SNS - Isang Estratehiya Sa Larangan NG Pagtuturo

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

e

Ma. Fe Gannaban, PhD


De La Salle University Manila

Isa sa kinahuhumalingan ng mga mag-aaral sa kasalukuyan ay ang social networking sites (SNS). Madalas
pinagkakamalang hindi maganda ang nagiging bunga nito sa kanilang pag-aaral (talaga nga kaya?); partikular ang
karamihan sa mga magulang sila ay may mga negatibong persepsyon tungkol sa usaping ito. Mahirap igiit sa mga magaaral na wala itong mabuting idudulot at lalong mahirap makipagtagisan sa kanila hinggil sa masamang epekto ng social
networking sites. Ang pananaliksik na ito ay isang eksploratoryong pag-aaral sa paggamit ng social networking sites sa
pagtuturo ng wikang Filipino. Pokus ng pag-aaral na ito na matukoy ang papel na ginagampanan ng SNS sa proseso ng
pagkatuto ng mga mag-aaral; gayundin ang pagdalumat sa positibo at negatibong epekto nito sa larangan ng pagtuturo
lalo na sa wikang Filipino at aalamin din kung ang SNS ay nakakatulong sa pagtuturo ng Filipino. Layunin ng papel na ito
na malaman ang papel na ginagampanan ng SNS sa proseso ng pagkatuto ng mga mag-aaral; tukuyin ang mga positibo
at negatibong epekto ng SNS bilang estratehiya sa larangan ng pagtuturo; at dalumatin kung talagang nakakatulong ba
ito sa pagtuturo. Penomenolohikal na pamaraan ang gagamitin sa pag-aaral; batay ito sa obserbasyon, eksperimento at
karanasan ng mga guro at mag-aaral na gumagamit ng SNS. Nagsagawa ng pakikipanayam sa mga guro na gumagamit
ng SNS sa pagtuturo, gayundin sa mga estudyante.Pinakasikat sa mga SNS at madalas gamitin ng mga mag-aaral ay ang
Facebook. Ang mga takdang-aralin, babasahin at dapat pag-usapan tulad ng ilang paglilinaw o katanungan tungkol sa
paksang-aralin natalakay at tatalakayin pa ay nabibigyang-linaw at tugon sa pamamagitan ng facebook dahil dito
madalas naka-OL (on line) ang mga estudyante. Malaking bagay din ito upang maging daan sa pagpapasa ng mga
takdang-aralin ng mga estudyante dahil ito ay paper less at malaking tulong pa ito upang mabawasan ang global
warming. Sa kabilang banda, ang e-group ay malaking bentahe rin upang doon i-upload ang mga babasahin o iba pang
panawagan o ilang paalala sa mga estudyante halimbawa sa mga takdang araw o deadline ng pagpapasa ng proyekto,
takdang-aralin, at iba pa. Bagamat, maaari rin namang mag-upload sa facebook. Isinusulong ng papel na ito ang
paglalapat ng mga networking sites sa pagtuturo ng wikang Filipino sapagkat may kabutihan din itong maidudulot sa
pagkatuto sa halip na palagiang ipagbawal ito sa mga mag-aaral na para bang isang malaking banta sa kanilang pagaaral at maging sa kanilang buhay. Datapwat, nararapat pa ring isaalang-alang ang hangganan o parameter ng mga
SNS. Ang papel na ito ay maihahanay sa isa sa mga kulturang popular na kadalasang pinagbubuhusan ng pansin ng mga
mag-aaral. Ang SNS ay isa sa mga dulog- teknolohikal na magagamit natin sa pagtuturo. Maaaring magbigay ng
oportunidad ito sa mga guro upang kumonekta sa mga mag-aaral ngunit ang koneksyon ay may parametro ang
uganyang guro-mag-aaral. Ang SNS ay ginaggamit sa pagkakaibigan na iba naman ang gamit sa larangan ng pagtuturo.
Madalas din itong gamitin ng mga mag-aaral sa pakikipagkaibigan. Kung gayon, kapag ito ba ay ginamit bilang bahagi
sa pagtuturo, mailalalagay din ba ng mga mag-aaral at guro na gumagamit ng SNS ang hangganan o parametro ng
ugnayan nila sa siat isa: guro-mag-aaral na ugnayan. May pagkakataon na nagpopost ang mga estudyante ng personal
na pananaw o komentaryo tungkol sa kanilang guro ngunit hindi binabanggit ang pangalan datapwat alam nilang lahat
na kabilang sa grupo kung sino ang pinag-uusapan. Idagdag pa ang usapin ng cyberbullying. Salamat at nagkaroon na
ng bagong batas ngayon na anti-cyber crime tulad ng cyber bullying. Komprehensibong papel-pananaliksik ang
inaasahang kalalabasan ng pag-aaral na ito.
Mga Susing Salita. Social Networking Sites (SNS), Pagtuturo ng Wikang Filipino, Dulog Teknolohikal, Teknolohiya, Cyber
Crime Act

MA. FE GANNABAN, PHD

76

e
PANIMULA
Kaalinsabay ng pagbabago ng panahon
ang teknolohiya, at bahagi rin ito ng pagbabago
sa akademya. Sa kasalukuyang kalakaran sa mga
paaralan partikular sa mga pamantasan,
masasabing isa sa kinahuhumalingan ng mga
mag-aaral sa kasalukuyan ang social networking
sites o services (SNS). Madalas may negatibong
persepsyon ang mga nasa generation Y
(kabaligtaran ng X, sila ang mga magulang,
matatanda, di kabilang sa henerasyon ng mga
kabataan o ang mga nilalang na pinagtaksilan na
ng panahon o Y pa rin kasi nagbabadya ito ng
isang malaking katanungan na why?) sa SNS,
pinagkakamalang hindi maganda ang nagiging
bunga nito sa pag-aaral ng mga kabataan; isang
tanong na kailangan ng ibayong pag-aaral.
Mahirap igiit sa mga mag-aaral na walang
mabuting idudulot ang SNS at lalong mahirap
makipagtagisan o makipagpingkian ng katwiran
kung ito nga ba ay may masamang epekto o
wala.
Sa kulturang Pilipino, halos bahagi na ng
pang-araw-araw na pamumuhay ang social
networking sites o services o mas kilala bilang
SNS. Sa ibang salita, ito ang mga website na
nagsisilbing daan sa pakikipag-ugnayan tulad ng
facebook na madalas gamitin ngayon sa ating
bansa, gayundin ang twitter, tumblr, my space,
idagdag pa rito ang google sites at yahoo group.
Ang mga site na nabanggit ang nagiging daan
upang mabilis na kumonekta sa mga kaibigan,
mga kamag-anak, mga kakilala na nasa
malalayong lugar, matagal nang kakilala,
kapareho ng interes, naisin o mithiin, kapareho
ng mga aktibidades o gawain, at iba pa. Bahagi
na ng kulturang Pilipino ang pakikidaupang palad
sa kapwa kaya nagunguna rin tayo sa texting at
aminado tayo sa taguring texting capital of the
world.
Dagdag pa sa usapin na ang SNS ay isa sa
mga dulog- teknolohikal na magagamit natin sa
pagtuturo. Maaaring magbigay ng oportunidad
ito sa mga guro upang kumonekta sa mga magaaral ngunit ang koneksyon ay may parametro:

