Ang Matanda at Ang Dagat
Ang Matanda at Ang Dagat
Ang Matanda at Ang Dagat
II. BUOD
Si Santiago ay pumalaot ng 84 na araw ng walang nahahalinang isda sa laot, ito ay itinuturing na "Salao",
ang pinakamasamang kaanyoan ng kamalasan. Napakamalas niya na ang kanyang batang aprendis na si
Manolin ay pinagbawalan ng mga magulang nito na pumalaot kasama siya, sa halip, sinabihan si Manolin
na sumama nalang sa mga magagaling na mangingisda. Binibisita ng batang lalaki si Santiago sa kanyang
kubo bawat gabi, hila ang bingwit, pinaghahandaan niya si Santiago ng pagkain, nakikipagusap siya tungkol
sa American baseball at ang kanyang paboritong manlalaro na si Joe DiMaggio. Sumunod na araw,
sinabihan ni Santiago si Manolin na siya ay maglalayag ng malayo patungong Gulf Stream, Hilaga ng Cuba
sa Straits ng Florida para mangisda, kumpyansa siya na ang kanyang kamalasan ay malapit nang matapos.
Sa ika-85 na araw ng kanyang napakamalas na pangingisda, lumayag si Santiago gamit ang kanyang bangka
patungo sa Gulf Stream, inilagay ang kanyang mga linya at, sa tanghali, ay may nakuha ang kanyang pain
na isang malaking isda at nasisiguro niyang ito ay isang marlin. Hindi magawang maihila ang malaking
marlin, si Santiago ay sa halip hinila ng marlin. Dalawang araw at gabi ang lumipas habang hawak ang
linya. Kahit nasugatan sa pakikibaka at sakit, ipinahayag ni Santiago ang mahabaging pagpapahalaga ni
Santiago sa kaniyang mga kaaway, madalas niya itong tinutukoy bilang isang kapatid. Napagtanto din niya
na walang sinuman ang karapat-dapat na kumain sa marlin, dahil sa matatag na karangalan nito.
Sa ikatlong araw, nagsimula nang mag-ikot ang isda sa bangka. Kahit pagod at halos nahihibang na si
Santiago, ginamit parin niya ang lahat ng kanyang natitirang lakas para hilahin ang isda papunta sa gilid
nito para saksakin gamit ang salapang. Itinali ni Santiago ang marlin sa gilid ng kanyang bangka para
lumayag pauwi habang iniisip ang mataas na presyo na hatid ng isda sa kanya sa palengke at kung gaano
karaming mga tao ang kanyang mapapakain.
Sa kanyang paglalayag pauwi, naakit ang mga pating sa dugo ng marlin. Pinatay ni Santiago ang isang
malaking mako shark gamit ang kanyang salapang, ngunit naiwala niya ang kanyang salapang. Gumawa
siya ng bagong salapang sa pamamagitan ng pagtali ng kanyang kutsilyo sa dulo ng sagwan para salagin
ang susunod na grupo ng pating; limang pating ang napatay at maraming iba ang napalayas. Ngunit
patuloy pading dumadating ang mga pating, at pagtakipsilim, halos naubos na ng mga pating ang buong
katawan ng marlin, naiwan ang kalansay ng isda na halos binubuo ng backbone, buntot at ulo nito. Sa
wakas nakaabot siya sa baybayin bago ang liwayway sa susunod na araw, pinagsikapan ni Santiago na
makabalik sa kanyang kubo, habang pasan ang mabigat na poste ng layag sa kanyang balikat. Pagdating
sa kanyang kubo, natumba siya sa kanyang kama at nakatulog ng mahimbing.
Sumunod na araw, isang grupo ng mangingisda ang nagtipon sa paligid ng bangka kung saan nakatali ang
kalansay ng isang malaking isda. Sinukat ito ng isa sa mga mangingisda at nadiskubre nilang ito pala ay
may taas na 18 talampakan mula ilong hanggang buntot. Ang mga turista sa kalapit na cafe ay inakalang
ito ay isang pating. Nag-alala si Manolin sa matanda, habang naiiyak na makitang siya pala ay ligtas na
natutulog. Dinalhan siya ng batang lalaki ng dyaryo at kape. Nang magising ang matanda, nag usap at
pinangako nila sa isa't isa na kasama silang mangingisda muli. Sa muling pagtulog niya, napanaginipan ni
Santiago ang kanyang kabataan—mga leon sa isang beach sa Africa.
III. PAKSA
Ang paksa ng kuwentong " Ang Matanda at ang Dagat" ay katatagan ng loob sa gitna mga bagyo sa buhay.
Sa kuwentong ito, ipinakita ng matanda na hindi siya kayang talunin ng mga bagyo na dumaan sa buhay
niya. Oo nga at mahirap,hindi siya basta sumuko na lang. Sa kabila ng kanyang edad at kalagayan sa buhay,
mas pinili niyang lumaban kaysa sumuko ma lang kaya naman sa bandang huli, siya ay nagtagumpay.
IV. BISA
Ang kuwento ng "Ang Matanda at ang Dagat" ay nag-iiwan ng magandang kaisipan sa sa mga mambabasa.
Mapapaisip ang mga mambabasa kung paano ang tamang diskarte sa pagharap sa mga hamon sa buhay.
Sa kuwntong ito, ipinakita ng matanda ang talas at bikis ng kanyang pag-iisip noong makita niya ang
isadang merlin. Kaagad siyang nakaisip ng paraan kung paano mahuli ang isda.
V. MENSAHE
Ang mensahe sa nobelang Ang Matanda at ang Dagat ay pagharap sa realidad ng buhay.
Sa buhay marami tayong desisyon na dapat gawin para sa ating pansariling kaligayahan o para din sa
ikabubuti ng nakararami. Ngunit ang pagkamit nito ay hindi madali. Maaari tayong maharap sa suliraning
maaari lamang malutas sa hindi magandang paraan.
Ang teoryang realismo sa kwentong ito ay ang katotohanan na hindi sa lahat ng panahon ay malas at hindi
sa lahat ng panahon ay swerte. Na kung mananlig at mgsusumikap ka lamang, maaabot mo anv iyong nais
marating gaano man ito kahirap. Gaya na lamang ng matanda sa kwento, nakauwi parin sya ng matiwasay
sa kabila ng mga pagsubok na naranasan nya sa dagat.