Module Fil7 T3-Adarna - 2015-2016 Docx Final

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 44

YUNIT: FILIPINO

2016

DEPARTAMENTO: MATAAS NA PAARALAN

T.P. 2015 -

LASALYANONG MODYUL SA PAGKATUTONG


NxGEN BLENDED
Mga Guro:
Ria V. Gomez
Laarni F. Bongao

Antas/Taon: 7

Asignatura:
Filipino

Termino: 3

Paksa ng Yunit:
Ibong Adarna: Isang Obra Maestra

Saklaw ng Sesyon:
10 linggo

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Ang mag-aaral ay inaasahang naipamamalas
ang pag-unawa sa Ibong Adarna bilang isang
obra maestra sa Panitikang Pilipino.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Naisasagawa ng mag-aaral ang malikhaing
pagtatanghal ng ilang saknong ng koridong
Ibong Adarna na naglalarawan ng mga
pagpapahalagangPilipino

MGA LASALYANONG SIMULAIN


Ang mga karanasan ng isang Lasalyano sa kanyang pag-aaral ay nagbabago ayon sa
pangangailangan na:

LGP 1: Magsisilbing hamon sa mga mag-aaral upang matanto ang kanilang tunay na
kakayahan.

LGP 2: Maipaunawa ang perspektibong nakatuon sa pagiging Kristiyano batay sa


kakayahan at pagpapahalaga ng mag- aaral.

LGP 3: Mahikayat ang pagkakaroon ng pagkakaiba at pagkakaugnay sa mga magaaral.

LGP 4: Maisakatuparan ang mga bagay na natutunan sa isang gawaing


kapakipakinabang sa simbahan at lipunan.

LGP 5: Maihanda ang mga mag-aaral na makilahok sa mga gawain, pamilya, lipunan
at simbahan.

UNANG BAHAGI/ANTAS : MGA INAASAHANG BUNGA


TUNGUHING MAY PAGLILIPAT(Transfer Goals):
Makapagsagawa ang mga mag-aaral ng malikhaing pagtatanghal ng isang pangyayari sa
makabagong panahon na naglalarawan sa mga aral at pagpapahalagang Pilipinong makikita sa
Ibong Adarna gamit ang angkop na gramatika/retorika
KAKAILANGANING PAG-UNAWA(EU):
Ang Ibong Adarna bagaman naglalaman ng mga pangyayaring mahiwaga at di-kapani-paniwala
ay mayaman naman sa mga pagpapahalaga at pangyayaring kumakatawan sa pamumuhay ng
mga Pilipino sa kasalukuyang panahon.
MAHALAGANG KATANUNGAN:

YUNIT: FILIPINO
2016

DEPARTAMENTO: MATAAS NA PAARALAN

T.P. 2015 -

1. Bakit mahalagang pag-aralan at unawain ang Ibong Adarna?


2. Ano-anong mga pagpapahalagang Pilipino at mga aral sa buhay ang itinatampok sa Ibong
Adarna?
LAYUNING MATAMO:
Kasanayan (Code mula sa DepEd):
KAALAMAN:
F7PN-IVa-b-18 Natutukoy ang mahahalagang detalye at mensahe ng napakinggang bahagi ng
akda
F7PT-IVa-b-18 Naibibigay ang kahulugan at mga katangian ng korido
F7PT-IVc-d-19 Nabibigyang -linaw at kahulugan ang mga di-pamilyar na salita mula sa akda
F7PT-IVc-d-20 Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang nagpapahayag ng damdamin
F7PN-IVe-f-21 Nabibigyang-kahulugan ang napakinggang mga pahayag ng isang tauhan na
nagpapakilala ng karakter na ginampanan nila
F7PT-IVc-d-21 Nabibigyang-kahulugan ang salita batay sa kasingkahulugan at kasalungat nito
F7PB-IVh-i-24 Natutukoy ang napapanahong mga isyung may kaugnayan sa mga isyung
tinalakay sa napakinggang bahagi ng akda
PROSESO:
F7PU-IVa-b-18 Naisusulat nang sistematiko ang mga nasaliksik na impormasyon kaugnay ng
kaligirang pangkasaysayan ng Ibong adarna
F7PB-IVc-d-21 Nasusuri ang mga pangyayari sa akda na nagpapakita ng mga suliraning
panlipunan na dapat mabigyang solusyon
F7PU-IVc-d-19 Naisusulat ang tekstong nagmumungkahi ng solusyon sa isang suliraning
panlipunan na may kaugnayan sa kabataan
F7PD-IVc-d-19 Nasusuri ang damdaming namamayani sa mga tauhan sa pinanood na dulang
pantelebisyon/ pampelikula
F7PS-IVc-d-20 Naisasalaysay nang masining ang isang pagsubok na dumating sa buhay na
napagtagumpayan dahil sa pananalig sa Diyos at tiwala sa sariling kakayahan
F7PU-IVe-f-20 Naisusulat ang sariling damdamin na may pagkakatulad sa naging damdamin
ng isang tauhan sa akda
F7PB-IVg-h-23 Nasusuri ang mga katangian at papel na ginampanan ng pangunahing tauhan at
mga pantulong na tauhan
F7PD-IVc-d-20 Nagagamit ang karikatyur ng tauhan sa paglalarawan ng kanilang mga
katangian batay sa napanood na bahagi ng akda
F7PU-IVe-f-21 Naisusulat ang tekstong naglalarawan sa isa sa mga tauhan sa akda
F7PT-IVc-d-22 Nabubuo ang ibat ibang anyo ng salita sa pamamagitan ng paglalapi, pag-uulit
at pagtatambal
F7PD-IVc-d-21 Nailalahad sa pamamagitan ng mga larawang mula sa diyaryo, magasin, at iba
pa ang gagawing pagtalakay sa napanood na napapanahong isyu
F7PU-IVe-f-22 Naisusulat nang may kaisahan at pagkakaugnay-ugnay ang isang talatang
naglalahad ng sariling saloobin, pananaw at damdamin
F7PN-IVe-f-23 Nakikinig nang mapanuri upang makabuo ng sariling paghatol sa napanood na
pagtatanghal
F7PB-IVh-i-25 Nabibigyang-puna/ mungkahi ang nabuong iskrip na gagamitin sa pangkatang
pagtatanghal
F7PT-IVc-d-23 Nagagamit ang angkop na mga salita at simbolo sa pagsulat ng iskrip
F7PD-IVc-d-22 Naibibigay ang mga mungkahi sa napanood na pangkatang pagtatanghal
F7PS-IVj-23 Nakikilahok sa malikhaing pagtatanghal ng ilang saknong ng korido na
naglalarawan ng pagpapahalagang Pilipino
F7PU-IVe-f-23 Naisusulat ang orihinal na iskrip na gagamitin sa pangkatang pangtatanghal

YUNIT: FILIPINO
2016

DEPARTAMENTO: MATAAS NA PAARALAN

T.P. 2015 -

F7WG-IVj-23

Nagagamit ang mga salita at pangungusap nang may kaisahan at


pagkakaugnay-ugnay sa mabubuong iskrip
F7EP-IIIh-i-9 Nananaliksik sa silid-aklatan/ internet tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng
Ibong Adarna
F7EP-IVh-i-10 Naisasagawa ang sistematikong pananaliksik tungkol sa mga impormasyong
kailangan sa pagsasagawa ng iskrip ng pangkatang pagtatanghal
PAG-UNAWA:
F7PB-IVa-b-20 Nailalahad ang sariling pananaw tungkol sa mga motibo ng may-akda sa bisa ng
binasang bahagi ng akda
F7PD-IVa-b-17 Nagagamit ang mga larawan sa pagpapaliwanag ng pag-unawa sa
mahahalagang kaisipang nasasalamin sa napanood na bahagi ng akda
F7PSIVa-b-18 Naibabahagi ang sariling ideya tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong
Adarna
F7PN-IVc-d-19 Nagmumungkahi ng mga angkop na solusyon sa mga suliraning narinig mula sa
akda
F7PD-IVc-d-18 Nailalahad ang sariling saloobin at damdamin sa napanood na bahagi ng
telenobela o serye na may pagkakatulad sa akdang tinalakay
F7PS-IVc-d-19 Nailalahad ang sariling interpretasyon sa isang pangyayari sa akda na
maiuugnay sa kasalukuyan
F7PS-IVc-d-21 Nagagamit ang dating kaalaman at karanasan sa pag-unawa at
pagpapakahulugan sa mga kaisipan sa akda
F7PB-IVc-d-22 Naiuugnay sa sariling karanasan ang mga karanasang nabanggit sa binasa
F7PS-IVc-d-22 Naipahahayag ang sariling saloobin, pananaw at damdamin tungkol sa ilang
napapanahong isyu kaugnay ng isyung tinalakay sa akda
F7PN-IVe-f-20 Naibabahagi ang sariling damdamin at saloobin sa damdamin ng tauhan sa
napakinggang bahagi ng akda
F7PN-IVe-f-22 Nahihinuha ang maaaring mangyari sa tauhan batay sa napakinggang bahagi ng
akda

IKALAWANG BAHAGI/ANTAS: MGA PANTUKOY NA PATUNAY/ PAGTATAYA


PRODUKTO O PAGGANAP BILANG PATUNAY NG PAG-UNAWA AT PAGLILIPAT
Nakapagtatanghal ng maikling pelikula ang mga mag-aaral na nagpapakita ng mga
pagpapahalaga at pangyayari sa kasalukuyang panahon na may kaugnayan sa mga aral at
pagpapahalagang Pilipinong namalas sa Ibong Adarna gamit ang angkop na gramatika/retorika.

NARATIBONG GRASPS NG GAWAING MAY PAGLILIPAT


Naglunsad ang Cinemalaya, sa pakikipag-ugnayan sa DepEd, ng isang patimpalak sa pagbuo ng isang
maikling pelikulang hango sa mga aral at pagpapahalagang matatagpuan sa koridong Ibong Adarna.
Sasali ang inyong grupo sa patimpalak na ito at inaasahang makapagpapasa kayo ng maikling pelikula
sa kakikitaan ng mga tagpong nagaganap sa kasalukuyang panahon subalit sumasalamin sa mayamang
aral na makukuha sa korido.
Huhusgahan ang inyong ginawa ayon sa mga sumusunod na batayan:
Kahusayan sa pagganap
Husay sa pagdeliber ng mga dayalogo (wastong bigkas at intonasyon)

25%
25%

YUNIT: FILIPINO
2016

DEPARTAMENTO: MATAAS NA PAARALAN

T.P. 2015 -

Mga Kagamitan o Props na ginamit upang maging mas makatotohanan ang dula
Nilalaman at Husay sa Pagkakasulat ng Iskrip
KABUUANG PUNTOS:

25%
25%
100%

GABAY SA PAGLILIPAT NG KASANAYAN (SCAFFOLDING)


UNANG ANTAS
Ginabayang
Gawain/Direktang
Panghihikayat
(Direct Prompt)

IKALAWANG ANTAS
Gawaing may
Bahagyang
Paggabay/Bukas na
panghihikayat
(Open prompt)

IKATLONG ANTAS
Ginabayang Paglilipat
( Guided transfer)

IKAAPAT NA
ANTAS
Indibidwal na
Gawaing
Pampaglilipat/Aktwal
na Paglilipat
(Independent transfer)

Pagsasadula ng ilang
piling saknong ng
Ibong Adarna

Pagtatala ng ibat
ibang
pagpapahalagang
nakita at pagtukoy sa
mga kaugnay na
pangyayari sa
kasalukuyang
panahon

Pagsulat ng iskript na
gagamitin sa dulang
itatanghal

Pagtatanghal

INSTRUMENTONG PAMPAGTATAYA (Mapang Pampagtataya ng Yunit)


ANYO

KAALAMAN

PROSESO

Panimulang
Pagtataya

1. Paunang
Pagsusulit sa
Ibong Adarna

1. Paunang
Pagsusulit sa
Ibong Adarna

Pagtatayang
Pormatibo

1. Pagsagot sa
Talasalitaan
2. Pagsagot sa
mga gabay na
tanong.

1. Paggawa ng
Concep Map ng
Kaligirang
Pangkasaysaya
n ng Ibong
Adarna
2. Pasusuri ng
saknong
3. Paggawa ng
character
profile ng mga
tauhan

Pagtatayang
Sumatibo/
Pangwakas

1. Pagtatasa #1
2. Pagtatasa #2
3. Pagtatasa #3
4. Pagtatasa #5

1. Pagtatasa #1
2. Pagtatasa #2
3. Pagtatasa #3
4. Pagtatasa #4

PAG-UNAWA

PRODUKTO/
PAGGANAP

1. Paunang
Pagsusulit sa
Ibong Adarna
1. Paggawa ng
maikling iskit
tungkol sa
mensahe ng
ilang saknong

1. Pagtatasa #3
2. Pagtatasa #4

YUNIT: FILIPINO
2016

DEPARTAMENTO: MATAAS NA PAARALAN

Pansariling
Pagtataya

T.P. 2015 -

1. Grado mo
bilang Anak
2. Pagsulat ng
Journal
KAUGNAY NA SALIK/ASPEKTO NG PAG-UNAWA

PAGBIBIGAY-KAHULUGAN
Nabibigyang-kahulugan ang mga pangyayari sa koridong Ibong Adarna sa pamamagitan ng
panonood ng mga dokumentaryo at pagsusuri sa kaugnayan nito sa buhay sa kasalukuyang
panahon
PAGPAPALIWANAG
Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pag-aaral ng koridong Ibong Adarna
Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paglinang sa ibat ibang kasanayang pampagkatuto
PAGBUO NG SARILING PANANAW
Nakapagninilay-nilay upang mabatid ang kahalagahan ng pag-aaral ng koridong Ibong Adarna
PANDAMA SA KALAGAYAN
Nailalagay ang sarili sa sitwasyon ng mga tauhan sa Ibong Adarna upang maunawaan ang
papel na kanilang ginagampanan
PAGKILALA SA SARILI
Natataya ang sariling pagkaunawa sa mga araling tinalakay, gayundin ang kakayahan sa
pagsasakatuparan ng mga gawain upang maging batayan ng pagsulong ng sarili
PAGLALAPAT
Nagagamit ang mga natutunan sa koridong Ibong Adarna upang makabuo ng isang dulang
pantanghalan na magpapalutang sa mga magagandang pagpapahalaga ng mga Pilipino
IBAT IBANG GAWAIN/ INSTRUMENTONG BLENDED
PANGKALIGIRANG
KATANGIAN

HARAPAN

PAGKATUTONG DIGITAL
(E-LEARNING)

AKTIBO

Talakayan
Debate
Pagsasadula
Laro

Polls/surveys
Online games
Interactive/flipped activities

KOLABORATIBO

Think-pair-share

Threaded discussion (Google


Classroom)
Peer Assessment
Discussion boards

KONSTRAKTIBO

Concept Mapping

4 na larawan 1 salita/parirala

YUNIT: FILIPINO
2016

AWTENTIKO

DEPARTAMENTO: MATAAS NA PAARALAN

T.P. 2015 -

Graphic organizer
Mind mapping

(4 pics 1 word)
Video recording/casting

Paggawa ng maikling iskit


Pagsulat ng iskrip para sa maikling
pelikula

Paggawa ng isang maikling


pelikula

TUONG-PANLAYUNIN Pagsulat ng Journal

Pagtataya sa Sarili

IKATLONG BAHAGI/ANTAS: DALOY NG PAGKATUTO


DALOY NG ARALIN
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG IBONG ADARNA
INTRODUKSYON
Araw 1
Mga Layunin:
1. Nasusuri ang mga aytem sa CUA
2. Nakapagbabahagi ng saloobin ukol sa naging resulta ng CUA
3. Nababatid ang mga inaasahang gawain at aralin sa ikatlong termino
4. Natataya ang panimulang kaalaman at pag-unawa sa koridong Ibong Adarna
Gawain # 1: Pagrerepaso sa CUA
Ipamamahagi ng guro ang mga papel sagutan at tanong sa CUA upang lubos na masuri ang
mga ito.
Araw 2 - 3
Gawain #2: Panonood at Pagsusuri sa isinagawang PT ng bawat grupo.
Araw 4
Gawain # 2: Talakayan Mga aralin at gawain sa ikatlong termino
Aralin
Pagtatasa
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna Maikling Pagtatasa Blg. 1
Tayutay
Maikling Pagtatasa Blg. 2
Ang Kaanak ni Haring Fernando
Mahabang Pagtatasa Blg. 1
Ang Unang Yugto ng Ibong Adarna
Mga Panibagong Hamon sa Buhay ni Don Maikling Pagtatasa Blg. 3
Juan
Paghahanap sa Tunay at Wagas na Pag-ibig Maikling Pagtatasa Blg. 4
Mahabang Pagtatasa Blg. 2
Pakikipagtunggali sa Ngalan ng Pag-ibig
Paggawa ng Iskript para sa gagawing Awtput na Iskript
Pelikula
CUA
Panapos na Pagtataya
Pagsasagawa ng Performance Task
Panonood at Pagkikritik sa Ginawang Bidyo
Performance Task

Gawain #3: Paunang Pagsusulit sa Ibong Adarna


Panuto: Gamit ang app na Nearpod o Google Forms, sasagutan ng mga mag-aaral ang

YUNIT: FILIPINO
2016

DEPARTAMENTO: MATAAS NA PAARALAN

T.P. 2015 -

ilang katanungan at iba pang aktibidad na ipagagawa.