ang ugnayang guro-mag-aaral. Pangunahing


layunin ng paggamit ng SNS ay dahil sa
pagkakaibigan na may malaking kaibahan naman
sa larangan ng pagtuturo. Kung gayon, maaaring
ipalagay na kapag ito ay ginamit bilang bahagi sa
pagtuturo, mailalalagay sa balag ng alanganin
ang hangganan o parametro ng ugnayan ng guromag-aaral na gumagamit ng SNS. May
pagkakataon na nag-popost ang mga estudyante
ng personal na pananaw o komentaryo tungkol
sa kanilang guro ngunit hindi binabanggit ang
pangalan datapwat alam nilang lahat na kabilang
sa grupo kung sino ang pinag-uusapan o
binabanggit sa post kahit hindi pinapangalananexophoric sa usaping diskurso ang bagay na ito
sapagkat may kaalaman o shared knowledge ang
bawat isa tungkol sa pinag-uusapaan. Idagdag
pa ang usapin ng cyberbullying at isa sa mainit na
usapin sa ating lipunan sa kasalukuyan ang Cyber
Crime Act.
Sa kabilang banda, sinabi sa pag-aaral ni
Walling 2009, ang unang henerasyon ng internet
ay tinawag na pasibong paglalathala o passivedisplay. Lumawak ito at naging interaktibo lalo
na sa aspekto ng pagsulat at pagbasa na lalong
humikayat sa mga gumagamit/user nito na
magbahagi ng kanilang mga ideya, palagay o
maging ang mga malikhain nilang gawa o likha.
Bahagi ng SNS ang terminong Web 2.0, na mas
kilala bilang ikalawang henerasyon (second
generation) ng pag-unlad ng web. Nagsisilbing
tulay o daluyan ang internet na makipagugnayan o kumonekta sa kapwa, makakuha o
makapag-ambag ng mga impormasyon, mga
bagay tulad ng mga kasalukuyang ginagawa o
events na aabangan o isasagawa o sasalihan
kaya, mga larawan, mensahe, notifications,
video, wall posting, at iba pang dahilan ng
pakikipag-ugnayan o koneksyon. Malawak na
ang saklaw ng modernisasyon, lumaganap na ito
mula sa ating lipunan hanggang sa mga
komunidad. Ang institusyon ng edukasyon ay
hindi ligtas dito at nakikinabang sa teknolohiya
kung saan ang information technologies (IT) na
may taglay na pananagutan ng pagbabago ng
pagtuturo, pag-iisip, at pagkatuto (Halverson at
Smith 2009-2010).
Ang pagdating ng
MA. FE GANNABAN, PHD

77

e
makabagong panahon ay nagdulot ng maraming
pagbabago sa pananaw ng mga tao. Mula sa mga
konsepto kung saan parang napakalaki ng
mundo ay bigla itong lumiliit at nagbago;
sapagkat ang mga tao ngayon ay madalas
nakaupo na lamang sa harap ng kompyuter at
hindi na nakikipag-interak sa kapwa tao. At dahil
sa ganitong pangyayari, ang konsepto ng
cyberspace ay umusbong at ang pakikipagugnayan ng mga tao sa isat isa ay bigla na lang
nagbago o nag-iba (Mapue 2006).
LAYUNIN
Layunin ng pag-aaral na ito na (1)
matukoy ang papel na ginagampanan ng SNS sa
proseso ng pagkatuto ng mga mag-aaral at
pagtuturo ng guro at (2) pagdalumat sa positibo
at negatibong epekto ng SNS sa pagkatuto.
Ang pananaliksik na ito ay isang
eksploratoryong pag-aaral, isang pagtatangka
ilahad ang paggamit ng social networking sites sa
pagtuturo ng wikang Filipino. Penomenolohikal
na pamaraan ang ginamit sa pag-aaral; batay ito
sa obserbasyon, eksperimento at karanasan ng
mga guro at mag-aaral na gumagamit ng SNS.
Nagsagawa ng pakikipanayam sa mga guro na
gumagamit ng SNS sa pagtuturo, gayundin sa
mga estudyante. Isinusulong ng papel na ito ang
paglalapat ng mga networking sites sa pagtuturo
ng wikang Filipino sapagkat may kabutihan din
itong maidudulot sa pagkatuto sa halip na
palagiang ipagbawal ito sa mga mag-aaral na
para bang isang malaking banta sa kanilang pagaaral at maging sa kanilang buhay. Datapwat,
nararapat pa ring isaalang-alang ang hangganan
o parameter ng mga SNS. Ang papel na ito ay
maihahanay sa isa sa mga kulturang popular na
kadalasang pinagbubuhusan ng pansin ng mga
mag-aaral.
AYON SA MGA PAG-AARAL
Sa isang banda, isang instrumento upang
mapabilis ang pagtuturo at pag-aaral ay ang
paggamit ng SNS ay sa pamamagitan ng internet.
May mga pahayag ang mga dalubhasa hinggil sa

dito. Sa website na www.gartner.com, tinukoy


nina Boyd at Ellison (2007) ang kahulugan ng
Social Networking Site o Service bilang
pampublikong serbisyo na nagrerehistro ayon sa
nakapaloob sa isang system; isang online na
serbisyo o platform o site na nakatutok sa mga
nangangasiwa ng gusali ng mga social network o
ugnayan ng mga tao sa lipunan na nais
magbahagi ng kanilang interes, gawain, naisin o
gusto sa pamamagitan ng koneksyon sa mga
buhay na tao. Ito rin ay nagbibigay daan sa mga
gumagamit upang ibahagi ang kanilang mga
ideya, kuro-kuro o opinyon, mga gawain,
kaganapan o pangyayari sa kanilang buhay at sa
lipunang kanilang ginagalawan, at interes sa loob
ng kanilang mga indibidwal na network. Makikita
ang profile ng mga kasapi sa system; patok ito sa
mga tao sapagkat makikilala ng bawat indibidwal
ang nais niyang makilala. Binubuo ito ng isang
kinatawan ng bawat user- madalas ng profile ang
kanyang mga link sa lipunan, at ng mga
karagdagang serbisyo. Karamihan sa mga social
network ay web based at nagbibigay ito ng mga
paraan sa user upang makipag-ugnay sa internet,
tulad ng e-mail at instant messaging. Dagdag pa
nina Boyd at Ellison na ang mga site na social
network ay web-based na serbisyo nanagbibigaydaan sa mga indibidwal na bumuo ng mga
pampubliko o semi-pampublikong profile sa loob
ng isang sistemang may hangganan (bounded
system); gayundin, upang makapili ng sasabihin
sa mahabang listahan ng mga user kung kanino
mo ibabahagi ang isang koneksyon o ang iyong
sasabihin. Panghuli, ginagamit ang SNS upang
tingnan at bagtasin ang mga listahan ng iyong
koneksyon upang alamin ang kanilang kalagayan
o status, o kung anuman ang kanilang ginagawa
o pinagkakaabalahan sa loob ng system. Ibat iba
ang mga katawagan at kalikasan ng mga site.
Sinipat din nila ang maikling kasaysayan ng SN.
Ayon pa rin kina Boyd at Ellison (2007),
nagsimula ang SN sa website na sixdegrees.com
noong 1987 kung saan nabigyan ng pagkakataon
ang bawat kasapi na makakonekta at
makapagpadala ng mensahe sa mga kaibigan
nito. Kahit marami ang naengganyo sa website
na nabanggit, hindi pa rin nila gaanong
napatatag ito kaya hindi rin ito nagtagal. Noong
MA. FE GANNABAN, PHD

