2015 2016 Fourth Unit Test in EsP 8

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education

Region VI - Western Visayas


Division of Roxas City
CULASI NATIONAL HIGH SCHOOL
Culasi, Roxas City

Ikaapat na Yunit na Pagsusulit


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
Pangalan:____________________________________________
Petsa:_____________

Baitang

8-___________________

Panuto: Ipaloob sa kahon ang titik ng tamang sagot.


1. Ano ang mensaheng ipinahihiwatig ng larawan?
a. Ang tunay na pagmamahal ay malaya at nagpapahalaga
ng minamahal.
b. Ang pagmamahal ay isang birtud.
c. Ang pagmamahal ay mapagbuklod.
d. May kamalayan at kalayaan ang sekswalidad sa tao. Ito
pagpili, may tuon, at nag-uugat sa pagmamahal.
e. Ang pagmamahal ay mapanlikha.

sa

kalayaan

ay bunga ng

2. Ano ang mensaheng ipinahihiwatig ng larawan?


a. Ang tunay na pagmamahal ay malaya at nagpapahalaga sa kalayaan ng
minamahal.
b. Ang pagmamahal ay isang birtud.
c. Ang pagmamahal ay mapagbuklod.
d. May kamalayan at kalayaan ang sekswalidad sa tao. Ito ay bunga ng pagpili,
may tuon, at nag-uugat sa pagmamahal.
e. Ang pagmamahal ay mapanlikha.
3. Ano ang mensaheng ipinahihiwatig ng larawan?
a. Ang tunay na pagmamahal ay malaya at nagpapahalaga sa
minamahal.
b. Ang pagmamahal ay isang birtud.
c. Ang pagmamahal ay mapagbuklod.
d. May kamalayan at kalayaan ang sekswalidad sa tao. Ito ay
pagpili, may tuon, at nag-uugat sa pagmamahal.
e. Ang pagmamahal ay mapanlikha.

kalayaan

ng

bunga

ng

4. Ano ang mensaheng ipinahihiwatig ng larawan?


a. Ang tunay na pagmamahal ay malaya at nagpapahalaga sa kalayaan ng
minamahal.
b. Ang pagmamahal ay isang birtud.
c. Ang pagmamahal ay mapagbuklod.
d. May kamalayan at kalayaan ang sekswalidad sa tao. Ito ay bunga ng pagpili, may
tuon, at nag-uugat sa pagmamahal.
e. Ang pagmamahal ay mapanlikha.
5. Kinausap ka ng kasintahan mo at sinabing nag-aalinlangan siya sa pag-ibig mo. Masyado ka raw mailap sa
kanya. Sa pag-aalala mong iwan ka niya, tinanong mo siya kung ano ang kailangan upang mapatunayan
mong talagang mahal mo siya. Tinitigan ka niya at tinanong, Kung talagang mahal mo ako, handa ka bang
ibigay ang sarili mo sa akin kahit hindi pa tayo mag-asawa? Bilang isang responsableng lalaki o babae, ano
ang gagawin mo?
a. Makikipaghiwalay sa kasintahan dahil hindi ka pa handa sa nais niya.
b. Isusumbong siya sa mga magulang niya upang hindi siya mapariwara.
c. Kakausapin siya at sasabihing kapwa pa kayo hindi handa para sa ganitong uri ng ugnayan.
d. Magtatanong o kukunsulta sa guidance counselor o sa guro dahil ikaw ay nalilito.

