Grade 6 Ikatlong Markahang Pagsusulit Esp

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon XI
Sangay ng Lungsod ng Dabaw
Purok ng San Roque

Ikatlong Markahang Pagsusulit


sa Edukasyon sa Pagpapakatao VI
S.Y. 2016 2017

Pangalan: ___________________________________ Iskor: __________________


Pangkat: ____________________________________ Petsa: __________________
A. Panuto: Basahing mabuti at piliin ang nararapat gawin sa bawat sitwasyon. Itiman
ang bilog ng titik ng tamang sagot.

A B C D 1. Ano ang nararamdaman mo kapag ginagalang mo ang


pananampalataya ng ibang tao?
A. Ikaw ay naging bugnutin lagi.
B. Ikaw ay masaya sa iyong ginawa.
C. Ikaw ay nakadarama ng pagkainggit.
D. Ikaw ay nakakaramdam ng galit sa kapwa.

2. Ayaw magsimba ni Alma dahil wala siyang isusuot na


A B C D magandang damit. Ano ang masasabi mo rito?
A. Ayaw niyang magsuot ng di-bago.
B. Dapat pagbigyan ang gusto ni Alma.
C. Hindi makatwiran ang dahilan ni Alma.
D. Malalim ang pananampalataya ni Alma.

3. Ano ang iyong gagawin kapag may nagawang kabutihan ang


A B C D iyong kapwa sa iyo?
A. Tularan ang kabutihang nagawa sa iyo.
B.Huwag pansinin ang kabutihang ipinakita sa iyo.
C. Iwasan ang mga taong gumagawa ng kabutihan.
D. Maliitin ang nagawang kabutihan ng iyong kapwa.

A 4. Hindi ko gagawin sa iba ang _________.


B C D A. magpakita ng mabuting asal
B. gusto kong gawin nila sa akin
C. ayaw kong gawin nila sa akin
D. Makisama ng walang pasubali

A 5. Napansin mong hindi sumasali sa laro si Ruben dahil nahihiya


B C D siya. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi ko papansinin si Ruben.
B. Hahayaan ko siyang manood sa aming laro.
C. Tatanungin ko na lang siya kung gusto niyang sumali.
D. Pipilitin ko syang sumali kahit labag sa kanyang damdamin.

A 6. Sabado ang araw ng samba ng kapitbahay mo. Ano ang


B C D
gagawin mo?
A. Babatuhin ang sambahan.
B. Magsisisigaw upang tumahimik sila.
C. Papasok sa kanilang sambahan at makikinig.
D. Magmamasid at pipintasan ang kanilang sambahan.

7. Paano ka makatutulong nang hindi para sa iyong sarili lamang?


A B C D A. Gawin ito ng mabilisan.
B. Gumawa kahit hindi inuutusan.
C. Mag-utos pa ng iba para may kasama sa paggawa.
D. Hintayin ang kapangkat para mabuo ang proyekto.
8. Sino ang ihahalal mong pangulo ng Sports Club sa inyong
A B C D barangay, kung ang lahat ng kandidato ay pawang magagaling sa
isports?
A. Si Jhun na mapusok pero magaling.
B. Si Andrew na makisig at mapera, ngunit mayabang.
C. Si Felipe na kilala sa kabaitan at mapagpakumbaba.
D. Si Romeo namatalik mong kaibigan, palaging pikon.

A 9. Ang pagtatapon ng kalat o basura sa mga kanal ay __________.


B C D
A. gawain lagi ng mga tao
B. gawaing bawal at iniiwasan
C. nararapat lamang na gawin
D. ginagawa lamang kung panahon ng tag-ulan

A 10. Hinirang kang maging emcee sa palatuntunan para sa Linggo


B C D ng Wika. Tatanggapin mo ba?
A. Hindi, dahil nahihiya ka.
B. Gusto mo pero nenerbiyos ka.
C. Hindi sigurado dahil may pupuntahan ka sa oras na iyon.
D. Oo, ayaw mong ipahiya ang gurong nagrekomenda sa iyo.