78

e
1999 naman, sumikat ang Livejournal.com,
Friendster.com noong 2002, Multiply.com at
Myspace.com noong 2003 at noong taong 2004
naman sumikat ang Facebook.com. Sa
pananaliksik ni Ellison, naitala sa kanilang jounal
article na may pamagat na The Journal of
Mediated Communication (2007), lumitaw na
85.2% ng mga respondent ay gumagamit ng isa o
higit pang mga site ng SNS. Nasa edad 18 at 19
ang pinakamaraming bilang ng gumagamit nito;
samantala, mula edad 18 hanggang 24 ang
kadalasang gumagamit nito Lumabas din sa
kanyang pananaliksik na kung mas bata ang user
ay mas ipinapakita o ibinubunyag niya ang mga
personal niyang impormasyon tulad ng kanyang
buong pangalan, petsa ng kapanganakan, e-mail
address o instant messaging scree name (IM).
55.8% ng mga user ay gumugugol ng limang oras
bawat linggo. Pangunahing dahilan ng paggamit
ng SNS ay upang makipag-ugnayan sa mga
kaibigan at mga kaklase at mga dating kakilala.
5.5% ang nagsabing ginagamit ang SNS na may
kaugnayan sa kanilang kurso o pinag-aaralan.
May pagkakataong ang user ay
nagpapalit ng pangalan o gumagamit ng alyas o
ibang pangalan, iniiba ang kanilang profile
account. Isang paraan rin ang SNS upang ang
mga tahimik na indibidwal ay nagiging aktibo
naman sa paggamit nito. Sa kabilang dako, may
mga estranghero na ginagamit ang mga SNS sa
hindi magandang layunin tulad ng makapanakit
ng kapwa dahil kung ano-anong masasama at
masasakit na salita ang pinopost o di kayay
upang subaybayan nang palihim ang isang tao na
gustong-gusto niya o may masamang tangka sa
isang indibidwal, may mga spammer din, stalker,
magnanakaw, predator, at iba pa. Kaya dapat
maging maingat sa anumang ipinopost. Sa
sandaling naglagay ka ng isang bagay sa iyong
account ay walang garantiya na maari mo na
itong matanggal muli. Tulad ng isang pangyayari
na kamakailan lamang ay nabalita sa telebisyon
tungkol sa mga sinuspinding mag-aaral sa isang
pribadong paaralan dahil sa mga hindi
magagandang salita na pinost nila tungkol sa
kanilang guro. Naging dahilan ito ng kanilang
kapahamakan at nasira ang kanilang kinabukasan

dahil dito. Marami na ring ulat ng mga batang


nagpakamatay dahil sa cyber bullying, mga
pulitikong napikon at mga artistang naiskandalo
dahil sa mga naka-post at ipinost tungkol sa
kanila at samut-saring pang mga pangyayari.
Hindi lamang usaping interaksyon at sosyal ang
kapakinabangang dulot ng SNS bagkus malaki rin
ang naitutulong nito sa mga negosyo isa na rito
ang pagdami ng mga mamimili online dahil
bukod sa presyo na makikita sa website ay
makikita rin ang ibat ibang produkto na
pwedeng
pamilian.
Malaki
rin
ang
kapakinabangan dulot nito sa sa larangan ng
pangangalakal. Ayon sa pag-aaral, kapag ang
mga kasapi ng organisasyong ito ay
nakapagpatala ng maraming miyembro o kasapi
uunti ang gagastusin ng kompanya o
organisasyon sa website ng negosyo. Iba pa rito
ang pakinabang sa mga kasapi lamang kaysa sa
mga tumatangkilik o gumagamit ng produkto.
Kaya lang, kung minsan dahil sa sobrang dami ng
miyembro, hindi na kayang suportahan ito ng
website at dahil dito, kailangan nang maghigpit
ang website lalo na sa panganaglakal at
pangangailangan ng mga consumer ng produkto.
Sa kabila nito, marami pa ring kompanya o
organisasyon na napapanatiling panatag ang
daloy ng komunikasyon sa mga kasapi na
nagiging dahilan ng pagbabalik-normal ng takbo
o daloy ng negosyo.
Maliban sa Facebook ilan pa sa mga
gingamit na SNS ay Twitter, Yahoo, Google+,
Twitter, Tumblr, Skype, You Tube, Multiply,
Myspace, Blogger, Plurk. Ilan sa dahilan ng
paggamit ng mga nabanggit na SNS ay upang
makipagkaibigan, pakikipag-usap sa kapamilya at
malayong kamag-anak, pagbabahagi ng mga
larawan, pampalipas oras, upang makakuha ng
impormasyon, para sa assignment at pagbebenta
ng produkto.
Ayon sa pananaliksik ni Zuckerberg at
Lunden (2012), higit sa isang bilyon ang
gumagamit ng Facebook, sumunod ang Twitter
na may higit na may 500 milyong user, sinundan
ng Yahoo, Tumblr, at marami pang iba. Natukoy
sa pananaliksik ng University of Minnesota ang
MA. FE GANNABAN, PHD

