Questions and Answers
Questions and Answers
Questions and Answers
1.
Ang idyoma o sawikain ay
o A.
May kahulugang hindi maaaring makuha o maunawaan sa literal na kahulugan nito
o B.
Isang pagpapahayag na kusang nalinang at nabuo sa lingguwaheng Filipino
o C.
May taglay na mga bagay na pangkultura: malarawan, mapagbiro, mapagpatawa,
pansosyal at panliteral na pagpapahiwatig ng kahulugan
o D.
Lahat ng mga nabanggit sa itaas
2.
Ang salawikain ay
o A.
Isang uri ng bugtong
o B.
Isang uri ng idyom
o C.
Kasabihang pamana ng mga ninunong Pilipino na nagpalipat-lipat sa mga labi ng
salinlahi
o D.
Birong may katotohanan
3.
Alin sa mga ito ang idyoma?
o A.
Nagbabatak ng buto
o B.
Nasa Diyos ang awa, Nasa tao ang gawa
o C.
Ang magalang na sagot ay nakapapawi ng poot
o D.
Pag di ukol ay di bubukol
4.
Alin sa mga ito ang salawikain?
o A.
Nagsaulian ng kandila
o B.
May krus ang dila
o C.
Mabulaklak ang dila
o D.
Daig ng maagap ang masipag
5.
Bakit importante ang sawikain at salawikain?
o A.
Hindi naman importante ang mga ito.
o B.
Ang mga ito ang nagpapaalaala sa atin tungkol sa mayamang tradisyon ng lahing Pilipino
o C.
Nakapapawi ng pagod ang mga ito kapag nabasa mo.
o D.
Nakaaaliw ang mga ito.
6.
Sabi ni Julia sa asawa, "Itaga mo ito sa bato. Kahit hindi nila ako tulungan, aangat
ang ating kabuhayan."
o A.
Mananaga si Julia
o B.
Tutuparin ni Julia nang walang sala ang kanyang sinabi
o C.
Pupukpukin ni Julia ang bato
o D.
Tatagain ni Julia ang bato
7.
Kung gusto mong maglubid ng buhangin, huwag sa harap ng mga taong
nakakikilala sa iyo dahil mabibisto ka nila.
o A.
Magsabi ng katotohanan
o B.
Magsinungaling
o C.
Maglaro sa buhanginan
o D.
Magpatiwakal
8.
Bakit hindi ka makasagot diyan? Para kang natuka ng ahas, a.
o A.
Namumutla
o B.
Nangangati ang lalamunan
o C.
May ahas na nakapasok sa bahay
o D.
Hindi nakakibo; nawalan ng lakas na magsalita
9.
Puro balitang kutsero ang naririnig ko sa kapitbahay nating iyan. Ayoko na tuloy
maniwala sa kanya.
o A.
Balitang sinabi ng kutsero
o B.
Balitang walang katotohanan
o C.
Balitang makatotohanan
o D.
Balitang maganda
10.
Naghalo ang balat sa tinalupan nang malaman niya ang katotohanan.
o A.
Matinding labanan o awayan sa pagitan ng dalawa o higit pang mga tao
o B.
Pinagsama-sama ang mga balat at tinalupan
o C.
Nagkaigihan
o D.
Nagkabati
11.
Napauwi kaagad galing sa Estados Unidos si Ricardo dahil nabalitaan niyang ang
asawa niya ay naglalaro ng apoy.
o A.
nagluluto
o B.
Nagpapainit
o C.
Nasunugan
o D.
Nagtataksil sa kanyang asawa
12.
Bulang-gugo si Tompet dahil anak-mayaman siya.
o A.
Mata-pobre
o B.
Galante; laging handang gumasta
o C.
Parating wala sa bahay
o D.
Laging kasapi sa lipunan
13.
Walang magawa ang mga kapitbahay naming makakati ang dila kaya’t maraming
may galit sa kanila.
o A.
May sakit sa dila
o B.
Daldalero o daldalera
o C.
May singaw
o D.
Nakagat ang dila
14.
