Mapeh V
Mapeh V
Mapeh V
I. Layunin:
Pagkatapos ng talakayang ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nailalarawan ang mga alalahaning pangkalusugan sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata.
(H5GDN-le-f-5)
b. Natatanggap na ang mga isyu/usapin ito ay normal na nangyayari sa panahon ng pagdadalaga at
pagbibinita.
II. Paksang Aralin:
Paksa: Mga Alalahanin sa Panahon ng Pagdadalaga at Pagbibinata
Pagpapahalaga: Paghahanda sa sarili, pag aalaga sa sarili
Sanggunian: Health 5 Curriculum Guide p. 33
Kagamitan: Biswal Aid, Plaskard at Larawan
III. Pamamaraan/Statehiya
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
a. Panimula
Magsitayo ang lahat upang manalangin.
Opo, Sir! Sa ngalan ng ama, anak
Handa na po Sir!
b. Presentasyon sa Paksa
c. Talakayan
Ang pagbibinata o pagdadalaga ay ang proseso ng
pagkakaroon ng mga pisikal na pagbabago kung
saan ang batang pangangatawan ay magiging
ganap na may kakayahang magparami nang
sekswal. Ito ay pinasisimulan ng mga hudyat ng
hormones mula sa utak patungo sa gonad: ang
mga obaryo para sa mga babae at testes naman
para sa mga lalaki. Bilang tugon sa mga hudyat,
ang gonads ay maglalabas ng hormones na
maguudyok ng libido at ng paglaki, gampanin at
ang pagbabago ng utak, mga buto, kalamnan,
dugo, balat, buhok, dibdib, at ari. Ang pisikal na
paglakitaas at timbangay bumibilis sa unang
hati ng pagbibinata o pagdadalaga at nabubuo
lamang kung ang bata ay nagtataglay ng hustong
katawan.
Pagbibinata:
Pagkakaron ng lalagukan
Pagbabago ng boses
Pagdadalaga:
Paglaki ng dibdib
Opo sir!
d. Paglalahat (Generalization)
Ano ang pagdadalaga at pagbibinata?
Sir, ang pagbibinata o pagdadalaga ay
ang proseso ng pagkakaroon ng mga
pisikal na pagbabago kung saan ang
batang pangangatawan ay magiging
ganap na may kakayahang magparami
nang sekswal.
Tama! Sir, ang pagbibinata o pagdadalaga ay ang
proseso ng pagkakaroon ng mga pisikal na
pagbabago kung saan ang batang pangangatawan
ay magiging ganap na may kakayahang
magparami nang sekswal.
e. Aplikasyon
Pagdadalaga:
Paglaki ng dibdib
Pagbibinata:
Pagkakaroon ng lalagukan
Pagbabago ng boses
IV. Ebalwasyon
Panuto: Tukuyin ang mga salita kung ito ay Pagdadalaga o Pagbibinata.
1. Paglaki ng dibdib
2. Pagkakaroon ng lalagukan
3. Pagkakaroon ng buwanang dalaw
4. Pagtubo ng buhok sa kilikili, ari, at mukha
5. Pagbabago ng boses
V. Takdang-aralin
Panuto: Gumawa ng slogan tungkol sa mga alalahanin sa ating sarili (pisikal man o
emosyunal) sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata.