ESP6

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Region XII

Division of South Cotabato


BANGA 1 DISTRICT
SAN JOSE ELEMENTARY SCHOOL
UNANG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6
S. Y. 2023 - 2024

Pangalan:____________________________________________ Pangkat:__________________
Petsa:_______________________________________________ Iskor: ____________________
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang nakasaad sa bawat aytem. Itiman ang bilog na nasa unahan ng bawat
bilang na tumutugma sa iyong napiling sagot.

A B C D
1.) Ano ang nararapat gawinkapag kinakailangangmagbigay ng desisyon?
A. Madaliin ito B. Alamin muna ang sitwasyon
C. Ipaubaya ang pagdedesisyon sa nakakaalam D. Iwasang magdesisyon upang hindi masisi
kapag nagkamali
2.) Bakit kinakailangang maintindihan nang mabuti ang mga pangyayari bago magpasya?
A. Upang maging sikat B. Upang hangaan ng iba.
C. Upang maging magaling na mananaliksik D. Upang makapagbigay ng angkop na pasya
3.) Umalis ang iyong mga magulang at naiwan kayong magkakapatid sa bahay. Gumagabi na at
nagugutom na ang iyong mga kapatid. Ano ang gagawin mo kung hindi ka marunong
magluto?
A. Piliting magluto kahit na hindi ka marunong
B. Hintayin na lamang ang pagdating ng magulang
C. Makiusap sa kapitbahay na tulungan ka na magluto
D. Udyukan ang mga kapatid na umiyak nang malakas hangang sa may tumulong sa inyo
4.) Isang hapon ay niyaya ka ng iyong mga kaibigan na pumunta sa mall at napagkasunduang
dadaanan ka nila kinagabihan. Habang nasa bahay, naalala mo na kailangan mo palang
mag-aral para sa panahunang pagsusulit kinabukasan. Ano ang gagawin mo pagdaan nilasa
bahay nyo?
A. Hindi na lang magpapakita sa kanila
B. Magdadahilan na lamang na masama ang pakiramdam
C. Haharapin nang maayos ang mga kaibigan at sasabihing kailangan mong mag-aral
D. Agad na sasama sa kanila dahil kailangan mong tuparin ang inyong napagkasunduan
5.) Kaarawan ni Julia ngunit nagkataon namang namatay ang kapitbahay nila atdahil dito ay
hindi na lang itinuloy ang plano nilang handaan dahil sa pangyayari. Ano ang masasabi mo
sa ginawang desisyon ng pamilya ni Julia?
A. Mabuti, dahil makakatipid sila. B. Mabuti, dahil dapat silang makiramay.
C. Mali, dahil karapatan din nilang sumaya D. Mali, dahil hindi naman sila ang namatayan.
Para sa aytem bilang 6 hanggang 10, basahin at unawain ang kasunod na kuwento at sagutin ang mga tanong na
kasunod nito.
Ang bakuran ni Mang Rolly ay katabi ng isang eskinita na patungo sa marami pang mga kabahayan sa
looban. Dahil sa dalas ng sunog na nangyayari sa kanilang lugar, pinakiusapan siya ng mga opisyal ng barangay na
bawasan ng kaunti ang kanyang bakuran upang makadaan ang trak ng bumbero kapag nagkasunog. Noong una ay
atubili pa siyang pumayag dahil liliit ang kanyang espasyo ngunit sa kanyang pagsusuri ay napagtanto niyang marami
ang masasalanta kapag di siya pumayag. Agad na tumalima si Mang Rolly at binawasan ang kanyang bakuran upang
lumaki ang dating masikip na eskinita.
6.) Ano ang hiniling ng mga opisyal ng barangay kay Mang Rolly?
A. Ipasara ang eskinita B. Magsilbi bilang bumbero
C. Lisanin ang kanilang barangay D. Bawasan ang kanyang bakuran
7.) Bakit kinakailangan niyang isakripisyo ang kaunting bahagi ng kanyang espasyo?
A. Malaki ang ibabayad sa kanya.
B.Takot siya sa mga nakatira sa kanilang lugar.
C. Marami ang maaapektuhan kapag nagkasunogsa kanila.
D. Malaki ang kanyang utang na loob sa mga opisyal ng barangay.
8.) Ano ang binigyan niya ng halaga nang siya’y pumayag sa mungkahi?
A. Ang kapakanan ng nakararami
B. Ang ibabayad sa kanya dahil sa pagpayag
C. Ang kanilang pagiging magkaibigan ng mga opisyal ng barangay