Gawain #4: Panonood ng Bidyo bilang pamukaw na gawain (Ibong Adarna Cinematic
Trailer)
(https://www.youtube.com/watch?v=4ejjoYUGgg0)
Gawain #5: Maikling Talakayan
Mga Pantulong na Tanong:
1. Ano ang napansin ninyo sa napanood na bidyo?
2. Sa tulong ng bidyong inyong napanood, ano-ano ang inaasahan ninyo sa babasahin
nating akda?
Gawain #6: Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna
Panuto:
1. Gamit ang inyong MLD o ang alinmang libro, magsaliksik ng mga impormasyon
tungkol sa Ibong Adarna.
2. Pagkatapos, gamitin ang app na Poplet o anumang katulad na app para idrowing at
punan ang concept map sa ibaba.
3. Lagyan ng label ang file gamit ang format na ito:
7(section)_(apelyido,pangalan)_ibong_adarna_01
Halimbawa: 7J_Bongao,Laarni_ibong_adarna_01
4. I-attach ang file at ipasa sa assignment post sa Google Classroom na may pamagat
na:
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna

II.

INTERAKSYON

Araw 5-6
Mga Layunin:
1. Makapagbahagi sa klase ng nasaliksik na impormasyon tungkol sa Ibong Adarna
2. Maibigay ang kahulugan at maisa-isa ang mga katangian ng korido at ang kaibahan nito sa
awit
3. Matukoy ang mahahalagang detalye tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna
4. Makapagbahagi ng sariling ideya tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna
Mahalagang Katanungan: Bakit mahalagang pag-aralan ang akdang Ibong Adarna?
Gawain #7: Talakayang Panggrupo (Concept Map)
Panuto: Mula sa ginawang aktibidad kahapon, igugrupo sa 10 ang buong klase (4 na
miyembro sa bawat grupo). Bibigyan sila ng 5 minuto upang pag-uusapan nila ang

YUNIT: FILIPINO
2016

DEPARTAMENTO: MATAAS NA PAARALAN

T.P. 2015 -

kanilang naging sagot sa concept map na ibinigay ng guro. Pagkatapos, pipili ang
guro ng 2 grupo na mag-uulat ng kanilang napag-usapan sa buong klase.
Gawain #8: Kapwa ko, Turo ko
Panuto:
1. Bumuo ng 4 na grupo (10 miyembro)
2. Puntahan ang NHW site.
3. Basahin ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna
4. Hati-hatiin ang bawat bahagi ng babasahin sa lahat ng miyembro.
5. Sa loob ng 10 minuto, kailangan basahin at pag-aralan ng bawat isa ang
itinakdang bahagi sa kanila.
6. Pagkatapos ng sampung minuto, kailangang sagutin ng bawat grupo ang itatanong
ng guro mula sa binasa.
7. Bibigyan ng pagkakataon ang bawat grupo na sumagot sa bawat tanong. Kapag
hindi nakasagot ang unang gruopo, maaaring sumagot ang kasunod na grupo
hanggat hindi nakukuha ang tamang sagot.
8. Maaaring magtulungan ang magkakagrupo.
Narito ang mga tanong (ipakikita ang sagot sa bawat tanong at magkakaroon ng pagtalakay
dito):
Ang Paglaganap ng Korido Noong Panahon ng mga Espanyol
1. Kailan masasabing nagsimula ang pananakop ng mga Kastila sa ating bansa?
O Sinasabing noong taong 1565 nagsimula ang kasaysayan ng pananakop ng mga Kastila
sa ating bansa sa pagdating ni Miguel Lopez de Legaspi at pagtatatag sa unang
pamayanan sa Cebu.
2. Ano ang tatlong dahilan ng pananakop ng Espanya sa Pilipinas?
O May tatlong pangunahing dahilan ang pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas:
1. Pagpapalaganap ng Katolisismo
2. Pagpapalawak ng kapangyarihan sa pamamagitan ng pagpaparami ng mga sakop
na bansa
3. Paghahanap ng mapagkukunan ng mga pampalasa, masaganang likas-yaman at
hilaw na materyales upang matustusan ang pangangailangang pang-ekspedisyon
3. Bakit malaki ang pagkakatulad ng panitikan ng ating bansa sa anyo at porma ng panitikang
Espanyol sa panahong ito?
O Sa panahon ng pananakop ng mga Kastila, sinunog nila ang mga nakasulat na panitikan
ng ating mga ninuno at pinalitan nila ito ng mga panitikang nakatuon sa Katolisismo. Ito
rin ang dahilan kung bakit ang panitikan sa panahong ito ay malaki ang pagkakatulad sa
anyo at paksang Espanyol.
4. Magbigay ng tig-1 halimbawang anyo ng panitikang namayani sa panahon ng pananakop ng
mga Espanyol.
O Ilan sa mga anyo ng panitikan na namayani sa panahong ito ang:
A. Tula
B. Drama
C. Tuluyan
1. liriko
1. duplo
1. akdang may paksang
panrelihiyon
2. awit
2. komedya
2. tungkol sa
talambuhay ng mga santo
3. korido
3. moro-moro
4. pasyon
4. dulang panrelihiyon
5. senakulo

YUNIT: FILIPINO
2016

DEPARTAMENTO: MATAAS NA PAARALAN

6.

T.P. 2015 -

sarsuwela

5. Ayon kay Jose Villa Panganiban, ano-ano ang tatlong (3) katangian ng panitikang namayani
sa panahon ng mga Kastila?
O Ayon kay Jose Villa Panganiban, sa aklat na Panitikan ng Pilipinas, may tatlong
katangian ang panitikan sa panahon ng mga Kastila:
1. May sari-saring anyo at pamamaraan
2. Ang karaniwang paksa ay tungkol sa relihiyon
3. Karamihan ay natutulad o halaw sa anyo, paksa o tradisyong Espanyol
Pagkakaiba ng Awit at Korido
6. Anong dalawang anyo ng tulang romansa ang lumaganap sa panahong ito?
O Sa panahon ng mga Kastila, lumaganap ang tulang romansa na nauuri sa dalawang
anyo: ang awit at ang korido.
7 16. Sabihin kung ang tinutukoy sa bawat bilang ay katangian ng: AWIT, KORIDO, o
PAREHO.
1. Ang paksa nito ay tungkol sa mga bayani at mandirigma at larawan ng buhay.
2. Isa sa mga halimbawa nito ay ang Ibong Adarna.
3. Nagtataglay ng kakaibang kapangyarihan ang mga tauhan.
4. Andante o mabagal ang himig nito.
5. Madalas na nagsisimula ito sa isang panalangin o pag-aalay
6. Binubuo ng walong pantig ang bawat taludtod nito.
7. May malaking pagtitiwala at pananampalataya sa Diyos ang pangunahing tauhan
kaya nagtatagumpay siya sa mga pagsubok na dinadaanan.
8. Batay sa makatotohanang mga pangyayari ang isinasalaysay.
9. Allegro o mabilis ang himig nito.
10. Tungkol sa pananampalataya at kababalaghan ang paksa nito.
O Katangiang parehong tinataglay ng awit at korido:
1. Madalas na nagsisimula sa panalangin o pag-aalay ng akda sa Birhen o isang santo
2. Tungkol sa pakikipagsapalaran at kabayanihan ng pangunahing tauhan na itinuturing
na maharlika tulad ng mga hari, reyna, prinsipe at prinsesa
3. Nagtatagumpay ang pangunahing tauhan dahil sa kanyang pananampalataya at
matiyagang pagtawag sa Diyos.
O Gayunpaman, may mga pagkakaiba rin ang dalawang anyo ng tulang romansa:
Pamantayan
Batay sa
anyo
Musika
Paksa
Katangian ng
Tauhan

Mga
Halimbawa

Awit
Binubuo ng 12 pantig sa loob ng
isang taludturan at apat na taludtod
sa isang saknong
Ang himig ay mabagal (andante)
Tungkol sa bayani at mandirigma at
larawan ng buhay
Walang taglay na kakaibang
kapangyarihan ang mga tauhan
ngunit nahaharap sa mga
makatotohanang pakikipagsapalaran
sa buhay
Florante at Laura
Pitong Infantes De Lara

Korido
Binubuo ng walong pantig sa loob ng
isang taludtod at apat na taludtod sa
isang saknong
Ang himig ay mabilis (allegro)
Tungkol sa pananampalataya, alamat
at kababalaghan
Nagtataglay ng kakaibang
kapangyarihan ang mga tauhan at
may kakayanang magsagawa ng
kababalaghan na hindi magagawa ng
karaniwang tao.
Ibong Adarna
Kabayong Tabla

YUNIT: FILIPINO
2016

DEPARTAMENTO: MATAAS NA PAARALAN

Doce Pares ng Pransya


Haring Patay

T.P. 2015 -

Ang Dama Ines


Prinsipe Florinio

Transisyunal na Pananalita: Ngayong alam na natin ang kaibahan ng awit at korido, talakayin
naman natin ang pinagmulan ng Ibong Adarna. Paano nga ba ito nakarating sa atin? Bakit kaya,
nagustuhan ito ng mga katutubo at lumaganap sa buong kapuluan? Ano nga ba ang makukuha
natin mula rito?
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna
17. Ayon kay Pura Santillan-Castrence, saan hango ang Ibong Adarna?
O Ayon kay Pura Santillan-Castrence, ang kasaysayan ng Ibong Adarna ay hango lamang
sa mga kuwentong-bayan mula sa Europa tulad ng Romania, Denmark, Austria,
Alemanya, at Finland. Ito ang dahilan kung kayat magpahanggang sa ngayon, hindi pa
rin matukoy kung sino talaga ang sumulat ng akdang ito.
18. Sa anong panahon nakilala ang akdang ito?
O Tinatayang nakilala ang akdang ito noong panahong Midyebal o Middle Ages.
19. Bakit dinala ng mga Espanyol ang akdang ito sa ating bansa noong 1610?
O Noong 1610, nakarating ito sa Pilipinas mula sa bansang Mexico na ginamit bilang
instrumento ng mga Espanyol upang hikayatin ang mga katutubong yakapin ang
relihiyong Katolisismo.
20. Bakit itinuturing ng iba na hindi ganap na bahagi ng panitikang Pilipino ang Ibong Adarna?
O Maituturing na hindi ganap na bahagi ng panitikoang Pilipino ang Ibong Adarna dahil
hiram lamang ang kasaysayan nito. Gayunpaman, sinasabi ng maraming kritikong
umaangkop naman sa kalinangan at kultura ng mga Pilipino ang nilalaman nito.
21. Magbigay ng mga natatanging kaugalian at pagpapahalagang Pilipinong masasalamin sa
akda.
O Ilan sa mga natatanging kaugalian at pagpapahalagang Pilipinong masasalamin dito ang
mga sumusunod:
1. Pagkakaroon ng matibay na pananampalataya sa Diyos
2. Mataas na pagpapahalaga sa kapakanan ng pamilya
3. Mataas na pagtingin o paggalang ng mga anak sa magulang
4. Paggalang sa mga nakatatanda
5. Pagtulong sa mga nangangailangan
6. Pagtanaw ng utang na loob
7. Mataas na pagpaapahalaga sa puri at dangal ng kababaihan
8. Pagkakaroon ng tibay at lakas ng loob sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay
O Nagpasalin-salin ang pagsipi ng akda kung kayat nagkaroon din ng pagkakaiba-iba sa
gamit at baybay ng mga salita. Ngunit noong 1949, matiyaga at masusing pinag-aralan ni
Marcelo P. Garcia ang ibat ibang sipi ng Ibong Adarna at isinaayos niyang muli ang
pagkakasulat ng akda partikular ang mga sukat at tugma nito. Ang kanyang naisaayos
na sipi ang siya ngayong ginagamit at pinag-aaralan sa mga paaralan.
Pinagkunan: Dayag, Alma, et.al. 2010. PLUMA 7. Phoenix Publishing House. Quezon City,
Philippines.
Gawain #9: Pagsulat ng Journal (Pangwakas na Gawain)
Tanong: Bakit mahalagang pag-aralan ang Ibong Adarna?
III.

INTEGRASYON

YUNIT: FILIPINO
2016

DEPARTAMENTO: MATAAS NA PAARALAN

T.P. 2015 -

Araw 7
INTEGRASYON SA WIKA
Mga Layunin:
1. Makilala ang mga uri ng tayutay
2. Matukoy ang tayutay at uri nito na ginamit sa mga piling saknong.
Balik-aral: Kahapon, natalakay natin ang mga katangian at kaligirang pangkasaysayan ng
Ibong Adarna. Ano-ano nga ba ang masasabi ninyo tungkol sa Ibong Adarna batay sa mga
nakaraan nating talakayan?
Transisyunal na Pananalita: Higit na gumaganda ang alinmang akdang pampanitikan kapag
ginagamitan ito ng mga magaganda at kaakit-akit na pananalita. Sa pamamagitan nito, lalong
nahahasa ang isip ng mga mambabasa sa pagtuklas sa mga nakatagong mensaheng nais
ipahayag ng akda. Sa araw na ito, tutuklasin natin ang ibat ibang pamamaraan ng paggamit ng
mga di-karaniwang pahayag sa mga akda.
Gawain #10 (Pamukaw): Hulawit
Panuto: May ipapakitang liriko ng mga piling awitin ang guro. Kailangang mahulaan ng magaaral ang pamagat at pagkatapos, kailangan niyang kantahin ang lirikong ibinigay ng guro.
Talakayan:
Pagtutuunan ng pansin ng guro ang mga nasusulat nang matingkad.
1. PRINSESA (6 Cycle Mind)
Wala man akong pagaari
Pangako kong habangbuhay kitang pagsisilbihan
O aking prinsesa, prinsesa, prinsesa, prinsesa
2. AKAP (Imago)
Pikit mata
Kong iaalay
Ang buwan at araw
Pati pa sapatos kong suot
3. NARDA (Kamikazee)
Tila ibon kung lumipad
sumabay sa hangin ako'y napatingin
sa dalagang nababalot ng hiwaga
4. HULING EL BIMBO (Eraserheads)
Naninigas aking katawan
'Pag umikot na ang plaka
Patay sa kembot ng beywang mo
At sa pungay ng yong mga mata

YUNIT: FILIPINO
2016

DEPARTAMENTO: MATAAS NA PAARALAN

T.P. 2015 -

5. KISAPMATA (Rivermaya)
O kay bilis naming maglaho ng pag-ibig mo sinta
Daig mo pa ang isang kisap-mata
Kaninay nariyan lang o bat bigla na lang nawala
Daig mo pa ang isang kisap-mata

6. TUWING UMUULAN AT KAPILING KA (Eraserheads)


Buhos na ulan, aking mundo'y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo,
'Di mapipigil ang puso kong nagliliyab
Pag-ibig ko'y umaapaw,
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka

7. ALIPIN (Shamrock)
Ako'y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako'y manhid
Sana ay iyong naririnig
Sayong yakap ako'y nasasabik...