Sa drama sa radyo, nasabi ni Don Felipe na malapit na ang pag-iisang dibdib ng
kanyang anak na si Alejandro at ni Marinela. Ano ang ibig sabihin nito?
o A.
Ikakasal na sina Alejandro at Marinela
o B.
Magkaka-anak na sina Alejandro at Marinela
o C.
Maghihiwalay na sina Alejandro at Marinela
o D.
Magiging magnobyo na sina Alejandro at Marinela
15.
Ang apat na anak nina Nita at Mark ay tinaguriang mga anghel ng tahanan. Ano
ang ibig sabihin nito?
o A.
Maliliit na mga bata
o B.
Magugulong mga bata
o C.
Malilikot na mga bata
o D.
Salbaheng mga bata
16.
Nang umuwi na ang mga bata ay nakabalik na sila sa sariling pugad nila. Ano ang
ibig sabihin nito?
o A.
Pugad ng kanilang ibon
o B.
Pugad ng kanilang mga manok
o C.
Sariling tahanan
o D.
Sariling kuwarto
17.
May utang na loob ang mag-asawang Nita at Mark kay Ginoong Agoncillo dahil sa
pagkakabalik ng mga bata. Ano ang utang na loob?
o A.
Utang
o B.
May pagbabayaran
o C.
Utang na pera
o D.
Utang na buhat sa kagandahang-asal o kabutihang nagawa
18.
Ang mag-asawang Mark at Nita ay parang aso’t pusa. Bakit sila parang aso’t pusa?
o A.
Hindi sila pantay ng laki
o B.
Lagi silang nag-aaway
o C.
Hindi sila nagbibigayan
o D.
Lagi silang naghahabulan
19.
Nag-alsa balutan ang magkakapatid dahil sa kanilang mga magulang.
o A.
Palipat-lipat ng tirahan
o B.
Nagbalot ng pagkain
o C.
Binalot ang gamit
o D.
naglayas
20.
Hindi pinagbubuhatan ng kamay ng mag-asawa ang kanilang anak.
o A.
Hindi pinagtatrabaho
o B.
Hindi inaakay
o C.
Hindi pinapalo o sinasaktan
o D.
Hindi pinaghuhugas ng pinggan
21.
Dahil sa nangyari, magbabagong-loob na raw si Nita pati na rin ang asawa niyang si
Mark.
o A.
Maliligo
o B.
Magbabago o magpapalit ng ugali o kuro-kuro
o C.
Magpapalit ng damit panloob
o D.
Magbibihis
22.
Habang maiksi ang kumot, matuto munang mamaluktot. Kung mahaba na at
malapad, saka na mag-unat-unat.
o A.
Hindi mo matatakpan ang paa mo kung maiksi ang kumot kaya bumili ka ng mahaba
para hindi ka nakabaluktot.
o B.
Lalamukin at giginawin ka kapag nagkumot ka ng maiksi.
o C.
Kung ano ang mayroon ka ay pagkasyahin mo muna. Saka ka na lang gumasta nang
malaki-laki kapag mas mayroon ka na ring mas maraming pera.
o D.
Huwag kang matulad nang nakaunat ang paa mo kung maiksi rin naman ang kumot mo.
23.
Hindi lahat ng kumikinang ay ginto Sapagkat may sarili ring kinang ang tanso.
o A.
Mag-iingat ka parati at huwag magpapadala sa taong akala mo ay may mabuting
kalooban. Maaaring ang taong iyon ay mabait lamang sa simula. Kilatisin mong mabuti
kung ang sinasabi niya ay ang katotohanan.
o B.
Huwag kang bibili ng alahas sa hindi mo kakilala. Baka ka maloko.
o C.
Kung may mapulot kang makinang huwag ka kaagad mag-akalang ginto iyon. Baka
mapeke ka lang.
o D.
Ang ginto at tanso ay parehong makinang.
24.
Bago ka pumuna ng uling ng iba, uling sa mukha mo’y pahirin mo muna.
o A.
Tanggalin mo muna ang uling sa mukha mo bago mo tingnan ang uling sa mukha ng
kaharap mo.
o B.
Maghilamos ka muna bago ka makiharap sa ibang tao.
o C.
