filipinas. Kakailanganin ang permiso ng Kawanihan ng Paggugubat at Kagawaran ng Kaligiran at Likas na Yaman kapag maglalabas ng pun nit sa Filipinas. (ACAL) (ed GSZ)
kamanyng
Ang kamanyng ay mabangong balsamo na mula sa balt ng punongkahoy (Liquidambar orientalis) na gayundin ang pangalan. Tinatawag itong storax sa Ingles mula sa styrax ng Latin. Inihahal itong pampabango sa insnso (mula sa Espanyol na incienso) na ipinansusuob sa dambana at sa maysakt. Sa ngayon, naituturing na iisa ang kamanyng at ang insnso. Isang banal na bahagi ng misang Katoliko ang pagsusuob ng kamanyng. Dagdag na simbolo ng kabanalan nit ang pangyayari na isa ito sa tatlong alay ng Tatlong Hari sa sanggol na si Hesus. Ang tatlong alay ay gint na simbolo ng yamang materyal, mra na simbolo ng pagpapakaskit, at kamanyng na simbolo ng kabanalan. Sinasabi ngayon bilang tayutay na may alay na kamanyng para sa hari o sa musa ng pagdiriwang na nais parangalan. Gayunman, ginagamit pa rin sa kanayunan bilang pansuob sa maysakt ang kamanyng upang gumaan ang paghinga. (YA)(ed VSA)
kamte
Ang kamte (family Convolvulaceae, genus Ipomoea) ay isang halamangugat na may lamang matamis at may talbos na iginugulay. Ang dahon nitoy hugis-puso o hugis-palad at mayroon din itong di-kalakihang bulaklak. Ang laman naman nito ay pahab o pabilog, may makinis na balat, at ibat iba ang kulay gaya ng pula, lila, puti, o kulay-lupa. Ang kulay naman ng laman nito ay maaaring dilaw, kahel o lila, depende sa uri ng kamote. Ang mahab-habng tangkay nito ay nagkakaroon ng ugat kapag napalapat sa lupa. Ang isang halaman nito ay maaaring magbunga ng maraming tuber. Ibat iba ang laki, hugis, at kulay ng mga tuber ng kamote. Karaniwan itong kinakain bilang panghalili sa kanin lalo na sa probinsiya. Bukod sa madali itong tumub, mas mura ito kaysa bigas. Dahil sa madali itong paramihin, karaniwan din itong makikita sa mga kanal o pilapil. Nangangailangan ng sapat na tubig ang kamote para itoy mabuhay. Ang mga ligaw na kamote naman ay karaniwang ipinakakain sa mga baboy. Halos lahat ng parte ng kamote ay nakakain. Ang ugat nito ay inilalaga at isinasawsaw sa asukal o arnibal. Ang talbos nito ay ginagawang ensalada o iniluluto sa suk at toyo na parang adobo. Ang dahon nito ay isinasma sa mga may sabaw ng ulam gaya ng sinigang. Ang laman nito ay inilalag o ipiniprito nang may asukal. Popular na rin ngayon ang mga tinapay na gawa sa harinang gawa sa kamote. Tinatawag din itong lapni sa Ifugao, pangg-bagun sa Sulu, tigsi sa Bisaya, at tugi sa Bontok. (ACAL) (ed GSZ)
Kampan ng Balangga
Ang mga Kampan ng Balangga ay tumutukoy sa tatlong kampanang mula sa simbahan ng bayan ng Balangiga na inangkin ng mga sundalong Amerikano blang tropeo matapos nilang tupdin ang tagubilin ni Hen. Jacob H. Smith na gawing isang wilderness o ilang ang Samar. Ganti ito sa halos paglipol ng mga gerilyang Filipino at residente ng nasabing bayan sa isang pangkat ng mga sundalong Amerikano na nakaestasyon sa Balangiga noong umaga ng 28 Setyembre 1901. Ang pangyayaring ito ay tinawag na Masaker sa Balangiga. Nang malman ni Pangulong Theodore Roosevelt ng Estados Unidos ang nangyari sa Samar ay agad niyang iniutos ang pagpayapa sa probinsiya at si Hen. Smith ang naatasang gawin ito. Sa kasamaang-palad, naging malupit ang utos ng Heneral sa kaniyang mga sundalo: Ayoko ng mga bilanggo. Gusto kong patayin ninyong lahat ang mga tao at sunugin ang buong Samar. Kung mas marami kayong mapapatay at masusunog, lalo akong masisiyahan! May mga historyador na pinasisinungalingan ang pananaw na umatake ang mga Filipino sa grupo ng mga Amerikano sa Balangiga nang walang dahilan. Ang ugat ng kanilang galit ay ang kautusan ni Kapitan Thomas Connell na sapilitang linisin ang paligid gamit ang lahat ng mahahagilap na kalalakihan, ang pagkulong sa mga tagalinis, ang pagkumpiska sa mga pagkain ng mga Balangigenyo at ang pagbawal sa paglabas ng mga residente sa bayan nang walang pahintulot mula sa mga Amerikano. Ang masam pa dito, ipinakulong ni Connell ang mga naging trabahador nang ilang araw nang walang sapat na pagkain at tubig. Naging salik din ang pagkumpiska at pagsunog ng mga Amerikano sa mga bigas at pagkain ng mga residente. Sa kasalukuyan, ang dalawa sa tatlong kampana ay nakalagay sa isang trophy park sa base militar sa Cheyenne, Wyoming sa Estados Unidos. Ang pangatlong kampana ay nsa Camp Red Cloud, isang base militar ng mga Amerikano sa South Korea. Simula noong kalagitnaan ng dekada 1990, kumilos ang mga Filipinong mambabatas, pinun ng simbahan, ilang opisyal ng pamahalaan at pribadong mamamayan para maibalik ang mga kampana sa orihinal nitng pinagmulan. Ngunit hanggang ngayon, bigo ang lahat ng mga pagsisikap na ito. (MBL) (ed GSZ)
kamplan
Isang sinaunang mahabng patalim ang kamplan. May hab itong 89-102 sentimetro at tradisyonal na sandata ng mga Muslim na Magindanaw at Maranaw. Makitid sa pun at lumalapad sa dulo ang talim nit, bukod sa pahilis ang dulong talim. May kaakibat na sining ang paggawa ng sundi o puluhan ng kamplan. Pinasimpleng sundi ang yari sa kahoy na banati at may pabitin sa dulo na balahibo ng hayop. May sundi na yari sa matibay na naga o mulawin at hugis bunganga ng buwaya ang dulo. Ang hugis buwaya ay ipinaliliwanag sa pangyayaring ang karamihan sa mga datu ng Maginadanaw ay mula sa Buayan (na dakilang buwaya ang ibig sabihin). Karaniwang dalawang kamay ang ginagamit sa paghawak ng sandatang ito. May paniwala na mutya ng mga sandata ang kamplan at nagbibigay ito ng magandang kapalaran sa may-aring mandirigma. May paniwala na ipinakilla ang kampilan ng Propetang si Muhammad kay Sharif Kabungsuan, ang kinikillang tagapagtatag ng sultanatong Magindanaw. Kapag sinuri din ang de-kahong larawan ni Lapulapu, isang kamplan ang pumatay kay Magallanes sa Mactan. Sa mga dakilang pinun ng Magindanaw, laging inilalarawan si Sultan Kudarat na may hawak na kampilan. (GCA)(ed VSA)
kamunng
Ang kamunng (Murraya paniculata) ay isang punongkahoy na may matigas at dilaw na kahoy at lumalaki nang mula tatlo hanggang walong metro ang taas. Ang dahon nito ay hugis peras, kulay berde, makintab, at may habng 8-15 sentimetro. Namumulaklak ito sa buong taon ng mga puti at mahalimuyak na bulaklak. May bunga rin ito, malamn, hugis itlog o patulis, at may habng 1-1.5 sentimetro. Ang kamuning ay nangangailangan ng sapat na araw at mamas-masng lupa para mabuhay ito nang maayos. Dahil mabilis itong lumaki, kailangan itong palaging gupitan upang mapanatili ang magandang anyo nito. May dalawang paraan ng pagpaparami ng kamuning. Una, ang paggamit ng buto na daraan sa tatlong proseso: paghahanda ng buto, pagpapasibol ng buto, at paglilipat nito sa lupa. Pangalawa, ang paggamit ng pinutol na sanga (stem cutting) ng kamuning. Ang isang bahagi ng pinutol na sanga ay kukulubin upang mapabilis ang pagpaparami ng ugat nito bago ito itanim. Ang kamuning ay tinatawag ding banasik o banaasi (Iloko), banaot (Sambali), banasi (Bikol, Ibanag), banati (Cebu Bisaya, Bukidnon, Maguindanao, Manobo) at kamuning (Tagalog, Bikol, Pampango). (ACAL) (ed GSZ)
kandul
Ang kandul ay isda na kablang sa pamilya Ariidae. Matatagpuan ang isdang ito sa tropiko at mga lugar na maiinit at sa tubig alat at tabang. Maraming uri ng kandul pero pinakamarami ang nsa grupo ng Arius. Sa katunayan, katutubo sa Filipinas ang Arius manillensis. Makinis ang kalasag sa ulo sa harapan ng kandul samantalang may maliliit na hanay ng butil at makunot naman sa hulihan. May malaking itim na batik ang mataba nitng palikpik at may hibla sa dulo ang tinik sa likod. May mga kandul rin na makamandag ang matigas na tinik sa likod at dibdib. Nagsisilbi itong proteksiyon laban sa mga kaaway. May karaniwang habng 30 sentimetro ang isang kandul at ang pinakamalaking naital ay umabot sa 80 sentimetro. Makikita ang isdang ito sa mga lugar ng kanlurang Indo-Pasipiko, mula India hanggang sa mga karatig bansa ng Pakistan, Bangladesh, at Myanmar, at dagat sa timog bahagi ng Tsina. Naglalagi ang kandul sa mga baybayin, estuwaryo, ilog, at maalat-alat na tubig. Hinuhli ang kandul sa pamamagitan ng basnig, bingwit, at bitag. Ipinagbibili ang isdang ito nang sariwa at kinahihiligang kainin dahil sa malasa nitng laman. Sa Filipinas, kilal ang Lawang Laguna na tirahan ng ibat ibang uri ng kandul. Subalit sa nakalipas na mga taon, unti-unting lumiliit ang populasyon nit dahil sa pagbab ng kalidad ng tubig at malawakang paggamit ng pukot. (MA) (ed VSA)
kangkng
Ang kangkng (Ipomoea aquatic) ay isang halaman na puwedeng pantubig at pangkatihan. Itinatanim ito para sa mga dahon at sanga. Kilal ito sa wikang Ingles sa pangalang Water Spinach, Water Morning Glory, Water Convolvulus, o sa hindi maliwanag na pangalang Chinese spinach at swamp cabbage. Sa ibang wika, may ibat ibang tawag sa halamang ito, tulad ng Phak bung sa Thailand. Matatagpuan ito sa lahat ng tropiko at subtropikong rehiyon sa mundo. Hindi malinaw kung saan ito nagmula. May sukat na 2-3 metro (7-10 piye) o higit pa ang katawan nit, hungkag, at maaaring lumutang sa tubig. Ang mga dahon nit ay hugis palaso, 5-15 sentimetro (2-6 pulgada) ang hab at 2-8 sentimetro (0.8-3 pulgada) ang lapad. Ang mga bulaklak ay nagbibigay ng buto na maaaring gamiting pantanim. Dahil madal itong dumami sa mga daanan ng tubig at dahil hindi ito nangangailangan ng maselang atensiyon at pangangalaga, ekstensibo o malawak ang paggamit ng halamang ito sa lutuin. Karaniwang iginigisa ang kangkng sa mantika, bawang at sibuyas, at nilalagyan ng suk at toyo. Tinatawag to na adobong kangkng. Karaniwan ding ginagamit ang kangkong bilang pansahog sa luto ng isda o karne sa sinigang. Mayroong pampaganang pagkain na kung tawagin ay crispy kangkong, ang kangkng ay iniluluto sa mantekilya o margarina hanggang maging malutong at magkulay ginintuang kayumanggi. (SSC) (ed VSA)
kanyw
Ang kanyw ay salitang Ilokano na ginagamit ngayon upang tukuyin ang malaking pista o pagdiriwang na idinaraos sa ibat ibang okasyon ng mga katutubo sa rehiyong Cordillera, tulad ng mga Ibaloy, Kankana-ey, at Bontok. Hindi ito ang orihinal na kahulugan ng salita. Noong panahong Espanyol, kanyaw ang tawag sa mga kaugalian ng mga grupong diKristiyano sa kalahatan. Sa pagdaraan ng panahon, kumitid ang kahulugan nito hanggang sa maging katawagan sa mga tradisyonal na pagdiriwang na tinatampukan ng mga katutubong sayaw, musika, at ritwal sa rehiyong bulubundukin ng Hilagang Luzon. Ang kanyaw ay karaniwang tumutukoy sa malalaking pista lamang na dinadaluhan ng maraming tao. Sa mga pistang ito, nagkakatay ng mga baboy, manok, baka o kalabaw. Inilalaga ang mga ito at inihahain kasama ang nilagang kamote at gabe. Hindi nawawala sa mga kanyaw ang tapuy, ang katutubong alak na gawa sa bigas. Nagkakantahan at nagsasayawan ang mga bisita. Marami sa kanila ang nakasuot ng katutubong damit. Ang mga ritwal na isinasagawa sa kanyaw ay depende sa okasyon. Maaaring ritwal ito ng pasasalamat, tulad ng sa kanyaw pagkatapos ng anihan. Kung kanyaw sa kasal, ritwal upang magkaroon ng maalwang buhay ang bagong-kasal. Kung kanyaw naman pagkatapos ng libing, ritwal para sa espiritu ng yumao. Maaaring tumagal ang kanyaw nang isang araw hanggang isang linggo batay sa kahalagahan ng pagdiriwang. Ang pinakamahaba at pinakamarangyang kanyaw, tulad ng peshit ng Ibaloy at pechen ng Bontok, ay yaong idinaraos ng mga pinakamariwasang angkan para mapanatilit mapatatag nila ang kanilang prestihiyo at awtoridad sa kanilang lugar. Sa kasalukuyan, kanyaw din ang tawag sa mga selebrasyong nagtatampok sa katutubong kultura ng Cordillera na idinaraos ng mga ahensiya ng gobyerno para sa mga turista. Sa ibang bansa, kapag may tradisyonal na pagdiriwang ang mga taga-Cordillera, sinasabi rin nilang sila ay nagkakanyaw. (DLT) (ed GSZ)
kap
Punongkahoy (Caffea spp.) na tumataas nang 3.5 metro, biluhab ang mga berdeng dahon na makintab at patuls ang dulo. Put ang bulaklak nit at halos bilg ang bunga na kulay pula kapag hinog na. Kap din ang tawag sa bunga na ginigiling at ginagawang inumin. May ibat ibang uri ang kap sa bansa, gaya ng C. arabica, C. robusta, C. excelsa, C. liberica, C. amphora, at C. ugandae. Sa mga ito, pinakamabango ang arabica. Ang mga butil ng hinog na kap ay pinatutuyo, ibinubusa, ginigiling, at inilalaga upang inumin. Popular ang Batangas sa liberica na tinatawag na kapng barko. Ngunit kakompetensiya na ngayon ang kapeng arabica mula Cordillera. Nakakatuwa ang bunga ng komersiyalismo sa kap. May mumurahin at nakapaketeng instant coffee para sa nagmamadal: ang kap sa ordinaryong kapeterya ng masa. Ngunit may mamahaling brewed coffee o banyagang blended coffee sa pamburges na coffee shop. Dinal mulang Mexico noong 1749 ng isang Pransiskano ang kap sa Lipa, Batangas. Hindi nagluwat ay nagkaroon ng malaking pataniman ng kap sa Lipa at karatig pook. Gayunman, sinira ng pesteng bagombong ang mga pun ng kap nitng magtatapos ang ika-19 siglo. Ang robusta ang lumitaw na pinakamatibay laban sa peste. Sa ulat noong 2005-2006, robusta ang 71% ng produksiyon sa buong bansa, 20% ang arabica, 8% amg excelsa, at 1% ang liberica. (EGN) (VSA)
kaps
Ang kaps ay panlabas na takupis o matigas na balt ng talaba na kaps (placuna placenta) din ang karaniwang tawag sa wikang Kapampangan, Hiligaynon, Iloko, Tagalog, at Waray. May tumatawag ding kalantipay. Natatagpuan ang kaps na nakakalat sa mga tubigan sa gilid ng baybayin sa buong Filipinas. Gayunman, sinasabing sagana nito ang baybayin ng Capiz, Panay kay naging gayon ang pangalan ng lalawigan. (May bersiyon na ang kabaligtaran ang naganap; ang talaba ang isinunod sa pangalan ng pook.) Sa Ingles, tinatawag itong windowpane oyster dahil ginagamit na vidrio ng bintana kapalit ng salamin. Ang vidrio ay nakakuwadrong mga partisyon ng bintana. Salamin ang ginagamit sa Kanluran upang makapagdulot ng liwanag sa loob ng silid kahit nakapinid ang bintana. Naging paboritong kapalit ng salamin ang kaps dahil mabis nitng napaglalagos ang liwanag mula sa labas samantalang hindi naman masisilip ang nsa likod ng bintana mula sa labas. Hinuhubog ang kaps sa mga kuwadradong piraso, iniipit sa kuwadrong kahoy, at ginamit na partisyon ng bintana sa mga bahay-nabato at kumbento noong panahon ng Espanyol. Ngayon, bukod sa vidrio ay hinuhubog din ang kaps upang maging takip ng lampara, pabitin ng kandelabra, at iba pang pandekorasyon. (GCA)(ed VSA)
Kapisnang Panitikn
Isang rebeldeng kapisanan ng kabataang manunulat noong panahon ng Amerikano ang Kapisnang Panitikn laban sa patuloy na pananaig ng mga establisadot nakatatandang manunulat na humahawak sa mga publikasyon. Itinatag ito noong 1935 sa tahanan sa Santa Cruz, Maynila ni Alejandro G. Abadilla, ang itinuturing na Ama ng Modernistang pagtula sa Tagalog. Nahalal na pangulong tagapagtatag si Clodualdo del Mundo. Kasma nilng tagapagtatag sina Teodoro Agoncillo, Brigido Batungbakal, Epifanio Matute, Salvador Barros, at iba pang kabataan noon. Nadagdag si Genoveva Edroza na naging asawa ni E. Matute. Patuloy nitng naakit hanggang matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang mga tulad nina Manuel Principe Bautista, Manuel Car. Santiago, at Anacleto I. Dizon. Ipinagmalaki itong samahang sakdalista at aristokrata ni Salvador Barros upang ibandila ang mapanghimagsik na adhikang pampanitikan ng mga Panitikero (tawag sa kasapi). Bukod sa ginawang kontrobersiyal na pamimil ni A.G. Abadilla ng mga natatanging tula at kuwento sa Talaang Ginto ay naglabas mismo ang mga Panitikero ng mga akdang eksperimental, lalo na sa pamamagitan ni Barros na editor noon ng seksiyong pampanitikan sa isang malaking pahayagan. Nag-umpisa din sil ng isang serye ng panayam pampanitikan at tinuligsa ang mga akda ng katandaan, gaya ng Banaag at Sikat ni Lope K. Santos. Noong 2 Marso 1940, nagdaos sil ng Sunog sa Moriones, ang unang demostrasyong pampanitikan sa Filipinas. Sa pamamagitan ng isang sig sa Plaza Moriones, Tundo, Maynila ay sinunog nil ang simbolikong mga kopya ng mga akdat librong sinulat ng katandaang manunulat. Ang mga kabataang manunulat noon ay produkto na ng edukasyong napapatnubayan ng Amerikanisasyon. Sa gayon, hindi na sil nasisiyahan sa ipinalalagay nilng bilangguan ng tugmat skat at tradisyon sang-ayon sa diwa ng Balagtassmo (tingnan sa Akltang Byan) at higit na nais nilng sumunod sa makabagong modelo ng pagsulat mulang Kanluran. Ang halimbawa ng diwang mapanghimagsik ni A.G. Abadilla at mga Panitikero ang sinundan at nagdulot ng malaking pagbabago sa panitikang Filipino nitng dekada 60. (VSA)
kpre
Ang kpre ay isang maalamat na higanteng nananabako at karaniwang matatagpuang nakaupo sa itaas ng punongkahoy. Umaatungal ito o humuhuning parang ibon. May kakayahan din itong magbago ng laki o itsura na kadalasay tulad ng kabayo. May nagsasabing nagmula sa mga mangangalakal na Arabe ang paniniwala sa mga kapre. Ang katawagan ay maaaring mula sa salitang Persiyano na Kafir, isang tong hindi naniniwala sa Islam, o kafari, multo ng isang pinatay na Negro. Ang kuwentong ito ay kumalat sa Europa hanggang sa tawaging capre sa Espanya. Nang makarating sa Filipinas, tinawag itong kapre. Karaniwang nagsisilbing panakot ng matatanda sa mga batng ayaw matulog tuwing tanghali ang kapre. Kay nang lumaon ang naging paglalarawan ng kapre ay isang higanteng bat na nakalampin at malimit na mapanghi. Ang sinumang batng ayaw sumunod sa magulang o sa kaniyang yaya ay kukunin daw ng mga kapre at dadalhin sa kanilang daigdig. (JCN) (ed GSZ)
kapuw
Kung mag-anak ang ubod ng ugnayang pantao, namumulat ang anak sa katatsulok na ama at ina. Dagdag niyang kasma ang kapatd. Lumalaki pa ang mundo ng bat (anak) sa kamag-anak, kapitbahay, kanayon, kababayan. Sa silokohiyang Filipino, ang lahat ng tao na iba sa sarili niya ang kapuw at ang ugnayan niya sa mga ito ang naiiralan ng pakikipagkapuw. Sa aspektong pangwika, pansinin ang makabuluhang gamit ng unlaping ka- sa lahat ng inuugnayan ng bat hbang lumalaki. Gaya ng kapuw (ka+puwa), natututuhan niyang ituring na bahagi ng kaniyang sarili ang ka+patid, ka+mag-anak, ka+lapitbahay, ka+nayon, ka+babayan dahil bahagi ng kaniyang lumalaking sariling daigdig. Pinakamalapit ang kapatid dahil pinutol o pinatd sil sa iisang inunan ng ina. Ganoon din ang kamag-anak, na mula sa iisang ninunong nanganak. Ang sumunod na mga ugnayan ay naiiralan ng pook na sinilangan o lupang tinubuan. Isang batayang konsepto sa sikolohiyang Filipino ang kapuw dahil pinapatnubayan nit ang kabuuang ugali at hlaghan ng tao sa loob ng kaniyang lipunan. Ang praktika nit, ang pakikipagkapuw (o pakikipagkapuw-tao), ay isang kodigong moral ng mga kailangang sabihin at ikilos ng tao sa sinilangang lipunan. Sa kabuuan, ginagabayan nit ang tao tungo sa mabis at makatuturang pakikipag-ugnayan sa iba, batay sa pagsisikap na maitatag ang kapayapaan at kapanatagan sa kaniyang daigdig. Kasangkapan tungo sa mahusay na pakikipagkapuw ang mga tradisyonal na hlaghang gaya ng pakikisma, hiya, delikadsa, bayanhan, at iba pa na natututuhan ng bat sa tahanan at unang kaligiran. (EGN) (ed VSA)
kar-kar
Ipaglalaban pa ng mga Filipino ang pag-aari sa lutuing kar-kar. Ayon sa diksiyonaryo ng Oxford, nagmula ito sa Tamil na kari (maanghang na salsa). Ang salsang ito ay tila mga malapot na sabaw ng nilag na may mga munting piraso ng karne at iniuulam sa kanin. Ang orihinal na kari ay may paminta lmang na pampaanghang. Ngunit nadagdagan ito ng dinidikdik na sili, cumin, at buto ng mustasa sa paglipas ng panahon at paglaganap nit sa ibang bansa. Naging curry ito sa Ingles. Ang espesyal na kar-kar ay may nilagng buntot ng bka at mga sangkap na kamatis, puso ng saging, talong, sitaw, petsay. Ngunit hindi maanghang ang malapot na salsa. Sa halip, pinalapot ang salsa sa dinikdik na tinostang bigas at man (puwede ring peanut butter). Paboritong kakombinasyon nit ang ginisang bagoong na alamang. Ang kar-kar ay tampok na putahe sa handaang pampamilya. Hindi ito isang mumurahin at simpleng lutuin. Kay mahirap paniwalaan ang alamat na Filipino ito at mula sa pinaikling pagkaing kari-karinderya. Bukod pa, hindi katutubo ang karinderya kundi may ugat sa carinderia ng mga Espanyol. (EGN) (ed VSA)
karinysa
Isang sayaw ng lambingan ang karinysa (carinosa) na nagmula sa isla ng Panay sa Kabisayaan. Ang ikinatatangi ng sayaw na ito ay ang paglalangkap ng larong taguan. Ang ibang bersiyon naman ay may suklayan at lagayan ng polbo sa mukha ng magkapareha, katulad sa karinyosa ng San Joaquin, Iloilo. Gamit ang panyo o pamaypay, ang magkaparehang lalaki at babae ay nagagawang magtaguan at magdungawan sa nakaekis na panyo sa kanilang pagitan. Ang karinyosa pandanggiyado na mula sa Albay ay gumagamit naman ng pamaypay sa larong taguan ng sayaw sa halip na panyo. Ang bersiyon ding ito ay sinisingitan ng hakbang na tinatawag na binanog. Gaya ng ipinahihiwatig ng salita, ang karinyosa ay isang impluwensiyang Espanyol. Karaniwang nsa estilong balintawak ang suot ng kababaihan. Maaari ring patadyong at kamisa. Mayroon ding nakasabit na pamaypay sa kanang baywang nila. Barong tagalog naman ang suot ng kalalakihan at may nakatagong panyo sa kanilang bulsa. Nsa batayang sukat na 3/4 ang musika at karaniwan itong tinutugtog ng rondalya. (RCN) (ed GSZ)
karsa
Ang karsa ay isang sasakyang may entablado. Ginagayakan ng makukulay na dekorasyon, inaadornuhan ng mga sariwang bulaklak, at pinagliliwanag ng malamlam na kulay dilaw o puting ilaw ang karosa. Ang sakay na santo ay binibihisan ng mariringal na damit at pinuputungan ng magagandang korona na kung minsan ay may kahalong ginto. Sa mahahalagang pagdiriwang gaya ng pista at Mahal na Araw karaniwang nakikita ang karosa sa Filipinas. Sa tuwing kapistahan ng isang bayan, sa karosa inilalagay ang patron ng bayan upang ilibot sa buong komunidad. Samantala, Miyerkoles Santo, Biyernes Santo, at Linggo ng Pagkabuhay ang mga araw sa panahon ng Semana Santa ang itinakda ng mga Katoliko sa pagpuprusisyon ng mga santo na nakasakay sa karosa. Ang bilang ng mga karosang ipinuprusisyon sa mga panahong iyon ay nag-iiba-iba. Madalas na mas marami ang mga karosa tuwing Biyernes Santo. Kinagawian na sa pakikilahok sa prusisyon, ang mga tao ay pumipili ng santong sakay ng karosa na kanilang sasamahan. Marami rin ang mga tong nag-aabang sa daraanang kalye upang makita ang mga karosa. Impluwensiya ng mga Espanyol ang karosa. Dahil sa magarbong gayak ng mga karosa, sa pag-aari o pag-iingat ng sinlaki ng tao na santo, at sa mga tong abalang binabayaran sa paggagayak sa karosa, karamihan sa may-ari nito ay mayaman. Sa ilang bayan sa Filipinas tulad ng Marikina, ipinamamana ng mga may-ari sa kanilang mga anak ang mga karosa (at santo) upang magpatuloy ang tradisyon ng prusisyon lalo na sa panahon ng Mahal na Araw. Masugid na tagatangkilik din ng simbahan at ng mga ritwal nito ang pamilyang nagmamay-ari ng karosa. Itinuturing na karangalan ang pagmamay-ari ng santo at karosa. (CLS) (ed VSA)
kartlya