Gawain 11: Talakayan: Tatalakayin ng guro ang tungkol sa mga uri ng tayutay at tatawag ng
mga mag-aaral na makapagbibigay ng halimbawa sa bawat uri.
Tayutay - isang paglayo sa karaniwang kayarian ng wika o paraan ng pagpapahayag upang
mas madaling maunawaan, mas mabisa at maging kaakit-akit ang isang katha, pasalita man o
pasulat.
Mga Uri
1. Simili o Pagtutulad Ito ay payak na paghahambing na karaniwang ginagamitan ng
kasing-, sing-, tulad ng,
parang, ala, gaya ng, kawangis ng, animo, atbp.
Halimbawa: Parang nagkikislapang bituin ang kanyang mga alahas.
2. Metapora o Pagwawangis Ito ay tuwirang paghahambing na hindi ginagamitan ng mga
salitang ginagamit sa
pagtutulad/paghahambing.
Halimbawa: Nagkikislapang bituin ang kanyang mga alahas.

YUNIT: FILIPINO
2016

DEPARTAMENTO: MATAAS NA PAARALAN

T.P. 2015 -

3. Personipikasyon o Pagtatao Ito ay pagpapahayag na kung saan ang gawi o kilos ng tao
ay inilalapat sa
isang bagay.
Halimbawa: Umiiyak ang langit na para bang nakikiisa sa mga pangyayari.
4.Onomatopeya o Panghihimig Ito ay ang paggamit ng salitang ang tunog ay
nagpapahiwatig sa kahulugan ng
salita.
Halimbawa: Ang batingaw ay umalingawngaw sa buong bayan.
5.Hayperbole o Pagmamalabis Ito ay pagpapahayag na lampas o sobra sa katotohanan
upang bigyang-diin
ang pahayag.
Halimbawa: Namuti ang kanyang mga mata sa kahihintay.
6.Paradoks- Ito ay isang pahayag na waring taliwas sa karaniwang kinikilala ng katotohanan o
kontra sa sentidokomon ngunit kung uusiging mabuti ay lalabas ang matatag na batayan.
Halimbawa: Isa at isa ay isa.
Paliwanag: Ang isang patak ng tubig sa dahon ng gabi ay napatakan pa ng isa, kayat
naging isang malaking patak na bumagsak sa lupa.
7.Apostrope o Pagtawag Ito ay isang pagtawag sa isang bagay o tao na wala sa harap ng
nagsasalita o hindi
makaririnig sa sinasabi ng nagsasalita.
Halimbawa: O, pag-ibig, na pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat masunod
ka lamang.
8.Ironiya (Balintuna)- Ito ay paraan ng pagsasalitang karaniway patuya/pauyam/insulto na
kontra o salungat sa
sadyang nais sabihin.
Halimbawa: Purihin ang mga sinungaling.
Sanggunian: http://www.slideshare.net/JhaymieRRDagohoy/presentation1-36409576
Takdang Aralin: Buksan ang link na Mga Pagsasanay sa Tayutay na nasa NHW site. Sagutin
ang pagsasanay at isulat ang sagot sa notebook.
Araw 8
Mga Layunin:
1. Matukoy kung anong uri ng tayutay ang ginamit sa ibat ibang pahayag
2. Mataya ang antas ng kaalaman sa mga nakaraang talakayan
Balik-aral: Mga Uri ng Tayutay (Pagsagot sa Takdang Aralin)
Gawain #12: Laro
Panuto: Hahatiin sa apat na grupo ang klase. Magpapaskil ang guro ng mga uri ng
tayutay sa pisara. Bawat isang miyembro ay may pagkakataong makipag-unahan sa

YUNIT: FILIPINO
2016

DEPARTAMENTO: MATAAS NA PAARALAN

T.P. 2015 -

pagsagot kung anong uri ng tayutay ang pahayag na ipapakita ng guro. Kapag alam na
nila ang sagot, mag-uunahan ang mga sasagot na miyembro na ilagay ang kanilang
kamay sa tapat ng paskil sa pisara. Kapag may nauna nang maglagay ng kamay, hindi
na maaaring maglagay ng kamay ang ibang grupo para sa round na iyon.
Narito ang mga pahayag:
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

Ang pag-ibig koy parang apoy na naglalagablab.


Ngumingiti nang kusa ang aking puso.
Tuwing kitay nakikita, akoy natutunaw.
Tumba kaming lahat sa bango ng hininga mo.
O hangin, o hangin, pinayapa mo ang aming damdamin.
Maraming manok na tumitilaok at pumuputak sa lugar namin.
Ang bata ang ama ng sangkatauhan.
Ang mundo ay isang dulaan kung saan bawat isay may papel na ginagampanan.
Malayang tulad ng mga ibon ang gunita ng ating kahapon.
Tukso, layuan mo ako.

Gawain #13: Pagtatasa Blg. 1


Panuto: Buksan ang inyong MLD. Pumunta sa Google Classroom, i-click ang link na
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna at Tayutay at sagutin ang pagtatasa
sa Google Forms.
Gawain #14: Takdang Aralin:
Panuto: Basahin ang link sa website na Filipino 7 DLSZ na pinamagatang Ang Kaanak
ni Haring Fernando at sagutin ang mga tanong na nakapaloob dito. Tulong ito upang
mas madaling maunawaan ang pagbabasa ng korido sa inyong e-book.

ANG KAANAK NI HARING FERNANDO


DALOY NG ARALIN
I.

INTRODUKSYON

Araw 9
Mga Layunin:
1. Makapagpahayag ng naging damdamin sa pinanood na patalastas
2. Mabatid ang malaking papel ng mga magulang sa kinabukasan ng mga anak
3. Matukoy ang kahulugan ng mga salitang ginamit sa akda at magamit ang mga ito sa
makabuluhang pangungusap
4. Matukoy ang mahahalagang detalye at mensahe sa nabasang bahagi ng akda
5. Magamit ang mga larawan sa pagpapaliwanag sa pag-unawa sa mahalagang kaisipang
nasasalamin sa aralin
Mahalagang Katanungan:
O Bakit kailangang pag-aralan ang Ibong Adarna?

YUNIT: FILIPINO
2016

DEPARTAMENTO: MATAAS NA PAARALAN

T.P. 2015 -

Mga Tiyak na Katanungang Sasagutin ng Aralin:


O Anong uri ng lipunan ang mabubuo kung ang bawat pamilya ay nagmamahalan at
nagtutulungan?
O Kung ikaw ay isang magulang, ano ang gagawin mo upang lumaking maayos at mabuti
ang iyong mga anak?
Mahalagang Pag-unawa:
Ang Ibong Adarna bagaman naglalaman ng mga pangyayaring mahiwaga at dikapani-paniwala ay mayaman naman sa mga pagpapahalaga at pangyayaring
kumakatawan sa pamumuhay ng mga Pilipino sa kasalukuyang panahon.
Pag-unawang Inaasahang Makamtan sa Aralin:
O Ang pamilyang nagmamahalan ay pundasyon ng masaya at maunlad na lipunan.
Balik- aral: Pagsagot sa mga Tanong (5 minuto)
1. Anong anyo ng panitikan ang Ibong Adarna?
2. Saan nagmula ang akdang ito?
3. Bakit kailangang pag-aralan ang Ibong Adarna?
4. Magbigay ng mga uri ng tayutay at halimbawa nito.
Transisyunal na Pananalita: Ngayong araw na ito, sisimulan na nating kilalanin ang mga
pangunahing tauhan sa koridong Ibong Adarna, partikular na ang pamilyang namumuno sa
Kaharian ng Berbanya.
Pamukaw na Gawain
Gawain Blg. #15. Panonood ng Bidyong Patalastas at Talakayan (5 minuto)
Ipanonood ng guro ang bidyo ng patalastas ng Lafarge Republic Cement, mula sa
https://www.youtube.com/watch?v=ZQ_QUYMdpKw. Pagkatapos, magkakaroon ng
malayang talakayan sa pagitan ng guro at mga mag-aaral. Ilan sa mga gabay na tanong
ang sumusunod:
1. Ano ang iyong naramdaman matapos mapanood ang patalastas?
2. Paano ipinakita ang labis na pagmamahal ng ama sa kaniyang mga anak?
3. Ano ang naging papel at ginawang sakripisyo ng ama para sa kinabukasan ng
kanyang pamilya?
3. Paano ito maiuugnay sa koridong Ibong Adarna?
Paghawan sa mga Balakid
Gawain #16: Laro: Haloletra (Talasalitaan) (10 minuto)
Panuto: Igugrupo ang klase sa apat. Kailangan nilang mahulaan ang salitang
kasingkahulugan ng nakasalungguhit sa bawat pangungusap sa pamamagitan
ng pagsasaayos ng mga titik upang makuha ang sagot. Gamit ang app na
Sketchpad sa kanilang iPad, kailangang isulat ng piling miyembro ng bawat
grupo ang kanilang sagot. Ang makakukuha ng tamang sagot ang siyang
magkakapuntos. Magkakaroon ng karagdagang isang puntos ang sinuman sa
mga grupong makagagamit ng salita sa wasto at makabuluhang pangungusap.
1. Mayaman man o dukha, pantay ang pagtrato ng hari sa kanila.
(mahirap)
2. Bago magbigay ng hatol sa isang usapin, pinag-iisipan muna itong mabuti ng hari.

YUNIT: FILIPINO
2016

DEPARTAMENTO: MATAAS NA PAARALAN

T.P. 2015 -

(desisyon)
3. Isang ulirang ina si Reyna Valeriana kaya lumaking mabuti ang mga anak nila. (modelo)
4. Ang kanilang pagliyag ay nagbunga ng tatlong anak na lalaki.
(pagmamahal)
5. Bago siya magpatupad ng batas, isinasangguni muna niya ito sa kanyang mga
tagapayo kung makabubuti ba ito sa bayan.
(ikinukonsulta)
6. Ayaw ng haring lumaking mangmang ang kanyang mga anak kaya pinag-aral niya ang
mga ito.
(walang alam)
7. Hindi dapat kutyain ang isang tao dahil sa kanyang kalagayan sa buhay.
(pagtawanan)
8. Ang lahat ng prinsipe ay tumugon sa hari at nagsabing nais nilang mamuno sa kaharian.
(sumagot)
9. Dahil isang malumanay na binata si Don Diego, hindi siya basta nagagalit agad-agad.
(mahinahon)
10. Namayani sa buong bayan ang kapayapaan at kasagahanan.
(naghari)
II.

INTERAKSYON

Transisyunal na Pananalita: Sa araling ito, makikilala natin ang natatanging pamilya nina
Haring Fernando at Reyna Valeriana. Sa kanila iikot ang kabuuan ng kwento ng koridong
ating pag-aaralan, ang Ibong Adarna. Sa bahaging ito ng aralin, higit nating pagtutuunan
ng pansin si Haring Fernando bilang isang pinuno at bilang isang ama.
Kopya ng Ipinabasang Akda:
Ang Kaanak ni Haring Fernando
(Buod ng Aralin 2)
Noong unang panahon, sa kaharian ng Berbanya, may isang haring hinahangaan ng
lahat. Siya si Haring Fernando. Naging masagana ang buong kaharian sa kanyang pamumuno.
Pantay ang kanyang pagtingin sa lahat ng nasasakupan, maging mayaman o dukha man ang
mga ito. Kapag siya ay may ipatutupad na batas, isinasangguni muna niya ito sa mga tagapayo
at masusing pinag-iisipan kung makabubuti sa buong bayan. Sa tuwing siya naman ay
magbibigay ng hatol sa anumang sakdal o kaso, lubos muna niya itong pinag-aaralan at
tinitimbang ang katwiran at batayan ng bawat panig. Ang pangalan niyay kinikilala maging ng
ibang kaharian.
Kabiyak naman ng puso niya si Reyna Valeriana. Siya ay ubod ng ganda at uliran sa
kabaitan. Mayroon silang tatlong anak na binata na bunga ng kanilang pagliyag. Sila ang
itinuturing na lakas ng kaharian.
Si Don Pedro ang panganay sa magkakapatid. Mayroon siyang tindig na pagkainam. Si
Don Diego naman na ikalawang anak ay malumanay. Habang ang bunsong si Don Juan ay may
pusong mapagmahal.
Sa tatlong magkakapatid, si Don Juan ang pinakamahal sa kanyang ama. Dahil dito,
ayaw niyang malalayo sa kanyang paningin ang anak.
Bagamat mga prinsipe ng kaharian, hindi hinayaan ni Haring Fernando na lumaking
walang alam ang kanyang mga anak. Ayon sa hari, hindi dahil sa maharlika silay hindi na
kukutyain ang kanyang mga anak kung sakaling silay lumaking mangmang. Para sa kanya,
walang silbi sa kaharian ang mga prinsipeng walang laman ang utak.

YUNIT: FILIPINO
2016

DEPARTAMENTO: MATAAS NA PAARALAN

T.P. 2015 -

Kayat laking tuwa ng hari nang ang kanyang mga anak ay lumaking marurunong. At
nang dumating na ang tamang oras, tinanong niya ang mga ito at pinapili kung nais na magpari
o magkorona. Ang lahat naman ay tumugon sa hari na nais nilang humawak ng kaharian at
maglingkod sa bayan.
Dahil dito, natuwa ang hari sa kanyang narinig at nagdesisyong sanayin ang mga anak
sa paghawak ng sandata. Di nagtagal, natupad ang lahat ng hinangad ng hari at bilang ganti,
nagpasalamat naman ang tatlong magkakapatid sa kanilang ama.
Lalong lumakas ang kanilang kaharian. Walang anumang kaguluhang dumalaw sa
kaharian kaya lalo pang naging maunlad ang kabuhayan ng mga taumbayan. Namayani ang
kaligayahan at kapayapaan sa buong kaharian.

Gawain #18: Think-Pair-Share (10 minuto)


Ipasasagot sa mga mag-aaral ang mga tanong sa ibaba. Pagkatapos, magbabahaginan
silang magkapareha ng kanilang mga sagot. Magbibigay ang guro ng 5 minuto para sa
aktibidad na ito bago magbahagi ang mga piling mag-aaral sa buong klase ng kanilang
naging sagot.
Mga Tanong:
1. Paano magpalakad ng kaharian si Haring Fernando? Paano mo naman siya ilalarawan bilang
isang ama?
2. Ilarawan si Reyna Valeriana. Ano ang tungkulin niya sa kaharian at sa kanyang pamilya?
3. Sino-sino ang mga anak ni Haring Fernando? Paano mo sila ilalarawan?
4. Sa iyong palagay, bakit si Don Juan ang naging paborito ng hari?
Gawain #19: 4 na Larawan - 1 Salita/Parirala (4 Pic-1 Word) (Dayad) (10 minuto)
Gamit ang kanilang MLD, bubuo ang magkapareha ng Piccollage Presentation na
binubuo ng apat na larawan upang masagot sa tanong sa ibaba:
Anong uri ng lipunan ang mabubuo kung ang bawat pamilya ay nagmamahalan at
nagtutulungan?
Kailangang lagyan nila ng isang salita o parirala ang kanilang ginawa na maaaring
kumatawan sa apat na larawan na kanilang napili.
Paaalalahanan ng guro ang mga mag-aaral sa tamang pagkilala sa pinagkunan ng mga
larawan
Pagsasara sa Sesyon: Pag-uugnay sa aralin sa ikalimang Pagpapahalagang Lasalyano
Tulad ng ipinakita ninyo sa inyong mga gawa, ang pagkakaroon ng mga pamilyang
nagmamahalan, nagkakaunawaan, at nagtutulungan ay isang malaking ambag upang ang ating
lipunan ay maging maunlad at masaya. Ito ang maaari nating maging kontribusyon sa ating
sariling lipunan, sa bansa at maging sa buong mundo.

YUNIT: FILIPINO
2016

DEPARTAMENTO: MATAAS NA PAARALAN

T.P. 2015 -

Ito ang magiging tugon natin sa panawagan sa Lasalyanong simulain natin na maihanda
ang mga sarili na makilahok sa mga gawain, pamilya, lipunan at simbahan.