Kakalat ang uling sa mukha ng ibang tao kapag ikaw ang nagpahid nito. Hayaan mong
siya ang maglinis ng mukha niya.
o D.
Bago ka magsalita nang kung anu-ano tungkol sa ibang tao, tingnan mo muna ang sarili
mo’t baka mas marami kang kapintasan.
25.
Matalino man ang matsing, napaglalalangan din.
o A.
Ang mga matsing ay matalino ngunit mas matalino sa kanila ang ibang hayop.
o B.
Kahit gaano ka man katuso o katalino, mayroon pa ring mas matalino o tuso kaysa sa iyo.
o C.
Ang matsing ay matalinong hayop na ayaw malamangan.
o D.
Kahit matalino ang matsing, puwede pa rin siyang maloko.
26.
Saan mang gubat ay may ahas.
o A.
Lahat ng kagubatan sa Pilipinas ay tinitirhan ng mga ahas at iba pang mga hayop.
o B.
Hindi nawawalan ng masasamang tao. Kahit saan ka magpunta ay may taong hindi
mabuti ang kalooban
o C.
Ang mga gubat ay pinamamahayan ng mga ahas.
o D.
Ang ahas ay magaling maglungga lalo na sa mga lugar na mapuno.
27.
Pag-aralan mong mabuti ang ugali ng isang tao. Hindi dahil mabait ito sa una
ninyong pagkikita ay talagang mabait ito. Huwag kang padadala sa matatamis na
salita o mabuting pakita kaagad.
o A.
Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
o B.
Hindi lahat ng kumikinang ay ginto Sapagkat may sarili ring kinang ang tanso.
o C.
Ang pagsasabi ng tapat, pagsasama ng maluwat.
o D.
Saan mang gubat ay may ahas.
28.
Ang batang laki sa layaw ay lalaking suwail, walang galang at walang
pagpapahalaga sa kapwa niya.
o A.
Ang pagsasabi ng tapat, pagsasama ng maluwat
o B.
Matalino man ang matsing, napaglalalangan din.
o C.
Anak na hindi paluhain, ina ang patatangisin.
o D.
Bago ka pumuna ng uling ng iba, uling sa mukha mo’y pahirin muna.
29.
“Nay, gusto ko na pong bumalik sa inyo. Hirap na hirap na po ako sa buhay may-
asawa.”
o A.
Akala ni Kapaho: ang pag-aasawa’y biro; kanin bagang isusubo’t iluluwa kung mapaso.
o B.
Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
o C.
Hindi lahat ng kumikinang ay ginto Sapagkat may sarili ring kinang ang tanso
o D.
Saan mang gubat ay may ahas.
30.
Sinabi ng lalaki ang totoo sa kanyang asawa na magbabago na siya at hindi na niya
gagawin ang ginagawa niyang hindi maganda
o A.
Matalino man ang matsing, napaglalalangan din.
o B.
Tulak ng bibig, kabig ng dibdib.
o C.
Saan mang gubat ay may ahas.
o D.
Ang pagsasabi ng tapat, pagsasama ng maluwat.
31.
Kahit kailan daw ay hindi niya magugustuhan ang lalaking iyon. Hindi raw niya tipo
ito.
o A.
Bago ka pumuna ng uling ng iba, uling sa mukha mo’y pahirin mo muna.
o B.
Ang pagsasabi ng tapat, pagsasama ng maluwat.
o C.
Tulak ng bibig, kabig ng dibdib.
o D.
Habang maiksi ang kumot, matuto munang mamaluktot Kung mahaba at malapad,
saka na mag-unat-unat.
32.
Ang taong sumasagot sa mga katanungan sa pakikipanayam ay tinatawag na
__________.
o A.
Tagapanayam
o B.
Tagapag-ulat
o C.
Paksa
o D.
Kinakapanayam
33.
Ang taong nagtatanong sa pakikipanayam ay tinatawag na _________.
o A.
Tagapanayam
o B.
Tagapag-ulat
o C.
Paksa
o D.
Kinakapanayam
34.
Alin sa sumusunod ang bukas-sa-dulong katanungan?
o A.