Mula sa salitng Espanyol na cartilla, na nangangahulugang unang aklat sa pagbasa, kartlya ang tawag sa maliit na librong ginamit sa paaralang primarya noong panahon ng Espanyol. Ito ang unang libro ng bat sa pagbsa at unang aklat dasalan na rin. May mga leksiyon ito sa pagkilla ng mga letra ng alpabeto at mga panimulang pantig sa pagbsa ng mga payak at maikling salit. May bahagi ito ng mga nakalimbag na dasal, tulad ng Ama Namin, Aba Ginoong Maria, at iba pang salin ng mga panalanging Kristiyano. Dahil ginamit ito ng mga misyonerong Espanyol sa ibat ibang lugar sa bansa, nasusulat ito sa ibat ibang wikang katutubo ng Filipinas. Ito rin ang naging huwaran sa pagtuturo ng Abakada sa mga paaralang binuksan nitng ika-20 siglo. Mula sa orihinal na ibig sabihin, naging kahulugan din ng kartlya ang batayang tuntuning dapat sundin sa isang samahan o lipunan. Kay ang Mga Aral ng Katipunan ng mga Anak ng Bayan na sinulat ni Emilio Jacinto upang maging gabay ng mga Katipunero ay higit na popular sa tawag na Kartlya ng Katipunan. (AEB) (ed VSA)
Lucresia R. Kasilag
(31 Agosto 1918-16 Agosto 2008) Itinuturing na Grand Lady of Philippine Music si Lucresia R. Kasilag (Lukrsya Ar Kaslag) dahil sa kaniyang malaking ambag sa paglinang sa musika sa Filipinas. Kilal rin sa tawag na Tita King, iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Sining sa Musika noong 1989. Bilang kompositor, nag-eksperimento siya sa musikang isinasanib ang mga katutubong instrumentong pangmusika sa pagtatanghal ng isang orchestra. Bantog dito ang premyadong Tocatta for Percussions and Winds, Divertissement and Concertante, at ang mga musika para sa Filiasiana, Misang Filipino at De Profundis. Lumikha siy ng mahigit 250 komposisyon, mga areglo ng mga katutubong awit, awit sining, mga piyesang pansolo at instrumental, at mga chamber at orchestral na mga akda. Bilang tagapagtaguyod ng musika, binigyan niya ng karampatang pagpapahalaga ang mga artista, kompositor, at manunulat. Hinikayat at ginabayan niya ang mga kabataang talento sa larangan ng musika. Isinagawa niya ang mga ito sa pamamagitan ng pagiging presidente at artistic director ng Sentrong Pangkultura ng Filipinas mula 1969-89, at sa pamamagitan ng mga kilalang organisasyon sa musika. Ilan sa mga natamo niyang karangalan ang: Presidential Award of Merit as Woman Composer (1956); Republic Cultural Heritage Award para sa kaniyang Toccata for percussions and winds (1960) at Misang Pilipino (1966); Patnubay ng Sining at Kalinangan Award ng Lungsod Maynila (1954 at 1973). Isinilang noong 31 Agosto 1918 sa San Fernando, La Union, si Kasilag ay ikatlo sa anim na supling nina Marcial Kasilag Sr., naging direktor ng Bureau of Public Works at dating manager sa National Power Corporation (Napocor), at Asuncion Roces na isang guro ng biyolin at solfeggio. Nagtapos siyng balediktoryan sa Paco Elementary School at sa Philippine Womens University (PWU) High School. Sa PWU din siy nagtapos na cum laude ng Batsilyer sa Sining sa Ingles. Nakamit niya ang diploma bilang guro sa musika sa St. Scholasticas College of Music at ng Master of Music noong 1950 sa University of Rochester, New York. (RVR) (ed GSZ)
kasutan
Kasutan ang ginagamit bilang pantakip o proteksiyon sa ibat ibang bahagi ng katawan ng tao. Maaari itong yari sa ibat ibang materyales gaya ng bulak, lana, katad, polyester, at iba pa. Bahagi rin ng gayak o kasuotan ang mga alahas o iba pang aksesoryang inilalagay sa katawan. Nag-iiba-iba ang uri ng pananamit o kasuotan ng mga tao ayon sa kultura at klimang taglay ng lipunang kinabibilangan nila. Impluwensiyal din sa uri ng pananamit ang pagkakaroon ng kaugnayan sa mga dayuhang kultura bunsod ng pakikipagkalakalan sa mga kalapit-bansa sa Asia o pagdating ng mga dayuhang mananakop. May pangkat ng mga mamamayan gaya ng mga Aeta, Mangyan, at iba pa na namumuhay nang sadyang kakaunti ang saplot sa katawan. May mga pangkating etniko naman na pawang may kani-kaniyang uri ng pananamit na nakabatay sa tradisyon, paniniwala, at kaligiran. Nagkaroon ng imposisyon sa uri ng kasuotan ng mga Filipino nang mapailalim sa kapangyarihan ng mga kolonyalistang Espanyol ang Filipinas. Isang halimbawa, ang pagpapasusuot ng mahabang damit na natatakpan ang buong katawan kahit hindi na ito akma sa klima ng bansa. Sa pagbabago ng kasuotan, hindi lamang ang pananamit ang nasakop, kundi maging ang katawan at kamalayan ng nasasakupan. Samantala, nagiging batayan din ng pagtukoy sa kasarian (pambabae kung blusa at palda, panlalaki kung kamiseta at pantalon) at estadong panlipunan (pangmayaman at pangmahirap) ang klase ng gayak ng mga mamamayan. Madalas ding nakikisabay ang tipo ng pananamit ng mga tao sa kung ano ang uso sa isang tiyak na yugto ng kasaysayan at sa itinatakda ng kulturang popular. (SABP) (ed GSZ)
Ktas-tasang Hukman
Ang Ktas-tasang Hukman o Krte Suprma ang pinakamataas na hukuman sa bansa na nilikha ayon sa Saligang Batas ng Filipinas. Pangunahing katungkulan nito na ipaliwanag ang mga batas at magpasiya higgil sa wastong interpretasyon ng pagpapairal ng mga ito. Tungkulin ng Ktas-tasang Hukuman na litisin ang mga kaso ng paglabag sa konstitusyon, suriin ang batayang legal ng pagpapataw ng buwis, repasuhin ang mga inapelang kaso mula sa mababng hukuman, at magbigay ng pangwakas na desisyon sa mga kasong may parusang habambuhay na pagkabilanggo. Ang Ktas-tasang Hukuman din ang nangangasiwa sa lahat ng hukuman sa Filipinas. Noong panahon ng kolonyalismong Espanyol, ang Audiencia Real ang nagsilbing pinakamataas na hukuman sa Filipinas. Nang sakupin ng Estados Unidos ang bansa, itinatag ng mga Amerikano ang unang Ktastasang Hukuman sa pangalang Ingles nit, ang Supreme Court, noong 11 Hunyo 1901 at pinagtibay ng Philippine Bill ng 1902. Si Cayetano Arellano ang nahirang na unang Punng Mahistrado. Mula 1901 hanggang 1935, ang kalakhan ng mga mahistrado ng Ktas-tasang Hukuman ay mga Amerikano, bagaman Filipino ang palaging itinatalagang Punng Mahistrado. Nakamit lmang ang lubos na Filipinisasyon ng mataas na hukuman nang itatag ang pamahalaang Komonwelt noong 1935. Sa kasalukuyan, ang Ktas-tasang Hukuman ay binubuo ng isang Punng Mahistrado at 14 kasangguning mahistrado. Ang bawat magiging kasapi ng mataas na hukuman, kabilang na ang Punng Mahistrado, ay pinipil ng Pangulo ng Filipinas mula sa listahan ng tatlong nominado na rekemondado ng Judicial Bar Council. Ang pagtatalaga sa isang mahistrado ay hindi na kailangang pagtibayin ng Kongreso ng Filipinas. Kabilang sa mga naging Mahistrado sina Cayetano Arellano (Hun. 11, 1901-Abr. 1, 1920), Victorino Mapa (Hul. 1, 1920-Okt. 31, 1921), Manuel Araullo (Nob. 1, 1921-Hul. 26, 1924), Ramon Avancea (Abr. 1, 1925Dis. 24, 1941), Jose Abad Santos (Dis. 24, 1941-Mayo 7, 1942), Jose Yulo (Peb. 5, 1942-Hul. 9, 1945), Manuel Moran (Hul. 9, 1945-Mar. 20, 1951), Ricardo Paras (Abr. 2, 1951-Peb. 17, 1961), Cesar Bengson (Abr. 28, 1961-Mayo 29, 1966), Roberto Concepcion (Hun. 17, 1966-Abr. 18, 1973), Querube Makalintal (Okt. 21, 1973-Dis. 22, 1975), Fred Ruiz Castro (Ene. 5, 1976-Abr. 19, 1979), Enrique Fernando (Hul. 2, 1979Hul. 24, 1985), Felix Makasiar (Hul. 25, 1985-Nob. 19, 1985), Ramon Aquino (Nob. 20, 1985-Mar. 6, 1986), Claudio Teehankee (Abr. 2, 1986Abr. 18, 1988), Pedro Yap (Abr. 18-Hul. 1, 1988), Marcelo Fernan (Hul. 1, 1988-Dis. 6, 1991), Andres Narvasa (Dis. 8, 1991-Nob. 30, 1998), Hilario Davide, Jr. (Nob. 30, 1998-Dis. 20, 2005), Artemio Panganiban (Dis. 20, 2005-Dis. 7, 2006), Reynato Puno (Dis. 8, 2006-Mayo 17, 2010), Renato Corona (Mayo 17, 2010-Mayo 29, 2012). (SMP) (ed VSA)
Katipnan
Katipnan ang mas maikli at mas nakilalang pangalan ng samahang Kataas-taasan Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan. Isang lihim na samahan ito na itinatag nina Andres Bonifacio, Valentin Diaz, Teodoro Plata, Ladislao Diwa, Deodato Arellano, at iba pa sa isang bahay sa Kalye Azcarraga (ngayoy C.M. Recto), Maynila. Nabuo ito noong Hulyo 7, 1892, mismong araw na ipinatapon si Dr. Jose Rizal sa Dapitan. Kabilang sa mga layunin ng Katipunan ang, una, makamtan ng Filipinas ang kalayaan sa Espanya sa pamamagitan ng paghihimagsik; ikalawa, maipalagananap ang kagandaang-loob, kabutihang asal, katapatan, katapangan at ang paglaban sa bulag na pagsunod sa relihiyon; at, ikatlo, tulungan at ipagtanggol ang mahihirap at inaapi. Ang Katipunan ang natatanging samahan na nakapaglunsad ng isang organisado at malawakang paghihimagsik laban sa pamahalaang Espanyol. Tatlong lupon ang namamahala sa Katipunanang Kataas-taasang Sanggunian na pinamumunuan ng Pangulo; ang Sangguniang Bayan at Balangay na kumakatawan sa mga lalawigan at bayang may presensiya ang samahan; at ang Sangguniang Hukuman na lumilitis sa mga kasaping naakusahang lumalabag sa mga patakaran ng Katipunan. Nang lumaki ang samahan kasunod ng paglalathala ng pahayagang Kalayaan, nagkaroon ng tatlong antas ng kasapi ang samahan: Bayani na siyang pinakamataas na antas, Kawal, at Katipon. Ang Katipon ay maaaring maging Kawal kapag nakapagdala siya ng bagong kasapi sa samahan; ang Kawal ay nagiging Bayani kapag nahalal sa pamunuan ng Katipunan. Bago maging kasapi, nagdadaan sa pagsubok ang isang tao at kapag nakapasa, kailangan niyang hiwain ang sariling bisig upang ipirma ang pangalan sa sariling dugo. Nang madiskubre ang Katipunan ng mga Espanyol, sinasabing may mga kasapi itong 30,000 hanggang 100,000 sa Maynila at mga karatig lalawigan. Mga balangay ng Katipunan ang nagsimula ng Himagsikang 1896 na kumalat mula sa Maynila hanggang hilaga at timog ng Luzon at hanggang Kabisayaan at Mindanao. (MBL) (ed GSZ)
katn
Mula sa Espanyol na caton, ang katn ay panimulang aklat sa pagbsa na ginamit noong panahon ng mga Espanyol. Nakasulat ito sa wikang Espanyol at mas malaki at mas maraming pahina kaysa kartlya. Ginagamit ito kapag natutuhan na ng bat ang kartilya at nakahanda na sa higit na mataas na mga leksiyon. Bukod sa leksiyon sa pagbsa at pagbilang, may mga papataas na itong leksiyon sa pagbsa ng mga parirala at maikling pangungusap. Kung minsan, may mga larawan sa katn upang tumulong sa pagkilla ng mga salit at magpayaman ng bokabularyo. Ang paraan ng pagtuturo ng wika sa katn ay patuloy na ginamit sa pagtuturo ng pagbsa sa mga paaralan hanggang nitng ika-20 siglo. (AEB) (ed VSA)
kawal
Kasangkapang panluto ang kawal at karaniwang gamit sa pagsasangag, pagpiprito, at paggigisa. Itoy bilg, gawa sa pundidong bakal, at may hawakng hugis embudo. Tinatawag din itong karahy. Malalim ang tiyan nit at karaniwang ilarawan na makintab at malangis ang loob samantalang maitim at mauling ang labas dahil sa matagal na paggamit. Wika nga sa isang sinaunang bugtong tungkol sa alimango: Bahay ni Ka Tale Bubong ay kawali Haligiy bal-bal Loob ay pusali. May hawig ito sa wok ng mga Tsino at sinasabing isa sa mga inangkat na produktong Tsino mula noong 1609. Ang yerong molde na ginagamit sa paggawa nit noong ika-18 dantaon ay mula sa minahan ng Angat at San Miguel de Mayumo sa Bulacan. Ang mas malaking bersiyon na may hawakng tila dalawang tainga ay tinatawag na talyas. Pangmalaking handaan ang kwa. Ginagamit naman ang tansong tats para manatili ang sariwang kulay at maging malutong ang binurong pipino at minatamis na kondol. May kaugalian na bilhin ito ng bagong kasal o regaluhan sil bago sil lumipat sa kanilang bagong bahay. Para bigyan sil ng suwerte at masaganang pagkain araw-araw. Ang matibay na kawal ay ipinamamna sa panganay na anak. (GCA)(ed VSA)
kawyan
Ang kawyan (Bambusa blumeana) ay alinman sa mga damong tropiko na animoy punongkahoy, matibay, karaniwang may hungkag na uhay, patulis na dahon, at namumulaklak pagkaraan ng mahabng taon ng pagtub. Maraming pakinabang ang kawayan. Dahil matibay, madalas itong gamitin sa konstruksiyon, halimbawa, ng bahay-kubo. Ginagamit din ito sa paggawa ng mga kasangkapan sa bahay gaya ng mesa, bangko, papag, aparador, at marami pang iba. Ginagamit din ang kawayan sa paggawa ng papel. Katunayan, noong 1860 ginamit ng Bataan Pulp and Paper Mills Inc. (BPPMI) ang kawayan sa paggawa ng de-kalidad na mga papel. Ang murang usbong ng kawayan, tinatawag na labong, ay kalimitang ginagawang atsara. May iba namang iniluluto ito bilang gulay. Mabilis lumaki ang kawayan. Ang paglaki at pagtub ng kawayan ay depende sa makukuha nitng tubig, sikat ng araw, nutrisyon at iba pang pangangailangan nito sa paglaki. Ang karaniwang taas ng kawayan ay umaabot ng 15-40 talampakan, depende sa uri nito. Nabubuhay ito sa maiinit na lugar. Madalang lang kung mamulaklak ang halos lahat ng klase ng kawayan. Sa katunayan, marami sa mga ito ay namumulaklak lamang pagkaraan ng 65 hanggang 120 taon. Espesyal na kawayan ang buh dahil napakanipis ng balat nito at nilalla bilang sawali, gayundin ang bukawe na makapal naman ang balat at nilalapt bilang pantali ng binigkis na palay. Sa Filipinas, ang kawayan ay malaking bahagi ng kultura dahil kaugnay ito ng ibat ibang tradisyon, pagdiriwang, at paniniwala. Halimbawa, sa panitikan, ayon sa alamat, ang unang lalaki at unang babae ay nagmula sa isang pirasong kawayan. Sa sayaw, ang bantog na tinikling, singkil at subli ay isinasayaw gamit ang kawayan. Sa musika, ginagamit din ang kawayan sa paggawa ng ibat ibang klase ng instrumentong pangmusika. Maging ang mga katutubong laro gaya ng luksong kawayan at palosebo ay gumagamit ng damong tropikong ito. Ang kawayan ay tinatawag ding aonoo, dugian, kabugawan, marurugi, rugian, kawayan at kawayan-totoo (Bikol), batakan, pawa at kaaono (Bisaya), baugin (Pampango), kawayan at kawayan-gid (Panay Bisaya), kawayan (Bontok at Cebu Bisaya), kawayan, kawayan-ng-bayog at kawayan-ng-sitan (Iloko), kawayan at kawayan-tinik (Tagalog), kawayan-potog (Sambali), lamnuan (Isinai), at pasingan (Ibanag). (ACAL) (ed GSZ)
kayumangg
Tinutukoy ng kayumangg ang kulay ng balat ng nakararaming Filipino kung kayt ginagamit din ang salitng ito para tukuyin ang mismong mga katutubong Filipino. Nalalapit sa kulay ng kape, lupa, o hindi kayy mani ang kulay na kayumanggi. Sa ibang mga wika sa Filipinas, tinatawag itong blew (Tiboli), ilm (Hiligaynon), itmon (Waray), kapga (Maranaw), kawsn (Tausug), at tabunn (Sebwano at Hiligaynon). Tinatawag naman itong morna/morno o avellana sa wikang Espanyol. Ilan sa mga katutubong mito ang nagpapaliwanag ng pinagmulan ng kulay ng balat ng liping Filipino. Sa alamat sa Kabisayaan na kinatatampukan ni Pandaguan, isa sa mga anak ng unang babae at lalaki sa mundo, ipinapaliwanag ang mga pagkakaiba ng kulay ng balat ng tao sa pamamagitan ng migrasyon: Ang mga nagtungo sa hilaga ng mundo ay nanatiling maputi (gaya ni Arion na anak ni Pandaguan); naging kayumanggi naman ang balat ng mga nagtungo sa timog dahil sa init ng sikat ng araw roon (gaya nina Libo at Saman na kapuwa kapatid ni Pandaguan); at, naging dilaw naman ang kulay ng mga nagtungo sa silangan, sapagkat napilitan silang kumain ng dilaw na luad dahil sa gutom. Naipamamalas naman sa isa pang alamat ang pagpapahalaga ng mga Filipino sa sariling kulay. Diumanoy noong nililikha pa lamang ni Bathala ang mundo at mga nilalng, hul niyang nilikha ang mga kayumanggi kung kayt hindi kapos at hindi sobra sa kulay ang mga ito, hindi tulad ng mga nauna niyang nilikhang tao na kulang sa kulay tulad ng mga puti, o labis ang kulay na tulad ng mga itim. (GAC) (ed GSZ)
Knkoy
Ang Ang mga Kabalbalan ni Kenkoy ay ang unang kartung isinerye sa Filipinas. Nagsimula ito noong 1929. Si Romualdo Ramos ang tumulong na umisip at unang nagsulat ng serye hanggang noong mamatay siya noong 1932. Pagkaraan, mag-isang sinulat at iginuhit ni Tony Velasquez ang Knkoy. Linggo-linggo, nagtatampok sa kartung ito ng kuwento tungkol kay Kenkoy at sa pakikihalubilo niya sa kaniyang mga kababayan. Si Kenkoy ay isang karakter na laging sunod sa uso, at sa gayoy nakaAmerikana siya. Kilala siya sa ayos ng buhok na plantsado sa pomada at sa suot niyang maluwang na pantalon. Ngunit ang panlabas na anyo lang ang naisusunod niya sa panahon. Marunong siya ng Espanyol, Tagalog, at Ingles, ngunit namimilipit siya sa pagsasalita nito. Ang serye pala ay isang nakakatawang komentaryo tungkol sa isang tong nahihirapang umangkop sa nagbabagong kultura ng mga Filipino. Kasama rin sa serye si Rosing, ang babaeng sinusuyo ni Kenkoy. Lagi siyang nakabarot saya. Siya ay makaluma at masunuring anak, isang ideal na asawa. Ang kaniyang ina ay si Aling Hule na may gusto kay Kenkoy. Karibal naman ni Kenkoy kay Rosing si Tirso. Ang mga karakter na nilikha ni Velasquez ay naglalarawan ng unang yugto ng panahon ng Amerikano lalo na ang pagtatagpo at pagsasalungatan ng luma at bago, ng katutubo at dayuhang kultura. Naging napakapopular na komiks ng Kenkoy. Naisalin ito sa mga wikang Iloko, Hiligaynon, at Bikol at tumagal nang 60 taon. Ang salitang kenkoy, kapag binaybay sa maliit na titik, ay naging bahagi na ng pang-araw-araw na diskurso ng taumbayan at naging singkahulugan ng tong mapagpatawa. (GSZ)
ksong put
Uri ito ng malambot na kso na gawa sa sariwang gatas ng kalabaw at hinaluan ng suk at asin. Pinagsasma ang gatas, suk, at asin, pinakukuluan, at hinahal hanggang lumapot at mabuo. Ang namuong ksong put ay hinihiwa nang pira-piraso at ibinablot sa dahon ng saging. Madal itong masira at maaari lmang imbakin nang isa o dalawang araw sa loob ng repridyereytor. Ang mainam na ksong put ay dapat na put ang kulay, walang amoy, at may sariwang lasa na hindi gaanong maalat at hindi gaanong matubig. Karaniwan itong palamn sa pandesal bagaman ipinapahid ngayon sa wheat bread at French bread. Kapag tinosta ang tinapay, humuhulas ang keso at katakam-takam na tila mozzarella. Ang sandwits na may ksong put ay masarap na agahan kasabay ng malamig at sariwang gatas. Pinakapopular ngayon ang ksong put mulang Laguna bagaman may industriya nit sa ilang pook sa Bulacan, Samar, at Cebu. Nagtatagal ang uring komersiyal at nakapaketeng cottage cheese sa groseri. Hugis kuwadrado/rektanggulo ang prodyus sa Unibersidad ng Pilipinas Los Baos. (YA) (ed VSA)
kinilw
Kinilw marahil ang pinakamatandang paraan ng pagluluto. Sa pamamagitan nity mabilisang naihahanda at nakakain ang sariwang ani mulang dagat. Pinapatakan o ibinababad sa suk o katas ng dayap at kalamansi ang lamng-dagat. Maingat upang hindi masyadong maluto at maglaho ang natural na kulay at kutis ng lamn ng tanige, pampano, tuna, talaba, tipay, hipon, alimango, o tulya. Pandagdag sa lasa ang sawsawang may luya, sibuyas, siling labuyo, o gat ng niyog. May pihikan na ang gustoy dayap lmang ang ipiniga sa tipay o talaba. May natuto sa istrok ng mga Pranses at pinalalamig muna sa yelo ang talaba bago kainin. May hindi sanay kumain ng hilaw at ipinahahalabos muna ang ulang. Siyempre, masarap na ihanda itong may kasmang kamatis, hilaw na papaya, pipino, mangga, milon, at ibang prutas na pampaalis ng lansa. Sa Ilocos, ang kinilaw na kambing ay tigib sa lasa ng papit at ibang sangkap. Natikman mo na ba ang kinilaw na puso ng saging? Hinihimay nang maliit ang puso ng saging at ibinababad sa tubig hbang pinipiga-piga. Pagkatapos, pinatutuy itong mabuti at sak inihahaing may inihalng gat ng niyog, katas ng dayap, sibuyas tagalog, siling labuyo, at asin. (DRN) (ed VSA)
komdya
Mula sa salitng Espanyol na comedia, tinatawag na komdya ang naturalisado at unang pambansang dul sa Filipinas na naging popular noong panahon ng kolonyalismong Espanyol. Unang napaulat na pagtatanghal nit ang isinagawa sa Cebu noong 1598 kaugnay ng pagdalaw ni Obispo Pedro de Agurto. Sinundan pa ito ng mga ulat ng ibang pagtatanghal para sa mga pistang panrelihiyon at pagdiriwang na pampamahalaan. Gayunman, naging popular ito sa naging anyo nitng naturalisado at nsa mga wikang katutubo noong ika-18 hanggang ika-19 siglo. Ipinalalagay ng mga iskolar na nakasunod ito sa uri ng dula na pinasikat ni Lope de Vega sa Espanya noong ika-16 siglo at nagtataglay ng balangkas na tatlong yugto, patula ang diyalogo, at hinggil sa bhay ng mga banal na Kristiyano at sa pakikipagsapalaran ng mga prinsipet prinsesa sa malalayng kaharian. Tinawag din itong mro-mro dahil sa popular na anyo nitng nagtatampok sa hidwaang Kristiyano at Muslim. Mro ang nakamihasnang tawag ng mga Espanyol sa mga Muslim dahil sinakop ng mga Moro mulang Aprika ang Espanya sa matagal na panahon. Isang ganitong tipo ng pagtatanghal ang komdya na itinanghal noong 15 Hulyo 1637 bilang parangal sa tagumpay ni Gobernador-Heneral Sebastian Hurtado de Corcuera laban sa mga Muslim sa Mindanao. Napanood diumano ng sumulat ng dula, si Padre Heironimo Perez, ang kunwang espadahan ng mga batng nagkatuwaan dahil sa pagwawagi ng mga Espanyol laban sa mga Muslim, at ipinakita ito sa kaniyang dula. Ang batlya (mula Espanyol na batalla) o pasayaw na labanan sa entablado ang isang kinagigiliwang tagpo sa mro-mro. Malinaw namang kasangkapan ang laging pananaig ng mga tauhang Kristiyano sa dula tungo sa pagtatanim ng superyoridad ng relihiyong Kristiyano sa ibang pagsampalataya. Tinatawag itong linamby sa Cebu at arkyo sa Nueva Ecija. Mga sanga nit ang ibang dulang panrelihiyon na gaya ng senakul at tibg. Kinagiliwan din ng madla sa komdya ang makukulay na kasuotan, ang mahahabt magarbong diyalogong patula, ang madamdaming tagpo ng pagsisintahan, at ang mga pagpapatawa ng psong o lukayo. Nanghin ito bilang teatro sa Maynila dahil sa mga bagong aliwan na gaya ng zarzuela sa ikalawang hati ng ika-10 siglo ngunit nagpatuloy bilang proyekto ng komunidad sa ilang pook (gaya sa Baler, Lungsod Iligan, Ilocos, Nueva Ecija, Panay) hanggang sa kasalukuyan. Sa Paraaque nagmula ang maituturing na modernisadong pagtatanghal ng komdya. (VSA)
Guhit ni Danilo Dalena
kmiks
Mula sa Ingles na comics, tumutukoy ang kmiks sa mga nakalarawang salaysay sa loob ng mga nakahanay na kuwadro sa limbag na pahina. Isa ito sa panitikang biswal na naging popular nitng ika-20 siglo sa bansa. Mauugat ang pagguhit ng komiks noong 1885, nang iguhit ni Jose Rizal sa anyong cartoon ang tanyag na pabulang Ang Pagong at ang Matsing sa album ni Paz Pardo de Tavera na nililigawan pa noon ni Juan Luna sa Paris. Inihiudyat naman ang pagiging industriya ng komiks nang likhain at ilathala ni Tony Velasquez ang nakatatawang bhay ni Kenkoy noong 1929. Naging bahagi ito ng lingguhang magasing Liwayway na naisalin din sa iba pang mga rehiyonal na magasing gaya ng Bannawag, Hiligaynon, Bisaya, at Bikolnon. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagsimulang maging pangunahing babasahing Filipino ang komiks na hinalaw sa comic book ng mga Amerikano. Nailathala ang Halakhak Komiks noong 1946, ang kaunaha-unahang lingguhang serye ng komiks na nailimbag sa Filipinas. Sinundan ito ng Pilipino Komiks, Hiwaga Komiks, Espesyal Komiks, at Tagalog Klasiks ng Ace Publications sa pamamahala ni Tony Velasquez at sinundan pa ng ibang publikasyon. Noong mga dekada 1970-1980, umabot sa tatlong milyon kada linggo ang nailalathala at malaki ang ambag sa pagpapalaganap ng pambansang wika at pagbsa para sa mas nakararaming mamamayang walang kakayahang bumili ng mga libro. Subalit, nanghin ito sa pagbubuks ng dekada 90 dahil nagsaw diumano ang mambabas sa hindi nagbabago bukod sa sumasamng uri ng kuwentot guhitang palatandaan ng sobrang komersiyalisasyon. (JGP) (ed VSA)
Komnwelt ng Filipnas