Araw 10
Mga Layunin:
1. Masuri ang katangian ng mga tauhan sa akda sa pamamagitan ng malilikhaing
pamamaraan.
2. Maipaliwanag ang nilalaman ng mga piling saknong mula sa akda
3. Masuri ang nilalamang pagpapahalaga sa mga piling saknong sa akda
4. Makinig nang mapanuri upang makabuo ng sariling paghatol sa napanood na pagtatanghal
Balik-aral: Babalikan ang sagot sa mahahalagang tanong na tinalakay kahapon.
Transisyunal na Pananalita: Kahapon, nakilala natin ang hari ng Berbanya, si Haring
Fernando. Ngayong araw na ito, mas lalo pa natin siyang kikilalanin kasama ang iba pang
miyembro ng kanyang pamilya.
Gawain #19: Gawaing Pang-upuan: Pagsusuri ng Tauhan (15 minuto)
Pagbuo ng Malikhaing Character Profile
Igugrupo ang klase sa sampu (4 na miyembro). Kailangan nilang pumili ng isang gawain
para sa pagsusuri ng tauhan. Isasagawa ito sa loob ng 10 minuto
Panuto: Ikaw at ang iyong mga kaklase ay kasapi ng isang organisasyon ng mga
manunulat, artista at makata. Naglunsad kayo ng programa upang ipakilala sa mga
kapwa mag-aaral ang masining na pagpapahayag. Ginamit ninyong basehan ang mga
tauhan sa Ibong Adarna. Upang ipamalas ang ibat ibang paraan ng masining na
pagpapahayag, kailangang magkakaiba ang anyo o porma ng inyong magiging
produkto. Maaaring gawing gabay ang mga halimbawang aktibidad sa ibaba upang
maipakilala ang mag-anak ni Haring Fernando. Gamitin ang tsart sa ibaba kung
kinakailangan.
Mga Tauhan
Haring Fernando

Reyna Valeriana

___________________
___________________

______________________
____________________

Don Pedro

Don Diego

________________________
_________________

________________________
_________________

Don Juan
________________________
________________

YUNIT: FILIPINO
2016

DEPARTAMENTO: MATAAS NA PAARALAN

T.P. 2015 -

A. Paggawa ng Comic Strip: Gumawa ng comic strip na may hindi bababa sa apat na
panel gamit ang Comics App sa inyong iPad. Kailangang maipakita sa mga dayalogo
ang katangian ng mga tauhan.
B. Paggawa ng Meme: Pumili ng mga larawan at lagyan ng nakatutuwang meme na
nagpapakita sa katangian ng tauhan
C. Pagsulat ng Tula: Sumulat ng tulang may isa o dalawang saknong gamit ang mga
idyoma o tayutay sa pagpapakilala ng mga tauhan.
D. Paggawa ng Karikatyur: Idrowing ang mga tauhan o gumawa ng karikatyur batay sa
inyong interpretasyon sa katangian ng tauhan. Maaaring gumamit ng inyong larawan sa
paggawa ng karikatyur sa app sa inyong iPad.
Paglalagom: Lalagumin ng guro ang naging resulta ng mga presentasyon ng mga
piling grupo.
III.

INTEGRASYON

Integrasyon sa Wika
Transisyunal na Pananalita: Matapos nating kilalanin ang mag-anak ni Haring Fernando,
balikan naman natin at suriin ang mga saknong ng Ibong Adarna.
Gawain #20: Pag-unawa sa mga piling saknong (15 minuto)
Igugrupo sa apat ang buong klase. Pagkatapos, ipasusuri sa kanila ang mga saknong at
pagagawan ng isang iskit na nagpapakita ng kanilang interpretasyon sa mensahe ng
saknong. Sa oras ng pagtatanghal, may mga miyembro ng ibang grupo na itatakda
upang magbigay ng komento at pagpapahalagang nakita nilang binigyang-tuon sa
palabas.
Panuto: Suriin ang sumusunod na mga saknong. Ipaliwanag ang mga saknong na ito sa
pamamagitan ng pagbuo ng maikloing iskit na nagpapakita sa mensaheng ipinapahayag
nito. Pagkatapos, tukuyin kung anong mga pagpapahalaga o aral ang itinuturo dito.
1. Bawat utos na balakin
Analisahin at isipin
Kaya lamang pairalin
Kung may buting sasapitin

2. Kaya bawat kamalian


Bago bigyang kahatulan
Nililimi sa katwiran
Binabalanse ang timbangan

3. Alam niyang itong tao


Kahit punot maginoo
Kapag hungkag itong ulo
bunga
Batong agnas sa palasyo

4.

May paniwala ang ama


na di ngayot hari siya
maging mangmang man ang
sa kutya ay ligtas na.

Integrasyon sa Pagpapahalaga
Transisyunal na Pananalita: Tunay ngang dakila ang ating mga magulang dahil madalas,
lahat ng sakripisyo ay kanilang ginagawa para mabigyan lang ng magandang
kinabukasan ang kanilang mga anak.

YUNIT: FILIPINO
2016

DEPARTAMENTO: MATAAS NA PAARALAN

T.P. 2015 -

Ano-ano ang mga naiisip mong bagay na hindi mo dapat taglay ngayon kung hindi
dahil sa iyong mga magulang?
Pagkatapos ng lahat ng ginawa ng iyong magulang para iyo, ano naman ang
masasabi mo sa iyong sarili bilang isang anak?
Gawain # 21: Grado mo Bilang Anak (5 minuto)
Panuto: Kunin ang iyong journal. Sa bilang na 1 hanggang 10, kung saan 10 ang
pinakamataas, ano kayang marka ang ibibigay mo sa iyong sarili bilang isang anak?
Bakit ito ang ibinigay mong marka sa iyong sarili? Isulat ang iyong sagot sa iyong journal
sa pamamagitan ng pagdugtong sa pahayag na ito:
Bilang anak, binigyan ko ang aking sarili ng markang __________ dahil
_____________.
Paglalagom: Iuugnay ng guro ang naging aralin sa Mahalagang katanungan at sa
Pagpapahalagang Lasalyano na Pag-aambag sa Lipunan.

UNANG YUGTO NG IBONG ADARNA


DALOY NG ARALIN
I. INTRODUKSYON
Araw 11
Mga Layunin:
1. Mabigyang-linaw at kahulugan ang mga di-pamilyar na salita mula sa akda
2. Makapagbahagi ng isang karanasan na may kaugnayan sa babasahing akda
Mahalagang Katanungan:
O Paano ba ang tamang pagharap sa anumang problema o pagsubok sa buhay?
Mahalagang Pag-unawa:
O Walang imposible sa taong may matibay na pananalig sa Panginoon
Balik- aral: Ang Kaanak ni Haring Fernando
Transisyunal na Pananalita: Naranasan mo na bang magkaroon ng isang di malilimutang
panaginip? Ano sa palagay mo ang kahulugan nito? Naniniwala ba kayong may nais na sabihin
sa atin ang mga panaginip na maaaring makaapekto sa ating kinabukasan?
Gawain # 22: Ang Di-Malilimutang Panaginip
Panuto: Sa iyong journal, isalaysay mo ang iyong di-malilimutang panaginip. Simulan
ang iyong salaysay sa pangungusap na: Ang isang hindi ko malilimutang panaginip ay
______. Pagkatapos, sa ibaba nito, ilahad kung ano sa palagay mo ang kahulugan ng
panaginip na ito. May 5 minuto kayo para gawin ito. (Tatawag ang guro ng tatlong
magbabahagi ng kanilang isinulat.)

YUNIT: FILIPINO
2016

DEPARTAMENTO: MATAAS NA PAARALAN

T.P. 2015 -

Transisyunal na Pananalita: Matapos nating kilalanin ang mga miyembro ng pamilya ni


Haring Fernando, tutuklasin naman natin sa araw na ito kung ano ang pagmumulan ng
kaguluhan sa kaharian at kung paanong magkakawatak-watak ang pamilya ng hari. Ngunit bago
tayo magpatuloy, tukuyin muna natin ang kahulugan ng mga salitang ginamit sa akdang ating
babasahin.
Gawain #23: Laro - Haloletra (Talasalitaan)
Panuto: Igugrupo ang buong klase sa apat. May ipapakitang pangungusap sa pisara ang
guro. Isang salitang ginamit sa pangungusap ang kailangang bigyan ng kasingkahulugan
sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga ginulong letra. Bawat grupo ay may
pagkakataong hulaan ang salitang hinahanap sa loob ng limang segundo. Maaaring
magtulungan ang buong grupo sa pagsagot. Sakaling hindi nila alam ang sagot, ang
susunod na grupo ang may pagkakataong humula hanggang sa may makasagot na grupo.
Ang makapagtatala ng pinakamaraming puntos ang mananalo sa palaro.
Mga Salitang Pahuhulaan:
( asmaam )

1. Ninakawan ng mga tampalasan ang kaawa-awang matanda

(nayapti)

2. Napanaginipan ng hari na pinaslang ang kanyang anak.

(pinatay)

(tagmo)

3. Ang awit daw ng Ibong Adarna ang lunas sa sakit ng hari.

(gamot)

(dusunom)

4. Agad na tumalima si Don Pedro sa utos ng kanyang ama.

(sumunod)

(ngotikne)

5. Ayaw siyang lapitan ng mga tao dahil isa siyang leproso.

(ketongin)

(iatl)

6. Isang gintong sintas ang ibinigay ng ermitanyo kay Don Juan.

(alkitgams)

7. Nagbilin ang ermitanyo na wala sanang maglilo sa magkakapatid. (magtaksil)

(witumla)

8. Isang matanda ang biglang sumulpot sa kanyang harapan.

(ngaluktunak) 9. Labis ang pighati ng mga magulang ng batang nawala.


(hanigaka)

10. Iniwan ng mga holdaper ang biktima na nakahandusay sa daan.

(masama)

(tali)
(lumitaw)
(kalungkutan)
(nakahiga)

Pagkatapos ng laro, ipakokopya sa mga mag-aaral ang mga salita at kahulugan ng mga ito.
Bilang karagdagang gawain, kailangan nila itong gamitin sa makabuluhang pangungusap.
Gawain #24: Takdang-Aralin:
Panuto: Basahin ang inihandang buod ng aralin sa website ng Filipino 7 DLSZ na may
pamagat na Unang Yugto ng Ibong Adarna (Sa Paghahanap ng Lunas sa
Karamdaman ng Ama). Pagkatapos, sagutin sa inyong notebook ang mga gabay na
tanong bilang paghahanda sa talakayan bukas.
II.

INTERAKSYON

Araw 12
Mga Layunin:
1. Maisa-isa ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa binasang akda
2. Mapaghambing ang pagkakatulad at pagkakaiba ng naging paglalakbay nina Don Pedro
at Don Diego
3. Makapaglahad ng sariling interpretasyon sa isang pangyayari sa akda na maiuugnay sa
kasalukuyan

YUNIT: FILIPINO
2016

DEPARTAMENTO: MATAAS NA PAARALAN

T.P. 2015 -

Transisyunal na Pananalita: Tulad ng isinalaysay ninyo kahapon, nanaginip din si Haring


Fernando, subalit labis niyang dinamdam ang panaginip na ito kung kayat nakaapekto nang
malaki sa kanyang kalusugan. Balikan natin ang mga detalye ng inyong binasang akda sa
pamamagitan ng dugtungang kwento.
Gawain #25: Dugtungang Kwento:
Panuto: Sa tulong ng mga larawan, kailangang isalaysay ang mga pangyayari batay sa
pagkakasunod-sunod nito. (may nakahandang ppt para rito)
Sa Paghahanap ng Lunas sa Karamdaman ng Ama
Masayang namumuhay ang mga tao sa kaharian. Masagana ang kanilang
kabuhayan sapagkat mahusay mamuno ang kanilang hari. Subalit isang gabi, dinalaw ng
isang masamang panaginip si Haring Fernando. Napanaginipan niya na ang kanyang
pinakamamahal na anak na si Don Juan ay pinaslang ng dalawang tampalasan. Sapagkat
mahal na mahal niya ang anak, labis niyang dinamdam ang panaginip na ito. Dahil dito,
hindi na siya makatulog at makakain hanggang sa magkasakit siya. Maraming mga
manggagamot ang sumubok na gamutin ang hari subalit bigo silang malaman ang sanhi at
lunas sa sakit nito.
Isang araw, may isang manggagamot na nakatuklas na ang sanhi ng pagkakasakit
ng hari ay ang masamang panaginip. Ayon sa kanya, ang tanging makagagamot lang sa
karamdaman ni Haring Fernando ay isang mahiwagang ibon na ang pangalan ay Ibong
Adarna. Sinabi ng manggagamot na sa oras na marinig ng hari ang magandang tinig ng
ibon, agad siyang gagaling. Matatagpuan daw ito sa isang makinang na puno na tinatawag
na Piedras Platas sa Bundok ng Tabor.
Nang marinig ito ng hari, agad niyang inutusan ang kanyang panganay na anak na si
Don Pedro. Agad namang tumalima ang prinsipe at naglakbay siya gamit ang kanyang
kabayo sa loob ng mahigit tatlong buwan. Gayunpaman, namatay ang kanyang kabayo nang
sumapit na sa paanan ng Bundok Tabor kaya napilitan siyang maglakad paakyat. Sa itaas ng
bundok, natagpuan niya ang isang napakagandang puno. Nang magtatakip-silim na,
napansin ni Don Pedro na sa kabila ng kagandahan ng puno, wala man lang ni isang ibon
ang nakatira rito. Sa labis na kapaguran, nakatulog siya sa ilalim ng puno. Siya namang
pagdating ng mahiwagang ibon na pagkatapos dumapo sa sanga ay agad na umawit. Ugali
ng ibong ito na magbawas pagkatapos umawit at nang gawin niya iyon, napatakan si Don
Pedro at bigal siyang naging bato.
Dahil hindi na nakabalik si Don Pedro, sunod na inatasan ng hari si Don Pedro upang
hanapin ang Ibong Adarna gayundin ang kanyang nawawalang kapatid. Inabot nang limang
buwan ang kanyang paglalakbay bago niya narating ang Bundok ng Tabor. Nakita niya ang
Piedras Platas na nagniningning at napag-isip-isip niyang ito na marahil ang tirahan ng
mahiwagang ibon. Di nagtagal, nagpakita nga ang Ibong Adarna. Gayunpaman, nakatulog
ang prinsipe nang marinig ang awit ng ibon at sa kasamaang palad, napatakan din siya ng
dumi ng ibon at naging batong tulad ng kanyang kapatid.
Dahil sa hindi pagbabalik ng kanyang ikalawang anak, lalong lumala ang sakit ng
hari. Dahil sa pangyayaring ito, labis na nag-alala si Don Juan kayat nagpaalam siya sa
kanyang ama upang siya namang maghanap sa ibon at sa dalawang kapatid na nawawala.
Sa kanyang mabahang paglalakbay, sandali siyang tumigil upang manalangin at humingi ng
tulong sa Diyos. Ilang saglit pa, may nakasalubong siyang isang matandang sugatan. Ang
matandang ito na isang leproso ay humingi sa kanya ng makakain. Ibinigay naman ni Don
Juan ang kanyang natitirang tinapay at bilang ganti, sinabi niya kay Don Juan na puntahan
ang matanda sa gilid ng bundok na siyang makatutulong sa paghuli sa ibong kanyang
hinahanap.

YUNIT: FILIPINO
2016

DEPARTAMENTO: MATAAS NA PAARALAN

T.P. 2015 -

Sinalubong siya ng ermitanyo, pinakain at saka binigyan ng labaha at pitong dayap.