79

e
mga benepisyong dulot ng SNS. Lumitaw sa
kanilang
pag-aaral
na
hindi
lamang
nakakapadulot ng ligaya ang SNS o upang
makakonekta lamang sa ibang tao ang SNS kundi
nakakadagdag ito ng kaalaman sa digital o
sistema ng teknolohiya at mga kasanayang
panteknolohiya, nakakatulong din ito sa
paghahanap ng mga oportunidad, may
kapakinabangang edukasyonal tulad ng pagiging
malikhain halimbawa sa tula at paggawa ng film,
pagsasaalang-alang sa mga responsibilidad sa
paggamit ng IT (Information Technology).
Sa kabilang banda, lumabas sa pag-aaral
ni Shaulis (2011 ang isa sa negatibong epekto
nito ito ay ang nakakabawas ito sa pagiging
produktibo ng mga estudyante.
DATOS NG PAG-AARAL
Maikli lamang ang panahong ginugol sa
kasalukuyang pag-aaral, kaya hindi sapat ang
datos na nalikom upang ipalagay ang
pangkalahatang resulta nito hinggil sa epekto ng
SNS sa pagkatuto ng mga mag-aaral at pagtuturo
ng mga guro. Tulad ng nabanggit sa panimula ng
pag-aaral, isang eksploratoryo ang kasalukuyang
pag-aaral kaya pinapangahasang sabihin ng
mananaliksik na nangangailangan pa ito ng
mahaba-habang panahon upang dalumatin,
sipatin, at limiing mabuti ang mga resultang
natamo.
Anim na guro lamang ang nakapanayam
ng mananaliksik: tatlong guro mula sa
Technological University of the Philippines
Taguig Campus (TUP-T) at tatlong guro rin mula
sa SLU Baguio (Saint Louis University Baguio).
Ang mga nainterbyung guro ay hindi lahat
nagtuturo ng Filipino. Kinapanayam lamang ang
mga guro na gumagamit ng SNS sa kanilang
pagtuturo. Habang isinasagawa ang pag-aaral na
ito, natuklasan na kaunti pa lamang ang mga
guro na gumagamit ng SNS sa kanilang pagtuturo
ng Filipino. Kaya minabuting kapanayamin ng
mananaliksik ang mga guro na kahit hindi
nagtuturo ng Filipino ngunit gumagamit ng SNS
sa kanilang pagtuturo. 77 mag-aaral naman ang

respondent; 40 ay nagmula sa TUP-T, 30 sa


DLSU-M, at 7 mag-aaral mula sa ibat ibang
pamantasan sa Maynila.
Nakalahad sa ibaba ang transkripsyon ng
interbyu sa anim na guro hinggil sa paraan ng
paggamit nila ng SNS sa kanilang pagtuturo.
T1: Depende kung sino ang admin sa
paggawa ng grupo sa FB. Pag titser kasi
ang admin, medyo takot ang mga
estudyanteng magpost ng kung anoano, siyempre. Pero pag student kasi,
walang kontrol kung ano-ano ang
pinopost nila. Pero di ko sila pinapansin,
bahala sila. Basta kung ano ang pinost
ko doon for next meeting na gagawin
dapat alam nila kasi pag hindi, sorry
sila. Mas tipid sa panahon kasi kung
minsan kesa puntahan mo pa sila isaisa, doon na lang sa google site namin
ko ipinopost. Tapos din, di mo
kailangang i-text sa kanila ang
gagawin, menos gastos pa, di ba at di
mo kailangang puntahan sila isa-isa o
personal kasi nga me group na kami.
Paper less din kasi nga di na nila
kailangang mag-pass ng hard copy kasi
lahat dun sa e-group namin. May
nagtanong dati na estudyante na paano
kung di member sa group namin. Sabi
ko, nasa sa inyo yan basta ba alam
ninyo ang pinopost ko saka wag kayong
magtatanong kung anong gagawin next
meeting kasi nga nakapost yun. Pero sa
akin ang ginagamit ko ay google sites.
Sa higher year hinahayaan ko sila, I
mean pipili ang klase na gagawa ng
account pero sa lower year ako ang
admin, siyempre, first year pa lang.
T2: Ako ang gumagawa ng grupo namin.
Hindi ko hinahayaan ang mga
estudyante ko na gumawa ng account
namin. At dapat may guidelines ka,
mahalaga iyon. Halimbawa, isa sa
guidelines ko ay bawal magpost ng mga
foul language, bawal magmura, bawal
MA. FE GANNABAN, PHD

80

e
ang jejemon. Tinatanggal ko sa grupo
ang gumagawa noon at zero siya sa
test. Ngayon, pag gusto niyang bumalik,
pinagso-sorry ko at mangangakong di
na niya uulitin. Isinasama ko sa test ang
guidelines ko, may spot visit. Pag
nakasagot me additional points. Pag
hindi, zero. Hinahati ko ang ina-upload
ko sa kanila for one term. Halimbawa,
ang isang worksheet ay may 1 to 10
homework, 11 to 20 seatwork, 21 to 30
group work at 31 to 40 web work.
Minsan tinatanong ako ng mga
estudyante kung paano ko natsetsek
kung nagkokopyahan sila o hindi. Sabi
ko may sarili akong paraan. Lahat ng
pinopost nilang sagot sa worksheet sinisave ko sa PDF file then titingnan ko
doon kung sino ang nagkopyahan. Sa
klase din, random, tatawag ako ipapasolve ko sa blakbord yung ginawa niya,
doon ko malalaman kung talagang
naunawaan niya at siya talaga ang
gumawa ng assignment niya. Marami
rin akong ina-upload na readings at
lectures at power point sa group namin
sa FB at pag ni-like ng estudyante ibig
sabihin binasa niya at naintindihan niya.
So, magrarandom uli ako sa klase
tatanungin ko tungkol doon halimbawa
sa video na inupload ko at sa lahat ng
nag-like pipili ako at tatawag ng isa
kung sinong nag-like para malaman ko
kung talagang naintindihan talaga nila.
Pag di nakasagot zero kasi bat siya naglike kung di niya naiintindihan. Nasa
guidelines ko kasi na bago mag-like ibig
sabihin naiintindihan nila, o pinanood
muna nila o binasa nila alin man doon.
May grupo sila na dapat pag may pinasubmit ko may oras lang iyon.
Nilalagyan ko ng timeline, ginuguhitan
ko sa wall kung hanggang kanino lang
ang nagpasa, at sumunod sa oras pag
lumagpas doon at nag-send pa rin,
dinidelete ko na. Kaya, zero ang hindi
nakapagpasa on time. Sa wall ko rin
pinopost kung ano ang mga gagawin sa

