Ibong Adarna Summary
Ibong Adarna Summary
Ibong Adarna Summary
Nagsimula ang kwento nang magkasakit ang hari dahil sa isang masamang panaginip.
Dahil dito, ipinahanap ang Ibong Adarna na sinasabing ang awit lamang nito ang magiging
solusyon sa sakit ng hari. Unang umalis si Don Pedro, ang panganay sa tatlong magkakapatid.
Nakarating siya sa Piedras Platas kung saan makikita ang ibon ngunit hindi niya ito nahuli
sapagkat nakatulog siya at naging bato. Sumunod na umalis si Don Diego upang hanapin ang
nasabing ibon ngunit sa kasamaang palad ay natulad siya sa kanyang kapatid. Nang aalis na si
Don Juan, ang bunso, pinigilan siya ng kanyang ama dahil sa takot nab aka matulad siya sa
kanyang mga kapatid. Ngunit dahil na rin sa kanyang pangungumbinsi ay pinayagan siya ng
kanyang ama. Sa kanyang paglalakbay, nakita niya ang isang ermitanyo at kanya itong
tinulungan. Dahil dito, binigyan siya nito ng impormasyon upang mahuli ang ibon. Siya ay
nagtagumpay at nailigtas din niya ang kanyang mga kapatid sa pagiging bato.
Isang kataksilan ang ginawa ng mga kapatid ni Don Juan sa kanilang daan pauwi.
Pinagtulungan ng dalawa ang bunsong prinsipe upang sila ang maghari sa trono. Umuwi ang
dalawa ngunit ayaw umawit ng ibon dahil sa kalungkutan. Sa kabilang dako, si Don Juan ay
tinulungan ng isang ermitanyo sa paggamot ng kanyang mga sugat. Nakauwi ang prinsipe at
sinabi ng hari na ipatapon ang dalawa ngunit dahil na rin sa pakiusap ng bunso ay napatawad ang
kanyang mga kapatid. Nakatakas ang ibon at kinailangang hanapin muli ng magkakapatid.
Muling naglakbay si Don Juan upang hanapin ang Ibong Adarna. Kanya itong natagpuan
at sinabing kalimutan na si Leonora. Nagpunta siya sa Reyno de los Cristal at doon niya nakilala
si Maria Blanka. Umibig ang prinsipe sa prinsesa ngunit ang kanilang pag-iibigan ay pilit na
hinadlangan ng kanyang ama. Dahil sa takot ng prinsesa para sa buhay ng prinsipe, nagtanan sila.
Sa galit ng hari ay binura niya sa isipan ng prinsipe ang alala ng kanyang anak. Paggising ni Don
Juan ay wala na sa kanyang alala si Donya Maria kaya umuwi siya sa Berbanya na ang hangarin
ay pakasalan si Leonora. Nagpunta naman si Maria sa Berbanya upang ipaalala ang kanilang
pinagsamahan at bumalik naman ang alala ng prinsipe. Ikinasal si Don Juan at si Maria at
ikinasal rin si Leonora kay Don Pedro.