AHS13 - FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK) Week 2 PDF

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

AHS13 - Filipino sa Piling Larangan

GBS FOR WEEK NO. 02 OF 20 (Introductory Lesson)

REVIEW NG WEEK 1 LESSON/TOPIC

PAKSA: Misyon, Visyon, Mithiin at Layunin ng Pag-aaral


Layunin:

Magkaroon ng lubos na kaalaman sa misyon, vision, at mga layunin ng paaralan.

Makasunod sa mga alituntunin ng paaralan at ukol sa mga tuntunin sa kurso.

Pagtalakay sa Paksa
1 .Vision: A world-class Institution of learning with a unique Christian of excellence, discipline, and service
to humanity.

2. Mission: Provide quality education anchored on Christian values with the prime purpose of bringing
honor and glory to God.

3. Goals and Objectives:

Impart value-laden education leading to the total development of man.

Offer curricula responsive to the needs of the time.

Optimize learning through the adaptation and utilization of appropriate instructional methods and
resources.

Propel Institutional development through the conduct of useful and significant researches.

Propel development through the conduct of useful and significant researches.

Extend outreach services with promote self-help in the community.

Promote access to alternative education delivery methods.

Develop servant leaders among staff, faculty members, and administrator.

Produce God-fearing, competent and disciplined graduates.

4. Oryentasyon ng ukol sa mga itinakdang tuntunin ng guro sa kurso.

PAKSA: PAGBASA SA IBAT IBANG DISIPLINA

LAYUNIN:

Makapagbigay ng sariling kahulugan sa pagbasa.

Maipaliwanag ang mga teorya sa pagbasa.

Matalakay ang mga proseso ng pagbasa.

PAKSANG TATALAKAYIN

KAHULUGAN NG PAGBASA

Tumutukoy sa kognitibong proseso ng pag-unawa sa mensahe ng wikang nakasulat.

Pagsunod sa mga letrang nakalimbag sa pamamagitan ng mata na may pang-unawa.

MODELO NG PAGBASA

MODELONG BABA-PATAAS- inilalarawan sa prosesong ito ang sunod-sunod na


hakbang mula sa mga titik, mga salita, at ang kahulugan.

Para sa kaliwanagan, ang modelong baba-taas ay:

ang mga letra na ginawang representasyon ng mga ponema;

ang mga ponema bilang makabuluhang tunog na pinagsama-sama para makabuo


ng salita;

ang salita na binibigyan ng kahulugan;

mga salita na pinagsama-sama upang makabuo ng makabuluhang pangungusap;

nabuo ang makabuluhang pagsasama-sama ng mga salita; at

nakabuo ng impormasyon.

MODELONG TAAS-PABABA O PAGSUBOK SA HINUHA- inilalarawan sa prosesong ito na ang


daloy ng impormasyon ay nagmumula sa modelong ito sapagkat ang proseso ng pagkilala sa
salita ay nakasalalay sa kahulugan nito.

Para sa sa kaliwanagan nito:

Halimbawa ng nakalimbag na teksto

Paggawa ng hinuha na pinagbatayan ang salita sa pamamagitan ng dating kaalamn sa paksa


at sa makabuluhang pangungusap

Pagbasa para mapatunayan ng hinuha

Pagbuo ng kahulugan

Pag-unawa sa bagong kaalaman.

TEORYANG ISKEMA- ang kaalaman o pagkatuto di-umano ay nagmumula sa karanasan ng isang


tao na natatanim sa kanyang kaisipan. Halos lahat ng mga tao ay may kani-kaniyang paraan ng
pagkatuto. Ang tawag sa paraang ito ay SCHEMATA ang paraan ng pag-iimbak o pagsalansan ng
impormasyon na nalaman ng isang tao. SCHEMA ay tumutukoy sa malaking organisadong bahagi
ng kaalaman o karanasan ng tao, kaanlinsabay ditto ang emosyon na kaugnay sa karanasan sa
oras ng pag-imbak ng impormasyon.

INTERAKTIBONG PAGBASA -ang nilalaman ng babasahin ay may partisipasyon ang mambabasa.

Pagpapaliwanag ng Interaktibong pagbasa ayon sa mga sumusunod:

RUMMELHART

ang interaktibong pagbasa ay inihambing sa isang computer na binigyang


katawagang MESSAGE BOARD.

Tinitingnan

bilang

pardon

ng

pagbubuo

na

nananawagan

sa

aplikasyon

integrasyon ng lahat ng dating kaalaman.

SPIRO

Pagsususri ng ibat ibang antas mula sa letra patungo sa kabuuan ng teksto.

Ang interaksyon ng proseso batay sa teksto at batay sa kaalaman gayundin ang


mga antas sa bawat proseso ay mahalaga.

METAKOGNITIV NA PAGBASA paglinang ng kahusayn sa pagbasa at pag-unawa sa binabasa sa


pamamagitan ng paglikha ng mga tanong.

MGA ISTRTEHIYA NG METAKOGNITIV NA PAGBASA AYON SA MGA SUMUSUNOD:

BAKER AT BROWN- ang metakognitiv na pagbasa tumutukoy sa kaalaman at pagkontrol


sa sariling pag-iisip at mga gawain sa pagkatuto.

JACOB AT PARIS-ang metakognitiv na pagbasa ay may sariling pagtataya at sariling


pamamahala.

CIARDIELLO-

ang

metakognitiv

na

pagbasa

ay

pinatnubayang

pamamaraan

ng

pagkatuto para maisaloob ang bagong impormasyon at magampanan ang pamamahala


sa pinakamataas na antas ng kaisipan.

MORROW- nagmungkahi ng metkognitiv na estratehiya sa paraang pagpapakwento ng


kwentong binasa, pagbibigay ng kongklusyon at rebyu ng binasang akda.

MACLELLAH- ang metakognitiv na pagbasa ay mulign pagsasaad ng kwento.

BLOOM- ang metakognitiv na pagbasa ay maaring gumawa ng kategoryang pagbuo ng


mga tanong na saklaw sa kognitibong kaalaman.

STECH

VAUGHN-

nagpalimbag

ng

materyales

sa

larangan

ng

edukasyon

sa

pamamagitan ng software na nagbibigay ng elemento sa pagbasa.

MGA ELEMENTO NG METAKOGNITIV NA PAGBASA

BOKABULARYO O TALASALITAAN ang mga salitang nalalaman ng isang tao.

KAHUSAYAN SA PAGBASA- tumutukoy sa kakayahan ng isang bata sa na magbasa nang


mabilis at wasto sa teksto.

PAG-UNAWA-tumutukoy sa pag-intindi sa kahulugan ng teksto o sa mga susing salita nito.

PALABIGKASAN AT PALATUNUGAN- tumutukoy sa pag-aaral kung paano nagiging tunog ang


mga letra.

EVALWASYON

Sagutin ang mga sumusunod na pangungusap.

Paano nakakatulong sa mambabasa ang mga istratehiya sa metakognitiv na pagbasa?

Bakit mahalaga ang mga element ng metakognitiv na pagbasa?

END OF INTRODUCTORY LESSON FOR WEEK 02

You might also like