mga susunod na miting kaya pag


tinanong ako ng estudyante kung ano
ang gagawin next meeting sabi ko, bat
di ka ba nagbabasa sa group natin?
Pinapaalala ko rin na academic portal
ang group namin at kaya bawal silang
mag-post ng kung ano-ano. Ang
negatibong nakita ko ay wala. Hindi
matrabaho sa part ko kasi nga upload
lang ako ng upload at namomonitor ko
pa sila dahil nakikita ko ang mga
pinopost nila sa wall nila at kung anong
klase ng pagkatao nila. Halimbawa,
nalalaman ko kung sino ang gf ni kuwan
na galing sa ibang tech, so, sinasabihan
ko na mag-aralaral ka muna bago
manligaw at ayus-ayusin ang mga
pictures na pinopost. Tatatawa-tawa
lang ang estudyante. Sa klase,
nagpapa-manual rin ako. Lalo na kapag
research, hand written lahat para
maiwasan ang plagiarism. May
software ngang nabibili o nadadownload yata para malaman kung
ilang percentage halimbawa ang naplagiarize ng isang research. Digital, iaupload ang research mo halimbawa,
then titingnan kung ilan percentage
doon ang na-plagiarize. Sa klase,
nagpapa-check ako per group may iaasign akong lider, iba-iba per meeting
para mag-check ng assignment. Tapos,
kukuha lang ako ng isang notbuk, at
kapag mali ang natsek ko, zero yung
buong grupo ibig sabihin nag-tsek lang
siya na hindi inunawa, di man lang
tiningnan, ni binasa. Kaya minsan, galit
na galit ang mga kagrupo. Sa group din
namin sa FB may group work kami na ipopost ko ang schedule at oras kung
kailan kami mag-chachat, doon ako
magpopost tapos dapat yung kagrupo
niya i-lalike yung ginawa niya kung
tama at kung mali at na i-like niya zero
lahat sila. Nag-a-upload ako ng video.
Sabi ko pag masaya ang pinost ko na
music video ibig sabihin tama ang
sagot, pag malungkot, mali. May chat
MA. FE GANNABAN, PHD

81

e
group kami kaya nalalaman ko kung
ano ang pinag-uusapan nila. Ngayon,
pag inoff nila iyon at hindi ako kasama
sa usapan nila, okay lang sa akin.
Minsan may nabasa ako doon sa chat
sabi i-download mo na lang itong
sagot ko at kopyahin mo hinayaan ko
lang, i-download pala, eh. .So, pag
dating sa klase tinawag ko silang
dalawa at pina-solve ko sa blakbord
yung assignment ko, doon ko nalalaman
kung sino talaga ang may alam at
nangopya lang. So, yung mali zero. Pag
naging member na kasi sa akin sa grupo
namin, plus five na kaagad. So, may five
points na siya. Lahat ng may negative
comments o nag-jejemon, deleted agad.
May nagsasabi na magastos daw kasi
kailangan mag-net lagi. Sabi ko hindi.
Grupo naman iyan, anim sa isang
grupo, magkano lang ba isang oras sa
net shop, 15.00 so kung anim sila, eh di
tig-dodos sila or more than. Eh, tutal
na-upload ko na nga ang buong
worksheet for the whole term kung
tutuusin nasagot na nila ang hard copy
nun kaya i-eencode na nga lang nila o
kokopyahin sa FB di ba, so, anong
magastos dun? Anong mahirap dun.
Hindi mahirap sa part ko kasi mas
nadadalian nga ako. At bago ako nag
create ng group sa FB inaral ko nang
husto ang FB, ano ba ang pros and cons
nito. Paano ko ito gagamitin sa
pagtuturo ko. Madadalian ba ako pati
mga estudyante. So, nakita ko na in the
end nadididisiplina rin ang mga
estudyante sa SNS. So, malalaman nila
na di lang socializing ang Facebook noh.
Pwede naman kasi itong gamitin sa
pagtuturo, masaya pa. Pwedeng icustomize, halimbawa ang magkocomment ay ako muna so, saka pa
lang sila pwedeng mag-comment
pagkatapos ko. Nag-aupload din ako ng
mga video at hindi sila pwedeng magcomment dun hanggat wala akong
pahintulot. Pag may nagtangka, so,

zero. Di pwedeng magpa-member ang


alyas dapat buong pangalan. May
master list ako kung sino na ang mga
member. Nag-iiskedyul ako kung kailan
kami mag-chachat at inaanawns ko sa
klase at sa wall ko. Lider lang ng grupo
ang sasagot pero dapat alam ng mga
kagrupo ang sagot sa tanong ko at
kailangang i-like nila yun. Ngayon pag
mali ang sagot ng lider, zero lahat sila
sa grupo kasi ni-like din ng mga kamember, ibig sabihin di talaga nila alam
ang tamang sagot. Never kong inallow
ang student ko na mag-create ng grupo
namin sa FB, ako lagi, sa lahat ng
section na hawak ko. Last last year pa
ako naggaganito. Bawat section may
grupo kami. Ako, may sarili akong
account na pang friends lang at pang
grupo ko sa mga estudyante ko. Kaya
sabi ko sa kanila kung ayaw nyong
makita ko ang mga pinaggagawa ninyo,
mag-create kayo ng another account
ninyo sa FB para di makasali sa grupo
natin. Paper less talaga kasi dun na ako
mismo sa FB nagtsetsek ng mga ginawa
nila at alam na agad nila ang iskor nila.
Sabi ko sa mga students, pag nagbrown out okay lang, pag may
kalamidad okay pa rin dami namang
net shop kahit saan. Eh di lipat ka sa
ibang lugar pag baha sa inyo tapos
mag-net ka. Inaral ko nga kasi ang FB
bago ko inintigrate sa pagtuturo ko ito.
T3: Nag-SNS ako sa bawat klase ko. Para
lang iyon sa mga updates at dapat
basahin kaya ko ginagamit sa klase ko.
Pero di ako ang admin, student ko, per
section isa bawat isa. Yahoo e-group
ang ginagamit namin sa klase. Minsan,
nag-OL ako. May nabasa ako sa isa sa
post nila at pinag-uusapan nila ang
isang prof, wala namang name kung
sinong prof yun. Pero, siempre di ba,
nakakahiya iyon. At pinagtatawanan pa
nila.
MA. FE GANNABAN, PHD

82

e
T4: Pinapa-upload ko sa students ko ang
music video nila sa youtube cause thats
their final project. I give them the
deadline and they have to give me the
name that they have tag in there.
And then I checked it at night. Usually
the deadline is twelve midnight, and I
have to check it like after twelve. This is
where I see and if it is not there, theyre
late. The problem isthe headache and
very painful in the eye, that to mention
the multiplicity of number of people I
also use it for their blog. I asked them to
put in a blog, their resume, application
letter. I opened a blog and put it in
there.
T5: Limited yung time for lecture kasi one
hour lang usually di ba for a 3 unit
subject. Especially yung subject na ang
dami mong gustong i-input. Pero hindi
mo masabi lahat sa class. So, what I do
is I post references like video maybe o
kaya write-up on the FB account. But
what I do is to create an FB account for
that particular subject. I cannot impart
it all during class periods, so what I do is
I just inform them to add the account in
also announcing top performers of the class.
Then its also a very good site in surveys
like halimbawa, may fieldtrip kami,
mayroon kaming tatlong option, the

their FB friend. So, they can access yung


mga posts ko regarding a certain topic.
So if there are videos that need to be
watched also in relation to a certain
topic, pinopost ko na rin diyan and ang
maganda roon hindi lang ako ang
pwedeng mag-post. Pwede ring magshare ang mga students. Kasi I inform
them na kung meron silang makuhang
related na video whatever or write-up
about the said subject, i-post din nila so
everybody could be able to see it or
read it.
T6: Information dissemination just like what
we have an additional assignment. And
if you are going to give additional
reading I mean meaningful sites for
them to find out kasi as educators, the
instructional time is not enough for us
to cover all the topics so thats the idea
of setting this one I call a cyber class.
And when I give up notes, I give links to
additional meaningful sites and if
theres announcements like I announce
that there are no classes, or Im sick, Ill
be leaving the town, I put it there. I am
there options may feature naman ang
facebook na survey, di ba, so, ilagay mo
lang doon then malalaman mo yung
answers nila.