D. Ang maaaring sabihin ng mga tao sa kanya kapag siya’y tumanggi
9.) Anong pagpapahalaga ang ipinapakita ni Mang Rolly sa kwento?
A. Pagmamahal sa sarili
B. Pagiging mabuting kaibigan
C. Pagbibigay-halaga sa ikabubuti ng nakararami
D. Pagbibigay-halaga sa magiging puna ng mga tao
10.) Kung ikaw si Mang Rolly, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa?
A. Oo, upang higit na marami ang makikinabang
B. Oo,upang mapuri ng mga tao sa aming lugar
C. Hindi. Higit na mahalaga ang lupa na pag-aari ko.
D. Hindi. Wala akong tungkulin o pananagutan sa ibang tao.
11.) Ang pagtulong sa kapwa ay ginagawa __________________
A. kapalit ng pabuya. B. kapag ikaw ay napipilitan.
C. kahit hindi hinihiling ang iyong tulong. D. sa mga panahon lamang na hinihingi ang
iyong tulong.
12.) Nakita mong parating ang inyong guro na maraming dala-dalang gamit sa pagtuturo. Alin
sa mga sumusunod ang dapat mong gawin?
A. Salubungin siya para tulungan B. Umiwas habang hindi ka pa niya nakikita
C. Panoorin siyang nahihirapan sa pagbubuhat D. Utusan ang kamag-aral na tulungan ang inyong
guro
13.) Ano ang dapat mong gawin kung may kaibigan kang naiwala ang kanyang pamasahe pauwi?
A. Pahiramin siya ng pamasahe B. Pagalitan siya dahil sa pagiging pabaya
B. Payuhan siyang maglakad na lang pauwi D. Sabihan siyang ingatan ang kanyang
pera upang hindi mawala
14.) Alin sa ibaba ang kahanga-hangang gawi ng isang tao?
A. Tumulong kahit sa hindi kakilala B. Tumulong sa mga kakilala lamang
C. Tumulong sa mga taong mukhang mababait at disente
D. Tumulong sa mga taong makakatulong sa iyo pagdating ng araw
15.) May kaklase kang mahiyain na nakaupo lang nang tahimik sa oras ng recess dahil wala
siyang baon. Hindi man niya sabihin ay batid mong nagugutom siya. Ano ang gagawin mo?
A. Pabayaan na lang siya B. Alukin siyang bilhin ang iyong baon
C. Sabihan siyang magdala palagi ng baon D. Lapitan siya at hatian ng dala mong baon
16.) Ano ang dapat isinasaisip kapag naatasan ka ng isang mahirap na gawain.
A. Huwag itong gawin. B. Ipagawa na lang ito sa iba.
C. Gawin ito nang maayos at bukal sa kalooban. D. Tapusin ito sa pamamagitan ng isang mabilis
na paraan.
17.) Mahuhuli ka na sa klase ngunit may nakasabay ka sa pagtawid sa kalye na isang
matanda na hirap nang maglakad. Ano ang gagawin mo?
A. Utusan ang matanda na maglakad nang mabilis
B. Payuhan ang matanda na huwag na lang tumawid
C. Akayin siya hanggang makatawid kahit na mahuli ka pa sa klase
D. Huwag na lamang siyang pansinin upang di ka mahuli sa pagpasok
18.) Maysakit ang iyong ina at nagkataon pa na walang pera ang iyong ama. May naipon kang
pera na pambili sana ng gusto mong laruan. Ano ang tamang desisyon sa ganitong sitwasyon?
A. Ipagwalang-bahala ang suliranin ng pamilya
B. Ialok ang naipong halaga upang maipagamot ang ina
C. Magpalimos para maipagamot ang iyong inang maysakit
D. Sabihan ang ama na mangutang sa mga kamag-anak at mga kakilala
19.) May mga kamag-anak kayong lumikas dahil sa kaguluhan sa kanilang lugar at nakiusap na
manuluyan pansamantala sa inyong bakanteng silid. Ano ang imumungkahi mo sa pamilya ninyo?
A. Payuhan ang mga kamag-anak na sa DSWD sila magpatulong
B. Kumbinsihin ang mga magulang na patuluyin ang mga kamag-anak
C. Sabihan ang mga magulang na humingi ng renta sa mga kamag-anak
D. Tanggihan ang mga kamag-anak dahil magiging abala lamang sila sa pamilya ninyo
20.) Isang hapon ay nakita mong napakarumi ng paligid inyong bahay. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Utusan ang mga kapatid na maglinis
B. Hintayin na ikaw ay utusang maglinis
C. Pabayaan na lang na marumi ang paligid
D. Linisin ang paligid kahit na walang nag-uutos
21.) Kailan dapat tinatapos ang isang gawaing sa iyo iniatas?