Ipinaliwanag ng ermitanyo ang peligrong kanyang haharapin upang mahuli ang Ibong Adarna.
Ayon sa kanya, sa oras na antukin siya dahil sa pag-awit ng ibon, kailangan niyang hiwain
ang kanyang palad at pigaan ito ng dayap. Pitong beses aawit ang ibon kaya pitong beses
niya itong dapat gawin. Binigyan din niya ng babala si Don Juan na iwasang mapatakan ng
dumi ng ibon upang hindi siya maging bato. Bago magpaalam, binigyan din ng ermitanyo si
Don Juan ng gintong sintas na gagamitin niya upang itali ang ibon sa oras na makatulog na
ito.
Tumungo na si Don Juan sa kinaroroonan ng Piedras Platas. Di naman nagtagal at
dumating na ang kanyang hinihintay. Tulad ng sinabi ng ermitanyo, nakaramdam nga ng
antok si Don Juan nang magsimula nang umawit ang mahiwagang ibon. Sinunod niya ang
bilin ng matanda at hiniwa ang kanyang palad saka ito pinigaan ng dayap. Pitong sugat ang
naiwan sa kanyang palad bago tuluyang makatulog ang ibon na animoy gising pa rin dahil
nakabuka ang mga pakpak nito pati na rin ang mga mata. Agad niyang itinali ang ibon gamit
ang gintong sintas na bigay ng ermitanyo.
Tuwang-tuwa siyang nagbalik sa bahay ng ermitanyo dala ang ibon. Agad itong inilagay
sa hawla ng ermitanyo at kapagdakay inutusan si Don Juan na kumuha ng tubig gamit ang
banga at ibuhos ito sa dalawang batong nasa ilalim ng puno upang muling maging tao ang
kanyang mga nawawalang kapatid. Tumalima naman si Don Juan at laking tuwa niya nang
makitang muli ang dalawang kapatid na nawalay nang matagal na panahon. Pinagaling din ng
ermitanyo ang mga sugat sa kamay ni Don Juan at himalang nawala ang mga ito na tila hindi
nasugatan.
Bago umuwi ang magkakapatid, humingi ng basbas si Don Juan sa ermitanyo.
Pinayuhan naman sila ng ermitanyo na sanay walang maglililo sa kanila.
Gayunpaman, habang nasa daan, nakaramdam ng inggit si Don Pedro kay Don Juan
kayat nagbalak siyang patayin ang kapatid. Ibinahagi niya ito kay Don Diego na nagulat at
natakot sa nalaman sapagkat alam niyang masama ang pumatay. Gayunpaman, nakiayon pa
rin siya sa maitim na balak ni Don Pedro subalit nagmungkahing sa halip na patayin,
bugbugin na lamang nila ito at hayaang mamatay sa ilang.
Matapos pagtulungang bugbugin, kinuha ng dalawang tampalasan ang ibon at iniwang
nakahandusay ang kapatid sa daan. Umuwi sila sa Berbanya at ipinagmalaki sa kaharian ang
kanilang tagumpay. Gayunpaman, ang inaasahang lunas sa sakit ng hari ay hindi umawit
bukod sa naging napakapangit pa ng itsura nito na tila nanlulugo ang mga balahibo.
Habang nagaganap ito, nag-iisa naman si Don Juan, sugatan, at halos mawalan na ng
pag-asa dahil sa kanyang sinapit. Hindi niya inakalang magagawa ito sa kanya ng kanyang
mga kapatid. Sa gitna ng pighati, tumawag siya sa Panginoon at ipinagdasal ang kalagayan
ng kanyang ama gayundin ang kanyang mga kapatid. Ilang saglit pa, may sumulpot na isang
matanda at ginamot nito ang mga sugat sa katawan ni Don Juan. Matapos magpasalamat sa
ginawa ng matanda, umuwi na si Don Juan sa kanilang kaharian. Nang makita siya ng ibon,
agad itong nagbago ng anyo at sinimulan ang pag-awit. Sa kanyang awit, isinalaysay niya ang
tunay na pangyayari kayat nalaman ng hari ang ginawa ng kanyang dalawang anak. Sa
dulong bahagi ng kanyang awit, hiniling ng Ibong Adarna na kay Don Juan ibigay ang
pamumuno sa kaharian.

YUNIT: FILIPINO
2016

DEPARTAMENTO: MATAAS NA PAARALAN

T.P. 2015 -

Nagpasya ang hari na parusahan sina Don Pedro at Don Diego sa pamamagitan ng
pagpapaalis sa kanila sa kaharian kasabay ng pagtatanggal ng lahat nilang karapatan bilang
mga prinsipe. Ngunit hiniling ni Don Juan sa kanyang ama na patawarin ang kanyang mga
kapatid at tanggapin sila sa kaharian upang mabuong muli ang kanilang pamilya. Tinupad naman
ng hari ang kanyang hiling at muling nanumbalik ang saya sa palasyo.

Gawain #26: Malayang Talakayan


Mga Gabay na Tanong para sa Talakayan:
1. Bakit nagkasakit ang hari?
2. Paano ipinakita ng magkapatid na Don Pedro at Don Diego ang pagmamahal nila sa
kanilang ama?
3. Anong katangian ni Don Juan na hindi taglay ng dalawa niyang kapatid?
4. Ilarawan si Don Pedro ayon sa mga pangyayari sa bahaging ito ng akda. Ilarawan din si
Don Diego.
5. Sa kasalukuyan, may mga tao pa ba sa ating lipunan na maaaring maihalintulad kay Don
Pedro? Kay Don Diego? Kay Don Juan? Sino-sino sila?
6. Kung ikaw si Don Juan, ano ang iyong magiging damdamin sa kasamaang ginawa sa iyo
ng iyong kapwa lalo ng iyong sariling mga kapatid?
7. Ano ang naging kahilingan ng Ibong Adarna pagkatapos niyang umawit? Bakit kaya ito
ang kanyang hiniling kay Haring Fernando?
Gawain #27: Maikling Pagsusulit sa mga Detalye ng Akda
Panuto: Buksan ang link sa google classroom na pinamagatang Unang Yugto ng
Ibong Adarna at sagutin ang maikling pagsusulit.

III.

INTEGRASYON

Araw 13
Integrasyon sa Wika
Mga Layunin:
1. Maibigay ang kahulugan ng ilang mahahalagang saknong mula sa akda
2. Matukoy ang damdaming namamayani sa mga piling saknong.
3. Masuri ang katangian ng mga tauhan sa kwento batay sa kanilang mga pahayag
Gawain #28: Pagbibigay-Kahulugan sa ilang Saknong (Dayad)
Panuto: Basahin ang ilang saknong mula sa koridong Ibong Adarna. Pagkatapos, piliin
kung ano ang pinakamalapit na kahulugan ng bawat isa.
1. Ngunit itong ating buhay
talinghagang di malaman

YUNIT: FILIPINO
2016

DEPARTAMENTO: MATAAS NA PAARALAN

T.P. 2015 -

matulog ka nang mahusay


magigising nang may lumbay
A. Mag-ingat sa pagtulog sapagkat maaari itong magdulot ng lumbay.
B. Walang katiyakan ang mga mangyayari sa ating buhay.
C. Mahusay ang epekto ng pagtulog sa ating buhay.
2. Kaya ba ang mga anak
katulad ng reynang liyag
dalamhatiy di masukat
araw-gabiy may bagabag
A. Naging malakas at buo ang loob ng pamilya upang lumakas din ang hari.
B. Ipinag-alala ng buong pamilya ang nangyari sa hari.
C. Nagkasakit na rin nang malubha ang buong pamilya ng hari.
3. Sa lambing ng mga awit
ang prinsipeng nakikinig
mga matay napapikit
nakalimot sa daigdig.
A. Nakatulog ang prinsipe matapos mapakinggan ang malambing na awit.
B. Dahil sa narinig na awit, nalimutan ng prinsipe kung sino siya.
C. Nagdulot ng pag-aalala sa prinsipe ang awit na kanyang narinig.
4. Matibay ang paniwala
di hamak magpakababa,
pag matapat ka sa nasa
umaamo ang biyaya
A. Ang taong mababa ay maamo sa biyaya.
B. Maswerte ang mga taong nasa mahirap na katayuan sa buhay.
C. Kapag ang isang tao ay mapagpakumbaba, dinidinig ang kanyang mga panalangin.
5. Ugali ko pagkabata
na maglimos sa kawawa
ang naipagkawanggawa
bawiin pay di magawa
A. Ang bagay na naibigay na ay hindi na dapat kunin ulit sa pinagbigyan.
B. Nakagawian na niyang maawa sa mga namamalimos.
C. Sa mga bata lang siya nagbibigay ng limos dahil naaawa siya sa kanila.
Gawain #29:
Pagkilala sa Damdaming Namamayani sa Saknong (Gawaing Panggrupo - 4 na
miyembro)
Panuto: Tukuyin kung anong damdamin ang namamayani sa sumusunod na saknong.
Isulat ito sa loob ng kahon.
1. Pagkabigot pagtatakay
kapwa nagbibigay-dusa
hanggang pati ang pag-asa
sa sariliy nawala na

YUNIT: FILIPINO
2016

DEPARTAMENTO: MATAAS NA PAARALAN

T.P. 2015 -

2. Lamang ngumiti sa balat


pinigaan ng dayap,
sa hapdiy halos maiyak
dugoy bumukal sa sugat
3. Wala silang mahagilap
na salitang matitimyas
o anumang maitutumbas
kay Don Juang mga hirap.
4. Ano kaya ang dahilan
ng sa ibong pamamanglaw?
Kung ang ibong itoy ganyan,
lalo ko lang kamatayan.
5. Sa palasyoy nang sumapit,
ang tuwa ng inay tigib,
sindak namang di malirip
ang sa dalawang kapatid.
Gawain #30: Pagsusuri sa Katangian ng Tauhan Batay sa Kanilang Pahayag
Panuto: Sabihin kung sino ang nagsabi o ang tinutukoy ng pahayag na mula sa mga
saknong sa korido. Pagkatapos, ibigay ang katangian ng tauhan batay rito.
1. Kaya ngayon ang magaling
si Don Juan ay patayin
kung patay nay iwan natin
ang Adarna namay dalhin.
2. Iyang iyong panukala,
tila mandin anong sama;
alaming ang mawawala
kapatid nating dakila.
3. Utang ko sa inyong habag
ang buhay kong di nautas,
ano kaya ang marapat
iganti ng abang palad?
4. Pinulong kara-karaka
lahat ng kagawad niya
inilagda ang parusang
ipatapon ang dalawa.
5. Malaki man po ang sala
sa akiy nagawa nila,
yaon po ay natapos nat
dapat kaming magkasama.

nagsabi ng pahayag: __________________________


katangian ng tauhan: __________________________

nagsabi ng pahayag: __________________________


katangian ng tauhan: __________________________

nagsabi ng pahayag: __________________________


katangian ng tauhan: __________________________

gumanap ng pahayag:__________________________
katangian ng tauhan: __________________________

nagsabi ng pahayag: __________________________


katangian ng tauhan: __________________________

YUNIT: FILIPINO
2016

DEPARTAMENTO: MATAAS NA PAARALAN

T.P. 2015 -

Araw 14
Integrasyon sa Pagpapahalaga:
Mga Layunin:
1. Maiuugnay sa sariling karanasan ang mga pangyayaring nabanggit na akda
2. Matukoy ang mga pangyayari sa kasalukuyan na may pagkakaugnay sa akda

Gawain #31: Panonood ng Bidyo Dokumentaryo: Former Leper Colony in Culion


https://www.youtube.com/watch?v=VvKdrmFrNxg
Talakayan:
Sa kasalukuyan, kanino maihahalintulad ang katauhan ng leprosong tinulungan ni Don Juan na
pinandidirihan at iniiwasan?
Sa iyong sariling paraan, paano mo matutulungan ang mga itinuturing na leproso sa
kasalukuyan?
Talakayan:
A. Sa kabuuan, ano-anong mga pagpapahalaga ang itinampok sa bahaging ito ng kwento?
B. Saang bahagi ng akda naipakita ang mga pagpapahalagang ito:
1. Pagsasakripisyo alang-alang sa kapakanan ng mahal sa buhay
2. Pagtulong sa kapwang nangangailangan
3. Matibay na pananampalataya sa Diyos
4. Pagtanaw ng utang na loob
5. Paggalang sa nakatatanda
6. Hindi magandang epekto ng inggit sa kapwa
7. Pagpapatawad sa taong nagkasala sa iyo
Gawain #32: Pagsulat sa Journal
Panuto: Sa iyong journal, pumili ng isang pagpapahalaga mula sa akda na sa iyong palagay ay
pinakamalaki ang naging dating sa iyo dahil sa mga personal mong karanasan na
nauugnay dito. Ilahad ang iyong karanasan at ang aral na iyong natutunan buhat sa
pangyayaring ito sa iyong buhay.

MGA PANIBAGONG HAMON SA BUHAY NI DON JUAN


DALOY NG ARALIN
I.

INTRODUKSYON

Araw 15
Mga Layunin:
1. Maisa-isa ang sanhi at bunga ng mga bagay o pangyayari sa akda at sa tunay na buhay
2. Maibigay ang kahulugan ng salitang ginamit sa akda

YUNIT: FILIPINO
2016

DEPARTAMENTO: MATAAS NA PAARALAN

T.P. 2015 -

Mahalagang Katanungan:
O Paano mapananatili ang magandang samahan?
O Paano masusukat ang tunay at wagas na pagmamahal?
Mahalagang Pag-unawa:
O Mapagtitibay at mapatatagal ang isang samahan kung nananatili ang kabutihan at
pagmamahalan sa isat isa.
O Ang lahat ng nilikha ay biyayang bigay ng Diyos kaya dapat natin itong pahalagahan at
ingatan.
O Lahat ay gagawin ng tao para sa kanyang minamahal, maging buhay man niya ang
kapalit nito.
Transisyunal na Pananalita: Noong nakaraang linggo, natunghayan natin kung anong mga
sakripisyo at hirap ang pinagdaanan ni Don Juan upang makuha ang lunas sa sakit ng ama.
Nasaksihan din natin kung paanong nasira ang pagsasamahan ng magkakapatid nang dahil sa
inggit na naramdaman ni Don Pedro kay Don Juan. Kayo ba, naranasan rin ba ninyong mainggit
o kayay kainggitan ng inyong kapwa? Ano sa tingin ninyo ang mga sanhi at nagiging bunga ng
inggit sa pakikitungo natin sa ating kapwa?
Gawain # 33: Sanhi at Bunga ng Inggit
Panuto: Isulat ang mga bunga at sanhi ng inggit sa graphic organizer na nasa
ibaba. Pagkatapos, maghanda sa pag-uulat ng inyong sagot sa klase. Pipili
ang guro ng tatlong magbabahagi ng kanilang sagot.

Transisyunal na Pananalita: Ayon sa kasabihan, ang inggit daw ay anay na sumisira sa


relasyon ng magkakaibigan, maging ng mga magkakapamilya. Sa aralin natin sa linggong ito,
matutunghayan natin kung paanong muling pagtataksilan ng dalawang magkapatid si Don Juan
nang dalawang ulit pa. Sa araling ito rin natin makikita kung gaano katatag ang loob ni Don
Juan sa pagharap sa panganib. Dito rin una at ikalawang titibok ang kanyang puso. Ngunit bago
ang lahat, alamin muna natin ang kahulugan ng ilan sa mga salitang matatagpuan sa
babasahing akda.
Gawain #34: Laro: Fact or Bluff (Gawaing Panggrupo 9-10 miyembro)
Panuto: Hulaan kung ang sasabihin ng guro na kahulugan ng salita ay totoong
kahulugan ba o hindi. Kung totoo, sasabihin ang salitang fact na fact at

YUNIT: FILIPINO
2016

DEPARTAMENTO: MATAAS NA PAARALAN

T.P. 2015 -

sesenyas ng tsek gamit daliri. Kung mali naman, sasabihin ang bluff at
ieekis ang dalawang braso. May pagkakataon ang bawat grupo na sumagot,
ngunit dapat sabay-sabay at magkakapareho ang pagsagot ng buong grupo
kada round. Pagkasabi ng tamang sagot, ipagagamit ng guro ang salita sa
makabuluhang pangungusap. Ang may pinakamaraming tamang sagot ang
mananalo sa laro. Pagkatapos ng laro, kopyahin ang mga salita at kahulugan
sa notebook.
Mga Dapat Hulaan:
1. inatasan - inutusan
(sagot: fact)
2. magtanod - magnakaw
(sagot: bluff magbantay)
3. lingid alam ng lahat
(sagot: bluff lihim)
4. mabubunyag mahahayag (sagot: fact)
5. maglibot magbigay
(sagot: bluff mamasyal)
6. lumusong - bumaba
(sagot: fact)
7. tinatagan tinibayan
(sagot: fact)
8. mabatid maitago
(sagot: bluff malaman)
9. nasilayan nakita
(sagot: fact)
10. nabighani natuwa
(sagot: bluff napaibig)
11. tinangka sinubukan
(sagot: fact)
12. sinuyo niligawan
(sagot: fact)
13. panata pangako
(sagot: fact)
14. tagpasin lagyan
(sagot: bluff putulin)
15. natamo nakuha
(sagot: fact)
Takdang Aralin: Basahin ang nakapost sa website ng Filipino 7 DLSZ na pinamagatang
Mahiwagang Balon, Panibagong Hamon at sagutin ang mga kasunod na tanong. Maghanda
para sa maikling pagsusulit pagkatapos ng talakayan sa susunod na pagkikita.
II.