BUOD NG INTEBYU SA MGA GURO HINGGIL SA KANILANG PANANAW


SA PAGGAMIT NG SNS SA PAGTUTURO
Nakatala sa ibaba ang transkrip ng
isinagawang interbyu sa anim na guro mula sa
Technological University of the Philippines

Taguig Campus at Saint Louis Baguio. Ikinubli ang


pangalan
ng
mga
respondent
upang
mapangalagaan ang kanilang pribadong buhay.

MA. FE GANNABAN, PHD

83

e
Guro

T1

Institusyon

TUP-Taguig

T2

TUP-Taguig

T3

TUP-Taguig

Taon na
Tinuturuan

Unang Taon
at Ikatlong
Taon sa
kolehiyo

Unang Taon
sa Kolehiyo

Bilang ng
Taon ng
Paggamit ng
SNS sa
Pagtuturo

Teknolohiyang Ginagamit sa Pagtuturo

3 Taon

Google Sites Sa higher year pipili ang


klase na gagawa ng account pero sa lower
year guro ang admin. Pag-upload ng mga
advance readings para sa mga susunod na
klase, pagpopost ng mga dapat gawin sa
klase, mga nakaligtaang sabihin, mga
reminder

3 Taon

Facebook Account guro ang admin at


gumagawa ng lahat ng guidelines. Pagupload ng video clip, power point slides,
worksheets na naglalaman ng homework,
seatworks, groupwork, at webwork. May
takdang iskedyul kung kalian ang chat para
sa quiz kahit by group ang sagot

T4

SLU-Baguio

Ikalawang
Taon
Unang taon

4 na Taon

T5

SLU-Baguio

Unang taon

4 na Taon

T6

SLU-Baguio

Unang taon

3 Taon

3 Taon

Yahoo E-Group isang estudyante ang


admin sa bawat klase
You Tube at Blog- guro ang lumikha ng
blog account
Gumagawa ng FB Account para sa bawat
klase ang guro
Facebook

PANANAW NG MGA MAG-AARAL


Ang talatanungan ay para lamang sa mga
respondent na gumamit ng SNS sa kanilang klase
o kasalukuyang gumagamit ng SNS ang kanilang
guro sa klase.
Ang talatanungan ay isinagawa sa
dalawang pamamaraan. Una, sa pamamagitan ng
On Line Survey, may 33 respondents ang
sumagot dito mula sa ibat ibang pamantasan.
Ikalawa, ang personal na pagpapasagot ng
talatanungan sa mga respondent. Walumpung
talatanungan (80) ang ibinigay sa mga

respondent ngunit 44 lamang ang nakabalik o


na-retrieve. Ang ilang kadahilanan ay nawala ito
ng ilang respondents, nakalimutan kung saan
nailagay, at hindi sinagutan. Samakatuwid, may
kabuuang 77 respondents ang sumagot sa
talatanungan. Ang mga respondent ay mga magaaral mula sa TUP-T na may 40 respondents,
DLSU na may 30 na respondents at 7 na magaaral mula sa ibat ibang pamantasan dito sa
Metro Manila.
Nakatala sa ibaba ang buod ng datos.

MA. FE GANNABAN, PHD

84

Matapos makalap ang mga kasagutan, lumabas sa pag-aaral na mula sa 77 mag-aaral na respondents,
nangibabaw ang kasagutan na 41 o 53.25% na naniniwalang nakakatulong ang SNS sa kanilang pag-aaral,
26 o 33.77% ang nagsabing walang naitutulong sa kanilang pag-aaral at 10 o 12.98% ang may ibat ibang
sagot tulad ng medyo na may 3 sagot, depende, 2 sagot, maaari 2 sagot, siguro na may 1 sagot, oo at
hindi na may 2 sagot.

Ayon sa mga respondent, ang mga


asignatura o sabjek na ginagamitan ng SNS ay
Advance Electricity, Basic Electronics, Basic
Programming, Business Research, Constitution,
Draw, English, Filipino, Laboratory, Language
Curriculum,
Linguistics,
Logic
Circuit,
Management,
Mathematics
tulad
ng
Trigonometry, Differential Calculus, Integral
Calculus, Multi-media at Data Communication,
Positibong Epekto ng SNS
Nakakapag-save ng dokumento, lektyur,
pagsusulit, educational video, activities, topics,
handouts, ibang references/links, exercises na
lilinang sa ibat ibang kasanayan, power point,
dissemination of info, files, docs,
announcements, latest/updates, download ng
latest info, posting ng topics na pag-aaralan,
pagbibigay ng quizzes, tests, exercises,
activities, iba pang features, important events,
projects, research, post activities
Clarifications sa lesson o topic, nalalaman kung
sinong bagsak o kulang ng requirements
Napapadali ang pag-intindi sa lektyur bago pa
ang talagang lektyur kasi may background ka
na

Obligation and Contracts, Political Science,


Psychology, Reading, Sciences tulad ng
Chemistry, Physics, Sociology, at Training and
Workshop Program.
Nakatala naman sa ibaba ang buod ng
mga tinuran ng mga mag-aaral na respondent
tungkol sa mga positibo at negatibong epekto ng
SNS.