A. Pagkalipas ng itinakdang oras B. Kung kailan mo ito gustong tapusin
C. Sa itinakdang oras o mas maaga pa D. Sa panahong kinakailangan mo nang magmadali
22.) Bakit kinakailangang gawin agad nang maaga ang gawain?
A. Upang bigyan ka ng pabuya B. Upang hindi mapagalitan ng nag-utos
C. Upang makapagyabang na mabilis gumawa D. Upang matapos ito nang mas maaga
o sa takdang oras
23.) Ano ang maaaring ipinahihiwatig kapag ang isang tao ay nagpapakita ng pagkamaagap?
A. Nais niyang magpasikat. B. Mahalaga sa kanya ang oras.
C. Wala siyang pakialam sa oras. D. Marami siyang oras na ginugugol sa paggawa.
24.) Ano ang matalinong hakbang upang matapos ang mga gawain sa loob ng itinakdang oras?
A. Gumawa ng iskedyul ng gawain
B. Unahin ang pinakamadaling gawin
C. Makiusap sa iba na lagi kang paalalahanan sa dapat gawin
D. Gawin ito kapag malapit na ang itinakdang oras upang hindi makalimutan
25.) Paano mo magagawang maging higit na produktibo ang oras sa paggawa?
A. Tapusin lamang ang mga madadaling gawain
B. Unahing gawin ang mga bagay na higit na mahalaga
C. Gawin kung ano ang iminumungkahi ng mga kaibigan
D. Unang asikasuhin ang mga gawaing mas gusto mo kaysa iba
26.) Kailan mo dapat sang-ayunan ang kagustuhan ng nakararami?
A. Kung ito’y para sa ikabubuti
B. Kung ikaw ay walang ibang kakampi
C. Kapag ikaw ay higit na makikinabang dito
D. Kapag ikaw ay napipilitang sumang-ayon na lamang
27.) Lahat ng mga kaklase mo ay sumang-ayon na electric fan ang magiging proyekto para sa
inyong silid-aralan ngunit sa tingin mo ay kurtina ang dapat na paglaanan ng pondo. Alin sa
sumusunod ang gagawin mo?
A. Ipagpilitan ang iyong gusto
B. Sumang-ayon sa kagustuhan ng nakararami
C. Magtampo sa lahat dahil hindi nasunod ang iyong gusto
D. Kumbinsihin ang iba na baguhin ang kanilang nasang-ayunan
28.) Sa tingin ni Mildred ay mas nararapat si Claire na maging presidente ng inyong klase ngunit si
Grace ang nanalo sa botohan. Ano ang tamang ugali na dapat ipakita ni Mildred?
A. Ibigay ang buong suporta kay Grace
B. Ipahayag sa lahat na tutol ka sa kanilang pinili
C. Huwag suportahan si Grace dahil hindi mo siya gusto
D. Kutyain ang mga kaklase dahil hindi nararapat ang kanilang pinili
29.) Nagkaisa ang iyong mga kaibigan sa paaralan na lumiban sa klase sa hapon upang
maglaro ng basketball. Ano ang magiging pasya mo?
A. Huwag sumama dahil alam mong hindi mabuti ang binabalak nila
B. Sasama sa mga kaibigan dahil ito ang napagkasunduan ng buong grupo
C. Magyaya ng iba pang sumama upang mas marami kayong hindi papasok
D. Sabihin sa mgakaibigan na ipagpaalam ka sa iyong mga magulang upang may dahilan
kang hindi pumasok
30.) Bakit kinakailangang timbangin muna kung para sa ikabubuti ang pasya ng karamihan
bago ka sumang-ayon?
A. Upang mapansin ng karamihan
B. Upang tumagal ang proseso ng pagpapasya
C. Upang maging batayan ng iyong pagsang-ayon
D. Upang maging hadlang sa ninanais ng nakararami
31.) Alin sa mga sumusunod ang dapat na maisalang-alang kapag gumagawa ng desisyon?
A. Ang pansariling kapakanan
B. Ang kapakanan ng mga namumuno
C. Ang maaaring kitain sa gagawing desisyon
D. Ang kapakanan ng mga maaapektuhan ng desisyon
32.) Si Mayor Sanchez ay nagbabalak na pagandahin ang kanyang lungsod ngunit hindi niya
masisimulan ang pagpapaganda nito habang nandoon ang mga iskwater sa lugar na
aayusin. Dapat ba niyang paalisin kaagad ang mga nakatira doon?
A. Oo, sapagkat wala silang karapatan sa lupang iyon
B. Hindi, dahil kailangan nila ng malilipatang tirahan kapag napaalis doon
C. Oo, dahil kailangang maipatupad kaagad ang proyekto kahit na may maaapektuhan
D. Hindi, dahil hindi na siya iboboto sa eleksyon ng mga taong mapapaalis nang dahil sa proyekto