Pagkatapos masunod ang lahat ng probisyong itinakda ng Batas Tydings-McDuffie, pinasinayaan ang Komnwelt ng Filipnas noong 15 Nobyembre 1935, ang pansamantalang pamahalaan ng Filipinas na hahawakan ng mga Filipino hanggang sa itinakdang pagbibigay ng ganap na kasarinlan. Umup si Manuel L. Quezon bilang pangulo at si Sergio Osmea bilang pangalawang pangulo. Binibigyan ng nasabing batas ang Filipinas ng sampung taon simula 1935 hanggang 1945 upang maghanda sa pamamahala at pamamalakad ng sarili nitong gobyerno para sa napipintong pagbibigay ng kalayaan sa 1946. Gayunman, sa loob ng panahong ito, ang ugnayang panlabas ng bansa ay pamamahalaan ng presidente ng Amerika sa pamamagitan ng kaniyang high commissioner. Itinatakda din sa nasabing batas ang pagrebisa ng gobyernong Amerikano at Komonwelt sa usapin ng independensiya pagkalipas ng tatlong taon matapos ang inagurasyon nit. Maraming rekisitos ang kailangang tugunan sa pagtatay ng nasabing Komonwelt. Una, kinakailangang maghalal ang mga Filipino ng mga delegado sa Kumbensiyong Konstitusyonal upang bumalangkas ng konstitusyon. Pagkapos, ipadadala ito sa presidente ng Amerika upang aprubahan. Kaugnay nit, magkakaroon ng plebisito sa Filipinas upang magdesisyon ang mga Filipino kung tatanggapin o ibabasura ang nasabing konstitusyon. Anumang pagbabago dito ay dapat isangguni sa pangulo ng Amerika. Kung tatanggapin ito ng sambayanan, magkakaroon muli ng eleksiyon upang maghalal ng mga opisyal ng gobyernong Komonwelt. Noong 10 Hunyo 1934 idinaos ang eleksiyon para sa mga delegado sa kumbensiyon. Makalipas halos ang isang taon ng pagbalangkas ng konstitusyon, inaprubahan ng humigit-kumulang na isang milyon at dalawang daang libong boto ng mga Filipino ang nasabing konstitusyon noong 14 Mayo 1935. Makasaysayan din ang naturang plebisito dahil ito ang unang pagkakataon na bumoto ang kababaihan. Kasunod nit, idinaos ang halalan para sa mga opisyal ng Komonwelt noong Setyembre 17. Tumakbo sa pagkapangulo sina Quezon, Emilio Aguinaldo, Gregorio Aglipay, at Pascual Racuyal samantalang sina Osmea, Raymundo Melliza, at Norberto Nabong naman para sa pagkapangalawang pangulo. Nanalo ng landslide sina Quezon at Osmea na may mga botong 695,000 at 811, 000. Noong Oktubre 12, niratipikahan ng Pambansang Asamblea ang resulta ng eleksiyon na nagtalaga kina Quezon at Osmea bilang pangulo at pangalawang pangulo ng Komonwelt ng Filipinas. (LN) (ed VSA)
kpra
Pinatuyong laman ng niyog ang kpra na pinagmumulan ng ibat ibang produkto sa Filipinas. Pangunahin dito ang langis ng niyog na ginagamit sa paggawa ng gamot, sabon, gomang sintetiko, at margarina. Tinatayang nsa 90 porsiyento ng produksiyon ng niyog sa Filipinas ay mula sa kopra at langis ng niyog. Mula rin sa kopra ang coconut cake na ginagamit na pataba sa lupa at pagkain ng hayop. Pangunahing mula sa Filipinas ang tinatayang 500,000 tonelada ng kopra na iniaangkat ng Kanluraning Europa. Isa sa pinakaunang paraan ng paggawa ng kopra ang pagbibilad ng hinating niyog. Putng kopra ang bunga ng ganitong paraan ng pagpapatuyo. Bagaman may mga magkokoprang gumagamit pa rin ng proseso ng pagbibilad, mas karaniwan na ngayon ang pagamit ng pugon. Bukod sa ligtas ang kopra sa ulan at iba pang elemento, mas mabilis ang prosesong ito. Isa pang paraan ng paggawa ng kopra ay ang pagamit ng makinang may mainit na hangin. Tinatawag ang prosesong ito na hot-air drying at nagbubunga ng mas de-kalidad na putng kopra. Ayon sa mga eksperto, mainam ang pagpapatuyo sa kopra kung nsa 4 hanggang 5 porsiyento ang tubig nit at may 60 hanggang 70 porsiyento ang langis. Nag-ugat ang kopra sa terminong Hindi na khopra na nangangahulugang niyog. Ito ay kalibkb at lukd sa Tagalog, kpag sa Iloko, at lngkad sa Aklanon. (DRN) (ed VSA)
Kran
Ang Kran (o Qurn, Alcorn) ang pangunahing aklat ng pananampalatayang Islam at itinuturing ng mga Muslim na totoong salin ng mga salit ni Allah kay Muhammad sa pamamagitan ng anghel na si Jibril (Gabriel). Itinuturing din itong pinakamarikit na piraso ng panitikan sa wikang Arabe. Nahahati ito sa 114 na kabanata, tinatawag ang bawat isa na srah, at pinaniniwalaang sinulat ni Muhammad sa loob ng 23 tan mula noong 610 at hanggang mamatay siy noong 632. Pinaniniwalaang nagmula ang Kran sa salitng Arabe na qaraa na nangangahulugang bigkasin o ang pagbigkas. Matalik na kaugnay ito ng ibang salit sa libro, gaya ng kitb (aklat), yah (palatandaan), at srah (kasulatan). Ang dalawang hulng nabanggit ay nangangahulugan din, sa malawakang pagbsa, ng rebelasyon o ang ipinababng pahayag ni Allah. May tradisyonal na paniwalang nagsimula ang rebelasyon hbang nagmumuni si Muhammad sa Yungib Hira. Nagpatuloy ito at naging malimit nang lumkas siy sa Medina. Ipinasaulo niya at ipinabigkas ang mga rebelasyon sa mga alagad upang sundin ng komunidad na Muslim. Pagkamatay ni Muhammad, ipinatipon ang Kran ng unang Kalipa Abu Bakr at sa mungkahi ng kaniyang kasunod na Kalpa Umar. Nang mamatay si Umar, ipinamna ang teksto ng Kran kay Hafsa, biyuda ni Muhammad at anak ni Umar. Napansin ng ikatlong Kalpa Uthman ang mga munting pagkakaiba sa diyalektong Arabe at humingi siy ng pahintulot na ialinsunod ang lahat sa diyalektong tinatawag ngayong Fusha (Makabagong istandard na Arabe). Tinatanggap ng mga iskolar na ang kasalukuyang anyo ng Kran ay ang orihinal na tinipon ni Abu Bakr. Itinuturing ang Kran na pangunahing himala ni Muhammad, ang katibayan ng kaniyang pagiging Propeta, at ang katapusan ng mga kalatas mula sa langit na nagsimula sa mga kalatas kay Adan, ang unang propeta, at nagpatuloy hanggang sa ebanghelyo ni Hesus. Ipinapaloob at ipinapaliwanag sa Kran ang maraming pangyayari sa mga kasulatang Hebrew at Kristiyano. (EGN) (ed VSA)
kordo
Ang kordo ay isa sa nagsangang tulang pasalaysay hango sa mga metriko romanse na dinala ng mga Espanyol sa Filipinas at naging popular na babasahin nitong ika-19 siglo. Ang isa pang sanga ay tinatawag na awit. Nagkakaiba ang awit at korido sa sukat ng taludtod. Wawaluhin ang sukat ng korido samantalang lalabindalawahin ang awit. Pinakamagandang halimbawa ngayon ng korido ang Ibong Adarna at obra maestra naman sa awit ang Florante at Laura ni Balagtas. May dalawang paliwanag tungkol sa pinagmulan ng salitng korido. Maaaring distorsiyon ito ng salitng Espanyol na occurido na nangangahulugang pangyayari. Sa diksiyonaryo naman, ang corrido ay may kahulugang balada, isang masayang kanta sa saliw ng gitara, sa estilong fandango. Sa Bikol at Pampanga, ang terminong korido ay parehong ginagamit na katumbas ng korido at awit sa Tagalog. Sa mga karaniwang mamamayan ng Pampanga, laganap din ang paggamit ng kuriru. Sa Iloko, ginagamit naman ang panagbiag na ang kahulugan ay buhay. Hindi matiyak kung kailan at kung paano talaga nakarating sa Filipinas ang mga metriko romanse. Ngunit may hinuha si Vicente Barrantes, na ipinahayag niya sa kaniyang El Teatro Tagalo, na dinala ng mga sundalo ni Legaspi ang mga tulang pasalaysay na ito mula sa Mexico. Sa simula, maaaring lumaganap ito sa paraang pasalita, at nang mas panatag na ang sitwasyon sa mga nasakop na lugar ay kumalat na rin ang mga limbag na anyo ng ganitong uri ng akda. Ipinapalagay din na unang nailimbag ang mga awit at korido bago matapos ang siglo 18 kung ibabatay sa kasaysayan ng pagsulat ng mga kilalang mangangathang tulad nina Jose de la Cruz, Francisco Baltazar at Ananias Zorilla. Ang mga naging popular na awit at korido ay itinanghal din bilang mga komedya. (GSZ)
Kristiyno
Nagmula ang salitng Kristiyno sa Espanyol na Christiano na ang ibig sabihin ay tagasunod sa yapak ni Kristo. Dahil nakaugnay sa Kristiyanismo ang Kristiyano, ang pagsunod sa yapak ni Hesus ay katumbas din ng lahat ng mabuti at may dignidad. May kaakibat na responsabilidad sa kapuwa at sa sambayanan ang maging Kristiyano. Nagsimula noong ikaapat na siglo AD ang paglawak ng impluwensiya ng Kristyanismo ibat ibang bansa sa Europa at karatig lupain. Nang lumaon, nagkaroon ng tatlong uri ng Kristiyano: ang Kristiyano ng simbahang Katoliko Romano, ng simbahang Eastern Orthodox, at ng mga simbahang Protestante. Bagamat nagkaroon ng pagkakaiba-iba ang tatlong ito, ang tanging hindi nabubuwag na paniniwala ay pagsamba sa iisang Diyos na kinakatawan ng talong persona: Diyos Ama, Diyos Anak, at Diyos Espiritu Santo. Ang kaligtasan ng sanlibutan ay pinaniniwalaang nakasalalay kay Hesukristo na Tagapagligtas. May pitong sakramentong mahalaga sa Kristiyano- ang Binyag, Kumpil, Pagbabasbas sa Maysakit, Banal na Eukaristiya, Kumpisal, Ordinasyon, at Kasal. Abril 1521 noong unang binyagan bilang mga Kristiyano ang mga katutubo ng Cebu. Ito ang simula ng pagdami ng Kristiyano sa Filipinas. Gaya ng ibang Kristiyano, ang mga Kristiyano sa Filipinas ay ay tumangkilik din sa konsepto ng langit at impiyerno sapagkat ito ang itinurong basehan ng paggawa ng mabuti o masam habang nabubuhay pa. Malaking mayorya ang mga Kristiyano sa Filipinas. Labingwalong porsiyento naman ng populasyon sa buong mundo ay Kristiyano. (CLS) (ed VSA)
kubng
Matatagpuan sa buong Filipinas, ang kubng ay instrumentong gawa sa kawayan o tanso. Ang kawayan o tanso ay may hugis na pahaba at manipis at may puwang sa gitnang bahagi na kinalalagyan ng dila nito. Ang malayang panginginig ng dilang ito at ang hungkag na hugis ng bibig ng tumutugtog nito ang nagbibigay ng mainam na tunog sa kubing. Ang ibat ibang posisyon ng dila ng tumutugtog ang nagdedetermina ng tonong nagagawa sa instrumento. Ang kubing na gawa sa kawayan ay maaari lamang ipuwesto sa pagitan ng mga lab ng tagatugtog, samantalang ang metal na kubing ay maaaaring nakadikit sa mga ngipin. Ang kubing na gawa sa kawayan ay maaaring makilala sa ibat iba nitong pangalan: aribaw at kuribaw (Ibanag); kulibaw (Tinggian/Itneg); olibaw (Kalingga); abilao (Bontok); pulibaw (Ilonggot); kulibaw (Dumagat, Ayta Magkunana), subing (Abyan/Bihug), barimbaw (Tagalog), kinaban (Buhid, Hanunoo), subing (Ilonggo, Batak, Subanon), aroding (Tagbanua, Palawan), kubing (Maranaw, Magindanaw, Tiruray, Bilaan, Tiboli, Tagakaolo, Ata, Bagobo, Manobo Cotabato, Mansaka, Manobo Agusan, Bukidnon, Mamanua), kulaing (Yakan, Samal), at suding (Mandaya). Ang metal nitong bersiyon ay kilala sa mga pangalang afiw, olat, onnat at giwong ng Kalingga; abiteng at awideng ng Bontok; at, bi-ong at biqqung naman ng Ifugaw. Maaaring gamitin sa pag-uusap o pagliligawan ang kubing sa gitna ng tahimik na gabi. (RCN) (ed GSZ)
Kudaman
Isa ang Kudaman sa umaabot sa 60 tultul o epikong-bayan ng pangkating Palawan na nakolekta ni Nicole Revel-Macdonald pagkatapos ng 20 tang saliksik mulang 1970. Ang saliksik ni Revel-Macdonald ay patunay sa napakayamang panitikang-bayan ng Filipinas. Ang bayaning si Kudaman ay datu ng Kapatagan, may putong na kalapati at may tahanang naliligid ng liwanag. May sasakyan siyng malakit mahiwagang ibon, si Linggisan, na isang kulay lilang bakaw, na nagdadal sa kaniya sa ibat ibang lupain at pakikipagsapalaran. Tuwing aalis siy, iniiwan niya sa mga asawa ang isang bulaklak ng balanoy na kapag nalanta ay sagisag ng kaniyang kasawian. Ang kasalukuyang Kudaman ay inawit ni Usuy, isang babaylang Palawan, at ilang gabi niya itong inawit. Isinalin sa Filipino ni Edgar B. Maranan ang tultul nang ilathala noong 1991. Nagsisimula ito sa istorya kung paano napangasawa ni Kudaman si Tuwan Putli, at pagkaraan, ang tatlo pang asawa na nagturingang magkakapatid at nagsma-sma sa isang tahanan. Sinundan ito ng pagdalo sa isang pagdiriwang ng mga Ilanun upang manggulo. Ilang tang naglaban si Kudaman at ang pinunng Ilanun at sa ganitong labanan ay nagwawagi sa dulo ang bayani upang kaibiganin ang nakalaban. Anupat malimit magtapos ang mga bahagi ng tultul sa malaking inuman ng tabad, ang alak ng Palawan, at pagkonsumo ng mahigit sandaang tapayan ng alak. Dili kayy nagsisimula ito sa malaking inuman na nauuwi sa labanan kapag nalasing ang mga panauhin. Sa dulo ng mga nairekord na tultul, sampu na ang asawa ni Kudaman na nakatagpo sa ibat ibang abentura. Gayunman, mapapansin diumano ang taglay na hinahon at paghahangad ng kapayapaan ni Kudaman. Maraming tagpo ng sigalot na tinatapos sa kasunduang pangkapayapaan at pagpapasiya alinsunod sa tradisyong Palawan. Nakapalaman din sa tultul ang mga kapaniwalaan ng Palawan at ang konsepto nil ng sandaigdigan. (VSA)
Kudart
(Sirka 1590-1671) Magiting at mailap na pinunng Muslim si Kudart na hindi kailanman sumuko sa mga Espanyol. Corralat ang nakaulat na tawag sa kaniya ng mga Espanyol. Kinikilla siy ngayong Sultan Kudarat (Qudarat kung minsan ang baybay) at ipinangalan sa kaniya ang bagong lalawigan mula sa malaking Cotabato. Ipinanganak siy noong hulng dekada ng ika-16 siglo at anak ni Datu Buisan, na isang Iranun, at ni Ambang. Naging sultan siyang Magindanaw nang mamatay ang ama at hinawakan ang posisyong ito mula 1619 hanggang 1671. Sa kaniyang pamumun, nakalikha siy ng pagkakaisa sa mga pangkating nakatira sa Lanao, Cotabato, Davao, at Zamboanga kay matagumpay na napigil ang pagtatangka ng mga Espanyol na palaganapin ang Kristiyanismo sa naturang mga pook. Sinikap din niyang makipagkaibigan sa mga Olandes sa Ternate upang ipansangga sa mga Espanyol. Noong 1637, isang malaking kampanya ang inilunsad upang gapiin siy at pinamunuan mismo ng Gobernador-Heneral Sebastian Hurtado de Corcuera. Noong 13 Marso 1637, nilusob ni Corcuera ang Lamitan, itinuturing na kapitolyo noon ni Qudarat, at winasak ang mga kuta at sasakyang-dagat doon. Noong 16 Marso sinimulan ang salakay sa Ilihan na pinagkukutaan ni Kudarat at 2,000 tauhan. Sa ikalawang araw ng malaking labanan, nasakop ng mga Espanyol ang kuta ni Kudarat ngunit hindi siy nadakip. Ang pangyayaring ito ay naging paksa ng bantog na komedya na itinanghal sa Maynila bilang parangal kay Corcuera. Ngunit nagpagalng si Kudarat at naghintay ng pagkakatang makaganti. Nagtatag siy ng bagong kuta at tumipon ng mga bagong kapanalig samantalang gumagawa ng mga pagsalakay sa mga himpilan at pook Kristiyano. Muli siyng sinalakay ng mga Espanyol ngunit umatras lmang siy sa kabundukan. Sa loob ng mahabng panahon ay hindi siy napasuko ng mga mananakop. Ayon kay Cesar Adib Majul (1973), nsa tugatog ang kapangyarihan ng sultanatong Magindanaw sa panahon ni Kudarat, ang kauna-unahang nagpatawag sa sarili na sultan, at ang kaniyang kamatayan noong 1571 ay naging senyas ng unti-unting paghin at pagkahati ng sultanato. (VSA)
kdet
Ang kdet (mula sa French na coup detat) ay pag-aaklas ng isang maliit na organisadong grupo o seksiyon ng estado upang pabagsakin at palitan ang nakaluklok na gobyerno. Ang ganitong pagkilos ay karaniwang inilulunsad ng militar at itinataguyod nang palihim ng ilang mataas na opisyal ng pamahalaan. Mayroong tatlong uri ng kdet: ang presidensiyal na kdet, pampalasyong kdet, at putsch. Ang presidensiyal na kdet ay pinasisimulan ng nakaluklok na pinun ng gobyerno. Isinususpinde niya ang mga tradisyonal at konstitusyonal na karapatan upang palawakan at patatagin ang kaniyang pampolitikang kapangyarihan. Ang pampalasyong kdet ay nagaganap kung ang isang seksiyon ng sibilyan na pamahalaan ay mang-agaw ng kapangyarihan sa pamamaraang labag sa umiiral na konstitusyon at prosesong legal. Ang putsch ay ang marahas at armadong pag-aaklas ng isang grupong militar. Maraming kdet na ang naganap sa Filipinas na kadalasay pinamumunuan ng mga batng opisyal ng sandatahang lakas. Karamihan sa mga kdet sa bansa ay pagtatangka lmang at hindi nagwagi. Ang deklarasyon ng Batas Militar ni Pangulong Ferdinand Marcos noong Setyembre 1972 ay maituturing na isang matagumpay na presidensiyal na kdet. Binuwag ni Marcos ang mga umiiral na institusyong konstitusyonal ng Republika at pinalitan niya ito ng sariling modelo ng pamamahala. Ang kdet na inilunsad ng nooy Kalihim Juan Ponce Enrile at Heneral Fidel V. Ramos noong Pebrero 1986 ay maituturing na pampalasyong kdet na may elemento ng putsch at rumurok sa isang popular na pag-aalsa ng mamamayan. Napatalsik ng tinaguriang People Power I ang pamahalaan ni Marcos at nailuklok sa kapangyarihan si Pangulong Corazon Aquino. Hinarap naman ng pamahalaan ni Pangulong C. Aquino ang 10 nabigong kdetng may katangiang putsch. Si Pangulong Joseph Estrada ay napatalsik rin sa kapangyarihan noong Enero 2001 sa pamamagitan ng kombinasyong popular na pag-aalsa at pampalasyong kdet. Ang pamahalaan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay nakaranas ng tatlo ngunit hindi matagumpay na putsch na inilunsad ng mga batng opisyal ng Sandatahang Lakas ng Filipinas. (SMP) (ed VSA)
kudkran
Kasangkapang pambahay ang kudkran at ginagamit sa pagkudkod ng niyog. Karaniwang may ulo itong sapd at nakapablog sa gilid ang mga munting talim na metal, at may kinakabitang katawan na munting piraso ng kahoy at may apat na paang dalawang dangkal ang taas. Malimit na sumasakay sa katawan ang nagkukudkd, kay tinatawag din itong kabayo. Ang katangiang ito ang karaniwang isinasadula sa mga bugtong hinggil sa kudkran, gaya ng sumusunod na tatlo mulang mga Tagalog, mga Sebwano, at mga Ilokano: Ang baboy ko sa Sorsogon Kung di sakyan di lalamon. Kabayo ko sa Cagayan Dili mokaon kun dili sakyan. Adda bassit a kabalyok Dina kayat ti ruot Ngem gustonat sabsabot. Ang kudkran ang pinakaepisyenteng paraan ng pagkuha sa laman ng niyog sa anyong tila dinurog na sa maliliit na piraso. Ang ganitong anyo ng laman ng niyog ang ibinubudbod sa kakaning gaya ng bibingka. Sa ganitong anyo din ng laman ng niyog ay higit na madal itong pigain kapag kailangan ang gata. Ngunit kung tinatamad, puwedeng magpunta ngayon sa palengke. Kasma ng mga modernot de-koryenteng gilingan at blender, maaari nang magpakudkod ng niyog sa pamamagitan ng mga mekanisadong kudkran. (LJS) (ed VSA)
kudyap
Ang kudyap ay instrumentong kahalintulad ng pinahabng gitara. Gawa ito sa kahoy at hungkag ang loob nito upang makalikha ng mainan na tunog. Mayroon din itong dalawang kuwerdas. Tinutugtog ito ng Ata, Magindanaw, Manobo, at Maranaw. Makikita rin ito sa Palawan. Tinatawag itong kudlong ng mga Ata, Manobo, at Bagobo at hagelong naman ng mga Tiboli. Marami pang ibang pangalang tumutukoy rito tulad ng kudlung, faglung, foglong, hagalong, hagelung, kudyapiq, kudyung, kuglong, ketiyapiq, kusyapiq, piyap, at iba pa. Gayunman, may dalawang pangkalahatang termino na higit na laganap: kudlung para sa Ata, Bagobo, Bilaan, Manobo, Mansaka, Mandaya, at Tiboli; kudyapi naman sa Bukidnon, Hagaonon, Magindanaon, Maranaw, Manobo ng Agusan, at Subanon. Sa Palawan, ang kudyapi ay may dalawang anyo: malaki at maliit. Ang malaking kudyapi ay maaaring umabot sa dalawang metrong haba at maaaring gamitin sa pagsaliw sa pag-awit ng kulilal o awit ng pag-ibig. Ang mas maliit nito ay ginagamit sa paggagad ng mga tunog na maririnig sa kalikasan. Noong bandng siglo 16, nagkomentaryo si Padre Diego de Bobadilla tungkol sa kudyapi. Ayon sa kaniya, may lumang instrumentong tinatawag na cutiape na kasalukuyan pa ring ginagamit ng mga katutubo. Mayroon itong apat na kuwerdas na gawa sa tanso. Tinutugtog nila ito nang may kahusayan, at sa pamamagitan nito ay nasasabi ang anumang nais nilang sabihin. At pinatotohanan na nag-uusap ang bawat isa sa pamamagitan ng instrumentong itoisang pambihirang katangian ng mga katutubo sa kapuluan. Ang kudyapi ay iginagalang na instrumento ng mga Magindanaw at Maranaw. Noon, tinutugtog lamang ito ng mga natatanging musiko para sa mga datu at sultan. Mayroon ding sariling katipunan ng musikang pangkudyapi lamang at walang ibang kasaliw. (RCN) (ed GSZ)
Kulaf
Si Kulaf ang pangunahing tauhan sa seryeng komiks na may pamagat ding Kulafu na guhit ni Francisco Reyes at kuwento ni Pedrito Reyes. Ito ang komiks na kauna-unahang nailathala na may kulay sa magasing Liwayway. Ang nasabing komiks ay naisalin na sa ibat ibang wika ng Filipinas, gaya ng Bikol, Iluko, at Bikol. Naisalin din ang serye sa Espanyol, para sa isang magasin sa Timog Amerika. Lumaki si Kulafu sa kagubutan sa tulong ng mga gorilya. Sanggol pa lmang noon si Kulafu. Habang umaakyat ng bundok ang mga magulang ni Kulafu, dinagit siy ng isang malaking ibon. Inihulog siy sa pugad ng malaking ibon para may makain ang mga inakay nit ngunit aksidenteng napunta sa mga kamay ng gorilya. Mula noon, inalagaan si Kulafu ng malalaking unggoy. Nakipaglaban siy sa malalaki at mababangis na hayop ng kagubatan gaya ng mga tigret dragon. Naging kalaban din niya ang mga siyokoy at iba pang lamanlupa. Nabuo ang pangalan ni Kulafu nang minsang nasagip niya ang isang babaeng kakainin na dapat ng isang tong-gubat. Nang itanong ng babae ang kaniyang pangalan, nabanggit niyang Kulafu, Kulafu. Sa ngayon, mas kilala ang Kulafu bilang pangalan ng alak na Vino Kulafu ngunit hindi pa rin matatawaran ang kontribusyon nina Francisco Reyes at Pedrito Reyes sa kanilang nagawang akda. (SJ) (ed VSA)
klam
Isang uri ng itim na kapangyarihan ang klam. Ang ibig sabihin, isa itong mahiwagang kapangyarihan na ginagamit upang saktan o pagdusahin ang ibang tao. Tinatawag na mangkuklam ang tao na may angking ganitong mahiwagang lakas. Karaniwang inilalarawan ang mangkuklam na isang huklubang babae, mabalasik ang mga mat ngunit umiiwas makipagtitigan sa iba, mahahab at marusing ang mga buhok at mga kuko, nakatirang magiisa sa isang maruming kubo na naliligid ng nakatatkot na hayop (so, pusang itim, paniki). Ang larawan ay mahihiwatigang may impluwensiya ng paglalarawan sa brha (bruja) ng Europa. Ngunit may malaking kaibhan ang mangkuklam sa brha. Walang kaldero o palayok na kumukulo ang mangkuklam. Sa halip, ang ginagamit nitng pangklam ay isang manyikang basahan at mga karayom at aspile. Kapag may kukulming kaaway o biktima, nagiging simbolo ng naturang tao ang manyika, at ang bawat bahagi ng manyika na tusukin ng karayom ay nagdudulot ng kirot at karamdaman sa kinuklam. Isa ang mangkuklam sa mga tinatawag na Fray Juan de Plasencia (sirka 1589) na mga alagad ng diyablo sa pangunguna ng katalna na pinaniniwalaan at kinatatakutan ng taumbayan noon. Binanggit din ni Plasencia ang manggagawy, aswng, magtatanggl, huklban, manggagayma, at snat na may kani-kaniyang uri ng kapangyarihan. (GCA)(ed VSA)
kulamb
May matanda nang kasaysayan ang paggawa ng tent, kortina, lambat, at ibat ibang proteksiyon laban sa mga insekto kung gabi. Isang pangunahing pangangailangan ito ng mga tao sa lupaing gaya ng Filipinas na maraming lamok, langaw, at ibang pesteng insekto. Isang katangian ng arkitektura ng bahay-kubo ang mga nakabuks na sahig at bintana para sa malayang daloy ng simoy at nagtataboy ng insekto. Ngunit higit na garantiya ang kulamb para makaligtas sa kagat ng lamok. Ang kulamb ay isang parihabang nilambat na tabing at inilaladlad sa ibabaw ng higaan kung gabi. Hinabing sinamy, isang uri ng matigas ngunit matibay na tela mulang abaka, ang sinaunang kulamb. Yari na sa plastik ang kulamb ngayon. Sa karaniwang bahay noon na walang partisyon, hindi tinitiklop ang kulamb sa araw. Sa halip, inililis ito at nananatiling nakasabit upang wariy markahan at ibukod ang higaan sa ibang bahagi na maaaring gamiting kainan, kuwentuhan, o laruan ng sungka. Bukod sa proteksiyon laban sa insekto, nagdudulot din ang kulambo ng kapayapaan ng loob. Magkakamag-anak lmang, ang ibig sabihin, ang magulang at mga anak, ang maaaring magsukob sa malaking kulamb. Ang pagsusukob sa kulamb ay sagisag ng matalik na ugnayan at pagmamahalan. Kay natutlog sa labas ng kulamb o outside the kulamb ang naparusahan sa isang mabigat na kasalanan. (DRN)(ed VSA)
kulasis
