Ibong Adarna Buod

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

IBONG ADARNA (BUOD)

Ang Ibong Adarna ay kwento ng isang prinsipe na naglakbay at nakipagsapalaran upang


mahanap ang ibong makapagpapagaling sa kanyang ama. Ikiniwento dito ang buhay pag-ibig ng
prinsipe at ng kanyang mga kapatid. Ipinakita rin dito ang katapangan at kabutihan ng prinsipe.
Nagsimula ang kwento nang magkaroon ng malubhang sakit ang isang hari mula sa
kaharian ng Berbanya. Si Don Fernando ang haring iyon na maybahay ni Donya Valeriana. Sila
ay may tatlong anak na sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan. Sinasabing ang sakit ay mula sa
masamang panaginip ng hari at ang tanging lunas ay ang awit ng isang ibon na tinatawag nilang
Ibong Adarna. Ito ay pinahanap, at ang unang umalis ay si Don Pedro, ang panganay sa
magkakapatid. Nakarating siya sa puno ng Piedras Platas kung saan makikita ang ibon ngunit
hindi niya ito nahuli dahil siya ay nakatulog sa pag-awit ng ibon at siya ay naiuputan na
humatong sa pagiging bato niya. Sinasabing kapag nakatulog ka sa pag-awit ng Ibong Adarna at
ikaw ay naiputan, ikaw ay magiging bato. Sumunod na umalis si Don Diego upang hanapin ang
nasabing ibon ngunit sa kasamaang palad ay natulad siya sa kanyang kapatid. Si Don Juan ay
paalis na nang pigilan siya ng kanyang ama na sa takot ay baka maging tulad siya ng kanyang
mga kapatid, sa pangungunbinsi niya ay nagpatuloy siya at nangakong maidadala niya ang ibon
at magagamot ang kanyang ama. Sa kanyang paglalakbay ay napansin niya ang isang ermitanyo
na gutom-gutom at hindi pa kumakain, tinulungan niya ito at pinakain. Nang dahil sa kabaitang
iyon na ipinamalas ng prinsipe ay binigyan ito ng impormasyon ng ermitanyo upang mahuli ang
ibon. Siya ay nagtagumpay at nailigtas din niya ang kanyang mga kapatid sa pagiging bato.
Habang nasa daan sila pauwi, isang kataksilan ang ginawa ng mga kapatid ni Don Juan.
Pinagtulungan ng dalawa ang bunsong prinsipe upang makuha nila ang ibon at maghari sa trono.
Umuwi ang dalawa at pinaawit ang ibon ngunit ayaw nitong umawit sapagkat ang tanging
makakapagpakanta lamang sa kanya ay ang nakahuli sa kanya. Sa kabilang dako, tinulungan ng
ermitanyo si Don Juan sa kanyang mga sugat. Nakauwi siya at ikinuwento sa hari ang nangyari.
Pinaawit ni Don Juan ang ibon at sa munting boses nito ay gumaling na ang hari. Ipapatapon na
sana ng hari ang dalawa niyang kapatid ngunit itoy pinigilan ni Don Juan at nakiusap na
patawarin na lamang sila. Sa kasamaang palad ay nakatakas ulit ang ibon at ito ay muli nilang
hinanap.

Sa kanilang paglalakbay ay nakakita sila ng balon. Nakarating sila sa kaharian ng


Armenya at doon ay nakilala nila ang dalawang prinsesa na sina Juana at Leonora. Muling
pinagtaksilan ng dalawang magkapatid ang bunso. Umuwi ang dalawang magkapatid kasama
ang dalawang prinsesa at naiwan sa gubat si Don Juan. Ikinasal si Don Diego kay Juana,
samantalang si Leonora ay ayaw pumayag na ikasal kay Don Pedro.
Nang magkaroon ng lakas ay muling naglakbay si Don Juan upang hanapin ang Ibong
Adarna, kanya itong natagpuan at sinabing kalimutan na si Leonora, na kanyang nagustuhan sa
dalawang prinsesa. Nang naglaon ay nagpunta siya sa Reyno de los Cristal at doon ay nakilala
niya si Maria Blanka. Sila ay nagka-ibigan subalit pilit itong hinahadlangan ng kanyang ama.
Dahil sa takot ng prinsesa sa prinsipe, sila ay nagtanan. Sa galit ng hari ay kinalimutan niya ang
prinsipe at binura sa kanyang isipan ang alaala nito. Paggising ni Don Juan ay wala na sa
kanyang isipan si Donya Maria kaya umuwi na siya sa Berbanya na ang hangarin ay makasal kay
Leonora. Nagpunta naman si Maria sa kaharian ng Berbanya upang ipaalala ang pinagsamahan
nila ni Don Juan at ito ay bumalik sa isipan ng prinsipe. Ikinasal si Don Juan kay Maria at si
Leonora kay Don Pedro at ito ay ipinagdiwang sa buong kaharian ng Berbanya.

You might also like