Ano ang iyong gagawin sa ating suliranin sa basura?
o B.
Maari ka bang dumalo sa lahat ng counseling session?
o C.
Ikaw ba ang magiging bagong puno ng konseho?
o D.
Iaapela mo ba ang desisyon sa iyong kaso?
35.
Ang mga katanungang ibinibigay sa kinakapanayam upang higit niyang
maipaliwanag ang kanyang kasagutan ay tinatawag na ____________.
o A.
Patapos na katanungan
o B.
Panunod na katanungan
o C.
Saradong katanungan
o D.
Wala sa nabanggit
36.
Pinagtibay na batayan ng ating wikang pambansa ang Tagalog
dahil .
o A.
Ito ang salitang ginagamit sa Maynila, ang punong-lungsod.
o B.
Ito ay mas mabuti kaysa Ingles at Espanyol, na mga dayuhang salita
o C.
Karamihan sa mga hukom na nasa Asembliyang nagpatibay sa ating wikang pambansa
ay mga Tagalog
o D.
Ito ang salitang ginagamit ni Pangulong Quezon
37.
Mas mabuting
o A.
Gamitin ang Filipino bilang tanging paraan ng pakikipag-usap sa buong bansa
o B.
Gamitin ang Filipino o Ingles ayon sa pangangailangan
o C.
Gamitin ang Ingles lamang
o D.
Huwag gamitin ang Ingles o Filipino
38.
Sino ang itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa?
o A.
Francisco Balagtas
o B.
Jose Rizal
o C.
Manuel L. Quezon
o D.
Jose Palma
39.
Mahalagang magkaroon ng wikang pambansa dahil ito ay
o A.
Nagpapaunlad ng pagkatuto sa pamamagitan ng interaksyon ng guro at mag-aaral
o B.
Nagbibigay-daan sa epektibong pagpapalitan ng mga kaisipan at impormasyon
o C.
Nagbibigay-daan upang magkaroon ng interaksyon ang mga ito
o D.
Lahat ng ito
40.
Ang iyong lokal na diyalekto ay ______________________ Ingles at Filipino.
o A.
Di gaanong singhalaga ng
o B.
Mas mahalaga kaysa
o C.
Singhalaga ng
o D.
Dapat mapalitan ng
41.
Narinig mo ang isang babaeng humihingi ng saklolo dahil inagaw ang kaniyang bag.
Ang bitaw ng kaniyang boses ay maaaring...
o A.
Litong-lito o halos histerikal
o B.
Masaya at natutuwa
o C.
Malungkot at halos maiyak
o D.
Nagsasaya
42.
Habang kumakain sa isang restoran, natapunan ng weyter ng isang basong tubig
ang kaibigan mo. Ang bitaw ng boses ng kaibigan mo ay maaaring...
o A.
Kampante at may tiwala
o B.
Gulat at galit
o C.
Masaya at kuntento
o D.
Galit at napahiya
43.
Nahuli ng pulis ang isang mama sa isang lugar na bawal pumarada. Upang
makumbinsi ang pulis na di siya binigyan ng tiket ng paglabag, ang bitaw ng boses
ng hinuli ay dapat maging...
o A.
Ninenerbiyos at nalilito
o B.
Mayabang at nanghahamon
o C.
Pautos at pasigaw
o D.
Magalang at humihingi ng paumanhin
44.
Minamadali ng isang empleyado ang isang mahalagang ulat para sa kaniyang boss.
Pero nagluko ang kompyuter at ang puwede lamang na magamit na printer ay
yaong sa kaopisina niya na walang minamadaling trabaho. Habang papalapit ang
empleyado para makiusap na gumamit ng printer ng kompyuter, ang dapat
nangibabaw na boses ay...
o A.
Pautos
o B.
Mapagkaibigan at kalugod-lugod
o C.
Magalang
o D.
Malamig sa pakikipag-usap
45.
Nangangahulugan ito ng pagkakaroon ng mabisang tinig.
o A.
Mabisang pakikinig
o B.
Mabisang pag-iisip
o C.
Mabisang komunikasyong pasalita
o D.