A 11. Bilang lider ng pangkat, tinanong ka kung paano mo napaganda


B C D ang inyong proyekto.Ano ang sasabihin mo?
A. Ako lang naman po ang magaling.
B. Ipinagawa ko sa iba at binayaran ko pa.
C. Bawat isa po sa mga kasapi ay malaki ang naitutulong.
D. Mayroon lang pong isang kasapi na mahirap pakisamahan.

12. May paligsahan ng kagandahan at talino sa inyong paaralan.


A B C D Ikaw ay may ganitong katangian. Ano ang gagawin mo?
A. Iiwas sa paligsahan.
B. IIsiping nakakahiyang sumali.
C. Magtatago para hindi makasali.
D. Agad-agad magpapasyang sumali.

13. Pagluluto ang hilig ni Nora. Minsan wala siyang pasok kaya
A B C D nagpasya siyang magluto at itoy nagustuhan ng lahat. Alin kaya
dito ang ginagawa ni Nora bago siya magluto?
A. Nag-ipon muna siya ng mga ilalahok.
B. Nanghiram siya ng ibang putahe sa pagluluto.
C. Nagtanong siya sa kanyang maliit na kapatid.
D. Nag-isip muna siya kung ano ang kanyang lulutuin.

14. Sa pang-araw-araw na Gawain mo, paano mo


A B C D pinahahalagahan ang nagawang kabutihan ng iyong kapwa sa iyo?
A. Mainggit sa kanila.
B. Ipinagdarasal at pinasasalamatan sila.
C. Hindi pinapansin kahit ano ang ginagawa.
D. Iisnabin o babalewalain ang kanilang kabutihan.

15. Ano ang maaaring gawin ng tao para masagip ang kagubatan?
A B C D A. Pabayaan ang kagubatan.
B. Putulin lamang ang mga matatandang puno.
C. Gumamit ng semento at bato sa pagpapatayo ng bahay.
D. Magtanim ng mga bagong puno para sa susunod na
henerasyon.
16. Nadaanan mo si Rommel na nagsusugal ng tong-its at siya ay
A B C D nananalo ng malaking halaga. Ano ang iyong gagawin?
A. Sasali ka rin sa pagsusugal.
B. Tatawag ka pa ng ibang tao.
C. Iiwasan mo ang masasamang bisyo.
D. Magpapasama ka kay Rommel sa pagsusugal.

17. Ano ang maaari nating gawin para masagip an gating yamang
A B C D tubig o katubigan?
A. MAglagay ng mga katubigan.
B. Gumawa ng mas maraming pasyalan.
C. Pigilan sa pangingisda ang mga mangingisda.
D. Ipasakatuparan ang batas o kautusan sa pangangalaga ng
katubigan.

18. Ang iyong kaibigan ay lagi na lang naninigarilyo tuwing siya ay


A B C D papasok sa paaralan. Ano ang maipapayo mo sa kanya?
A. Bumili lagi ng sigarilyo.
B. Sabihan siya na pangmacho ang pagsisigarilyo.
C. Sabihin sa kanya na masama ang sigarilyo sa katawan ng tao.
D. Sabihin na magandang pagmasdan kapag naninigarilyo ang
isang tao.

19. Naglilinis si linda ng kwarto ng kanyang kapatid. Nakita niya na


A B C D may bagong pabango ang kanyang kapatid. Ano ang kanyang
gagawin?
A. Kunin ang pabango.
B. Gamitin habang naglilinis.
C. Itago sa isang sulok ang pabango.
D. Magpaalam sa kapatid bago kunin.

A 20. May tanim kang puno sa inyong bakuran. Ano ang dapat mong
B C D gawin?
A. Sampayan ng damit.
B. Diligan ito upang mabuhay.
C. Tapunan ito ng mga basura.
D. Lagyan ng duyan para pahingahan.