Negatibong Epekto ng SNS


Nagiging tamad dahil hindi na
nagagamit/gumagamit ang / ng libro, di na
nag-reresearch sa library
Hindi na nakikinig sa klase at hindi na
nagsusulat
Nagiging dependent na lang
Nawawalan na ng gana mag-aaral
Minsan ginagawang sangkalan na kailangang
gumamit ng SNS kahit di naman totoo,
nakakapagsinungaling kahit di dapat
Nagagamit sa mga kalokohan, paninira ng tao
Binabalewala lang ng ibang estudyante

MA. FE GANNABAN, PHD

85

e
Napapadali ang pagtuturo at pagsusulit,

transaksyon, ang kaisipan, pwedeng magfollow -up question sa guro o sa mga kaklase
Mas naiintindihan kasi halimbawa paano
gumagana ang makina pag napanood sa video
na inapload mas madaling makuha
Madaling makapaghalungkat ng data dahil sa
links
Nakakapagpalitan ng ideya o kaalaman sa isat
isa
Nakakahabol sa klase
Nakakataas ng grade
Napapabilis ang paggawa ng project
Napapaganda ang presentasyon
Napapadali ang paggawa ng takdang-aralin
Nakakatipid sa oras

Umaayon sa iskedyul ng mga mag-aaral


Pwedeng makapagpasa kahit na absent sa

klase, pwedeng makapag-make-up,


makakabalita sa mga ginawa sa klase,
makakakalap ng alternatibo upang makagawa
ng paraan sa anumang bagay
Mabilis na paraan para makatipid ng oras
Madaling makapagtanong ng assignments
Kahit malayo sa isat isa pwedeng
makipagkomunikasyon
Hindi ka napag-iiwanan ng panahon
Mas madali dahil wala nang masyadong iisipin
Mas high tech ang pag-aaral
Hindi boring ang pag-aaral, fun, parang
naglalaro lang
Mas nakakapag-explore kaysa makinig lang sa
salita ng guro
Nakakatulong upang tumalino ang estudyante
Pag di malinaw ang pagtuturo ng guro minsan
mas makakakuha ng dagdag na kaalaman sa
net
Lumalawak ang kaalaman mo sa buong daigdig

Nahihikayat maglaro ng mga online games,


makipag-chat, basahin ang notifications

Pagkatapos gawin ang assignment sa SNS,


nada-divert ang attention

Minsan di na masyadong nagtuturo ang prof

dahil inaasa na lang na basahin lahat sa SNS, di


na rin nagdidiscuss
Nawawalan na ng ganang mag-aral dahil sa
labis na paggamit
Hindi naman nakakatulong sa pag-aaral mas
okay pa kung personal ang pagtuturo ng titser
Masakit sa mata
Na-eexpose sa radiation dulot ng computer
Magastos, nakakaubos ng pera
Nakakaadik (FB Addiction Syndrome),
nakakalulong, nasosobrahan ng gamit

Nakakaabala sa halip na magbasa ng libro


Nakakatanggal ng focus ng pag-aaral kasi

nagba-browse sa ibang net, naglalaro ng LAN


games
Nakakaubos ng oras
Laging kailangang magbukas ng net para lang
ma-update kaya tuloy nakakadagdag lang ng
alalahanin
Di na nakakatulong sa houseworks kasi puro na
lang nakatuon sa SNS
Naaakit mag-open ng ibang website,
nababaling sa iba ang atensyon
Inaabuso ang paggamit minsan lahat ng oras
inuubos ditto
Napapabayaan ang ibang aralin kasi nauubos
sa SNS
Limitado dahil di naman lahat ng impormasyon
nandito
Hindi agad naiintindihan ang mga ina-upload,
walang nagpapaliwanag, mas maganda pa rin
kung kaharap ang prof
Hindi napapalawak ang pag-eexplain sa mga
detalye ng leksyon ng prof
Minsan di na naituturo ang dapat ituro kasi
pinapabasa na lang sa net
Iba pa rin ang stud-prof lecture kaysa basahin
sa net
Iba pa rin ang direktang pagtuturo ng guro kasi
mas madali
MA. FE GANNABAN, PHD

86

e
Nakapaglalaan ng oras upang mapag-aralang

muli o balikang-muli ang lektyur at masagutan


ang mga pagsusulit na wala sa klasrum
Nakakakuha ng mga bagong ideya at solusyon
sa problema
Narerebyu ang mga araling tatalakayin at
tinalakay na
Nagiging daan upang magbuklod kami ng mga
kaklase upang pumasa sa subject
Pwedeng gawing sideline
Nakakapag-advance studies

Napapadali ang pagpasa, pagkuha ng


impormasyon, naa-update kung ano ang mga
gagawin sa susunod na klase, kung kalian ang
tests, kung ano ang gagawin pag biglaang
walang pasok, may pagbabago sa lesson
Madaling makontak ang mga nasa malalayong
lugar
Dagdag na kaalaman, mas napapadali ang
research
Pagtutulungan sa paggawa ng takdang-aralin

Nagiging palaasa ang iba


Di na masyadong nag-iisip
Imbis na magresearch mas inuuna muna ang
mag-FB o twitter

Nauuna ang libangan kaysa kailangan


Di lahat ng impormasyon tama, kulang-kulang
Masyadong public ang impormasyon kahit na
pampribado na
May advertisement sa ibang sites kaya maakit
ka na i-click so ididiscover mo muna kaya
minsan nalilibang ka na

Madaling mahumaling sa ibang babasahin,


website, music

Problema pag walang network connection


Inuuna ang walang pakinabang (FB muna bago
ang assignment)

Kinakain ang oras mo


Minsan di na masyadong ineexplain ng guro
ang lesson kasi gumagamit siya ng SNS

Minsan nakakalimutang ituro ng prof yung


ibang lesson

Madaling makahanap ng kaalaman, makapagresearch


Makakakuha ng mga kaalaman na wala sa libro
Pag absent ang prof doon na nagpopost ng
mga dapat gawin ng estudyante
Sa mga kasagutang ibinigay ng mga
respondent, may isang respondent na ganito
ang kanyang naging pahayag.
Depende pa rin sa estudyante kasi kahit
anong post ng prof sa SNS kung di rin naman
babasahin ng estudyante balewala rin.
Ayon sa pakikipanayam sa mga magaaral, pinakasikat sa mga SNS at madalas gamitin
ng mga mag-aaral ay ang Facebook sapagkat
lahat sa kanila ay may account nito. Ang mga
takdang-aralin, babasahin at dapat pag-usapan
tulad ng ilang paglilinaw o katanungan tungkol sa
paksang-aralin natalakay at tatalakayin pa ay
nabibigyang-linaw at tugon sa pamamagitan ng
facebook dahil dito madalas naka-OL (on line)
ang mga estudyante. Malaking bagay din ito

upang maging daan sa pagpapasa ng mga


takdang-aralin ng mga estudyante dahil ito ay
paper less at malaking tulong pa ito upang
mabawasan ang global warming. Sa kabilang
banda, ang e-group ay malaking bentahe rin
upang doon i-upload ang mga babasahin o iba
pang panawagan o ilang paalala sa mga
estudyante halimbawa sa mga takdang araw o
deadline ng pagpapasa ng proyekto, takdangaralin, at iba pa. Bagamat, maaari rin namang
mag-upload sa facebook. Ayon sa pakikipanayam
sa mga guro, may kinalaman ang gamit ng SNS
batay sa kung sino ang gumawa o lumikha ng
grupo o tinatawag na administrator. Nagkaisa
naman ng pananaw ang mga respondent
(mga guro at mag-aaral), sa kanilang pahayag
tungkol sa mga personal comments na
MA. FE GANNABAN, PHD