INTERAKSYON

Araw 16
Mga Layunin:
1. Matukoy ang mahahalagang detalye sa akdang binasa
Takdang Babasahin para sa Talakayan:
Mahiwagang Balon, Panibagong Hamon
Inatasan ng hari ang tatlong anak na siyang magtanod sa mahiwagang ibon. Lingid sa
kaalaman ng lahat, may masamang binabalak na naman pala si Don Pedro. Nais niyang
makaganti kay Don Juan sa kahihiyang sinapit niya dahil sa kapatid. Kinausap niya si Don
Diego na sabay na silang magbantay sa Ibong Adarna at sabay rin silang mamahinga. Sa
ganitong paraan, mapipilitan si Don Juan na akuin ang pagbabantay sa ibon kahit hindi pa niya
oras. Napapayag naman niya si Don Diego. Tulad ng dapat asahan, nakatulog si Don Juan
habang nagbabantay dahil na rin sa sobrang pagod. Pinakawalan naman ni Don Pedro ang
ibon habang natutulog ang bunsong kapatid.
Nang magising si Don Juan, nakita niyang wala na ang ibon. Natakot siya, hindi para sa
kanyang sarili kundi para sa kanyang mga kapatid na muling nagtaksil sa kanya sapagkat alam
niyang mabubunyag ang katotohanan at maparurusahan sina Don Pedro at Don Diego. Dahil

YUNIT: FILIPINO
2016

DEPARTAMENTO: MATAAS NA PAARALAN

T.P. 2015 -

dito, nagpasya si Don Juan na umalis na lang ng palasyo.


Kinaumagahan, natuklasan ni Haring Fernando na nawawala ang Adarna. Ipinatawag niya
ang mga anak subalit nangatwiran ang dalawa na sa oras ng pagbabantay ni Don Juan nawala
ang ibon. Ipinahanap ng hari si Don Juan ngunit wala na siya sa palasyo. Inatasan niya ang
magkapatid na hanapin ang bunso at agad namang tumalima ang dalawa.
Makalipas ang napakahabang paglalakbay at paghahanap, sa wakas ay nagbunga rin ang
kanilang pagtityaga. Natagpuan nila si Don Juan sa bundok ng Armenya.
Tila isang paraiso ang lugar na naging kanlungan ni Don Juan. Maraming punong kahoy na
sagana sa mga bunga. Tuwing umaga, mga awit ng ibat ibang maliliit at malalaking ibon ang
kanilang naririnig. Mabangong hangin ang umiihip dahil sa mga sampaga at iba pang
mababangong bulaklak na nasa paligid. Bukod dito, may batis din na tila umaawit ang agos ng
tubig. Sa buong paligid ay makararamdam ang kahit sino ng kapayapaan dahil sa
napakagandang kalikasan.
Nang magkita ang tatlong magkakapatid, nakaramdam ng takot at hiya si Don Diego dahil
sa ginawa sa kapatid. Ngunit maagap siyang kinausap ni Don Pedro at sinaboing huwag
magpahalata ang takot kay Don Juan at magpanggap na wala silang ginawang kasalanan.
Nang kausapin na nila si Don Juan, napagkasunduan nilang doon na lang manirahan sa
Armenya at huwag nang bumalik sa Berbanya. Wala silang ginawa kundi maglibot sa
kabundukan at Linggo lang kung silay mamahinga.
Isang araw, may natagpuan silang isang kakaibang balon. Malinis ang paligid nito, walang
mga damo at naliligiran ng halaman. Malalim ang balon ngunit walang tubig at sa ibabaw ay
may lubid. Bukod dito, yari sa makinis na marmol ang balon at may mga gintong lumot.
Nagpasya si Don Juan na lusungin ang balon ngunit tumanggi si Don Diego dahil siya raw ang
mas nakatatanda. Hindi rin pumayag si Don Pedro dahil siya raw ang panganay kaya sa
kalaunay siya ang unang bumaba sa balon. Gayunpaman, hindi siya nakatagal sa loob dahil sa
tindi ng dilim nito kaya bumalik siya kaagad. Ganito rin ang sinapit ni Don Diego nang siya
naman ang sumubok na bumaba.
Si Don Juan ang huling sumubok bumaba sa balon. Tulad ng dalawang kapatid,
nakaramdam din siya ng takot. Subalit tinatagan niya ang kanyang loob sa pagnanais na
mabatid ang misteryong bumabalot sa balon.
Nang maabot niya ang kailaliman, namangha siya sa ganda ng paligid na kanyang nakita.
Kristal ang lupang kanyang tinatapakan na kumikinang kahit walang sikat ng araw sa lugar na
ito. Sa di kalayuan, may isang napakagandang palasyo kung saan niya unang nasilayan si
Donya Juana, ang unang dalagang nagpatibok sa puso niya. Sinabi niya rito kung paano siya
nakarating sa kanilang lugar. Nag-alala si Donya Juana para sa buhay ng prinsipe dahil may
higanteng nagbabantay sa kanya. Habang nag-uusap sila, dumating nga ang higanteng
kinatatakutan ng prinsesa. Nilabanan ni Don Juan ang higante hanggang sa mapatay niya ito
gamit ang kanyang espada. Niyaya ni Don Juan si Donya Juana na sumama na sa kanya sa
ibabaw ng balon ngunit sinabi niyang hindi maaari sapagkat ayaw niyang iwan ang kapatid na
nasa pangangalaga naman ng serpyente sa kabilang palasyo.
Pinuntahan ni Don Juan ang palasyong kinaroroonan ni Donya Leonora, ang nakababatang
kapatid ni Donya Juana. Nabighani agad si Don Juan nang makita niya ang prinsesa. Sa
umpisay nagalit ang prinsesa kay Don Juan dahil sa kapangahasan nito, ngunit nang lumaoy
nagpahayag din ng pag-ibig kay Don Juan. Habang silay nag-uusap, dumating ang sepyenteng
maraming ulo at nilabanan ito ni Don Juan. Hindi naging madali ang naging labanan dahil sa
bawat pagputol ni Don Juan sa mga ulo ng serpyente, muli itong sumisibol. Humingi siya ng
tulong sa Diyos na sanay bigyan siya ng sapat na lakas upang maipagpatuloy ang kanyang

YUNIT: FILIPINO
2016

DEPARTAMENTO: MATAAS NA PAARALAN

T.P. 2015 -

paglaban. Agad namang nagbalik ang kanyang lakas at muling sinagupa ang kalaban. Napagod
ang serpyente at humiling ito kay Don Juan na silay magpahinga muna saglit. Pumayag naman
si Don Juan at habang nakatigil ang labanan, nilapitan siya ni Donya Leonora. Ibinigay nito kay
Don Juan ang balsamo at sinabing ibuhos ito sa bawat tatagpasing ulo upang hindi na muling
tumubo. Sa pagpapatuloy ng laban, nagwagi si Don Juan.
Bumalik si Don Juan sa ibabaw ng balon at laking gulat ng magkapatid nang umahon
siyang may kasama nang dalawang magagandang dalaga. Nabighani ni Don Diego sa
kagandahan ni Donya Juana. Agad namang napaibig si Don Pedro kay Donya Leonora subalit
hindi siya pansin nito dahil kay Don Juan lang siya laging nakatitig at nakahawak. Muli na
namang nakaramdam ng matinding inggit si Don Pedro sa kanyang kapatid.
Nang paalis na sila, naalala ni Donya Leonora ang naiwang singsing sa palasyong
kanilang nilisan. Sinabi ni Don Juan na babalik siya sa ilalim ng balon upang kunin ito. Subalit
nang bahagya pa lang nakabababa si Don Juan sa balon, pinutol ni Don Pedro ang tali kaya
nahulog si Don Juan. Umiyak si Donya Leonora sa nasaksihan. Tinangka niyang tumalon sa
balon ngunit nahawakan agad siya ni Don Pedro. Bago sila tuluyang umalis, inutusan niya ang
alagang lobo upang pagalingin si Don Juan. Binilinan din niya ang lobo na sabihing hihintayin
niya ang pagbabalik ng prinsipeng minamahal.
Pagbalik ng magkapatid sa Berbanya, kasama na nila ang dalawang prinsesa. Nalungkot
ang hari nang malamang hindi nila kasama ang bunsong anak. Ikinwento ng dalawa kung
paano nila natagpuan ang dalawang prinsesa. Sinabi nilang sila ang gumawa ng mga
pakikipaglaban na si Don Juan talaga ang tunay na gumawa. Sa huliy hiniling ng magkapatid
na makasal sila sa dalawang prinsesa. Natuloy ang kasal nina Donya Juana at Don Diego
subalit hindi ang kina Donya Leonora at Don Pedro. Hiniling ni Donya Leonora na bigyan siya ni
Haring Fernando ng pitong taon upang matupad niya ang kanyang panata na mamuhay nang
mag-isa. Pinagbigyan naman ito ng hari at pinaalalahanan si Don Pedro na igalang ang panata
ng prinsesa. Patuloy niyang sinuyo ang prinsesa habang nasa palasyo ito.
Samantala, pinagaling naman ng mahiwagang lobo ang mga sugat na natamo ni Don
Juan nang mahulog siya sa balon. Ginamit niya ang tubig na kinuha niya mula sa Ilog Hordan.
Matapos mapagaling, nagpasalamat si Don Juan at sa tulong ng mahika ng mahiwagang lobo,
narating nila ang ibabaw ng balon kung saan sila nagkahiwalay ng landas.
Gawain #35: Laro: Lulubog-Lilitaw (Gagamiting midyum ang laro sa pagtalakay ng akda)
Panuto:
O Hahatiin sa dalawang grupo ang buong klase. Bawat isa sa grupo ay may
pagkakataong sumagot sa tanong ng guro.
O Ang unang makasagot nang tama ay tatawag ng isang manlalaro sa kabilang grupo
na maaari niyang palubugin. Ang miyembrong ito ay ihihiwalay sa grupo at hindi
maaaring sumagot habang nakahuwalay.
O Kung mali ang sagot, maaaring subukang sumagot ng kalabang grupo. Kung tama
ang sagot nila, sila ang may karapatang magpalubog ng isang miyembro ng
kabilang grupo.
O Kung sakaling ang makasagot na grupo ay may lumubog nang miyembro, maaari
silang pumili kung magpapalubog ba sila ng miyembro sa kalabang grupo o
magpapalitaw sa nauna nang lumubog na kagrupo para maibalik sa laro.
O Ang may pinakamaraming bilang ng miyembro sa dulo ng laro ang panalo.
Mga Tanong:
1. Anong tungkulin ang iniatas ng hari sa magkakapatid at paano nila ito nagampanan?
2. Paano muling ipinahamak nina Don Pedro at Don Diego si Don Juan?

YUNIT: FILIPINO
2016

DEPARTAMENTO: MATAAS NA PAARALAN

T.P. 2015 -

3. Saan muling natagpuan ng magkapatid si Don Juan?


4. Bakit natakot at nahiya si Don Diego nang makita si Don Juan?
5. Bakit naakit mamalagi ang magkakapatid sa lugar na iyon?
6. Bakit naisip ng magkakapatid na may hiwagang bumabalot sa balon?
7. Ano ang naging batayan ng magkapatid sa kung sino ang unang lulusong sa balon?
8. Ano ang kinahinatnan ng unang dalawang sumubok bumaba sa balon?
9. Bakit namangha si Don Juan sa kanyang natuklasan sa ilalim ng balon?
10. Sino ang unang nagpatibok sa puso ni Don Juan? Ano ang naging hadlang sa kanilang
dalawa?
11. Paano napatay ni Don Juan ang higante?
12. Bakit ayaw iwan ni Donya Juana ang ilalim ng balon?
13. Sino ang nangangalaga kay Donya Leonora?
14. Bakit mahirap patayin ang serpyente?
15. Paano napatay ni Don Juan ang serpyente?
16. Bakit muling nakaramdam ng inggit si Don Pedro kay Don Juan?
17. Bakit kinailangang balikan ni Don Juan ang ilalim ng balon?
18. Sa paanong paraan muling pinagtangkaan ni Don Pedro ang buhay ni Don Juan?
19. Sino ang inutusan ni Donya Leonora upang pagalingin si Don Juan?
20. Paano napagaling ang mga sugat ni Don Juan sa pagkakalaglag niya sa balon?
21. Anong paraan ang ginawa ni Donya Leonora upang hindi matuloy ang kasal nila ni Don
Pedro?
Gawain #36 : Maikling Pagtatasa sa Nilalaman ng Akda
Panuto: Buksan ang link sa google classroom na pinamagatang Mga
Panibagong Hamon sa Buhay ni Don Juan at sagutin ang maikling
pagsusulit.
Araw 17
Mga Layunin:
1. Maipahayag ang sariling pananaw, saloobin at palagay tungkol sa isyung pinag-uusapan
na may kaugnayan sa akdang tinalakay
2. Matukoy ang damdaming nais ipahiwatig ng pahayag
3. Maipaliwanag ang kahulugan ng ilang mahahalagang saknong
Transisyunal na Pananalita: Tunay ngang ang bawat tao ay may angking kahinaan at
kalakasan. Sa mga nakaraang araw, tinalakay natin ang mga pakikipagsapalaran at
pinagdaanang hirap ni Don Juan. Bukod dito, may ilang mga sensitibong desisyon din siyang
ginawa na nakaapekto nang malaki sa kanya, sukdulang malagay ang kanyang sariling buhay
sa panganib.
Transisyunal na Pananalita: Ngayon naman, alamin natin ang kahulugan ng ilang piling
saknong mula sa akda.
Gawain #37: Kahulugan ng mga Piling Saknong (Gawaing Panggrupo 4 na miyembro)
Panuto: Piliin ang titik ng kahulugan ng saknong na nagmula sa koridong Ibong Adarna.
1. Noon niya napagsukat
ang sa tao palang palad
magtiwala ay mahirap
daan sa pagkapahamak.

A. Karaniwan na sa isang tao ang magtiwala.


B. Mahirap magtiwala sa isang tao dahil maaari
kang mapahamak
C. Kakabit ng kapahamakan ang pagtitiwala kaya
huwag kang magtitiwala sa iyong kapwa.

YUNIT: FILIPINO
2016

DEPARTAMENTO: MATAAS NA PAARALAN

T.P. 2015 -

2. Munting bagay na makita


isang buhay at pagsinta
iyong kunin at wala kang
maririnig na pagmura.

A. Walang makukuhang bagay sa lugar.


B. Walang magagalit anuman ang kuning mahalagang
bagay sa lugar.
C. Walang nagmumura sa lugar dahil lahat ay
nagmamahalan.

3. Subalit O! yaong inggit,


sawang maamoy bumabangis!
pag sinumpong maging ganid
panginooy nililingkis

A. Ang ahas ay nakatatakot kapag nagalit sapagkat ito


ay nanlilingkis.
B. Ang inggit ay tulad ng isang mabangis na ahas na
pumupulupot kaya itoy nakakatakot.
C. Ang inggit tulad ng isang ahas ay mapanganib
sumibol sa puso ng isang tao.