33.) Ano ang dapat na ginagawa kapag ang bagay na ginawan ninyo ng desisyon ay nalaman
ninyong maaaring magdulot ng pinsala sa iba?
A. Ituloy kahit na may mapinsala
B. Pag-aralang mabuti upang walang maapektuhan
C. Ituloy ngunit gawing lihim ang magiging epekto nito
D. Ipagwalang-bahala na lamang basta’t hindi kayo ang maaapektohan
34.) Nagdesisyon kayo na ipaputol ang puno sa inyong bakuran dahil marupok na ito at
maaaring makadisgrasya ngunit maaari itong tumumba sa kapitbahay sakaling hindi tama
ang pagputol. Ano ang gagawin ninyo?
A. Palipatin ng tirahan ang kapitbahay
B. Hayaan na lamang na matumba nang kanya ang puno
C. Ituloy pa rin ang pagputol kahit na tamaan ang kapitbahay
D. Mag-isip ng paraan na maiiwasang tamaan ang kalapit na bahay
35.) Kung ikaw ang namumuno, itutuloy mo ba ang napagkasunduang gagawin ng iyong grupo
gayong alam mo na maraming magdurusa kapag itinuloy ninyo ito?
A. Oo, upang maipakitang matatag akong pinuno
B. Hindi, dahil alam kong magdudulot ito ng pagdurusa
C. Oo, dahil kailangang maipatupad ang napagkasunduan
D. Hindi, dahil maaari akong tanggalin bilang pinuno ng mga maaapektuhan
Para sa aytem bilang 36-40, basahin ang maikling kuwento sa loob ng kahon at sagutin ang mga tanong tungkol sa
binasa.
Si Jane ang pinakamagaling umawit sa kanilang klase. Nang inanunsyo ng punong-guro na
magkakaroon ng paligsahan sa pag-awit sa buong paaralan ay hindi siya nag-atubiling magdesisyong
sumali. Araw-araw siyang nag-eensayo upang paghandaan ang patimpalak.
Dumating ang araw ng paligsahan at labis ang nadarama niyang kaba dahil magagaling din ang
kanyang mga makakatunggali. Hindi siya nagpadaig sa nararamdaman, bagkus ay buong husay niyang
ipinamalas ang kanyang angking galing sa pagkanta. Humanga ang lahat pati na ang mga hurado. Sa
bandang huli ay itinanghal siyang kampeon ng mga hurado sa kompetistyong iyon dahil sa husay niyang
umawit. Masayang-masaya si Jane dahil sa kanyang nakamit na tagumpay.
36.) Ano ang nakatulong kayJane upang mapagwagian ang paligsahan?
A. katapatan B. katalinuhan C. lakas ng loob D. kagandahang-asal
37.) Anong kakayahan mayroon si Jane na naging batayan ng mga hurado upang siya ay
papanalunin?
A. bilis ng isip B. liksi ng katawan C. husay sa pagsasalita D. kahanga-hangang pag-awit
38.) Ano ang dapat mong taglay na kakayahan kung ikaw ay gustong manalo sa contest sa
pagguhit?
A. husay sa pagpapasya B. husay sa pakikipag-usap
C. talino upang sagutin ang mga katanungan D. ang abilidad na makaguhit ng maganda at angkop sa tema
39.) Sapat na ba ang tibay ng loob upang ikaw ay magwagi sa bawat larangan?
A. Hindi, dahil lahat ng tao ay matibay ang loob
B. Oo, tibay ng loob lamang ang tangi nating kailangan.
C. Oo, dahil ang nagpapakita lamang ng tapang ang madalas na pinapanigan
D. Hindi, dahil kailangan mo ring magkaroon ng abilidad sa pinaglalabanang larangan
40.) Alin sa mga sumusunod ang dapat maging batayan sa pagbibigay ng pasya?
A. Ang kakayahang makaiwas sa pananagutan
B. Ang kakayahang makapagdesisyon para sa iba
C. Ang kakayahang magawa nang tama at maayos ang tungkulin
D. Ang dami ng taong maaaring tumapos sa gawain kapag hindi kinaya

GOODLUCK AND GODBLESS!!!

Prepared By:

JERALD F. MONJUAN, T- I

Noted:
ARNOLD A. YAGO
HT – II
UNANG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6
S. Y. 2017 – 2018

Susi sa Pagwawasto

1. B 26. A
2. D 27. B
3. C 28. A
4. C 29. A
5. B 30. C
6. D 31. D
7. C 32. B
8. A 33. B
9. C 34. D
10. A 35. B
11. C 36. C
12. A 37. D
13. A 38. D
14. A 39. B
15. D 40. C
16. C 41. B
17. C 42. D
18. B 43. B
19. B 44. B
20. D 45. D
21. C 46. A
22. D 47. D
23. B 48. C
24. A 49. D
25. B 50. B

You might also like