87

e
lumalagpas na sa hangganan o parametro. Ayon
sa kanila, kung guro ang lumikha ng grupo sa
SNS, mas limitado ang mga pinopost nila na
personal comments dahil may authority ang
gumawa nito tiyak na mamomonitor nito kung
sino ang nagpopost ng mga kalokohan o dimagagandang pahayag. Sa isang banda, kung
estudyante naman ang gumawa o nag-create ng
grupo at imbitado lang ang kanilang guro sa
kanilang nilikhang grupo, walang kimi o hindi
sinasala o pini-filter ng mga miyembro ng grupo
ang pi-nopost nilang comments. Wika nga nila,
tamaan ang dapat tamaan ngunit takot pa rin
silang pangalanan kung sino ang kanilang pinaguusapan lalo nat guro nila ito. Sa kabuuang
pananaw ng mga guro at mag-aaral tungkol sa
gamit ng SNS sa pagtuturo, parehong dahilan ang
kanilang sinabi sa sumusunod na kadahilanan:
pag-popost ng mga dapat basahin, updates ng
mga dapat gawin sa klase, announcements
tungkol sa klase, mahahalagang paunawa o
babala, biglaang panawagan (halimbawa hindi
makakapasok ang guro), supplemental readings,
mga paglilinaw na hindi naintindihan sa klase,
mga tanong at sagot tungkol sa paksang
tinalakay (nakakatulong lalo na kung absent ang
estudyante), maiiwasan ang personal na
pagtukoy sa estudyanteng nagkasala o nagkamali
kasi pangkalahatan ang pagtukoy, mga paalala at
mga nakaligataang sabihin at dagdag na
kaalaman o impormasyon, at higit sa lahat ay
katipiran sa pagpapaliwanag.
Para sa mga interesado at nagnanais
gumawa na may kaugnayan sa kasalukuyang
pananaliksik, iminumungkahi ng mananaliksik
ang sumusunod: a larangan ng metodolohiya,
iminumungkahi na sa pagsasagawa ng susunod
na kahalintulad na pag-aaral lawakan ang saklaw
ng pag-aaral; dagdagan ang bilang ng mga
respondent: mga guro at mga mag-aaral;
magsagawa ng kahalintulad na pag-aaral sa iba
pang sulok ng Pilipinas at tingnan ang epekto ng
SNS sa kanilang pagtuturo (para sa guro) at
pagkatuto (mag-aaral); habaan ang panahong
ilalaan sa isasagawang pag-aara; batay sa
kinalabasan ng pag-aaral, hindi lahat ng mga
gurong nakapanayam ay nagtuturo ng Filipino,

kaya iminumungkahi ng kasalukuyang pag-aaral


na isagawa ng susunod na pag-aaral sa mga guro
na nagtuturo lamang ng Filipino. Gayundin, ang
isasagawang pakikipanayam sa mga mag-aaral ay
dapat para lamang sa mga may SNS sa kanilang
asignatura sa Filipino upang maipokus ang
gagawing pananaliksik sa epekto ng SNS sa
asignaturang Filipino lamang.
PAMITAWAN
Bahagi na ng modernisasyon ang
teknolohiya lalo na sa mga kabataan; masasabing
hindi lamang ito maliit na bahagi ng kanilang
buhay kundi halos karugtong ito ng kanilang
buhay o maaaring ituring na virtual world nila.
Mula sa kanilang paghinga hanggang sa pagtulog,
umiinog pa rin ang kanilang mundo sa
teknolohiya. Kaya, maaaring ipalagay na malaki
ang maitutulong ng SNS maging sa kanilang pagaaral. Batay sa mga resulta ng eksploratoryong
pag-aaral, mapagtitimbang ang mabubuti at ang
masasamang epekto ng SNS sa mga guro at magaaral; ngunit hindi sapat ang datos na nalikom
upang ipalagay ang pangkalahatang resulta nito
hinggil sa epekto ng SNS sa pagkatuto ng mga
mag-aaral at pagtuturo ng mga guro dahil na rin
sa kakulangan ng panahon. Tahasang sinasabi ng
mananaliksik na ang kasalukuyang pag-aaral ay
nangangailangan pa ng mahaba-habang panahon
upang dalumatin, sipatin, at limiing mabuti ang
mga resultang natamo.
Anumang bagay na lumagpas sa
hangganan ay palagiang may masamang epekto
o hindi magandang epekto. Kung gayon,
masasabing ang anumang teknolohiya ay may
mga positibo at negatibong epekto sa proseso ng
pagtuturo-pagkatuto ng mga guro-mag-aaral.
Nararapat ding isaalang-alang ng bawat isa na sa
bawat kalayaang ating tinatamasa o natatamo ay
may kaukulang responsibilidad na nakataang sa
ating balikat.
Minsan, wala naman talaga sa
teknolohiya ang ikagagaling ng isang guro o magaaral nasa guro iyon o estudyante, nakasalalay sa
kanilang mga kamay at sa atin ang pagpapasya.
MA. FE GANNABAN, PHD

88

SANGGUNIAN
Boyd, D. AT Ellison, N. (2007) Journal of Computer-Mediated Communication (journal article):
http://jcmc.indiana.edu/vol13/issue/boyd.ellison.html
Educational benefits of social networking sites. (n.d.). Nakuha October 11, 2012, mula sa University of
Minnesota: http://www1.umn.edu/news/features/2008f/UR_191308_REGION1.html
Halverson, R. at Smith, Annette. (2009-2010). How new technologies have (and have not) changed
teaching and learning in schools. Journal of Computing in Teacher Education. p. 49-54.
Lunden, I. (2012, July 30). Analyst: Twitter Passed 500M Users in June 2012, 140M of them in US; Jakarta
Biggest Tweeting City. Nakuha October 10, 2012, mula sa techrunch.com:
http://techrunch.com/2012/07/30/ analyst-twitter-passed-500m-users-in-june-2012-140m-ofthem-in-us-jakarta-biggest-tweeting-city/
Mapue, B.A. (2006). Cyberstalking and cyberbullying in the Philippines. Nasa dswd.gov.ph. Nakuha
noong Nobyembre 8, 2011 mula sa
http://miss.dswd.gov.ph/index.php/component/content/article/1-latest/78-cyberstalking-andcyberbullying-in -the-philippines.
Shaulis, M. (2011, November 16). Facebook has negative effects on college students. Nakuha October
12, 2012, mula sa California University of Pennsylvania:
http://sai.calu/caltimes/index/2011/11/16/facebook-has-negative-effects-on college-students/
Zuckerberg, M. (2012, October 4). Newsroom. Nakuha October 10, 2012 mula sa Facebook:
http://newsroom.fb.com/News/One-Billion-People-on-Facebook-1c9.aspx

MA. FE GANNABAN, PHD

89

You might also like