Ang kulasis (Loriculus philippensis) ay isang species ng loro na kabilang sa pamilya ng mga Psittacidae. Kilal rin ang ibong ito sa tawag na hanging parrot sa Ingles. Katangian ng mga kulasis ang magpabitin-bitin sa mga sanga ng punongkahoy. Ang katangiang ito ang pinagmulan ng pangalan nit sa Filipinas. Natatagpuan ito sa mga tropikal na kagubatan at kabundukan. Kasama dito ang 11 subspecies na pawang mga katutubo sa Filipinas. Subalit ang tiyak na taksonomiya ay hindi pa malinaw sa kasalukuyan. Ang malaking bahagi ng balahibo ay kulay berde na may mga lugar na may kulay pul, dilaw, asul, at kahel depende sa subspecies. Sa lahat ng lahi, maliban lamang sa Loriculus (philippensis) camiguinensis, lalaki lmang ang may kulay pulng balahibo sa ibab o sa itaas na dibdib (sexually dimorphic). Maliit lmang ang species na ito. Ang kulasis ay may sukat na 14 na sentimetro (5.5 pulgada) ang hab, tumitimbang ng 32-40 gramo, at may maiksing pabilog na buntot. Gumagawa ito ng pugad sa mga butas o guwang ng punongkahoy. Ang kulasis ay namimil ng panahon sa pagpapalahi. Namumugad ito mula Marso hanggang Mayo. Ang produksiyon ng babaeng kulasisi ay 3 itlog, at pipisain ito sa loob ng 20 araw. Ang mga batng kulasisi ay mangangailangan ng 35 araw pagkatapos ng pagpisa upang magsimula ng pag-aaral lumipad. Karaniwan nang nakikita ang kulasisi na nag-iisa o may kapareha, bihirang makita na nakagrupo. Malimit itong naghahanap ng pagkain sa mga ibabaw na bahagi ng kagubatan. Kabilang sa pagkain ang nektar ng mga bulaklak at malalambot na prutas. Ang ilang subspecies ay bihira nang makita o nawala na. (SSC) (ed VSA)
kulintng
Ang kulintng ay grupo ng walong nakahanay at magkakaibang sukat na gong na nakapatong sa pahabng kuwadro. Nakatono ang mga ito sa eskalang pentatonic o limang tono. Ang musika ng kulintang ay nakabatay sa tatlong uri ng ritmo: duyug, sinulog, at tidtu. Ang duyug ay ritmong ginagamit sa pagtugtog sa kasal, libangan, at pista. Ang sinulog ay may mas mabagal na ritmo kompara sa duyug. Ang tidtu naman ay binubuo ng di-pantay na kombinasyon ng ritmo, 2:3, at sa ritmong ito makikita ang husay ng manunugtog ng kulintang. Ang sinulog at tidtu ay ginagamit din sa pagtugtog sa paglilibang, sa kasalan, at iba pang mga pagdiriwang. Kulintang din ang tawag sa isang pangkat ng instrumentong pangmusika na binubuo ng kulintang, kasma ng bebendil (gong na may papaloob na tagiliran), agung (isang pares ng gong na may malapad na papaloob na tagiliran), gandingan (isang pares ng gong na may makitid na tagiliran), at debakan (tambol). Ang pangalan ng kulintang bilang pangkat ng instrumentong pangmusika sa Magindanaw ay basalen o palabunibunyan. Kilala rin ang kulintang sa tawag na klintan, kulintangan, at kwintangan. Ang tradisyon ng pagtugtog ng kulintang sa Filipinas ay nakasentro sa Mindanao at bahagi ng kultura ng mga Subanon, Maranaw, Jama Mapun, Magindanaw, Tausug, Yakan, Sama, Bilaan, Tiboli, Ata, at Bagobo. Ngunit sinasabing ang tradisyon ng kulintang ay bunga lamang ng kontak ng nasabing mga grupo sa Borneo, Moluccas, at iba pang mga islang karatig ng Mindanao. Noong bandng 1667, nagkomentaryo si Padre Francisco Combes tungkol sa gamit ng kulintang at iba pang instrumento. Aniya, nang pumuwesto na ang mga babaylan sa altar na may sakripisyo ay nagsimula na silang sumayaw sa musika ng kulintangan, ang iba sa kanila ay tumutugtog sa guimbaw at agung. Umiikot sila sa altar, nanginginig at dumidighay habang umaawit ng miminsod, at hinihimatay. (RCN) (ed GSZ)
Kumbensiyng Tejros
Noong 22 Marso 1897, nagkaroon ng pagpupulong sa Tejeros, isang baryo sa San Francisco de Malabon, Cavite, ang dalawang paksiyon ng Katipunan sa lalawiganang Magdwang na pinamumunuan ni Mariano Alvarez, tiyuhin ni Andres Bonifacio, at ang Magdal na pinangungunahan ni Baldomero Aguinaldo, pinsan Heneral Emilio Aguinaldo. Ito ang tinatawag ngayong Kumbensiyng Tejros (Tehros). Layunin ng kumbensiyong ito na bumuo ng mga plano at pagkilos upang palakasin ang depensa sa Cavite. Gayunman, sa halip na talakayin ang nasabing dahilan ng pagpupulong, nagdesisyon ang mga lider ng Katipunan sa naturang probinsiya na magtatag ng bagong rebolusyonaryong gobyerno kapalit ng Katipunan at maghalal ng mga opisyal para dito. Tinutulan ni Bonifacio ang inisyatibang ito at ipinuntong may konstitusyon at gobyernong kasalukuyang umiiralito ay ang Katipunan. Gayunman, nanaig ang kagustuhan ng mga Kabitenyong Magdalo. Bagamat atubili, pinanguluhan ni Bonifacio ang eleksiyon sa garantiyang igagalang ng nakararami kung anuman ang maging resulta nit. Sa halalang ito lumabas sina Emilio Aguinaldo bilang presidente; Mariano Trias, bise-presidente; Artemio Ricarte, kapitan-heneral; Emiliano Riego de Dios, direktor ng digma; at si Andres Bonifacio, bilang direktor ng interyor. Gaya ng pambabalewala sa orihinal na adyenda ng kumbensiyon, ang pagkakahalal kay Bonifacio ay inusisa ni Daniel Tirona at sinabing tanging may pinagaralan lmang ang maaaring mag-okupa sa nasabing posisyon. Bunga ng pambabastos na ito, idineklara ni Bonifacio bilang tagapangulo ng pagpupulong at supremo ng Katipunan na walang bis ang nasabing halalan. Gayunman, buo na ang loob ng mga Kabitenyong Magdalo at itinuloy ang pagpapairal sa halalan sa Tejeros. Mabilisang pinanumpa si Aguinaldo bilang bagong pinun. Pagkaraan, itinuring na hadlang si Bonifacio sa bagong gobyernong rebolusyonaryo kay ipinadakip bago makalabas ng Cavite, nilitis, at hinatulan ng kamatayan. (LN) (ed VSA)
kundman
Ang kundman ay isang uri ng awit ng pag-ibig ng mga Tagalog. Sinasabing ang termino ay nagmula sa pinaikling pariralang kung hindi man. Ang salita ay maaari ring tumukoy sa bilis ng musika, gaya halimbawa ng awit na Akoy Isang Ibong Sawi ni Juan Buencamino na nasa tiyempong kundiman. Bilang awit, karaniwang inuuri ito sa dalawa: awiting makabayan at awit ng pag-ibig. Maaari rin itong likhain sa dalawang tunuganmayor at menor. Nagsimula ang kundiman bilang isang payak na awit, at tinatawag itong katutubong kundiman. Karaniwang sinasaliwan ito ng gitara, tulad sa harana. May itinuturing na mataas na antas ng kundimaniyong aral ang estruktura at may manipulasyon sa himig at armonya. Magkatulad ang trato sa mismong awit at saliw na musika na karaniwang piyano. Nagsimulang itaas ang antas ng kundiman nang likhain ang mga klasikong halimbawa nito tulad ng Anak Dalita ni Francisco Santiago at Nasaan Ka Irog ni Nicanor Abelardo. Ang pinakapopular na kundiman sa kasalukuyang panahon ay ang Bayan Ko na may titik na isinulat ni Jose Corazon de Jesus at musikang nilikha ni Constancio de Guzman. Sa di-iilang pagkakataon, ang awit ng pag-ibig na ito ay nagiging awit para sa Inang Bayan. Karaniwan, mababsa sa mga titik ng kundiman ang marubdob na paghingi ng pagmamahal ng isang binata sa inaasam nitong mutya. Ang ganitong sitwasyon ay nakakatulad ng paghingi ng lingap at kalinga sa bayan ng mga nakikipaglaban para sa kalayaan ng Filipinas. Ang pagpapahayag ng pagmamahal sa bayan ay maaaring lantad o mapagpahiwatig. Kabilang sa itinuturing na makabayang kundiman ang Bayan Ko at Kundiman ni Bonifacio Abdon. Maidaragdag dito ang ilang makabagong kundiman gaya ng Lupang Tinubuan ni Felipe de Leon at Lupang Hinirang ni Restituto Umali. (RCN) (ed GSZ)
kurtsa
Ang kurtsa (Ranina ranina) ay nabibilang sa pamilya Raninidae na makikita sa buong rehiyon ng Indo-Pasipiko. Ang pangalan nit ay mula sa Espanyol na cucaracha para sa ipis at marahil ibinatay sa itsura nit. Natatangi at kapansin-pansin ang sipit sa harapan ng kurtsa at ang mahab at halos hugis kopitang talukab nit na kulay makinng na kahel o pul. May hanay sa talukap nit na puting batik at tinatakpan ito ng bilugang tinik. Kadalasang may lapad itong 8.5 sentimetro at may bigat na 400 gramo. Maaari ring lumaki ito hanggang 15 sentimetro at bumigat ng 900 gramo. Kapag lumalangoy, nagkakandirit ang isang kurtsa na mistulang palaka. Karaniwang nangingitlog ito sa pagitan ng buwan ng Oktubre at Pebrero at maaaring manganak ang isang malaking babae ng dalawang beses sa tuwing kapanahunan. Ang karaniwang bilang ng itlog ay 120,000 bawat kapanahunan. Maaari nang magparami ang isang babaeng kuratsa sa edad na dalawang taon. Popular ngunit espesyal na pagkain sa Zamboanga ang kurtsa, ngunit malawakang hinuhli din ang lamang-dagat na ito sa Hawaii, Japan, Seychelles, at sa silangang baybayin ng Australia. Matatagpuan ang mga kurtsa sa layng 100 metro mula sa baybayin at lalim na 10 hanggang 70 metro. Maaaring mahli ang mga ito sa pamamagitan ng bitag na may pain at gawa sa magkakabuhol na lambat na nakabitin sa isang patag na kuwadro. (MA) (ed VSA)
Kuwntong Kutsro
Karaniwang ibig sabihin ngayon ng kuwntong kutsro ang isang kuwentong di-kapani-paniwala ngunit nakatatawa. Ang elementong ito ang ginamit sa naging napakapopular na palabas na Kuwntong Kutsro at nagsimulang dulang panradyo noong dekada 50, naging dulang pantanghalan, isina-TV, isinapelikula, at ang iskrip na panradyo ay tinipon sa isang aklat na inilabas ng UP Press noong 1997. Sinimulan ang Kuwntong Kutsro ng isang grupo mula sa Ateneo de Manila University bilang isang karaniwang palatuntunang nagpapatawa sa radyo at may iskrip ni Epifanio G. Matute. Nang pangasiwaan ito ni Atty. Narciso Pimentel, ginawa itong satirikal na magaan at nagpapatawa hbang binubulatlat ang mga isyung panlipunan at pampolitika. Umiikot ang programa sa bhay ni Teban Doblecarrera, isang kutsero, at kaniyang pamilya: ang asawa niyang kuripot na si Teria, anak na abogadong si Tony, anak na dalagang guro na si Celia, at bunsong si Junior. Kasma nil sa bahay ang ama ni Teban, si Lolo Hugo, na matandang bingi. Labas-masok ang mga kakilla, kapitbahay, at kaibigan, tulad nina Cruz Pasangcruz, gurong Bisaya na nanliligaw kay Celia; Daniel Discurso, isang henyong Ilokano; Propesor Sanlugar, mestisong Espanyol na napakatalino; Mr. Alvarez, na pabaligtad magsalit; Busiong Bungisngis, Sensiong Satsat, atbp. Sa mga usapan ng pamilya kasma ang iba pa, tinalakay ng programa ang mga isyu noon (na isyu pa rin hanggang ngayon), tulad ng matinding trapik, mataas na presyo ngunit masamng serbisyo ng koryente at tubig, at mga baluktot na hlaghang Filipino. Ipinahayag ng Kuwntong Kutsro ang mga daing ng sambayanan kay kinagiliwan ito ng maraming nakikinig. Nagtagal ang programa sa radyo hanggang mga unang taon ng Batas Militar. (AEB) (ed VSA)
La Lga Filipna
Ang La Lga Filipna ang samahang itinatag ni Jose Rizal sa Kalye Ilaya, Tondo noong 3 Hulyo 1892, sa panahong umuusbong ang militanteng nasyonalismo sa lipunang Filipino. Hangarin ng nasabing samahan ang mga sumusunod: 1) pagkakaisa ng buong Filipinas, 2) pagtataguyod ng mga reporma, 3) pagbibigay ng suporta sa edukasyon, agrikultura, at komersiyo, 4) paglaban sa anumang uri ng karahasan at di-makatarungang gawain, at 5) pagbibigay ng proteksiyon at tulong ng bawat kasapi sa isat isa. Sina Ambrosio Salvador, Bonifacio Arevalo, Deodato Arellano, at Agustin de la Rosa ang tumayng pangulo, ingat-yaman, kalihim at piskal ng nasabing samahan hbang may 14 naman itong kagawad, kablang sina Andres Bonifacio at Apolinario Mabini. Tungkulin ng bawat kasapi na magbigay ng butaw na 10 sentimo sa samahan buwan-buwan na gagamitin sa pagsustento sa masisipag at mahuhusay ngunit maralitang miyembro, sa pagtulong sa mga kasaping nangangailangan ng tulong pinansiyal, sa pagpapautang sa mga nagnanais pumasok sa negosyo o agrikultura, at sa pagpapatay ng mga tindahang bot-kya ang bilihin. Bagamat hindi subersibo o tahasang lumalaban sa pamahalaan ang La Liga Filipina, masigasig na binantayan ng mga awtoridad ang mga kilos at gawain ng mga miyembro nit sa simpleng dahilan na si Rizal ang nagtatag ng samahan. Pansamantalang natigil ang samahan nang hulihin si Rizal at ipatapon siya sa Dapitan noong 7 Hulyo 1892. Binuhay muli nina Mabini at Bonifacio ang La Liga Filipina ngunit dinagtagal ay nagsawa rin ang mga miyembro sa pagbibigay ng mga buwanang butaw at sa kawalan ng pananalig na pakikinggan ng gobyerno ang sinusuportahan nilang pahayagan, ang La Solidaridad. Marami sa mga miyembro nit, katulad nila Mamerto Natividad, Domingo Franco, Numeriano Adriano, at Jose Dizon ay sumapi sa Katipunan. (MBL) (ed GSZ)
La Solidaridd
Isang diyaryo sa wikang Espanyol ang La Solidaridd at naging pangunahing tinig ng Kilusang Propaganda para sa mga kailangang reporma sa Filipinas noong panahon ng kolonyalismong Espanyol. Itinay ito ng isang samahan ng mga repormista na La Solidaridad din ang pangalan. Isa itong quincenario, na nangangahulugang lumalabas tuwing dalawang linggo, at unang inilimbag sa Barcelona, Espanya. Lumabas ang unang isyu nit noong 15 Pebrero 1889 sa pamamatnugot ni Graciano Lopez Jaena. Inilipat ang pasulatan nito sa Madrid at ipinasa ni Lopez Jaena ang pagiging patnugot kay Marcelo H. del Pilar sa isyung lumabas noong 15 Nobyembre 1889. Nagtagal ang diyaryo hanggang 15 Nobyembre 1895. Nilayon ng diyaryo na iparinig sa gobyernong Espanya ang masaklap na kalagayan ng mga mamamayan sa Filipinas at ibunyag ang kalupitan ng mga fraile. Sa pamamatnugot ni Del Pilar, lalong matatapang na reporma ang hiningi ng mga repormista: Filipinisasyon ng mga parokya; kalayaan sa pamamahayag, pagsasalit, at pagtitipon-tipon; pag-asimila sa Filipinas bilang probinsiya ng Espanya, at kaugnay nit, representasyon sa Cortes ng Espanya at aktibong pakikilahok ng mga Filipino sa pamamahala ng gobyerno. Sa loob ng halos pitng tan, naging tinig ang La Solidaridd sa payapang paghingi ng reporma. Wala mang nakamit na reporma, mahalaga ang pahayagang ito dahil matutunton dito ang pagyabong ng pampolitikang kaisipan ng mga Filipino; pinatunayang rebolusyon lmang ang landas sa paglaya; bukod pa sa naglabas ito ng katangi-tanging mga artikulo na sinulat nina Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, Marcelo H. del Pilar, Mariano Ponce, Antonio Luna, Jose Ma. Panganiban, at iba pa. (AEB) (ed VSA)
labuy
Ang labuy (Gallus gallus) ay isang uri ng mailap na manok na miyembro ng pamilya Phasianidae. Tinatawag itong Red Jungle Fowl sa wikang Ingles at pinaniniwalaang isa sa mga ninuno ng domestikadong manok na inaalagaan sa ngayon. Bihira na itong makita sa Timog Katagalugan at sa hilagang bahagi ng Luzon. Marami ang nagsasabi na ginagamit ang labuy sa pagpapalahi ng mga manok upang gawing pansabong. Bukod sa Filipinas, matatagpuan rin ang labuyo sa timog-silangang India (mahirap nang makakita ng purong species dahil sa paghahalo nito sa mga domestikadong lahi ng manok), katimugang Tsina, Malaysia, at Indonesia. May mga katulad ng lahi na matatagpuan sa mga isla ng Hawaii, sa Christmas Island at Marianas. Magkaiba ang maraming katangian ng babae at lalaking labuyo (sexual dimorphism). Ang lalaki ay mas malaki ang katawan, may malamang lambi at palong sa ulo, may mga kulay tanso o ginintuang balahibo mula leeg hanggang likod. Ang buntot ay mayroong mahahab at nakaarkong balahibo na may kulay itim, asul, berde, at lila sa liwanag. Simple lamang ang kulay ng balahibo ng babaeng labuyo. Wala itong malaking lambi at palong. Sa panahon ng pagpapalahi, ipinapaalam ng lalaking labuyo ang pagdating sa pamamagitan ng pagtilaok. Nagsisilbi itong panghikayat sa mga babaeng labuyo upang maging kapareha, at isang hudyat rin sa ibang lalaking labuyo upang humanda kung gustong makipaglaban para sa pagpapalahi. Ang ibabng bahagi ng kaliwang paa ng lalaki ay may mahabng tahid na gamit sa pakikipaglaban at pagtatanggol sa sarili. Ang labuyo ay kumakain ng lahat ng uri ng pagkain (omnivorus) na tulad ng mga insekto, buto ng halaman, bulate, at prutas sa punongkahoy. Magaan ang katawan nit, may kakayahang lumipad patungo sa lugar na dadapuan o pagpapahingahan. Kalimitan, natutulog ito ay sa mga sanga ng punongkahoy o sa ibang matataas na lugar na hindi maaabot ng mga panlupang maninil. (SSC) (ed VSA)
ladno
Sa panahon ng Espanyol, ladno ang tawag sa isang tong marunong magbas at magsulat sa wikang Tagalog at Espanyol. Unang ginamit ang terminong ito ng isang misyonero sa isang makatang Filipino na si Fernando Bagongbanta na nagsulat ng isang tula na halinhinang Tagalog at Espanyol: Salamat nang ualang hanga gracias se den sempiternas sa nagpasilang ng tala al que hizo salir la estrella: macapagpanao nang dilim que destierre las tiniblas sa lahat na bayan natin de toda esta nuestra tierra. Ang bawat linyang Tagalog ay tinumbasan ng Espanyol sa sumunod na linya. Pinatutunayan ng ganitong uri ng bilingguwal na tula ng mga ladino na marunong sila ng wika ng kanilang mananakop. Ipinauso pa ang estilong ito ni Tomas Pinpin sa kaniyang aklat hinggil sa pag-aaral sa wikang Espanyol na Librong Pagaaralan nang manga Tagalog nang Uicang Castila (1610) na naglalaman ng mga aralin mula sa mga simpleng salita hanggang sa mga pangungusap na maaaring memoryahin. Sipi sa aklat ni Pinpin: Anong dico toua, como no he deholgarme Con hapot, omaga, La manana y tarde; Dili napahamac, que no salio en balde; itong gaua co, aquesta mi lance. Malaki ang naging kontribusyon ng mga ladino sa mga misyonaryo na nagsulat ng mga unang aklat sa gramatika at mga bokabularyo sa Tagalog Guhit ni Mario Parial at sa iba pang wika sa Filipinas. Makikita ito sa mga introduksiyon ng nalathala nilang aklat na may pagkilala sa impluwensiya ng wika at panitikang Tagalog. Sa kasalukuyan, bilingguwal ang tawag sa isang tao ng purong Ingles o purong Tagalog. Higit na nagpapakita ang Taglish o na bihasa sa dalawang magkaibang wika. Pero hindi ang paghahalo ng Engalog ng pagiging bigo ng programang edukasyong bilungguwal sa dalawang wika gaya ng Taglish o Engalog ng mga hindi makapagpahayag Filipinas. (EGN) (ed VSA)
Alfrdo V. Lagmy
(14 Agosto 1919-15 Disyembre 2005) Si Alfredo V. Lagmay ang itinuturing na pangunahing sikolohista at pilosopo ng Filipinas. Pinangunahan niya ang pagpapaunlad sa praktika ng siyentipikong sikolohiya sa bansa. Ang kaniyang mga siyentipikong artikulo ay naging batayang sanggunian ng iba pang larangan ng pag-aaral kagaya ng antropolohiya, agham panlipunan, at sosyolohiya. Siy ang punng tagapagtatag noong 1962 ng Psychological Association of the Philippines, naging tagapangulo ng Philippine Social Science Council, at orihinal na kagawad ng National Academy of Science and Technology. Iginawad sa kaniya Pambansang Alagad ng Agham noong 13 Hulyo 1988. Si Lagmay ang unang sikolohistang Filipino na nagsagawa ng eksperimentasyon hinggil sa usapin ng pagkatuto at pagkondisyon. Naging aktibong bahagi siya ng mga pag-aaral na pinamunuan ng batikang sikolohistang si B.F. Skinner ng Harvard University. Si Lagmay ang mayakda ng The Pacing of Behavior: A Technique for the Control of the Free Operant. Ito ay itinuturing na isa sa pinakamahalagang obra niya sa larangan ng eksperimental na sikolohiya. Nakapag-ambag ng malaki si Lagmay sa paglilinang ng teknolohiya ng pag-aaral sa Filipinas sa pamamagitan ng pagdisenyo ng mga pagsusulit upang masukat ang sikolohiya ng isang indbidwal. Ang kaniyang Philippine Thematic Apperception Test at ang Philippine Childrens Apperception Test ay ginagamit ngayon bilang mahahalagang instrumento para sa sikolohikal na pagsusulit. Isinilang si Lagmay noong 14 Agosto 1919 sa Maynila. Nagtrabaho siy hbang nag-aaral sa UP hanggang makatapos ng Batsilyer sa Pilosopiya noong 1947 at masterado sa Pilosopiya noong 1951. Ipinadal siy ng pamantasan sa Harvard University noong 1950 upang ipagpatuloy ang mataas na pag-aaral sa sikolohiya. Nakamit niya ang doktorado sa Eksperimental na Sikolohiya noong 1955. Nagbalik siy sa UP upang magturo at pamunuan ang Kagawaran ng Sikolohiya. Yumao siy noong 15 Disyembre 2005. (SMP) (ed VSA)
Lagna de Bay
Pinakamalaking lawa sa bansa na matatagpuan sa timog-silangan ng Maynila ang Lagna de Bay (Ba). May sapantaha na dati itong bahagi ng Look Maynila pero nahiwalay dahil sa dalawang ulit na malakas na pagputok ng mga bulkan. Ito rin ay pangatlo sa pinakamalaking lawang tubig-tabng sa timog-silangang Asia. Isa ito sa mga pangunahing pangisdaan at pinagkukunan ng mga isdang tabng sa bansa. May lawak itong 98,000 ektarya at napapalibutan ng mga bayan at lungsod sa Metro Manila, Rizal, at Laguna. Lagusan din ito ng halos 21 maliliit na ilog, hbang sa Ilog Pasig naman ito dumadaloy palabas patungong Look Maynila, 16 kilometro sa hilagang kanluran ng lawa. Ang lawa ay may pangkaraniwang lalim na dalawang metro. May maliliit na pulo rin dito at ang pinakamalaki ay ang Pulo ng Talim na may 14 kilometro ang hab at 1.5 kilometro ang lapad, nsa nasasakupan ng Binangonan at Cardona sa lalawigan ng Rizal. Ayon sa mga sinaunang tal, ang unang tawag sa lawa ay Puliran Kasumuran at nang lumaon ay naging Pulilan. Nagbago uli ang tawag dito noong dumating ang mga Espanyol. Ginamit ang salitng Espanyol na Laguna na nangangahulugang lawa at ang Bay na mula sa salitng ba-i na isang bayan sa lalawigan ng Laguna. Nagsisilbi ang lawa bilang daang transportasyong pantubig, Ginagamit pa ang tubig ng lawa ng isang plantang gumagawa ng koryente. Pinagmumulan din ito ng tubig na ginagamit para sa irigasyon sa mga sakahan at nagsisilbing pansamantalang imbakan ng sobrang tubig mula sa Ilog Marikina, na pinapadaan sa Manggahan Floodway, upang maiwasan ang pagbah sa lungsod. Nahaharap ang lawa sa malaking problema ng polusyon sa tubig, Pangunahin na dito ang malawakan at maramihang pagtatay ng mga kulungang pangisdaan sa lawa. Tinataya ring 60 porsiyento ng populasyon na nakatira sa palibot ng lawa ang nakakapagdulot ng maruming tagas ng basura sa ilog. Ang Laguna Lake Development Authority (LLDA) ang ahensiyang nangangasiwa sa pangagalaga ng lawa. (AMP) (ed VSA)
Biyaya... Lawa ng Laguna ni Howard Jao (2007)
lagund
Ang lagund (Vitex Negundo) ay isang malaking palumpong na karaniwang tumutub sa mga latian at nakaugaliang gamitin bilang halamang-gamot. Masanga ito at lumalaki nang hanggang limang metro ang taas. Mayroon itong isang makapal na kahoy na kahalintulad ng isang pun. Ang dahon nito ay katulad ng palad na may limang tulis na parang mga daliri ng kamay na may habng 4-10 sentimetro at bahagyang mabuhok sa ilalim. May bulaklak din itong kulay asul o kulay lila. Sa pag-aaral ng Kagawaran ng Kalusugan, napatunayang nakapagpapagaling ang halamang lagundi. Napatunayan din ito ng iba pang siyentistang nakabase sa Filipinas. Karaniwang ginagamit ang lagundi sa pagpapagaling ng ubo, sintomas ng hika, at ibang problema na may kinalaman sa paghinga. Ang lagundi ay ginagamit din para maibsan ang ibat ibang karamdaman. Kablang sa benepisyong dulot nito ay ang mga sumusunod: 1) ginhawa sa rayuma, di-pagkatunaw ng pagkain, at pagdudumi; 2) pagpapagaling ng ubo, sipon, lagnat at trangkaso at iba pang sakit sa bag; 3) ginhawa sa sintomas ng bulutong-tubig; at 4) pagtanggal ng bulate sa tiyan. Ang dahon naman ng lagundi ay itinuturing ding pamatay-insekto at inilalagay sa pagitan ng mga pahina ng libro at mga nakatiklop na damit gaya ng seda at lana upang mapangalagaan ito laban sa mga insekto. Ang lagundi ay tinatawag ding dabtan (Ifugao), danglaat limo-limo (Iloko), kamalan (Tagalog), lagundi (Ibanag, Bikol, Panay Bisaya), ligei (Bontok), sagarai (Bagobo), at turagay (Bisaya). (ACAL) (ed GSZ)
ling
Lutong gulay ang ling dahil tangkay at dahon ng gbe ang pangunahing sangkap. Ngunit ginagataan ito, nirerekaduhan ng siling labuyo, at hinahaluan ng daeng na isda o karne ng baboy. Tinatawag itong pangt sa Kabikulan. Dahil sa gat ng niyog, lutuin itong tiyak na mula sa pook na maniyugan na gaya ng Timog Katagalugan at Kabikulan. Mabibili ito sa umaga na nakadobleng blot ng dahon ng gabe at itinali sa hugis na kuwadrado ang bawat pakete.