21. Ano ang gagawin mo upang mapanatiling malinis at luntian ang


A B C D kapaligiran?
A. Maglinis ng bahay.
B. Ayusin ang mga halaman.
C. Tapunan ng mga maruruming basura ang kapaligiran.
D. Magtanim ng mga halaman at maglinis ng kapaligiran.

22. Napansin mong abalang-abala ang iyong mga kapitbahay sa


A B C D pagtatanim ng mga puno sa inyong pamayanan. Ano ang iyong
gagawin?
A. Makiisa sa pagtatanim.
B. Huwag silang pansinin.
C. Sawayin sila sa pagtatanim.
D. Hayaan sila sa kanilang ginagawa.

23. May handaan sa inyo. Masarap kang magluto ng


A B C D spaghetti.Bago ka magluto, alin dito ang una mong gagawin?
A. Balewalain ang pagluluto.
B. Babawasan ang mga sangkap upang makatipid.
C. Lutuin kaagad kahit ano ang maging kalalabasan nito.
D. Iisiping mabuti kung papaano ito lulutuin na magugustuhan ng
lahat.
24. Mabagal gumawa si Ella at nakakaabala sa inyong grupo ang
A B C D kanyang pagtatanong. Ano ang gagawin mo?
A. Irereklamo ko sa guro si Ella.
B. Huwag pansinin ang kakulitan niya.
C. Tuturuan ko ng paraan sa paggawa si Ella.
D. Lilipat ako ng upuan upang hindi makulitan kay Ella.

A 25. Napansin ni Amelia na marumi ang kanyang lutuan. Ano ang


B C D dapat niyang gawin bago magluto?
A. Magluto kaagad.
B. Linisin kaagad ang lutuan.
C. Hintayin ang nanay para magluto.
D. Utusan ang kapatid na linisin ang lutuan.

A 26. Nagluluto ng masarap na ulam ang iyong nanay nang ikaw ay


B C D dumating. Pinatikman niya ito sa iyo kung tama ang lasa. Ano ang
iyong gagawin?
A. Isubo ang ulam kahit mainit.
B. Damputin kaagad ang ulam.
C. Gumamit ng sandok sa pagtikim ng ulam.
D. Gumamit ng kutsara sa pagtikim ng ulam.

A 27. Kung mayroon kang sampung piso. Alin sa mga sumusunod


B C D
ang bibilhin mo?
A. Maraming kendi.
B. Isang laruang nababasag.
C. Maliliitna mga sasakyang laruan.
D. Isang maliit na aklat ng mga kwentong may kahulugan.

28. Ano ang dapat gawin sa mga pansariling kagamitan sa


A B C D paaralan katulad ng sepilyo, suklay, panyo at iba pa?
A. Itapon sa sahig.
B. Ipagamit sa kahit kanino.
C. Iwanan sa lababo pagkagamit nito.
D. Isaayos ang mga ito sa dapat kalagyan.

29. Masarap ang inilutong ulam ng Nanay. Paano mo ito


A B C D pahahalagahan?
A. Kakain na lamang diretso.
B. Kakainin lang ng konti at aalis na.
C. Hindi ito titikman dahil may kinakain pa na tinapay.
D. Magpapasalamat at sasabihing masarap magluto ang nanay.

30. Ano ang dapat gawin sa mga aklat upang di ito masira o
A B C D mapunit?
A. Itapon sa sahig.
B. Iwanan kahit saan.
C. Hayaang mabasa sa ulan.
D. Isinop at iayos ito sa dapat kalagyan

31. Walang baon ang katabi mo at marami kang baong tinapay.


A B C D Ano ang gagawin mo?
A. Alukin siya ng tinapay.
B. Huwag pansinin ang katabi.
C. Itago ang iba mo pang pagkain.
D. Ipagwalang bahala ang kawalan niya ng pagkain.
A 32. May proyekto kayo sa EPP tungkol sa paggawa ng gamit sa
B C D mga patapon na bagay. Alin dito ang gagawin mo bago gawin ang
iyong proyekto?
A. Gagawa na lang ng kahit ano.
B. Agad-agad gagawain ang isang bagay.
C. Pag-iisipang mabuti kung ano ang dapat gagawin.
D. Ipapagawa mo na lang ito sa nakatatanda mong kapatid.