6. Nakaramdam ka ng paghanga sa iyong kaibigan. Sapagkat ikaw ang itinuturing niyang bestfriend,
pinakiusapan ka niya na maging tulay upang mapalapit sa iyong kaklase na kanyang naiibigan. Pumayag ka
ngunit habang silay unti-unti nang nagkakamabutihan ay nasasaktan ka at nakakaramdam ng pagseselos.
Ano ang iyong gagawin?
a. Hindi na ipagpapatuloy ang pagiging tulay upang hindi sila lubos na magkalapit.
b. Kakausapin ang kaibigan at sasabihin ang nararamdaman.
c. Kukunsulta sa ibang mga kaibigan upang malaman ang dapat gawin.
d. Sasangguni sa guro o guidance counselor.
7. Niyayaya ka ng iyong mga kaklase na manood ng mga pelikulang may malalaswang tema. Halos lahat ng
malapit mong kaibigan ay sasama sa kanila. Kailangan daw nilang gawin ito upang hind maging mangmang
tungkol sa sex. Ano ang gagawin mo?
a. Isusumbong ang iyong kaklase sa inyong guro o sa kanyang mga magulang sapagkat alam mong
makasasama
sa kanilang murang isip ang pornograpiya.
b. Hindi sasama sa kanila, uuwi na lamang at pababayaan sila sa gusto nila.
c. Kakausapin ang mga kaibigan at hihimukin silang huwag gawin ito dahil itoy hindi makakabuti sa
kanila.
d. Natural lamang sa mga kabataan ang mag-eksperimento kayat sasama ka sa kanila.
8. Ang sekswalidad ay ang behikulo upang maging ganap na tao - lalaki o babae - na ninanais mong maging.
Hindi ito pisikal o bayolohikal na kakanyahan lamang. Ano ang ibig sabihin ng pahayag?
a. Ang sekswalidad ay ang kabuuan ng iyong pagkatao.
b. Ang sekswalidad ay daan upang maging ganap na tao.
c. Maaari mong piliin ang iyong sekswalidad.
d. Mahalaga ang iyong pagiging lalaki o babae sa pipiliin mong kurso o karera balang araw.
9. Isang moral na hamon sa bawat tao ang pag-iisa o pagbubuo ng sekswalidad at pagkatao upang maging
ganap ang pagkababae o pagkalalaki. Ano ang ibig sabihin ng pahayag?
a. Hindi moral ang taong hindi buo ang sekswalidad at pagkatao.
b. Ang lalaki ay dapat na lalaki sa sekswalidad at pagkatao, ganoon din naman ang babae.
c. Maaaring hindi magtugma ang sekswalidad at pagkatao ng tao.
d. Mahalagang behikulo ng pagpapakatao ang sekswalidad.
10. Tao lamang ang may kakayahang magmahal, at ang tao lamang ang makapagsisilang ng isa pang tao, na
tulad niya ay may kakayahang magmahal. Ang kakayahang ito na magmahal at maghatid ng pagmamahal
sa mundo ang likas na nagpapadakila sa tao. Ano ang ibig sabihin ng pahayag?
a. Ang tao ay nilikhang sekswal kaya siya ay kabahagi ng Diyos sa Kanyang pagiging Manlilikha.
b. Higit na mahalaga ang kakayahang magmahal ng tao kaysa sa kanyang kakayahang magsilang ng
sanggol dahil
ito ang nagpapadakila sa kanya.
c. Ang tao ay likas na dakila dahil siyay nilikhang kawangis ng Diyos.
d. Mas marami ang mga anak, mas dakila ang isang tao.
11. Ang mga sumusunod ay umiiral na karahasan sa paaralan maliban sa:
a. pambubulas
b. pandaraya
c. fraternity

d. gang

12. Ang mga sumusunod ay mga sanhi ng pambubulas sa paaralan maliban sa:
a. pagkakaranas ng karahasan sa tahanan
c. pagkakaroon ng pagkakaibang pisikal
b. paghahanap ng mapagkatuwaan
d. pagkakaroon ng mababang marka sa klase
Basahin at unawain ang kaso ni Rebecca sa ibaba. Pagkatapos, sagutin ang bilang 13-14.
Ang unang mga taon sa hayskul ay isang labis na pahirap sa akin. Pinatindi ito ng mga taong walang
ibang pinagkatuwaan kung hindi ang pambubulas sa kapwa. May mag-aaral na natuwang sulatan ako ng mga
masasamang salita, tinukso-tukso, sinundan-sundan pag-uwi at niloko sa telepono. Isinumbong ko na siya sa
aming guidance counselor at ipinaalam ko rin sa aming prinsipal ngunit wala pa ring nagbago.
Isang araw sa aming klase, sinuntok niya ako at sinaklot ang aking kamay na sobrang masakit na. Hindi
ako nakatiis. Sinampal at minura ko na siya, kaya binitawan niya ako. Mula noon, iniwasan na niya ako at hindi
na sinaktan. Ayaw ko ng karahasan, kaya hindi ko lubos maisip bakit ako gumanti. Dahil dito, kinamuhian ko
ang sarili ko. Sana pinalampas ko na lang ang panggugulo niya. Sa panahon ng pag-aaral kasi, naghahanap
ang isang kabataang katulad ko sa aking sarili, na kahit ganoon kaliit na bagay ay may epekto sa aking buhay
hanggang pagtanda.
13. Ano ang pangunahing paksa ng sanaysay?
a. Ang pagtuntong ng hayskul.
b. Ang kasamaan ng ugali ng isang nambubulas.
panggugulo.