Isa pang dahon na iniluluto din sa gat ang lublbi. Nagkalat ang halamang ito sa Kabikulan. Wika nga sa isang kantang pambat upang ilarawan ang lublbi at upang ipagmalaki na nakakain ito sa buong tan: Sa Nanay si Tatay nagtanom nin kangkong Ang lawas bayabas, ang dahon bayasong Namunga nin kahel, masiramon: Enero, Pebrero, Marso, Abril, Mayo, Hunyo, Hulyo, Agosto, Setyembre, Oktubre, Nobyembre, Disyembre, Lublbi.
Magpakulo sa palayok ng mga talbos ng lublbi kasma ng mga piraso ng tuyng isda at gat ng niyog. Pagkulo, dagdagan pa ng kakanggata at hinaan ang apoy. Kapag naluto, ang gat ng lublbi ay malapot at malangis. Anung sarap ilamas sa kanin magdaan man ang bagyot pumutok ang bulkan! (DRN)(ed VSA)
Lakandla
(c. 1558-1571) Si Lakandla ang pinun ng Tundo at Bangkusay nang dumaong sa Maynila noong 1571 ang mga Espanyol sa pamumun ng kongkistador na si Miguel Lopez de Legazpi. May palagay na mula siy sa maharlikang angkan sa Borneo. Pumayag siyng makipagkaibigan sa mga Espanyol nang maramdaman niyang matatalo siy sa labanan at lalong mahihirapan ang kaniyang nasasakupan. Gayunman, lihim siyng nakipag-ugnayan sa pinun ng Macabebe at sa tulong ng iba pang pinun sa paligid ng Maynila ay nag-alsa. Gayunman, nagapi sil ng mga Espanyol. Namagitan si Legazpi kay pinalaya si Lakandula. Ngunit napilitan naman siyng makipagsandugo sa mga Espanyol at magpabinyag bilang Katoliko. Pinangalanan siyng Carlos, isinunod sa pangalan ng hari ng Espanya. Namatay siy noong 1575 at pinapurihan ng mga mananakop bilang kaibigan ng Espanya. Ipinangalan sa kaniya ang Orden ng Lakandula, ang isa sa pinakamataas na gawad na ibinibigay ng Republika ng Filipinas. (PKJ) (ed VSA)
lalawgan
Ang lalawgan ang pangunahing politikal at administratibong dibisyon ng pamahalaan ng Filipinas. Tinatawag din itong probinsiy (provincia). Nagsisilbi itong mekanismo upang mahusay na maipatupad ang mga prosesong pangkaunlaran at instrumento ng epektibong pamamahala. Binubuo ang isang lalawgan ng grupo ng mga munisipalidad at lungsod. Maaaring gawing lalawigan ang isang teritoryo kung ito ay may taunang kita na hndi babab sa dalawampung milyong piso (P20,000,000.00), may saklaw na 2,000 kilometro kuwadrado, at may minimum na populasyong hindi babab sa 250,000. Tanging ang Kongreso ng Filipinas ang may kapangyarihang lumikha o bumuwag ng isang lalawigan subalit kailangan pa itong ratipikahan ng mayorya ng apektadong mamamayan sa pamamagitan ng plebesito. Pinamumunuan ang lalawigan ng isang gobernadr at pangalawang gobernadr. Mayroon din itong Sangguniang Panlalawigan na binubuo ng mga halal na bokal (board member) at nagsisilbing lokal na batasan. Ang ipinatupad na sistemang engkomiynda (encomienda) ng mga mananakop na Espanyol ang nagsilbing unang binhi sa paglikha ng mga lalawgan sa Filipinas. Noong unang yugto ng 1700, ang kalakhan ng mga engkomiyenda ay napalitan ng mga alcaldia o probinsiy. Pinanatili at pinalawak pa ng mga mananakop na Amerikano ang politikal na dibisyong itinatatag ng mga Espanyol. Hinihirang noon ng gobernador heneral ang alkalde mayor at may ganap na kapangyarihang administratibo at huridiko. May kabuuang 80 lalawigan ang Filipinas ayon sa senso ng Setyembre 2011. Sa lawak, pinakamalaki ang Palawan (1,703,075 ektarya) at pinakamaliit ang Batanes (21,901 ektarya). Sa dami ng populasyon, Cavite ang pinakamalaki (2,856,765) at Batanes ang pinakakaunti (15,974). May ibat ibang klasipikasyon din ang mga lalawigan batay sa taunang kita: Una o primera na may taunang kita na higit sa P450 milyon; pangalawa o segunda na may taunang kita na P360 milyon hanggang P450 milyon; pangatlo o tersera na may taunang kita na P270 milyon hanggang P360 milyon; pang-apat na may taunang kita na P180 milyon hanggang P270 milyon; panglima na may taunang kita na P90 milyon hanggang P180 milyon; at pang-anim na may taunang kita na mabab sa P90 milyon. (SMP) (ed VSA)
lamng-lup
Lamng-lup ang pangkalahatang tawag sa mga nilalng na nakatira sa ilalim ng lupa. Kung minsan, ito rin ang tawag sa mga espiritu ng bundok at ilang bahagi ng kapatagan lalo na ang mga punso. Sinasabing ang mga lamang-lupa ang nagmamay-ari ng lupa at ng kailaliman nito. Mayroon silang itsurang maliit tulad ng duwende at hindi nakikita ng karaniwang tao. Sa mitolohiyang Filipino, ang mga lamang-lupa ay nabibilang sa mga diyos sa kailaliman ng lupa, at kung gayon, ilang piling nilalng lamang ang nakakakita sa kanila. Sa larangan ng kuwentong-bayan, ang pag-aaral sa mga lamang-lupa ay nakapaloob sa tinatawag na demonology. Kabilang din sa disiplinang ito ang pag-aaral sa mga aswang at iba pang maligno sa mitolohiyang Filipino. Ayon pa sa ilang paniniwala, hindi nananakit ang mga lamang-lupa hanggat hindi sila ginagambala o sinisira ang kanilang mga tahanan. Kailangan din silang bigyan ng paggalang. Halimbawa, kapag daraan sa ipinapalagay na malalaking punso na tinatahanan ng mga nuno, nagpapasintabi ang tong dumaraan sa pagsasabing Tabi-tabi po. Kailangan din diumanong bigyan ng alay o atang ang mga lamang-lupa sa panahon ng taniman at anihan upang hindi nito paglaruan ang mga pananim. (JCN) (ed GSZ)
lmay, lamayn
Tinatawag na lmay o lamayn ang buong gabi o magdamag na pagbabantay sa bangkay ng isang namatay. Ang brol o pagtatanghal sa bangkay ay karaniwang tumatagal nang tatlong araw bago ilibing. Maaaring mas tumagal dahil sa pamahiing bawal maglibing kung Biyernes o dahil may hinihintay na kamag-nak. Sa lmay ipinakikita ang pakikirmay ng mga kamag-nak, kaibigan, kanayon, at ibang kakilla ng namatay at ng namatayan. Nagiging malaking pagtitipon ito hanggang hatinggabi. May taimtim na yugto ito at binubuo ng pagdarasal, pagpapamisa, o pagrorosaryo para sa kaluluwa ng namatay. Ngunit may bahagi din ito para aliwin ang namatayan o naulila. Ito ang katwiran para sa pagdaraos ng palaro, awitan, at iba pang paraan ng pagdudulot ng kasayahan sa lamayn. Dito ginagamit noon ang mga tradisyonal na aliwang gaya ng huwgo de prnda, bulaklkan, at ang tila-dulang karagatn at dplo. Sa Ilocos, may dung-w. Sa Panay, may kompso. (GCA)(ed VSA)
lambt
Ang lambt ang ginagamit na panghli o bitag sa mga isda, ibon, o insekto. Pangunahing gamit ang lambt sa ibat ibang uri ng panghli ng isda, gaya ng galadgad, pante, bintol, bintahan, tangab, pukot, at baklad. Tinatawag ding dla ang malapad na uri nitng may mga pabigat upang lumubog kapag inihagis sa tubigan. Karaniwang maliit at manipis ang lambt na panghli ng ibon o insekto. Kadalasang yari sa mga hiblang naylon, lana o sutla ang mga lambt. Karaniwang binubuo ang mga mat nit (o mesh size) sa pamamagitan ng pagbubuhol ng maninipis na hibla. May ibat ibang paraan sa pagpil ng nararapat na gamiting lambt sa pangingisda. Maaaring iayon ito sa klase at sukat ng pangisdaan, sa uri ng isdang huhulihin, at sa kondisyon ng pangingisda. Sa halos lahat ng ito, mainam na gamitin ang lambt na gawa sa sintetikong hibla. Kailangang ang lambt na ginagamit sa paggawa ng galadgad ay may matibay na buhol, mataas ang posibilidad na pahabain, maliit na diyametro, at hindi agad nasisira. Sa kasalukuyan, malaki ang pagpapahalaga sa pangangalaga at pagprotekta sa mga kayamanan ng karagatan. Dahil dito, importanteng isaalang-alang ang pagpil ng angkop na materyales para sa paggawa ng mga paraan ng pangingisda. May mga batas na nagkokontrol sa sukat ng mat ng lambt at ang klase ng pamamaraan ng pangisda na pinapayagang gamitin sa baybaying dagat. Ipinagbabawal sa Filipinas ang paggamit ng lambat na ang mat ay mas maliit sa tatlong sentimetro, maliban sa panghuhli ng maliliit na bangus (kawag-kawag), padas, hipon, banak, at mga isdang liks na maliliit na tulad ng tabyos at alamang. (MA) (ed VSA)
Lang Dlay
Si Lang Dlay ay tubng Lake-Sebu, South Cotabato at pinagkalooban ng Gawad Manlilikha ng Bayan noong tang 1998 dahil sa pagpapanatili niya sa tradisyon ng mga Tiboli sa pamamagitan ng patuloy na paghahabi ng tinalak. Bukod sa kaniyang kahusayan sa paghabi, kinikilala rin siya bilang isang Bo-I, isang nakatatandang iginagalang sa kanilang komunidad. Isa ang tinalak sa mga pagkakakilanlan ng mga Tiboli. Noong unang panahon, pinahahalagahan ito hindi lamang dahil sa angkin nitong kagandahan kundi pati na rin sa halaga. Katumbas nito ang kabayo o baka sa pakikipagkalakalan at ipinagkakaloob na bigay-kaya sa pakikipagisang-dibdib. Natutong humabi ng tinalak si Lang Dulay sa edad na 12. Sa kasalukuyan, nakagagawa na siya ng mahigit 100 disenyo. Bukod sa mga itinuro ng kaniyang inang si Luan Senig, hinahango niya sa mga panaginip ang kaniyang mga disenyo. Dahil dito, tinagurian siyang Tagahabi ng mga panaginip ng mga Tiboli. Kabilang sa mga disenyong ito ang bulinglangit (mga ulap), bankiring (bangs), at kabangi (paruparo). Bawat disenyo, pati na rin ang kulay, ng kaniyang mga likha ay sumisimbolo sa tradisyon at kultura ng mga Tiboli. Kinakatawan ng pula ang katapangan, paninindigan, at pagmamahal ng mga Tiboli samantalang ang itim ay sumasagisag sa kanilang pagpupunyagi bilang isang lipi. Sa edad na mahigit 90, patuloy pa rin sa paghahabi si Lang Dulay bagaman hindi na siya gumagamit ng back strap loom o rolyo ng tinalak na isinusuot ng tagahabi upang magkaroon ng tensiyon ang tela. Isinasagawa na lang niya ang mebed o ang paglalagay ng disenyo sa pamamagitan ng pagtatali. Kabilang sa disenyo ng tinalak na nilikha niya ang kaniyang pirma ang nakahabing pangalan niya sa dulo ng tela. Ibinabahagi ni Lang Dulay ang kaniyang kaalaman sa pamamagitan ng pagtuturo ng sining na ito sa kababaihang Tiboli. (GB) (ed GSZ)
langk
Ang langk ay isa sa mga kilalang prutas sa Filipinas. Tinatawag din itong lanka (Iloko), nangka (Bisaya, Tagalog, Ibanag) at nanka (Bisaya at Sulu). Makinis ang pun nito na may taas na 8 hanggang 15 metro. Ang pun ng langka ay karaniwang ginagamit sa paggawa ng bahay. May mga gitara at ukulele ring gawa sa langka. Ang dahon nito ay salit-salit, matigas, patambilog na pahab at may habng 7-15 sentimetro. Ang prutas ng langka ay nakalawit sa mga sanga ng pun. Pahab ang hugis nito, kulay berde hanggang sa manilaw-nilaw at may maliliit na tusok-tusok ang balat, at kulay dilaw naman ang lamn nito. Ang langka ay tumutub sa buong Filipinas na may mabab hanggang katamtamang altitud. Maraming pinaggagamitan ang langka. Ang prutas nito ay mataas sa carbohydates pati na sa bitamina C. Ang hinog na prutas ng langka ay mabisang pampurga subalit kapag sobra ang kain, pagdudumi ang nagiging epekto nito. Ang murang prutas naman nito ay iniluluto at kalimitang itinuturing na gulay. Ang hindi pa hinog na prutas ng langka ay ginagawa ring atsara. Ang mga buto nito ay karaniwang inilalaga at mataas ito sa arina. May paniniwala ring ang inihaw na buto ng langka ay isang aphrodisiac. Ang ugat ng langka ay ginagamit sa pagpigil ng paglal ng sakit na hika, pagdudumi, at lagnat. Ang abo mula sa sinunog na dahon ng langka ay nilalagyan ng langis upang gamiting pamahid sa mga sugat at sa may masakit na tiyan. Ang bunga ng langka ay ginagamit ding pampalasa sa lambanog. May paniniwala ang mga Filipino na nakatutulong ang langka upang tumaas ang sangkap na alkohol ng lambanog. Ang balat ng kahoy naman ay ginagamit sa paggawa ng lubid at damit. (ACAL) (ed GSZ)
lansnes
Ang lansnes ay isang uri ng namumungang punongkahoy na may kumpol-kumpol na bunga. Ang pun nito ay may katamtamang laki na umaabot sa 30 metro ang taas at 75 sentimetro ang diyametro. Ang prutas ng lansones ay may ibat ibang hugis. May bilog, hugis-itlog, at eliptiko. Ang balat ng prutas nito ay makapal na halos 6 milimetro. Ang prutas nito ay naglalaman ng isa hanggang tatlong buto na mapait ang lasa. Ang matamis ng laman nito ay nagtataglay ng sucrose, glucose, at fructose. May dalawang uri ng lansones. Ito ay ang duku (L. domesticum var. duku) at langsat (L. domesticum var. domesticum). Ang prutas ng duku ay malaki, karaniwang bilog at may makapal na balat. Maliit din ang mga buto nito, makapal ang laman, at may matamis na amoy. Ang langsat naman ay kalimitang payat ang mga pun at matitigas ang mga sanga. Ang prutas ng langsat ay hugis-itlog at manipis ang balat. Matubig ang laman nito na may matamis hanggang maasim na lasa. Isa pa sa mga kaibahan nito sa duku ay ang pangingitim ng balat ng prutas pagkaraan ng tatlong araw pagkapitas ng prutas. Gayunman, kahit nangingitim na ang balat, hindi naman nagbabago ang lasa nito. Ang lansones ay namumunga isang beses kada taon. Ang pamumunga ay magkaiba sa ibat ibang lugar subalit karaniwan itong nagsisimula sa panahon ng tag-ulan. Sa Filipinas, ang lansones ay kilala sa ibat ibang tawag gaya ng buboa, bulahan at bukan sa Bisaya; lansones sa Tagalog at Bikol; buahan, buan at kalibogan sa Manobo; at tubua sa Bagobo. (ACAL) (ed GSZ)
lantka
Maliit na tansong kanyon ang lantka, mula sa wikang Malyo na rentaka, at inilululan noon sa mga sasakyang-dagat ng komersiyante upang makapagtanggol laban sa mga pirata sa karagatan ng Filipinas, Indonesia, at Malaysia. May karaniwang bigat itong umaabot sa 200 libra bagaman may malalaking tumitimbang ng isang tonelada. May maririkit na lantaka na nagsisilbing dekorasyon sa bahay ng maharlika, at may disenyo ng buwaya, ibon, o dragon ang katawan at bunganga. May natagpuan noong malalaking pandayan ng lantaka sa Malacca at Brunei ang mga Portuges at iniulat din ang ganitong pagawaan sa Filipinas. Isang bantog na manggagawa ng malalakas na lantaka si Panday Pira, isang Kapampangan, at sinasabing tagagawa ng mga lantaka para sa karakowa ng mga lakan. Pinalagyan ni Raha Sulayman ng mga lantaka ang kaniyang moog sa Maynila laban sa mga mananakop na Espanyol. Ginamit ang lantaka sa panahon ng Himagsikang Filipino, bagaman iwinangis na sa mga kanyong Europeo at yari sa mga batingaw ng simbahan. Hanggang noong kampanya ng pananakop na Amerikano ay gumamit ng lantaka ang pagtatatanggol ng mga Moro sa Mindanao. (LJS) (ed VSA)
Ricardo M. Lantican
(8 Enero 1933) Si Ricardo M. Lantican (Rikrdo Em Lantkan) ay dalubhasa sa henetika at pagpapalahi ng halaman. Nagamit ng maraming bansa ang kaniyang mga pananaliksik upang paunlarin ang lahi ng ibat ibang uri ng halaman at butil. Pinangunahan niya ang paglikha ng bagong uri ng munggo na may kakayahang labanan ang sakit na Cercospora, isang funggus na nagdudulot ng batik sa dahon at pumapatay ng tanim. Kilal rin si Lantican sa kaniyang mahalagang pag-aaral hinggil sa natural na kahinaan ng mais sa sakit na corn leaf blight na sumisira sa malawak na taniman. Ang kaalamang natuklasan niya ay naging susi sa pagpapalaganap ng kahalagahan ng pagtatanim ng ibat ibang uri ng mais. Iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Agham noong 5 Disyembre 2005. Unang pinag-aralan ni Lantican ang natural na estruktutura at morpolohiya ng halaman. Nagbigay daan ito upang matuklasan niya ang mga bago at mas maunlad na lahi ng tanim. Noong dekada 1960, pinamunuan niya ang isang pangkat ng mga mananaliksik sa paglikha ng bagong uri ng munggo na hindi tinatablan ng sakit na Cercospora. Kapag itoy umatake sa dahon, malaki ang posibilidad na mamatay ang apektadong tanim. Sa pamamagitan ng pag-aaral ni Lantican, naiwasan ang palagiang pagkasira ng mga halamang butil. Ang mga plantasyon ng mais ay karaniwang gumagamit ng sistemang monokultural. Natuklasan ni Lantican na ang paulit-ulit na pagtatanim ng iisang lahi ng mais ay nagpapalal sa corn leaf blight, isang uri ng sakt na pumapatay sa buong tanim. Binigyan niya ng pansin ang kahalagahan ng pagtatanim ng ibat ibang uri ng mais at pagpapaunlad ng mga bagong lahi. Ang kaniyang pag-aaral at ang karanasan ng Filipinas sa pagtatanim ng hybrid ng mais ay nagamit ng mga dalubhasa sa Estados Unidos upang iligtas ang industriya ng maisan laban sa malawakang pagkasira. Nakapagtapos si Lantican ng Batsilyer sa Agham ng Agrikultura sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1954. Tinapos niya ang Master sa Siyensiya ng Plant Breeding sa North Carolina State College noong 1956 at doktorado sa Plant Genetics sa Iowa State University noong 1961. Nagpatuloy siya ng pagtuturo ng agronomiya sa UP Los Baos at pinamunuan niya ang Institute of Plant Breeding ng pamantasan. Nagsilibi rin siy bilang pangalawang kalihim para sa pananaliksik ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya. (SMP) (ed VSA)
Lapulpu
(1491-1542) Kinikilla si Lapulpu bilang unang Filipinong nagtanggol sa kalayaan laban sa mga Espanyol, at unang bayani ng bansa. Si Lapulapu ang datu ng Mactan, isang maliit na isla malapit sa Cebu. Nang dumating sa Filipinas si Fernando de Magallanes ay iniatas nito sa ilang pinun ng barangay sa Cebu na magbayad ng buwis sa mga Espanyol. Nabalitaan ito ni Lapulapu at mahigpit niyang tinutulan ang mapailalim sa dayuhan. Noong 27 Abril 1521, nilusob ng pangkat ni Magallanes ang Mactan. Sa Labanang Mactan ay napatay siy ng mga tauhan ni Lapulapu. Noong 1961, naging lungsod ang bayan ng Opon sa isla ng Mactan at pinangalanang Lungsod Lapulapu. Dalawang prominenteng bantayog ang itinay para sa bayani: isa sa Dambanang Mactan at isa sa Rizal Park sa Maynila. Makikita ang kaniyang imahen sa sagisag ng Philippine National Police at sa lumang isang sentimong barya ng Bangko Sentral ng Pilipinas. (PKJ) (ed VSA)
lpulpu
Ang lpulpu ay isda na kabilang sa pamilya Serranidae. Makikita ito sa dagat Indo-Pasipiko, timog Aprika, timog at hilagang Australia. Maraming uri ng lpulpu at ang pinakamarami ang nsa grupo ng Epinephelus. Itinuturing itong pinakamalaking isda na makikita sa tangrib. Pagdating sa tamang edad, nagpapalit ng kasarian ang halos lahat ng lpulpu, maliban sa Nassau o Epinephelus striatus. Mas madalas, may mga babaeng lpulpu na nagiging lalaki sa pagsapit ng tamang edad. May tatlong tinik ang talukap ng hasang ng isang lpulpu. May 7-12 tinik ang palikpik nit sa likod at kadalasang bilugan o hugis buwan ang buntot. Nakalabas ang panga ng isang lpulpu kahit sarado ang bibig. May mga lpulpu rin na kulay mapusyaw na malaberdeng abo o kayumanggi at may bilog at matingkad na batik ang katawan at ulo. May mga batik din sa palikpik ng likod, buntot at puwit, at may makikitang linya sa katawan ng mga ito. Kadalasan ding naglalagi ang lpulpu sa ilalim ng tubig at doon kumakain ng mga isda, banagan, maliliit na pating, at batng pawikan. Ang pinakamalaking naital ay umabot ng tatlong metro at may bigat na 400 kilo. Maaaring may lason na kung tawagin ay ciguatera ang ibang malalaking uri kay dapat mag-ingat sa pagkain nit. Karaniwang hinuhli ang isdang ito sa pamamagitan ng kawil na ginagamitan ng buhy na pain. Buhy na ibinebenta ang lpulpu sa mga restoran. Tulad ng iba pang lamang-dagat, nanganganib maubos ang lpulpu dahil sa mabagal nitng paglaki, at sa paghli ng mga lpulpung mangingitlog. Maituturing na halos kalahati ng 101 uri ng lpulpu ang nanganganib na maubos. (MA) (ed VSA)
Hilario Lara
(15 Enero 1894-18 Disyembre 1987) Si Hilario Lara (Hilryo Lra) ang itinuturing na Ama ng Makabagong Pampublikong Kalusugan sa Filipinas. Nagpakadalubhasa siy sa epidemolohiya upang makahanap ng solusyon laban sa pagkalat ng epidemya at nakamamatay na sakt. Ang kaniyang pagsisikap ay nagbunsod ng isang pambansang gawain upang itaas ang antas ng kalidad ng kalusugan sa mga pamayanan. Nagbigay daan ito upang mapigil ang paglaganap ng kolera, dipterya, pagtatae, tipus, disenterya, at tigdas sa Filipinas. Iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Agham noong 1985. Ginugol ni Lara ang malaking bahagi ng kaniyang buhay sa paglilingkod sa mga pampublikong ospital bilang doktor o administrador. Sa katanuyan, siy ang nagtatag ng ilang ospital at institusyong pangkalusugan sa bansa. Itinay niya ang San Fernando, La Union Hospital noong 1921 sa tulong ng pagkakawanggawa ng United Brethren Mission. Siya rin ang namun sa pagtatag ng School of Sanitation and Public Health sa Unibersidad ng Pilipinas at ng UP Health Service sa Diliman. Binigyang buhay ni Dr. Lara ang pagbibigay ng serbisyong medikal sa mga komunidad sa pamamagitan ng pagtatay ng unang pampublikong sentro sa kalusugan sa Binangonan, Rizal at sa Paco, Maynila. Bagaman abala sa gawaing administrasyon, nagawa pa rin ni Lara na gampanan ang iba-ibang tungkulin sa pamahalaan bilang opisyal ng Philippine Health Service, katuwang na kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan at Pampublikong Kalinga, kinatawan ng Filipinas sa United Nations International Health Conference, at kagawad ng lupon ng mga dalubhasang tagapayo ng World Health Organization. Si Dr. Hilario Lara ay isinilang noong 15 Enero 1894 sa Imus, Cavite. Nagtatrabaho siy hbang nag-aaral ng medisina sa UP. Nang makatapos ng kursong medisina noong 1919, ipinadal siy ng pamahalaan sa Johns Hopkins University bilang isa sa mga iskolar ng Rockefeller Foundation. Sa Johns Hopkins niya nakuha ang masterado at doktorado sa pampublikong kalusugan. Nagpakadalubhasa siy sa pag-aaral ng epidemolohiya, bakteryolohiya, imunolohiya, biyoestadistika, at pangangasiwa ng pampublikong kalusugan. Maningning na ehemplo si Lara ng walang sawang paglilingkod sa bayan hanggang mamatay noong18 Disyembre 1987. (SMP) (ed VSA)
Jose P. Laurel
