Local Media4720418005650921393

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Bionote

GROUP 3
Kahulagan
Ang Bionote ay maituturing ding isang uri ng lagom na
ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao.
Ayon kay Duenas at Sanz (2012) sa kanilang aklat na
Academic Writing for Health Sciences, ang bionote ay
tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng
kanyang academic career na madalas ay makikita o
mababasa sa mga journal, aklat, abstrak ng mga sulating
papel, websites, at iba pa.
Kahulagan

Ang bio ay salitang Griyego na ang ibig sabihin sa


Filipino ay “buhay.” Nagmula rin sa wikang Griyego ang
salitang graphia na ang ibig namang sabihin ay “tala”
(Harper 2016). Sa pagsasanib ng dalawang salita
nabubuo ang salitang biography o “talâ ng buhay.” Ang
biography ay mahabang salaysay ng buhay ng isang tao.
Layunin

Layunin ng bionote na maipakilala ang sarili


sa madla sa pamamagitan ng pagbanggit ng
mga personal na impormasyon tungkol sa
sarili at maging ng mga nagawa o ginagawa
sa buhay.
Gamit

ito ay ginagamit sa paggawa ng bio-data, resume, o anumang


kagaya ng mga ito upang ipakilala ang sarili para sa isang
propesyonal na layunin. Ayon kay Levy (2005), May apat na
maaaring paggamitan ng bionote:
 Aplikasyon sa trabaho,
 Paglilimbag ng mga artikulo, aklat blog,
 Pagsasalita sa mga pagtitipon, at
 pagpapalawak ng network propesyonal
Katangian

1. Maikli ang nilalaman Karaniwang hindi binabasa ang


bionote kung ito ay mahaba. Sikaping paikliin ang
pagsulat ng bionote at siguraduhin na importanteng
impormasyon lamang ang nilalaman nito.
2. Gumamit ng pangatlong panauhang pananaw. Laging
gumamit ng pangatlong panauhang pananaw sa
Bionote kahit na ito ay tungkol sa iyong sarili.
Katangian

3. Kinikilala ang mambabasa Kailangang isaalang-alang ang mga


mambabasa sa pagsusulat ng isang bionote. Kung ano ang hinahanap
ng mambabasa dapat ay iayon sa kanilang hinahanap ang pagsulat ng
bionote.
4. Gumagamit ng baligtad na tatsulok Katulad sa pagsulat ng balita at
iba pang obhetibong sulatin, unahin ang pinakamahalagang
impormasyon. Ito ay dahil sa ang mga mambabasa ay binabasa
lamang ang unahang bahagi ng sulatin. Kaya naman sa simula pa
lamang ay isulat ang pinakamahalagang impormasyon.
Katangian
5. Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian Piliin
lamang ang mga kasanayan o katangian na angkop lamang sa layunin
ng iyong bionote.
6. Binabanggit ang degree kung kailangan Mahalagang isulat sa bionote
ng degree na nakuha ng isang awtor dahil isa ito sa mahalagang
impormasyon na dapat malaman ng isang mambabasa.
7. Maging matapat sa pagbahagi ng impormasyon Siguraduhin na tama
ang lahat ng impormasyon na ilalagay sa isang bionote. Huwag
magsulat ng hindi totoong impormasyon para lamang maging kahanga-
hanga ang pangalan ng isang tao
Uri ng Bionote ayon sa haba nito

Micro bionote
 Ito ay isang impormatibong pangungusap na
inuumpisahan sa pangalan, sinusundan ng iyong
ginagawa, at tinatapos sa mga detalye kung
paano makokontak ang paksa ng Bionote.
Karaniwang makikita ito sa social media bionote
o business card bionote.
Uri ng Bionote ayon sa haba nito

Maikling tala
 Binubuo ng isa hanggang tatlong talatang
paglalahad ng mga impormasyon ukol sa taong
ipinapakikilala. Isinusulat ito ng maikli ngunit
kinakailangang naglalaman ng mahahalagang
impormasyon.Ito ay karaniwang ginagamit sa
mga dyornal at antolohiya.
Nilalaman ng Maikling
Tala
 Pangalan ng may-akda
 Pangunahing trabaho
 edukasyong natanggap
 akademikong parangal
 Dagdag na trabaho
 Organisayon na kinabibilangan
Tungkulin sa komunidad
 Mga proyekto na iyong ginagawa
 Mga detalye sa pakikipag-ugnayan kung
kinakailangan(email address)
Mahabang Tala

Itinuturing itong prosang bersyon ng isang


curriculum vitae. Taglay nito ang iba't ibang
impormasyon patungkol sa may-akda.
Mahalaga ang ganitong uri sapagkat nagsisilbi
itong sanggunian ng mga iskolar at
mananaliksik.
Mahabang Tala

Ginagamit ang mahabang tala sa mga tiyak na pagkakataon


tulad ng sumusunod:

a. Entri sa ensiklopedya
b. Entri sa aklat ng impormasyon gaya ng "Buhay ng mga
manunulat sa Pilipinas"
c. Tala sa aklat ng pangunahing manunulat o editor
d. Tala para sa mga hurado ng isang lifetime achievement
e. Tala para sa isang administrador ng paaralan
bochins.paw

Maraming Salamat...

You might also like