4. Anong tamis ng mamatay


kung lugod ng minamahal!
Anong saklap ng mabuhay
kung duwag na tuturingan!

A. Masarap mamatay para sa minamahal kaysa


mabuhay na isang duwag.
B. Namamatay ang taong mahilig sa matatamis.
C. Hindi dapat nabubuhay ang mga duwag at
hindi marunong magmahal.

5. Nasimulan nang gawain


ang marapat ay tapusin,
sa gawing pabinbin-binbin;
wala tayong mararating.

A. Tapusin ang gawain bago pumunta kung saan-saan.


B. Ang mabilis gumawa, malayo ang nararating.
C. Huwag ipagpabukas o bayaang hindi tapos ang
isang gawaing inumpisahan na.

Transisyunal na Pananalita: Sa puntong ito, suriin naman natin kung anong damdamin ang
namamayani sa mga piling saknong mula sa korido.
Gawain #38: Pagtukoy sa Damdaming Nais Ipahiwatig ng Saknong
Panuto: Tukuyin ang damdaming ipinahihiwatig ng bawat saknong. Piliin ang titik ng
tamang sagot.
1. Hindi kita kailangan
ni makita sa harapan,
umalis kat manghinayang
sa makikitil mong buhay.

A.
B.
C.
D.

nag-aalala
nayayamot
nagmamalaki
nananakot

2. Sa sindak ni Leonora
napasigaw kapagdaka:
Ay, Don Juan, aking sinta,
buhay natiy paano na?

A.
B.
C.
D.

nagagalit
nag-iisip
nag-aalala
natatakot

3. Di ko kayo huhumpayan
hanggang di mangamatay
ang ulo ko, iisa man
ako ang magtatagumpay.

A.
B.
C.
D.

natutuwa
nananakot
nayayamot
nag-aalala

4. Di mo baga nalalamang
mapanganib iyang buhay;
sa serpyente kong matapang,
walang salang mamamatay?

A.
B.
C.
D.

nagmamalaki
nag-aalala
nagmamakaawa
naninisi

5. Dangat akoy nagkapuso


na pinukaw ng pagsuyo
sa dilag moy kailan ko po
matatanggap ang pagsiphayo?

A.
B.
C.
D.

nagmamalaki
nag-aalala
nagsusumamo
naninisi

YUNIT: FILIPINO
2016

III.

DEPARTAMENTO: MATAAS NA PAARALAN

T.P. 2015 -

INTEGRASYON

Araw 18
Mga Layunin:
1. Mapaghambing at matukoy ang mga pagbabagong naganap sa kultura ng panliligaw ng
mga kabataang Pilipino.
2. Maiugnay sa sariling karanasan ang mga karanasang nabanggit sa binasa

Integrasyon sa Kultura
Transisyunal na Pananalita: Sa unang pagkakita pa lang ni Don Juan kay Donya Juana,
napaibig na siya rito. Subalit nang makita niya si Donya Leonora, napabaling agad ang
pagtingin ni Don Juan sa kanya. Sa panahon ngayon, maagang namumulat ang mga kabataan
sa buhay-pag-ibig. Sinasabing nag-iiba na rin ang paraan ng pagliligawan kung ikukumpara sa
paraan ng suyuan ng ating mga lolo at lola.
Gawain #39 : Pagbuo ng T-Chart (Takdang Aralin: Pakikipanayam)
Panuto: Kapanayamin ang iyong lolo o lola o sinumang taong may edad na sa
inyong lugay. Alamin mula sa kanila kung ano-ano ang pagkakaiba ng
panliligaw ngayon sa panliligaw noong kapanahunan nila. Itala ang iyong
sagot sa T-chart sa ibaba. Pagkatapos, sagutin ang tanong sa ibaba. Gawin
ito sa iyong notebook.

Paraan o Sistema ng Panliligaw ng Kabataang Pilipino


Paraan ng Panliligaw Noon

Paraan ng Panliligaw Ngayon

Kung ikaw ang papilipiin, anong paraan o estilo ng panliligaw ang nais
mong gawin ng mga kabataan sa kasalukuyan? Bakit?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
Integrasyon sa Pagsulat
Pagganyak: Panoorin ang bidyong "Oh Pa Ra Sa Ta U Wa Yeah!"
https://www.youtube.com/watch?v=_5g0T31fllQ
Transisyunal na Pananalita: Natunghayan natin sa ilang bahagi ng akdang tinalakay na
malinaw na ipinakita ni Don Juan na gagawin niya ang lahat para sa babaeng kanyang iniibig.
Ikaw, bilang kabataan, paano mo ipinadarama ang pagmamahal mo sa taong importante sa iyo?
Gawain #40 : Pagsulat sa Journal
Panuto: Mag-isip ng mga simpleng paraan o bagay na maaaring magawa upang

YUNIT: FILIPINO
2016

DEPARTAMENTO: MATAAS NA PAARALAN

T.P. 2015 -

maipakita mo ang iyong wagas na pagmamahal sa taong mahalaga sa iyong buhay.


Itala ang iyong sagot sa mga graphic organizer sa ibaba. Gawin ito sa iyong journal.
Ang taong itinuturing kong mahalaga sa buhay ko ay
ang/si ___________________________________________
sapagkat _________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________

Araw 19
Integrasyon sa Lasalyanong Pagpapahalaga: Pagmamalasakit sa Kapaligiran
Mga Layunin:
1. Matukoy ang mga suliraning pagkapaligiran na kinakaharap ng ating bansa sa
kasalukuyan.
2. Makapagbigay ng mungkahi kung paano makatutulong sa pagpapanumbalik ng ganda ng
kapaligiran.

Transisyunal na Pananalita: Tulad ng Bundok ng Armenya, marahil kasingganda o maaaring


mas higit pa ang kagandahan ng ating bansa ilang dekada o siglo na ang nakalilipas. Ito ay
dahil biniyayaan din tayo ng mayamang kalikasan at magandang kapaligiran. Sa kasalukuyan,
isa sa pinakamalalaking problemang kinakaharap ng ating bansa ang pagkasira ng kalikasan at
ang matinding epekto ng climate change.
Gawain #41 : See-Discern-Act (Gawaing Panggrupo 4 na miyembro)
Panuto: Sa inyong palagay, paano kaya natin maibabalik ang dating ganda ng ating
kalikasan tulad ng sa Armenya? Pag-usapan ito ng inyong grupo sa tulong ng SeeDiscern-Act Framework. Maghanda sa pag-uulat sa harap ng klase.
SEE
(Pagkakita)
Anong mga problemang
pangkalikasan ang
kinahaharap ng ating bansa
sa kasalukuyan?

DISCERN
(Pagmumuni)
Papaano kayo nakadagdag
sa problemang
pangkalikasan?
______________________

ACT
(Pagkilos)
Papaano matutugunan ang
mga suliraning ito kaugnay
sa kalikasan?
______________________

YUNIT: FILIPINO
2016

DEPARTAMENTO: MATAAS NA PAARALAN

______________________
______________________
______________________
Ano-ano ang naging sanhi
at bunga ng pagkasira ng
kalikasan?
______________________
______________________
______________________
______

______________________
______________________
______________________
Ano ang inyong naisip at
naramdaman kaugnay ng
suliraning ito sa kalikasan?
______________________
______________________
______________________
______

T.P. 2015 -

______________________
______________________
______________________
Bilang kabataan, papaano
kayo makatutulong sa
paglutas sa suliraning
pangkalikasan?
______________________
______________________
____

PAGHAHANAP SA TUNAY AT WAGAS NA PAG-IBIG


DALOY NG ARALIN
I.

INTRODUKSYON

Araw 20
Mga Layunin:
1. Makapagbigay ng sariling pananaw tungkol sa kung paano maipadarama ang tunay at
wagas na pagmamahal
2. Matukoy ang kahulugan ng mga salitang ginamit sa akda
Mahalagang Katanungan:
O Ano-anong pagpapahalagang Pilipino ang masasalamin sa akdang Ibong Adarna?
Partikukar na Katanungan:
O Paano mo makikilala ang tunay at wagas na pagmamahal?
Mahalagang Pag-unawa:
O Ang tunay at wagas na pagmamahal ay inilarawan sa Bibliya: sa Sulat ni San Pablo sa
mga taga-Korinto 13: 4-7.
Pagbabalik-aral: Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Paano muling pinagtaksilan ng magkapatid si Don Juan matapos silang bigyan ng
ikalawang pagkakataon ng hari?
2. Anong magandang katangian ang ipinakita ni Don Juan nang pilitin niyang marating ang
ibaba ng balon?
3. Ano naman ang ipinakita niyang kahinaan habang nakikipagsapalaran sa ilalim ng balon?

Gawain # 42: Pambungad na Gawain: Panonood ng Bidyo


Transisyunal na Pananalita:
Naranasan mo na bang umibig? Paano mo nasabing ito nga ay pag-ibig? Ano ang iyong
ginawa upang ipakita ang iyon nararamdaman? Halikat panoorin natin ang isang music video
tungkol sa pag-ibig.

YUNIT: FILIPINO
2016

DEPARTAMENTO: MATAAS NA PAARALAN

T.P. 2015 -

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano ang iyong naramdaman matapoos ang napanood mong music video?
2. Batay sa napanood na music video, paano mo ipinakita ang tunay at wagas na pag-ibig?
3. Naniniwala ka ba na may ganitong uri pa rin ng pag-ibig sa kasalukuyang panahon?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
4. Sinasabing ang isang taong tunay na nagmamahal ay handang magsakripisyo alangalang sa kanyang minamahal. Ikaw, ano ang kaya mong isakripisyo para sa iyong
minamahal?
Gawain #43: Paghawan sa mga Sagabal (Talasalitaan): HULA-LETRA
Panuto:
O Bawat grupo ay magbibigay ng titik. Hangga't nasa salita ang titik, may pagkakataon
silang magbigay pa ng letra.
O Sa bawat tamang patinig, makakukuha ng 1 puntos ang grupo.
O Sa bawat tamang katinig makakukuha ng 2 puntos ang grupo.
O Kapag mali ang titik na ibinigay ng grupo, ibibigay ang pagkakataon sa susunod na
grupo.
O Kapag alam na ng grupo ang sagot, kailangan muna nilang makapagbigay ng tamang
letra bago sila payagang hulaan ang salitang hinahanap. 5 puntos ang makukuha ng
grupong makahuhula sa salitang hinahanap.
O Ang grupong may pinakamaraming puntos ang mananalo sa laro.
Mga Kakailanganing Tulong sa Laro:
O
O
O
O

Tagaiskor
Tagasulat ng letra sa puting kahon
Tagaekis ng mga letra sa board
Tagatawag ng sasagot

Mga Salitang Pahuhulaan:


1. dumatal dumating
2. nalulumbay nalulungkot
3. kinalinga inalagaan
4. tangan hawak
5. mangubli magtago

6. kasawian kabiguan
7. ipunla itanim
8. dunong kaalaman
9. prasko bote
10. durungawan bintana

Bilang pangwakas: Paano mo makikilala ang tunay at wagas na pagmamahal?


Ayon sa Bibliya:

YUNIT: FILIPINO
2016

DEPARTAMENTO: MATAAS NA PAARALAN

T.P. 2015 -

Takdang Aralin: Maghanda sa talakayan.


II.

INTERAKSYON

Araw 21
Mga Layunin sa Araw na ito:
O Mabaybay ang mga pangyayari sa akda
O Maisa-isa ang mga pinagdaanang hirap ni Don Juan sa pagkamit ng kanyang minimithi
O Matukoy ang mga pangyayaring may kababalaghan at makatotohanan sa akda
Pagbabalik-aral sa Talasalitaan:
O Kunin ang inyong MLD.
O Buksan ang inyong inbox (school email account)
O Tingnan ang mensaheng may link na ipinadala ng guro (via Google Classroom).
O Buksan ang link at pindutin ang game tab.
O Laruin ang "Jewels of Wisdom".
Buod ng Bahagi ng Akdang Tatalakayin:
Pag-ibig na Wagas, Pag-ibig na Hanggang Wakas
Biglang nakaramdam ng pag-aalala si Don Juan matapos silang magkahiwalay ng landas ng
mahiwagang lobo kaya agad siyang nagdasal at humingi ng awa sa Diyos. Pagkatapos nito,
nagpatuloy siya sa paglalakbay pauwi sa Berbanya. Nang siyay mapagod sa paglalakbay,
namahinga siya sa ilalim ng isang mayamungmong na punongkahoy.
Habang siyay natutulog, dumatal ang Adarna. Nang makita ang prinsipe, nagsimula siyang
umawit na agad nagpagising sa prinsipe. Winika ng ibon na umalis siya upang iligtas ang
prinsipe sa kapahamakan. Mabuti na lang daw at pinakawalan lang siya ng magkapatid at hindi
pinaslang. Pinayuhan ng Adarna si Don Juan na kalimutan na ni Don Juan ang nakaraan pati na
si Donya Leonora at hanapin ang tunay na makapagpapaligaya sa kanya. Ipinaalam ng Adarna
na may isang malayong kahariang tinatawag na Reyno de los Cristales Doon nakatira ang
tatlong prinsesang ubod nang gaganda. Sila sina Juana, Isabel at Maria Blanca, Ngunit ang
pinakamaganda raw at dapat piliin ni Don Juan ay si Donya Maria Blanca. Mga anak sila ni
Haring Salermo na pinuno ng nasabing kaharian. Pinayuhan niya si Don Juan na maglakbay at
hanapin ang kahariang ito. Sinabi rin niyang kung marami mang haharaping hirap ang prinsipe,
hindi magtatagal at makakamtan din niya ang tagumpay. Sa payong ito ng Adarna, lumakad na
si Don Juan at tuluyan nang nalimutan si Donya Leonora dahil si Donya Maria Blanca na ang
laman ng kanyang puso.
Samantalang si Don Juan ay abala sa paghahanap sa Reyno de los Cristales, araw at gabi