(9 Marso 1891-6 Nobyembre 1959) Sa panahon ng Pananakop ng mga Hapones ay nagtay ng isang pamahalaan noong 14 Oktubre 1943 at itinuturing itong Ikalawang Republika ng Filipinas. Si Jose P. Laurel (Hos Pi Lawrl) ang nahalal na pangulo ng naturang pamahalaan. Isinilang si Laurel sa Tanauan, Batangas noong 9 Marso 1891 kina Sotero Laurel at Jacoba Garcia. Nagtapos siy ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas at ikinasal sa kaeskuwelang si Paciencia Hidalgo. Nagkaroon sil ng siyam na anak at ilan ang humawak din ng mataas na tungkulin: si Jose Laurel Jr. na naging ispiker ng Mababng Kapulungan (19531957), si Sotero Laurel na naging pangulo ng Lyceum of the Philippines, at si Salvador Laurel na naging pangalawang-pangulo ng Filipinas (19861991). Dahil sa talino, ipinadal siyng pensiyonado sa Yale University. Pagkatapos, nag-aral siy ng pilosopiyang political sa Oxford University. Pagbalik ay humawak siy ng ibat ibang tungkulin sa gobyernong Amerikano hanggang kumandidato noong 1925 at manalong kinatawan sa Asamblea. Naging majority floor leader din siy sa Senado at delegado sa 1935 Kumbensiyong Konstitusyonal, at naglingkod na kagawad ng Kataas-taasang Hukuman. Sa panahon ng digma, hinirang siy ni Quezon na Kalihim ng Katarungan, at sa ilalim ng mga Hapones ay hinirang siyng Komisyoner ng Katarungan at pagkatapos ay Komisyoner Panloob sa Philippine Executive Commission sa ilalim ni Jorge B. Vargas. Nahalal siyng pangulo ng Filipinas ng itinatag na Ikalawang Republika sa ilalim ng mga Hapones. Nsa Hapon siy nang makabalik ang mga Amerikano at kasma doon ang pamilya at ilang lider na sina Camilo Osias ng edukasyon, Ispiker Benigno S. Aquino, at Hen. Mateo Capinpin. Isa siy sa mga inihablang kolaboreytor ngunit nabigyan ng amnestiya ni Pangulong Manuel A. Roxas. Kumandidato siyng senador noong 1953 at nagwagi. Bahagi ng tagumpay niya ang Kasunduang Laurel-Langley na nagtatakda ng panahon para sa pag-iral ng karapatang parity hanggang 3 Hulyo 1974. Pumanaw si Laurel noong 6 Nobyembre 1959 dahil sa atake sa puso. (VSA)
Lawng Buh
Isa sa mga tanyag na lawa sa Rehiyong Bikol ang Lawng Buh at tirahan ng pinakamaliit na isda sa buong mundo, ang tabyos o sinarapan. Ang tubigan ay matatagpuan sa Buhi, Camarines Sur, tinatayang may lalim na walong metro at 1,800 ektaryang lawak na tubig-tabang na nsa pagitan ng lambak ng dalawang matatandang bulkan sa rehiyon, ang Bulkang Malimas at Bulkang Iriga. May dalawang teorya kung paano nabuo ang Lawang Buhi. Ang una ay noong gumuho ang isang bahagi ng Bulkang Iriga sa isang paglindol noong 1641. Ang pagguho ng lupa ay nagresulta sa pagkabuo ng isang natural na dam na siyng naging Lawang Buhi. Sa ikalawang teorya naman, ang lawa ay nabuo nang pumutok ang Bulkang Asog. Bukod sa isdang sinarapn (Mistichthys luzonensis), maraming nabubuhay na isda sa lawang ito kabilang na ang tilapya na komersiyal na pinaparami at inaani dito. Ang nakapalibot na kagubatan sa lawa ay tahanan din ng dibabab sa 25 uri ng mga ibon. Ang Lawang Buhi ang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga mamamayan sa bayang ito. Masigla at produktibo and industriya ng pangisdaan sa bayan ng Buhi. May nakatay rin ditong isang planta ng idroelektriko na kumukuha ng suplay ng tubig mula sa lawa. Ang Pambansang Administrasyon sa Irigasyon ay gumagamit din ng tubig mula sa lawa para sa irigasyon ng mga palayan at taniman sa mga bayan ng Rinconada kabilang na ang Lungsod Iriga. Sa ngayon, nanganganib na mawala ang sinarapan dahil sa patuloy na polusyon sa tubig na nagmumula sa mga basurang domestiko at industriyal na itinatapon sa lawa. Gayundin, ang mga fish cages o kulungan ng isda na umuokupa sa halos 80 porsiyento ng lawa na nagdudulot ng pagkawala ng oksiheno sa tubig ng lawa. (AMP) (ed VSA)
Lawng Lanao
Ang Lawng Lanao (Lnaw) ang pangalawang pinakamalawak at pangalawa ring pinakamalalim na lawng may tubig tabng sa Filipinas. Matatagpuan ito sa lalawigan ng Lanao del Sur. May lawak itong 347 kilometro kuwadrado, ang lawa ay isa sa 17 sinaunang lawa sa buong mundo. Ang hilagang bahagi ng lawa ay mababaw at lumalalim ito papunta sa bahaging timog. Naliligid ito ng magubat na kabundukan at nagsisilbing reservoir para sa idroelektrikong planta ng Agus na nagdudulot ng 55-65 porsiyentong elektrisidad ng Mindanao. Ang Ilog Agus ang kaisa-isang lagusan ng lawa patungo sa Look Iligan. Ang lawa ay isa ring pangunahing kuhanan ng pagkain at kabuhayan bukod sa nagsisilbing lansangan ng transportasyon at tanghalan para sa mga gawaing pangkultura at panrelihiyon sa mga komunidad sa paligid. Sa pamamagitan ng Presidential Proclamation 971 noong 1992 ay tiniyak na mapoprotektahan ang kagubatan sa paligid at ang tubigang nagdudulot ng koryente at tubig para sa irigasyon at gamit domestiko. Sinasakop ng protektadong pook ang 153,000 ektarya at tahanan sa mayamang mga uri ng flora at fauna, kabilang na ang 18 ispesi ng cyprinid na katutubo sa lawa. Nakatira sa paligid nit ang mga Maranaw. Sinasabing noong araw ay maririnig sa paligid ng lawa ang pag-awit ng darngan kapag takipsilim. Nsa isang gilid nit ang Lungsod Marawi at ang makabagong Marawi State University. Noong 2003, binuo ang Lake Lanao Integrated Development Plan (LLDP) upang maalagaan ang lawa. (AMP) (ed VSA)
Lawng Sbu
Ang Lawng Sbu ay pangalan ng isang bayan at lawa na nsa South Cotabato at nakapaloob sa Lambak Alah. Ang bayan ng Lawang Sebu ay may kabuuang sukat na 891.38 kilometro kuwadrado at elebasyon na 1,000 talampakan kung kayt tinatawag itong Summer Capital ng Katimugang Filipinas. Makikita sa bayang ito ang tatlong natural na lawa, ang Lawang Lahit na may lawak na 24 ektarya, ang Lawang Siluton na may 48 ektarya, at ang pinakamalaking lawa, ang Lawang Sebu na may 354 ektaryang lawak. Isa ang Lawang Sebu sa mga mahalagang watershed o natural na imbakan ng tubig na nsa South Cotabato. Isa ito sa mga pinagkukunan ng tubig para sa irigasyon ng mga taniman sa mga lalawigan ng Sultan Kudarat at South Cotabato. Ang lawa ay napapalibutan ng maburol na kagubatan at idineklarang isang protektadong pook at bahagi ng eko-turismo ng bansa. Kilal itong pook pamayanan ng mga katutubong Tbol, bagaman may nakatira din ditong mga Ubo, Tiruray, at Manobo. Dating bahagi ito ng bayan ng Surallah. Makikita rin dito ang Seven Waterfalls o Dongon Falls, ang magkakasunod na pitng taln: ang Hikong Alu (lagusan), Hikong Bente (ang pinakamataas na talon), Hikong Bilebed (ang paliko-likong talon), Hikong Lowig (kubol), Hikong Kefoi (ligaw na bulaklak), Hikong Ukol (maikli), at ang Hikong Tonok (lupa). Bukod pa dito ang Tidaan Kini Falls na may dalawang bahagdan ng magkasunod na talon. Maraming malalaking kulungan ng isdang tilapya sa loob ng lawa at siyang pangunahing ikinabubuhay ng mga mamamayan. Ipinagmamalaki ding isa sa pinakamalinamnam ang tilapya mula sa lawa at isinisilbi sa ibat ibang luto sa mga turista. Ipinagmamalaki ng mga Tiboli ang katutubong habi, ang tinalak, na itinuturing na isa sa pinakamarikit ang disenyo ng telang mula abaka. Maraming turista ang nagpupunta sa Lawang Sebu kapag may pista dahil sa makulay na palaro at palabas pangkultura ng mga Tiboli. (AMP) (ed VSA)
Lawng Tal
Isang law na may tubig tabng ang Lawng Tal sa lalawigan ng Batangas. Ang tubig ng law ay pumupun sa Kalderang Taal o ang maluwang na bunganga na nabuo dahil sa malaking mga pagsabog ng bulkan mga 500,000 hanggang 100,000 tan na ang nakalilipas. Ang Lawng Tal ang ikatlong pinakamalaki sa bansa, kasunod ng Laguna de Bay at ng Lawng Lanao. Sa gitna ng Lawng Tal ay may tinatawag na Volcano Island na mayroon ding law sa bunganga (crater lake). Ang crater lake ang pinakamalaking law sa mundo na nsa loob ng isang law sa isang pul, na mayroon namang isa ring maliit na pul sa loobang Vulcan Point. Dahil sa naturang pangyayari, ang tubig sa law ay sulpuriko. Ngunit noong araw, ang Lawng Tal ay konektado sa Lok Balayan. Dahil sa mga pagputok ng bulkan noong ika-18 siglo, ang koneksiyon ay kumitid sa isang lagusan, ang Ilog Pansipit, na unti-unting nagbara dahil sa siltasyon. Sa gayon, ang tubig alat sa law ay unti-unting naging tubig tabng. Naging tahanan ang law ng mga katutubong isda at ibang lamng-tubig. Pinakapaborito ang malinamnam na maliput. Pinakapopular naman ang tawlis, na isang tubig tabng na sardinas. Isa ring paboritong pook panturismo ang law at ang matandang bayan ng Tal, Batangas. Unang ipinahayag na protektadong pook ang Lawng Tal noong 22 Hulyo 1967 at sinasaklaw ang 62,292 ektarya. Sa ilalim ng Republic Act 7586 o National Integrated Areas System (NIPAS) Act of 1992, muling naipahayag ang naturang kalagayan ng law noong 16 Oktubre 1996. Ang protektadong pook ay pinamamahalaan ngayon ng isang Protected Area Management Board (PAMB). Napuna ang kapabayaan noong 2008 at magkaroon ng fish kill sa law. Umabot sa 50 metriko toneladang isda ang napuksa. Noon namang 2007, naging kontrobersiyal ang nagtatay ng isang health spa ng kompanyang Koreano sa Volcano Island. (AMP) (ed VSA)
lwin
Ang lwin (Haliastus indus intermedius) ay isang uri ng ibong mandaragit at maninil ng ibang hayop para kainin. Tinatawag din itong bnog sa ilang lugar sa Filipinas. Kilal ito sa tawag na hawk sa wikang Ingles, minsan ay tinatawag din itong falcon. Matatagpuan ang ibong ito sa maraming lugar sa buong Filipinas. Mas gusto nilang tumigil malapit sa mga kabayanan, mga lugar na maraming naninirahan, sa mga lugar na malapit sa karagatan, o sa mga tabing ilog, at karaniwang nakadapo sa sanga ng matataas na punongkahoy. Kumakain ito ng isda, sisiw, palaka, at mga insekto. Pinaniniwalaang iisang uri o magkatulad ang lawin at ang ibong tinatawag na Brahminy Kite na kasama sa pamilyang Accipitridae, at kasama rin ang marami pang ibon tulad ng raptor, agila, buzzard at harrier. Bukod sa Filipinas, matatagpuan ang Haliastus indus sa Sri Lanka, Pakistan, Bangladesh, Indian subcontinent, Timog-silangang Asia at Australia. Ang mga matandang lawin ay may pinaghalng pul at kayumangging kulay ng balahibo, putng ulo at dibdib na nagsisilbing kaibhan nito sa ibang uri ng ibong mandaragit. Ang mga batng lawin ay mas matingkad na kayumanggi ang kulay, mas maiksi ang mga bagwis at bilugan ang buntot. Ang panahon ng pagpapalahi ay mula Disyembre hanggang Abril sa Timog Asia. Sa timog at silangang Australia, nangyayari ito mula Agosto hanggang Oktubre, at mula Abril hanggang Hunyo sa hilaga at kanluran. Ang pugad nit ay yari sa maliliit na sanga at dahon at malimit makita sa ibat ibang uri ng punongkahoy, karaniwan na sa bakawan. Dalawang itlog na kulay maasul na put ang produksiyon ng babaeng lawin na may sukat na 52 x 41 mm. Magkatulong ang babae at lalaking lawin sa paggawa ng pugad at sa pagpapakain, ngunit babae lamang ang lumilimlim. Ang ingkubasyon o panahon ng pagpisa sa mga itlog ay tumatagal ng 26 hanggang 27 araw. (SSC) (ed VSA)
Cesar T. Legaspi
(2 Abril 1917-7 Abril 1994) Itinanghal na Pambansang Alagad ng Sining sa Pintura si Cesar T. Legaspi noong 1990. Bahagi siya ng Thirteen Moderns na nagtaguyod ng sining na moderno ang estilo ngunit nagtampok ng mga paksang sumasalamin sa lipunang Filipino. Kasama sina Manansala, HR Ocampo, Romeo Tabuena, Victor Oteyza, at Ramon Estela, si Legaspi ay isa rin sa tinaguriang mga neo-realist. Bahagi sila ng pagbabago sa sining na nagtaguyod sa sariling pagkakakilanlan matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Filipinas. Hbang nagpapakita ng impluwensiya ng kubismo ang mga likhang Legaspi, ipinamalas niya rin kung paanong ang kubismo na isang estilong Kanluranin ay nabago upang umangkop sa Filipinong kaugalian at dalumat. Sa halip na maging isang abstraksiyon na lamang dahil sa paghahati-hati ng mga bahagi, ang kubismo ni Legaspi ay nagpanatili ng pigura sa pamamagitan ng paghahati sa mga aspekto nito sa isang mas malaking pantay na rabaw at pagsasalansan ng mga ito na animoy isang ritmo ng pagsasanib ng kulay, liwanag at anino, gaya ng makikita sa Stairway; Man and Woman (pinamagatan ding The Beggars, 1945); at Gadgets (1947). Ang unang solong ekshibisyon ni Legaspi ay noong 1963 sa Luz Gallery. Nagkaroon naman siya ng retrospective show sa Museum of Philippine Art noong 1978 at ng tatlong-bahaging eksibisiyon kabilang ang seryeng Jeepney. Bukod sa maraming gantimpala bilang pintor, tumanggap din si Legaspi ng Patnubay ng Sining at Kalinangan mula sa Lungsod Maynila noong 1972 at Gawad CCP para sa Sining noong 1990. Isinilang si Legaspi noong 2 Abril 1917 sa Tundo, Maynila kina Manuel Legaspi at Rosario Torrente. Ikinasal siya kay Vitaliana Kaligadan at nagkaroon sila ng limang anak kablang na ang kilalang mang-aawit at tagapagtaguyod ng orihinal na musikang Filipino na si Celeste Legaspi. Nagtapos siya sa School of Fine Arts ng Unibersidad ng Pilipinas noong 1936. Nagpatuloy siya sa kaniyang pag-aaral sa sining sa Cultura Hispanica sa Madrid at sa Academie Ranson sa Paris, France. Namatay siya noong 7 Abril 1994. (RVR) (ed GSZ)
Gerardo de Leon
(12 Setyembre 1913-25 Hulyo 1981) Iginawad kay Gerardo de Leon (Herrdo de Leyn) ang Pambansang Alagad ng Sining para sa Pelikula noong 1983. Isa siyng premyadong direktor, aktor, at doktor ng medisina. Pamana niya sa pelikulang Filipino ang mga klasikong tulad ng Sisa (1951); Noli Me Tangere (1961); El Filibusterismo (1962); at, Daigdig ng mga Api (1965). Para sa kaniya, ang husay ng pagsalaysay sa pamamagitan ng mga imahen ay sukat ng husay ng pelikula. Magsimula siyng maging direktor sa mga pelikulang, Bahay Kubo (1938) at Amat Anak (1939). Dahil sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nahinto siya sa paggawa ng pelikula, naging direktor sa teatro at nagbalik sa pagiging doktor. Pagkatapos ng digmaan nagpatuloy siya sa paglikha ng pelikula at nag-ambag ng mga hiyas sa industriya, gaya ng Sawa sa Lumang Simboryo (1952); Banga ni Zimadar (1953); Dyesebel (1953); Pedro Penduko (1954); Sanda Wong (1955); Kamay ni Cain (1957); Bakya Mo Neneng (1957); Ako ang Katarungan (1962); at Kulay Dugo (1964). Gumawa rin siy ng mga pelikula kasama ang batikang direktor na si Eddie Romero para itanghal sa ibang bansa. Ginawaran siyng pinakamahusay na direktor ng Maria Clara Award para sa pelikulang Kamay ni Satanas (1950). Kasama siy sa Hall of Fame ng Film Academy of Movie Arts and Sciences dahil sa mahigit na limang ulit na nagkamit ng parangal ng FAMAS para sa Direktor at sa iba pang mga kategorya ng Gawad FAMAS. Nagkamit siy sa Asian Film Festival sa Singapore ng pinakamahusay na direktor ng taon dahil sa pelikulang Ifugao (1954). Isinilang siy noong 12 Setyembre 1913 sa pamilyang nasa teatro. Ama niya ang bantog na direktor ng sarsuwela na si Hermogenes Ilagan at ina si Casiana de Leon na isa namang mang-aawit. Si de Leon at ang kaniyang asawa na si Fely Vallejo ay may isang anak na babae, si Maria Fe, na napangasawa ni Ronaldo Valdez at ina ng aktor at mang-aawit na si Janno Gibbs. Nag-aral siy at nagtapos ng medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas habang nag-aartista, at naging ikaanim pa na pinakamataas sa pagsusulit para sa mga doktor. (RVR) (ed GSZ)
letras y figuras
Isang malikhaing paraan ng pagdibuho sa pangalan ng tao ang letras y figuras (ltras i figras) at nangangahulugang mga titik at pigura. Kinakatawan ng letras ang mga titik ng kabuuang pangalan ng isang tao (ang nagpagawa o ang paghahandugan ng dibuho). Kinakatawan naman ng figuras ang mga ipinahihiyas na anyo ng tao, halaman, hayop, at bagay na ipinanghuhubog sa mga titik. Karaniwang nakapinta ito sa papel de manila at nagtatampok ng karaniwang tagpo ng buhay-Filipino noong siglo 19. May baks ito ng estilong tipos del pais na naglalarawan sa ibat ibang uri ng tao sa isang pamayanan. Isa sa pangunahing manlilikha ng letras y figuras si Jose Honorato Lozano. Halos lahat ng nabubhay pang piraso ng pinturang ito sa panahon ng rurok nit (1840-1880) ay likha ni Lozano. Dahil dito, may haka na siy ang umimbento ng paraang ito. Ang pinakaunang nakaulat na letras y figuras ay pangalang Charles D. Mugford (1845), pangalan ng kapitang Amerikano ng isang barkong pangalakal. Mga pangalang dayuhan ang unang paksa sa letras y figuras. Isang likha ni Lozano na tumawag ng pansin ay ang pangalang Balvino Mauricio (1864). Bukod sa makabuluhang mga tanawin sa Maynila noon ay itinanghal din ang mga bahagi ng bahay-na-bato sa Binondo ni Balvino Mauricio na may hawig sa paglalarawan ng bahay ni Kapitan Tiago sa Noli. Mayamang negosyante si Mauricio at isa sa ipinatapon sa Marianas sa hinalang kasapi ng Himagsikang 1896. (EGN) (ed VSA)
Balvino Mauricio ni Jose Honorato Lozano
ltse plan
Popular na minatamis o himagas ang ltse plan at gawa sa binatng pul ng itlog, gatas, at asukal na hinahaluan kung minsan ng arnibal. Isinisilid ang naturang mga sangkap sa isang hulmahang habilg lta na tinatawag na lyanra at iniluluto sa singaw ng kumukulong tubig. Tiyak na mula ito sa kusinang Espanyol, gaya ng pangyayaring ang pangalan nit (leche flan) at mga sangkap (azucar, arnibal) at gamit (llanera) ay hiram sa wikang Espanyol. May alamat na nauso ang ltse plan dahil kinailangan ang libo-libong itlog sa konstruksiyon ng unang mga moog at simbahang bato. Ang dinurog na balt at put ng itlog ay inihahal sa mortar o pandikit sa mga bato. Ano ngayon ang gagawin sa napakaraming pul ng itlog araw-araw? Nagsawa kahit ang mga trabahador sa pritong binatng itlog sa umagat hpon. Noon daw itinuro ng mga fraile ang panghimagas na ltse plan. Espesyal ang ltse plan ngayon na may pampalasang dayap. Sa mga restoran may isinisilbing ltse plan na inihulma sa mumunting lyanrang bilg. Mainam para sa natatkot madiyabetes. (YA)(ed VSA)
letsn
Kulang ang handa kung pista kapag walang letsn o litsn. Ang pangalan ay mula sa lechon ng mga Espanyol ngunit malaki ang posibilidad na sinaunat katutubo ang pag-iihaw ng isang buong baboy kapag may malaking pagtitipon o may espesyal na pagdiriwang. Ang kasalukuyang mga paraan ng pagleletson sa buong bansa ay waring iba na sa letson noong panahon ng Espanyol at patuloy na binabago ng teknolohiya at engkuwentro sa ibang kultura. Hindi ito dapat ipagtaka, dahil wika nga ni Doreen G. Fernandez, ang lutuing Filipino ay kasindinamiko ng alinmang buhy at lumalaking mukha ng kultura at nagbago sa pagdaraan ng kasaysayan, sa pamamagitan ng pagsagap ng mga impluwensiya, pagsasakatutubo, pag-angkop sa bagong teknolohiya at mga panlasa. Pagalingan pa rin ang mga magleletson sa pantay na luto at lutng ng balt ng buong baboy, Garantisadong pampalinamnam ng lamn ang pagsisiksik ng dahon ng tanglad o pandan sa tiyan ng baboy bago tahiin. Sa ilang pook sa Bulacan, tinitigib sa kanin, patatas, pasas, at iba pang pampalasa ang tiyan kasama ng tanglad at ito ang tinatawag na malangis at malinamnam na bringhe. Sa Batangas, mga dahon ng sampalok, alibangbang, at saging ang ipinalalamn sa tiyan ng letson. Sa Bisayas, karaniwan din ang tanglad ngunit may kahalong bawang, anis, at iba pa bukod sa may nagbababad sa 7-Up sa pampalasa. Ipinagmamalaki ng Cebu ang letson na hindi nangangailangan ng salsa. May panahong monopolisado ng Litson ni Mang Tomas ang komersiyal at madaliang suplay ng letson sa Kamaynilaan. Marami na ngayong kakompetensiya bukod sa may sangay na ng letson mulang Cebu o Cagayan de Oro. May mga restorang naghahanda ng cuchinillo o letsong biik. Tinatawag ding letsong de-letse. May nagdevelop ng teknolohiya na naihahandog ng tinilad nang lamn at loob ng letson ngunit buo pa rin ang balt. Anuman ang mangyari, ang matira sa letson ay nagiging masarap na paksiw na letson. At kung nagtitipid, maaaring mamalengke ng karneng may balt at magpulutan ng letsong kawali, na bukod sa kasinlutng ng orihinal ay kasinyaman sa kolesterol. (DRN) (ed VSA)
lih
Ang lih o paglilihi ay ang masidhing pagnanais, tuwa, galit sa sinuman o anuman ng isang nagsisimulang magdalang-tao. Sa pinakakaraniwang gamit ng salita, tawag ito sa pananabik ng isang nagdadalang-tao na makatikim ng pagkaing itinuturing niyang pinakamasarap sa panahon ng kaniyang pagbubuntis. Madalas na pinaglilihian ang maaasim na prutas tulad ng hilaw na mangga, santol, sampalok, at iba pang katulad. Ngunit maaari ring mapaglihian ang kahit na anong pagkain na maibigan ng nagbubuntis. Bukod sa pagkain, maaari rin namang makawilihang makita at makausap ang isang tao, o kayy tingnan ang isang bagay. Bahagi ng kultura ng lihi ang paniniwalang naisasalin sa magiging supling ang katangian ng kung anumang pinaglilihian. Kay halimbawa, ang paglilihi sa puting laman ng buko ay magbubunga ng maputing anak. Ang paglilihi naman sa balut ay maaaring magresulta sa batng mabalahibo, gaya ng munting sisiw na makikita sa loob ng itlog. Inaasahang maipagkakaloob sa nagdadalang-tao ang anumang mapaglihian niya upang maging maayos ang kaniyang pagbubuntis. Tinatawag itong agli sa Kapampangan at tudki sa Waray. (JCN) (ed GSZ)
likh
Tinatawag na likh noon ang sinaunang mga pigura na hinuhubog mula sa luad at bato. Ayon sa isang matandang bokabularyo, ang likh ay estatua, idolo. Ang dalawang pakahulugan ay maaaring isalin sa pangyayari na tinatawag na sinaunang likha ang mga nililok na anyo at sa pangyayari na karaniwang mga anyo ng sinasambang sinaunang bathala at anito ang nilililok. Pinatutunayan ito ng ulat ni Fray Juan de Plasencia (sirka 1589) na ang likha ay nililok na imahen ng idolo ng sambayanan at may ibat ibang hugis. Kabilang sa ganitong idolo sina Dian Masalanta, Lakapati, at Idyanale. Binanggit din ni Plasencia na may mga likha na imahen ng ninuno nilng yumao at magiting sa digma o may espesyal na talino, kay hinihingan nil ng proteksiyon. May nilililok sa putng bato at adobe na anyo ng kanilang mga diyos hanggang ngayon ang mga lumad sa Palawan. Halimbawa din ang inukit sa kahoy na mga bl-ol. Karaniwang punggok at habilog ang mukha ng mga likhang bathala. Karaniwan namang nakatalungko ang pigura ng bulol. May mga halimbawa din ng katutubong likha na hindi pandambana. May mga anyo ng hayop na nililok sa kahoy, tinatawag na manuk-manuk, at ginagamit na pandekorasyon sa bahay ang mga Tagbanwa. May sisidlang kahoy na anyong ibon ang mga Ifugaw. May disenyong pak ang kkir sa panlong ng mga Maranaw. Ganoon din ang pinukpok na tanso na ginagawang sisidlan ng buy. Pinakamatandang katibayan ng sining sa paglikha ng anyo ang pigura ng bangka at dalawang sakay sa takip ng Tapayang Manunggul, gayundin ang mga pigura sa takip ng mga tapayang natuklasan sa Itum, Saranggani. (VSA)
llok