c. Ang epekto ng pambubulas sa biktima.


d. Ang paghihiganti ay nagpapahinto sa

14. Ano ang naging epekto kay Rebecca ng pambubulas sa kanya ng kanyang kaklase?
a. Nahirapan sa pag-aaral.
b. Napilitang gumanti.
c. Kinamuhian ang sarili
sarili.

d.

Hinanap

ang

15. Ano ang nararapat na tugon ng mga may kinauukulan ng paaralan sa pambubulas?
a. Hindi iintindihin dahil natural lamang sa mga kabataan ang kalikutan.
b. Pagalitan ang nambubulas pagkatapos ay pabalikin sa klase.
c. Suspindihin ang gumagawa ng pambubulas sa paaralan.
d. Humanap ng pangmatagalan at mabisang paraan sa pagsupil sa karahasan sa paaralan.
16. Bakit may mga mag-aaral na sumasali sa fraternity at gang?
a. Wala silang mapaglaanan ng kanilang oras.
b. May kikilala sa kanila bilang kapatid.
c. Kulang sila ng atensyon mula sa kanilang mga magulang.
d. Marami ang lalaban para sa kanila kung masangkot sila sa gulo.
17. Maiiwasan at masusupil ng mga mag-aaral ang karahasan sa paaralan sa pamamagitan ng:
a. Pagsunod sa payo ng mga magulang.
c. Pag-aaral ng mabuti.
b. Paggalang sa awtoridad ng paaralan
d. Pagmamahal sa sarili at sa kapwa at paggalang
sa buhay.
18. Kailangan sa pagmamahal ang paggalang sa sarili sapagkat:
a.Nakatutulong ito sa pagbuo ng malusog at mapanagutang pananaw sa buhay.
b. Nakatutulong ito sa pag-unawa sa mga gumagawa ng karahasan sa paaralan.
c. Nakatutulong ito sa paghanap ng paraan kung paano mapapansin at mamahalin ng iba.
d. Nakatutulong ito sa pagbuo ng mga pangarap sa buhay habang nag-aaral.
19. Ang mga sumusunod ay kailangan sa pagmamahal sa kapwa maliban sa:
a. Pagtanggap sa kanya anuman ang estado niya sa buhay.
b. Pagbibigay sa kanya ng lahat ng nais niya sa buhay.
c. Paggalang sa kanyang dignidad bilang tao.
d. Pagmamahal sa kanya na may kaakibat na katarungan.
20. Ano ang pinakamaituturing na dahilan kung bakit dapat iwasan at supilin ang mga karahasan sa
paaralan?
a. Upang makatuon sa pag-aaral.
b. Upang wala nang banta sa buhay sa loob ng paaralan.
c. Upang mabawasan ang pagliban o paghinto sa pag-aaral.
d. Upang wala nang suliranin ang mga magulang at ang awtoridad ng paaralan.
21. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit nangingibang bansa ang karamihan ng mga Pilipino?
a. makapaglibang b. makapag-aral c. makapagtrabaho
d. makapag-shopping
22. Ano ang iyong mararamdaman kapag ang iyong mga magulang ay kailangang magtrabaho at mapalayo
sa inyong pamilya?
a. Magagalak sa pag-aabroad nila dahil sila ay makapagpupundar ng mga ari-arian at maiaangat ang
inyong
pamumuhay.
b. Ang pagkalungkot dahil sila ay mapapalayo sa iyo sa kabila nang ito ay para sa inyong ikauunlad.
c. Kasiyahan dahil makakapamasyal sila sa mga magagandang lugar na mapupuntahan dahil sa
pagtatrabaho nila
sa ibang bansa.
d. Mag-aalala dahil sa gagastusing pera para makapag-abroad.
23. Ano ang pananaw mo ukol sa konsepto ng migrasyon?
a. Ang migrasyon ay ang pamamasyal sa isang lugar para maglibang.
b. Ang migrasyon ay ang paglakbay at pagtira sa ibang lugar o bansa, sa kadahilanang gustong
makapagtrabaho
at makapanirahan sa ibang bansa.
c. Ang migrasyon ay ang paglipat-lipat o paglalakbay sa mga ibat ibang bansa upang bumisita sa mga
kamaganak.
d. Ang migrasyon ay ang pagtitipun-tipon at pamamasyal para mabisita ang mga kamag-anak sa ibang
bansa.