YUNIT: FILIPINO
2016

DEPARTAMENTO: MATAAS NA PAARALAN

T.P. 2015 -

namang tumatangis si Donya Leonora sa labis na pangungulila kay Don Juan. Habang si Don
Pedro naman ay wala ring tigil sa pagbisita sa silid ng prinsesa at panunuyo rito. Ngunit tila
pagkamuhi lang ang nararamdaman niya sa taong dahilan kung bakit nagkahiwalay sila ng
taong tunay niyang minamahal.
Tatlong taong naglakbay si Don Juan sa paghahanap sa Reyno de los Cristales ngunit lagi
siyang naliligaw. Sa awa ng Panginoon, may nakasalubong siyang isang matanda. Hindi na
nag-atubili si Don Juan at humingi siya ng tinapay dahil na rin sa labis na gutom. Binigyan
naman siya ng matanda ng tinapay ngunit itoy maitim, durug-durog at nakasusuklam kainin.
Subalit hindi niya ito alintana dahil sa labis na pagkagutom. Ngunit laking pagtataka niya, nang
malasahan ito ay anong sarap pala ng tinapay at tila bagong luto pa ito. Binigyan pa siya ng
tubig na maiinom at pulot-pukyutan. Naubos niya ang inuminng matanda subalit laking gulat
niya nang hindi ito maubos-ubos. Ibinahagi niya ang kanyang pakay ngunit ayon sa matanda,
isang daang taon na siyang naninirahan doon ngunit ni minsan ay di pa niya narinig ang
kahariang hinahanap ni Don Juan. Gayunpaman, binigyan siya nito ng kapirasong tela at
sinabing puntahan niya ang ermitanyong maaaring makatulong sa kanya na matatagpuan sa
ikapitong hanay ng bundok. Sinabi niyang ipakita ang tela at sabihing galing ito sa matandang
sugatan.
Pitong buwang naglakbay si Don Juan bago niya natunton ang bundok. Nakaharap niya ang
ermitanyong hanggang beywang ang balbas. Nagalit ito nang makita si Don Juan subalit nang
ipakita niya ang kapirasong tela ay umiyak ang ermitanyo. Ngunit nang binanggit na ni Don
Juan ang tungkol sa kanyang paghahanap sa Reyno de los Cristal, sinabi ng ermitanyo na
limang daang taon na siyang naninirahan doon subalit hindi niya batid ang kahariang pakay ni
Don Juan. Pinatugtog niya ang kampana at dumating ang lahat ng hayop na nasasakupan niya.
Tinanong niya ang mga ito subalit wala ring nakaaalam sa kanila. Kaya inatasan niya ang
alagang olikornyo upang ihatid si Don Juan sa kapatid niyang ermitanyo na nakatira sa
ikapitong bundok. Ibinilin din niya kay Don Juan na ibigay ang kapirasong tela.
Pagdating ni Don Juan, nakita niya ang ermitanyong ang balbas ay sumasayad sa lupa.
Ipinakita niya ang kapirasong tela at napawi ang galit ng ermitanyo. Inilahad niya ang kanyang
sadya ngunit maging ang ermitanyo ay hindi rin nakaaalam kahit walong daang taon na siya sa
lugar na iyon. Ipinatawag niya ang mga alagang ibon gamit ang kanyang kampana.
Nagsidatingan ang mga ito at tinanong ng ermitanyo kung may nalalaman sila tungkol sa
hinahanap na kaharian ni Don Juan. Huling dumating ang agila at sa di inaasahang
pagkakataon, sinabi nitong kaya siya nahuli ay dahil nanggaling pa siya sa isang malayong
kaharian ng Reyno de los Cristales. Dahil dito, inatasan ng ermitanyo ang agila na ihatid si Don
Juan sa kahariang ito.
Isang buwang naglakbay si Don Juan at ang agila nang makarating sila sa banyo ni Donya
Maria. Nagbilin ang agila na darating ang mga prinsesa sa ikaapat ng madaling-araw.
Mayamaya pa, dumapo na sa puno ng peras ang magkakapatid na nag-anyong kalapati upang
maligo. Hangang-hanga si Don Juan sa kanilang ganda. Hindi siya nakapagtimpi at itinago ang
damit ni Donya Maria. Nang matapos ang prinsesa sa paliligo, hinanap niya ang kanyang damit
subalit hindi na niya ito makita kaya galit na galit na nagbanta sa sinumang kumuha ng kanyang
damit. Lumipas ang isang oras at nag-uusa na lang si Donya Maria Blanca nang lumitaw si Don
Juan at lumuhod sa harap ng prinsesa habang humihingi ng paumanhin. Noon diy nagtapat
siya ng pag-ibig sa prinsesa. Naawa naman sa kanya si Donya Maria at pinatawad si Don Juan.
At kapagdakay napalitan ng pag-ibig ang galit na kanyang nararamdaman.
Inilahad ni Donya Maria ang mga dapat gawin ni Don Juan upang hindi siya mabiktima ng
kanyang amang si Haring Salermo. Ayon sa kanya, marami nang nagtangkang manligaw sa
kanya subalit lahat sila ay nabigo at naging mga bato sa paligid ng palasyo. Ibinahagi niya ang
lahat ng mga lihim na dapat niyang malaman ni Don Juan upang maligtas ito sa panganib. Sa
paghaharap nina Don Juan at Haring Salermo, ibat ibang napakaimposibleng mga pagsubok

YUNIT: FILIPINO
2016

DEPARTAMENTO: MATAAS NA PAARALAN

T.P. 2015 -

ang ipinagawa ng hari sa kanya. Lahat ng mga itoy napagtagumpayan ni Don Juan sa tulong
ng mahika ni Donya Maria Blanca.
Kahit sa huling pagkakataon ay hindi pa rin nagpatalo si Haring Salermo. Binalak niyang
ipadala sa Inglatera si Don Juan upang ipakasal ito sa kanyang kapatid o di kayay ipapatay.
Nang malaman ito ni Donya Maria Blanca, Nagbalak silang tumakas palayo sa kaharian subalit
nalaman ito ng hari. Hinabol sila ng nito kasama ang kanyang mga kawal, ngunit sa laki ng pagibig ni Donya Maria kay Don Juan, nagawa niyang kalabanin at gamitan ng mahika maging ang
kanyang ama. Sapagkat higit na makapangyarihan ang mahika blanka ni Donya Maria, natalo
niya ang kanyang ama kayat sa huliy isinumpa siya ni Haring Salermo na malilimutan siya ng
kanyang iniibig at magpapakasal ito sa iba.
Gawain #43: Talakayan
Mga Gabay na Tanong sa Pagtalakay:
1. Ano ang ginawa ni Don Juan nang siya ay makaramdam ng takot sa kanyang pag-iisa?
Anong mabuting katangian ang masasalamin sa pagkatao niya sa kanyang ginawa?
2. Ilarawan ang muling pagkikita ni Don Juan at ng Ibong Adarna. Ano-ano ang
mahahalagang bagay na kanilang napag-usapan?
3. Paano pinatunayan ni Donya Leonora ang katapatan ng kanyang pag-ibig kay Don Juan?
4. Naging madali ba ang paglalakbay ni Don Juan patungo sa Reyno de los Cristales?
5. Sino-sino ang tumulong kay Don Juan upang marating ang kahariang hinahanap niya?
Paano nila natulungan si Don Juan?
6. Ilarawan ang nadama ni Don Juan nang makita niya ang kagandahan ni Donya Maria.
Bakit siya nabighani nang gayun na lamang?
7. Ano ang natuklasan ni Donya Maria na labis niyang ikinagalit?
8. Makatwiran ba ang ginawang ito ni Don Juan? Ipaliwanag.
9. Ano-ano ang mga kahilingang ipinagawa ng hari kay Don Juan?
10. Bakit hindi tumigil si Haring Salermo sa pagpapagawa ng mga imposibleng bagay kay
Don Juan?
11. Ano ang naging huling patibong ng hari kay Don Juan na naging sanhi upang maisip ni
Donya Maria na tumakas na sila palayo sa palasyo?
12. Ano ang laman ng sumpa ni Haring Salermo sa kanyang anak?

PAKIKIPAGTUNGGALI SA NGALAN NG PAG-IBIG


DALOY NG ARALIN
I.

INTRODUKSYON

Araw 22 -25
Mga Layunin:
1. Matukoy ang mahahalagang detalye sa akda

YUNIT: FILIPINO
2016

2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.

DEPARTAMENTO: MATAAS NA PAARALAN

T.P. 2015 -

Maibigay ang kahulugan ng mga piling salita sa akda at magamit ang mga ito sa
makabuluhang pangungusap
Makapagsuri at makapagbigay ng mga kaugalian at tradisyon sa kasalan ng mga Pilipino
Matukoy ang mga suliraning kinaharap ng mga tauhan at makapagbigay ng mungkahing
solusyon tungkol dito
Matukoy ang mga tauhang nagsabi ng pahayag
Mabigyang-interpretasyon ang mga pangyayari sa kwento sa pamamagitan ng
malikhaing pagsasadula
Matukoy ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa kwento
Maisa-isa ang mga mensahe at mahahalagang aral na nais ipahiwatig sa akda

Gawain # 45: Pamukaw na Gawain: Panonood ng Bidyo


Magpapakita ang guro ng isang bidyo na nagpapakita ng tagpo sa isang kasalan.
Pagkatapos, magtatalakayan ang klase tungkol sa mga nakita nila sa bidyo gayundin ang mga
tradisyon at kaugaliang alam nila tungkol sa kasalang Pilipino. Tutukuyin din kung ano ang
kaugnayan nito sa araling tatalakayin.
Gawain # 46: Talasalitaan
Magtatakda ng isang grupo ng mga mag-aaral na gagawa ng laro upang pahulaan sa mga
kaklase ang kasingkahulugan ng mga piling salita sa aralin.

II.

INTERAKSYON

Araw 26
Basahin:
Ang Pakikipagtunggali sa Ngalan ng Pag-ibig
Tumakas ang magkasintahan bitbit ang sumpa ng ama ni Donya Maria maghihirap siya at
lilimutin ni Don Juan.
Nangyari nga ang sumpa ni Haring Salermo kayat si Don Juan ay itinakdang ipakasal kay
Donya Leonora. Nagalit si Donya Maria Blanca at sa araw ng kasalan, dumating itong nakabihis
ng isang magarang kasuotan isang emperatris.
Sa pamamagitan ng mahika ni Donya Maria Blanca, naalala ni Don Juan kung sino ang
tunay niyang iniibig at hiniling na silang dalawa ni Donya Maria Blanca ang ipakasal. Mariing
tumutol si Prinsesa Leonora at nagkaroon ng ilang pagpapaliwanag at pagtatalo. Isinangguni sa
arsobispo ng Berbanya ang naturang usapin at iminungkahi nitong dapat ipakasal si Don Juan
kay Prinsesa Leonora. Nagalit si Donya Maria Blanca at pinabaha ang bhong palasyo sa tulong
ng kanyang mahika.
Si Don Juan ang nagpasya. Ibig niyang makasal sila ni Donya Maria Blanca gayon din sina
Donya Leonora at Don Pedro. Natuloy nga ang kasalan at hinirang ni Haring Fernando si Don
Juan bilang bagong hari ng Berbanya. Subalit tumutol si Donya Maria Blanca sapagkat babalik
na raw sila sa Reyno de los Cristales at doon sila mamumuno kayat nauwi ang trono kina Don

YUNIT: FILIPINO
2016

DEPARTAMENTO: MATAAS NA PAARALAN

T.P. 2015 -

Pedro at Donya Leonora. Sina Don Juan at Donya Maria Blanca ay bumalik nga sa Reyno de
los Cristales at sa kanilang pamumuno, naging matiwasay ang buhay ng lahat ng kanilang
nasasakupan. Iyon na ang hudyat ng pagtatapos ng Ibong Adarna.
Gawain # 46: Pagbabanghay
Magtatakda ng isang grupo ng mga mag-aaral na magpapalabas ng buod ng aralin sa
pamamagitan ng malikhaing paraan.
Gawain #50: Pagsasadula
Isang grupo ng mag-aaral ang itatakda upang isadula ang huling bahagi ng Ibong Adarna.
Maaari silang bumuo ng maikling iskit, interpretatibong pagsayaw, o tableu na nagpapakita sa
mga huling eksena sa Ibong Adarna.
III.

INTEGRASYON

Integrasyon sa Wika
Gawain # 47: Pagtukoy sa Tauhang Nagsabi ng Pahayag sa korido
Huhulaan ng mga mag-aaral kung sino ang tauhan na nagpahayag ng mga piling saknong
sa bahagi ng aralin.
Gawain #49: Sanhi at Bunga
May isang grupong itatakda upang maghanda ng isang graphic organizer na fish bone
upang ipakita ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa akda.
Integrasyon sa Pagpapahalaga
Gawain #48: Pagtukoy sa Suliranin at Solusyon
Magtatakda ng grupo ng mga mag-aaral na tutukoy sa mga problemang lumutang sa aralin.
Gagawa sila ng mala- Dear Ate Charo na pagtatanghal sa pamamagitan ng pagsusulat ng
liham na humihingi ng payo at nagbibigay ng payo.
Gawain #51: Mga Mensaheng Natutunan
May mga mag-aaral na tatalakay sa mga aral at mensaheng kanilang napulot mula sa
tinalakay na huling bahagi ng akda. Maaari nilang itong ipakita sa malikhaing paraan.

MGA SANGGUNIAN AT PINAGKUNAN:


Dayag, Alma, et.al. 2010. PLUMA 7. Phoenix Publishing House. Quezon City, Philippines.
Jocson, Magdalena, et al. 2013. Hiyas ng Lahi 7.Vibal Publishing House, Inc. Quezon City.
Lacano, Diana at Limosnero-Ipong, Maida. 2011. Bagong Likha. Valenzuela City. Jo-Es Publishing House.
Setubal, Jessie at Choa Jan Henry Jr. 2016. Pinagyamang Wika at Panitikan 7. Makati City. Diwa Learning Systems
Inc.
https://www.youtube.com/watch?v=4ejjoYUGgg0 (Ibong Adarna Cinematic Trailer)

YUNIT: FILIPINO
2016

DEPARTAMENTO: MATAAS NA PAARALAN

T.P. 2015 -

http://www.slideshare.net/JhaymieRRDagohoy/presentation1-36409576
(Uri ng Tayutay)
http://www.youtube.com/watch?v=VvKdrmFrNxg
(Culion Island, A Former Leper Colony in the Philippines)
http://www.youtube.com/watch?v=21FWC7j5PzA
(Best Bible Stories for kids Healing Leprosy, Best Animated Story)
https://www.youtube.com/watch?v=_5g0T31fllQ
(Oh Pa Ra Sa Ta U Wa Yeah!)
http://www.youtube.com/watch?v=fg7_ZmhGFw0
(Jordan, the baptism site of Jesus)
http://www.youtube.com/watch?v=jaPChCpphU4
(A Little Boy Shares)
http://ilongo.weebly.com/uploads/1/1/9/8/11988951/918756.jpg
(Miguel Lopez de Legaspi in Cebu)

PAGSASAGAWA NG PAMANTAYAN SA PAGGANAP


DALOY NG ARALIN
NARATIBONG GRASPS NG GAWAING MAY PAGLILIPAT
Naglunsad ang DepEd at Philippine Educational Theater Association (PETA) ng isang
patimpalak sa pagbuo ng isang kontemporaryong dulang hango sa mga aral at
pagpapahalagang matatagpuan sa koridong Ibong Adarna. Huhusgahan ang inyong ginawa
ayon sa mga sumusunod na batayan:
Kahusayan sa pagganap

25%

YUNIT: FILIPINO
2016

DEPARTAMENTO: MATAAS NA PAARALAN

Husay sa pagdeliber ng mga dayalogo (wastong bigkas at intonasyon)


Mga Kagamitan o Props na ginamit upang maging mas makatotohanan ang dula
Nilalaman at Husay sa Pagkakasulat ng Iskrip
KABUUANG PUNTOS:

T.P. 2015 -

25%
25%
25%
100%

Mekaniks:
1. Hahatiin sa 6 grupo ang buong klase. (6-7 miyembro kada grupo)
2. Bawat isa ay bibigyan ng partikular na pagpapahalagang Pilipino na sinasalamin ng
Ibong Adarna na dapat nilang isadula.
3. Magtatakda ang mga grupo ng kanilang tagasulat ng iskrip, tagapaghanda ng mga props,
direktor, at mga gaganap.
4. Maghahanda ang bawat grupo ng kanilang iskrip. Kinakailangang handa na ang iskrip sa,
ika-7 ng Marso para sa pagsisimula ng pag-eensayo para sa pagtatanghal.
5. Ang lahat ng grupo ay bibigyan ng pagkakataong mag-video ng kanilang pagtatanghal sa
mga oras ng klase mula ika-11 hanggang ika-22 ng Marso.
6. Kailangang nasa 5 hanggang 10 minuto lang ang gagawing pagtatanghal.
7. Panonoorin sa klase ang nabuong bidyo sa ika-28 at 29 ng Marso.
8. Sa araw ng panonood, may itatakdang grupo na siyang magbibigay ng puna sa
napanood nilang bidyo ng ibang grupo at magbibigay rin sila ng grado batay sa mga
pamantayang itatakda.
9. Narito ang mga pagpapahalagang isasadula:
a. Pakikipagsapalaran at Pagsasakripisyo
b. Determinasyon
c. Pagpanig sa Kabutihan
d. Paggalang sa Nakatatanda at Nakatataas
e. Wagas na Pagmamahal
f. Matibay na Pananampalataya
Gawain #52: Pagsulat ng Banghay at Kabuuan ng Iskrip
Pagkatapos makapaggrupo, sisimulan na ng mga mag-aarala ang pagbuo ng kanilang iskrip.
Kailangan munang makapagpasa ng banghay ng mga grupo at maaprubahan ng guro bago nila
ipagpatuloy ang paggawa ng kabuuan ng iskript.
Gawain #53: Pagsasanay at Pagkuha ng bidyo para sa Gagawing Maikling Pelikula
Gawain #54: Pagpapalabas ng Nabuong Bidyo ng Bawat Grupo at Pagbibigay ng Puna sa
Pagtatanghal ng Bawat Isa

You might also like