Ang Matanda at Ang Dagat
Ang Matanda at Ang Dagat
Ang Matanda at Ang Dagat
PANIMULA
Uri ng Panitikan
Ito ay isang maikling kwento. Ang maikling kwento ay naglalaman ng maiksing
salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang mga
tauhan. Ito ay kinapupulutan ng magandang aral at kadalasang ginagamit bilang
kwentong pambata.
Bansang Pinagmulan
Sa bansang Cuba
May Akda
Ernest Hemingway
Isinalin sa Filipino mula sa Ingles ni Jesus Manuel Santiago
Pating - Isang mabangis na lamang dagat. Ang uri ng isda na pinatay ni Santiago. Ang
kumain sa malaking marlin. Kaagaw ni Santiago sa marlin
Manolin- Isang batang lalake. Siya ay tapat na tagapaglingkod ni Santiago. Siya rin ay ang
pinakamalapit na kaibigan ni Santigao. Si Manolin ay nagmamalasakit sa matanda at ito’y
kanyang pinapalakas ang loob.
Tema
Ang tema ng nobelang “Ang matanda at ang dagat” ay nagpapakita ng pakikibaka ng isang
tao laban sa kalikasan at sa hamong dumarating sa buhay ng isang tao. Kung tutuusi’y
napapakita sa nobela nag relasyon ng tao at ng hayop.
Nagpapakita rin ito ng Christian allegory kung saan inihahalintulad ang pinagdaanan ni
Hesus at Santiago sa nobela.
Ang nobela rin ay nagpapakita ng pagkakaibigan at edad kung saan si Santiago ay
kumakatawan sa matanda at si Manolin naman ay kumakatawan sa bata. At ipinapakita ang
isang magandang relasyon na namagitan sa kanila. Ang kakulangan ng isa’y pinupunan ng
isa.
Tagpuan
Dagat - Isang malawak na anyong tubig. Dito pinatay ni Santiago ang mga Pating. Dito
naglayag si Santiago upang mangisda. Dito niya nahuli ang malaking Marlin.
Aral ng kwento
Sa bawat pagsubok o problema na dumarating sa ating buhay dapat matuto tayong
harapin ang mga ito at huwag mawalan ng pag asa.
III. BANGHAY
Simula:
Maayos na naglalayag at ibinababa ni Santiago ang kaniyang mga kamay sa tubig alat at
sinikap na linawin ang kaniyang isip.Mataas ang cumulus clouds at may sapat na cirrus
sa ibabaw kaya alam ng matanda (Santiago) na tatagal ag simoy sa buong
magdamag.Palaging tinitingnan ng matanda ang nahuli niyang isda para matiyak na totoo
ito.isang oras ito bago siya unang dinunggal ng pating.
Suliranin:
Ang pag-atake ng mga pating sa matanda na kung saan kinakain ng mga pating ang isda
na nahuli ni Santiago.
Papataas na pangyayari:
Ang pagkalat ng dugo ng isda sa karagatan kung saan naaakit ang mga pating dito kaya
naman ito’y kanilang sinusundan at kinakain unti-unti.
Kasukdulan:
Kaya naman sinusubukan ng matanda na patayin at tabuyin ang mga pating.pinatunayan
niya rin na kahit siya ay matanda na malakas pa rin siya.
Kakalasan:
Nang nahulog ang kaniyang salapang itinali niya na lang ang kaniyang lanseta sa
kaniyang sagwan upang gamitin ito pang patay at pantaboy sa mga pating na kumakain sa
Marlin.
Wakas:
Siya ay napaupo sa gilid ng kaniyang Bangka at iniisip ang mataas na presyo na hatid ng
isda sa kanya sa palengke at kung gaano karaming mga tao ang kanyang
mapapakain.Nawala na rin ang amoy ng dugo ng isda na nakakaakit sa mga pating kaya;t
wala ng mga pating ang sumusunod at tinanong sa kaniyang sarili kung ano pa ba ang
pwedeng isipin? Ngunit wala.wala siyang iisipin sabi niya at hihintayin na lang ang mga
susunod pa.Sana nga’y panaginip na lang iyon sa loob-loob niya.
IV. PANANAW
V. PAMAMARAAN
VI. SIMBOLISMO
Dagat- Ang dagat ang sumisimbolo sa mundo kung saan ang bawat tao’y dapat na
maglakbay. Ito ay walang hanggan at sa iyong paglalakba’y may mga posibilidad na may
mga bagay na nakakubli mula sa karaniwang nakikita ng mata; maaring ito ay mga
biyaya na dapat mong ipaglaban upang ito’y iyong mapanatili at maaari ring ito’y mga
pagsubok na dapat mong harapin at labanan nang buong tapang hanggang sa huli.
Pating- Sa kuwentong “Ang matanda at ang dagat,” ang pating ang nagsisilbing pagsubok
na dumarating sa ating buhay. Ito rin ay kumakatawan sa pwersa ng kasamaan na
naghahari sa buhay ng mga tao. Gagawin nito ang lahat upang kunin o agawin ang
pinaghirapan mo at kung hindi mo ito lalabana’y tiyak na magwawagi ito sa kanyang
masamang balak.
IPINASA NI:
MAYBEL A. BALINGGAO
IPINASA KAY:
MRS. KIMBERLY F. COL-AO