Mabisang kakakayahang pangmatematika
46.
Nilapitan ng guwardiya ang dalawang nagtatalo sa harap mismo ng kaniyang
puwesto. Sinikap ng guwardya na ayusin ang alitan. Ang tono ng boses ng guwardya
ay:
o A.
Boses ng awtoridad at nagmamando
o B.
Diplomatiko at mapagkasundo
o C.
Mapagkaibigan at masigla
o D.
Ninenerbiyos at nanginginig
47.
Katangian ng tinig na magpahiwatig ng damdamin
o A.
Pitch
o B.
Kalidad
o C.
Bilis
o D.
Bolyum
48.
Hindi magandang pakinggan ang tinig ng iyong kaibigan. Kailangan niyang
pagandahin ang ________ ng kaniyang tinig
o A.
Pitch
o B.
Kalidad
o C.
Bilis
o D.
Bolyum
49.
Tumutukoy ito sa lakas o hina ang iyong tinig.
o A.
Pitch
o B.
Kalidad
o C.
Bilis
o D.
Bolyum
50.
Ito ang katangian ng tinig na tumutukoy sa tulin o bagal ng pagsasalita.
o A.
Pitch
o B.
Kalidad
o C.
Bilis
o D.
Bolyum
51.
Kung malakas ang iyong tinig, maaaring isipin ng mga tao na____________.
o A.
Galit ka
o B.
Interesado ka sa paksang tinatalakay
o C.
Naiinip ka sa mga taong nasa paligid mo
o D.
Marami kang nalalaman hinggil sa paksang tinatalakay
52.
Ang pitch o taas ng iyong tinig ang nagpapakita sa _________.
o A.
Damdamin
o B.
Kaalaman hinggil sa paksang tinatalakay
o C.
Kakayahang ayusin ang sigalot
o D.
Kakayahang magpasiya
53.
Ang bilis ng iyong pagsasalita ay tumutukoy sa ___________.
o A.
Tulin at bagal ng iyong pagsasalita
o B.
Husay mo sa paggamit ng mga salita
o C.
Iyong kaalaman hinggil sa paksa
o D.
Kakayahang mag-ayos ng mga sigalot
54.
Ang bolyum ay tumutukoy sa .
o A.
Bilis ng iyong pagsasalita
o B.
Lakas o hina ng iyong tinig
o C.
Kaalaman hinggil sa paksang tinatalakay
o D.
Kakayahang mag-ayos ng mga sigalot
55.
Ang mapitagang pananalita ay nakatutulong sa ____________.
o A.
Paglutas ng mga sigalot
o B.
Paglala ng mga suliranin
o C.
Pagpapagalit sa isang tao
o D.
Pagkasira ng usapan
56.
“O pagsintang labis ang kapangyarihan, Sampung mag-aama’y iyong nasasaklaw,
Pag ikaw ang nasok sa puso ninuman, Hahamakin ang lahat masunod ka lamang.”
Ito ay halimbawa ng
o A.
Tula
o B.
Talumpati
o C.
Talata
o D.
Parabula
57.
Ito’y mahabang salaysay na sumasaklaw sa sumusunod na mga sangkap: tauhan,
lugar, balangkas at mga pangyayari. Alin sa mga sumusunod ang tinutukoy dito?
o A.
Talumpati
o B.
Epiko
o C.
Nobela
o D.
Awit at korido
58.
Ito’y mga kuwentong bayan na ang mga tauhan sa kuwento ay mga hayop na
kalimitan ay kapupulutan ng aral. Ano ito?
o A.
Nobela
o B.
Epiko
o C.
Pabula
o D.
Elehiya
59.
Ito ang maapoy na nobelang sinulat ni Dr. Jose Rizal laban sa mga Kastila.
o A.
Noli Me Tangere
o B.
Kahapon, Ngayon at Bukas
o C.
Doctrina Christiana
o D.
A Fly in a Glass of Milk
60.
Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa isang pagpapahayag ng kuru-kuro o
opinyon ng mga akda?
o A.
Sanaysay
o B.
Alamat
o C.
Nobela
o D.
Pabula