24. Ano sa iyong pananaw ang tunay na dahilan ng migrasyon?


a. Kakulangan ng mapapasukang trabaho at mababang pasahod para sa mga manggagawang Pilipino.
b. Kagustuhang makapagpundar ng mga bahay at kagamitan.
c. Kagustuhang makarating at makapamasyal sa mga ibat ibang bansa.
d. Upang mabayaran ang lahat ng mga pagkakautang.

25. Alin ang positibong epekto na naidudulot ng migrasyon sa pamilya?


a. Ang makapaglibang at makapamasyal sa mga magagandang lugar.
b. Nakatutugon sa mga pangangailangang pangkabuhayan para maitaguyod ang mas maginhawang
pamumuhay ng pamilya.
c. Ang pag-usbong ng makabago at mas mabilis na paraan ng komunikasyon.
d. Ang pagkakaroon ng mga imported na kagamitan.
26. Ano ang iyong pakahulugan sa transnasyunal na pamilya?
a. Ang ama ang siyang pangunahing naghahapbuhay para sa pangangailangan ng pamilya.
b. Ang ina ay naghahanapbuhay para maitaguyod ang mga pangangailangan ng pamilya, katuwang ng
asawa.
c. Ang pagkakaroon ng kaunting anak dahil sa pagpaplano ng pamilya.
d. Ang mga miyembro ng pamilya ay naninirahan sa Pilipinas samantalang ang ina o ama ay nasa
ibang bansa
para magtrabaho.
27. Ano ang negatibong epekto ng migrasyon sa pamilyang Pilipino para sa iyo?
a. Ang posibilidad na maging dayuhan sa sariling bayan.
b. Ang pagbabago ng tradisyunal na pamilya at maging transnasyunal na pamilya.
c. Ang pagtangkilik sa mga gawang dayuhan.
d. Ang pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ng mga magkakapatid.
28. Sa paanong paraan makaiiwas sa epekto ng migrasyon na pagbabago sa mga pagpapahalaga at
pamamaraan sa pamumuhay?
a. Huwag papansinin ang mga makabagong teknolohiya at pamamaraaan sa buhay.
b. Ang malalim na pagkakahubog ng mga magulang sa mga anak ukol sa mga pagpapahalaga at
kultura bilang
isang tunay na Pilipino.
c. Ang hindi pagtanggap sa mga pagbabagong dulot ng globalisasyon.
d. Ang pagtangkilik sa sariling gawang Pilipino.
29. Ano ang isang mabisang paraan para maiwasan at mapaghandaan ang isa sa mga epekto ng migrasyon
sa pamliyang Pilipino ukol sa paghihiwalay ng mag-asawa?
a. Panatilihin ang bukas na komunikasyon sa isat-isa.
b. Pagkakaroon ng matatag na pagmamahalan, respeto at tiwala sa isat-isa.
c. Ang madalas na pag-uwi ng asawang nagtatrabaho sa ibang bansa.
d. Ang pagkakaroon ng mga counselling centers.
30. Sino ang pangunahing naaapektuhan ng mga banta ng migrasyon sa pamilyang Pilipino?
a. ang asawang naiiwan sa pamilya
c. ang mga anak
b. ang pamilya
d. ang asawang nagtatrabaho sa ibang bansa

Good Luck!

Maam Jen

You might also like