Paglikha ang llok ng dibuho sa pamamagitan ng paghubog ng bato, kahoy, o metal. Tinatawag din itong eskultra (escultura). Llok din ang tawag sa mismong produkto nitong sining. Ang lilok ay tinatawag ding brik sa Iluko, dkit sa Pampanggo at Tagalog, klit sa Hiligaynon at Sebwano, lkit sa Hiligaynon, at ukit sa Bikol, Hiligaynon, Pampanggo, at Tagalog. Sa Filipinas, isa ang llok sa mga pinakamatandang sining. Bago pa man dumating ang mga Espanyol, ay mga tinatawag ng likh, na karaniwang sumasalamin sa kinamulatang paniniwala ng mga Filipino. Ang bul-ul ng Cordillera ay anyo ng espiritung bantay sa bahay at kamalig. May hugis namang ibon at ibang hayop ang mga llok sa Palawan. May llok sa kahoy na disenyong dahon at pandekorasyon sa bahay ng mga Maranaw. Sa pagdating ng mga Espanyol sa Filipinas, naging tuon ng pagllok ang mga imahen sa altar at ibang bahagi ng simbahang Kristiyano. Ang mga estatwa ng banal na tao at mga retablo ang pinakatampok na trabaho noon. Nagsimulang maging tanyag ang mga Filipino sa mundo ng eskultura noong siglo 19 at sa pamamagitan ng paggamit ng pamamaraang natutuhan sa paaralang Espanyol. Ang unang paaralan ng estado ay ang Academia de Dibujo na binuksan noong 1823. Higit na nakatuon ang uang pagtuturo ng mga sining sa pintura. Bandng 1850 lmang pumasok sa pagtuturo ang eskultura. Sa huling yugto ng panahong Espanyol, pumasok din sa eskultura ang usaping Filipino. Sinimulan ng gaya ni Isabelo Tampinco ang disenyong gumagamit ng katutubong halaman. Ang likha ni Marcelo Nepomuceno na Espiritu y Materia ay lumikha ng kontrobersiya at pinigil maisama sa eksposisyong panrehiyon sa Maynila noong 1895. Isa sa mga natatanging manlililok noong panahong iyon si Guillermo Tolentino. Mula kay Tolentino hanggang Napoleon Abueva ay masisinag ang pagsulong ng eskultura sa kasalukuyan. (EGN) (ed VSA)
Clara Lim-Sylianco
(18 Agosto 1925) Malaki ang naging kontribusyon ni Clara Lim-Sylianco (Klra LimSilynko) sa pagpapaunlad ng pag-aaral ng organikong kimika at biyokimika sa Filipinas. Siy ang kauna-unahang Filipino na nagsagawa ng masusing pag-aaral hinggil sa mutagens, anti-mutagens, at mga mekanismong biyoorganiko. Noong 29 Setyembre 1994, iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Agham. Binigyang diin ni Sylianco ang kahalagahan ng modernong pagtuturo ng organikong kimika sa mga paaralan. Nais niyang bakahin ang nakasanayang paraan na simpleng pagsasaulo ng mga konsepto, pormula, at estruktura ng mga kemikal. Nais niyang linangin ang kritikal na pag-aaral. Mahalaga din sa kaniya ang saliksik. Sinuri niya ang natural na katangian ng mga halamang gamot sa Filipinas at paano magagamit ang mga ito laban sa mutagens. Ang kaniyang laboratoryo sa Departamento ng Kemistri sa UP ay kinilla bilang International Training Center for the Detection of Mutagens na iginawad ng Research Planning in Biological Sciences na nakahimpil sa Washington DC, USA. Kilal din si Sylianco sa kaniyang libro. Siy ang may-akda ng Principles of Organic Chemistry na ginagamit ngayong batayang aklat sa mga kolehiyo at unibersidad. Sinulat rin niya ang mga librong Modern Biochemistry, Structure and Functions of Bio-molecules, Biochemical Mechanisms, Genetic Toxicology, Molecular Nutrition, Molecular Bio-chemistry, at Bioorganic and Bio-inorganic Mechanisms. Isinilang si Sylianco noong 18 Agosto 1925 sa Guihulngan, Negros Oriental. Natapos niya ang Batsilyer sa Agham ng Kemistri sa Siliman University. Tinapos niya ang masterado sa Kemistri sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1953 at nagpatuloy ng mataas na pag-aaral sa University of Iowa bilang Fulbright scholar. Natapos niya ang doktorado sa biyokimika at organikong kimika noong 1957. Matapos mag-aral, nagbalik siy sa UP upang ipagpatuloy ang pagtuturo. Iginawad sa kaniya ng UP ang titulong University Professor noong 1990. Ito ang pinakamataas na antas na maaaring makamit ng isang guro sa pamantasan. (SMP) (ed VSA)
linglng-o
Ang linglng-o ay isang uri ng palamuti na ayon sa mga dalubhasa ay ginagamit at ikinakalakal ng mga sinaunang Filipino at mga tao sa Timogsilangang Asia noong maagang bahagi ng Panahong Metal. Ang halimbawa ng liling-o ay hikaw na hugis bilog na may hiwa sa gilid at yari sa berdeng jade, ginto at kabibe na natagpuan sa mga pook-arkeolohiko sa Bisayas, Batangas, at lalo na sa Kuwebang Duyong sa Palawan. Kahawig nito ang hikaw na dumag na gamit ng mga taga-Cordillera. Ipinapalagay na ang mga nadiskubreng lingling-o ay mula pa sa Panahong Metal (500 hanggang 100 BK) at ang nasabing mga palamuti ay maaaring nadala ng mga unang tao sa Filipnas mula sa Timog-silangang Asia at Timog Tsina. Itinuturing din ang lingling-o bilang isang mamahaling produktong pangkalakal. Dahil sa kamahalan nito ay napilitan ang iba na lumikha ng ganitong uri ng palawit mula sa kabibe at malalambot na bato upang magkaroon ng mas mumurahing uri nito. May iba ring mananaliksik na naniniwalang ang nasabing palamuti, na kaanyo raw ng sinapupunan at daanan ng sanggol, ay isa ring simbolo ng fertilidad. (MBL) (ed GSZ)
Liwnag at Dilm
Ang Liwanag at Dilim ay koleksiyon ng mga sanaysay na sinulat ni Emilio Jacinto, ang tinaguriang Utak ng Katipunan. Kablang sa kalipunan ng sanaysay ang mga sumusunod: Sa Anak ng Bayan, Ang Ningning at ang Liwanag, Akoy Umaasa, Kalayaan, Ang Taoy Magkakapantay, Ang Pag-ibig, Ang Bayan at ang mga Pinuno, Ang Maling Pagsampalataya, at Ang Gumawa. Dahil may pagkaabstrakto ang mga ideang nilinang ni Jacinto sa mga sanaysay, sinikap niyang gumamit ng ibat ibang estratehiya ng pagsulat para maipaabot at maipaunawa ang mga ideang ito sa mga mambabas. Sa sanaysay na Ang Ningning at ang Liwanag halimbawa, ipinag-iba ni Jacinto ang dalawang magkaugnay na salita. Para kay Jacinto, ang ningning ay nakasisilaw, nakasisira ng paningin, at maraya; ang liwanag naman ay kailangan para mapagwari ang katunayan ng mga bagay-bagay. Gumamit siya ng mga kongkretong halimbawa upang idiin na hindi dapat magpalinlang sa panlabas na anyo at hindi rin dapat maging mapanghusga sa kapuwa. Kasunod nity ipinaliwanag niya ang mga bunga ng maling pagsamba sa ningning at pagtatakwil sa liwanag. Bagaman magkakahiwalay ang mga sanaysay, pinag-uugnay naman ito ng mga ideang itinataguyod ni Jacinto, lalo na ang kaniyang paniniwala sa pagkakapantay ng mga tao, sa katwiran, sa katapatan, at sa pag-ibig sa bayan. Kung ikokompara sa panitikang iniluwal ng mga nagdaang panahon, naglalaman ang mga sanaysay ni Jacinto ng mga bagong ideat pananaw. Dahil dito, isinulat ang mga sanaysay sa isang estilong nangangailangan ng muling pagbasa at ng pagmununi upang maunawaan ang nilalaman nito. (GSZ)
Liwaywy
Ang Liwaywy ang pinakamatandang lingguhang magasin na nakasulat sa wikang Filipino. Pinangalanan itong Liwayway, na nangangahulugang pagsikat ng araw, dahil inasahan ng may-ari at tagapaglathala na si Don Ramos Roces, na ito ay magiging bagong simula ng isang matagumpay na publikasyon. Hindi siy nabigo dahil magsisiyamnapung tan nang tinatangkilik ng mambabasng Filipino ang magasin. Una itong lumabas noong 18 Nobyembre 1922, sa pamamatnugot ni Don Ramon, katulong ang manunulat na si Severino Reyes, kapalit ng isinarang Photo News. Ngunit hindi binili ng madla ang magasing ito noong nakasulat sa Espanyol, Tagalog, at Ingles. Naging mabili ang Liwayway, na nakasulat sa Tagalog, at naglabas ng mga katha at tula ng mga bantog na manunulat noon. Dito nabhay ang popular na serye ng mga kuwentong kababalaghan, ang Mga Kuwento ni Lola Basiang ni Severino Reyes. Sa Liwayway unang lumabas ang Ang mga Kabalbalan ni Kenkoy ni Tony Velasquez, Kulafu ni Francisco Reyes, at Isang Dakot na Kabulastugan ni Deo Gonzales, na pinagsimulan ng komiks. Nang panahon ng pananakop ng mga Hapones, ang magasin ay ginamit ng mga bagong mananakop sa ilalim ng Manila Simbunsiya. Noong 1946, ibinalik kay Don Ramon ang publikasyon. Ibinenta niya ito kay Hans Menzi noong 1965 nang magretiro ang huli at maging aktibong tapaglathala. Ibinenta naman ni Menzi ang magasin sa Manila Bulletin Publishing Corp. (AEB) (ed VSA)
Mariano Llanera
(9 Nobyembre 1855-19 Setyembre 1942) Matapang na lider ng Himagsikang Filipino, si Mariano Llanera (Maryno Lyanra) ay naging pinun ng mga Katipunero sa Nueva Ecija at naglingkod na heneral sa ilalim ni Aguinaldo mulang Biyakna-bato hanggang Digmaang Filipino-Amerikano. Naiiba ang kaniyang bandilang itim ang kulay at may nakahiyas na putng bungo, magkakrus na buto, at titik na K. Ginugunita rin ang malikhaing taktika na ginamit niya sa paglusob sa garisong Espanyol sa San Isidro, Nueva Ecija noong sumiklab ang Himagsikang 1896. Isinilang siy noong 9 Nobyembre 1855 sa Cabiao, Nueva Ecija kina Enrique Llanera at Juana Nuez. Nakapag-aral siy sa Colegio de San Juan de Letran ngunit walang natapos. Gayunman, dalawang ulit siyng naging capitan municipal. Dahil isang Mason, inakusahan siyng subersibo ng kura parokong Espanyol at sinamsam ang kaniyang ari-arian. Sumapi siy sa Katipunan at nakatipon ng 3,000 tauhan sa pagsalakay sa garison sa San Isidro noong 2 Setyembre 1896. Pumarada pa sil patungong kutang Espanyol sa tugtog ng musikong bumbong. Babagsak na sana ang bayan pagkatapos ng tatlong araw na pananalakay ngunit dumating ang saklolong 200 sundalong armado ng riple. Bago tumakas, nabaril pa niya ang kapitan ng mga guwardiya sibil. Sinundan pa iyon ng kaniyang paglahok sa mga engkuwentro sa Bulacan, Tarlac, at Pampanga. Noong 1 Disyembre 1896, nagtagumpay siy sa mga labanan sa Baling Kupang at Sibul, San Miguel, Bulacan. Para pasukuin siy, hinli ng mga Espanyol ang kaniyang mga kababayan, winasak ang kaniyang tahanan, at ipiniit ang kaniyang buntis na asawa. Nanganak sa Bilibid ang kaniyang ginang na si Salome Siao-Paco. Sa ikalawang yugto ng himagsikan, nag-organisa siy ng pamahalaang militar sa Nueva Ecija. Pagsiklab ng Digmaang Filipino-Amerikano, naging komandante superyor siy ng unang batalyon sa Nueva Ecija at idinestino sa Maynila ni Hen. Antonio Luna. Pagkatapos, siy ang namahala sa tanggulan sa Gapan at Cabiao, Nueva Ecija. Nahli si Llanera ng mga Amerikano at ipinatapon sa Guam. Nakabalik siy noong 26 Setyembre 1902. Muli siyng nag-asawa kay Felisa Balajadia noong 1919, at namatay noong 19 Setyembre 1942. (VDN) (ed VSA)
loa
Tinatawag na loa (lwa) ang isang mahabng tula na binibigkas upang parangalan o papurihan ang isang mahalagang tao sa pagdiriwang o ang patron ng isang pista. Nagmula ito sa Espanyol na loar na nangangahulugang purihin o papurihan. May mga ulat kung paanong sinasalubong ng mahabng tulang hitik sa mabubulaklak na taludtod at eksaherong papuri ang mga bumibisitang opisyal na pamahalaan noon sa mga lalawigan. Ginagamit din itong imbokasyon sa simula ng isang piging o bago simulan ang isang komdya. Bahagi ng halina ng isang batikang lonte (tawag sa mambibigkas ng loa) ang isaulong pagbigkas ng tula upang wariy noon lmang naisip ang mga pangungusap na may takdang skat at tugma. May naiwang mga halimbawa ng loa si Balagtas. Isa rito ang papuri kay San Miguel na pintakasi ng Udyong, Bataan, at narito ang simula: Sa ganitong sigla at kaligayahan Nunukal sa dibdib ng masayng bayan, Aling puso kay ang di maaakay Magsay kung kahit lugami sa bhay? Sa kaliwat kanan, harapan at likod Katuwaang lahat ang napapanood, Lupay sumisigaw ng ligayat lugod, Ang langit ay aliw ang inihahandog. Aling dahil kay? Bakit bumabalong Luwalhating ito sa bayan ng Udyong? Diyos na malaki, sa awa mot tulong Akoy nananangan sa pagpapanuynoy! Kasunod nit ang pagkukuwento hinggil sa pagpigil ni San Miguel sa binalak na himagsik ni Lusiper sa langit. Marahil din, kung naital nang buo, idinugtong pa ni Balagtas ang mga himala ng Arkanghel noon at maging sa Filipinas. (JGP) (ed VSA)
Larawan ni San Miguel
Leandro V. Locsin
(15 Agosto 1928-15 Nobyembre 1994) Bukod sa isang mahusay at modernistang arkitekto, si Leandro V. Locsin (Leyndro Vi Loksn) ay isang musiko, kolektor, at patron ng sining, mag-aaral ng kasaysayan, tagadisenyo ng set para sa drama, opera at ballet, kilalang eksperto sa pottery na Tsino at pilantropo. Ang kaniyang mga arkitektura, gusali man, tahanan, o iba pa ay nagpapakita ng pagtatagpo ng damdamin, imahen, at karakter ng ibat ibang larang ng sining na naging bahagi ng kaniyang karera at buhay. Ipinagkaloob sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Sining sa Arkitektura noong 1990. Ang Chapel of the Holy Sacrifice sa UP Diliman na ikinomisyon ni Padre John Delaney, SJ noong 1954 ang unang obra ni Locsin. Ang simpleng disenyo nit ay sumasalamin sa arkitektura ni Locsinmaaliwalas dahil sa buks na espasyo, payak ngunit maraming atensiyong ibinibigay sa detalye at ornamento na umaangkop sa kaligiran at kaugalian ng mga Filipino. Ganito rin ang prinsipyong sinasalamin ng isa sa pinakahul niyang nilikha, ang Philippine Stock Exchange Plaza. Ang malalaking arko, malawak na buks na espasyo ng plaza at saganang lungtiang kaligiran nit ay animo isang payapang lugar sa gitna ng isa sa pinakaabalang kalye sa lungsod. Mula 1955 hanggang 1994, ang pangalan ni Locsin ay naging kadikit ng halos 100 gusali, at marami dito ay sa Lungsod Makati. Gayundin ng mahigit 70 tahanan, mga simbahan, hotel, at iba pang pampublikong pasilidad. Ang pinakamalaki at pinakanakamamanghang obra naman na kaniyang nagawa ay ang Istana Nurul Iman, ang palasyo ng Sultan ng Brunei may kabuuang sukat na 200,000 piye kuwadrado. Tumanggap siy ng ibat ibang parangal: Ten Outstanding Young Men Award for Architecture (1959); Pan-Pacific Citation mula sa American Institute of Architects Hawaii Chapter (1961); Rizal Centennial Award for Architecture (1962); Republic Cultural Heritage Award (1970); Patnubay ng Sining at Kalinangan Award (1972); at Arts and Culture Prize sa ikatlong Fukuoka Asian Culture Prizes Ceremony sa Japan (1992). Pinakamatanda sa pitong magkakapatid, si Locsin ay isinilang noong 15 Agosto 1928 sa Silay, Negros Occidental kina Guillermo Locsin at Remedios Valencia. Nag-aral siya sa University of Santo Tomas Conservatory of Music para sa kurso sa musika. Isang taon na lamang at makakakuha na ng diploma sa musika, si Locsin ay pumunta sa kursong arkitektura. Ikinasal
siy kay Maria Cecilia Yulo, anak ng industriyalistang si Jose Yulo, na tapos ng kurso sa music theory sa Manhattanville College sa New York at master sa archaeology sa Ateneo, at biniyayaan ng dalawang anak na sina Leandro Jr. na isa ring arkitekto at Luis. Yumao si Locsin noong 15 Nobyembre 1994. (RVR) (ed GSZ)
longgansa
Sa puwesto ng magkakarne sa palengke ay laging may nagsasampay ng tila nilubid na matatambok at malangis na spot. Ito ang longgansa (longaniza sa Espanyol) o langgonsa, tinadtad o giniling na karne ng baboy na isinilid sa pinatuyong balt ng bituka, ang soriso ng mga Filipino. Iba-iba ang hugis nit. Karaniwan ang pahab na parang maliit na talong. May pabilog na parang malaking holen. Sari-sari din ang mga sangkap na pampalasa. Ngunit maaaring uriin sa dalawa: ang derekado (derecado) na maraming bawang, at ang hamonado (jamonado) na medyo matamis. Naiiba ang longgansang Guagua dahil maalat at medyo maasim. May longgansa na rin ngayong karne ng baka o manok. Tsampiyon ang longgansa sa agahan, kapiling ng samplatong mainit na sinangag, estrelyadong itlog, at ensaladang mga piraso ng kamatis o inihaw na talong. At may sawsawang sukang Paombong o sukang may siling labuyo. Puwede rin itong ipalamn sa pandesal at mainam sa kalusugan kung sasamahan ng kamatis at dahon ng letsugas. Sak umuusok na sampuswelong kapeng barako. Ang cocido ay tunay na Espanyol kung may mga piraso ng chorizo de bilbao. Pangmayaman yon. Ngunit kung walang sorisong Espanyol, longgansa ang nakahal sa garbansos, saging na saba, at mga gulay na carrot, patatas, repolyo, at petsay. Kosdo na sya! Ang totoo, ipinapampalasa ang longgansa sa maraming lutuin. Ipinapalit sa hamn ng nilag. Dinudurog at inihahal sa sinangag. Tinatawag na morslya (morcilla) ang longgansang dugo ng baboy. Ang longgansang makaw ay inihahal sa pansit. (GCA)(ed VSA)
lob
Sa pinakapayak na paliwanag, ang loob ay tumutukoy sa bahagi o rabaw na hindi nakikita. Kay, ang looban ay maaaring tumukoy sa lupang nababakuran o sa kabahayan sa likod ng mga bahay sa tabing kalsada (kay hindi madaling makita). Ang manloob naman ay karaniwang tumutukoy sa tong sapilitang pumasok sa isang teritoryo para magnakaw. Tumutukoy rin ang loob sa dalisay at taal na diwa ng pagkatao. Ang pangalawang depinisyong ito ang may kinalaman sa sikolohiya at pagkatong Filipino at siyang interes ng di-iilang iskolar sa bansa. Bilang isang idea, ang loob ay kumakatawan sa internal na bahagi ng pagkatong Filipino. Kataliwas nito ang labas na kumakatawan naman sa pisikal na bahagi. Maraming idyoma ang loob sa wikang Filipino na naglalarawan ng ibat ibang aspekto ng Filipinong identidad. Ilan sa halimbawa ang: saloobin: panloob na iniisip o nararamdaman; kalooban: kagustuhan; lakas ng loob: tapang; tapat na kalooban: matapat, mapagkakatiwalaan; tibay ng loob: katatagan; kababaang-loob: pagiging mapagkumbaba; kabutihang-loob: kabaitan; kagandahang-loob: pagiging mapagbigay, bagaman saklaw din ito ang iba pang magandang katangian; kusang-loob: pagbibigay nang hindi hinihingi; maluwag sa loob: may kahandaan at kabukasang gawin ang isang bagay; mabigat ang loob: walang kahandaan at kabukasang gawin ang isang bagay; mahina ang loob: duwag; malakas ang loob: matapang; masam ang loob: galit; mapagkaloob: mapagbigay; utang-na-loob: pagtanaw sa nagawang kabutihan ng iba; wala sa loob: hindi alam ang ginagawa; kapalagayang loob: nasasabihan ng anumang bagay tungkol sa personal na buhay. Ipinahihiwatig ng mahabng listahang ito ang kahalagahan ng loob sa kultura at pagkatong Filipino. (GSZ)
Lok Maynil
Maganda at kilalang look na nakaharap sa kanluran ng Lungsod Maynila ang Lok Maynil. Isa ito sa mga kinikilalang natural na kanlungan ng mga sasakyang-dagat sa Timog-silangang Asia. Bahagi ito ng Hilagang Dagat Filipinas at halos naliligid ng mga baybaying pook sa Cavite, Kalakhang Maynila, Bulacan, at Bataan sa timog-kanluran ng Luzon. May lawak itong 1,994 kilometro kuwadrado at paikit na sukat na 190 kilometro. Isa ito sa may pinakamahusay na daungan sa daigdig. Maraming maliliit na pulo sa palibot nito at dalawa sa mga pulong ito ang naghahati sa look, ang pulo ng Corregidor at ng Caballo. Ang 17 kilometrong bukana ay nahahati sa dalawang lagusan, ang lagusang timog na bihirang gamitin at ang lagusang hilaga sa pagitan ng Bataan at pulo ng Corregidor na ginagamit noon pa ng mga sasakyang-dagat. Paboritong pasyalan sa baybayin nit ang Rizal Park at Roxas Boulevard sa Kalakhang Maynila. Mula rito, pinanonood ng marami ang napakagandang tanawin kapag papalubog na ang araw. Ang tanawing ito kung dapithapon ay hinahangaan sa buong mundo. Ang tubig mula sa Lawang Laguna na umaagos sa Ilog Pasig ay lumalabas patungo dito. May maunlad nang kalakalan sa paligid ng look bago pa dumating ang mga Espanyol. Pagkaraang durugin ang kuta ni Soliman sa matandang Maynila ay itinay ng mga Espanyol ang Intramurosang siyudad sa loob ng mooglaban sa anumang pananalakay mula sa look. Nilagyan din ng mga bantayan sa Corregidor at Cavite. Noong 1574, pumasok sa look ang puwersang Tsino sa pamumun ni Limahong. Sa mga tang 1593-1815, ang look ay isang himpilan ng Kalakalang Galeon. Noong Mayo 1, 1898, pinasok naman ito ng mga bapor pandigma ng mga Amerikano sa pamumun ni Admiral George Dewey, kaugnay ng Digmaang Espanyol-Amerikano, at dito naganap ang tinaguriang Labanang Look Maynila. Noong 1942, naging lunsaran din ang look ng mga Hapon sa pagkubkob sa pulo ng Corregidor. Maraming lumubog na sasakyang-dagat dito sanhi ng pagbobomba noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa kasalukuyan, ang look ay nananatiling isang mahalagang lugar pangkalakalan, lalo na para sa industriya ng pangingisda, transportasyon, at turismo. (AMP) (ed VSA)
Iluminado Lucente
(sirka 1883-14 Pebrero 1960) Pangunahing makata at mandudul sa Leytenhon-Samarnon si Iluminado Lucente (Ilumindo Lusnte). Bukod sa pagsusulat, naging masidhi rin si Lucente sa pagsuslong ng wikang Waray. Nagsilbi rin siyng alkalde ng Tacloban at kilal sa palayaw na Dadoy. Lahat ng dulang naisulat ni Lucente ay itinanghal dahil hinihiling ng mga kababayan niya tuwing may okasyon, gaya ng pista o may ikakasal. Ngunit napalilitaw niya sa mga dul ang damdaming makabayan. Halimbawa sa Up Limit Pati Gugma (Pati ang Pag-ibig, Hindi Pwede Puntahan) ay ginamit si Buranday upang ipakita ang pagkamuhi ng manunulat sa mga nahuhumaling sa wikang Ingles, sa pagbsa ng mga tulang Ingles at sa pagkanta ng mga kantang Ingles. Bukod kay Buranday, ipinakita rin ni Lucente sa sarsuwelang An Mapait nga Pinaskuhan (Mapait na Kapaskuhan) ang pagkahumaling ni Nati, ang pangunahing tauhan sa dula, sa mga damit mula sa Amerika at ang paghamak sa barong tagalog at barot saya. May dula rin si Lucente na tumutukoy sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Filipino, ang Anak Han Luha (Anak ng Luha) at Diri Daraga, Diri Balo, Diri Inasaw-an (Hindi Dalaga, Hindi Balo, Hindi Nakapag-asawa). Nakatanghal din ang mga naturang paksain at paninindigan sa kaniyang mga tula. Tinipon niya ang mga ito sa Pinulongan Han Kasingkasing (Ang Wika ng Puso) na nailathala noong 1929. Ilan sa mga ito ang nalapatan ng musika sa tulong ni Silvestre Jaro at Peligrin Rubillos. Mahusay siy sa paggamit ng tradisyonal na tugma at skat. Kaugnay nit ang kaniyang aktibong pagkilos sa Sanghiran sang Binisaya, ang pangunahing organisasyon para sa paglinang sa wikang Waray. Naging patnugot din si Lucente ng An Kaadlawon, ang kauna-unahang diyaryo sa wikang Waray noong panahon ng Amerikano. Ipinanganak si Iluminado Lucente sa Palo, Leyte at anak nina Ciriaco Lucente at Aurora Garcia. Nag-aral siy sa Colegio de San Jose bago lumipat sa Liceo de Manila at nagtapos ng komersiyo sa Colegio Mercantil (National University ngayon) sa Maynila. Nang bumalik siy sa Leyte, nagsilbi siyng kalihim ng alkalde bago nahalal na alkalde noong 1912 at kalaunan ay naging kinatawan sa Camara de Representante. Namatay siy noong 14 Pebrero 1960. (SJ) (ed VSA)