33. Nagugutom ka at ibig mong magmeryenda. Aling pagkain na


A B C D nakakabusog ang bibilihin mo?
A. Sandwich at kakanin.
B. Mga chicharon at kendi.
C. Lollipop, chippy at softdrinks
D. Mga sitsirya tulad ng curls at chips.

34. May alam ang Nanay tungkol sa gawain sa Wastong Nutrisyon.


A B C D Pero hindi mo ito alam gawin. Ano ang gagawin mo?
A. Magpaturo kay Nanay.
B. Ipapasa na lang sa iba ang trabaho.
C. Hindi ako magpapatulong kay Nanay.
D. Bahala na lang kung wala akong alam.

35. Saan maaaring gamitin ang mga nabubulok na basura?


A B C D A. Magagamit na pataba sa mga halaman.
B. Magagamit sa pagpapaganda sa paligid.
C. Magagamit nag awing tirahan ng mga hayop.
D. Magagamit na pagkain ng mga alagang hayop.

36. Nangangailangan ng tulong ang guro sa paggawa ng mga


A B C D palaro at poster tungkol sa paksang No to Dope.
A. Tutulong ako kung pipilitin.
B. Tutulong ako kung may bayad.
C. Hindi ko papansinin ang mga plakard at poster.
D. Tutulong ako ng kusa dahil alam kong malala ang problema ng
drug abuse sa mga kabataan.

37. Pinagdadala kayo ng maliit na punungkahoy ng inyong guro


A B C D para itanim sa paaralan. Ano ang iyong gagawin?
A. Sundin ang guro.
B. Pagtawanan ang guro.
C. Ipagbawal ang sinabi ng guro.
D. Ipagwalang bahala ang sinabi ng guro.

38. Lider ka sa pangkat na mag-uulat. Paano mo ibabahagi sa


A B C D iyong mga kasapi ang mga gawain?
A. Ako lang ang mag-uulat.
B. Pipiliin ko ang mag-uulat.
C. Iyong magagaling lamang ang mag-uulat.
D. Mahina man o magaling, bawat isa ay bibigyan ng
pagkakataong makapag-ulat.

39. Sa pook sambahan, iniwasan ni Angelita ang ____________.


A B C D A. lumahok sa ritwal ng pagsamba
B. makiisa sa mga awiting pagsamba
C. umaawit ng mga salmo o awiting pagsamba
D. gumawa ng ingay o kilos na nakagagambala sa mga nagdarasal

40. Madalas manakaw ang streetlight o ilawan sa inyong kalsada.


A B C D Ano ang maaari mong gawin?
A. Batuhin ang streetlight.
B. Magnakaw ng streetlight.
C.Huwag nang magbayad ng buwis o tulong.
D. Magsumbong sa barangay captain o tanod.
Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon XI
Sangay ng Lungsod ng Dabaw
Purok ng San Roque

Ikatlong Markahang Pagsusulit


sa Edukasyon Sa Pagpapakatao VI
S.Y. 2016 2017

ANSWERS KEY

1. B 21. A

2. B 22. A
3. A 23. D
4. C 24. C
5. C 25. B
6. C 26. D
7. B 27. D
8. C 28. D
9. B 29. D
10. D 30. D
11. C 31. A
12. D 32. C
13. D 33. A
14. B 34. C
15. D 35. A
16. C 36. D
17. D 37. A
18. C 38. D
19. D 39. D
20. B 40. D

You might also like