lgaw
Ang lgaw para sa bat at maysakt ay bigas na sinaing at maraming tubig. Kay sinasabing ang lugaw ay iniluto sa pagmamahal. Sapat ang umuusok sa init na isang mangkok na lgaw para umampat ng gtom at para pawisan at gisawan ng lagnat ang maysakt. Ngunit ang lgaw na ginagamit na sabaw o kldo (mula Espanyol na caldo) sa ibang putahe ay may ginisang bawang, sibuyas, at luya. Nilalagyan ito ng pinatuyng bulaklak ng kasubh para magkulay dilaw ang sinaing na bigas at binubudburan sa ibabaw ng mga tinadtad na murng dahon ng sibuyas tagalog (leek). Espesyal ang lgaw kapag nilagyan ng nilagng itlog. Lalo na kapag ginawang goto o aroskaldo. Gto kapag tinampukan ang kaldo ng mga piraso ng bituka at ibang lamng-loob ng baboy. Aroskldo (arroz con caldo) o pspas kapag tinampukan ng mga piraso ng manok. May panahong namulaklak ang Kamaynilaan sa mga tindahan ng goto. Nauso rin ang tkwat bboy na pantampok sa kaldo. May tinatawag ngayong pares sa karinderya at maaaring pumil ng dalawa sa mga nabanggit na pantampok kasma ng lgaw. (DRN) (ed VSA)
lmad
Isang salitng Sebwano ang lmad at nangangahulugan ng katutub sa isang pook. Noong Hunyo 1966, pinagtibay sa kongreso ng 15 pangkating etniko sa Mindanao na ito ang itawag nil sa sarili upang mabukod sa mga grupong Kristiyano at Muslim. Pormal itong tinanggap nang gamitin ang lmad sa Artikulo XIII Seksiyong 8(2) ng R.A. 6734 na pinirmahan ni Pangulong Corazon C. Aquino. Binubuo ang 15 ng Subanon, Bilaan, Mandaya, Higaonon, Banwaon, Talaandig, Ubo, Manobo, Tiboli, Tiruray, Bagobo, Tagakaolo, Dibabawon, Manguangan, at Mansaka. Sa senso noong 1993 humigit-kumulang sa 2.1 milyon sil ng kabuuang 6.5 katutubong populasyon sa buong bansa. Ginagamit ito ngayon upang tumukoy sa isang sinaunang pangkatin ng tao sa Filipinas. Ngunit, kung tutuusin, lmad ang lahat ng pangkating dinatnan dito ng mga Espanyol. Pinakamatanda ang iba-ibang pangkating Itim, ang mga Agt (tinatawag ding Ita, Ati, Balug, Negrito, at iba pa), na sinasabing nakarating dito mulang kontinenteng Asyano sa pamamagitan ng mga lupaing-tulay. Nang mawala ang mga lupaing-tulay, dumating sa Filipinas ang ibat ibang pangkating manlalakbay-dagat na matatagpuan din sa Indonesia, Malaysia, at ibang lupain sa loob at paligid ng Karagatang Pasipiko. Kay itinuturing na magkakapamilya ang lahat ng wika sa Filipinas at ang mga wika sa Karagatang Pasipiko. Ang mat halimbawa sa Filipino ay mat rin sa mga lupain sa buong Karagatang Pasipiko. Sa mga pangkating katutubo ngayon, pinakamalalaki ang naging Kristiyanong Tagalog, Sebwano, Ilonggo, Ilokano, Bikolano, Kapampangan, Waray, at Panggasinense. Sumunod ang mga Muslim sa pangunguna ng Magindanaw, Maranaw, at Tausug. Kung uuriin sa wikang katutubo na umaabot sa 175, hinahati sa paraang heograpiko ng mga lingguwista ang mga pangkating etniko sa Hilagang Filipinas at Katimugang Filipinas. Ang una ay sumasaklaw sa mga wika sa Luzon, kasma na ang Ivatan, Ibanag, Kalinga, Sambal, Agta, Dumagat, at Iriga Bikol. Ang ikalawa ay sumasaklaw sa mga wika sa Kabisayaan at Mindanao, kasma na ang Kiniray-a, Aklanon, Subanun, Manobo, Mamanwa, Tagbanwa, Mapun, Badjaw, Yakan, at Tiboli. Inuuri din ng mga lingguwista ang mga wika alinsunod sa higit na magkakalapit ang mga katangiang pangwika. (EGN) (ed VSA)
Bienvenido L. Lumbera
(11 Abril 1932) Itinanghal si Bienvenido L. Lumbera (Biynvendo El Lumbra) bilang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan noong 2006. Makata, libretista, iskolar, makabayan. Kinilala ang ambag ni Lumbera sa pagpupunyagi niyang matuklasan ng mamamayang Filipinong ang kanilang identidad pangkultura, gayundin, ang pag-uugnay niya ng kaniyang sining sa bayan. Bilang makata, nakilala si Lumbera sa isang labas ng Heights noong 1965 na may mga tulang pinamagatang Bagay. Kasama ang kaibigan at kapuwa Pambansang Alagad ng Sining na si Rolando S. Tinio at mga estudyanteng sina Jose F. Lacaba, Antonio E. Samson, at Edgar C. Alegre, at paring Heswita na si Edmundo Martinez, nagpamalas ang kanilang mga tula ng Modernistang paraan laban sa labis na pangangaral at sentimentalismo na umiiral sa pagtulang Tagalog. Bilang libretista, itinatanghal ni Lumbera sa kaniyang mga dula ang katutubong sining at pagpapahalaga sa kasaysayan at kultura ng bansa at isinasakongkreto sa manonood ang kaniyang mithiing demokratiko para sa Filipinas, gaya sa musikal na Tales of the Manuvu at Rama Hari, pagsasatanghalan ng Noli Me Tangere, America is in the Heart, at Banaag at Sikat, at sarsuwelang Hibik at Himagsik. Si Lumbera ay isa ring mahusay at masugid na tagasubaybay at tagapagsalaysay ng pag-unlad ng panitikan, wika, at kulturang Filipino. Produkto nito ang mga aklat na Philippine Literature: A History and Anthology, Revaluation: Essays on Philippine Literature, Cinema and Popular Culture, Abot-Tanaw: Sulyap at Suri sa Nagbabagong Kultura at Lipunan, Paano Magbasa ng Panitikang Filipino?, at Writing the Nation, Pag-akda ng Bansa. Aktibo rin siyang kasapi sa mga kapisanang politikal mula noong maging tagapangulo siya ng Panulat para sa Kaunlaran ng Sambayanan (PAKSA) hanggang sa Concerned Artists of the Philippines (CAP). Kabilang sa mga karangalan niya ang Gawad CCP para sa Sining (Panitikan) noong 1991, Ramon Magsaysay Awards for Journalism, Literature and Creative Communication Arts noong 1993, at Gawad Tanglaw ng Lahi ng Ateneo De Manila University noong 2000. Isinilang si Lumbera noong 11 Abril 1932 sa Lipa City, Batangas kina
Timoteo at Carmen Lumbera. May apat na anak siya sa asawang si Cynthia Nograles. Nagtapos siya bilang cum laude sa kursong Batsilyer sa Literatura, major sa Journalism sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1954. Nakamit niya ang digring masteral at doktoral sa Comparative Literature sa Indiana University sa Estados Unidos. (RVR) (ed GSZ)
lumpiy
Ang karaniwang lumpiy ay ginisang tinadtad na gulay na may sahog na karne o hipon at isinilid sa manipis na pamblot na gawa sa minasa arinat itlog. Kung walang pamblot, tinatawag itong lumpiyng hubd. Ngunit nangangahulugan din ito ng anumang putahe na inihaing may naturang pamblot. Isang popular, halimbawa, ang lumpiyng shanghai (synghay, ipinangalan sa siyudad ng Shanghai bagaman hindi nagmula doon) na ibinlot na giniling na karneng baboy at ipinritong nakalubog sa mantika. Isang sining ang paggawa ng lumpiyng sariw. Una, kailangang pumil ng matibay at bagong gawang pamblot. Rekomendadong mas matibay ang pamblot na gawa sa itlog ng itik. Ang palamn ay karaniwang ginisang gulay (repolyo, carrot, sitaw, green peas) at mga piraso ng hipon at karneng may wisik na patis. May nagdadagdag ng tiyan ng bangus, kabute, at hinimay na alimango. Karanggo nit ang lumpiyng bod na may palamng ubod ng niyogisang mamahaling pagkain sa mga pook na walang niyugan. Isa pa ang lumpiyng labng, na nagtatampok naman sa bagong supling ng kawayan. Malimit ngayong nakaipit ang mga hinimay na labong o ubod sa isang malapad na dahon ng letsugas upang higit na umakit ng gana. May katernong sawsawan ang mga naturang lumpiy. Inihahain ang lumpiyng shanghai na may malapot na salsang tamis-anghang. Ang karaniwang lumpiy ay isinasawsaw sa sukng may bawang, kung minsan, may pampatapang na pamintat siling labuyo. (EGN) (ed VSA)
Antonio Luna
(29 Oktubre 1866-5 Hunyo 1899) Si Antonio Luna (Antnyo Lna) ang Filipinong heneral na namun sa hukbong sandatahan ng Himagsikang Filipino at pangalawang kalihim ng digma sa Republikang Malolos. Kinikilala siya bilang pinakamahusay na Filipinong heneral sa kaniyang panahon. Siy rin ang nagtatag ng unang akademya militar ng bansa. Kapatid niya ang pintor na si Juan Luna. Isinilang siy noong 29 Oktubre 1866 sa Urbiztondo, Binondo, Maynila, at bunso sa pitong anak nina Joaquin Luna de San Pedro at Laureana Novicio-Ancheta. Nakamit niya ang batsilyer ng artes sa Ateneo Municipal de Manila at nag-aral ng panitikan at kemistri sa Unibersidad ng Santo Tomas. Nag-aral siy sa Espanya ng parmasyutika. Hinangaan siy ng mga Europeo sa kadalubhasaan sa mga sakit sa tropiko gaya ng dilaw na lagnat. Bilang isa sa mga Filipinong naglunsad ng Kilusang Propaganda, sumulat siya mga sanaysay at kuwento sa La Solidaridad sa ilalim ng sagisag na Taga-ilog. Nagbalik siy sa Filipinas at tahimik na namuhay bilang parmasyutiko. Dinakip siy noong 19 Agosto 1896 at ipinatapon sa Espanya dahil napaghinalaang tagapagtaguyod ng Katipunan. Habang nsa ibang bayan, pinag-aralan niya ang sining ng pakikidigma sa Belgium. Muli siyng nagbalik sa Filipinas nang Digmaang Filipino-Amerikano at hinirang ni Heneral Emilio Aguinaldo bilang heneral. Itinatag din niya ang diyaryong La Independencia. Disiplina ang pangunahing itinuro niya sa hukbong Filipino. Itinatag niya sa Malolos ang Academia Militar, ang binhi ng kasalukuyang Philippine Military Academy. Pinarusahan niya ang bawat sumuway sa batas militar. Dahil sa kaniyang kapusukan, kahigpitan, at tagumpay sa mga labanan ay marami ang nainggit sa kaniya. Noong 5 Hunyo 1899, nagpunta siy sa Cabanatuan, Nueva Ecija dahil sa mensaheng ipinatawag siy ni Aguinaldo. Pinaslang siy ng mga sundalo sa pamumun ni Kapitan Pedro Janolino na minsang sumuway sa utos niya at inirekomendang alisin sa hukbo. Sa kaniyang kamatayan, tuluyang humin at dumanas ng sunod-sunod na pagkatalo ang hukbong Filipino. Isang pinunng Amerikano, si Heneral Hughes ang nagsabing, Isa lmang ang heneral ng mga Filipino, at siyy pinaslang nil. (PKJ) (ed VSA)
Juan Luna
(24 Oktubre 1857-7 Disyembre 1899) Dakilang pintor sa huling bahagi ng siglo 19 si Juan Luna (Huwn Lna) at isang sagisag ng pambihirang talinong Filipino sa panahon ng Kilusang Propaganda. Nagwagi ng medalyang ginto ang kaniyang obra maestrang Spoliarium sa Exposicion General de Bellas Artes sa Madrid noong 1884. Sa pagpupugay nit Rizal, sinabi niyang patunay ang pintura ni Rizal na ang henyo ay walang lupain at nangangahulugang may kakayahan ang mga Filipino na kapantay o hihigit pa sa mga Europeo. Isinilang si Juan noong 24 Oktubre 1857 sa Badoc, Ilocos Norte, anak nina Joaquin Luna de San Pedro at Laureana Novicio. Nakababat niyang kapatid si Antonio Luna. Lumipat sa Maynila ang pamilya Luna noong 1861 kay nakapagtapos siy sa Ateneo de Manila. Nag-aaral siy sa Escuela Nautica at natamo ang sertipikong piloto de altos mares tercer clase (magdaragat, ikatlong antas). Hbang naghihintay ng pagsakay sa barko, nag-aral muna si Luna sa Academia de Dibujo y Pintura sa ilalim ni Lorenzo Guerrero. Napansin ang kaniyang husay at hinikayat ng guro ang mga magulang na pag-aralin pa ng sining ang binata. Ipinadala siy sa Espanya. Nagtungo din siy sa Italya at sa Pransiya. Napangasawa niya si Paz Pardo de Tavera at nagkaroon sil ng dalawang anak, sina Andres Luna at Maria de la Paz. Sa Madrid Art Exposition noong 1881, nagwagi ng medalyang pilak ang kaniyang obrang Cleopatra. Noong 1883, sinimulan niyang gawin ang Spoliarium. Nang sumunod na taon, nilikha niya ang El pacto de sangre (Sandugo) at Miguel Lopez de Legazpi, na dinal sa Maynila bilang proyekto para sa natamo niyang scholarship. Nagpahayag siy ng pagkasaw sa estilong pang-akademya (na mahilig sa mga historiko at klasikong paksa) sa sining noong 1889. Sa yugtong ito ay nalikha niya ang Le Chifonier (Tagapulot ng basahan) na nagpapakita ng matandang lalaking gulanit ang suot at may dalng basket ng basahan. Noong 1892, natapos niya ang Peuple et Rois (Taumbayan at Mga Hari) na balak niyang ilahok sa Chicago Universal Exposition sa tang iyon. Ngunit hindi ito nangyari dahil sa personal na trahedya. Binaril niya ang sariling asawa at biyenan. Napawalang sala siy at nagbalik sa Maynila noong 1894. Noong Agosto 1896, dinakip siy at ang kaniyang mga kapatid sa hinalang kasapi ng Katipunan. Napawalang sala siy at nagtungo sa Espanya para ayusin ang pagpapatawad sa kaniyang kapatid na si Antonio. Pumanaw siy sa Hong Kong noong 7 Disyembre 1899 hbang pabalik na sana sa Filipinas. (RPB) (ed VSA)
lungsd
Ang lungsd ay isang dibisyong politikal sa Filipinas at nagsisilbing epektibong instrumento sa pamamahala at mahalagang mekanismo sa paghahatid ng direktang serbisyo sa mamamayan. Binubuo ito ng mas maunlad, matao, at urbanisadong mga pamayanan o grupo ng mga barangay. Tulad ng isang munisipalidad, pinamumunuan ang lungsod ng alklde at bse alklde. Mayroon itong Sangguniang Panlungsod na binubuo ng mga halal na kagawad at nagsisilbing batasan. Ang salitng lungsd ay mula sa wikang Sebwano na nangangahulugang nayon. Kinuha ito ng wikang Filipino upang itumbas sa siyudd (ciudad) ng Espanyol at city ng Ingles. Sa kasaysayan, ang unang mga siyudad na itinatag ng mga Espanyol ay Maynila, Cebu, Nueva Caceres (Naga sa Bikol ngayon), Arevalo (Iloilo), Nueva Segovia (Lal-lo ngayon), Villa Fernandina (Vigan ngayon). Tinatawag na ayuntamynto (ayuntamiento) ang pamahalaang lungsod noon na may dalawang alkalde, 12 regidores o konsehal, hepe ng pulisya, at ibang opisyal. Ang isang munisipalidad o kumpol ng mauunlad na barangay ay maaaring maging ganap na lungsd kung ito ay kumikita ng hindi babab sa dalawampung milyong piso (P20,000,000.00) sa nakaraang dalawang taon; may populasyong hindi babab sa 150,000; at may saklaw na teritoryong hindi babab sa 100 kilometro kuwadrado. Ang isang lungsod ay maaari lmang likhain, buwagin, o palakihin ng Kongreso ng Filipinas subalit kailangan pa rin ang pag-sang-ayon ng mayorya ng apektadong mamamayan sa pamamagitan ng isang plebisito. May tatlong pangunahing uri ng lungsd: ang Sadyang Urbanisadong Lungsod, ang tinatawag na Independent Component City, at ang Component City. Inuuri din ang mga lungsd ayon sa taunang kita: una o primera na may taunang kita na higit sa P400 milyon; pangalawa o segunda na may taunang kita na P320 milyon hanggang P400 milyon; pangatlo o tersera na may taunang kita na P240 milyon hanggang P320 milyon; pang-apat na may taunang kita na P160 milyon hanggang P240 milyon; panglima na may taunang kita na P80 milyon hanggang P160 milyon; at pang-anim na may taunang kita na mabab sa P80 milyon. Sa hulng senso noong Setyembre 2011, mayroon nang 138 lungsd sa Filipinas. (SMP) (ed VSA)
Lungsd Baguio
Ang tinaguriang Summer Capital ng Filipinas na matatagpuan sa lalawigan ng Benguet. Ang Lungsd Baguio (Bgyo) ay nsa ibabaw ng isang talampas na may 1,520 metrong taas mula sa dagat at may pangkaraniwang temperaturang 18 sentigrado. Ang malamig na klima ng siyudad ang nagsisilbing pangunahing atraksiyon upang puntahan ito ng mga bakasyonistang Filipino at mga dayuhan lalo na sa panahon ng taginit. Ang lalawigan ng Benguet ay bahagi ng Cordillera Administrative Region (CAR). May 130 ang kabuuang bilang ng barangay ng Baguio. Tinatawag ang Baguio na Kafagway ng mga katutubo mula sa ibat ibang pangkating etniko dito. Ang kasalukuyang pangalan ay sinasabing hango sa halamang bagiw. Nagpunta dito ang mga mananakop na Espanyol upang maghanap ng mga mina ng ginto, pilak, at tanso. Nang masakop ng mga Amerikano ang Filipinas, itinatag nil ang unang pamahalaang sibil dito noong ika-1 ng Hunyo 1903. Hanggang 1909, ang siyudad ay isang lugar na ginawang minahan ng Benguet Consolidated Mining Company. Ang tatlong pangunahing daan patungo sa siyudad ay ang Naguilian Highway, Marcos Highway, at ang Kennon Road. Ang Session Road ang pangunahing daan sa loob ng lungsod. Makikita rin dito ang Burnham Park, ang pangunahing parkeng pasyalan ng siyudad na ipinangalan kay Daniel Burnham, ang nagdisenyo ng plano ng siyudad. Ang pamilihan ng siyudad na nsa bahaging dulo ng Session Road ay tampok sa mga panindang gulay, prutas, mga hinabing damit, at yaring-kamay na dekorasyon. Dinarayo rin dito ang Wright Park, na may mga kabayong sinasakyan ng mga turista at tinatahak ang daan patungong tarangkahan ng Mansion House, ang opisyal na bakasyunan ng Pangulo ng Filipinas. Ang ibang lugar pasyalan dito ay ang Mines View Park na nagpapakita ng kabuuang lawak ng bulubundukin ng Benguet. Narito rin ang Camp John Hay na dating kampo ng mga Amerikano at ngayon ay naglalaman ng mga pasilidad na buks sa publiko. Ang Philippine Military Academy (PMA) ay matatagpuan din sa may labas ng siyudad. Bagong atraksiyon ang taunang Panagbenga Festival na nagtatampok sa magagandang bulaklak na tanim sa malamig na kabundukan. (AMP) (ed VSA)
Lungsd Vgan
Ang Lungsod Vigan ang kabesera ng Ilocos Sur na napabilang sa Talaan ng Pamanang Pandaigdig ng UNESCO noong 1999. Kinilala ito bilang pinakamakagandang halimbawa ng nabubuhay pang ipinlanong bayang kolonyal na itinatag ng mga Espanyol sa Asia. Ang disenyo at arkitektura nit ay walang katulad sa alinmang bayan sa Silangan at Timog Silangang Asia at mailalarawan bilang pagsasanib ng mga elementong pangkultura mula sa mga bayan sa Asia at Europa. Isa sa pinakamatandang bayan sa bansa, ang Lungsod Vigan ay itinatag noong 1572 ng Kastilang si Juan de Salcedo bilang isang sentro ng kalakalan sa rehiyong Ilocos. Naging lunsaran ito ng kalakalang Galeon sa pagitan ng Acapulco at Maynila. Bukod sa kalakalan ng mga produkto, nagsilbing daluyan din ito ng palitan ng mga tao at kultura ng ibat ibang bansa. Tinawag ni Salcedo itong Villa Ferdinandina bilang parangal sa unang anak na lalaki ni Haring Felipe II ng Espanya. Ang Vigan ay siya ring matandang kabesera ng buong Ilocos noong hindi pa ito nahahati sa dalawang lalawigan. Ang salitng Vigan ay nagmula sa kabigaan o lugar na maraming tanim na bigaa, isang uri ng bungangugat na gaya ng gabe. Ang matatandang bahay-na-bato at kalsada ng Lungsod Vigan ay nahahawig sa makikita sa Intramuros, Maynila. Dahil dito, tinagurian ito ngayong Intramuros sa Hilaga. Dinarayo rin sa Vigan ang matandang katedral na may malalaking imahen ng mga estasyon ng krus na nililok ng kamay, gayundin ang malalaking bornay at hinabing telang Ilokano. (RVR) (ed GSZ)
lupang-tuly
Ang lupang-tuly ay tumutukoy sa mga lupaing nagkabit sa Filipinas sa ibang bahagi ng Timog Silangang Asia, sa kontinental na Asia, at pati na rin sa kontinente ng Australia. Lumantad ang nasabing mga lupaingtulay noong bumaba ang level ng dagat nang 100 metro noong Panahong Pleistocene, mga 400,000 hanggang 500,000 taon na ang nakalipas. Sinasabi na ang hilagang Luzon noon ay konektado sa Taiwan, ang Mindanao ay nakakabit sa Myanmar, Malaysia at Java, hbang magkadugtong ang mga lupain ng Palawan at Borneo. Ang nasabing mga lupaing-tulay ang nagbigay-daan sa pagdating ng mga hayop at mga grupo ng sinaunang tao mula sa ibang lugar sa kasalukuyang Filipinas. Ito daw ang dahilan ng pagkadiskubre ng mga lab ng estegodon sa Mindanao, elepante sa Iloilo at Pangasinan, rhinoceros sa Cagayan, at usa sa ibat ibang bahagi ng bansa na nabubuhay rin sa ibang bahagi ng Asia noong panahong Pleistocene. Ayon sa antropologong si Otley Beyer, ang mga sinaunang tao ng Filipinas at mga grupo ng Negrito ay nakarating din sa bansa sa pamamagitan ng paglalakbay sa mga lupaing-tulay. Nang muling tumaas ang level ng tubig sa karagatan bunga ng pagtaas ng pandaigdigang temperatura pagkaraan ng daan-libong taon ay muling nalubog ang mga lupaing-tulay at tuluyang nahiwalay ang Filipinas sa kontinente ng Asia. (MBL) (ed GSZ)
Artro R. Luz
(29 Nobyembre 1926) Arturo Rogerio Dimayuga Luz ang buong pangalan, si Artro Luz ay isang modernistang pintor at eskultor. Kinilala siya sa kaniyang minimalista subalit magarang mga pintura, eskultura, guhit, print, etching, larawan, tapestry, collage, at iba pang nilikha sa loob ng mahigit kalahating siglo. Iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Sining sa Sining Biswal noong 1997. Mahahati sa tatlong hanayan ang kaniyang mga obra. Ang bawat isa ay kumakatawan sa yugto ng kaniyang maningning na karera. Noong maagang bahagi ng dekada 50, makikita ang impluwensiya ni Rufino Tamayo, isang Mehikanong ekspresyonistang pintor, sa kaniyang mga nilikhang tulad ng Candle Vendors (1951, oleo sa marine plywood) at Street Musicians (1952). Noong 1957-1964 naman ay impluwensiya ni Paul Klee, isang Alemang pintor, ang katangian na makikita sa kaniyang Carnival and Cyclist Series. Ang hulng mga taon ng dekada 60 ay kakikitahan ng malalaking eskultura na yari sa marmol, kahoy, at metal. Noong 1969, dalawang krusyal na resolusyon ang tinupad ni Luzuna, ang paglipat mula piguratibo patungong abstraksiyon; at ikalawa, ang pagbibigay-diin sa eskultura, gaya sa nakatanghal sa Philippine International Convention Center (Grid, stainlees steel), Westin Philippine Plaza Hotel (Interlocking Forms, concrete), Ayala Museum at Ateneo De Manila University. Maging ang mosaic na sahig ng Church of the Holy Sacrifice ng UP ay disenyo ni Luz. Nagkamit siy ng ibat ibang parangal, gaya ng Republic Cultural Heritage Award (1966); Order of Chevalier des Arts et Letres mula sa pamahalaang Pranses (1978); Gawad CCP para sa Sining Biswal (1989); at Diwa ng Lahi Award, Lungsod Maynila (1993). Isinilang siy noong 29 Nobyembre 1926 sa Maynila kina Valeriano K. Luz at Rosario Dimayuga. Nag-aral siy sa University of Santo Tomas School of Fine Arts sa loob lamang ng tatlong buwan. Noong 1994, nakamit niya ang diploma mula sa California College of Arts and Crafts sa Oakland para sa tatlong tang masusing pag-aral sa kulay, disenyo, at pagguhit. Kumuha siy ng karagdagang pag-aaral sa Brooklyn Museum Art School sa New York at sa Acadmie Grande Chaumire sa Paris. Ikinasal siy kay Teresita Ojeda at may apat na anak. Naging punng ehekutibo siy ng Design Center Philippines (1973-1987), direktor ng Metropolitan Museum of Manila (1976-1986), at may-ari ng Luz Gallery. (RVR) (ed GSZ)